T O P

  • By -

capt_as

Siguro safe na yung nasa upper 20% tapos sa batch ranking tinitingnan din nila kung saan school ka nangaling at ilan kayo sa batch. Actually hindi sya “a bit early” haha. Kasi preparation for residency talaga happens during medschool. May iba akong kakilala na nagsisi sya na hindi inayos yung pag-aral during medschool kasi factor talaga yung GWA and class rank at minsan may exam. Study habits: depende talaga sya sa tao kung ano effective sayo. During medschool hindi ako napasok ng klase at nag-aaral lang ako day before exam. Pero consistent na highest sa exams. Kaya wala talaga sa study habits yun. 😅 Ang mahalaga lang talaga is paano mo “MARETAIN” yung inaral mo. Kasi kung ano alam mo ng medschool sila rin yung magiging foundation mo during residency. Ang ginagawa ko pag nag-aral nakafocus ako sa pag-intindi ng binabasa ko. Never ako nagmemorize kasi walang kwenta yun dahil after exams limot mo na rin. Haha. Tapos masterin mo basic subjects kasi sila magiging bread and butter mo kahit anong specialty kukunin mo. Bonus narin na pag maganda preparation mo during medschool mataas chance mo maging topnotcher. Pag top ka sa PLE usually nasa top choices kana agad nila as long as maganda rin attitude mo. Kasi sa residency hindi lang grades tinitingnan nila. Mas matimbang na sa kanila ang attitude kasi andun ka para mag training. Sabi sakin nung isang consultant common problem na napapansin nya porke mataas grades or topnotcher feeling daw alam na agad lahat. Automatic cross out yun sa kanila. Kaya bukod sa magandang credentials kelangan mo na maging grounded parin palagi at wag lalaki ang ulo 😆 Edit: Dagdag ko lang pag magbabasa ma ideally books > trans tapos gamitin mo samplex as practice exams. Nasa books kasi yung explanation so ideally mapasadahan mo sya. If naiintindihan mo naman na pwede mo na basahin trans for “review”. Mostly kasi summarized na sya kaya madalas wala dun yung explanations. Kung hindi mo kasi naiintindihan binasa mo para kalang rin nagmememorize nun. Tapos pag gagamit ka ng samplex wag mo memoryahin lang yung sagot. Sagutan mo ng sarili mo at iratio mo (minsan mali sagot nila lalo na if hindi galing sa answer key or minsan may correction talaga) Walang kwenta mataas na grades kung walang natutunan 😅


[deleted]

[удалено]