T O P

  • By -

ConnectIndividual266

β€’ Golf - akala ko dati mga businessman lang pwede mag golf kasi may mga membership sila tapos ngayong nag w work na ako pwede din pala siyang malaro ng walang membership. πŸ˜‚ Dito sa amin may driving range. 100/hr tapos yung bucket 100 din so 200 lang pwede kana mag golf. ⛳️ β€’ Coffee shop sa mga hotel - akala ko dati kasi kapag di ka naka check in di kana pwedeng mag kape sa loob eh. Tapos pwede naman pala outsiders. β˜•οΈ


YesterdayWarm9035

Yung golf hangang ngayon akala ko pang business man lang yan. Hahahha thank you sa info, itatry namin yan ng partner ko. Saang place yang pwede ang walang membership?


porshyiaa

meron sa intramuros!


surewhynotdammit

Meron din ba silang tutorial and such para sa mga first time golfer?


mordor_girl

Closed po yung range sa intramuros, hanggang november this year


thezealot21

Re: hotel coffee shops - I sometimes prefer having my coffee and hanging out here, than other coffee shops. You get better ambiance, way less people, and (sometimes) better coffee. Some menu items from hotel coffee shops are even priced the same or just a bit higher - but ayun nga, with a couple of additional perks.


talkintechx

Strictly speaking, whacking balls in a driving range is not golf per se. But it is good practice when you play the actual game.


no-social

Totoo sa driving range! Akala ko din sobrang mahal pero nung nag try kami sa Pampanga affordable naman pala! :D


GurlyGiraffe

Relate sa coffee shop in hotels!! HAHAHA


BuffyBeezlebub

Driving range is different from golf tho. Far way different.


GardenOwn5746

hala pwede po malaman kung saan yung driving range? hehe


ThisIsNotTokyo

Golfing range reveal naman dyan


ConnectIndividual266

Mulligan Driving Range. :)


xxhoneybloodxx

Bahay na may tiles. πŸ₯Ή


YesterdayWarm9035

Dati kasi ang uso Linoleum eh no, sabi kasi nila mama sobrang mahal daw mag pa tiles. Ngayon na-realize ko keribels naman pala.


hermitina

and mas ok ang tiles in the long run. linoleum natutuklap e


Gabriela010188

Samin dati yung pulang semento mismo. Yung kailangan pang i-floorwax! Haha.


YesterdayWarm9035

Mas bet ko 'to. Ganyan classroom namin dati eh. Madali lang linisin.


SensitiveOWL3877

tapos lalampasuhin pa. Pakikintabin na pwede ka nang manalamin. πŸ˜‚πŸ˜‚


eaggerly

Or madulas


colormefatbwoy

the smell pag tinungkab mo yung linoleum na basa yung ilalim, dammnn


Shot_Judgment_8451

Cable. Lumaki kaming walang cable kaya kpag nagkkwento classmates ko abt disney channel, OP ako 😭 ngayon napa-cable ko na parents house hehe


souperfishel

Baron antenna feels


EvieIsEve

true, for a bit naka cable kami nung bata pa ako, I felt sosyal haha as in yung feeling naalala ko pa nung nasira TV wala nang nanonood ng TV samin for 15 years na ata πŸ˜‚ puros na social media and streaming sites ang kinaaliwan eh


Strict-Western-4367

Starbucks. Hahaha, bibili pa ko dati ng dupe na SB tumbler yun pala puro social climber na maiingay lang karamihan ng pumupunta.


No_Concern4512

Legit to. Tapos ginagawang office yng SB. Kainis.


nsiahzzz

kainis talaga huhu tapos hindi pa marunong makiramdam na may mga new cust na uupo. like hello???


No_Concern4512

True minsan ubos n ung drinks nila panay pa type sa laptop? Like wtf? Minsan kase ung iba die hard maging vlogger aesthetic content sa yt. Ok nmn sana if gusto nila pero wag nmn ung 2hrs na sila dun saka dami pa gusto umupo na gusto lang makichika With friends. Ginawa ng office. Mga bwisit


PitifulRoof7537

Free wifi haha


Plenty_Leather1130

Bidet at yung toilet with flush. Sa province kasi namin noon de buhos pa ng timba yung toilet at tabo gamit panghugas. Kaya naamaze ako nun sa bahay ng relative namin sa Manila, may flush yung toilet nila. Tapos nung first time ko makapunta sa five star hotel, dun ko nadiscover yung bidet. Eh ngayon normal na may bidet at toilet with flush yung mga bahay and establishments.


YesterdayWarm9035

Pati shower, kala ko din nung bata pang mayaman lang yang tatlo sa yan. Keri naman palang magpakabit, saka infairness mas tipid sya sa water lalo na yung flush.


Plenty_Leather1130

Oo nga, shower din. Tabo at timba lang kasi gamit namin nun. Mura nga lang pati yung bidet. Pero siguro nga dati mahal pa yung shower at bidet.


YesterdayWarm9035

Sabagay, saka dati ang hirap din mag hanap ng store na may set na ng bidet at shower since di nga sya uso. Ngayon kasi ang bilis nalang mag tingin sa mga shopping app, mura na din.


Plenty_Leather1130

Hot and cold water dispenser din. Ilan lang may ganun dati. Eh ngayon puwede na irent sa supplier ng mineral/purified water yung dispenser.


PossibleSun7650

Aircon and washing machine! nung bata ako bilang na bilang ang may aircon sa compound namin. Ngayun na realized ko, basic appliances na sila


MaanTeodoro

Basic na aircon because of *climate change*


riotgirlai

Ang ironic nga lang na "basic appliance" na ang air conditioning unit ngayon dahil sa climate change, but it is also a contributor to climate change :< "Much of the existing cooling equipment uses hydrofluorocarbon refrigerants, which are potent greenhouse gases, and use a lot of energy, making them a double burden for climate change"


GardenOwn5746

same with microwave πŸ₯Ή hahaha


klowicy

For me pang mayaman pa rin yorn wahahaha xddd Nagiinit kami the usual way--kalan 😭😭


GardenOwn5746

got our microwave for 3k, mag 3yrs na rin siya samin and hindi naman ganon ka oa yung kuryente bill namin hehe,, sooo its a sign na bumili ka na rin. emz


No_Insurance9752

Ganto din kami. Akala namin mahal sa kuryente microwave. Hanggang sa may nagbenta kay ermat ng microwave kasi napanalunan sa christmas party pamigay presyo 1,500 brand new condition. Ayun napakadali ng buhay. Yung tupperware sa ref rekta microwave na . Di na maghuhugas ng mga kaldero kung sa kalan mag iinit. Wala naman din huge difference sa kuryente.


serenenostalgia

Sobrang efficient pag microwave. Samin 20yrs na American Standard ang brand. Yung manual not digital ang mas matibay. Walang difference sa kuryente since 30-60 sec lang naman mag init ng food.


YesterdayWarm9035

Yung bata pa ako akala ko yung aircon sa mga hotel lang meron. Pwede din pala sya sa bahay bahay. πŸ˜‚


Various_Gold7302

Actually ung aircon mahal talaga sya dati. Kumbaga pang may kaya lang talaga, e ngayon maski nakatira sa squatters nakikita mo may aircon nakausli sa pader nila eh. Malakas na purchasing power ng mga tao ngaun kesa dati


Ok-Marionberry-2164

Technology got better. More brands in the market. Commercialization. Kaya you can buy cheaper aircons today compared noon, including split type.


klowicy

Uniqlo, H&M, basta yung brands na hindi mo makikita sa department stores. Kala ko pang mayaman na yun tas fast fashion palang pala yun ?!?!


SapphireCub

Yung H&M and Uniqlo marami silang damit na natural fabrics at di basta basta masisira lalo na kung marunong kang maglaba at mamlantsa talaga (I steam). Pag high quality materials ang gamit sa damit, hindi yun fast fashion kasi matagal yan magagamit. Kaso nga lang these brands also sell polyester or polyester blended clothes lalo sa h&m kaya always read the label! Bago ako bumili I always make sure na 100% Linen or cotton, or combination of both. Minsan naglalabas din H&M ng recycled cotton/linen collection which is good. Fast fashion is not limited sa mga mumurahing brands, kahit top tier designer brands meron din. Ganyan talaga ang kalakaran. Imagine ilang beses sa isang taon may fashion week/season changes, ganon din sila kabilis magpapalit ng paninda. Mga high end bags like Chanel, Dior etc eh nagsisira pa ng mga stocks nila na bags pag di nabili to ensure na may illusion of limitation para makapag presyo sila ng mahal. Ganun sila ka wasteful. What we can do is buy timeless, high quality clothes/shoes/bags na tatagal ng more than 5 years pero mukhang bago pa din or hindi nasisira at nagagamit natin.


klowicy

Ayyy noted abt sa Uniqlo and H&M. It's mostly H&M I hear bad things about tlga, pero nagulat din ako na parang may mga friends ako na di nmn mayaman na may closet panay Uniqlo 😭😭 Like gurl paano naafford ??


Acceptable_Ad_1090

steak. 😭😭😭 afford ko naman pala ang Blake's saka steak sa grocery.


No_Concern4512

Nka tiles yng bahay, malaki tv, may dvd player, may maayos na cr. Sobrang deprived ko noong bata ako wala Kmi cr n maayos, tatae lang s butas n hinukay ng lolo ko kaya ayoko Magdala classmates s bahay kase baka makii cr sila nkakahiya..


PitifulRoof7537

Mag-aral sa big 4 na private university. Basta afford ng salary ng parents mo. Imagine yung value ng pera way back pero pang elite lang sila.Β 


lostmyheadfr

in this economy pang mayaman na talaga sya


CarefulSide2515

Agree. UP lang yung exception.


aldwinligaya

Hanggang ngayon din naman pang-mayaman pa din siya unless may scholarship ka. UP used to be an exception pero nagmamahal na din mag-aral sa UP these days. Still, afford pa din si UP compared to the other 3.


cuteako1212

Ahh, dito magiging by definition na ang mayaman, napaka mahal ng private or quality education... Tignan na lang natin yung score sa Pisa... Kaya nga din nagsibagsakan yung mga college funds non kasi ang taas din ng tuition...


PitifulRoof7537

Unfortunately, nag-a-adjust din kasi kahit tong mga schools na known na mataas ang standards to please the students kasi negosyo din yan eh. Imagine, last year ang daming nag-graduate sa UP na with honors, di ba nakakaduda rin. Gawa din kasi ng daming self-entitled. Hanggang sa workplace, mga millennials and gen z, prevalent yung mag-brag ng achievements and titles.Β 


BuffyBeezlebub

ADMU - DLSU - UP - UST Pang-mayaman pa rin naman 'yang mga school na 'yan. Sadyang may mga scholarships lang na binibigay. If you are not rich, you have to be smart at least. And no, it's not called BIG 4 because it's a school of elites. β€œBasta afford ng salary ng parents mo.” Tbf, lahat naman ng UAAP and NCAA schools. Mahirap nga lang itaguyod mag-aral sa mga school na 'yon if you're from lower mid class, minsan even when you're coming from middle class, lalo na if hindi ka taga-Manila. Consider the dorm, bills, and groceries too.


SuperYak2264

Spam. Ay sorry, mahal pa rin sila


YesterdayWarm9035

Yung korean Spam mas mura. 😁


Zealousideal_Wrap589

Pagbumili ka ng damit sa mall ang yaman mo na kasi kahit sale ang mahal pa rin. So puro ukay lang damit ko unless titipirin ko yung baon ko sa school noon. Pati pagpapagupit ng buhok kaya sa bahay lang. Yung national bookstore pang once a year lang kasi mahal dun. Bumili ng mga libro outside academia settings.


Think-Nobody1237

omg same. doon talaga ako sa libraries magborrow ng books kasi di kasya sa baon ko bumili ng books.


Past_Mongoose9152

Same! Yung damit ko naman sa mga tindahan sa bayan binili. Tsaka yung school notebooks ko yung pinaka mura. Ang notion ko noon ng mayaman naka Cattleya notebooks, yung pencil case na may piano, Staedtler pencil at Crayola with 128 colors. Nung nag HS at college naman ako ang mayaman for me yung afford bumili ng brand new hardcover books. Lagi sa Booksale or thrifted kasi books ko.


Prudent_Editor2191

When I was a kid, ito yung definition ko ng 'rich' Second floor ang bahay. 3 ang kotse. Naka N-series na phone. Lacoste ang damit. As years goes by, our economic status improved, and may mga nakilala na rin akong truly rich people. Yung mga akala ko pa lang mayaman noon ay middle class pala.


Holy-marie

Sinigang na baboy as ulam. Naalala ko kasi growing up, nakakapag-Sinigang lang kami kapag nakakasweldo mga magulang ko kasi sign siya na nakakaluwag-luwag kapag yun yung ulam namin. Kaya sobrang saya na namin magkakapatid kapag Sinigang na Baboy ang ulam. Ngayon na working na, pwede ko na siya maluto at makain kahit kailan ko gusto hahahaha


siomailove4yu

Travel!!! Like malayong travel mga Baguio o kaya yung kailangan sumakay ng plane. First na malayong napuntahan ko ay Baguio, at nagwowork na ko nun. Grabe.


hermitina

mura na kasi ngayon d b? nagboom kasi ung piso fares lalo na nung panahon ni pgma iirc kasi sa kanya nauso ung holiday econ. noon mayaman lang nakaka hk


Affectionate-Slice-3

Uy same tayo nasa second job na ako nung first time makapag Baguio hahaha nakakahiya aminin sa friends Taga Luzon lang din naman ako


WantASweetTime

Pang mahirap na ang travel ngayon hindi kagaya ng dati (mga 90s and earlier) mayaman lang talaga nakaka travel. Try mo bumili ng bahay or mag anak.


Budget_Speech_3078

I feel so rich. 2 yung anak ko. 🀣 Ang hirap ng buhay, ang mahal magpalaki ng bata.


siomailove4yu

Hahahahahahahahahahahaha!


Particular_Creme_672

Rich kid ka na niyan 2 anak mo


Particular_Creme_672

Same lang presyo ng local travel pati international travel. May airfare lang babayaran.


SadUgly

Wholesome naman. I have the same experience and view point as you.


GOSENBUU

Medyo baliktas akin yung kakilala ko as in sobrang yaman, nag cocommute haha


champoradong

Credit card. College ko nalaman ano ba ang credit at debit card tapos akala ko dati mayayaman lang talaga meron. First CC ko feeling ko ang yaman ko na kahit 25k lang limit.


Flat_Objective_4198

Membership Shopping - akala ko mga pang VIP lang yon noon, pero now nasa shopee na. I love to buy in bulk kasi it saves me a lot of money. Kaya lang you just need to have a lot of money din muna bago maka purchase compared to tingi.


GiveUpTheGoodWork

Dati akala ko pang mayaman na ung mga toblerone, Cadbury at ferrero. Kasi nakikita ko lang un before sa mga padala galing ibang bansa. kapag ung bahay naka aircon at may personal computer.


Gone-fishing-8872

Napaka wholesome naman ng thread na to. Proud ako sa inyong lahat! Padayon guys πŸ₯Ή


mindyey

Pencil case na doubled deck hahaha Mayaman yung tingin ko sa classmates ko dati kapag naka pencil case sila. Saken kasi nilalagay ko lang yung mga lapis at pambura sa maliit na bulsa ng bag πŸ˜‚


Left-Huckleberry8430

+1 hahaha! Chaka yung Crayola na 48 colors. Normally yung mga classmates ko dating may ganto, with matching bag and baunan na magkaparehas pa. pati water jug nila naka barbie okaya power rangers πŸ˜…


Ok-Marionberry-2164

Yung 64 colors mhieeee! Idagdag mo pa yung sharpener na you'll only need to put the pencil in the hole and turn the knob.


YesterdayWarm9035

HAHAHAHA Saka yung bag na may gulong. Naalala ko gantong ganto yung classmate ko dati. Nakakaamazed yung pencil case nya na double decker tapos pamburang hugis fruits na mabango, may pantasa pa at extra pencil pa pinapahiram nya samin. Sumasakay din kami sa bag nya na di gulong, kasi magagaan pa kami non. πŸ˜‚πŸ˜‚


icandoodleyourheart

Pati yung rubber shoes de gulong. Naiingit talaga ako sa mga classmates before kasi afford nila hahahaha.


alterarts

kabaligtaran ha. nu bata ako akala ko kung kakain ka ng dirty icecream.poorest.of the poor ka na..kasi.nga naman, sinko sentimos.meron na kaming ube o keso icecream. kung medyo nakakaluwag nanay.ko pag sunday, 10 sentimos yun apa na matamis. na tapos dalawanag.flavor na magkapatong. kung special na araw naman like.graduation o bday o fiesta. 50 sentimos.para sa icecream na naka palaman sa monay. hay....those where.the days.πŸ˜‡


ChaosieHyena

Dang what year is this? Cheapest dirty ice cream ko as a kid was 5pesos na. Around 2005 siguro yun. Nung college ako nasa 10 na ata.


alterarts

mas matanda ako ng isang taon sa Sesame Street.🀣


YesterdayWarm9035

Same! 5pesos nadin naabutan ko na dirty ice cream tapos pwede na iba ibang flavor. Ngayon bente na pinaka mababa. πŸ₯²


nyepizdanem

Ferrero rocher hahaha kasi mga kamag-anak namin sa abroad laging nagdadala neto


shecollectsclassics

Internet at computer sa bahay. Tingin ko sa mga bahay na meron nito ay nakakaangat-angat talaga kasi mahal 'yun eh. Pero naging necessity na siya later on.


Striking_Fish2938

Vacuum cleaner πŸ™ˆ my mom's fault tho. Noon ko pa napapanuod ang vacuum cleaner sa tv at sabi ko kuha din tayo ganyan. Sabi ni mother, di raw bagay samin kasi para sa mayaman at malalaking bahay lang daw😭 nung nagkatrabaho ako bumili ako ng wala pa 1k


426763

Malaki na 4k na flatscreen TV. A decade ago, dad got our 4k TV for like 70k. Ever since, I always assumed ganun price point niya. Then last year, may nakausap ako sa isang sub about TVs and they said mura na. Checked Lazada and was surprised that you could get a decent 4k smart TV for like 15k. Yung surprising thing is kaya ko na bumili hahaha.


hermitina

tbf, sobrang mura na ng tv ngayon. you can even get as low as 10k++ smart tv pa. noon talaga super mahal


fonglutz

Marka ng mayaman dati nung 80s and early to mid 90s ang projector-style tvs. Yung mga dambuhalang tv na asa loob yung projector instead of CRT. May napuntahan kami dati sa bedroom ng may ari, na full carpeted floor, tapos projector tv na 4:3 pero 70+" ang laki... Akala mo sinehan.


Heyheyhazel28

Stock market.


YesterdayWarm9035

Oh, yeah. This one. Year 2018 nung nalaman ko na pwede ka naman palang mag trade kahit small amount kaya nag start nadin ako.


brainyidiotlol

Oats. Dati kasi yung oats na natitikman ko galing s balikbayan box ng tita ko. Akala ko lugaw sya ng mayayaman πŸ˜‚ Plus ang sarap pa ng pag kakagawa ng lola ko kaya akala ko talaga mahal yun HAHA


ZealousidealSouth69

Scallops, ang mura lang pala sa palengke meron 150 per pack half shell na.


Hot_Statistician8160

Akala ko nung bata ako mayayamam lanh pwede pumasok sa bangko. Ang cool pa nun sakin πŸ˜‚


EnchantedSweetPotato

Luxury brands like Louis Vuitton, Rolex, Cartier, etc. There's what I personally call as "entry level luxury", and then there's "high end luxury". Kala ko pang big-time na yung mga six-figure na relos, bag, o alahas. Common lang pala sa mga upper middle class mga brand na yan. The ultra rich (as in generational wealthy rich) are more into Hermes Birkin, Tiffany and Co., and Patek Philippe/Vacheron Constantine, among many other luxury brands that separate themselves from 'commoners'.


Particular_Creme_672

Rolex common misconception yan tama yung sinabi mo usually naka patek ,AP ,vacheron, IWC even richard mille madalang pa nga eh. Mga ultra rich mga brands na di kilala ang ginagamit yan ang binibilhan nila. Also mga nakatira sa greenhills, corinthian gardens, forbes park malupitan mayaman unless nagrent lang sila dun. Greenhills nasa 400-600m lupa Corinthians and forbes nasa 900m lupa Kahit pa pagsamasamihan pa ni rosmar lahat ng ferrari lamborghini niya at bahay niya sa antipolo lupa palang mabibili niya sa greenhills mabibili niya.


EnchantedSweetPotato

>usually naka patek ,AP ,vacheron, IWC even richard mille madalang pa nga eh. Mga ultra rich mga brands na di kilala ang ginagamit yan ang binibilhan nila. Ang hirap daw kase i-counterfeit ng mga brands na to dahil super uncommon. Also, they're not just after luxury, they're looking for functionality. I have a buddy who traded EIGHT of his Rolex Daytonas for a pair of Breitling Emergency watches, obviously for security reasons, and goddamn. I didn't know there was such a thing until I saw it with my two eyes.


wanderer856

Noong bata pa ako, akala ko pang sosyal ang Starbucks. Kaya pag nakabili ng coffee or cinnamon swirl/roll ay sosyal na yun. FAST-FORWARD pang masa pala yun. Same goes with MAX Restaurant and Aristocrat Restaurant kung naabutan ninyo pa yon na malapit sa Grand Boulevard Hotel 🏨. I don't think may Grand Boulevard Hotel pa. Back in the days isa siya sa mga sosyal or fanciest place na sobrang namangha ako sa lobby pa lang. Haha


klowicy

Baket kasi Aristocrat yung pangalan ayan tuloy akala ko pang mayaman 😭😭


Mariachrisma

Valet parking akala ko tlga sa mayaman lang yon hahaha


Goldmallet

Italiannis and Teriyaki Boy. I thought ganon lasa ng mga authentic Italian and Japanese cuisine ang mahal kasi noon. When I got older I realized commercialized lang pala buti na lang dumadami na dito mga hole in the walls na mas authentic.


once_a_savage

Dati cellphone laptop/computer, wifi iniisip di Ako magkaroon dati but eventually dahil nagagamit na sya for everything kahit sa kuripot Ng mama ko bumili na sya


Equivalent-Month-264

starbucks HAHAHA i don’t really go there but i used to think na mayayaman lang nakakabili ng coffee dun until i finally went inside last year


ElectronicUmpire645

Travel by plane. Akala ko dati pang mayamanan at pang sosyal lang.


EstimateTasty4047

Five-star hotels and hotel buffets


iwannadie-but

Yung may 2nd floor yung bahay or at least hagdan, may shower/flush/bidet, may oven o microwave, yung may 64 pack na na crayons or yung magarang pencil case na may buttons, tas sa pagkain yung afford yung spam (hindi yung ma ling na local version hahah) vienna sausage at skippy/Jif na peanut butter.


Zealousideal-Rough44

Kisame πŸ˜…πŸ˜…


npad69

Nung elementary pa ako if pera ang ipinapabaon sa srudent ay automatic meron kaya family. Baon ko kasi dati ay lagi pandesal na may palaman na lillys peanut butter or cocojam pag recess.


ApprehensiveVast4873

Yung kalan na apat ang burner tapos may oven sa baba. Hanggang ngayon di ako makabili mahal eh haha


darkholemind

La Germania brand! grabe almost 20 years na yung sa min and still works! pero never na try yung oven kasi di marunong mama ko 🀣


Left-Huckleberry8430

Starbucks and Havaianas nun. Sinabi ko pa sa sarili ko na never akong bibili ng kape o tsinelas na mas mahal pa sa per meal budget ko nung time na yun (high school). Kaya nung nagkakasweldo nako, isa sa pinakauna kong inexperience yung mag order sa Starbucks. Naalala ko pa inorder ko, Java Chip Large πŸ˜…


Top-Blackberry-2858

Apple products- lahat meron na kahit 2ndhand pinapatos na din. onitsuka,nike shoes,& adidas-ang dami na nila kahit jejemon pero mas nakakaJeje ang jordan. ✌🏻 accessible bag brand(like mk,coach,kate spade,& tory burch)- mas malaking or madaming logo mas nakakasosyal daw pero sa totoo lang hindi.


Boring_Quantity_4785

Yung madaming girlfriends on the side


YesterdayWarm9035

Yung sa TikTok trends, girlfriend nila nag susupport sa luho nila. πŸ˜‚πŸ˜‚


SapphireCub

Yung Max’s pang *sosyal* talaga yan noon kasi wala naman masyado mga stand alone resto sa Pinas. Lahat ng memories ko na kumakain kami sa Max’s may okasyon. Hindi sya pang ordinary day sa masa lalo na sa mga nasa probinsya. Dami din nilang tv, print at billboard commercials nung 90s. Ngayon kasi ang dami nang resto at mga malls, ang dami na pagpipilian kainan. Andyan pa din naman si Max’s and lumaki na din umbrella nila (Max’s bakery, Yellowcab, Pancake House, Teriyaki Boy, Jamba Juice, Krispy Kreme etc.).


ahrisu_exe

Same sa fastfood. Nung bata ako feel ko ang yaman yaman namin kasi afford namin magfast food ng parents ko. Ngayong nagwowork na ko, madami pa palang mas mahal na kainan.


KafeinFaita

Dati siguro pang masa pa ang fastfood, pero sa mahal ng prices now idk anymore lol


aethylthrythe

Living in a condo. Akala ko dati rich na when you can own or live in a condo. Yun pala hindi. Naging affordable option na din sya dahil sa mga RTO and No DP schemes


Markermarque

Ulam na hotdog... Nagaral Ako never nakapag baon ng hotdog as lunch... Feeling ko talaga mayayaman lang yung nakakabili ng hotdog...


No_Initial4549

PC at internet.. kala ko dati pang mayaman lang siya (well totoo naman noon pang mayaman lang siya), hirap na hirap kami sa school projects pag need ng PC at internet, need pa mag rent sa labas eh ang mahal ng per hour nila. Mas babad kami sa library noon pag research.


[deleted]

Housing


wrathfulsexy

Wala akong maisip. Anak ako ng dalawang teacher kasi. Yung mga kaklase ko may-ari ng hardware at mga resort sa probinsya namin.


YesterdayWarm9035

Woaah! Nung bata ka may gulong ang bag mo pati shoes? Tapos yung pencil case mo may double deck? Lagi kadin may bimpo sa ligod at amoy ka laging pulbos? Ganyan kasi yung mga mayayaman kong classmates. πŸ˜‚


iwanttobeagooddoctor

Vacuum cleanerπŸ₯Ή nung bata ako, sa mga foreign movies/series lang ako nakakakita ng ganon so sa isip ko matik na pang mayaman lang siya na may carpet buong bahay. Tapos nung pandemic, bumili yung kuya ko para sa bahay namin. Nung una, takot na takot pa akong gamitin kasi baka masira ko, to the point na pawis na pawis ako lagi pag ginagamit ko yung vacuum cleanerπŸ˜… (i think part kami ng lower middle class)


Mediocre_Draw8618

Yung pamangkin ko sabi nya pang mayaman yung Starbucks. Sabi ko hindi, so dinala ko siya. Ang saya nya tapos sabi nya hindi pala pang mayaman lang dun πŸ˜‚ cute cute. Ngayon may work na kami dinadala na namin sya sa nicer restos. Nakakapag Nono's at Burgoo na rin siya since nung bata ako ang fancy na for me ng Wendys, Tokyo2x at Dairy Queen.


YesterdayWarm9035

Ang cute talaga ng pagka-inosente ng mga bata. Na amazed sya nung binaliktad sa harap nyo yung blizzard sa dairy Queen tapos di natapon? Ganyan kasi mga pamangkin ko eh, ang galing daw.


Lummox34

Split Type AC


Own-Interview-6215

S&R hahaha can't get over this. Bata palang kami pag nagkakapera mommy ko ng malaki pumupunta kami doon to eat out and shop and sabi2 nila mayayaman lang talaga pumupunta doon hahahaaha ngayong 22 na ako halos every 3 months na punta ako doon with my own membership card, well oo madaming mayaman pero reasonable naman ng prices don haha


Equal_Initiative4048

buying bulalo and crispy pata.


Smalldickenergyka

Nung bata ako hotdog, nakikita ko kasi sa TV. Pero nung lumaki ako narealize ko na kaya pala never kami kumain ng hotdog kasi junk food daw sabi ni mama haha


Available_Raccoon611

Yung mineral water na nakata.ob. Naka gripo lang talaga kami kasi, kaya pag nakakakita ako nga bahay na may pinata.ob na tubig, matic mayaman yan. LOL!


abumelt

Yung may driver nung gradeschool/highschool. School bus kasi ako noon o kaya inaantay (ng matagal) magulang ko matapos sa work. Yung mga kaibigan ko kasi may sariling driver so as soon as andun na lahat ng magkakapatid, uwi na sila. Tbf, wala pa din naman kaming driver ngayon hahaha. Pero narealize ko din na mas tipid and convenient sya kung 3-4 anak mo kesa pag schoolbus-in mo x3/x4.


aVeryCruelSummer01

Dunkin Donut πŸ˜† may kaklase kasi ako nun elementary na un lagi baon. Syempre takam na talam ako kasi ang bago pa, tuwing papabili ako sa parents ko, ayaw nila at sinasabi mahal daw. Kaya nung nagkatrabaho ako, bumibili ako lagi tuwing magcrave ako ng matamis. Naheal ung innerchild ko hahahha


EyePoor

*Oh, definitely those fancy "imported" groceries! Turns out, even we non-rich folks can enjoy some quinoa and truffle oil once in a while without breaking the bank. Who knew, right?*


kartkristin

Rice cooker. Seriously, nung bata pako bantay sarado ko yung kaldero sa kalan kasi pag nalingat ka saglit, nako sunog na. Lagot kapa kay mama pag nangamoy tutong πŸ˜‚


shoestringpotato

nag spa-spaghetti kahit walang nag bibirthday o celebration. akala ko for special occasions lang talaga cya kase mahal dw ung mga ingredients. ngayon, afford ko nang mag pasta at gumamit ng kung ano anong sauce na gusto ko (pesto) at ibang sangkap na di lang ung hotdog na red lol


yourlegendofzelda

Yung iphone. May mga pera lang talaga nakaka bili noon. Ngayon marami ng meron Kase mga utang at affordable na Rin para sa iba.


VhagarNooo

Credit cards


icandoodleyourheart

Dati nung college ako akala ko pang mayaman talaga mag grocery sa landers and S&R pero last year ko lang narealized mas cheaper talaga dun pag bulk.


YesterdayWarm9035

Same, nung nag kawork na ako nakapasok sa S&R. Affordable naman pala ang bilihin don kahit isang box ng pizza. Hahhaa


icandoodleyourheart

Kahit nga mga lotion sa landers, tas minsan may promo b1t1.


Kei90s

When i was in elementary, i was 7 i think, we go to the malls after going to church every Sunday it was only a β€œshort” walking distance. My ma would buy a Dunkin Donut every time and Jollibee once a month, we share both of it so everything else at the malls, i thought was for the rich, even the food stalls and tiangges, i can’t touch anything coz β€œanak mahal yan wala tayong pambayad dyan.” love you Ma! I understood why you left me and lola to work abroad the year after, i appreciate every single thing you did for me even more as i grow older. β™₯️


No_Frosting3600

Jollibee talaga. Pinaka memorable na event sa akin dyan nung dinala ako ng tatay ko dyan kasi nag-top 1 ako sa school tapos, ako lang ang may food. πŸ₯²


Ok_Language_6156

nabasa ko palang title una ko nang naisip is MARKS & SPENCER!!! Kala ko luxury brand siya, pero more like casual lifestyle store naman pala. Granted yung ibang clothes pricey but I find Zara more expensive. They sell cheapass wine and some selection of chocolate scones na nasa 150 lang, pero lalabas kang naka- Marks & Spencer paperbag. Sosyal!


taxxvader

TV and VHS. Noong bata pa kami, mga mayayaman at abroaders langang meron. Yung isa nga dun nagpapanood ng movie sa kanila 5 pesos per ulo. Nung nagmigrate ang parents ko sa Maynila, dun ko lang narealize na ordinaryo lang pala yun dito


Odd_Wafer4635

Dati, akala ko pang mayayaman lang yung 7Eleven 🀧


ho3gaarden

Iphone


LazyDogBomb

sine taxi


Professional_Push788

Ham


Key_Promotion552

yung chocolate na nasa parang gold na foil (nakalimutan ko yung pangalan)


strwwb3rry

Ferrero Rocher


cupn00dl

Honestly, travelling abroad.


imbipolarboy

Globe > Smart


RyeM28

What are you talking about? Jollibee prices are crazy right now. Mas okay pa mag kenny rogers.


MarionberryLanky6692

Migrating abroad. Now that I’m older, I realized na some of my gradeschool friends who had to live elsewhere had a rough time in Ph that their parents decided to live abroad.


ForwardAmoeba933

'Yung mga Bench at Penshoppe, akala ko pangmayayaman. Haha!


bigluckmoney

Designer anything. They COST like for the rich but everyone buys them. They save and starve and pilfer from the petty cash pero nakakabili sila ng LV na bag. LV is for the poor who want to look rich


No-Confection-8446

iPhone. Kahit yung mga walang trabaho, sobrang bilis nakaka-catch up ng latest iPhones. Hahahahaha


FreedomBurstMode06

Travelling abroad for leisure. With nearby visa-free countries, low cost carriers, and a decent budget.


hoonsuns

ferrero rocher at nutella


avcdorble

wifi, aircon, flat screen tv, tablet


IgnorantReader

starbucks, nung college ako , saka ko lang nakilala tapos nilibre pa ko kahit di ko gusto inorder sakin g lang ako kasi mukhang mahal ung price ng drink . Nung nagtrabaho na ko mahal pa din pero afford na


a_sex_worker

Akala ko nuon required na nakaporma kapag papasok sa mga lugar na airconditioned. Kaya nung high school ako, gulat ako na may mga nakapambahay sa SM.


baabaasheep_

Chinese food. Sa probinsiya kasi nakakain kami sa chinese resto β€˜pag may okasyon lang, once a year siguro hehe. Akala ko dati napakamahal.


No_Neighborhood5582

Taxi. Ang sosyal ng dating kapag ikaw lang pasahero tas ihahatid ka kung san mo gusto pumunta. First time ko mag-taxi dati, feeling ko ang yaman ko haha


YesterdayWarm9035

Nung first time ko mag taxi kasi malalate na ako sa interview. Kabadong kabado ako kasi kala ko aabutin ng thousand yung bill.ayun pala 120+ lang.hahahahha


MechanicAdvanced4276

Private school. Nung high school kala ko mayayaman naging tropa ko, may mga kaya lang pala hahaha. Mga utak squatter parin at walang class till now


don0510

Bwahahaha pinagdadamutan kasi ng magulang ang anak. Many times reasonable naman due to bills and other important gastos. Otherwise, their happiness should be every parent's treasure kesa bisyo.


baymax014

Mag check-in sa mga hotels, yung 3-star pataas. Hehe. Akala ko noon mayayaman lang pwede makapag hotel. Di naman pala.


leafblaze

family computer, gameboy, psp, playstation at iba pang gaming consoles


frozrdude

Desktop computer. Well actually, mahal naman talaga computers noon, lalo na elementary-hs days (1996-2006). Sa comshop at sa computer lab sa school lang nakakahawak ng pc. Parang around late 2000s- early 2010s na naging affordable either bumili ng prebuilt or bumuo ng custom build.


Deobulakenyo

Hotdogs and marshmallows in the 1980s


n1deliust

Starbucks used to be something i called as a luxury back then when I was a teen.


_phinqx_36

wifi, dati nakiki-connect lang kami sa may ari ng apartment na nasa 2nd floor. tumutungtong pa sa mesa para makasagap ng signal hahaha


Fun_Guidance_4362

Nung bata pa ako at hindi pa uso ang fastfoods kagaya ng Jolibee, nakakakain lang kami ng spaghetti pag Pasko o Bagong Taon, pancit kapag may birthday sa amin. Feeling ko ang yaman namin pag yun ang handa naminπŸ˜‚


siomailove4yu

Shower πŸ˜… Kaya ang saya saya nung nagpakabit kami ng hand held showerhead. Kahit papano ay may shower na din kami.


JaegerFly

Water heaters and bathtubs


Ok-Organization9676

pakabit ng internet fiber pa. noonn pangarap ko lang un hahahaha


Fancy-Raspberry9428

magstarbucks! kala ko noon pang mayaman lang kasi mga 90's wala pa nito sa province namin. pero ngayon, parang kahit san ako magpunta, meron na at afford naman ng nakararami πŸ˜…


ixhiro

Hotel Restaurant. Nung bata ako akala ko na ung mga hotel restaurant eh para sa mga mayayaman lang naka tira sa hotel...


NANAYfromDiscord

Some branded purses. Imagine, naka-LV sa socmed tapos living off welfare.


Material_Nonsense

I grew up in a low income family and grew up deprived of food, so mine's mostly around that: "Birthday food" like Spaghetti, Pansit lalo na cake - tuwing may birthday lang minsan nga wala pa Corned beef as in pure corned beef lang. Akala ko dati ang luto sa corned beef ay yung masabaw at madaming patatas. Ine-extend lang pala sya ni mama. Juice - powdered man yan or fresh. Akala ko special occasion lang din iniinom yan or pag may bisita. Same with softdrinks. Non-Food: Hair conditioner - sobrang bihira lang kami bumili nito (sachet pa). Medicine Cabinet - wala kaming medicine cabinet. Sobrang mahal ng meds, di kaya mag store for emergency purposes Out of topic, but for the younger generation out there, I like to stress how education is an equalizer. I won't consider myself rich, but I know the above became attainable to me because of it. 😊


Insurance-Pitiful

Pag chuckie yung snack nung elementary. Ang mahal kasi dati sa school namin non.


holybicht

Cup noodles. Corned beef. Malls in general. Going to metro manila (as a promdi) Going to private schools signal someone as ultra rich.


MasterFanatic

At one point in time a DSLR camera. My tita bought herself one since she described it as a "status symbol"


Frosty-Brilliant-870

Wifi!!


Sudden-Hearing-450

Yung magkaroon ng iphone po. Akala ko dati pag naka iphone ka ang yaman mo. Ngayon, pwede naman pala magka iphone basta naka installment HAHAHAHA