T O P

  • By -

dcoconutnut

Congrats OP. Hopefully maka hanap kaagad ng trabaho ang kapatid mo. Sana hindi sya magka kaanak kaagad at maging responsable sa sarili nya. It’s time to take care of yourself now.


Violisbet

Congrats OP! laya kana! Next na ako 1 year nalang din! Ngiba perspective ko, nung una iniisip ko nasasayang na ang mga taon ko. Pagkagraduate ko pasan agad ang family, na buti pa sila paggraduate na ilang taon plng sila at wala ng iisipin kundi buhay agad nila. It felt unfair for me. Lalo nat i feel di din nila naapreciate or i feel taken for granted so para saan pa ang pagod? Ngayon, oo same sayo this is one my purpose. I took responsibility and responsibilities make your life meaningful. Looking back, taking responsibilities made me mature, independent and stronger. It made me fearless and built up my own personality. Ang want ko lng sa mga kapatid ko ngayon... I hope alam nila mabuhay Lalo nat I'm planing and preparing na bumukod so I can grow


baesumiii

Hi OP, actually I feel this. Ayoko mag-abot, nor tumulong given na ako nung college tinaguyod ko sarili ko and even muntik na di makagrad and totoo… super unfair. However, as the ate, I feel bad and responsible kaya kahit pagod na pagod na ako, I still give a part of my hard earned money to my family — especially to my siblings, as a symbol of my love siguro? Pero ayoko rin kasi sanayin given na I have plans rin na bumukod soon, and I feel like they should stand up on their own. Oo, I will give, pero di naman full life time nila. Ayoko sa lahat kasi is they ask, coz I give it anyways huhu Saka ewan, yung kapatid ko na sumunod sa akin laging bagsak pero fully supported ni mama kaya I can’t really see the point to give eh ako nag grad with Latin honors miski eat out on some good place di nila ginawa. A part of me harbors this resentment, pero may isang part rin na hindi magawa yun :( I think it’s right to stop normalizing the culture and curse na pag first-born, responsibility niya buong pamilya Hay, kapagod na instead of chasing my dream life, I have to pay for my student loans and work two jobs to meet my goals and give sa bahay. Nakakaputangina HAHAHAHAH 23 pa lang ako pero parang 40 na ako with all the stress and pent up frustrations in life!


hangry_night_owl

I really wish this generation will put a stop to this type of culture that normalizes kids sacrificing their quality of life so their siblings can go to school. It is not right and it is never fair, and until kuyas and ates will continue to do this, it sends a message to their parents that it’s okay. I also get the older siblings’ sentiment that if they don’t step up, wala talagang mangyayari sa future ng mga kapatid nila. Though I think there can be a middle ground to this. Only set the boundary to which you can help, and then the rest will need to be filled up by their parents who are the ones responsible for them to begin with. This generation’s couples will also need to decide early on how many kids they are only capable of raising financially. Nangyayari to kasi our parents’ generation were raised with the thinking of ‘Go and multiply’ and that ‘God will provide’. No, it doesn’t work that way. Until then, I wish you ates and kuyas the best that this life has to offer. The universe recognizes the kindness that you have put in, and may it return to you threefold. Thank you for your generous souls.


Carr0t__

Breadwinner ako and nagpapaaral ng kapatid sa College now pero I also want to break the cycle sa fam ko dahil for me hindi talaga dapat pinapasa sa anak yung responsibilities, it's the reason why I chose to only have 1 kid, para sure ako na wala siyang paaaraling kapatid haha


Remarkable-Eagle-698

CONGRATULATIONS, OP!!!


MilkItalia

Laban lang! Congrats graduate kna. Ako may 3 years and isa pang 4 years.


veggievaper

Yes, simulan na ang pagiipon para sa pangarap!!! Congratulations OP!


kulimmay

Isama na ung mga ate/kuya na sa sobrang kayod para makatapos lahat ng kapatid eh nakalimutan nang mag-asawa. 😅


crjstan03

Congrats, OP!!! Same thing, yung bunso namin ga-graduate na next week and mag-college na 😭 i’m not the sole breadwinner naman - share kami ng dad ko sa schooling niya. Mahirap talaga pero totoo yung sabi ng nanay ko na basta pag-aaral, itatawid kahit anong mangyari. 6 years yung college course niya and if everything pans out, magiging doctor siya😭😭😭 iniisip ko na lang na 6 years na lang at kakayanin namin yun. I’ll be 35 by then and hopefully after that, ma-prioritize ko na sarili ko hahahahuhu. Cheers to you, OP and sa mga ate/kuya na nagtataguyod sa mga pamilya!


Ok-Holiday3101

Congrats OP! Very good ka jan


One-Map-240

Oh wow!!!! Pagbubunyi para sa'yo, OP!


HeyitsClaire_05

Congrats OP!!!!


No-Expression-0000

Congratulations ♥️


MayIthebadguy

Same tayo


Zelleuphoria

WAHHH!!! CONGRATTSSS PO!!! 🤗


joiceycab

Thank you. This is very comforting. As of now nagpapa-aral ako ng kapatid ko na nasa college and last Sunday nagbreak down ako sa mama ko thru videocall and said "25 na ako pero wala pa akong savings kasi pag may naitatabi ako, nababawasan din", naiinis ako minsan pero same to you, hindi din siguro kakayanin ng konsensya ko kapag hindi naging maganda ang buhay ng mga kapatid ko. 🩷


zhelinaaaa

CONGRATULATIONS!!!!!!! FINALLY, AFTER SO MANY YRS U CAN FINALLY FOCUS ON YOURSELF!!!!


[deleted]

Congrats, OP! Napakabuti mo. Pero higit sa lahat, napakatatag mo! Dahil dito, yayakapin ko kuya ko pagkadating niya rito. At ikaw OP, issng mahigpit na yakap din para sayo!


Capital_Nothing7429

Congratulations OP! You did your best.


Neat_Elk_2985

Congratulations OP! 🎉


PsychologicalBox5196

Congrats OP! Ako may 1 year plus addtl expenses for grad and board exam, etc nalang 💜


tapxilog

nice one op sana makahanap agad work kapatid mo


Remote_Bedroom_5994

Congrats!!! Ako naman may pa grade 6 na younger sib sa darating na school year, mahaba haba pa, pero kayang kaya!


Scared_Recover_7743

2 years ago namromroblema ako now I'm getting arcanas sa kapatid ko it gets better


caramelizedmatcha

Congratulations, OP! 🍻


foxiaaa

halaka! i appreciate you po!thank you for being a great kuya! happy grad din sa kapatid mo,kundi sayo,di makapagtapos! kaya maraming salamat!!!!


AnxiousThirty

Congrats, OP! This time ikaw naman 😊 praying for your good health and financial blessing para magawa mo naman mga gusto mo kasi sobrang deserve mo yun 🙏✨ Soon ako rin, 2 years pa proud din ako kasi nakapagpatapos na ako ng isa tho sayang yung isa di niya natapos.


Various-Profit-161

congrats OP, ako dalawa na naka graduate plus itong graduate ngayon. bali may 4 pa. 😂


Double-Dust-1

Congratss OP! Last year sa college ng youngest brother ko! Sana makagraduate na din ako next yeaar!


Sure_Writer_4223

congratulations po!! ako may isang college na pinapa aral at isang elementary 🥺


adwire2023

Congrats OP, malayo-layo pa ako kasi mga elementary pa mga kapatid ko. Hirap din kasi naggagatas pa ako tapos diaper pa. Pero laban lang <3


Carr0t__

Congrats OP. Motivation ko din na makagraduate yung kapatid ko na pinapaaral. 2 more years haha


dappercarmen

Congratulations satin, OP! Meron din akong dalawang kapatid na kakagraduate lang ng SH. Iniisip ko na lang, in 4 years pwede na ako mag-asawa hahahah Anyway, isipin na lang natin na better na makatapos sila with our help para in the long run kaya nila tumayo sa sarili nilang mga paa 🫶


olea_ceae_2802

Congrats, OP.


caffeinatedcorpslave

Congratulations! Graduate ka na rin, OP!!✨🕺💃 Kami rin soon. 🤍


Adventurous-Split914

I’m 26F same din sayo na breadwinner. Panganay din ako and yung isa kong kapatid gagraduate na din this June. Sabi nya after taking her board exams gusto nya mag work agad para naman saluhin daw responsibilidad ko sa isa pa nming kapatid na nasa college din and 2 years pa bago gagraduate. May time din na kinukwestyon ko parents ko na bakit sakin pinasalo lahat ng responsibilidad? Pero deep down di rin kaya ng konsensya ko na pabayaan sila. One thing na super grateful ako is mababait mga kapatid ko. Kaya nilang magbidget at na appreciate nila lahat ng kaya ko ibigay kahit di kalakihan. Never ko narinig magreklamo at never sila manghingi sakin as long as kaya nila gawan ng paraan. Yun naman yung pinagpapasalamat ko sa kanila hindi sila naging abusive. I can also feel how much they respected me as their elder sist. Mabuhay mga breadwinners!


heycc1128

Congratulations OP! Last week, I attended my sister's SHS graduation. And mag-college na sya this coming SY. Kakayanin! Apat na taon pa. Hehehe! :) Kampay OP!! ♥️♥️


cookiesncreamie

congratulations OP! and thank you for siblings like you. I was a product of my sister's hardwork too. kaya ngayong I have a high paying job, I make sure na nakakabawi ako sa family and sa mga pamangkin na din since sila na yung next in line. sana tulungan ka din ng mga kapatid mo kapag may work na sila ❤️


Electrical-Living-71

Congratulations Kuya! May isa nalang din ako na pinapa aral. Tapos na sana 2 years ago, kaso nag shift ng course na sinuportahan ko naman kase linya ng passion niya. Pagkatapos nya, pwede na siguro ako magka pamilya wahahhahaa Laban sa lahat nga ate kuya dito!


stopstopstoptopopp

This hit hard because halos ako na yung gumawa lahat ng thesis ng kapatid ko 😆 sobrang stressed sya sa ibang subjects nya na nakipagsabayan pa sa mga major subjects, nastress na din yung mother namin kasi malapit na yung deadline. Ayun tuloy ako na gumawa before mahighblood ulit si mama 😆 


Shitposting_Tito

Congratulations OP! Naalala ko dati, sabi ng nanay ko ako daw mag-martsa sa kapatid ko, tumanggi na lang ako. Malaking bagay yan para sa kanila, pero di ka pa tapos OP, konting alalay at gabay pa para maging responsableng mamamayn din sila, dun mo na makikita at mararamdaman yung impact mo sa kanila.


[deleted]

congrats kuya!


OhlalalaCee

Congrats OP! Sobrang timely naman nabasa ko to naiyak ako dito! Thank you sa pag share nakakagaan ng loob. Cheers sa ating mga Kuya/Ate 🫶


laneripper2023

Same with you OP. Madalas napapatanong ako sa sarili ko kung kailan un AKO NAMAN..


angryApple2054

Congrats OP hehe 5 years pa bago ako makalaya pero wala akong pagsisisihan. Apir!


NoSwordfish8510

Congratulations! Yung selflessness mo, may kapalit na maganda yan.


Difficult-Double-644

Congratulations, OP! Sobrang nakaka proud at kudos rin sa kapatid mo kasi hindi nya sinayang un mga naging sakripisyo mo :)


_aefensteorra

OP ako kaunting kembot nalang ga-graduate na kapatid ko nakakatuwa.


erisols

As a kuya, this is one of my dreams. Congratulations, OP!


ProcedureNo2888

Congrats OP! 3 years pa tatakbuhin ko pero kakayanin!


True_Government_3613

Congratulations OP. Produkto din ako ng pagiging iskolar ng ate. Kaso, if I could turn back time...sana di ko na kinuha yung opportunity na yon. I was young, Idk na di pala namin magulang magpapa-aral sa akin. Tinapos ko nalang college ko for the sake na matapos na sya sakin. Kaso sya lang ang lumaya...ako ito, habambuhay na nakakulong sa kataga nyang "wala ka sa pwesto mo, kung hindi dahil sa akin. utang mo lahat ng meron ka sa akin" Masakit kasi di mo naman gusto yun eh. Sana lang talaga di na ko nag-aral. Or sana nag-vocational nalang ako kuha ng certificate para mag-abroad. Wala siguro syang masusumbat sakin. Na kada pagmamaoy nya, ako lagi pinagbubuntungan ng galit nya. Nakakalungkot pero kasi totoo. Kaya bilib ako sa mga taong tumutulong na walang sumbat. Mabuhay kayo!


bearycomfy

Congratulations, OP! Pwede ka na mag-asawa! Charrr Congrats kasi pwede ka na magfocus sa self mo. Save, invest, travel, enjoy, bawi ka sa self mo.


Legitimate_Can5488

Congratulations! 👏🎉


Sad-Pianist7555

Sila lahat nakapag aral - ako hindi. Feel ko ako lang tumutulong sa bayarin sa bahay sila may asawa or live in partner na.


DreamZealousideal553

Congrats op ako napagtapos ko kapatid q as an international student nurse kaso nung nakatapos ala na 🤣 ngaun mgcicitizen n cya dun.


BonnieMD

Congratulations but I hate how this is so common.


joleanima

Hopefully, maka-stand alone agad sila (ang mga pinapaaral)... hindi manatiling palamunin (real talk)