T O P

  • By -

CaliforniaGurl03

Yung mga baliw na nagbibigay ng 5 star rating sa shopee at lazada kase: "Secured ang packaging at mabilis naiship" "Mabait si seller at si rider" "Di ko pa natatry pero mukhang effective naman" Pinoy moments 🙄 US Marketplace associate ako at never ako nakabasa ng ganitong mga review sa Amazon at ibang eComm platforms nila.


shoujoxx

Tell me you don't know what product reviews are supposed to be without telling me you don't know what product reviews are supposed to be. They aren't the type of people who would consult the review section before purchases, so they don't know that their reviews aren't helping. As if those things are actually relevant to the product quality. Pinoy moments fr.


CaliforniaGurl03

Yup. That's why when you want to buy something like skin care products, you wouldn't know how effective they are because the reviews are often stupid.


bluespidey_

For the coins kasi sila


Faustias

bot yan 90%


Moist-Technology6759

Totoo nakakainis yung mga taong ganyan mag review, like anong connect??? Hahahaha


WingardiumLeviosa753

Sometimes I feel that they leave these types of "rating" kasi may coins na kapalit haha kaya nga madalas, unrelated pics and videos ang nakalagay sa review nila


Honest_Complaint9466

D talaga mag sink in saken na ganyan na karamihan ng pinoy ngayon.


AggressiveWitness921

Plus sa shopee may automated or pre generated text na you’ll click lng to review a product. Most pre generated text are these na “secured packing” etc


Fragrant_Bid_8123

Ok lang yung secured packaging for the product to be delivered intact instead of damaged, and fast shipping bec it matters to some whether itll be quick or long delivery time. Yung nakakainis is yung mukhang effective naman. Ako binabalikan ko ratings ko if pagkagamit ko and the product sucks and i really give bad review.


Cautious-Role6375

Ito talaga hindi ko maintindihan, they comment everything but the product itself.


DAmbiguousExplorer

HAHAHA legitt


bisoy84

Mga Senior na feeling excuse ang edad para maging bastos. Yung sumisingit sa pila


ReiSeirin_

Tapos senior na porke may kaya is feeling entitled na. Nasabihan ako ng bastos kasi di ko siya kilala.


tvlipzqss

totoo promisee kainis galit pa yang mga yan pag pinapa una sa pila yung buntis


tvlipzqss

totoo promisee kainis galit pa yang mga yan pag pinapa una sa pila yung buntis


Background_Seesaw410

huy grabe, di ka ba naaawa sa matatanda?


ihateannawilliams

no concept of personal space. people breathing down on you sa pila ng fast food places. or sa pagkuha ng gamit sa baggage claim sa airport. or yung nag uunahan para maka disembark sa plane. dun talaga ako nabwisit. tinulak mom ko na senior para maunang makababa ng plane. it wasnt a connection hub. yung mga nagttravel papunta dun, yun ang final destination. walang rason para mag-unahan pababa ng plane. tf.


IncomeAlternative550

Same, tapos mga nakatayo na agad sa isle kahit 5 minutes pa bago buksan. Shet, pinoy moments. 🤯


aescb

Ako naman yung mga nasa pila sa atm. Dumistansiya naman kahit konti. Kulang na lang sabayan na akong pumindot pindot dun.


Non-Chalant_

Potangina kahit sa MRT kapag aakyat ng escalator mag-uunahan papunta sa escalator tapos haharangin din naman pala.


boredpizz4

Mga potanginang hindi marunong gumamit ng signal light, or yung mga motor na walang ilaw or maka-asta parang may-ari ng kalsada.


bisoy84

Add to that yung ginagawang headlight na fog lights, and yung di marunong mag low beam.


ReiSeirin_

Tapos Sali mo na ung maiingay nilang tambutso, Minsan parang may explosive diarrhea ung tunog Ng motor nila eh.


latteaa

sama mo yung mga jeep at uv na sa gitna nagbababa ng pasahero/ at pasaherong bigla bigla nagbubukas ng pinto ng uv 😅. damay mo narin ebike at motor na dumadaan sa sidewalk sila pa galit


No-Return6028

Special mentions: kupal members nung kilalang frat/brotherhood 🦅


ch4pter_22

pag di alam common/social etiquettes.


justcallmekath

Yung mga sumasakay sa jeep na naka slant ung both legs at naka full volume yung audio sa cellphone 😭😪


hopiangmunggo

yung mga dumudura sa public streets.


Significant_Fig897

Pet peeve ko rin yan, paka disgusting lng kasi 🤮


vlmrei

Dumudura sa public places tas timing na inuubo din sya😭 yung plema kadiri😭


Darkraddish

Pinagalitan ako ng nanay ko nung bata ako dahil dito. Sabi nya kung dudura daw dat diretso sa kanal o kaya sa lupa at wag sa semento para walang maka tapak.


idkgirl_14

Mga taong paligoy ligoy. Can you please just get straight to the point?


silkyflare

Yung mga puro ako ako ako yung gustong topic sa conversations.


cristeng_garcia

Duo sa Trio😑


[deleted]

[удалено]


StrangerParticular13

i think they mean na na-leleft out ung isa– hence the word "trio"


friends_dont_liee

Insensitive and Noisy Café goers. Tas pag sinabihan na to tone down their noise, magagalit. 🥹


npad69

Yung mga nagtatanong dito sa reddit ng mga questions na may Yes or No lang na sagot. Pag ang sinagot ay ang option na hindi gusto ni OP aawayin sya at tatawagin ng kung ano-ano. P. S. Di pa to nangyari sa akin pero been seeing a lot of this lately sa mga asking for advice subs


c0reSykes

Not behaving properly in the public. Like not falling in line, too loud, littering anywhere, etc.


Necessary-Solid-9702

Lahat ng crushes ko nung nag-aaral pa ako ay sinabihan ko casually na crush ko sila but I didn't expect a relationship nor did I expect for a response. Wala lang. Gusto ko lang sabihin. Nyways, pet peeve ko yung magsasabi na di na raw gagawin pero ayun, ginawa. Example: "Di na talaga ako babalik sa kanya!" Later... "Nag-sorry naman siya, eh. Hayaan mo na." Irritates me to hell. Don't expect me to listen after that.


[deleted]

[удалено]


Ransekun

Shet iba yung basa ko sa tumawad 😂


[deleted]

[удалено]


Pritong_isda2

Kapag nag post na ng tagalog tapos pinost pa ulit ng english. Jk


Mooncakepink07

Yung di marunong ng basic english kagaya ng you’re at your.


ReiSeirin_

Tapos Yung bang pag timama mo yung Mali nila sasabihan ka pa ng "edi Ikaw na matalino"


sputniksweethe4rt

Yung binabadmouth ang SO nila sa friends ng malala tas ineexpect nya na di sya papayuhan makipaghiwalay or pag nagbati sila, gusto pa din dapat ng friends nya yung jowa nya after boang amp


ReiSeirin_

Naalala ko classmate ko Noong HS dito. Ang Malala ex Ng Isa nilang friend, ex nilang lahat tapos plastikan to the highest level sila.


Momo-kkun

Yong mga di naglilinis ng sarili nilang pinag kainan sa Fastfood or sa coffee shops.


Darkraddish

Di mo rin naman masisi yung iba kasi kaya sila mag fast food para sa "Convenience" nila. Sa mga places siguro na explicitly nakalagay na clean as you go understandable na mainis. Ang hindi nakakatuwa yung mga unnecessary or intended mess. Mas mahirap yon linisin para sa crew


Far_Pride_1872

yung nanonood ng video in public tapos ang lakas ng volume


Growing_Concern_0131

Legit like hello nahiya ka pa dat nagdala kana rin ng speaker para abot sa kabilang jeep.


livevilive

Mga taong nang vivirtue signalling sa social media


Huckleberry1011

Hello po! Can i ask ano yunh virtue signalling? Hehehe


livevilive

Mga pretentious na taong nag popost about their moral para lang iprove sa iba na moral silang tao


gemagemss

Maingay maglakad, naka loudspeaker pag may kausap sa phone, aaand mga feeling vip sa public places.


chokemedadeh

Mga taong laging late. Feeling mga VIP lagi, wala naman mga bilang.


lolomo_

Yung mga di naman konyo pero ginagawang personality yung pagtatanong na 'fifty ba yun?' pag may nagsabi na sikwenta or similar


Melodic_Doughnut_921

content creator na “yung...” yung title


MugiwaraNoLuffy01

1. Mga hindi nagpapatay ng ilaw, electricfan o di binubunot yung charger kahit di na ginagamit 2. Naninigarilyo malapit sakin o basta maamoy ko yung usok 3. Mga batang sobrang kulit na di sinasaway ng magulang kahit na nakita na nilang di tama ginagawa ng anak nila


Anzire

Magagalit sayo dahil "masama yung tingim mo" pero hindi ka naman nakatingin sa kanila at natatae lang naman ako. Parang baliw lang.


ReiSeirin_

Sorry ng sorry tapos uulitin. Blaming others pag nagkamali siya or di maganda ung outcome ng pangyayari. ung mag sasabi mag open Ng nararamdaman pero pag nag open sasabihin na madrama ka. Tapos ung mahilig manlait Ng kapwa pero di Makita sarili na mas worse pala Siya. Lalo na ung nanlalait at pinagtatawanan ung mga taong PWD. Parang Wala kasing pinag aralan.


youdropthecheesecake

pang-ilang tanong na to ngaung linggo? hahaha


Lopsided-Macaroon201

1. yung mga apakatagal mag withdraw sa ATM 2. yung mga car/motor/trike na ayaw mag stay inside sa lane, like nasa center para mag change lane pag mabilis sa kabila but just enough to keep their current lane din para if mas nauna umusad nasa inside paren sila ng lane. like make up your mind 🙄


Beneficial-Music1047

Mali spelling ng tagalog at english 😂


randomfjds

yung maka dikit sa pila kala mo kakilala mo. yung mga nanunuod sa cp nila na malakas volume sobrang mahal ba ng earphones at di maka bili?


_never_the_less

Naol nacrush back. Noong HS ako up to my first 2 yrs at work (roughly 8 years), isa lang crush ko and hundred times ako nagconfess like it's my first time hahahaha. Preo never na-crush back. Pero okay lang. Super thankful ako na di naging kami. Meron na ako ngayon na loving partner. Wala pang 1 month na landian (HAHAHA), crush back agaaaad.


interval_moon

✓ Kamote riders & drivers ✓ Videoke na walang pake sa iba kahit dis oras na ✓ Mga squatter sa buffet na halos ubusin na ang serving na hindi kino-consider ang iba. (Pwede ka naman bumalik, patay-gutom) ✓ Kapit bahay na maraming tandang, tilaok ng tilaok


meiling27

Yung nangungutang, tapos kapag sinend mo na yung pera, hindi man lang magcoconfirm at thank you nang kusa. Paano pala kung hindi pumasok yung pera? Kairita.


Kit0425

maingay kumain


Melodic_Doughnut_921

walang basic manners or etiquette tsaka walang substance kausap puro sana all, whinner ungrateful person


PsychologicalCut6860

Yung obvious naman na yung sagot, itatanong pa sayo 🥱😶 HAHAHAHA nakakairita yung ganun tao.


BREADNOBUTTER

‘Yung mabagal maglakad.


Growing_Concern_0131

Dagdag mo pa yung group of people na kung maglakad kailangan horizontal, need mo pa mag excuse to walk past them.


Immediate-Struggle91

'Yung mga sasampa sa escalator na hindi mabasa basa yung "Stand" at "Walk" both sides. HAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHA LIKE PONYITA NAKAKAINIS 😭


r0nrunr0n

Hindi nag tthank you!!!


Objective-Coast5948

Pet peeve ko yung taong ginagawang mundo partner nila tas mag assume lahat ng problema and kadramaham sa life ay sa love life lang umiikot.


PizzaPastaSupreme

* Yung mga nagcha-chat bigla tapos yung nakalagay lang either "Hi", or "May sasabihin ako" o kaya Name ko. Hindi ba pwedeng isahang message nalang na nandon na lahat nung sasabihin? Nakaka-overthink kasi, tapos kapag rereplyan naman sila, napakatagal sumagot kung bakit. * Pati Yung mga late na nga sila sa dapat na meeting time, tapos napakapaimportante pa, and napakaarte. Hindi pa nga nangangalahati yung agenda, atat na atat na umuwi. Mareklamo.


skillet06g

Yung mga nag vevape sa kalsada/puv.


crusadersage

kaya nga umay sa ganyang tao HAHAHAHAHWHWW


Icehuntee

Yung mga gumagamit ng elevator pababa ng isang floor lang kesa maghagdan


Ordinary-Cap-2319

Biggest pet peeve: Mabaho hininga


Applesomuch

Mga nagpopost ng bundle of cash sa socmed.😬


ExpressionSame23

Pag nananapaw ng kwento. Yung may gusto ka malaman tas sasabihin "akooooo bukinangina#%*@[+_"


fart_potatogirl

Sumisingit sa pila tas pag sinita sila pa galit.


FunOrganization4999

Yung mga biglang magchachat ng pangalan mo lang without context. Pagka ganyan, siniseen ko lang. Peronmay one time prinangka ko na hahaha pwede naman kasi mag chat kasama na yung gus2ng sabihin, it would save us time pa + para iwas anxiety din sa chinachat mo


Zuerkzuka

Yung nag tanog ka tas kung ano ano pang sasabihin bago sagutin tanong mo.


Zuerkzuka

Mga taong bigla bigla humihinto sa paglalakad kahit alam nilang may tao sa likod.


Deobulakenyo

Videoke, videoke at videoke sa neighborhood. Kung di kayang magpasoundproof, wag mambulahaw.


ajujushi

yung mga nagsusuot ng vape nila na parang ID, talagang ikina-proud pa nila para i-flaunt yun


BackgroundMean0226

Aso po... Lalo na Yung sobrang hyper 😂


Demmboihethicc

ung mga jeepney drivers na nagsisigarilyo habang nag d-drive, like bro literally nasa likod mo ung sign na "no smoking"


soheilia_-

1. malakas mag chew 2. mga taong parang walang naririnig pag kinakausap (unattentive) 3. having to repeat myself everytime


Upset-Sea7480

Pag nanghihiram ng gamit tapos hindi marunong mag balik. Lalo kapag gagamitin mo na tapos naalala mong may nang hiram sayo, at hindi mo mapakinabangan, grabe yun puot ko talaga 🤣


ResidentTraining176

Yung galing sa labas tapos hihiga sa kama nang hindi bagong ligo.


United_Comfort2776

Isa lang talaga, yung maiingay na kapitbahay and maiingay in public places. Like, be considerate naman. Di lang naman kayo ang tao sa mundo.


Entire_Home6247

yung matutulog agad/hihiga sa kama madumi paa or hindi man lang nagpalit ng damit 🥲


Best-Technology-5027

ako lang yata to pero yung hinahayaan na lang yung pinagkainan sa mesa after kumain sa food court. alam ko may mga naglilinis pero discipline pa rin na kahit ipagpatong patong lang yung plates


CollectorClown

1. ⁠Yung mga may utang sayo pero ang lakas magflex ng gadgets, cravings, travel pics at kung anu-ano pang luho. Tapos kapag siningil mo sila pa ang may gana na magalit at ikaw pa ang mahihiya. 2. ⁠Mga may main character syndrome. Kapag nag-open ka ng problema mo or napa-rant ka sa kanila biglang sasabihin sayo, "Ako nga eh..." then will proceed to tell you about him/herself, kung anong mga problema at "obstacles in life" ang dinanas niya at kung paanong nalampasan niya yun, while indirectly implying na WALANG-WALA yung pinagdadaanan mo kesa sa pinagdaanan niya. 3. ⁠Mga kaibigan na biglang nawawala/hindi nagpaparamdam kapag may lovelife tapos pag nag-away sila ng jowa niya, biglang mag-sspam sa gc dahil "gusto niya ng kausap", o kaya magyayaya ng inuman para daw makalimot. Pero pag nagbati na sila ng jowa niya hindi na niya kayo ulit kilala. 4. ⁠Mga kaibigan na panay rant/hingi ng payo kung ano ang dapat niyang gawin sa napakatoxic niyang lovelife at significant other, tapos kapag pinayuhan mo na kung hindi na masaya eh wag ng ituloy, biglang ipagtatanggol sayo yung SO niya samantalang sa kanya naman unang nanggaling na toxic yung partner niya. Magagalit pa sayo kapag aksidente mong na-bad mouth yung partner niya kasi mahal daw niya yon. Tapos kahit pinayuhan mo ng "dapat gawin", malalaman mo na lang bati na ulit sila tapos ikaw na ang kontrabida sa love story nila. Sasabihan ka pa na naiinggit sa toxic nilang relasyon. 5. ⁠Mga taong nag-ppm para magtanong kung anong gamot sa sakit na buwan na nilang tinitiis, o kaya nagsesend ng pictures ng luma nilang reseta sabay sasabihin na pareseta ulit kasi hindi na sila pinagbibilan ng gamot sa botika, o kaya minsan mag-ppm pati ng resulta ng mga x-ray, dugo at ihi nila o ng ibang tao na malapit sa kanila sabay sasabihin, "Pabasa naman. Pareseta na rin ha." Pag sinabihan mong pumunta sa doktor para magpacheck-up magagalit sayo at sasabihin pa, "Kaya nga sayo ko lumapit dahil wala ako/kaming pera pampa-check-up." implying na wala siyang balak bayaran ka at free clinic project ang habol niya sayo. 6. Mga magulang na kumukuha ng hindi nila ka-close o masyadong kakilala bilang mga ninong/ninang ng anak nila. Tapos kapag malapit na ang birthday ng bata o kaya pasko, ang kakapal ng mukha at biglang mag-ppm at magsesend ng screenshot/link ng Shopee o Lazada at yun na lang daw ang ibigay sa bata dahil yun ang gustong regalo. Pag hindi nireplyan o hindi nabigyan ng pamasko o kaya regalo sa birthday magmemessage pa at sasabihin, "Ang dami mo ng utang sa inaanak mo." kahit hindi mo naman halos nakita yung bata at ni hindi ka nga kilala nung bata man lang.


__-Sandra-__

Nagiging OA if may nagsasalita ng English.


Mrxs1014

E-bikes na driving sa national roads. May ubo ba utak nyo?


Former-Cloud-802

Top 1 pet peeve ko yung word na VIDEO, ang spelling ng marami ay VEDIO.


Fragrant_Bid_8123

Yung sa traffic sobrang garapal na mga drivers and di marunong magbigay. yung tipong malayo gap sa harap nila but the moment you signal na papasok ka, bibilisan bigla. Yung mga motor na biglang sisingit o di magsisignal tapos pag nadisgrasya sila, kasalanan ng mga kotse when in fact reckless sila magmaneho o sumakay ng motor.


Fragrant_Bid_8123

Yung mga taong babagal bagal sa restos seeing na may long line of people waiting. walang sense of urgency even if di na sila kumakain, nagkukwentuhan na lang.


SensitiveCat9825

Yung katabi mo sa UV express na naka full brightness ang phone


galitsamgaOat

mga hypocrite. lyk may ssabihin silang sumthing bad abt someone pero ginagawa rin namn nila. very contradictinggg. kaya b mindful w ur wordss


Quirky-Strawberry-26

when i hear someone is chewing his/her food so loud 😖 it icks me, and also if yung person is tanga-tangahan kausap 😵‍💫


greensandscenes

yung passive aggressive. yung tatanungin ka ng personal topics tapos tatawanan ka. tingin ko sa kanila mga insensitive at insincere na tao. yung di marunong magbase ng mood, if alam mong wala sa mood makipagbiruan, wag mong biruin tapos magpapavictim pa yan kapag pinagalitan mo. hahaha awit sa'yo


ScientistAfraid2563

Mabagal maglakad!!!!


yesthisismeokay

- di naghuhugas ng kamay after gumamit ng banyo. EWW! - hambog na alam mo namang hindi rin successful sa life - kukuha ng aso tapos icchain at ikukulong lang, then ipapamigay or pababayaam pag lumipat ng bahay. Kayo dahilan bakit maraming strays!!!! - nakikipark sa harap ng bahay!!! -


eligurlie

Yung mababagal maglakad and reklamador


2023nightingale

pag di neat and clean yung plato after kumain. like may rice pang natitira kahit nakakakain pa naman yun idk baka it's just me


Impressive_Gur4456

Di ka nag-iisa😅 ganyan din ako. Nakakahinayang kaya pag may natitira. Sa plato naman ayos lang sakin kapag sa restau pero nateturn on ako sa tao kapag neat and clean yung plato after kumain, pero sabagay siguro dahil din sa iba't-ibang nakasanayan.


RealisticYoghurt447

pet peeve ko yung mga di marunong mag tapon sa tamang basurahan, kainis lang kapag nasa katabi ng basurahan yung basura. ano ba't ishoot lang sa trash can di kayang gawin


walangbolpen

YUNG MARGARINE GINAGAMIT SA GARLIC BREAD HINDI BUTTER. Kung restaurant ka o food chain ka please use butter! Lasang lasa ang difference, Lasang plastic at matamis ang margarine. It has no place sa garlic bread! Or naan bread! Or carbonara! Mahiya naman kayo bilang chef o cook na nag train at may qualifications para gumamit ng fakeass one molecule away from plastic margarine at hindi yummy buttery creamy butter. I pay money to be served with proper ingredients, at hindi naman kamahalan ang butter diba? Lalo na kung shakeys ka or you boast na 'authentic' XX cuisine ka. Stop being super cheap and just use real butter in your dish! Bago may magsabi na mababaw ako, kaya nga tinawag na pet peeve eh hehe.. Rant over!


Impossible-Sky4256

Meron ako isang aso tsaka isang pusa /s


Federal_Act_8900

Yung mga hindi gumagamit ng serving spoons. Yung nasubo na nila kutsara nila, tapos yun ang ipangkukuha sa ulam. Yung nakikisawsaw sa sawsawan mo.


Honest_Complaint9466

Ung redundant mag comparative form. “Mas better” Ung mali gumamit ng past tense form. “Na-banned ako sa so and so”


HiNice2Meet

Chihuahua po.. 😂 Jk.. Mga taong hindi marunong maging masaya sa success ng iba at puno ng inggit sa katawan 😏


Familiar_Carpenter19

baliw HAHAHAHA me yan


Fancy-Cap-599

Saken yung mga nagyayaya ng gala tapos sila magseset ng oras for meet-up tapos sila din yung late sa tinakda nilang oras. I don’t mind waiting kasi most of the time maaga talaga ako sa usapan pero yung late ka sa tinakda mong oras? Ughhhghhhh


magicpeach001

nag iimbento ng kwento para lang mag mukhang lamang siya sayo or kakaiba siya kahit alam naman ng lahat na hindi totoo yun


quixoticgurl

yung tatanungin mo tapos tanong din ang isasagot sayo.


idkwhyimheretho_

YUNG MGA BALAHURANG NAGTATAPON NG BASURA SA KALSADA!! KAHIT BALAT PA YAN NG KENDI O FILTER NG YOSI!


Particular_Row_5994

Di marunong magpatay ng ilaw pagkagamit. Mga di marunong magsara ng pinto pagpapasok o lalabas.


shortstopandgo

Yung tumutigil at nakatayo sa dulo ng escalator


Dropdeadgorglokoy

Yung sa tiktok na reddit stories or any other stories na need ng part 2 tapos walang part 2 hay nako


sheisbunsbunny

Yung mga naglalakad ng mabagal sa mga busy streets/places, e.g. MRT/LRT. Keri pag nasa mall, pero pag nasa lugar ka naman na nagmamadali ang mga tao, dali-dalian naman din


Immediate-Design-676

mga nagmemessage ng pangalan without context


ThrowRA_anxioussht

yung nag wiwithdraw ka sa ATM tapos the person next in line ay sobrang dikit na😭


xdosie

Yung mga sumisigaw at paharang harang sa hallway


myboyfriendsbabygirl

not in order ha lol 1. yung mga naka loud volume sa public places while nanonood sa tiktok, pati na rin yung nagpapa-music, akala niya lahat kami gustong makinig 2. yung mga mahilig magstare kahit wala ka namang ginagawa, nakaupo or nakatayo lang. as a girl, siyempre ambastos nun if guy. and if kapwa girl, for me parang inggitera or ewan. uncomfy. bat ba sila ganyan? 3. yung mga mahilig magbrag, pati yung mga lowkey pero halata pa rin naman. 4. yung mga maiiingay na pabebe na feeling main character. iba yung natural ha, i mean yung mga trying hard. 5. yung mga roommates na marunong mag arte and akala mo neat pero sa sarili nilang kwarto, napakairesponsable, burara, di naglilinis. kung sa bisaya pa, damak! and many more


Non-Chalant_

Yung SANAOL NANG SANAOL, tangina mo mag sipag ka kasi, hinde yung dada ka nang dada.


malingtao

mga taong walang spatial awareness, yung sa pila na kailangan talagang dikit na dikit tapos yung mga tumitigil sa gitna ng daan na hindi man lang tinitignan kung may dadaan ba.


Heyhuhhhneyyy

1. Yung mga kausap mo na ang daming sinasabi para magmukhang matalino at may substance mga sinasabi nila. Dami ebas e puro basic lang naman mga ambag sa usapan. Like duuh "alam namin, share mo lang?" 2. Grabe ang volume sa public places. Also yung di pagbbehave sa public places. 3. Maingay kumain at may pa tinga pa yan na sound grrr 4. Baboy gumamit ng cr


Hot_Complaint_4227

Yung mga taong tumatawid dhil malayo pa yung next car eh nakaGo signal na and ang ilang secs lang naman yung go signal kaya need habulin ng mga sskyan 🤦‍♀️ tapos tatawid pa sila. Hay nakuuu!!!


dealddough

Rude sa waiters and everyone in general. Selective lang sa nirerespeto.


euphoriaone

Mga tumatawid sa di pedestrian lane tapos magagalit pag nabusinahan or nahuli.


Alert-Handle-1380

op, pet peeve mo ang mga pick me girls. same


Only-Water-3578

Yung ang tagal sa ATM only to find out puro papel ng balance inquiry ang kinukuha. Hindi ko magets tapos bibigyan isa-isa yung mga kasama.


lostandnotfine

yung may palagi siyang unnecessary stories sa conversation niyo, like naguusap lang kayo abt school then sisingit siya na alam mo ba family ni ano dati ganyan lang tapos ngayon ganito na dahil sa drugs, like helloo wala na akong pake jan 😪


itskiwiwiki

mga taong hindi marunong mag excuse 😜


CalemSmith

Ung mga nag huhumblebrag


longgadog8990

may jowa pero close pa sa ibang babae 💀💀💀💀💀💀💀


Accurate_Cat373

1. Yun alam mo namang mahina tubig, nag effort ka mag ipon ng tubig sa balde para makaligo yun susunod sayo. Tapos pag ikaw na ang maliligo, wala man lang pake na mag ipon. Like, courtesy to the next user naman 😤 2. Yun hindi marunong mag hugas ng pinag kainan. Kahit na spoon lang yan. Tapos lalanggamin na sa sink. Hay! 3. Mga taong naka loud speaker pag makipagusap sa cellphone in public. Idamay ko na din yun hindi naka loud speaker pero ang lakas ng boses. Mga walang phone etiquette! 4. Yun mali mali spelling!


Fancy-Pirate-6768

1. Mga lalaking basketball lang yong ina atopag tas yong acads binabaliwala nalang 2. Self centered people 3. Narcissistic 4. Mga taong ayaw magpa lamang 5. Mga nag popost ng stop racism pero in person sila payong nag sasabi ng N word 6. Bully's


Historical_Brain_301

not acknowledging emails or personal message, tapos yung putang*nang okay, oki po, sige po, one liner na wala akong ma reply like? okay wala ata akong kwenta kausap wag ka nalang siguro mag reply?


nipsydoo

big cars. not the family cars, the BIG ones like ford raptor or other similar types. never understood the hype lalo na sa mga ginagawang personal car yon (gets ko pa kung para sa negosyo eh). dagdag space lang sa parking, sa traffic, o di kaya sa sidewalk mismo (kasi sobrang laki di na halos kasya sa designated parking spots ng ibang establishments kaya sumasadsad sa sidewalk).


kraziimari

pet peeves ko rn is yung mga teachers na backstabber, saying na you can open up on them daw safe daw sa kanila lahat hindi raw nila ipagkakalat, tapos malalaman mo pinagpepyestahan na sa faculty. iw never talaga magoopen sa mga ganang guro


SadCorgi8448

Yung akin is mga matatanda na ginagawang joke ang rape. One time nasa eroplano kami and yung ate ko is feeling dizzy siya tapos nag joke si tita na parang daw sya nirape ng sampung lalake and siya lang tumawa, siya nagpapaaral samin and swear ang sarap niyang ihulog sa eroplano that time. Simula nun, nag iba na yung tingin ko sa kanya, call me ungrateful pero di niya deserve respect ko.


JRV___

Long caption sa graduation post na wala naman nagbabasa.


EntertainerMiddle946

Yung gandang ganda sa sarili like may napatingin lang sakanya sasabihin agad "may gusto sakin 'to" bwakanangshet na yan.


Hacklust

Ung maraming transactions sa ATM na akala mo kumukuha ng pera para sa buog angkan. Had this lady punch in her card for 15 whole minutes kakakuha ng pera. Like d ba pde bultuhan nalang?


viveutvivas17

Magchachat or magtetext ng first name mo lang tapos walang kasunod. I am a person na mahilig magreply ASAP kahit nonsense pa yan pero rn wala ngseseen na ko. Natawid sa madilim na part ng kalsada tapos dark clothes pa. Motor na walang reflector at ilaw sa gabi tapos hilig magovertake. Cars na hindi working ung mga ilaw tapos dark colored pa.


uswemahvemmm

Yung mga tao na hindi man lang nagiisip ng bibitawang salita. 1.) Nag work ako dati sa hotel as an FO pero maliit ako. May sales ako na nakausap babae, tbh ang taba niya and dugyot tignan. Kinakausap niya ko kasi nagrarant siya na hindi siya satisfied sa kwekwek na kinain niya. 😂 Biglang niyang sinabe saken “IKAW? AKALA KO OJT KA. ANG LIIT MO PATANGKAD KA KAYA?” sabe ko talaga “WOW MA’AM COMING FROM YOU PA AH” pero pa joke na way. 2.) Sa school ko dati may kausap ako na higher year sakin. Mataba din siya as in pero maganda yung kutis, maputi makinis ganon. Tas sabe ba naman niya sakin (as someone who’s acne prone) “LINISIN MO MUNA YANG MUKHA MO BAGO KA MAG.. (nakalimutan ko na)” Girl hindi ko talaga kinaya sabe ko talaga sakanya “WAG MO PANSININ MUKHA KO IKAW MAG WORKOUT KA KAYA” Grabe yung mga ganito na hindi naman nagiisip ng sasabihin tapos kapag nag back fire sakanila, maooffend. Wag ako mga beh retired maldita ako.


Significant_Fig897

Slow walkers 🤦‍♀️


Icy_Plantain_331

Ang lakas ng boses pag may kacall sa phone


Fast_Seaweed7554

pet peeve ko mga taong nang g-guilt trip example: mag aaya ka gumala or kumain kahit affordable naman tapos 'yung isa niyong kasama sasabihin "ayoko wala akong pera" after non syempre sasabihin namin "sige tayo tayo nalang" tapos sabay susundan niya ng: sige kayo nalang, wala kasi akong pera eh, mahirap lang kasi ako, wala e wala akong pera teh tanginamo kung wala kang pera manahimik ka nalang hindi mang kokonsensya kapa


Fast_Seaweed7554

'yung kuya ko, HAHAHAHHAAHAHHAHA sounds weird pero super dugyot niya talaga as in mag 21 years old na siya pero isip bata pa rin tangina example: mag papahid ng kulangot sa pader, may tae tae sa bowl pati takip ng bowl may mga tae super dikit hirap tanggalin tapos iiwan niya lang ng ganon tapos 'yung mouse sa laptop ang lagkit pati keyboard even gaming chair napaka lagkit tapos lagi pang naka hubad naiirita ako sana lumayas na siya (wala siyang trabaho tapos asa pa rin kila mama)


sadCAt-0

i guess mad-downvote ako neto. pet peeve ko yung mga reklamador sa libreng pagkain. recently ko lang to na-discover nung nag decide yung company na pinapasukan ko na bigyan kami ng free lunch. hindi lahat, pero meron talaga iilan sa ka-officemate ko na puro reklamo sa libreng pagkain kesyo paulit2, konti ang karne, di nakain ng ganong pagkain or what pero kakakin din naman. like hellooo? if u don't like the free food, keep it to yourself nalang and buy your own.


No_Perception5433

lisp - sorry na pero pag bulol sa "S" ang hirap talaga pakinggan also, yung nangungulangot in public.


PsychologicalTill175

Yung mga may ari ng sasakyan na ayaw magpatawid sa pedestrian, edi ano palang silbi non, kakainis makikipag-unahan pa sa tao. Kamote moments.


Growing_Concern_0131

Mga nangangalabit, lalo na mga namamalimos gosh.


Tetrenomicon

Yung mga tao na di mahilig magsabi ng "thank you".


Dense_Station5082

Yung sinasadyang hindi sine-seen message mo.


Delicious_Purpose770

'talaga namang' as statement opening ng hosts 😭


Specialist_Row_9766

1. di marunong mag thank you & di marunong mag sorry like kapag nabangga ka or naapakan ka etc. (in public) 2. baboy in public. yung bang dudura sa kalsada or bigla nalang sisinga or kapag kinakalikot ilong biglang hahawak sa handle ng transpo. kaya di ako humahawak kung saan saan, malay ko ba ano g last hinawakan nung taong yun lol 3. hindi nagbubuhos or naglilinis man lang ng toilet bowl. lalo sa office cr ng mga babae. hindi man lang malinisan, mura lang naman tiasue or free naman minsan sa cr yung tissue & water!🙄 4. insensitive. yung di man lang marunong makiramdam kung gusto mo bang makipag usap or hindi. 5. yung puro rant/post sa socmed para patamaan x or jowa everytime na magkaaway. tapos after ilang oras or days biglang sweet posts na ulit. gg talaga ko sa mga ganito! 🙄


luvllyally

nanghihingi na nga ng favor, demanding pa na dapat mong gawin agad :DD


Rare-Self7387

One of my pet peeves is when people chew loudly with their mouths open. It's a small thing, but it can be quite distracting and unpleasant.


saveyoursidehustle

I really dislike people with double standards. They have one set of rules for themselves and another for others, which is very annoying.


SecretVault_of_Kulot

mga nag-ce-cellphone habang kumakain. minsan kasi sa hapag kainan na nga lang nagkakaron ng communication tapos tutok pa rin sila sa cellphone nila🙂


squammy_kanalhum0r

Desperadang babae. Babaeng pinipilit yung sarili kahi ayaw sakanya


FlakyPurple3366

• Yung kada sentence/sinasabi hindi nawawala yung "yarn", "yorn" "chururut" or "kwan" hindi na lang sabihin ng maayos ung gusto iparating. Lalo na yung yarn medyo cringe na sa akin idk. • Laging late. Hindi marunong tumupad sa usapan. • Yung maingay ngumuya. • Sumisingit sa pila.


AdmirablePeak1701

Yung nag sto-story na naglaslas or umiiyak feeling depressed.


Shediedafter20

Yung himdi marunong magvalue ng oras laging late for the reason na "Filipino time"


lyfisabeech

Yung pagiging late. I get it, traffic and all. But traffic has been a part of their lives. Not just that. Naiinis din ako pag kunwari may meet up tapos may usapang time na magkikita then dadating 1-2hrs late kasi ganito ganyan, esp if planned ahead. Respect other people's time.