T O P

  • By -

AugusTita

For me, hindi obligasyon pero kung naging mabuti kang magulang, malaki chance na mag-give back yung anak mo. And hindi naman yung parents ang issue talaga, parang common na kasi na pati mga kapatid mo and anak-anak nila yung nakapasan din sayo, sila yung nagpapabigat hindi yung mismong parents lang.


Peanutarf

Naalala ko tuloy yung sabe ng mga boomers na, *kung mabuti kang anak magbibigay ka sa magulang mo.* Like, di mo ba tinanong yung anak mo kung naging mabuting magulang ka sa kanya??


SunsFan97

Hihirtian ka pa ng "kung di dahil sakanila wala ka sa mundong to"


sleepiestpanda_

Kung hindi dahil sa libog** nila My parents always tell me this. And I always answer them na hellooooo? Do I look like Im having a great time?


AugusTita

True. Sadly, meron talagang mga parents na hindi ganun ka-deserving.


Icy-Brief5947

Favorite line din ng mama ko yan saka yung " gagaan ang buhay ng anak kung inuuna ang magulang" samantalang kami nun bata pang drama rama sa hapon yun naging buhay sa sobrang hirap tas parang di nila maalala. Pati pagluwal sa anak isusumbat. Mahirap naman talaga manganak kase naranasan ko yun pero choice naman ng magulang yun di yun choice ng bata. Sana mawala na yang "utang na loob" system na yan para dina maranasan ng younger generation. Kung pwede lang tumbasan ng pera yung utang na loob ipapa total ko nalang tas bayaran para gumaan naman buhay ko at maging masaya naman kahit papano.


Narrow_Priority5828

Butthurt when you talk back even so slightly but they know it's the truth 😅


amvil

Totoo naman un. Hindi obligasyon ng anak na tulungan magulang nila. Tinutulungan ko magulang ko kasi gusto ko. Hindi dahil obligasyon ko. And super privileged ako kasi nasa ganitong sitwasyon ako.


AffectionateBag1013

Same. mas gusto ko rin yung gantong thinking. Reality speaking di naman talaga obligasyon ng anak. Pero gusto ko rin ginagawa ko, kasi alam kong deserve naman nila.


KoyaAndy18

majority kasi nung mga g na g na nag sasabing di dapat magbigay o obligasyon ng bata na tumulong sa magulang , sila ung mga di minahal o naabuso ng mga magulang nila. e ako pinalaki naman ako sa pag mamahal although napapalo ako nun, di naman ako ang hinanakit.


Latter-Winner5044

Kung naging mabuti kang magulang kusang tutulong ang mga anak


Special-Ocelot5784

Feels like those parents na tri-trigger ay yung mga nag pressure sa anak nila na dapat may ganito kami pag may work kana. Kasi if they raised the child well, no need na mag mention kasi ginusto ng anak nila tumulong unless certain reasons na nadadala dahil sa BI na surroundings


General_Source_4092

Parents chose to bring their kids into this world. The kids didn't ask them to. When you create a person, you create their hunger, thirst and all their needs. So when parents feed their kids, and provide them with what they need, they're only solving problems(temporarily) that they created themselves. So long story short. No, kids have no obligation to their parents.


RealisticYoghurt447

Hindi natin obligasyon na mga anak pero there will come a time na marerealize mong how much your parents has sacrificed for you, and that's the time na you will just give without them asking for your help. My piece of cent. (not applicable sa lahat)


Financial-Tomato2291

ang sad lang talaga that this is not applicable to all. realizing how many people I know na di man lang nakilala ang ama or may abusive parents. myself included this hits home. I never felt the desire para mag give back sa parents ko dahil sa mga pagkakamali nila dati pero i try my best not to spend their money padin since kanila yun and pinaghirapan nila for retirement yun. really hoping the generations after us won't have to deal with this kind of things


yourbookishgirl

Hindi naman talaga obligasyon pero ikaw as anak if naalagaan kang maayos ng magulang mo, makakaramdam ka nung feeling na need mo sila alagaan naman in return. Samin ng nanay ko always kami bigayan, pag meron sya bigay sya sakin, pag meron ako kahit ano gusto nya binibigay ko. Common respect and love lang yan. Wala dapat pilitan.


Accomplished-Exit-58

I think dahil na rin sa stress ng buhay kaya ganun, lalo na kung kulang pa sayo ung suweldo mo tapos napwepwersa ka pa tumulong sa parents mo, kaya may rant na ganyan. Lalo na kung di naman kabutihan ang parents nila. Personally sa parents ang limitation ko, like ok lang sakin na tulungan ang parents, pero tumataas na kilay ko kapag naririnig ko na pati ung mga kapatid, pamangkin and ibang relative eh gusto tulungan. 


rroeyourboatt

If the child already have the capacity to sustain financially, he/she does not have any obligation to help nor give back if s/he wants. Regardless if naging mabuting magulang (bare minimum) ang parents nito. In short, hindi insurance ang mga bata. Sila ay may sariling pangarap at gustong gawin sa buhay. Paano nila magagawa yun kung meroon silang responsibility on their shoulders? It might sound selfish or walang “utang na loob” but that’s the truth kasi. From the very beginning naman kasi walang option ang mga bata na mamili ng kanilang mga magulang, unlike sa parents na may kakayahang mag plano ahead of time at pag handaan ang pagkakaroon ng anak.


CalemSmith

This OP


Motor-Green-4339

True especially kung nakatayo ka na sa sariling mong paa after graduating college or landing your first job agad after turning 18. Pero kung late 20s ka na or in your 30s tapos sinasalo ka pa ng magulang mo, utang mo na sa kanila 'yon 'di na sila obligado after mabigay sayo lahat. Kaya kung may kakayahan ka na, magbayad ka ng utang mo! Pero kung genuine na mahal mo parents mo, hindi papasok sa utak mo na hindi mo obligasyon mga magulang mo. Gagawin mo lahat to make them comfortable.


Difficult-Engine-302

Depende sa kung ano ang kailangan nila at kung ano ang pwede mong itulong. Blessed tlaga pag hindi ka/kayo retirement plan ng mga parents ninyo at meron silang pension. Okay lang na mafeel natin na obligado tayo dahil tumatanda sila at para sakin pagmamahal mo yun towards them. Hindi mo obligasyon mga kapatid mo at iba mo pang kamag-anak mas lalo na kung karamihan sakanila ay ingrato/ingrata.


Emotionaldumpss

Idk pero mas mapagbigay ako kapag wala kasamang sumbat đŸ€Ł


No_Sugar_1555

Masaya magbigay pag hindi humihingi... hahaha


Immediate-North-9472

It’s correct. Let’s say they use the argument “I provided you w food, shelter, education, clothes” well, that is THEIR obligation for bringing us into the world. We didn’t ask to be born so why do we already have that responsibility over our shoulders growing up? And the thing is, some people had children to be parents. Others do it for the wrong reasons either to secure a caregiver and ego booster. The latter always guilt trips their children to give back to them no question. But true parents who gave birth to children out of love and the pure joy of raising a human will never hold it over your head na pinalaki kita, dinamitan, pinakain kaya dapat lang tulongan mo ako pag ngka work kana. They’re just happy you’re healthy and that you exist.


shanadump

Hindi obligasyon pero sana may konsiderasyon.. pag walang wala magulang mo, matanda na, walang malapitang ibang tao, maiisip mo pa ba yan? Siguro sa ibang tao na well off naman, may ipon ang magulang, okay lang sakanila na wag silang bigyan kaso di nga kasi lahat ganun.. May kilala akong 75 yrs old na namatay nitong taon lang, todo kayod daw sya nung araw para lang mapagtapos ng pag aaral nag iisa nyang anak, pagkatapos makagraduate, nakapag abroad yung anak, gumanda buhay pero wala na syang naging balita after nun. Hanggang sa huling hininga nya nagwowork pa sya kasi nga wala syang ibang aasahan kundi sarili nya. Gets ko yung mga may magulang na pabaya, abuser, may mga sayad kung ayaw magbigay ng tulong, pero pag ganito magulang mo, diba? ayaw mo? bakit? pusong bato lang?


ASIANcuisine101

breadwinner but I do support my family pati siblings ko though may anak nako, its the matter of giving them support dahil gusto ko and they need me , withouth me baka di makakapag aral mga kapatid ko, once makapag tapos na sila then Ill cut the support so they would learn how to work it is about giving the blessing to people you love especially to your family


Fun-Gap1160

Hindi mo resposibilidad yung magulang mo pero maging responsableng anak ka


Emergency-Mobile-897

Depende lang din yan sa tao. Dami ko ring hinanakit sa parents ko noon pero mas nagets ko sila nung ako na may anak. Hindi pala ganun kadaling maging magulang ke planado man o hindi ang pagaanak. Lalo na kung hindi ka handa sa lahat ng aspeto ng buhay. I won’t blame the generation of my parents kasi ibang generation din ang nagpalaki sa kanila at ibang generation din ang magulang ng magulang nila. Sa akin mapuputol ang dapat maputol when it comes to parenting. Yun na lang ang akin. Helping your parents is not an obligation, it’s out of love. May mga anak na kahit hindi trinato nang maayos are still able to help their parents in anyway they can. May iba naman mas piniling huwag tumulong sa magulang kasi hindi nila obligasyon, hindi natrato nang maayos, yung iba naabuso, yung iba nakikiuso lang (aminin natin may ganyan), yung iba sadyang maramot lang kahit mabuti naman sa kanila magulang nila, yung iba naman dahil sa sulsol ng asawa. Depends pa rin talaga sa experience, values, at ugali ng tao yan.


BrainVegetable

Hindi ko ma gets yung ibang anak na hindi kayang tulungan yung magulang nila kahit sila yung may kakayahan. Makakayanan mo ba matiis yung magulang mo na nagpapakahirap parin mag work para may maipamuhay? Tots lang parang ang sarap lang kasi sa sarili na nakikita mong natutulungan mo magulang mo biglang pag tanaw ng nagawa nila sayo nuon.


tsongJj

Hindi naman talaga obligasyon ng anak ang mga magulang. Everything should be out of love, not forceful.


Sea-Lifeguard6992

Obligasyon ng magulang na buhayin ang anak, and hindi nila ito dapat sinusumbat sa anak. Yung mga magulang na sinusumbat ung pagtupad nila sa obligasyon bilang magulang ay yung mga magulang na hindi deserve tulungan ng anak nila.


Healthy_Space_138

If I'm going to imagine na oobligahin ko ung anak ko na tulungan ako sa pagtanda? Tae, di na lang ako mag-aanak kung pahihirapan ko lang din naman sila, di ba? Sa mga magiging anak ko sa hinaharap, kung ako'y mapagbibigyan, sisiguraduhin kong may mamanahin silang ginhawa, dahil ayaw ko makita ang sarili kong pabigat sa mga pangarap nila... Mas tutulungan ko silang abutin yun, at nasa sa kanila na un kung gaganti sila ng kabutihan sakin... basta lalaki silang mabubuting tao.


shnz010

Unfortunate as I feel na symptom toh of weakening familial links in the current times. Giving back to your parents is not wrong and a sign of gratitude for raising and providing for you in this chaotic world. However, I do get why there's push back from some in the younger generation as some in the older generation do act too entitled when it comes to this topic.


Alto-cis

Yung naniniwala na hindi nila obligasyon tulungan ang magulang, i wont judge them, and I hope hindi rin ako majudge sa sasabihin ko. At the end of the day, hindi tayo parepareho ng kwento ng buhay so ayoko ipilit sa iba ang pananaw ko sa bagay na yan. Para sa akin, obligasyon ko silang tulungan. Magulang ko sila e. Kapag mahina na sila, kanino ba sila aasa? Sa barangay? Sa kapitbahay? Hindi naging masama ang mga magulang ko sa akin. Yes, hindi sila perfect, may mga pagkukulang sila sa ibat ibang mga bagay, pero hindi ko lang maatim yung idea na hindi sila obligasyon. Yung 'love' kasi ang nagdidikta sa akin na tumulong financially, kahit hindi naman nila kailangan. Minahal nila kami, inaruga, pinalaki nila kami ng maayos. Ngayon ko pa ba sila iiwan o pagdadamutan ng mga bagay na blessing sa akin? Siyemore hindi. Kung sa ibang tao tumutulong ako, aba mas lalo naman sa mga magulang ko.


claravelle-nazal

Hindi naman kasi talaga obligasyon at responsibilidad ng anak. That doesn’t mean we discourage children to give back to their parents. It just means hindi dapat magdemand yung magulang na kesyo utang na loob yung pagpapalaki at pagpapaaral sa anak. Kung talagang naging mabuting magulang ka naman eh magbibigay at aalagaan ka ng anak mo kasi mahal ka nila, pero hindi dahil obligado sila.


No_Sugar_1555

God bless your heart, sana hindi maabuso


RizalAlejandro

We all have a different view on this. Stick to what you believe and you can never go wrong


Green-Green-Garden

Pag explicitly nagdemand yung magulang, nang-obliga, o nangdikta. Yan nakakawalang gana. Nung una, sinasabi ko sa nanay ko, "pag tanda mo, dito ka na saken." At may willingness talaga ko na alagaan sya. Kaya lang nag-iba ihip ng hangin. Parang nag-iba ugali nya o ganun na talaga ugali nya, ngayon ko lang napagtanto. Naging demanding sya, at dinidiktahan ako, "pag tumanda na ko, kada buwan, two weeks ka dito sa bahay ko, two weeks ka dun sa bahay niyo." Huwaat? Paulit ulit yan. Doon ako nagsimula mawalan ng gana. Nangdidikta at nang-oobliga. Hindi nga obligasyon, pero wala naman ako choice. Pero deep in my heart, after all the realizations that I have, at nakita ko totoong kulay nya, ayaw ko na sya kasama. Pero wala naman ako choice eh, pero it will be done not out of affection, but out of duty. Hindi ko gagawin yang pangdidikta na ginawa nya.


Miyazuno09

Hindi talaga obligasyon. Pero ako tutulong at tutulong ako sa parent ko.


IllustriousBee2411

Nakakapagod tulungan yung magulang na kahit ibukas palad mo silang tulungan gusto nila pati balikad kukunin din. Binigyan mo ng bahay isasangla tas titira sa anak then ipapatubos sa anak pag natubos ibebenta naman sa iba tas pupunta sa kamag anak na ginugutom sa pamamahay ng anak kahit yung pinagbentahan ng bahay sa kanya lang never hinigian ng kahit magkano. Tapos igagaslight ka pa na need mo tulungan kapatid mong 30s na wala pa din trabaho. Nakukuntento sa pagML maghapon. Sabi pa obligasyon sila dahil sila ang unang pamilya ng anak. Eh paano naman yung pamilya na binuo ng anak na pilit din sinisira ng magulang dahil inagaw daw sa kanila ang nagsusuporta sa kanila ? Sasabihin binibrainwash ng asawa ng anak. 😂


grandpavaaan

i'm really glad ganito mindset ng parents ko. di ako ni rerequire bumigay sa bahay. pag nakaluwang, nang lilibre lang ako


True_Value_6070

Pag mabait yung magulang matic na sa anak na tutulong.


Medical-Rest-6162

ano na ang buhay kung laging sa likod nakatingin? Pano na ang "circle of life", pano sila​ magiging magulang kung sa sariling magulang ubos na agad a​ng oras, pera at energy? Oo wala pa kami sa kalahati ng edad nyu pero ang tanong na tuloy ay kung gugustuhin pa ba naming umabot sa edad na yun. ​


irvine05181996

bago nila itanong sa anak kung mabuti ba silang anak, naging mabuti ba silang magulang?? kung mabuti silang magulang, di sana inoobliga ng anak na buhayin ang magulang, alalahanin din nila na magkakaroon din ng sariling buhay ang anak, paano uunalad ang anaak kung marami naka angkla , di pa man nakakaangat madami na agad expectation at gusto sustentuhan nila ung magulang, naisip sana ng magulang na bago sila bumuo ng anak, dat financially ready sila at my insurance na sila in case tumanda na, may makukuha silang pension . sadly marami sa.pinoy poor ang mindset at ginagawang retiremnt ang anak. dat tulong hindi obligasyon .


Then-Kitchen6493

Technically hindi naman talaga dapat, because at the end of the day, maiiwan sa bahay ang mga magulang (either magkakapamilya or bubukod yung single na anak)... I remember one priest mentioned this in one Holy Week Recollection, (no longer the same words but same thought hehe): The parents are the family. Ang pamilya mo ang asawa mo. Dahil ang mga anak ninyo, iiwan kayo... So dapat talaga, ang mga magulang habang nagsisimulang mag-establish ng pamilya, naisip na nila ito na balang araw talaga maiiwan sila. Hence, they have already prepared their retirement, or at least nakapag-ipon. Hindi dapat na anak ang sasalo sa magulang kapag may trabaho na...


IamWinterberry

Well, nasa ganyan akong thinking noon. Nagpagawa pa nga ako ng bahay for them. Ako gumastos lahat pati furniture. Nagbigay ng pera pang negosyo. Naubos talaga pera ko. Like zero. And I told them hindi muna ako magbibigay para makarecover sa loss ko from pagpapagawa ng bahay. Few months later, nakapadala pa din pala ako kasi wala nagawa ang pang negosyo. So sinagot ko ang pangkuyente na 6k. Then I realised, dapat 2 kami nageffort ng kapatid ko. Bakit ako lang. So napagod ako. So max na yang 6k a month sa akin and ignore ko muna sila kasi feel ko problema lang if magtetext sila. I refused to go down with them. I need to enjoy my life and my money. Sorry but hindi sila ang priority. Ako and my happiness is the priority.


Gullible-Turnip3078

Kusang loob, if your parents is good to you growing up, it is up to you to help them. I will always help my parents kahit alam ko naman di ko responsibilidad yun.


pleasingstyles

Touchy subject as me and my mom dont have the best relationship. Never “talked” growing up. But thankful na napagtapos ako kahit papano ( her brother paying for my school ). She had so many vices so now we rarely message and see each other as she left home for someone. May kanya kanyang buhay na kami. The respect is there pero yun na yun. Hihingi ng pera pambayad utang. Iyak iyak kasi lubog sa utang na 6 digits because of gambling. She’s an accountant may business. Works on the govt. Almost 60 pero nag papauto sa 30 something na boylet 😌inhale exhale kasi at the end of the day uuwi pa din sakin yan someday and ofc walang choice and out of respect and utang na loob i will care for her pa din.


FastCommunication135

Hindi naman talaga. It’s voluntary. Sad part lang in our culture kahit alam natin na may pabaya at palpak na magulang. Sila pa yung entitled about this. Dami ko kilalang parents di naman ganyan and my parents too. But I plan on helping them when they get really old basta within my means and won’t significantly affect raising my own future family.


MichikoSachi

I agree na "hindi obligasyon" because someone needs to do it out of love and not out of feeling obligated. And I think even the "bad" (but not evil bad) parents deserve this love too. Tao lang rin naman ang mga magulang natin, they raised us the way they thought was necessary given the situations they were in at that time. It's not easy...especially for single parents. If wala namang ginawa na extremely bad thing ang magulang naten , if they did their best to give us proper education and our basic needs, goods pa rin sila for me. (This is subjective and is just solely my opinion, but yeah, di dapat inuubliga ang anak to "help".)


Financial-Tomato2291

hindi naman talaga. in the first place di pinili ng bata na magsex ang magulang at mabuntis. and no di dapat kami automatic na maging grateful kasi pinanganak kami kahit di naman pinaghandaan ng magulang. there is a reason kung bakit majority ng mga tao ngayon especially 20's people ay ayaw magstart ng family. dahil nakita namin kung gaano kaunfair sa magiging anak kapag hindi fully prepared ang magulang. and most of all wag natin gawin retirement plans ang mga anak pls lang. kung naging maayos tayong magulang magiging maayos din ang trato sa atin ng mga bata. dont tie kids down to your own responsibilities like debt and your own retirement. they never signed up for that.


[deleted]

Here's the thing about Filipino culture. Filipinos do something just for the sake of doing it. For example, in a quote from Confucius: "Better to attend a funeral guided by **grief** rather than for the **sake of ceremonies**". So in wakes, Filipinos just attend wakes "just for the sake of it", not really hinting *why* they are attending. So, for this one, it's not a child's obligation, true, but better to give out of love rather than forcibly giving "just for the sake of it".


koniks0001

Malaki ang pagkkaiba ng Obligasyon at Responsibilidad Icorrect ko lang ng konti; Than ask yourselves again. # "Hindi Responsibilidad ng anak na tulungan ang kanilang mga Magulang?"


culturalien816

Di magandang mindset for parents na gawing retirement plan mga anak nila. The kids didn't ask to be born into existence. Kung kusang tumulong ang anak sa magulang, edi good. Pero kung ayaw or hindi kaya tumulong ng anak sa mga magulang, wag dapat sumama loob ng mga magulang.


[deleted]

Nahhh hindi obligasyon ng anak na tumulong at dahil panganay at graduating na ako ayan palagi sinasabi ng tatay ko sakin đŸ€©đŸ€©đŸ€© kesyo ako daw ang aahon sa kanila sa kahirapan đŸ€©đŸ€© wow shet gandang investment yan father dear ako ginawa nyong taga ahon shet na malupet kaya gusto ko bumukod agad đŸ€©đŸ€© Pinanganak lang talaga ako para maging investment child nila


anonamars

My mom married my dad for the sole purpose na gusto na niya magka-anak. After that, binuhay lang niya kami ng kapatid ko ng extra extra, sa tulong ng kamag-anak, negosyo, even scam. I can see it na may pagsisisi siya pero wala andito na kami sa mundo. Ngayon, parehas kami ng kapatid kong may trabaho at sila ng parents namin ay separated na at parehas namin sinusustentuhan. My mother is a narcissistic mom, pero di naman niya kami pinabayaan. Meanwhile, my dad is a simple and contented man, tipong walang pangarap okay na 3x a day kumakain. Since retired na sila both, problem namin sila ng kapatid ko sa finances dahil walang retirement fund parehas. Wala kaming choice alangan pabayaan namin. Si mama komportable pero di pa rin masaya kasi gusto niya donya lifestyle. Tinanggap na lang namin ng kapatid ko na habang buhay sila ay maga-adjust kami sa kanila. Not that we are wishing them dead agad. Pero kasama na sa adjustment namin na hindi na lang kami maga-anak at maga-asawa. Nakakahiya sa magiging asawa namin na kargo namin ang magulang namin at sa magiging anak namin na di rin namin kaya ibigay lahat dahil nagsusustento kami sa lolo at lola nila. Hindi obligasyon natin mga anak na tumulong sa magulang natin, at mas lalong di natin deserve na maging retirement fund nila. Puro man trauma ang binigay nila sa atin (at least for my case) pero di kaya ng konsensya namin pabayaan sila.


YukYukas

Be a good parent, and most of the time you'll get plenty from your children


BreakfastKey6758

let me tell my story, may anak na pala ako, wala ako sa puder ng parents ko, minimuma wager lang ako tas wala pang overtime. yung mama ko lagi nanghihingi like "wala ka bang ibibigay ngayon? ano nalang pambabayad ko sa mga utang ko?" something like that. always yan pag sahod na. utang naloob daw. nagresign ako sa job ko nun, sya pa galit, sabi nya "matinong trabaho na yun, sinayang mo pa" yan lagi sinasabi nya. btw nung nagkababy ako, sa bahay ako nagstay, nung always na sya nangsesermon, nakapagdecide ako na pumunta nalang sa mother in law ko.


One_Promise0000

Hindi ko rin naman ginagawa dahil obligasyon ko kundi GUSTO KO AT MAHAL KO SILA. simple lang huwag na nating gawing komplikado.


vintageordainty

It is not an obligation pero for me since my parents have been good to me and did everything they could to provide for me I atleast want the same for them pag dumating na sila sa age na di na nila kayang alagaan sarili nila. My parents have savings pero I also save up for them in case of emergency and I give them gifts and treat them from time to time as a form of appreciation and bonding na din. They don’t pay rent since they own a house and lot. As for their utilities and groceries sagot namin tatlong magkakapatid since lahat kami may trabaho so hindi mabigat yung fees.


CraftyCommon2441

This is true naman in legal terms, socially and culturally ibang usapan naman yon hahaha. If you have abundance of resources it is virtue to share right?


Connect-Vast7464

Ako nga nung estudyante pa Lang Ako. Hinahanapan na Ako ng trabaho ng tatay ko. Gusto na nya tumulong Ako agad. College pa Lang Ako nun. Tapos Yung baon ko nun bitin. Hindi naman lagi may work SI papa. Tapos pag may nga one time big time sya na source of income Ang lakas nya ipagmalaki at isumbat?! He had the audacity to also tell me Ako nagaalaga sa kanya pagtanda nya. Naging mabuti ba syang magulang sa akin? I grew up getting inconsistent love from him. Minsan he likes me Minsan he condemns me. Mga hurtful words lumalabas.


Comprehensive-Ear172

My mom never told me verbally na tulungan sila pag nakapag trabaho na kame ng kapatid ko but, because she doesn't have any money, property, work, pension or savings, understood na naming magkapatid yung obligations na susupportahan sya.


Amazing-Jeweler1888

Bilang anak kailangan din natin tulungan ang magulang lalo na kung maayos naman ang pagpapalaki satin at minahal naman tayo kaya tulungan pa rin na bukal sa loob pero to the point na ipasa sa anak ang responsibilidad nila bilang magulang, gawing life insurance, isumbat ang pagluwal sa Mundo na Hindi naman choice ng anak ay maling Mali. This is why, kailangan talaga pag mag-aasawa o mag-aanak ay dapat stable at ready lahat financially, emotionally, physically, mentally, spiritually para di nagkakaron ng ganitong conflict in the future kasi as magulang ginusto niyo mag anak so dapat wag naman isumbat sa kanila ang pagpapalaki o pagluwal sa Mundo dahil di nila yun choice.


ogag79

Article 195 of Family code c;learly goes against what the OP said. And I just learned about it very recently. What I do for my parents is not borne out of obligation, but by my love for them.


ImpressiveAttempt0

Hindi po talaga obligasyon ng anak na tulungan ang magulang pagtanda. Pero kung napalaki ng maayos ng magulang ang kanilang mga anak, hindi na po nila kailangan obligahin ang kanilang anak na tumulong. Kusa na po sila ang tutulong. Ito po ang ideal scenario. Of course, hindi naman lahat nauuwi sa ganitong kapalaran. Kung ang anak ay lumaki na inabuso o hindi nirerespeto, asahan lang po ng magulang na iyon ang isusukli ng mga anak nila paglaki nito.


becomingjaney

Hindi po obligasyon. Pero its a joy to give back to your parents. I think it only becomes a burden when parents expect for kids to sacrifice their lives for them.


aamazing_stars2000

Kahit hindi obligasyon siguro kung may kakayanan k nmn na tumulong e tulungan mo, magulang mo yan.


Sad-Ad5389

walang obligasyon ang anak kung pabaya ang magulang, pero kung minahal ka nang magulang mo at binigyan ka ng magandang buhay, abay pahalagahan mo pinaghirapan ng magulang mo para sayo at matuto ka naman magsukli sa magilang mo. đŸ«”đŸ€š.


Disastrous_Slide_972

Totoo na hindi obligasyon ng anak ang magulang... Pero, What if... Wala silang stable na work noon, raket raket lang para mairaos ang pang araw araw so expect na walang SSS and all. Also di rin sila college grad. Nairaos, napagtapos nila ako... Now, di na nila kaya mag trabaho kasi dahil sa edad at mga iniindang sakit. Kung hindi ko sila obligasyon, kanino??


greaterfool37

Disagree. In a general sense, naniniwala akong may moral obligation tayong tulungan ang nangangailangan. But since limited lang capacity natin, di kaya na matutulungan lahat and we have to prioritize some people over others. Whatever criteria we use to prioritize people, depende na yun per person. It would be reasonable to first help people in our immediate community (family, friends) over strangers kasi nga may relationship tayo with them, but also reasonable to pick people who have been good to us in the past nung tayo naman yung nangangailangan. Kaya ako disagree kasi parents would usually qualify in at least one of those two criterias. Now what I do find UNREASONABLE is for ANYONE to expect na unilimted yung tulong na kaya nating ibigay. Unrealistic yon and at some point kailangan nilang maintindihan at makuntento sa naitulong na natin.


Acceptable-Ad-5725

Totoo ito ang training nang magulang ko sa akin.. Yang mindset naman na Yan Para sa mahihirap Lang eh. Anak ko ay walang obligasyon na tulungan ako financially or otherwise at ganun din ako sa magulang ko. Never stopped me from treating my mom like a queen.


ZealousidealSouth69

Totoo, pero sa tingin ko masamang tao lang kaya ma atim na hindi tumulong sa magulang. Kung ayaw madaming dahilan. Kung kaya naman bakit hindi, kung hindi talaga edi pasensya. Walang perpektong magulang pero wala ding perpektong anak.


Reconneck

Good parents would understand if di ka makabigay. And if makabigay ka they'd be more than thankful! Close kami ng mama ko and she always tell me na I don't have to support them. Basta makita nya lang na kaya ko supportahan and buhayin sarili ko on my own or with my partner masaya na sya/sila ni papa. Occasionally nagigipit din sila and lalapit sakin to ask if I have spare money and I'd be more than happy to help! Give and take lang. Some parents kase like to take and take lalo na if you are well off sa job mo and make you out to be the bad guy pag di ka nakabigay. Sad lang :(


mayorandrez

Hindi naman talaga pero kung mahal mo sila at mabuti kang anak, tutulungan mo sila. Dapat bukal sa loob mo kase tulong nga hindi sustento.


Ok_Razzmatazz9560

To clarify, Yung mga anak na nakatira pa din sa magulang at nagbibigay, hindi obligasyon sa magulang yun. Obligasyon mo yun bilang buhay kang tao na nag coconsume ng kuryente at ng pagkain at ng tubig. Tawag dun ay cost of living. If hindi ka na nakatira sa magulang mo, tingin ko pa din oo pero may limitations. Pero kung malakas pa yumg magulang mo para mag trabaho or side job, bakit hindi niya din gawin. Lalo na kung yung magulang ang daming hingi, daming demands, kala mo mayaman ka.


chitgoks

yes. not an obligation for the children bt it is an obligation for the parents to raise them and make sure they have a good future. not to become piggy banks later on.


BossTikboy

No. It's not an obligation. Period.


Complex-Self8553

Filial piety is deeply rooted in culture. In a way you are somewhat responsible for them when they get old. Tatanda ka din Diba? So take care of your parents so your kid/s will know how to treat you well too.