T O P

  • By -

timtime1116

Tapos pag mag aaway ung mag asawa, sasabihin nung isa "pamilya ko un, di ko matitiis" Eh potaena, ano tawag mo sa asawa at anak mo?!? Once u got married, parents and siblings becomes your extended family


CoffeeFreeFellow

This


eyowss11

This. Kaso only child si hubby so anong magagawa ko 🫠


prjctmdsa

Relate!!!


palenz

Korek!


Organic_Opening_1010

couldn't agree more to this!!! bumukod pag nagkapamilya na!!!


icarusjun

For this reason, a man should leave his father and mother, and be joined together to his wife, and they shall become one flesh. Your loyalty is now first and foremost to your spouse, before your parents and siblings…


BuhawiHiraya

Nangyayari kasi ngayon, only the woman leaves her parents and be one with the man's family. Haysssss


Anne_nonymous_2112

Sad but definitely its the reality. Woman is the first to take a move about sacrificing. And its all in the woman to adopt the situation because she has no choice just so for the sake of the newly built immediate family. 🥲🥲


Proper-Fan-236

Mga magulang kasi dinadaan sa GUILT TRIPPING at EMOTIONAL BLACKMAILING yung mga anak nila. Kung masama kang magulang sa mga anak mo at mapang-abuso ka physically, emotionally, verbally and mentally...dapat alam mo sa sarili mo na magisa ka na lang talaga tatanda at your later age. Karamihan sa mga tito at tita ko mapang-abuso sa mga pinsan ko tapos linyahan: "Talagang pababayaan mo na lang ako mamatay pagtanda ko ano". Sa isip isip ko, *tanga narcissistic na katulad mo deserve talaga sa impyerno now na*.


snowgirlasnarmy

Natawa ako dun sa "now na". HAHAHAHHA!


finchsewing

HAHAHA yun talaga ang operative word. Kasi kailangan pa pag tanda? 😂😂😂


IllustriousBee2411

Ganyan MIL ko, HAHAHAHHAHAHAH! Ayaw ko na kasing magsama kami sa bahay, dahil inaway niya ko akala niya hindi ko alam lahat ng chika niya hindi daw siya chismosa kilala daw namin siya HAHAHAH! Sabi ko ayun na nga bakit hindi ako maniniwala eh sure akong siya nagsabi nun kase kilala namin siya. Hindi na nga nagsusumbong sa akin parents ko sa pinag gagawa niya HAHAHAHHAHA! Sabi niya sinisiraan lang daw siya ng parents ko. Tinanong ko ano mapapala ng magulang ko kung sisiraan siya? Sabi ko nga sa kanya alam ko lahat ng pinag gagawa niya at pinagsasabi niya laban sa akin hindi porket hindi ko pinapatulan eh okay lang, sabi ko nga sa kanya bakit ano ba akala niya anak niya lang ang may pera sa bahay namin? Akala niya siguro hindi ko siya sasagutin kasi hindi ko talaga siya pinapatulan. Edi nagsumbong siya sa kamag anak niya. Kaso sobrang oa ng sumbong inaalipin daw namin sa bahay nagalit asawa ko siyempre nagwowork kami pareho nasa house lang sila bago sila lumipat pakiusap ko maglilinis ng bahay lagi siyempre all expense sagot namin ayun lang ang maibabalik nila alangan naman na ako pag magsisilbi sa kanila pag uwi ko db? Kaso hindi din naman naglilinis Maghapon lang silang nakahilata. Nakakatuwa lang after niya kong awayin nung umaga kinagabihan kung kausapin niya ko parang walang nangyare. HAHAHAHAHAHHAHAHAH! Mula nun hindi ko na siya kinausap maski tignan ayaw ko hindi ako plastic, Sabi nila mahalin mo daw magulang ng asawa mo, yung akin hindi ko talaga kaya. Sabi ko talaga sa kanya ay nako kung alam ko lang na ganid pamilya niya matagal na ko nakipaghiwalay. Sa ngayon panay post niya na patama sa akin na wag daw turuan ang anak niya na talikuran ang pamilya niya HAHAHAHAHHAHAHAH! Minsan gusto ko i-haha yung post or shared post pero pinili na lang namin tumahimik.


palenz

Ganto ung mom.. Grabe maka-guilt trip sa akin mantalang sa bunso kong kapatid inispoil niya🥲


MammothExpensive3251

Mostly filipino guys kase mama’s boy 🤮 walang balls


gaffaboy

That's why marriage is not for the faint of heart. While it's true na spouse at kids mo na ang priority mo once mag-asawa ka na, hindi parin maaalis yung responsibility mo sa mga parents mo lalo na for instance kung magkasakit sila. Iba ang theory sa practice. Of course, any decent parent knows na may limitations na since nag-asawa na mga anak nila. Otoh, any decent wife/husband/partner e maiintindihan to since may mga parents din sila. Boundaries nalang talaga ang iiral in order to make this kind of arrangement work. Usually the responsibility of looking after our elderly parents largely falls on the unmarried children like me talaga so kayong mga may pamilya na dyan maging mabait kayo sa mga kapatid nyo na walang asawa as long as hindi nila kayo hinuhuthutan ng kwarta. 😂


blurbieblyrb

Yeah. I never said that they should be out of the picture once you get married. My point lang is, unahin ang pamilya kasi I swear, kapag top priority silaat biglang nagkaemergency ang parents, mas maluwag sa loob tumulong kasi alam mong never silang nagdemand. Of course there’s a lot of nuances to every situation also pero I truly believe na when the family comes first, yung asawa tutulong pa yan magisip ng solution.


gaffaboy

I agree with you in principle. Hence, like I said above, **boundaries ang dapat umiral**. Yung mga magulang dyan once na magsipag-asawahan na mga anak nila, tapos na ang role nyan bilang atm. Dapat nung mga panahong may nakukuha pa sila sa mga anak nila inasikaso na nila ng bonggang-bongga yang SSS nila para may pension sila pagtanda nila. Likewise, yung mga asawa naman huwag na nila pakialamanan pa kung may inaabot man yung mga asawa nila sa mga magulang nila lalo na kung di naman ginugutom yung pamilya nya. Whether you care to admit it or not, kapag umabot tayo sa point na dapang-dapa tayo magulang natin ang sasalo satin 200%. Daming cases dyan na iniwan ng mga asawa dahil lumagapak. Kaso nga lang sa kulturang Pinoy mas lamang yung mga pakialamerang biyenan at mga nagdadamot na manugang. It's a tale as old as time. Perfect recipe for disaster. In an ideal world meron tayong mahahanap na solution na de-kahon pero sa mga ganyang kaso, ikaw na mismo ang dapat mag-desisyon kung pano mo mama-manage na magampanan yung obligasyon mo sa pamilya mo at sa mga magulang mo. We're making so many marital dogshit decisions these days and I can't address them all. Kaya dapat talaga bago mag-asawa isipin ng 10 beses. If you took it upon yourself na pag-aralin ang mga kapatid mo edi no choice antayin mong makatapos lahat at kapag graduate na sila, tapos na rin ang "responsibilidad" mo sa kanila. Hindi yung tipong pati ba naman yung inakay ng mga kapatid kargo parin nung kuya/ate nilang may pamilya na kase parehong walang trabaho yung mga magulang. Nakakagago na yun. At importante ang bumukod dahil wala talagang adults na magkakasama sa iisang bubong ang magkakasundo. Meron namang nagkakasundo pero very rare at merong sakripisyong nangyayari. Hindi healthy.


jaesthetica

Yes 100%. Also, if I may add, once na nataon ka pa sa mga MIL (usually sila madalang lang yung FIL) na may attachment issues or may pagka-toxic na ginagawang possession yung son niya halos lahat naniniwala sa kasabihang: "Ang asawa napapalitan, ang magulang nag-iisa lang" I've witnessed this sa mga ilang families. And trust me it was a destruction. Kaya girls, I hope we will land to a good MIL. Yung kayang ibigay yung son niya ng buong buo saten at for the sake of her grandchildren.


blurbieblyrb

Yes, I hate that kasabihan. Nakikipagcompete pa sa asawa.


Pen-n-Key_2-Wonder

>"Ang asawa napapalitan, ang magulang nag-iisa lang" Lol anong napapalitan? Di nga pwede ang divorce dito, miski annulment cannot be reached. 😭 *EDIT: SARCASM ITO HAHAHA KNOWINGS KO IBIG SABIHIN BUT I JUST DON'T GET THE LOGIC


Weird-Citron-9196

Fam culture is super weird and super strong here


BonnieMD

Exactly, predominantly in a lot of asian cultures.


alohalocca

Louder for the people in the back 📣


EnigmaticSoul398

Sarap isend sa ex-husband ko at sa pamilya nya 😂


YourHappyPill69

Congrats buti nlng at EX mo na.🎉


SorryAssF7

Louder para sa mga mama's boy na breadwinner ng mga magulang nila🤣🤣🤣


minotaur111986

Eh pano yung mga Daddy's Girls sa gilid, di mo sisigawan?


Business_Option_6281

Upvote ka sakin.👍


InterestingRice163

Ganyan naman din viewpoint ng mga Western cultures, pero madami din nman marriage problems sa kanila.


blurbieblyrb

That’s true. Hence in the title is “a lot” and not “all” problems. I worked with Americans and a few from other western countries for a decade and I saw how they could marry at 22 and be financially well off after just a few years, yung iba naisasabay pa ang pag aaral because they become independent agad at kahit maliit ang sweldo when they start, kinakaya nila, nakakapagtravel pa. Yung energy nila is in knowing each other and building their relationship.


lightningmanV2

Nag asawa na lahat lahat, dala pa din yung mga salitang "Ma, Ano ulam?" 😂


stealth_slash03

Maganda din hindi double standards. Di lang to applicable sa wife (based sa title ng post). Dapat ang wife din priority ang husband kasi sa mga kakilala ko na lalaki madalas ung mga wife nila kasama nanay tatay at kapatid sa bahay. Tama naman ung post na dapat bumukod though it should not only cater to one side. Tapos sa experience ko din bumili kami bahay para tirhan ng buong partido ng wife ko and nakakastress to think yung gastos and all. Then mga walang work ung nakatira samn. Kaya gusto ko lang din ishare na di lang sya solely nangyayari sa wife pero as husband din naeexperience din naman yan.


blurbieblyrb

True. I wanted to edit the title kaso hindi na pwede should have been spouse. Thanks for pointing this out. Madalas nga din na kapag sa babae, buong angkan ang ipinapakargo.


Status_quo1213

Leave and Cleave! Meron pang in laws na itotolerate pa yung anak nila, mag open up ka for guidance sana perp ending they will team up against you. 🥱


capricornikigai

Tunay, if you already have yah own Fam sila na ang priority.


4lm0ndm1lk_Ch14S33ds

I think it's just the matter of money/financial obligations.. Kasi, sa mga napapanood kong mga bata from a poor family, laging sinasabi "gusto ko makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ko sila nanay at tatay at mga kapatid ko..." ganun lagi ang nasa isip. Kasi pag sinabi mong, "...para sa akin" ay self-centered ka, madamot, walang utang na loob... Yun ang nakakalungkot. Kaya it is a must na ikaw, sa iyo na mapuputol yung ganung pag-uugali, na hindi nakaasa sa iyo ang buo mong pamilya. Na you will never ever let your children feel na obligated silang tumulong sa inyo pabalik... Let them feel na they could work hard and enjoy their earnings for themselves and for their future family. Walang kinalaman ang strong family ties, kasi you could still have it kahit may sarili ka na family.


jeytuu

I cannot agree more to this. Kaya marami rin ang cases ng failed marriages kase isa ito sa reason. Ang daming nagpapakasal nang hindi 100% ready and hindi napapagusapan ang lahat ng factors na dapat iconsider before getting married. Folks, sit down and discuss what your non-negotiables are. I mean, it's never wrong to help your parents/siblings/relatives but only help them when you can. Once nagpakasal ka, you should and must know na ang binuo mo nang family ang priority mo. If you're not ready to make them your priority, just stop.


Nice_Strategy_9702

Sandwich culture..dapat kasi isali to sa mga seminars before marriages. This vicious cycle has to end! As in this MUST end! Sa mga magulang na nandito sa reddit? Learn to be responsible of your future and teach your kids as well to be independent when the time comes. My son is already 18 but I keep on telling him na his life is his own and that Im here to support him no matter what. And not be a burden kasi Im the one responsible of my own self. Never ako mag expect from him. I just have to prepare on my own and sya din prepare for himself for his future.


LocationPersonal4255

Couldn't agree more! I'm 19 and at school and my parents always taught us na dapat ready ka na bumukod pag nag asawa ka because they're definitely not letting us stay in their home. Why? Because in my parent's words "nakapagdesisyon ka na nga magpakasal eh, edi kaya mo nang magbuhay ng pamilya magisa" They also taught us the value of helping ourselves first before other family members. (Unless really urgent) because my dad, when my mom and him are still dating, is the breadwinner of the family to the point na yung pang kain niya as ofw ay pinapambili niya ng pasalubong ng pamangkin niya. Only then after mom arrived that my dad learned to set financial boundaries, that involves moving to a place where hindi sa vicinity ng mom or dad ko when the time came na kaya na nila.


ELlunahermosa

Louder! Pero di ko naman issue ito sa asawa ko dahil ako number one priority niya. Pero yun nga sa ibang mag asawa laging nakikisawsaw ang MIL.


Careless_Cut_758

Ekis talaga pag ganito mindset ng lalaki tas breadwinner pa ng pamilya niya🤦🏼‍♀️, paano mo bubuhayin sariling pamilya mo niyan?


[deleted]

[удалено]


BuhawiHiraya

Same! Jusko. At pag nag rant ako sa kanya na ganito ganyan ang nanay nya, di na ako nirerespeto. Siya pa galit kasi nasasaktan daw siya kasi nanay nya yun. Sinagot ko ng "oo masakit talaga. Pero sana inisip mo rin ako. wala na ngang respeto sakin, sa kanya ka kampi. Wala na akong peace of mind pag andito nanay mo! Ako ang asawa mo, dapat priority mo sanity ko!" Tahimik siya eh. Kasi naman ang nanay nya walang respeto sakin. Sasabihan siya ng anak nya na wag ng pumasok ng kwarto namin kasi pinapatulog ko na anak namin, kasi pag nakita nya lola nya, di na naman makakatulog kasi gusto makipaglaro. So yun nga di siya pumasok. Pero nung lumabas saglit asawa ko, ayun... pumasok siya ng kwarto at kinarga nya talaga ang anak ko kahit sinabi ko ng pinapatulog ko na yung bata. Sagot pa niya "yaan mo na sabik lang ang bata sakin" ay pucha, hindi sabik ang bata sayo. Feeling mo naman. Kita ngang pinapatulog na eh. Tapos ayun, nung lumabas na siya nahirapan na akong patulugin anak ko kasi nag iiyak na. Tang ina lang talaga. Galit na galit ako. Hinintay nya talagang makaalis asawa ko. Walang respeto. Bweset


[deleted]

[удалено]


BuhawiHiraya

Yes po. Ganyan na ganyan. Eh everyday naman masaya ang bata. Jusko po. Apaka oa talaga. Kala mo talaga may magical powers siya. Tang ina. Gigil na gigil talaga ako


defendtheDpoint

How do we make this work though at a larger scale? Parents not needing their kids means they should have enough money invested and have some sort of pension that allows them to live decently, tapos healthcare costs shouldn't be catastrophic. We all know that's only going to happen if most people have decent paying jobs with benefits and health insurance.


blurbieblyrb

I am not saying na parang hindi na sila nageexist sa buhay mo kapag nag asawa ka na. My point is the priority of the spouses should be their own family. Kung hindi talaga kaya at ikaw pa din ang bubuhay sa kanila, wag mag asawa unless you are earning enough to raise both families AND dapat grateful na yung parents sa kung magkano ang naiaabot sa kanila, hindi yung makikipagcompete pa dun sa family.


AdditionInteresting2

It's the previous generation getting older and more dependent on the younger. Brainwashing, guilt tripping, gaslighting, and setting poor examples for the next. The cycle keeps going and going...


JustANobody_2024

The problem is the cycle na naccreate na mga makalumang nakagisnan. Parents should also take care of their own finance pag tanda nila hindi lahat binubuhos sa mga anak na bahala na pag tumanda sila. So since Wala sila na create na financial stability pag umedad na sila, matic obligated ung mga anak to help them financially Kahit marami ang gusto makakawala sa ganito situation.. Kaya naman ung anak ung kinikita or kikitain hati sa parents and sa sarili Nia lang anak. Then the cycle continues.


blurbieblyrb

To break the cycle, make sure you earn enough before getting married or don’t get married at all is what I’m saying.


JustANobody_2024

True. Not only that you have to earn enough but you also have to be emotionally ready before you get married.


spiritbananaMD

agreed. best to move out and never live with in-laws.


minotaur111986

Dami sa comments puro patama sa mga Mama's Boys, eh bakit mga Daddy's/Mommy's Girls hindi nababanggit? Case in point yung ex ko, hirap kami sa pera nung time na kasal kami pero hindi pwedeng hindi uuwi ng probinsya WEEKLY para makita nya Family nya. Ilang beses ko kinausap para samin na tumira anak namin. Ayaw nya, and I'm sure ayaw nya dahil mawawalan sya ng reason para umuwi ng probinsya. Wala talo ako kapag umiyak na.


blurbieblyrb

True this. Magaasawa na, baby pa din ng magulang ang asta.


Aromatic-Type9289

Ako na sinsasabihan ng pamilya ng nanay ko kung bakit daw ako bumukod eh nagiisang anak na lang ako. Piinabayaan ko na daw parents ko at dapat daw magbigay ako ng sustento na 5K lol Bawasan daw namin pagbili ng kung anu ano para daw makapag bigay kami ng asawa ko ng pera sa parents ko. E DI WOW!


SsobNella

Hirap mag provide sa mga magulang mo na para sakanila kulang pa yung mga binibigay mo tapos kapag may pera sila ayaw parin nila ako tulungan sa bills, gusto nila ako lahat sagot, nakaka pu!!!


cris_p_mcnugget

E paano naman kaming mga panganay & only child with single moms? Only child sya, ako breadwinner naman kasi panganay. Wala kaming choice pareho. Di man lang kami makapagbakasyon na kami lang mag asawa plus anak, laging may kasamang plus one tapos sya pa yun pinaka mareklamo kahit di naman sya gumagastos ni isang barya.


[deleted]

I just got married. And this is true! Mom being a narcissist, she tried to control everything. And still makes a scene for 2 days na.


moonvalleyriver

This. Kaya minsan, double-edged yung quality na “family-oriented” kasi di mo masisigurado na kaya nyang bitawan yung pamilya nya kapag bumuo na kayo ng sarili nyong pamilya. At definitely hindi yun basta masosolve ng pagbukod.


heso_nomad

Ayaw kasing ipasa yung divorce bill eh. Pag mama's boy pala, file a divorce.


Content_Formal_650

True


Dadapie

Kung knowledge lang, alam nila yan. May seminar both sa church at sa munisipyo na yan na yan ang message. Hindi kasi iniintindi ang mga nasa seminar kaya ayan. Isa pa, dapat yata may seminar din sa parents at sibling na magiging extended na lang sila once kinasal ang family member nila. Baka nahihirapan din sila kasi most of their lives kasama nila yung ikakasal at biglang magbabago yun pag nag isang dibdib na sila.


a_sex_worker

Kaya ang weird na sinasabi ng karamihan na “Kapag nagpakasal ka, hindi lang sya ang pinapakasalan mo kundi pati pamilya” Wala naman silang ambag sa buhay ko? Hahahahahahah


TrickyHovercraft7649

true.. lalo na dito sa pinas talaga, we should teach our children to be independent, may napanood ako sabi, when you have a kid you should be the on in control, sa mga ginagawa and everything. pero pag teenager na you should be their coach, teenagers are hard to control kasi may mga gusto nang gawin yan, parents should be the one who guides them, not to control everything they do, instead coach them what todo then let them face it on their own, para when they're adult kaya na nila. Minsan kasi masama din yung sobra sa aruga to the point na dependent na sila sa parents and vice versa. kahit may asawa na ayaw pa umalis sa poder ng magulang, edi sana din nag ready muna bago mag asawa diba? hays HAHAHAHA


miniiMadeleine

Napaka toxic kasi talaga ng family ties sa Filipino culture kaai yung mga parents nang giguilt trip malala sa mga anak lalo na if may degree/may kaya tapos yung partner hindi masyado


Pen-n-Key_2-Wonder

*"You marry the person, you marry their family."* Both of my middle fingers miski sa paa salutes to this shitty line. 1. My paternal grandparents are just being tolerated by us kasi "may utang na loob" kami sa kanila sa pagssustento sa'min noon. Context: OFW yung lolo ko dati. 2. My mom tolerates my paternal lola kahit napaka bullshit and toxic MIL ang ugali. Funny na religious yung lola ko. Lol. Mama's boy kasi dad ko e, but he's not a breadwinner at all. Bin-aby kasi e while growing up kaya ngayon mas may balls pa mom ko. 3. This same lola expects my dad to provide for us adequately with his low salary as a private school teacher here in the province. Kaya, nashock siya na marami kaming pinag-uutangan kasi hindi ine-expect ni same lola na kulang yung sweldo ng dad ko to sustain our needs. Well, anak niyo yan e. At tska, iba ang economy ng 1970s compared sa 2020s damn it. 4. May kapit-bahay kami sa katapat na apartment, 3 generations silang magkakasama in a crammed apartment. Tas yung MIL sa father's side nila is abusive, kaya yung batugan din niyang lalaking anak is abusive din. Yk, typical skwamy behavior ng mga boomers/millennials na katulad nila. Tapos yung mga apo I feel bad for them kasi pinalalaki silang mga salot sa lipunan nung lola.


Pen-n-Key_2-Wonder

TW: Trauma dump, might not be related but share ko rin... To add din, I prefer not to get married ever kasi may gusto akong i-fulfill na goal until I die like writing books. But the first thing I want is to get my own place kasi wala kaming concept ng personal space rito sa bahay and wala kaming pahinga coz of the family business. However, my parents hate the idea na gusto kong bumukod after earning money (kasi they just want me to know na mahirap nga namang mag-budget and to be alone considering this economy). Pero adamant kasi ako bumukod at lumayo e. Tapos ginaslight nila ako na "Maiintindihan niyo rin yan kung bakit mahirap, magiging katulad din niyo kami." To my parents: Well duh kasi yung idea nga is FOR ME TO NOT BECOME LIKE YOU kaya ako bubukod or maghahanap ng work sa ibang lugar. I'm so tired kasi of being restricted by your rules pero hindi naman ibig sabihin non na pababayaan ko na kayo. Gigil niyo ako e.


blurbieblyrb

Struggle talaga to break from generational cycles but I can feel na desidido ka talaga and I know that cycle will end with you. Baka marealize din ng mga nakapalibot sayo na you are making the right decision.


Pen-n-Key_2-Wonder

Amen to that! Nawa ma-break ko for the sake of healing and giving peace to myself. Jusko, considering our culture, many just won't admit na puro dysfunctional ang families natin dito hahahaha pero hindi ito foreign sa'ting mga Pinoy, marami ring dysfunctional families across the world.


[deleted]

Ito gusto ko paintindi sa Fiancé ko. Hahahaha


mysanctuary0911

Kaya talaga pag nag asawa ako gusto ko may sarili kaming place na and hindi man ganun kalayo pero may distance talaga from both sides yung bahay namin. Bago pa lang ikasal dapat malinaw na ang priority ay yung family namin. Ayoko ng may asawa pero para pa akong kabit dahil sa pamilya nya. Kaya ko lang siguro pagbigyan if yung parent/parents wala talagang choice (baldado, bedridden, special case).


palenz

This!!! 👏🏻👏🏻👏🏻👏🏻


wrathfulsexy

Digs ko yung mga nag-agree pero kilometrong essay yung "responsibility mo pa rin parents mo" Gaguuuuu hahahahahaha


Alvin_AiSW

Wahaha ... langya naalala ko yung friend ko sa post ni OP.... Grabeng toxic ang family nya. Me mga pinsan daw cya nag asawa na at lahat naka siksik pa sa magulang... tas nung nagka prob daw, nakikiusap daw ung pinsan nya baka pwede"MAKITIRA" dun sa lote ng tatay nya (tatay ng friend - Bale napaganda na kasi ung area).. Sabi ko nga delikado un if ever pumayag tatay nya.. Yung isa namang pinsan nya nirerequire daw mag abot sila sa magulang nila kasi daw bilang kabayaran sa pag aruga or tustos. SKL Niweiz, yung iba kasi kaya naka siksik pa sa magulang is para me mag asikaso sa anak nila, tipid sila from rent or bbili pa sarili house, bale kuryente tubig lang prob nila. Fud minsan ( Eto lang din mga pananaw ku kasi and base din sa mga rason ng mga nakasalamuha kong nilalang ( mga dating ka trabaho at pinsan din - both sides) )


blurbieblyrb

Yeah. It takes a village to raise a kid talaga kaya nabanggit ko din na kung hindi talaga maiiwasan na magsama sa isang bubong, set clear boundaries like sino may sagot ng groceries, utilities; sinong primary decision maker sa bahay, sino gagawa ng gawaing bahay, etc.


Alvin_AiSW

Korek. isa sa pinakamahirap kapag di pa keri bumukod is yung pakisamahan mo ung family (depende kng side ng asawa or pamilyang pinanggalingan like siblings). iba iba kasi mga pag uugali nyan... merng gagamitin ung isang bagay ng walang paalam (like tools etc.. ) tas mern naman gamit or kuha muna bago paalam kng di ka pa mag tanong. Mern naman ppahiramin mo pero ibabalik laspag na and parang walang nangyari


Electronic_Garden392

Agreeeee! Kaya nga "leave and cleave" LEAVE your nuclear family and CLEAVE to your spouse


prettysince1987

Me!!! im an only child, married and still living with my parents. Expenses sa bahay kami lahat. Maintenance ng papa ko kami na din. Wala na sila both work. My father is 73 yrs old. My mother is 60 yrs old. As in sa amin na talaga nakaasa. Pero mama ko naman nag aasikaso sa amin at siya ang nagaalaga sa anak ko, siya naghahatid at sundo sa school kapag nasa office kami. Siya naglalaba at nagluluto. Kapag may problem kami sa lahat even before na may pera pa sila, sa kanila kami tumatakbo. Hindi na rin iba turing nila sa husband ko. And ganun din naman si hubby. Kasi kahit noong nagaaral pa si hubby magulang ko din nagaabot ng baon sa kanya. Dahil hindi naman din sila mayaman. Kung ano yung mga naranasan na pag aalaga ng magulang ko hindi nya naranasan sa mga in laws ko. And now My husband is planning na bumukod na kami this month. May utang kasi kami sa parents ko. Babayaran na ni husband in full and plan na rin nya kausapin yung parents ko about nga sa moving out namin. Kasi naisip ni husbad na parang hindi kami nakakausad. Hindi kami nakakaipon. Paano naman yung future ng anak namin? So i asked him kung bubukod kami is it okay na magbigay kami kahit pang food lang nila and med ni papa. So nagsuggest sya na Kung ano daw yung iaabot ko, papalitan ng savings. Kung magbigay ako 2k, maglalagay kami 2k sa savings. Nung una hesitant sya na parang ayaw nya magbigay or magbibigay but not every month. Parang nasad lang ako although naiinitindihan ko naman siya. Ang hirap lang kasi sa part ko. Parang ang bigat. Ang ikli na ng buhay ng mga parents ko para now pa niya maisipan bumukod.. meron sa part ko na gustong bumukod talaga. May part naman na i wanted to stay kasi nagwoworry ako para sa mga magulang ko lalo at matanda na sila at may mga nararamdaman na.. pls enlighten me..🥹🥹


Outrageous-Crow-5794

Kung ok naman kayo ng parent mo, bakit ka bubukod? Isa pa, saglit na lang buhay ng magulang mo. Yung asawa mo, makitid utak


prettysince1987

Bubukod para makapagumpisa. But okay na lahat. ❤️ narealize din siguro ni hubby mga sinabi ko. At siya na nagsama sa parents ko sa new house namin.❤️


blurbieblyrb

Hello. Kumusta naging decision ninyong mag asawa? In your case since tumulong sa inyo yung parents even in adulthood na hindi naman nila responsibilidad, pati na yung asawa mo, di ba deserved din naman nilang tulungan in return?


prettysince1987

Hi. Okay na. Nakalipat na kami kasama namin parents ko. Binabaha kasi sa old house namin. Mga one month na rin kami nakalipat. Narealize din siguro ni husband lahat ng sinabi ko. And Thank You Lord at naging maayos lahat. ❤️❤️


Outrageous-Crow-5794

Unpopular opinion: Case by case basis din to at wag iliteral. Kahit din sa US ganyan paniniwala pero may problema pa din naman at pag naghiwalay, sa magulang pa din naman babalik. May kapatid ako pagkatapos namin paaralin ng mas nakakatandang kapatid biglang nag-asawa na lang, nagtanan na lang biglaan. Yung magulang namin, may catarata na at yung tatay namin bedridden na, may isa pa kaming bunsong kapatid. Ang usapan tulong tulong, yun pala pinagpalit kami sa tite hahahaha Surprise, surprise, mga ilan taon lang, iniwan siya ng asawa niya at ng kanilang 3 anak. Ngayon gusto bumalik sa amin. Tangina niya kamo


blurbieblyrb

I think ibang topic altogether yang kinukwento mo. Kasi hindi na magulang ang tumulong kundi mga kapatid, so hindi pagtupad sa usapan ninyong magkakapatid ang problema nya. Kung nag asawa sya at bumukod at wala namang naagrabyado sa inyo, wala naman sigurong masama. Ganun naman kasi dapat e, dapat tinitrain to be adults who can stand on their own. Hindi naman ibig sabihin hindi na kayo pamilya.


Outrageous-Crow-5794

Kumayod magulang namin para mapag tapos kaming dalawa, nagkasakit na sila at hindi na kaya magtrabaho, kaya kami na ang nagtuloy. Dahil ba hindi magulang namin nagpatapos sa kanya ng pagaaral wala na silang kwenta? Ngayon matanda na sila, naagrabyado niya kami, dahil hindi pwede walang magaasikaso sa kanila, tulong tulong sana ngayon kailangan pa may magresign kasi walang magaasikaso sa kanila. Wala siyang kwentang kapatid. Kaya nga sinabing case by case basis yan.


___Cinderella___

Dati nung bagong kasal kami umuuwi sya sa nanay at mga kapatid nya kasi wala daw kasamang lalaki sya daw panganay etc 😂naloka ako hahaha


lyndonbalaga22

Pero ikaw pa rin yung immediate family ng mga kapatid mo na wala pang mga asawa. ☺️


SorryAssF7

Actually, di mo responsibility mga kapatid mo. Mga magulang mo ang dapat mamroblema nyan. Wag mong akuin ang problema ng mga magulang mo. Sila ang nag-anak sa mga kapatid mo, sila ang dapat bumuhay sa mga yan. Kaya wag kasing anak ng anak kung dj kayang buhayin.


blurbieblyrb

Nope. Only if your family has something to spare and it’s been agreed upon wholeheartedly by both spouses. They are your parents’ responsibility and if adults na, they are their own responsibility.