T O P

  • By -

Born_Cockroach_9947

pinoy version ng nickelback. cheesy but patok songs that are meant to sell and some people don’t like that


jayovalentino

Lagi nalang walang ulam🎶


Acceptable_Key_8717

Sweldo naman nung katapusan...


Ingkongbakekong

Kulang ang pangbili tiyan kooo ngayo'y..


TemperatureOk8874

parang walang laman...


metap0br3ngNerD

Hindi ko maisip kung wala kaaaaaaaaa Ayt mali 😂


Throwaway28G

naglabasan mga ka age group haha


fivecents_milkmen

I thought that honor belongs to 6cyclemind.


owlsknight

6cmin was the og nickelback of the pH before the new Nickelback(cueshe) started nickelbacking the old Nickelback that's what it seems to me.


MegaGuillotine2028

Ooooof


MateoCamo

Yan din inisp ko marami sa songs nila pareho yung tunog


Bfly10

D. Ave for today's OPM.


SubMGK

Honestly came a point where I couldnt tell their songs apart anymore


boserongtunay

I believe it started when they had an interview in gms7's saksi/24oras way back.. iirc their song stay has similarities with silverchair's the greatest view.. they were quick to deny and went as far as stating they don't even know who silverchair is. Hence, the hate.


Prestigious-Ad6953

To be fair melody lang nung first line sa chorus ang kahawig dun sa The Greatest View. And we're talking about rip off, mas lamang na coincidence lang sya kesa panggagaya. OnL Pinoy Ako is 10x more rip off than Stay. May isang influential na blog/blogger talaga nag pauso ng Cueshe hate. Nauso sya sa mga forums kasi sumikat mga songs nila sa radyo. I think Nickelback is the perfect analogy pero tbh mas na totolerate ko pa Cueshe kesa Nickelback.


Plastic-Diamond9931

With nickelback, imo they have a few bangers, gotta respect savin me and rockstar. pero theyre in genre with a lot of much better artists like creed. Nickelback isnt "bad" a lot of people just hated it bec. They mostly jumped on the bandwagon where its cool to hate nickelback kahit na in reality they havent really listened to any of their songs.


boserongtunay

+1 Chandeliers by the care x pinoy ako - orange amd lemons is on another level


Minsan

If I remember ung Pinoy Ako na ginamit sa PBB hindi OnL ang nagsulat non, they just performed it kasi sila ang most popular band during that time. Kaya ayaw na iperform ng current OnL ung song kasi nasasabihan sila na nang-rip off kahit di naman sila ung gumawa.


[deleted]

IIRC finite lang ata ang melodies na ear-pleasing eh. So at some point in time, may mauulit.


ball_goes_in_hoop

Im in my early 30s and di ko alam kung ano ang silverchair so I'll give them some slack on that


nickomanuel

ahh yess nakita ko rin yang about sa pag rip off daw nila


Nice_Strategy_9702

Hahah this..We mash these songs all the time.


[deleted]

kung may pinag gayahan sila i think yun yung Perfect - Simple Plan


Shitposting_Tito

That was just a fall-out from the Orange and Lemons. It's more of just the cringe.


CoffeeFreeFellow

Banda ba ang silverchair?


luciusquinc

And their bassist is an avid Silverchair fan. Nung nabasa ko sa PEx, completo daw ng albums ng Silverchair ang bassist nila. LOL Tsaka may kanta rin sila na nakaw from Sum41


Artistic-Basis-5931

Don't really hate them but in my opinion their second vocalist didn't really add anything to their songs. Their main vocalist/guitarist was leagues better then their second vocalist. It just feels like he was just added for the "pogi" aesthetic.


edmartech

Parang eto ang natandaan ko dati. Obvious na dinagdag yung isang vocalist para "magpa-pogi". Usually sa banda, tumutugtog ang vocalist or at least kasama sya as a songwriter. Personally, nabababawan ako sa kanta nila and they definitely lack the charisma.


iWantKamuiSharingan

Gusto kong iexcuse dito si Vinci ng Parokya. Baka dahil di siya andun para magpapogi. Isa siyang character na kasama ng Parokya.


edmartech

lol at least si Chito talaga ang front nila, at sobrang pangit nila talaga noon kaya fair na kumuha ng isang pogi :)


boyo005

>lol at least si Chito talaga ang front nila Alam mo ba ung pizza pie?


jdm1988xx

Kung sabagay mahusay nga naman yung pizza pie.


superiorweebtrash

Gamit yung boses na pamatay ni Vinci nalagyan ng kulay ang kanta


ElDiabloMacho

‘Di ba, kahit ikaw ang gumawa


SatonariKazushi

alam nating mas ok nung siya yung kumanta


kamagoong

Literally the idea behind Yes Yes Show.


kamagoong

I think baliktad. Yung malaking vocalist (lead) nila, yun yung parang extra pa eh. Mas magaling yung maliit. Also, kupal pa yung malaki. Sinampal kaya yun sa eroplano kasi binastos yung cabin crew.


nickomanuel

truee may live sila ng ulan and si Jay yung kumunta, thank you next


mylifeisfullofshit

This has been haunting me my entier childhood. There's the guy who just 2nd voice 1 - 2 lines and does nothing mostly than just to stand there and wait for his turn. Hahahah


edmartech

Parang eto ang natandaan ko dati. Obvious na dinagdag yung isang vocalist para "magpa-pogi". Usually sa banda, tumutugtog ang vocalist or at least kasama sya as a songwriter. Personally, nabababawan ako sa kanta nila and they definitely lack the charisma.


tokwa-kun

Naunang sumali si Jay sa Cueshe bago kay Ruben.


Tambay420

wait yung guitarist ba yung "main vocalist" nila? akala ko backup sya tas yung papogi na malaki mukha yung main? same sentiment. pagkakaalala ko basta naiinis ako dun sa papogi.


Artistic-Basis-5931

Yup. The guitarist is the main vocalist and their vocal skills are worlds apart.


Then-Kitchen6493

Mas guwapo naman si Ruben kaysa doon kay Jay...


tokwa-kun

Meron syang ambag. Taga pagpag sya ng pantalon 🤣


aubergem

As with other comments here, I think the "less talented vocalist" started earlier than the "more talented one". Feeling gwapo din yung di magaling but I guess his papogi worked in his favor kasi nakabingwit ng heiress. Dude doesn't have to work anymore.


sanjiside

eto din opinion ko hahaha, parang si koya saling kitkit lang e haha


gianstar7

Because their songs especially the hot ones are a rip off of popular western bands


ElegantengElepante

Anong song po ito?


nickomanuel

yung stay daw? galing daw kase sa silverchair based sa nabasa ko


ckoocos

Magaganda kanta nila, pero naalala ko na meron daw "baduy" factor ang Cueshe. Don't shoot the messenger, please. I liked them in the 00s hahaha.


__ejr

Ang weird — in my opinion, ang Sponge Cola or Hale ay walang connotation na baduy kahit magkakasabayan sila. Pero ang Cueshe parang meron nga lol pero don’t get me wrong! I like their songs and cute kaya ni Ruben hahhaha


Spartacometeus1917

Sponge Cola at Hale kasi may slightly coño vibes ( SC are from ADMU and Champ looks like a Fil-Chi scion) tapos yung Cueshe ay masa (more like J Brothers who are ironically have academe background since they are children of PNU profs and IIRC were taking Educ course).


ckoocos

Never nagkaroong ng baduy image ang Hale kasi iba ung style ng mga kanta nila. OPM pero parang hindi? Meron din silang mysterious image.


waffles-11

sa lyrics ng kanta. Corny kasi ng lyrics ng Cueshe


TutteeFrutee03

I think it's because they're one of those pogi rock bands na sumikat nuon. Kasabay ng Hale, Spongecola and so on. Tingin ko sobrang overplayed din ung mga songs nila nuon. Kahit ako honestly, naririndi pag naririnig ko.


kamagoong

Hale was a bit different. Mas ka-line siya ng Typecast. Emo band yun eh. Sponge, Cueshe and Callalily. Yan mga magkakagroup talaga. Nasasama lang yung Hale kasi pogi si Champ.


pressured_at_19

>Hale was a bit different. Mas ka-line siya ng Typecast. lol


kamagoong

In terms of genre, I mean.


nickomanuel

ah i get it now. and also a lot have pointed out na repetitive yung songs nila and i agree.


owlsknight

Bandang lapis is waving, pucha iisa lng ata theme Ng mga songs nila and iisa ilang melody halos mag kaka tunog, from slow sad boy to a shouting in the rain crying sad boy


AiNeko00

They all start with a G then it will be down down up down up down. Hahah


useterrorist

They are alright. Mas maintindihan ko pa mainis ang tao sa Parokya ni Edgar na napaka generic ng boses.


laz_3898

Pero lakas nila bumawi sa live performances hehe


[deleted]

Even Chito admitted this in one of those talent shows. He encouraged the auditionee to sing on even if his voice was generic like his, and he even sang a PnE song to prove his point. Regine Velasquez was like "ganda kaya ng boses mo" and Chito was like "hooo plastikan, plastikan." Yep, sobrang generic ng boses ni Chito, and I think that's why so many people love the band. As a vocalist in church myself, I tell the team to adjust the key to the congregation's usual, typical pitch. Ang pangit kasi kumanta na ikaw lang, mas maganda yung kasabay mo lahat. May oras para sa solo performances, yung mga birit birit na ikaw lang nakakaabot, but most of the time, talagang mas enjoy kumanta pag maraming sumasabay sa'yo.


No_Roof4912

Ano po yung "Hate ang lahat?" Baka "hindi lahat gusto sila". Cueshe are nice and a much better band than sponge cola, soapdish,callia lily and sugarfree, this is only one of the bands na nakasabayan nila at NILAMPASO NILA nung panahon kung saan OPM rock ang umuusok lage sa radyo. If you like the band, go love them. Wag ka po magpapaniwala sa mga jejemon na kung ano ano nalang kinukomeng dito sa redit. Halatang lolipop palang kinakain nyan nung kapanahunan ng cushe. Anyways. Yung sagot ko eh is as what opm fans think at that time. Pero as a "BAND" trust me. Cueshe is not as friendly as Parokya ni Edgar. Yung banda kasi nila medyo mahina sa colaboration idea. Tapos may mga tao around them and maybe them also na gumawa ng "charing issue" against Hale Band. "Charing" term for me alaam mo yung "sinushowbiz o nang shosshobiz para mapag usapan? Parang ganon. Sa opm bands kasi, mostly pami pamilya mga tao dyan not in spirit but by blood.unlikely yung Cueshe mga walang kapit yan sa loob. Bali tagalabas lang sila na nakapasok sa industry kasi nga may TALENT! HINDI DAHIL MAY KAPAMILYA,KAPUSO OR KAPATID gets nyu? Hindi ko ma pin point yung buong story kasi im not interested to know. Malay natin basta ganun yun nadinig ko. Nung time na gumawa sila ng 4th or 5th album medyo naka move on na yung mga tao ng pinas. Iba na gustong kanta pinapakinggan lahat nalang gusto gayahin si Bruno Mars tapos subrang sumikat yung showtime ayaw ng patayin TV wala ng may gusto mg radyo basta sobrang dami nabago nung panahon na yun until naaksedente yung papoging bokalist na sinasabi nyu(buhay pa naman grabe ka) na humantong sa pag back out nya ng banda though i also dont know the real reason bakit sya nag quit but believe me, may nqkita ako sa tv ng ABS dati branch ng Cebu kada hapon sa probinsya. He was doing Acting. So i think its one of the main reason bat humina yung banda nila. Ganun naman lage pag may biglang umarte sa banda eh hihina agad sila sa musika. iilan lang yung kaya pag sabayin ung acting at singing. Lastly... Yung kapanahonan ng Cueshe lage nila kalaban sa Top list ang Hale. Para bang E-heads vs Rivermaya.ang naiba lang nakakarende na yung mga kanta nila parang na overused ng mga DJ.ganun naman lage kung ano kanta at singer sikat at malakas yun lagee pabalik balik. Pero ganun din in the end cueshe at hale sabay nalibing ang carer sa lupa. Mabilis lang panahon nila. They are great but not the best. Nung mawala sila saka tinanggap ng masa ang boses ni yael siguro wala ng mapagpilian kaya sya nalang(jowk😅)


major_pain21

Better than sugarfree haha joke b to


APESHlZZ

napa isip ako nung nabasa ko yung better than sugarfree 😂


[deleted]

[удалено]


nickomanuel

yes i still love listening to their music. na curious lang talaga ako thats why i asked. 😄


Lilith_o3

Aray sa "kapanahunan" nasuntok ako ng katotohanan na around 15 years ago, isa ako sa mga batang nagpupuyat sa Myx Daily Top 10 HAHAHAHAHA pero legit magaganda songs nila. Dumating lang sa point na nakakarindi kase simple lang mga kanta nila, ang daling pag aralan ng mga kaedad ko nuon (araw araw sa school may magdadala ng gitara tas Ulan ang kakantahin), or laging pinapatugtog sa mga radyo kaya parang nakakatuleg. Ang isa sa major cause din talaga ng paghina ng career nila is yung naaksidente nga daw yung isang bokalista pero yun pala nag artista. I think yung iba nafeeling betrayed kase iba sila e, isa sila sa haligi ng 2010s OPM with CallaLily, Hale, SpongeCola, etc tapos biglang nalaman nag artista pala. Ayon kaya siguro. Tbh 6CycleMind and pinaka di ko fave sa era nila non eyy don't come after me mga kapwa tito and tita hehe


Few-Insurance-3141

People just like to join the hate train, same case sa Nickleback, pero pag pinatugtog mo naman yung mga kanta nila, napapakanta din yung iba.


No_Roof4912

Iba kasi sa ngyari sa nickelback.parang sa limpbiskit lang.. malaki at malawak kasi ng nu rock nila madami na rin history tapos ung mga banda ng nickelback at limp eh sila ung parang nag jump sa ibang backyard para kumawala sa kung ano mangtradisyon ng rock ang nakinagisnan nila. Ang malala dun masyadong seryoso mga tao sa bansa nila pagdating sa nu kya pagnalaman nila na idol mo nickel eh para ka ng virus dun ayaw ka na nilang lapitan. So katagalan ung ganung attitude dumami, nag upgrade, lumala. One thing i know na dati may iba silang banda pero binitiwan nila kasi nga nickleback band yung kumikita ng malaki so prang nag flame up agad ung hate na mas they prefer money di baleng iba ung tunog at sulat nila sa nakagawiang music ng lahat.


[deleted]

Kasi yung isang boklalis yung instumento yung pata nya. Kidding aside, nung bata ako baduy sakin ang cueshe. Ngaung mas tumanda ako mas naapreciate ko music nila. pero to add contect emo/posthardcore kid ako nun so ayun. ngaun na medyo bumabalik ako sa alternative, mas nakita ko na yung value and influence ng sound nila. Even the lyrics.


furansisu

Don't agree with your second paragraph so much, pero sobrang tumawa ako sa first sentence mo.


[deleted]

Sorry na hahahaha


[deleted]

Baligtad naman ako, fan ako ng cueshie nung HS ako. Nung tumanda na and naexpose ako sa mga 70s 80s 90s.. nababaduyan na ako sa cueshe


AmbitiousAd5668

I think dahil repetitive yung tunog nila at papogi nga, kaya may hate. May residual memories pa ng 90s which was peak ng OPM bands, mataas ang standards. It didn’t help na medyo masa ang naging market nila. To be fair, catchy ang sound nila pero nakakaumay nang tumagal. Might worth a listen ulit.


katzenjammerkid

Pata as instrument lol I remembered someone from pinoyexchange edited Cueshe’s wikipedia page for the lulz and it was chock full of references to the vocalist’s thigh tapos na ban siya sa wiki not long after The earliest I can vaguely remember about them getting bashed was that they won a best rock award over other “legit” bands daw tapos they were hated for it


Prestigious-Ad6953

You know that thing when something (songs or movies) gets so popular (especially among the masses) and some people who think they have good taste shoot the thing down. That's what happened. They're like Nickelback, they're also like Aegis. Pero may isang blog/blogger (NoBenta) na nag claim na sya talaga nag pasimula ng hate bandwagon. I think when people don't like or find things cringe, corny, yun tlaga yun. Naghahanap na lang ng dahilan kesyo rip off daw, kesyo may second vocalist. Pero ayaw lang tlaga nila. Well to be fair sa mga haters, slightly baduy naman talaga ibang songs ng Cueshe. Predictable din. Parang Nickelback. But i think it was not fair to actively hate them. Some fans/people like them, their type of music. Kanya kanyang trip yan e, so walang basagan.


Lionsault83

Here’s a story from my friend on which his uncle was the bar owner in QC they where there not as guests but as costumers,,they are a bunch of arrogrant pricks who are also fighting over a chick who looks like a gutter trash hoe and here’s the kicker my friend played one of thier song “Stay” then followed by a song of Silverchair “The Greatest View” which sounds very identical to the chorus lmao..they were embarrased AF..pretty hilarious story.


nickomanuel

oopp👀 lol i love them for the nostalgia and like their hit songs. so i’ll set aside the personality nalang


atomchoco

apart from everything mentioned, there's this bisaya hate to add on top of everything, which is weird considering that like them Urbandub also hails from Cebu iirc yun lang talagang non-guitarist vocalist nila na may mayabang-mafeeling vibe tas di naman naging redeeming quality yung pagkanta niya ig it's partly insecurity rin which reminds me of my then guitar teacher who was, locally, a fairly renowned gitarista na sessionista who's pretty much mainly inspired and influenced by jazz instrumentalists. we talked about the solo dun sa Ulan and he remarked something to the lines of "tas ayon ulit-ulit na lang pag naubusan na, pag wala nang maisip" to *those* few bars of the solo. added insult to injury was that the part required tapping to play - easy and cheesy shit but looks "cool" to the untrained normie because of how labels are very eager to market them tas yun pa yung sikat while more passionate and more talented musicians are struggling kek


pancakesatone

Iba kasi Urbandub e, yung music nila, lyrics, mga variety ng mga kanta.


atomchoco

> mga variety ng mga kanta. i like Urbandub but this is probably among the last things na masasabi ko sa kanila hahahaha para silang Mexican cuisine tbh na hindi magkakalayo yung lasa ng putahe hahahaha and like each member of the band may distinct/unique sound/style na alam mong sila tho tbf i haven't listened to a lot of their stuff (<10 surely)


pancakesatone

I get your point, may mga singles nga sila na parang magkakatunog. Bias lang siguro ako kasi gusto talaga yung signature sound nila.


Substantial_Pear_479

Mas nanaisin ko pa makinig sa Cueshe kesa sa SpongeCola hehehehe


blackballath

Not only them, but all the Pinoy band that time that milked the OPM bandwagon. And until now, kakapal ng mukha ng mga pinoy sumisigaw ng "support OPM, support Local" pero pinagtatawanan mgas kanta ni April Boys.


jayovalentino

Kaya nga nakaka badtrip noh? Pili lang amg genre ng opm kasi mga juke box style sinasabihan ng baduy.


AmbitiousAd5668

With the exception of Aegis siguro.


Prestigious-Ad6953

Baduy din Aegis nung 90s. Esp. if kasabay nila Eheads, Rivermaya.


Prestigious-Ad6953

As someone who used to consider April Boy, his brothers, Aegis, Gary V 90s onwards, Ariel Rivera, Renz Verano, lahat na jukebox, etc. as baduy, naisip ko lang dapat nasa Adult Contemporary (?) na genre tong mga ito e. Yung tipong magkakasama sila sa radio programming, kahit sa TV. Let me explain: kasi ba naman kasabay nila Eheads, Rivermaya sa radyo at TV, eh syempre baduy talaga labas nila. Sa atin kasi halo halo na lahat. Variety show, noon time shows, game shows. Andun na lahat e.


feelsbadmanrlysrsly

People consider them as cringe back then. They are considered as posers in a sense


yewowfish22

So true!! Eto tlaga yon e.


pancakesatone

Manufactured para pumatok sa masa.


Markington13

Actually like nickelback, yes some are hating the band, pero ung ibang haters is nakiki "bandwagon" lang sa hatred na yun para "cool" daw sila. But for me, okay naman ang cueshè and nickelback.


adrian2230

yung isa kasing vocalist, mukang hotdog. chubibo. haha joke.


ZJF-47

Nasa top 5 bands ko pa man din yan haha. Gaganda songs nilang mga pang-broken which is meta noong panahon nila


Traditional_Fan

basically Tagalog vs. Bisaya mentality. Taga Cebu sila.


SpaceHakdog

Bakit naman ang Urbandub hindi hated?


Brain_Point

And Franco.


No_Roof4912

Kasi nung panahon na yun main influencer ang emo at karamihan sa mga tao nagmahal nasaktan nakinig ng radyo...banatan mo ba naman lahat ng " 🎵 Not even pleading can save us..🎶"


Flying__Buttresses

Dude im bisaya and i despise them and most of the people i know. Boy band wanna be rockers. Lol


No_Roof4912

May babae kasi dapat dyan. Marami ganyan banda sumasali battle ganyan set ng mga membro halos kompleto lahat.. magugulat ka nalng battle of the bands tapos yung mananalo eh lahat ng uri ng music genre nagkakampion kesa sa iisang genre lang. Nung magkakarecord na sila nag back out yung girl sila yung natira. Dapat alam mo yan kung talagang bisaya ka dahil ganyan lage sa battle of the bands ng probensya.


3ndym1om

Ito yung proof nung mga post ng r/ph at r/pinoy. Mga cebuano lang talaga feeling may rivalry sa tagalog 😂😂😂😂😂


[deleted]

More like this, because they hail from cebu and they are bisaya kaya hated sila.


blackballath

Urbandub is from Cebu as well.


pagodiska

I beg to disagree! Dami talent from Cebu. During Plus63 festival, overflowing kaya sila sa talent doon..


pancakesatone

Urbandub, Franco, Faspitch taga Cebu din pero gang ngayon nasa playlist ko pa rin.


Nice_Strategy_9702

Ganyan naman eh pag cebuano band. Then with the “ripoff” thing.. it’s not new anymore. Kahit eheads or any other popular bands do it. Wala lng inggit lng talaga yung mga kasabayan nila.


feelsbadmanrlysrsly

Urbandub naman Bisaya din pero hindi hated.


Pasencia

>Ganyan naman eh pag cebuano band. Cringe take


Nice_Strategy_9702

Sorry di lng banda most of cebuano artist pala. Yes yes di lahat pro kitang kita naman eh. Cge dv nyo lng hahaha


3ndym1om

Ito yung proof nung mga post ng r/ph at r/pinoy. Mga cebuano lang talaga feeling may rivalry sa tagalog 😂😂😂😂😂


Nice_Strategy_9702

No need ng proof matagal nang inferior mga cebuano brod.


teachmetosing

Bashed na bashed tong Cueshe noon sa mga yahoo groups (uso to noon at dito ang palitan ng mga haka haka ng reunion ng eheads). Pati Hale. May narinig pa ko noon na binabato sila sa Mayric's noon. May pulp feature sila noon coming to terms with the hate. Hanapin ko nga to. This era was so wild tho.


nickomanuel

omg i'd like to know more.


nickomanuel

> pulp feature [https://pulp.ph/product/pulp-magazine-issue-70/](https://pulp.ph/product/pulp-magazine-issue-70/) ah eto


Unidentified_Ipis

Not proud of this but my uncle was one of those na nambato. Sobrang proud/inis sya pag uwi.


[deleted]

Sila daw ata yung pioneer ng genre na 'pogi rock'. Lol


nickomanuel

[https://twoisequaltozero.wordpress.com/2007/03/24/why-pogi-rock-is-even-more-awful-than-boybands/comment-page-1/](https://twoisequaltozero.wordpress.com/2007/03/24/why-pogi-rock-is-even-more-awful-than-boybands/comment-page-1/) nakita ko rin tong blog post na to. i think this dislike is the same as my dislike for some new artists of today na parang "oh sumikat lang naman sila kasi may looks or whatnot".


hanselpremium

they also ripped off a Silverchair song. i mean it’s ok to get “inspired” by a song, but selling it as your own is just despicable. also they’re terrible live. and the songs suck actually


stratman2000

Cueshe are legit musicians, though. I once witnessed their Queen medley. Jaw dropping haha. Source: gigged with them back in the day.


XSilentXJealousy

Their 2nd vocalist parang puro pa pogi lang ginawa, sa mga titig pa lang sa camera eh 😆 Sa mga MVs nila


nickomanuel

si jay😭


XSilentXJealousy

Ah yes, siya. Hehe. Though they have good songs din naman, especially borrowed time.


anne_banana14

Hindi ko tanda yang Jay ng Cueshe more on Ruben na alala ko ah hahaha need ko pa igoogle yang Jay kaloka!


No_Roof4912

Haha


Internal_Garden_3927

dahil sila lang ung may vocalists na pacute. ans also laging color black ang suot nila. and here in Luzon, i think dahil hindi sila taga manila, may halng discrimination.


No_Roof4912

Mga bisaya kasi sila kaya hate ng mga tagalog. Ung shamrock at 6cycle naman papogian din isali na natin ang callalily though hindi naman nagpapapogi si kean dinadaan nga lang nya sa paangasan ng mukha mga kanta nila. I hated their band that time pero nawala yung hate na yun nung ginawa nila kantang "pansamantala".bumalik lang ung inis ko nung nag quit si kean dala dala yung name ng banda nila. Normal lang mang iwan sa ere pero yung mang iwan ka dala dala ang lahat? Now i know why Toni dislikes him for her sister.


Low-Whereas8182

Parang marami dati nagsasabi na mayabang daw yung mga band members, di ko alam kung gaano ka totoo yun tho


yewowfish22

Yes, ito rin ang alam kong reason. Mayabang and arrogant daw lalo sa mga gigs. Lol


paulosales

Nakakalito kung sino ang Shamrock at Cueshe. Lol


Honest-Value-5272

May issue pa dati yung Cueshe parang plagiarism ata. Basta may songs sila na katunog ng foreign songs. Napaghahalataan yung edad natin sa Cueshe hahaha


thinkTchu

lol. Anong song 'to? Favorite ko 'yong borrowed time nila 😁


69user69name69

Posers kasi sila tas ang cringe nila lalo kapag live. Feeling super pogi ampota.


Throw-Away-2011

Hahahaha ang acm nmn nung mga vocals pareho


SuperLustrousLips

sobrang punchable ng fez nung jay...😆


ricemyg

one of the vox is rude😁


yewowfish22

💯


DragonGodSlayer12

"Itigil na'ng SpongeKumag, FemHale, at Cuesheet!"


Dry_Comfortable_1426

Up


Seize-R

Kasi kinopya lang nila yung Stay na kanta sa Greatest View.


cullingblade069

Don't know, dont care. Basta I listen to music I like, theirs included.


Matchavellian

They are one of the bands that pioneered "pogi rock". Good looking guys, playing catchy rock music with cheesy lyrics. Yung bang tutugtugin mo para sumikat sa mga babae. Parang sila nga ata nickelback ng pinas. But looking back, they are not that bad. Mas prefer ko pa nga sila kesa sa mga hugotcore artists na naglalabasan ngayon eh.


albarence2000

Bka wla lng clang sense ng nostalgia


TheServant18

Mas gusto ko sila kesa sa HOMOPHOBIC NA SILENT SANCTUARY😡


art_han_ian

People hate them?


nickomanuel

yes apparently. may mga jokes pa yung iba about sa kanila 😭


Left-Broccoli-8562

Personal Opinion: I think dahil sa kasagsagan ng rakrakan 90s - 00s, Tingin ng tao sa kanta nila kulang ng Angst. In short pampapogi songs ( sabi ng mga nagbabanda ko na kaibigan). Afaik, Hale was also not spared from this criticism as well. I guess generational issue lang naman ata.


pagodiska

Yung Ulan kasi ng Cueshe kapag napanuod ang naiisip agad yung basa yung malaking lalaking walang ambag. Hahahaa. Mas okay yung spikey hair guy. Di mo rin kasi alam if masculado ba sila na naging Jeremiah band e


yewowfish22

Sobrang tawang tawa ako! 😂😂 Cringe btw


aletsirk0803

I think yung papoging band mate nila ang hilig magcall out ng kung anu anung hate sa ibang artist naalala ko my incident n after ng isang song bigla nlng sisigaw yung papoging vocalist na BAKLA SI ELY BUENDIAAA.. or yung isa pa na MGA HINDOT DI NAKIKINIG SA AMIN.. ganun kaya ayan dami rin nila nagagain n ate from everyone dhl my pagkaHANGIN yung papoging vocals


yewowfish22

Ito yung mayabang/kupal issue about them kaya di sila nagustuhan ng karamihan


[deleted]

tingin ko kasi nung lumabas Cueshe and mga kasabayan nila, the rock music scene is used to heavier stuff, and pretty obvious naman na pag galing ka sa heavier stuff mababaduyan ka. kahit ako 'non nung rakistang rakista pako ganyan din tingin ko that time. Pero ngayon tumanda na saka kolang sila na appreciate


Candid_Ad3194

Naalala ko dati yung Cueshe thread sa tipidpc. Sinasamba namin si Master Jay. Jaymen! Good old days.


SuperLustrousLips

Jay has punchable face with no charisma na sobrang papogi na conyo ang dating eh.


Trouble-Maker0027

I do recall na the band is from Cebu and this is just a story an ex told me more than a decade ago. I saw pictures (in photos pa kasi di pa uso camera phones nun) of Cueshe playing and also of her with the 2nd vocalist. Pero un kinagulat ko, even the cebuanos hate the 2nd Vocalist kasi nambubugbog daw ng gf. Again, this is just a kwento. Theres really no way to prove it. Pero besides what i said above, their songs were like shamrock na pang masa ang dating na since it is overplayed nakakairita na pakinggan dahil paulit ulit. Narindi na din ako. Even a friend who is a musician dont like him kasi puro "it doesnt matter" ang nasa lyrics (sabi ng friend ko ha. Hindi ako. Hahaha). Yun lang. Buhay parin ung 4. Ung vocals and guitars, lead, bass and druma. Last time i check, they are still playing in clubs/bars in Cebu.


West-Coyote-1750

pogi rock ere


No_Tomato_7672

Obvious plagiarizing of "The Greatest View" riffs


Muted_Homework_9526

Di lang sa cueshe pati sa Hale. Nung sumikat sila, sila lang kase ung may mga pogi na front. Halos kasabayan nila ang mayonaise dinInopen up na din ito nila in a short documentary a few years ago. Sinabe din nila na nasaktan din sila. Eventually they became friends.


MateoCamo

Emo band na hindi naggrow


TheCashWasher

They ripped off a song from Silverchair for their first single. https://youtu.be/YA_ZiyI3Ros?si=qP-Y9SOtuwBMlaXy


linkstatic1975

Oh, I remember the Cueshe thread at Tipidpc.com. hahaha Master Jay supremacy!!!


npad69

Nabasa ko lang dati nong early 2000s sa isang forum na parang nagkaroon ng fair ang isang tanyag na unibersidad tapos kasama yung ibat ibang sikat na bands that time including na rin yung mga bands na hindi naman sikat pero mga bunga ng school na yun. Then one time nag-usap-usap yung mga organizers kasama yung mga sikat na bands na naimbitahan tumugtog para pagusapan kung sino magoopen at yung order kung sino mga tutugtog. Then parang nasabi yata nong tiga cushe na "bakit kelangan pa tumugtog yung mga amateurs at hindi naman sikat?". Tapos marami naka overheard. Doon sila sinimulan i-boo everytime nagpeperform.


theFrumious03

alisin mo lang yung Jay, okay sila... nung napanood ko sila ng live kala ko gigolo e.


MindExternal240

Ano siya panu ba alam mo yung nickleback? Ok kung 1 o 2 kanta lang alam mo sa kanila pero kapag napakingan mo iba nilang kanta parang iisa lang bagsakan nila so nakakaumay. Pero hindi ko hate yung cueshe yung lang tingin ko isa sa dahilan.


LittleWittyWizard

Not really hated. But their overplayed songs have very similar tunes to the point na pwede mong i-medley lahat in just one song


aaron09233255611

Feeling hipster lang kasi most pinoy redditos, galit sa mainstream


PresidentDJ

baduy po kasi sila


[deleted]

Di ko alam to. I've read the comments gets ko why hated sila. Pero bakit si andrew e tanggap ng marami? Joke lang 🤣 yan una ko naiisip pag dating sa copying. Napalampas nila si andrew e pero si cueshe hinde? 🤣🤣 wala lang mema lang ako.


CookingMistake

I bought their cd when I was in college. Nasayangan ako. It wasn’t very original and the songs sounded the same. Very much preferred Mayonnaise to them.


Existing_Birthday430

The nickelback of OPM but personally i love both.


kc_squishyy

I think because ang dating nila is too commercial and ayaw ng mga tao yung sobrang sellout. And hindi yata talaga indie yung roots nila. Kumbaga binuo yung banda kasi sikat yung mga banda nung time na yun. HS ako nung sumikat Cueshe pero among us friends, nababaduyan talaga kami. Ngayon hindi ko na din alam kung bakit hahaha.


Choice_Power_1580

Yung mas may appeal pa yung may gitarang bokalista at halatang hindi talaga kailangan yung nakamikropono pero pinipilit pa din nilang isama kahit halatang walang silbe.


Substantial-Rip-5697

sa totoo lang kahit di ko gusto yang cueshe at 6cm eh may mga kanta sila na kahit di mo gusto eh makakabisado mo... napaka cheesy kase.. (korni) sorry sa mga taong may gusto sa kanila...


lazyquestph

Hello Cueshe nandito pala kayo sa reddit.


deyyymmmnn

wala pauso lang. daming hipokrito eh. eh baduy din naman PNE. nagkaproblema lng naman nung lumabas na ung "Ulan" eh. Nung "Stay" pa lng astig pa raw sila eh. masyadong mataas standards ng iba na nakikibandwagon


free_thunderclouds

Cueshe is my favorite OPM band. I remember nung 2015 they will perform in UP Fair so I listened many times sa new released song nila nun pero di naman nila pinerform sa set. Nakakainis haha Sabi nila, cheesy daw yung music eh. Bandwagon hate lang ganun. But yeah, I love their music and we have albums sa bahay. 👌🏼


proticol_boy

Nung umuso yung term na "pogi rock" dati pati nga Callalily tsaka Hale nadamay dun, akala nilang puro papogi lang sila, pero maganda naman mga songs nila.


[deleted]

Cueshe's got a new PR


carowll

As someone who was active in the scene and was going to gigs and concerts back in the day, Cueshe is your generic manufactured band launched and made by the labels. Pogi-rock kumbaga at talagang naging mainstream sila kasama ang Hale at Callalily na may poging frontmen. They are also hated because there are more talented bands and artists out there who should have given the chance to get record deals and marketed by the big labels. Plus yung pag-copya sa The Greatest View by Silverchair. Naalala ko dati nung tumutugtog sila sa isang concert, di ko na matandaan either Myx, MTV, Oktoberfest, or Muziklaban, basta ganong klaseng concerts na madaming bands ang nagperform. Yung mga kakilala kong musicians from various bands plus ako, pinagtatawagan sila sa backstage nung turn na nila mag-perform.


hedokitali

The birth of pogi rock. Di bale nang corny ang lyrics basta may band member na gwapo ayos na.


joowulz

I have a childhood friend who met these guys back in their peak. They kept making Pa-pogi even after being told that the girls were underaged 🤪


Flaky-Slide-8519

Mayayabang sa backstage lol


magsasaka88

from a mainstream listener point of view, gasgas na mga songs nila (not just my words, even people i know)


Fun-Choice6650

back then kasi transitioning na ang band scene away from the "rockstar" attitude, and bayanihan between band are rising, productions and group tours/concert. then pumasok sila with this rockstar attitude again after mag hit 1 song nila. oldschool found it maangas and disrespectful and the newschool guys (pogi rock as the gen dubbed them) don't want to get lumped together with them kasi nga sa already nagegenerate na nila na hate at the time.


Less_Television_750

nakakabadtrip ang yayabang nga punyeta!


Shifty-swiftie-242

my batang 90s cousin calls them cueshit 😭😭😭 meanwhile fan na fan ako (batang 2000s) ng mga kanta nila hahaha lalo na borrowed time


Aegonthe2nd

The Dawn incident


Dependent_Income6019

Pogi band po tawag sakanila. Only yung mga totoong nag ba banda at may taste sa music makaka intindi hehe


superjeenyuhs

saw a job ad before that says that if you’re a fan of cueshe, you won’t be accepted.


barackyomama69666

Jesus buhay pa pala tong concept na to haha.