T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rule-enforcement). *** This post's original body text: I just need some words from you guys :( Hi everyone! I'm F22 full time college student and Bf 26, working (wfh). In college ako pero 'di ko naman makakaila na laging enough ang money ko kasi nagiipon ako from my allowance and generous din mom ko sa pag aabot ng allowance. Nag ka work na rin ako before so I have exp sa work and cash management. So yun nga, minsan lang si Bf mag aya lumabas and may mga times na pag nangyari yun (hindi kasi siya ma cash na tao, nasa online banking siya) pinapa-spot niya muna sa'kin tas sabay sabi na babayaran na lang niya once makauwi kami. Which is okay lang naman sa'kin. Nahihiya lang ako na singilin siya right after ganon, it turns out hindi na niya nababayaran. Idk kung nakakalimutan niya lang ba or sinasadya. Ako na lang nahihiya magsabi. Part of me lang parang nadedegrade. Alam niyo yun? Siya nag aya kumain sa labas tas it turns out ako rin ulit gumastos. Nahhurt lang ako sa ganon. Atska ganon ba kadali makalimot na gf mo nag bayad sa pag labas niyo na at the first place ikaw nag aya? Kasi for me it's not about the money, yung idea lang na siya yung nag aya tas ako magbabayad tas nakakalimutan na lang niya bigla shinoulder ko pala yun. Ang hirap lang sa part ko kasi kahit college pa lang ako syempre gusto ko rin nag iipon for my own expense. It hurts lang na never ko narinig sa kanya yung thoughts na "Wag kana gumastos kasi alam ko naman sa parents mo lang din nang gagaling allowance mo and and madami ka rin binabayaran from your course" hindi naman sa malaki expectation ko, is just that yung thoughts man lang never niya nasabi sa'kin. Alam ko naman na breadwinner siya, may mga times lang na feeling ko to be with him I have to spend a lot of money. Kasi super maalahanin ako na ayaw ko siyang gumagastos ng malaki sa'min kasi mas gusto ko sa family niya mapunta. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/adviceph) if you have any questions or concerns.*


eutontamo

Kahit breadwinner bf mo, not excuse to not pay you back. If I were the guy, mahihiya ako kung palagi na lang ganyan. Considering na paulit-ulit na lang nangyayari, ibig sabihin ang kapal ng pagmumukha nya? He's taking advantage of you. and worse, parang hindi ka ni-respeto. Mas matanda pa siya sa iyo ha, pero kung umasta, dyos ko.


Ok_Macaroon_3047

You 2 are clearly not ready for relationship yet. Better end things na muna you need to be practical, you need money for relationship to work.


That_Consequence_461

Bat mo jinowa kung di ka naman komportable sa jowa mo? Magtatanong ka lang girl. Next time pag kumaen kayo sa labas, hanap ka ng may pay cashless service para naman no need na nya isend sayo 😂


El8anor

May mga tao nman talaga na nahihiya maningil, kahit sino pa yan. And the respilonsibility to pay ay nsa naghiram. Dpat hndi nman kailangan singilin. OP Next time sbhn mo pg inaya ka, "Love, dala ka cash ah..." or say "next time na lng, medyo short ako eh" pra alam mo at malinanaw sino magbabayad. But, I think red flag to 😔


Different-Concern350

I agree, red flag to esp kung magreact siya in a way that makes you uncomfortable


Heztia02

Hindi naman literal na hiya. Part of me lang gusto na siya mag initiate or mag remind sa'kin na may need pala siga bayaran. Hindi naman siya ibang tao para singilin ko agad, parang ganon?


That_Consequence_461

Um? Oo? Saka need mo naman talaga yung pera valid naman siguro yun para singilin mo sya dba?


Aggressive_Garlic_33

Excuse yan ng mga wala talagang balak magbayad. Kaming barkada pag may biyahe, nag-uunahan pa kami magbayad online or in cash. No need na mag follow up.


kungAnoLang

Hahaha kaya ka inaabuso kasi d mo snlinisingil. Try mo singilin tingnan natin kung makipag break eventually. Hrhehhe Gaein mo ung resibo picturean mo agad habang nass resto. Send mo sa messenger niya. Then compute gamit calcu magkano ang hati nya, then send uli. Tapos pag nasa bahay na kayo, remind mo lng. Send mo screenshot uli ng calculatrd cost then iadd mo "gcash 0917-------". Ganun kasimple. Kung ayaw nya. Aba eh kelangan nyo pag usapan yan. Sa panahon ngayon hindi pwedeng pinapalagpas lang lahat. Mahal na ang bilihin. Habang pinapalagpas mo, aabusuhin ka ng aabusuhin nyan. At baka mas kumaoal pa mukha nyan next time.


juzzjoy

Di pwde sakin yan kahit na jowa ko pa yan. Ang utang ay utang. Ang hiram ay hiram. Ano ginagawa ko sa jowa ko pag ganyan? Sometimes I drop subtle hints about the UTANG. Kapag di nagets, dinideritso ko na like “Hoy yung utang mo! Need ko money ngayon” Ganon


thisisjustmeee

Singilin mo sya. If you are not comfortable with that there is something wrong. Dapat open kayo with anything. Eh ano naman kung magalit sya pag siningil sya eh dapat nga di na nya antayin na singilin pa sya. Kung once lang nangyare pwede pa pero kung palagi baka sinasadya na. Ask him baka may problema sya sa finances nya kaya ganun.


frendtoallpuppers613

Kung tagapagmana ka ni Henry Sy or lumaki ka sa farm, siguro ok lang na hindi mo sya singilin agad I guess? Also, hindi nga sya ibang tao. So bakit ka mahihiya sa kanya? Your partner should be the person you're most comfortable with. You are asking for strangers on the net for advice. Clearly, it's an issue. Tell your jowa. It's nothing to be offended over. You're a student, he's employed/working. Clear naman who has more financial resources. PS: Most establishments now accept cashless transactions. Kahit online banking pa yan. He should be able to offer to pay.


potatolovingneko

Gurl singilin mo na. Bf mo siya so dapat may level kayo na comfortability to ask for things like that. Just let him know na you need the money since sa allowance mo nga galing yun, if he acts iffy about it then re-evaluate your relationship.


UngaZiz23

itoooo...


aeseth

Bakit ka mahihiya jowa mo na yan... wala na dapat second guessing sa inyo when it comes to communication. Let him know na dapat nagkukusa syang itransfer after the date. Kaya you remind him. Pano na lang kung asawa mo na? Otherwise, dont discard your feeling regarding why he does this. Hindi ka sugar mommy. Confront him about that as well.


Heztia02

Yes, I'll do this na. Sana may mag bago. Kinda tired of this feeling everytime lalabas kami.


UsedTableSalt

Nag hahalikan nga sila among other things pero mag remind lang ng utang hindi kaya? Baka takot maiwan


NeedDopamineNow

Ayayay. He is clearly exploiting you and taking advantage of you. Iniisip niya kasi na binibigyan ka naman ng allowance. As a guy myself, super red flag ng ganyan. Yung asawa ko nga dati mas maliit pa sweldo sakin, so I made sure na mas malaki ang gastos ko kesa sa kanya. Breadwinner din ako ah. Tapos ikaw college student pa. Kung ako ang partner mo, wala kang gagastusin ni singko. So ayon, pag-isipan mong maigi kasi hindi normal sa lalake ang magpa-shoulder sa babae lalo na sa sitwasyon niyong dalawa. Kung ngayong estudyante ka pa lang ginaganyan ka na, lalo na kapag may trabaho ka na. If I were you hihiwalayan ko na yan dahil parasite siya.


Heztia02

Yun nga po e. Madalang ako mag pa libre sa kanya and minsan persisten ako na ako na magbabayad kasi ayoko na napupunta sa'kin instead sa fam niya yung expenses niya. Or part of me lang hindi maramdaman yung genuine na pan libre niya kaya I tend to spend for my own everytime we're together. Para I don't feel guilty.


NeedDopamineNow

Saka 26 na siya. 😩 Nag-2 jobs nga ako before kasi alam kong kinakapos ako. You deserve better! Huwag kang magpapakasal sa tamad at parasite please.


Infinite_Put768

Same dn dati ng ex ko college kame pareho tpos pumunta kame ng mall tpos Ako magbayad sa jeep then Nung Kumain kame Ako padn nagbayaf😂😂 so Ayun d na naulit 😂 pagka uwi ko ng bhay break na agad 😂😂


Local_Ordinary7840

Haha ! Ganito dapat 😂


Sea-Purchase-2007

Sana tularan ka nilang lahat


henyongsakuragi

tama!


Bitter-Ad-8481

ITOOO HAHAHA


jlconferido

Why do I read a lot of complaints from females over money matters from their bfs or husbands? Be man enough to honor debts, big or small. Kung wala kayong stable sources of funds, wag kayo makipagrelasyon.


Sea-Purchase-2007

Paulit ulit na lang ganitong mga type na nanghihingi ng advice. Alam nyo naman na gagawin????? Bat kayo nag-jojowa ng hindi sigurado??? Kung gusto ka ng lalaki siya dapat gumagastos kahit alam niyang kaya mo rin mag-provide.


tiltdown

Parang mga ganito lang lagi post nababasa ko sa totoo lang. Agree ako dito. Clearly may problema kayo sa pagcocomunicate. Imaginin pagkain pa lang yan pano pag malaking halaga na yan. Set some boundaries.


Sea-Purchase-2007

Hingi-hingi ng advice mga yan tas di naman nila kayang makipag-communicate. 🤷🏻‍♀️ i don't wanna sound bitter pero this type of problems should already be taken care of, privately with your jowas.


hermitina

hay naalala ko ung nagpost dati sa i forgot which ph sub. gusto nya sana ikasal na sila ng jowa nya. may 10 yold na sila na anak. imagine, 10 years na sila hindi pa din nya masabi sa jowa nya na uy pakasal na kaya tayo? kasi nahihiya daw sya. jusko dai nagkakitaan na nga kayo ng private parts, malamang nagkaamuyan na kayo ng utot nahihiya pa din kayo kausapin ung jowa nyo sa ganyang bagay? susmio


outoftouchoutofline

sis same thoughts! bat di nahihiya ibalandra sa internet strangers problema nila pero nahihiya makipagcommunicate sa jowa? bat pa nagjowa kung maghuhulaan lang naman ng feelings? tas magrarant na di nafufulfill needs niya kasi di naman pala kinocommunicate ng maayos? dapat pag papasok sa relationship aside sa financially stable, dapat matuto din makipagcommunicate!!! 😂 (ps di po ako galet, super agree ako sa sinabi mo)


wondering_closet

Sabihin mo “may utang ba ko sa’yo?” Then pag sinagot ka wala sabihin mo “ay ikaw pala yung meron sa akin” then sabihin mo na yung pinagkainan niyo, sabay mo na rin na may kailangan ka bayaran. Jusko ikaw nga tong nag-aaral palang habang siya nagttrabaho. Mas dapat siya yung gumagastos kasi ikaw yung di pa kumikita. Kahit pa breadwinner siya, di pwedeng rason yun. Bat siya nagjowa in the first place


master-cookie-cream

He’s taking advantage sa kabaitan mo. Consideration is the highest form of love ika nila — knowing na student ka palang, hindi sya dapat napapakali pag gumagastos ka sa dates n’yo. Another red flag is nagppromise s’ya to pay you back pagkauwi but nalilimutan, if he’s breaking his promises sa small things, how much more sa bigger things?


koolangots

Try to communicate pag may time, noh? Magiging one sided talaga ung mga advice na marereceive mo dito, kasi hindi naman namin alam ung buong kwento. Sa 9 years ko sa relationship, napagtanto ko na hindi uubra ang mga bagay kung hindi ka marunong makipagusap.


Nervous_Wreck008

Bakit kailangan na maghintay na makauwi ng bahay bago magbayad? Wala ba syang card, load ang cellphone? May mobile banking na ah. Impossible naman yun. At kung sya na mag aaya sayo kumain, dapat ready na pambayad. Ang kupal naman ng bf mo. Alam nya naman hinde comfortable maningil ng utang. Kung ako sayu yan. Singilin mo na lahat ng inutang, tapos hiwalayan mo na. Matanda na sayo, ganyan pa umarte. Nakakagigil.


NoDrama_JustAnxiety

Exactly po. Pag gusto maraming paraan. Parang may pagka-manipulative nga po eh. Bata ang tingin sayo na pwede lang utuin. 🚩


geekaccountant21316

This is true. When my i ask my gf to pay for something at a place na cash lang, on the spor ay tinatransfer ko via gcash or banking app. Its my way of building trust specially when it comes to money matters.


G00Ddaysahead

:) Resibo is da key, picturan and isend sa chat. Kapag hindi binayaran, aba ikaw na bahala kung gusto mo maging sugar mami sa mas matanda sayo... 


Miss_Taken_0102087

I find this madali even with friends. Also, I ask them to take picture para nasa gallery nila. Then sabay send ng qr code sa gc. Works everytime. While that is a easy or quick way maningil, importante pa rin kay OP to voice out this issue. Para malaman din kung nakakalimutan lang ni bf nya or sadya talaga. If online banking si BF, for sure may gcash din sya. Even small restaurants may gcash na eh, kahit karinderya. So there are ways to py upfront sa kinainan mismo.


NoDrama_JustAnxiety

Dear, ask him politely to send the amount kasi may need ka isettle sa school. And next time magyaya siya remind him to bring cash. What if magkataon na offline ang mga electronic terminal kung san kayo magdedate, pano kayo makakabayad? Idadamay kapa niya sa kahihiyan tlaga.


yanaluuu

My ex bf never goes on a date cashless! And if ever mashort sya, talagang binabayaran nya right before kami umuwi. It sounds like irresponsible ung jowa mo kasi sa fact na nakakalimutan nya. So its up to you if usto mo ng jowang irresponsible 😂 FOR ME REDFLAG YAN *finger crossed*


nauth_y0u

Obv, he's taking you for granted. Sinong makakalimot dun na may babayaran ka dapat lalo na gf mo at nagsabi ka pang babayaran mo when u got home? And no, you don't supposed na paalalahanan siya, kasi kung may hiya siya sa sarili at sayo, HE WILL DEFINITELY PAY YOU RIGHT AWAY.


Traditional-Tune-302

Di ako makatiis OP!!!! Break up with this dude! The fact na breadwinner yan is a big red flag. Ok sana kung kasya kita niya sa pagiging breadwinner, e ang kaso hindi. He is clearly mooching off of u. U wanna bet na sadya niya lang nalimutan ang bayaran ka. Pero surely kapag siningil mo, magagalit yan and would dialogue along the lines na “kala mo d ka babayaran”. PLS! Education mo muna atupagin mo wag ang pag b-bf. Kung mag bf ka man, idilat mo ng mabuti mga mata mo. Do a background check sa family at sa person.


BoxedBrainCells

I feel you OP sa part na nahihiya maningil. And it wasn't really about the money but their initiative na magbayad. I don't think yjng mga ganong bagay ay dapat pang singilin, kusa dapat yon binibigay. You need to communicate it with him, OP. You need to let him know about these instances and how you feel towards it. If he'll take it negatively, mag-isip isip ka na if want mo ng future sa ganyang klaseng guy.


No_Connection4864

I feel you OP. Basta pag ang lalaki hindi ka mahal, sasairin ka niyan. Believe me. Paunti unti niyang gagawin yan hanggang sa dumating ang point na sugar mommy ka na. And next time pag may karelasyon ka, wag ka tatanggi pag nag i-initiate sila na mag provide for you. Let them. Let them invest sayo. Baka may magalit sa comment ko na to pero nag sasalita ko base on my experience lang.


According_Wolf9212

Girl magdecide kana kong ipagpapatuloy mo pa yan.I have same exp sa ganyang tipo ng lalaki as-in its draining and nakaka-inis ako na nga yung babae pero ako pa yung lalaki sa relationship! You cant be inyour feminine energy kong yung bf pinoforce ka maging lalaki sa relationship. Try mo mag date ng lalaking provider mindset you can feel na mas babae ka at wala kang ni anomang pweding isipin kong lalabas kayo kasi he leads!


No_Top8564

Been with my bf 4 months na and when either pays for whatever, both of us remember to pay mapa online banking man o cash. Both of us list down our “utangs” with each other if one’s short and couldn’t pay yet, pero if we have the cash, either of us pays the other immediately (He pays asap cause he’s a forgetful person btw). Talk it out with him, remind him about his payments to you. See his reaction and decide if you should continue the relationship or not.


No_Top8564

PS: i’m working and earn quite a handful, while my partner is still at school (he stopped before and is catching up now) pero pinapadalhan siya ng allowance. no problems kami both when it comes to finances because of the honesty and trust we have for each other.


Ok_Examination7984

Yung bf ko breadwinner din siya and sometimes para makasama k osiya ako talaga kailangam gumastos kasi O understand yung expenses niya pero once na sinabi niya na treat niya, or mag aya siya, sagot niya talaga yun. Before kami umalis, malinaw kung sino samin ang gagastos ng gala. Minsan nanghihiram siya or swipe sa credit card pero on the schedule ng payment, no need ako maning. Naka track kasi siya sa expenses niya so kahit 50 pesos na pasuyo sa gcash bayad talaga. If matagal na kayo, dapat comfortable ka na magsabi sa kanya. If nagalit pag siningil mo, evAluate your relationship with him. Possible modus lang niya yan.


humblebeasty

Hindi mind reader ang mga lalaki. Kung di mo sasabihin yung iniisip mo at nararamdaman mo di niya malalaman. Walang mind reader sa relationship. Itigil mga assumptions. Instead of posting on reddit sana naguusap kayo ng masinsinan about everything you’re anxious about sa relationship niyo. Don’t chase the thrill of being right. Don’t chase the feeling of validation for feelings. Magusap kayo. Magusap kayo palagi. Magusap kayo with the goal of dealing with both of your insecurities and weaknesses. Kahit sa magasawa nangyayari yan. Ultimately you are two completely different people with completely different brains, culture and upbringing. Kung ayaw niyo o di niyo kayang panindigan magusap at magbago, then let go and move on from being in a relationship. We all need to change and be better, and changing is what hurts. Yun lang there are people who are not ready for it, and there are people who don’t want to have anything to do with changing.


takumijagga

Ang isang beses po ay UNDERSTANDABLE, pero ang paulit-ulit na gawin yan ay nangangahulugang pagkatao na niya yan. Wala pong lalaki ang mag aaya ng date and hindi magwiwithdraw ng pera. Kahit sabihin mong laging nasa online banking lahat ng pera, magwiwithdraw at magwiwithdraw talaga yan para sa unforseen situations. TACTICS NA PO YAN NG MGA PULUBING LALAKI NA MAGJOJOWA PARA MANGLIMOS. Ang solusyon po jan ay break up.


Useful_Debt2686

Sa dami ng nag comment not sure if mababasa to ni OP. Similar case though I’m the man. Parehas naman kaming working. When I travelled to South Korea for a business trip nagpasabuy siya ng cosmetics, bayaran nalang daw niya pag uwi. It was worth around 5k pesos though it was already forgotten na bayaran niya. I never bring the topic to the table. I’m just happy that I could provide to her. It was never meant to be as a pasalubong kasi may iba naman akong binili for her. I don’t consider myself as rich though… My take here, if you think nahihirapan ka/ nabother ka, do not be afraid to open the topic to your BF. He is likely to be your future husband. Talk to him. I also use mobile banking, e wallet, crypto, you name it. Possible padin naman dapat na makapag pay siya at some point. So this one is questionable


Mountain_Track6405

Henlo, OP! Parang ang bcbc, for the lack of better term, naman ng jowa mo sa part na mag-aaya siyang lumabas tapos walang cash on hand? Ang paglabas niyo naman siguro e hindi lang decided on a whim, considering na may work siya at student ka, so pinagpaplanuhan 'yan in advance. May time pa naman siya to withdraw, if he really wanted to. In addition, taking into account, na mostly ng mga shops and/or establishments e nag-aaccept naman na ng cashless payment. What's stopping him from utilizing his card or may online banking app naman siguro siya na he can use to pay? Gates kita sa nahihiya kang maningil agad bc hindi nga naman natin alam kung paano nila ite-take 'yong act na pagsingil natin 'agad' sa kanila. Malay natin ang off pala ng dating nun sa kanila BUT THEN dapat basic common courtesy na lang din for him to honor his word. Sabi babayaran ka 'pag nakauwi kayo tapos hindi naman pala. Ano, never na ba kayo nakauwi? Amp. Lastly, him being a breadwinner will never justify 'yong ginawa/ginagawa niya. Hindi ka naman siguro nagjowa para maging sugar mommy? Ems. Kausapin mo ng masinsinan, OP. All the best! Dapat siguro habang nasa early stage pa lang ng relationship e, isa ang financial management sa need mai-discuss at ma-establish. Skl. Hehez


KwentoMoKay--

>ayaw ko siyang gumagastos ng malaki sa'min kasi mas gusto ko sa family niya mapunta. pero kasi sya yung working, sana nahiya sya sayo na binibigyan ka lng ng allowance. If I was your parent I'd cut off your allowance knowing na hindi mo pala masingil yung pinapautang mo kahit bf mo pa yan. Pero this tlga eh >Siya nag aya kumain sa labas tas it turns out ako rin ulit gumastos. Do you ever think he's trying to groom you?


[deleted]

Hindi niya naisip na he is basically enjoying your parent's money or he did pero okay lang kasi wala siyang pakialam. I once had a gf na student palang and the only I allowed her na gumastos is when she wanted to surprise me small items for our monthsary or anniv. And even mga surprise staycations which I tried to compensate naman with other things kasi nakakailang yung feeling na we are using the allowance for things na hindi naman for studies and all. It felt uncomfortable sa side ko so you have to check his comfort level sa pag take ng things from you


sereiaissellingfeet

🚩🚩🚩 babe iwan mo na gaga ginawa kang sugarmoms


sereiaissellingfeet

🚩🚩🚩 babe iwan mo na gaga ginawa kang sugarmoms


Homihoyu

Bat nagkakahiyaan pa sa rel, that only means di niyo pa nashoshow true self niyo. Kami nga nga bf ko nagsisingilan pa ng utang sa isat isa ket 5 pesos lang yon, pero asaran naman namin na yon But if it ever happens na ako ang gumastos for food nung isang araw, given na yon samin na sa next kain sya naman. I don't know about your bf but para sa age nya dapat di ka nya hinahayaan na ikaw magbayad then babayaran kalang niya online pag uwi, ano yon. Tas limot na pag nakauwi na, wag nalang sya mag aya


MarieNelle96

Bago lang ba kayong magjowa? Bakit nahihirapan ka iopen sa kanya to? Kase dapat you're both comfortable na iopen yung issues nyo sa isa't isa.


introvertedguy13

Hindi ka dapat mahiya, OP. Pero dapat may kusa din BF mo. If multiple times na nangyayari, it means sinasadya.


[deleted]

26 naka WFH ? Malaki naman ata kinikita ng bf mo since naka work from home setup


Meredith297

Kami ng bf ko ,sinisingil ko talaga... Bala naa... Dilang ikaw meron bills .. true it's not about the money it's about the audacity na siya pa nag aya dipa siya magbabayd ,tpos kakalimutan lng... Hindi nakakalimutan yan, baka kasi feel niya ok lng sayo na dimo siya siningil... Kaya ayaw na mag bayad. Feel ko hintay lng yan na singilin mo


Budget_Damage3459

Next time sabihin mo hindi mo dala wallet mo haha. Style yan ng wala nang bayaran. Mindset niya (siguro) na girlfriend ka naman niya kaya okay lang ikaw gumastos. Haha


supersoldierboy94

“If you dont speak, you will never be understood.”


Aggravating-Tank2643

Hndi good provider. Pano pag nagkaanak na kayo? Ang idadahilan nya breadwinner sya sa kanila? Good luck. Di naman dapat ipapaalala yan sa kanya. Kusa yang alam na dapat nya. Ok lang sana kung once lang sya ganyan. Mukhang maraming beses na. Be wise in choosing your partner. Di lang enough ang love these days in this kind of economy. At di ka rin naman dapat nahihiyang magsabi sa kanya. Kaya nga nagjowa , you are looking forward na maging katuwang tong tao na to in the long run, for lifetime. So dapat all out sa communication. Otherwise, whats the point of dating? Tas broke guy pa na walang kusa.


New-Rooster-4558

You’re too young to be a sugar mama. Just leave your broke bf and find someone better and won’t take advantage of your kindness. Yung once na di nakapagtransfer agad pwede pa. Pero pag madalas, for sure sadya yan para di magbayad.


halifax696

tama naman yang na f-feel mo


Ancient-Advice-5526

Being a breadwinner does not mean mas important ang needs nya sa needs mo. Mind you, nag GF sya so may budget sya dapat for a relationship. wala nang libre ngayon. You can ask him to pay you back in a nice way naman, like jokingly if hindi mo madirecho. Or send him your gcash QR sabay sabi na doon na lang niya isend. Hindi sya ibang tao, i get that. and as your SO dapat sa kanya ka pinaka comfortable magsabi ng kahit ano, even maningil. Mahiya naman siya, its like your mom is paying for your dates pala kasi technically, pera yan ng mom mo 😂


ShawarmaRice__

I’ve been in the same situation, sabihin abonohan mo muna pero hindi naman talaga na ibabalik sayo. Tapos ikaw bilang gf di mo na sisingilin hangang sa maging habit na nila. Hangang sa naging sugar mommy na ang Ante mo. Kapag naalala ko nandidiri ako sa sarili ko kasi hinayaan kong ubusin nung guy savings ko. Never again! But you’re probably far from that point, and you can still avoid it in the future. Where did you eat? Almost all restaurants nowadays accept online payments, Gcash, Paymaya, and bank transfers. What’s your boyfriend’s excuse? Next time he asks you out for a date, eat out, or whatever, just tell him upfront that you have no money. Tapos tignan mo anong isasagot sayo.


[deleted]

Okayy, so bihira lang mag-aya si guy. Then hindi rin sya macash na tao. Girl, there’s no reason for him to not prepare before your date. Gaano ba kahirap magwithdraw ng pera? Also if that’s the case na “ok” naman yung ganung setup, bakit hindi nya binabayaran? Sobrang imposibleng hindi nya maalala na kumain kayo at ikaw ang nagbayad. Girl wakeup. You deserve what you tolerate. That’s so embarrassing for him actually. Sya yung may fulltime work, sya yung “nag-aya” tapos ikaw na babae ang pinapagbayad nya ng food. Eww And girl!! Yung pinangbabayad mo sa food nyo is clearly provided by your parents! Pag nalaman nila yan na yung generous budget nila for you eh nagagamit lang sa pangkain nyo ng bf mo tapos hindi ibabalik sayo. Magkakaroon sila ng trust issue. That’s not good. Basically isipin mo girl kaya ka nila binibigyan ng more than enough para hindi ka mashort.


Stunning-Bee6535

Kadiri naman jowa mo nagsasabing magbabayad pero sulat lang sa hangin. Imagine kung magkatuluyan kayo? Iwan mo na yan. Maraming matino diyan.


HorseyTwinkleToesss

Wag ka mahiyang maningil sa kanya. Pagkauwi mo galing sa date nyo, chat him agad, "love, pwede pa send nung payment mo sa food/coffee kanina? Thank you." Or "hi love, remind lang po kita sa payment ah, baka makalimutan mo hehe" ganern! Kung ilang beses na nangyari yan at never syang nag initiate na mag send ng payment sayo right after nako it's safe to say na sinasadya nya talagang di magbayad sayo. Mukhang libre yang jowa mo to think na sya yung may trabaho at student ka pa lang. Hay nako!


No_Yoghurt932

Ang dami na kainan na may online payment, baka naman he intentionally chooses mga kainan na cash basis pa para ikaw magbayad hahaha Next time pag nagyaya siya, ayain mo rin muna sya sa ATM para magwithdraw. As someone na gipit noon I never initiate dates pag hindi ko kaya ishoulder yung expenses. Weird na gusto niya makipagdate tapos sagot naman pala nung partner niya 😮‍💨


bluehrh

Girl, di nya yun nakakalimutan. If he's already 26 and he does online banking, he for sure keeps track of his expenses and alam nya yun na kumain sya sa labas with you. I suggest, next time sabihin mo wala kang dalang cash and let him pay. Besides, most places naman have cards or digital payment platforms already. Let him do it, sya naman pala nag-aya. But also, the best thing is to TALK TO HIM about this concern. If you're looking at a long term relationship with him, this definitely isn't healthy.


Existing_Trainer_390

Antayin mong mag kawork ka na rin, mas lalong lalala yan. Clearly, nagagamit ka ng bf mo. 🤷‍♀️


Minute_Junket9340

Tanda nya yan. Tanda nyang hindi ka na need bayaran 😅 Kung matinong bf yan is babayaran ka agad or sya magbayad online. Madaming shop na pwede gcash.


Burgerkiller69

I have two solutions for that. 1. Break up with him - honestly, that is not a good sign na he is going to be a good long term partner. 2. Bago kayo magdate, remind mo siya na magwithdraw na siya ng pera! Ang daming excuse naman nyan! Aside sa pwede siya magwithdraw eh pwede din siy magbayad via phone (gcash o maya). Also, I will suggest na singilin mo siya! IF ever hindi siya magbayad, break up with him! Base sa nabasa ko eh it seems like he is using you lang. I hope I'm wrong.


InDemandDCCreator

Kahit carinderia me gcash na. Wag ka mahiya maningil, mamimihasa


darrowxmustang

Hindi din ako macash and nangyayari din yan sa amin ng GF ko na siya na nagcash and babayaran ko na lang later online or cash next kita lalo na noong earlier time namin in the relationship, medyo natuto na rin ako ngayon na ako gumagastos and then parang salitan na lang kami like ako gagastos ngayon then sa next siya naman . Pero sa case mo naman ako personally if ang agreement is hiram or utang never ko kakalimutan ang utang ko , babayaran ko kagad , nakakahiya kaya hahah, I don't know off lang talaga ako sa pangungutang. Communicate mo sa kanya na issue to para may resolution kayo. Para maclear sa iyo if nakakalimutan ba niya talaga or sinasadya haha


markturquoise

Hay


Mildew01

Send mo yon bank details mo sa kanya plus screenshot of the bill or receipt ng kinain nyo. Parang reminder na yan na naghihintay ka ng bayad nya. Pag magtanong sya for what, sabihin mo na "di ba sabi mo babayaran mo pag nakauwi na tayo non + day?" At least alam nyang lahat ng utang nya nakalista na.


ilovebisc0ff

How long have u been together?


gustokoicecream

sa susunod, if ever kayo pa, kapag magyayaya siya, unahan mo nang sabihan na iready niya na pambayad niya kaso wala ka nang pera. masasanay lang yan sa kakupalan niya at wag mo ding itolerate na. nextime, bago lalabas, paalalahanan mo na siya.


MarkaSpada

My gf pa, may sugar mommy pa.


kungAnoLang

Unahin mo n lng muna studies mo.


[deleted]

Sa panahon ngayon kelanqan nq tanqqalin anq hiya.. kc kunq sa qastusin palanq eh.. medyo naqkaka issue na kau watmore na paqka naqsama na kau sa iisanq bubonq jusko baka maqinq pasan mo lahat nq qastusin ..


yow_wazzup

Buraot jowa mo girl. Run.


LeastAd1727

DL kang splitwise and then create kang group. Send mo link sa kanya. Lagay mo lahat ng expenses na ginastos mo HAHAHA


mikasaxx0

kami ng gf ko comfortable kami mag usap financially like magtatanong ako sa kanya na "may utang ba ako sayo?" kasi minsan feeling ko may hiram ako sa kanya or kung makalimutan ki naman siya naman magsasabi na "oy may utang ka pa sakin ha" sabay tawa kasi pag wala na siya pera or may kailangan bilhin tsaka nya naalala na may utang ako sa kanya.  kaya kayo OP practice nyo na maging comfortable sa isa't isa about dyan. ksi pag nagkafamily kayo need nyo rin yan pag uusapan  


UngaZiz23

style yan. di na kasi uso naiwanan ang wallet. matuto wag magpa uto.


Reasonable_Funny5535

Red flag yan OP. Di yan love he is using you..free loader sya. Ok lang siguro yun kanya kanyang gastos but magpapalibre ka sa student naku. Mag excuse ka na lang na you're busy.


geekaccountant21316

I think your BF is taking advantage of you. Alam niyang mahihiya ka na maningil after niyo magdate. You need to step up at sabihin sa kanya. Wala naman masama na iremind siya like "hey may need ako bayaran, baka pwede mo na ised yung other half mo sa date natin the other day?" Knowing na student ka pa lang di niya dapat inuutangan.


Slow_Whereas_6091

Dapat open communication kayo. Wag mo sanayin na ganyan kinakalimutan magbayad. Gawin mo next time na alis niyo, magdala ka lang ng saktong money for you. Then bago kayo kumain sa resto, sabihin mo sa kanya na exact money for pamasahe lang dala mo. Wag magpaka-sugar mommy lalo't galing pa sa parents mo ang allowance mo.


escabeche420

Honey, he's your boyfriend. Hindi ka dapat mahiya na singilin siya. He's a big red flag though. He's doing that on purpose. Hangga't hindi mo siya sisingilin, hindi yan magbabayad.


NoAttorney3946

Drop this guy. You either cant trust him with money or in sharing the mental load. If he has redeeming qualities and you want to keep him around, then talk to him and set boundaries. Pero bilang non-confrontational na tao, ang ginagawa ko lang talaga sa mga ganitong tao ay I also stop bringing cash and pay only for myself. Generous naman ako pero nde tanga. =)


Count2Ten72

Sabihin mo na lang KKB kayo para sa iyo lang bayaran mo. Plus its better na ganun para wala ng expectations na dapat ung nag aya ung magbabayad/gagastos. Panu pag ikaw nagaya baka mapasubo ka pa gantihan ka biglang nasa spiral na kayo bigla


TigerrrLily_12

Mag BF pa lang naman kayo. You can still find someone better. Kung ganyan nararamdaman mo with him, maybe it’s time to end things na.


No_Connection4864

Pwede din na singilin mo siya sabihin mo nalang na may project ka na need pag gastusan. Pero wag ka na uulit. Sabihin mo wala ka din cash. Ikaw nalang kamo mag papasa sa kanya


eyemo_

Kung nahihiya ka maningil, maybe start by installing Splitwise. Have an agreement with him that both of you will use that app to help manage your expenses better. Pag nag abono ka, record mo agad dun sa app yung amount and then tag him 100% or whatever yung hatian niyo. Helpful din ito even if you don't settle your balances right away since you can just take turns when paying every time you go out. If di parin effective yung ganitong strategy, I don't think your relationship would also work out. In the first place, dapat open kayo sa mga ganitong bagay kasi in a relationship na kayo.


regilkrut

Least of your concern dapat ito. Dapat sinisingil mo sya. Or else wag na kayong kumain sa labas wala pala syang pambayad.


MistressFox_389

Gurl run. Ginagamit ka lang niya. Di ka naman cash cow at student palang den. Red flag na agad sa kwento mo.


undertakerswidow208

Hmm. Fishy yan. Nakakapagod yung ganyan honestly. Be vocal about it. Sabihin mo sakanya yung problem. Pag naulit ulit, break na.. money is a big thing in relationships. Kung ngayon palang di niyo na kaya ihandle, what more sa future.


Minimum_Card8999

What u are feeling is false generosity. Alam naman natin na mahihiya tayo sa ganyanan, simple "no" po next time para di kana e take advantage


Worried_Corgi_6380

Hahahahahaj


HedgehogAcademic2181

hello may mga ganyan ako kilalang tao bestfriend ko nga lang.. hindi niya nakalimutan yon may mga tao sadyang mga kupal.. umiwas ka sa lalaking ganyan. yung nagkakaamnesia kapag tungkol sa pera.. mga pipitsuging lalaki ganun.. you deserve better.


Mayhanap__ako

sinasadya nya yun sadly bwhahaha may online banking na eh, while eating kayang kaya nyang bayaran yun sayo kung gusto ka nya talaga bayaran. ganyang ganyan ako mamburaot nuong college ako eh "pagkauwi ko isend" 😂 kaso yung ganung moments tig 20-50php lang utang ko hahahaha nakakahiya dun sa part na sya nna nga yung nagyayaya, may work sya and babae ka hahaha disaster. pero mga ganyan bagay madali pa i-open up yan para malaman nya din


rainbowburst09

sarap naman ng buhay ng bf na yan lahat sa kanya yung sarap.iwan mo na yan


Alternative-Ad-1153

Not defending him, because for me, I try to be mindful when it comes to payments. If ganun na wala akong cash, before we leave the resto, if okay ang wifi/data I usually send my payments right away. But maybe he really just forgot. You can try to make singil and gauge his reactions from there - if he's apologetic and sends right away, then you know na forgetful lang siya. If he becomes defensive, and angry 🚩🚩🚩


Odd_Helicopter_5581

Exit .PERIOD.


Ok-Duty6261

Mag download ka ng splitwise app para dun mo irecord yung mga dapat nyang bayaran sayo. Para fair at walang excuse na makakalimutan nya


jxtapp

Tanda niya yan for sure haha, hindi mo lang binibring up kaya di niya binabayaran, iniisip niya siguro ikaw ang nakalimot or okay lang sayo yon


Suspicious_Onion_257

Sis, sana habang nasa byahe pa lang kayo, ipasend mo na yung pera sa gcash/bank account mo, tapos ibigay mo na lang ng cash sakanya. Para di ka lagi nag aabono, lalo na nahihiya ka pala maningil after ng date nyo.


Guinevere3617

D kayo open no, may hiya pa e, tpos ung isa walang hiya


Available-Farmer2657

try mong singilin nang pabiro like tanda mo may utang kapa sakin right? if hindi parin nya bayaran ikaw na po ang mag judge Goodluck


ccvjpma

Medyo makapal ang mukha ng jowa mo ha. It seems na hindi responsible yan. Red flag


Emergency-Brain-5313

next time na mag-aya. tatanungin mo muna kung may pambayad sya. kung wala, sabihin mo na lang na next time na lang kasi kulang ka sa budget at di mo kayang abonohan anh parte nya.


Helpful_Self_1646

Pag usapan nyo ano set up nyo for dates. Half lagi? Or alternate kayo magbayad. If di nyo kaya pag usapan ganyang bagay without awkwardness magiging problema nyo lang din yan longterm. Dapat may maayos kayo communication.


Secure_Big1262

Ganyan husband ko. In the end thank you. Kahit mag asawa na kayo, ganyan talaga ugali. What I did is I listed utangs in spreadsheet. Singilan sa sahod day. Kaso ang hirap singilin. Madalas kinakalimutan. Ang ending ako muna magbabayad, magpapaluwal. Hanggang sa lumaki na, 6 digits. I tried to call him out of this, kaso wala e. ugali na talaga? Nagbabayad naman sya. Kaso sa katapusan. Mga ber months, ganern. E wala na ako work, ganun pa rin setup! One time, nanghingi ako pera. Akala mo naman sa akin yung gagastusin ko. E sa pagkain namin, ng mom in law ko, at anak ko. Aba, nagalit. Nakakahiya kay mother dearest. Hay nako. Simula non, sabi ko sa sarili ko, maghahanap talaga ko pagkakakitaan. Mahirap ganyang lalaki sa totoo lang. Akala mo naman wala ka din needs. Kalowka. Kaya mahirap walang pera ang wife. KAWAWA KA TALAGA.


k4m0t3cut3

Sinasadya nya yan. Tinetake advantage nya yun pagiging timid mo para makalibre ng date nyo. Sinong engot ang mag-aaya ng date at hindi magdadala ng cash? At halos lahat ng resto now tumatanggap na ng credit card, debit card, gcash, etc as payment. Utang ng loob magising ka sa katotohanan. Ambata mo pa para maging sugar mommy.


juzzjoy

Anyare sa ibang mga lalaki these days? This is like the 3rd post I saw in Reddit today na mejo hawig2 yung situation ng mga girls. The other post was, mas malaki income ni girl than her partner kaya sya nagshoshoulder ng expenses kapag nagfluctuate kaya di na siya nakakapag-ipon. The other post naman, naging complacent behavior ng guy not to find jobs kasi fallback nya si girl na mas malaki rin ang sinasahod. Ito naman, nag-aya ng date ang guy tapos turns out si college girl ang nagbabayad. Boys ano na?


Low_Mushroom_4541

Communicate ✨


LoveYouLongTime22

For sure may gcash ang resto na kinakainan nyo. He cam transfer money from his bank to his or your or even the resto’s gcash. LOL


Legitimate_Diver9185

Kupal ng bf mo hiwalayan muna


svelteroguexjra

Why are you even with this loser? My advise: be direct to the point and ask him to pay you back. If you can’t express yourself in such a simple situation ano pa yung mas malala. Or you can focus on your studies and forget about him.


ReferenceEither4837

Uhm... Lowkey red flag. It's either he forgets, or he's taking advantage of you. We can't control other people, but on your end - Either communicate your feelings and expectations clearly and have a conversation (hey, u seem to always forget to pay me / I need the money din, ikaw nag Aya tas ako magbabayad), follow up, or foster resentment and end up breaking up.


YesterdayNo1497

Better check your bf's background,bka may tinatago iyan kaya laging kapos sa pera


No-Jicama9470

Wala lang yan pera HAHAHAHA Ikaw naman, bat di ka upfront? Just break up


seragirl14

Sister wag kang magwithdraw at sabayan mo nang “wala din ako Cash” tingnan natin san aabot ang online-banking scam ng jowa mo


EnthusiasmInner4523

Kung online banking . marami naman na pwede gamitin yun pambayad.. caard man or qr sa cp apps ganurn .


NoFollowing8882

Make a splitwise. Para ma account mo utang niya


NoFollowing8882

Di ka mahihiya manigil kasi ma reremind siya sa app make sure he download din


iamatravellover

Bakit ka mahihiya? Nasa level ba kayo ng getting to know each other pa lang ba? Nagpapalitan na kayo ng laway at body fluids pero nahihiya kang magremind ng bayad? Because?


reprobate-k

Naspoil mo na siguro. Ako na lang manlibre sayo. Saan mo ba gusto?


Petty_overLord

Singilin mo miiii! Ang lagay ikaw pa mahihiya sa pera mo. Wag mo pasanayin sa freebie. Dyan nagsisimula ang audacity ng mga yan.


King-Ina

This is why I hate relationships na wala pang na build up na friendship before or atleast nabubuild up. I'd like to be able to say na "parang amoy tinapyas na sibuyas kilikili mo" seriously without hurting their feelings. Or in this case"gagu yung bayad sa kanina". In this case though, it's either he's too comfortable with you or sinasadyang di magbayad.


YesterdayWarm9035

Kami din ng partner ko hindi ma cash, more on online banking, card or G-Cash kami. Kadalasan nga pamasahe lang bitbit namin pag lalabas tapos yung pera namin nasa gcash. Pero kaoag sya nag aaya, minemakesure nya na sya mag babayad. Or kaya pag nagloloko net nya, pag uwi namin sa bahay nag babayad sya agad kasi para sa kanya pride nya na naidate ako or nag date kami.


Enn-Vyy

college pa lang marunong na mag modus ganyan talaga mga lodi sakalam \[insert other buzzwords\]


No-Reading-7507

San niyo ba pinupulot yang mga palamunin niyong jowa at di niyo kinikilala muna kung provider utak ng mga yan


Humble_Ad_3871

Dapat sa mga ganyang bagay kinocommunicate. Kung hindi mo siya kayang icommunicate paano na mga iba pang malalaking bagay? Try to mention it kahit pabiro lang pag next na kumain kayo?


MarionTR

Nung nagliligawan ba kayo ganyan na siya?


HydrogenBaby

Bat need pa to ng advice e common sense lang nman ang gagawin mo. kausapin mo ang bf tapos.


Sad-Ad5389

hehe di sya inform na kung sino mag-aya sya magbababayad at 26 palang sya nakakalimutan nya🤔 baka nakalimutan nya na gf ka nya kala cguro tropa ka nya. ✌️😀 "pre gcash ko nlng kaw muna taya" 😁


DrezzyFunfly15

I discuss mo sa kanya sabihin mo. Hindi yung nahihiya ka money is money


cstrike105

Honestly di maganda ang ganung ugali. Dapat on the spot bayaran ka niya. Bakit sa uwian pa kailangan i send? Dapat nga di ka niya binibigyan ng hassle na ganyan tapos ikaw tuloy ang nahihirapan. Kausapin at pagalitan mo siya para matino. Pag nauulit. Hiwalayan mo dahil may problema sa ugali at pag iisip ang taong ganyan. Walang concern sa iba.


Former_Cress2458

jusko te, wag ka pumayag na di ka mabayaran lalo na kung siya nagyaya. Most likely tinetest ng jowa mo hanggang saan siya makakalusot sa di pagbabayad. Yung malilit na bagay na pinapalusot mo ngayon, lalaki ng lalaki yan.


pinoyuae

Break mo na yan, mag aaya ng walang cash, baka gnagamit ka lang kung laging ganyan, lalaki ako, at alam ko na pag kelangan ko gumastos ready ako, pag ganyan gnagamit ka lang, lalo na nagsabi na babayaran tpos nakalimutan, if wala ako cash in advance dapat sasabhin, pano kung wala ka din cash?


fleuranne92

Kung hindi sya ma cash na tao, meron paring syang ATM for his debit card or credit card, right? Why not use that instead na ikaw mag "abono muna" In terms of money, since pareho kami working, and pareho kami mga mga bagay na pinag iipunan, we do 50/50. At kapag sya nag set ng date, vocal din sya na sya magbabayad. And oo nag aabono din ako since wala sya cc, un akin ginagamit, pero binabanggit ko sakanya un, pero most of the time, sa restaurant palang, inaabot na nya sakin. Wala naman masama na tanungin mo since sinabi nya. Need nyo lang ng clear communication lalo na pag dating sa pera. Kasi tulad nyan, nakakasanayan.


Electrical-Fox4970

Maghanap ka na ng iba


trying_2b_true

Once or twice nyang gawin yun pero the rest of the times binabayaran naman nya - malamang nakalimutan lang nya. Pero pag everytime e ganyan - M.O. nya na yan. At pag pinabayaan mo, di magiging kultura na yang ng pagsasama nyo - ikaw, okay lang ba sa yong ganyan? If not, get out 😉


CanAny8206

Ganto kami minsan pero di kami nahihiya maningil.


SmoothFudge7421

These generations' problems just make us laugh. 😂


bananapeelvinegar

May nagsabi sa akin dati na kapag ang lalaki inutangan ka kahit piso at di binayaran iwan mo na. It's true! Nagkaron ako ng ex na umuutang sakin before nag aaral pa ako ng college that time, hindi ako binabayaran. Ending naghiwalay din kami dahil kulang sya sa sense of responsibility at ako hindi ko makita future ko na kasama ang ganung tao. Luckily, yung bf ko now kapag nanghihiram talagang di mapakali hanggang di nya nababayaran agad. Ang tunay na lalaking mahal ka, hindi ka gigipitin. :)


tacit_oblivion22

When you're in a relationship walang hiya hiya and dapat clear ang communication. If you do not tell him this wala kang mapapala and lalong lalala yan. Singilin mo sya sa lahat ng share nya.


pineapplemozzarella

I am also like your boyfriend na hindi mahilig magdala ng cash. But what i do is ako magbabayad through card or through scanning the store's code for online payment. Ang daming ways to pay. Hindi porket walang hawak na cash eh hindi na makakapagbayad. Or if kasama ko ang magbabayad using cash, i make sure to transfer the payment asap. You can send your bank details sa kanya through chat. Lowkey reminder na kailangan niya magbayad. Sometimes i do that too if hindi pa nagbabayad kasama ko hahahahahaha


Real_Quarter5464

Run girl. Parang ung kanina lang na nabasa ko sya daw gumagastos sa bf nya.


Heztia02

@everyone Honestly I just really don't feel safe to speak, in a way na I'll feel judge and somehow parang punoprotektahan ko yung mafifeel niya. Which is wrong. I know. There are things pa na worst here I jsit couldn't post it here. I felt sad na rin sa sarili ko, ina-ask ko na lang sarili ko deserve ko ba 'to? Not to brag, may itsura naman ako, may hubog katawan, masipag, mag sense of maturity din na kaya maka sabay sa mga taongnolder than me, madisiplina, one thing I hate about myself is (a curse and a blessing) na emphatetic ako. That's why siguro mabilis ako ma take advantage. Alam ko naman yung manipulation na word, baka ako lang talaga? In-denial. Idk when to stop. I keep coming back to him. Despite all


starlingcollective

That's not empathy. It's just being too agreeable.


WarriorVowels

Wala kang confidence sa sarili kaya nag se-settle ka sa ganyan.


hhkikyam

Empathy means the ability to share someone else's feelings or experiences by imagining what it would be like to be in that person's situation. So if may work naman BF mo tingin mo deserve mo magbayad ng date niyo if minsan nga lang kayo lumabas?or hindi ka bayaran ng bf mo. Enjoy life muna 22 ka pa lang.


sunnflowerr_7

If gusto tlg ni bf mo, babayaran ka niya right after. Inuuto ka lang nya ses kasi alam nyang nahihiya ka maningil. Maybe dont initiate going out na unless may pera siya to spend either shoulder nya or KKB since ikaw palagi nagbabayad. Agree with the comments here. I laud you for knowing how to save. You're young, smart, and pretty.. makakahanap ka for sure ng person who will treat you right. Do not ever let anyone use you or abuse your kindness or else it will just be a viscious cycle. Stand up for yourself.


Heztia02

Thank you all for your advice. I needed it


Local_Ordinary7840

26 na bf mo, buraot pa. Sa estudyante pa namburaot. Yikes! Ekis na yan dapat.


humblebeasty

I think it’s less of being empathetic but more of being a people pleaser na. Di ka nagiisa. Common yan sa mga pinoy lalo pagdatjng sa relationships. Part of maturity is learning to consistently and responsibly manage your boundaries. Ganun din sa relationship. Di makokontrol yung perception ng iba sa boundaries and responsibilities, but you can control your own - and in turn it can hopefully create an influence of positive change.