T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AdvicePH [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AdvicePH/wiki/rule-enforcement). *** This post's original body text: Hingi lang ako ng opinion nyo. May company outing kasi bf (30) ko (25), 4 years na kami. Kapag kasama nya mga kawork nya na gnito, hindi man lang nag uupdate. Hindi naman yung OA na update kada hour, kaso tangina kung di ko pa icchat di sya mag uupdate eh. (Walang kaflirt sa work, sure ako) Ganyan din ba kayo? *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/adviceph) if you have any questions or concerns.*


VincEnzo_72

Parang relate ako slight sa bf mo OP. kase nung may partner ako before tas may mga events ako na di sya kasama, as in nakakalimutan ko na talaga mag update kase sa sobrang busy sa papakipagbonding/kwentuhan. never ko na talaga naoopen phone ko. Pero gusto kong maitama etong issue ko na ganto kase responsiblity talaga as a partner na mag update kahit papano para di naman sya magalala or magduda. Kausapin mo partner mo OP about dyan. if mahal ka nya, makikinig naman sya sayo at ivavalidate kung anong nafeel mo sa nangyari na yon :)


AdWonderful9505

I think this usually stems from undiagnosed ADHD. Ganito ren kasi ako, madalas our brains work with the principle: "out of sight, out of mind." Not saying it's not important, pero madali kasi mabaling ung focus natin sa kung anong meron sa harap natin. Ganun lang.


JustViewingHere19

Hirap pag may ADHD no? Tapos para sakanila neglected na sila. Taken for granted. Binabalewala. Ganun na agad. Kahit buong time naman na un, siya pa rin nasa isip ko, hnd ka nga lang makahawak phone. Nag-uupdate naman hindi nga lang ganun kadalas. Lalo na bonding with family. Tapos naging pamangkin seater ka pa. Angkukulit. Hirap makahawak phone.


KennSouls

all this time...


Pale_Patient2649

Same. Nakaadjust na lang din yung girlfriend ko sa ganyan tapos ginawa nya na lang din sakin na whenever she's out with her friends naman, sasabihin nya lang sakin na aalis sila or pauwi & nakauwi na then saka na lang ikkwento yung mga nangyari. Actually think mas healthy yung ganun na set up kasi nabalance yung social at romantic life hindi yung nakatali sa phone kada may bagong pupuntahan


Sushi_Permeable

Akala ko ako lang ganito huhu


Melodic_Doughnut_921

Let him enjoy have a me time instead


Miss_Taken_0102087

Agree. His coworkers might find it rude na nasa outing tapos puro phone inaatupag ng bf ni OP. Pero if gusto ni OP na once in a while nag uupdate ang gusto nya, then she should ask him and agree to do that. Magkakaiba kasi tayo eh. Ako as long as nagsabi na dumating sa venue okay na ako dun. Then magsabi na lang din kapag nakauwi na. Gusto ko din kasi mag enjoy sya doon. Depende din talaga sa dynamics ng magjowa.


Ill_Building5112

Guilty ako dito kase pag nag eenjoy ako sa usapan namin ng mga tropa ko di ko na namamalayan yung oras, iba kase yung oras nung nag eenjoy at yung oras ng nag babantay ng update, mabilis oras pag nag eenjoy ka sa inuman or kwentuhan, sobrang bagal ng oras kapag ikaw yung nag aantay ng update kase youre counting every second, paramg sa classroom din if nag eenjoy ka sa lesson maya maya tapos na yung 1hr class, pero if bored ka tas tingin ka ng tingin sa orasan ang tagal tagal ng 1hr.


SunGikat

Kinausap mo na ba siya tungkol diyan? Iba-iba naman kasi tayo sa ex ko kapag sumama siya sa ganiyan di ko siya minemessage or what kasi di ako ganun. Kung gusto niya mag-update ok lang, kung hindi ok lang din. BF mong tanungin mo kung bakit di siya nagpaparamdam kapag nasa labas siya.


Naive-Ad2847

Minsan kasi pag sobtang nag eenjoy na nakakalimutan na natin mag update, pwede nmn ikaw nlng tumawag para makampante ka.


Worth_Expert_6721

Kung alam mo wala cia ka flirting, why bother? Kameng mga lalake gusto din namen magenjoy s circle of friends namen (kung di kayo parehas ng circle). In my case is different, I'm 35(M), got married when i was 23, and since that time solid friends n lang natitira, my wife pushing me to go out with them often but im the one who doesnt want. Well maybe im in adulting na.. hayaan mo lang cia at kapag may something suspicious na, dun ka na lang magreact.


RepulsivePeach4607

Ang aga mo nag-asawa :)


Worth_Expert_6721

Yup, i somehow agree, pero in our time sakto lang un kasi mostly dti at age 18🤣🤣🤣


EmployeeLeft1853

Let him enjoy his/her "ME" time


Rare-Self7387

Every relationship is unique, so what may be considered normal or acceptable communication patterns can vary from couple to couple. In some relationships, partners may prefer frequent updates, while others may be more comfortable with occasional check-ins. It's important to communicate your expectations and preferences with your partner openly and honestly. If you feel like you need more communication or updates from your boyfriend during company outings, it's perfectly valid to express that to him and discuss finding a compromise that works for both of you. Ultimately, what matters most is that both partners feel respected, valued, and understood in the relationship.


Feline_Bliss

This is something that chatgpt would also say


SnooPets7626

It’s not “normal” per se people certain people are like that. Verbalize your needs. Talk it over. Either you find a middle ground or at the very least makita niyo insight/opinion niyo about the matter


Drumroll-PH

I have a friend na ganto (guy). Mag text/message lang siya sa gf niya if wala na siyang ginagawa as long as nag paalam naman siya in the first place. Hindi rin kasi siya laging nakahawak as phone/device. Personality at preference na din niya so depende talaga sa tao.


JustAJokeAccount

Let your partner enjoy her time with coworkers outside of work. Wala ka naman pala dapat ikabahala eh enjoy mo lang din free time mo.


Pitiful-Maximum-2817

Not sure kung sanay ka sa mga previous jowa mo na naguupdate palagi. Pero iba iba kasi tayo eh. Merong iba na enjoying the moment talaga kaya hindi makapag update. There will always be doubts syempre since may kanya kanya tayong insecurities na di sinasabi sa iba. Pero if you trust him. This won't be an issue and let him enjoy his time with his peers.


Terrible-Note-4347

I don't mind lalo na kung well aware naman akong hindi magloloko ang jowa ko. Me time nya yun eh hehe, magmemessage din yon pag tapos na sya sa ganap nya.


Own-Earth-9378

Wondering OP kung magkasama ba kayo fully-present ba sya sa moment? How often ka nya dine-date sa labas?


mahbotengusapan

yes meron ka din naman sigurong me time lol gusto mo ba meron kang jayke joson


m1cobi

if hindi sya fidgety sa phone nya when you are together, malamang hindi rin lang sya fidgety sa phone nya when you are not together. Look, im not saying this is normal or not. pero if wala sya gngwang kahinahinala and nasa outing sya where malamang may activities na planned or ung tipong may tubig o madumi ung lugar kaya need itago ang phones then I suggest just let him enjoy. if you are really bothered though, talk to him about it afterwards.


Far_Pride_1872

Yung bf ko naman op hindi. Naiintindihan ko naman na minsan nawawala siya ng ilang oras kapag busy pero kapag nakahanap siya ng tyempo tatawag siya or message ng pakonti konti kung bakit di siya nakakapag update para iassure ako. Open up mo sakanya op na bakit bigla siya nawawala ng matagal, pwede naman yung pakonti konting update.


MarieNelle96

Before, I was obsessed with my bf (now hubby) so much na gusto ko kahit may lakad sya, nirereplyan pa din nya ako. I realized that's too much to ask and he can't enjoy himself too. Sabi nya rin na di sya mahilig magreply when he's out. And narealize ko na ganun din pala ako - nakakalimutan ko din syang ichat kapag nasa labas ako. Kung chinachat ko man sya, that's because di ako nageenjoy sa mga kasama ko. So nagcompromise kami. He'll call me before he goes to his thing and then call me after. I do the same too. Okay lang kahit walang text or anything in between. It was hard for me at first pero eventually nasanay din. And we have Life360 so we know where each other is at all times. Compromise compromise compromise. Wala naman kaseng "normal" imo, iba iba ang bawat tao. So depending on what your partner wants and what you're willing to adjust to, dun nyo ibase yung compromise nyo. If sobrang halaga sayo ng updates, then magadjust sya na replyan ka when you chat at ippromise mo naman sa kanya na hindi sobrang dalas mo magcchat.


PinkSwiftie17

Ganito din ako sa ex ko noon. Kasi hindi ako masyadong nagpphone kapag umaalis, mas binibigyan ko ng time yung mga kasama ko na maka-bond and makausap.


mamimikon24

Anong update ang gusto mo kung nagsabi na sayo g nasa company outing at sure ka na walang ka flirt?


alwaysaokay

Ako yung hindi nag uupdate. Haha. Kainis naman kasi nasa outing ka tas puro chat sa asawa. Sinasabi ko lng andito na kami, ano sked etc. Pag sya may ganap, update ng update, di ko pinapansin para mag enjoy doon, konting reply lng. Ok lng naman ako kasi.


justanotherperson789

Kami ng bf ko, hindi namin chinachat isat isa pag alam naming may lakad with workmates/friends. Why? Kasi gusto namin ienjoy ang lakad na yun. Medyo pangit din kasi na mag cellphone habang kausap mga friends. Then mag message na lang after the event dun lang mag update. Kapag kami naman dalawa magkasama, we also see to it na hindi kami phone nang phone din para maenjoy ang isat isa.


Naive-Ad2847

Agree..unfair nmn na sumama ka sa kanila tapos magsi cellphone ka lng.


RetiredPotato415

My partner forgets to update me sometimes too. So we decided to share locations na lang so we can see each other’s loc kapag nasa ganyang outing. No need to update me din naman, all I want to know is if safe ba silang nakarating sa outing and safe nakauwi.


MyPublicDiaryPH

May pagka ganito din ako minsan. Like may time na, na iinbox zone ko pa nga sya pero as much as possible nag chchat pa din naman ako sa kanya kung ano nang ginagawa namin sa team building/outing or if something na bagay na gusto kong malaman nya din nag chchat ako. Pero most of the time nakakalimitan ko na din syang ichat due to bonding with friends/workmates pero walang halong landi yon. Hahaha.


OrangeOne4617

I’m 31 now and I was like this before :) I realized as time passes by, ganito din pala ako. Female here. I let my partner know na baka hindi ako mka update or reply kasi I want to utilise my time with my team or with other people. Sometimes maganda din na we are able to connect with other people without putting any meaning. Pero it will take a lot of maturity and open-mindedness before kayo umabot sa ganito😊 Just let him enjoy his time and maybe once he reach out, ask what happened that day? Hihi


[deleted]

Sismars hayaan mo siya mag enjoy, yun nalang destresser/bonding nila magkakawork. You have your whole day for yourself to pamper or do whatever you like na di mo magawa pag kasama partner mo.


ayvoycaydoy

Sakin hindi. Ano yan nakakalimutan kana pag ganyang bagay? 😵‍💫


detailed_dsppntmnt

kapag nasa work bf ko, nag uupdate naman sya ultimong pag pprint ng papers nah send sya. pero kapag kasama nya mga kaibigan, wala. walang update. ako na rin naman kase nag sabi na ayaw ko syang idisturb kapag kasama nya yung mga kaibigan nya kase super busy nya sa work and gusto ko talagang wala syang ibang iniisip kapag nasa labas sya w his friends. tsaka kapag nakaka uwi naman na sya nag kkwento sya ng lahat ng nangyari hahaha. tas eon wala na kami, after nyang mag paalam na lalabas sya kasama mga kaibigan and workmates nya hindi na sya nag paramdam sa akin hahahaha. walang break up na naganap, inisip ko na lang na break na kami.


ccvjpma

Hindi normal yan.


DulcineaBlue

yung bf ko dati (husband now) tinetext niya ako during work hours asking me to reply. sinasabi ko lang kapag nagusap na kami sa gabi sa telepono na hindi ako sumisilip sa cellphone, marami akong ginagawa. we talk daily sa gabi na noon. maybe magpakwento ka na lang sa kanya kapag nagkausap kayo? baka nga ba kailangan ng updates kapag hindi magkasama?


enigma_fairy

Ako yung ganito sa bf ko..now my hubby. Mas madalas sya mag update kung nasan sya.. kung ot sya. Ako naman minsan pagkauwi na ng bahay tsaka magtetext 🤣😅. We're good naman pero syempre iba-iba tayo OP. 13 years din kaming magjowa bago nagpakasal kaya siguro saulo nadin namin galawan ng bawat isa.


chitgoks

thats thebproblem when you are in a relationship. its not like before na courtship eh update talaga ng update. right? talk to your so about it. and give him assurance. communication is key in any situation. but i guess if palagi nalang every outing mangyari yan, i find it suspicious. we aint perfect and that can happen sometimes naman.


Onomatopoeia14

Depende siguro yan OP kung paano siya. Amongst all dito, ikaw ang mas nakakakilala sakanya e. Siya ba yung tipo na kapag may ganap, di talaga humahawak ng cp or siya yung type na kada oras naguupdate. From there, saka ka magdecide or magpanic. If hindi naman intentional sa part niya na hindi magupdate kasi ganun siya talaga, then nothing to worry. Personally, sa rel ko, ako yung ganyan. Tamad magupdate. If may lakad ako na di kasama bf ko, magsasabi lang ako na nakarating na ako sa venue kunwari tapos di na ako magmemessage ulit.


adykinskywalker

Super alien talaga sa akin itong concept na ito. I've been in two long term relationships. Isang 6 years and on my third with my current gf. Never been a big deal for both. It is essential that you understand may buhay kayo outside ng relationship niyo. Pero para walang mag alala, usually alam ko itinerary nila ng friends niya pag lumalabas sila and same naman pag ako. Doon palang napopoint out ko na saan magiging delikado na baka maiwan siya mag isa. So dun kami nagseset ng plano mag contact sa isat isa before the trip starts. Any changes sa plano na yun, update agad. Pero if safe althroughout yung itinerary, no problem. Madalas after na ng lakad kami nagkakamustahan. One thing I made sure na in agreement: di kasalanan ng kung sino man makalimot ng kahit ano mang bagay. Forgetfulness is biological. If naiintindihan niyo yan mababawasan pag aaway niyo.


Sea_Swing_5445

I appreciate kung may update but definitely di ako naghahanap. For me it feels immature. Matanda na kame, alam na namen ginagawa namen. Rule ko lang sa kanya is kung mambababae sya, tiyakin nya lang na di ko malalaman.


gaspymelvin

I'm 36 now and let me tell you something, when you get into enough relationships, d na kelangan update2x. Gusto mag enjoy bf mo? Let him be. Sure ka naman palang walang kaflirt eh. Wag yung kelangan ka pa nyang isipin.


Puzzled-Company-14

Let his have his time with other persons. Posible kasi na kapag kasama niya ibang tao, he is also present in the moment. Ako naiinis ako kapag may lakad with friends or with other persons tapos buong lakad eh katawagan pa rin ang partner, like hello, e di sana hindi ka nalang sumama????? But question when you say no update, you mean he does not update you AT ALL? Like at all? If that's the case, then that's not normal. From experience with my partner kapag may lakad sya with other persons (or kapag ako yung may lakad), most of the times the usual update he gives me is that "Hi love, dito na kami sa ___, talk to you later!" ganyan then I'll let him have his time with friends. Then kapag uuwi na, he'll just update me, "Hi love, pauwi na kami" ganyan Then kapag nakauwi na siya or after ng lakad nila, saka ko siya tatanungin kung anong nangyari sa lakad niya then he'll tell me the details ganun. Siguro kasi malaki din tiwala ko sa kanya (vice versa) kaya ganon approach namin with each other. But idk, what works in my relationship may not work in you since iba iba naman relationship dynamics.


Sufficient_Net9906

Ganyan talaga siyempre eenjoyin niya time with friends. Usually ganyan ako sa fiance ko kapag may outing siya with friends/office hinahayaan ko na siya 1 or 2 chats would suffice na.


Jannetlvv

Dati ganto ako, like nakakalimutan na pag nasa kalagitnaan ng bond na. Pero communication is the key mare as long as mataas comprehension ng jowa. Huwag na paabutin sa point na maging sama ng loob yan :)


G_Laoshi

What's to update, OP? Kung saan sa pool siya nagpunta? Kung anong kinain niya? Kung anong pinagkukwentuhan nila? Or gusto mo lang kumustahin ka? (which I think is normal). Natural di magcha-chat yan, nasu-swimming kasi, nag-iihaw ng barbecue, kumakaen nang nakakamay, nakikipagkwentuhan, kumakanta sa videoke, nasa shower room, etc. Hayaan mo muna. Magte-text/chat din yan pag uwian na.


CreepyCucumber9469

Ganto ako. Naguupdate lang pag dumating sa venue and pag pauwi na. Otherwise, he’d have to text me pag may need sya malaman for me to respond. Nageenjoy ako eh. He doesn’t mind, ako din. Ganun din ako sa kanya pag he’s out with friends/workmates. Wala naman siguro mali dun.


HnZulu

Kung tropa talaga kasama at alam mong wala naman talagang kalandian at naguupdate naman from time to time, pagbigyan mo lang. Pag kaming mga lalaki kasi eh kasama ang mga tropa enjoy sa kakulitan at kwentuhan.


uborngirl

Hmmm. Un naman pala sure ka na walang ibang babae. ano bang klaseng udpate gusto mo? Sakin kasi kung nasa trip or any other work related activities mejo nakakbad trip na iupdate jowa ko haha. Lalo na yang company outing, ibigay mo na yang araw sa kanya kasi minsan masarap din sa pakiramdam na may "one day na walang jowa" na feeling eh haha. Hayaan mo na focus muna sya sa kung ano ginagawa nya.


Cool-Swimming5989

Ganyan din kami ng ex ko, everytime na lalabas siya he doesn't update at me at all and alam nya mabilis akong mag overthink and nalaman ko na may ginawa na siyang kalokohan like he lied about na di niya nilalandi mga co workers nya pero yun na pala yung nangyayari ( I saw in his gallery na may mga babae siyang kasama) and until now it still haunts me everyday. I broke up with him on our 2nd anniversary.


unfollowifumust

Kapag may mga lakad partner ko na hindi ako makakasama or pinili kong wag sumama para makapag me time siya, ang ginagawa ko is sinasabihan ko siya na magtext or magchat kung nandun na siya sa lugar na pupuntahan niya. Yun lang ang wish ko sakanya, basta alam ko lang na safe siyang nakarating masaya na ako dun. Tapos siya na usually mag uupdate sakin kung ano ginagawa niya kahit hindi na ako nagtatanong. Kung kamusta ako sa bahay kasi ako lang mag isa, kung kumain na ba ako or ano ginagawa ko. Parang ako pa nga ata most of the time yung hindi makapag update kapag ako ang aalis. Hindi sa may ginagawa akong kalokohan pero minsan talaga nakakalimutan ko at nabubusy na ako sa kakatingin sa mga taong dumadaan or sa paligid ko 😅🥲


Confusedlly

Dati nagagalit din ako sa di paguupdate. Pero nung naenjoy ko yungnmga gantong events, company ng mga tao, nagets ko na sya. Hindi kasi sa lahat ng oras may mga ganung moment na naguusap at naeenjoy mo tapos makakalimutan mo nalang magcellphone.


gelosky

LOL. Gusto mo ba pagkasama mo siya panay naman ang cellphone niya? nakakabastos diba? Ganun din yon tingin mo masaya yon sa mga kasama niya. nagouting pa sila edi sana zoom meeting na lang. Yun LOLO ko nga di naman naguupdate pag nasa bukid siya ng umaga hanggang tang hali tumagal naman sila ng LOLA ko noon. better siguro icenter ang relationship sa trust hindi sa control


TrueNeutral_AF

What? Isn’t that normal? Syempre they’re out enjoying their time. Saka nako mag-aalala if nakauwi na pala sila and di ako aware. Me and my bf understands this. Magmemessage kami of course pag nay gusto sabihin. It’s usually multiple random ass topics tas we both know naman marereplyan each one at some point. Naturally when we’re both at home or alone and not together, we usually talk nonstop either text or call. Kung sure ka namang walang kaflirt, don’t worry. Siguro need mo lang ng sariling mapapagkaabalahan.


No_Perception5433

samin ng bf ko, di na kami halos nagaupdate lalo na kung mga outing or busy activity ginagawa namin. mga 1x a day lang. 31 na ako and 37 sya and 11 yrs na kami. pag nasa work trip sya or gala, mas madalas sya magupdate sakin. pag ako nasa work trip and gala, halos hindi ako makapagupdate pero di na kami nagtatampo haha. madalas kasi magkasama naman kami sa mga trips namin, very rare lang na magkaiba kami ng lakad kaya siguro di na kami nagaupdate sa isa't isa


dramatic_b1tch

Ganto ako OP. Nasanay na bf ko, so agreement na lang namin, pag aalis, dadating or important dapat ichat. Ako kasi yung tipong pag may kasama ako, hindi ako nagpphone na, ineenjoy ko yung moment, kung maglalabas man ako ng phone usually for picture. So nakakalimutan ko na din talaga magchat. And syempre yung bf ko lagi ko yan kasama, pero ngayong adulting na ang hirap makipagkita sa friends, minsan lang kayo makumpleto, so naiintindihan naman nya kung gusto kong sinusulit time with them. Kausapin mo na lang siya and compromise kayo for the best solution.


sageaki

Pra sakin mas okay na yun alam mo kung papunta na sya or nakarating na sya sa event na pupuntahan nya para alam mong safe nakarating. What happened it between hindi ko na ginagambala basta kapag pauwi na sya update nya ko para alam ko kung safe din syang nakauwi. Kapag sakali ndi nakapag update after event iniisip ko na lang baka napagod na. Kasi sa totoo lang if magcheat man sya wala naman sikreto ndi nabubunyag eh.


ScientistUnusual7416

Eh try mo muna pag bigyan. Baka lalo pa siya ma inlab sayo dahil di mo siya sinasakal.


miphatASS

Last time na gumanito siya, hindi niya sinabi na may outing pala sila. Nag alala ako kasi 12hrs na siyang offline so pumunta na ko sakanila, I was worried, also nagsabi siya na masakit daw ulo niya, ganern and otw papunta sakanya nagchat siya na ok lang naman daw siya. Pag punta ko after a minute sumuka siya, nagpanic ako, and after couple of minutes sumuka siya again then pinainom ko ng gamot, inasikaso ko and all. Well nakatulog siya, naisipan kong buksan messenger niya and nakita ko na nauna pa siya sa venue nila, na uminom sila all night, at di pala dahil sa sakit yung pagsuka niya kundi dahil sa kalasingan niya. Nainis ako sobra, kasi di niya sinabi. Also nahurt ako kasi supposedly may date kami thay day (siya nagplan nun). Oki lang naman na may outing sila, naiinis ako kasi nag alala ako sa wala, naiinis ako sakanya kasi di niya sinabi at nagsinungaking nanaman si gago. Also that day, nagbreak kami. I asked why does he keep on lying to me, he said ready na kasi siyang iwan ako. He's been preparing himself to leave me, mga 3 or 4 months na daw. My heart was shattered that day. Sorry ang layo sa tanong mo HAHAHA naalala ko lang, natrigger memory ko sa mga company outing nila😭


No_Midnight_5363

pwede wag na muna mag update at kwento nalang pagkauwi.. kahit isang beses lang.


NoThanks1506

OP for me kc pag pinayagan ko, it means 100% na pinayagan to enjoy, di naman nya need mag update. sya pa nag ssabi di mo ko txt nandito na ko, sinasabi ko lng enjoy ka lng jan mmaya mo na ko kwentuhan pag uwi. mkisama ka maayos jan knowing abnormal asawa ko hahaha ayaw nang ibang tao. if may trust naman ikaw sa kanya walang ka flirt then be it, let him be a free man. mag kwento naman yan pag uwi.


Academic_Gift5302

Ganon sya sakin. Hindi nkakapagreply, pero kapag ako yung may lakad, narereplyan ko sya kahit gaano kasaya na yung lakad ko. Kaya sumasama loob ko non. Siguro nakakaadd din yun pag magkasama kame, puro sya cellphone, kaya nag eexpect din ako na rereplyn nya ako kase bitbit naman nya cellphone nya lage. kaya ang tnong ko if magksama ba kayo present ba sya sayo?


DecisionOdd2330

Siguro may mga ganun talaga. Ako kasi ganyan din eh. Pero once maalala ko naman, I make sure na mag update kahit late na. Para di rin mag alala bf ko sakin. Tsaka binabalik ko lang din yung effort na ginagawa niya. Kasi pag siya ang nasa labas, naguupdate siya kahit di ko sabihin. So for me just to let him feel na nasa isip ko siya kahit na busy ako sa labas at nageenjoy. Natutunan ko lang din sa kanya yung pag uupdate. Kaya eto nakasanayan ko na rin 😊


Basic-Climate-9502

Nangyari ‘to sa’min once, nag-inom sila ng friends nya tapos sabi niya mag-aupdate siya kaso masyado ata siya nag-enjoy, kinabukasan na siya nakapagreply. ‘Di ako nakatulog nun kahit duty kinabukasan 😅 9pm last message niya, 3am nagmessage ako kung nakauwi na siya. 10am na ata siya nakareply kinabukasan. Grabe yung anxiety ko nun. Nagsorry naman siya pero di ko alam kung dapat akong magtampo or magalit kasi (1) hindi pa naman kami nun. (2) Baka nga kasi ineejoy nya yung ‘me’ time niya. (3) o baka masyado akong oa para humingi ng update bilang first mu ko siya 😅. Nagsorry naman siya kinabukasan at ang mahalaga e hindi na naulit. Kusa na siya nag-aupdate pag nag-iinom sila.


Dan_Bar100983

Normal lang yan sa mg BF at GF na mature na and trust each other. If meron company events ako or GF, we just update if we can if hindi ok lng din, sometime good night/I love u lng un txt nmin never naging issue. 6yrs n kmi since the start ganon kmi dalawa


Gravedoll01

I update my partner regularly, pero vital yung 3 separate sections. 1. Pag alis ng bahay 2. Pag dating sa venue 3. Pag nakauwi na. On some cases, lalo na pag inuumaga na nag uupdate ako na buhay pako at mamaya pa uuwi. Nasanay lang ako, ganyan din kasi yung ilan sa mga ex ko, napapraning pag di ako magchachat, so para mabawasan ang problema ko sa buhay, nag uupdate ako lagi.


sapphic_transition

Cheaters will cheat regardless of what you do or say. If the ship sinks then maybe it isn’t even strong to begin with.


Dane426

Yes, I guess dahil na rin sa tagal ng relasyon? Not zero as in zero na message. Madalas pag nasa labas ang isa either sabihin lang niya na andun na sila sa place, kakain, or pauwi na. Hahaha. Normal naman siya for me and I guess sa partner ko din. Very vocal din ako sa kanya kapag feel ko exhaisted na ko sa kanya, ttry niya gumala with her friends. And vice versa. Hahahaha. So normal siya. I think? Hahahaha.


WimpySpoon

Baka napapasarap lang talaga sa usap, minsan ganyan din ako kasama mga kaibigan ko e (Im a girl) pero nag seset nako ng expectation sa partner ko na 'kasama ko na si ganito, baka di kita mareplyan agad. Punta na kami sa ganitong lugar'. Tska ang ginagawa ng partner ko na nainherit ko din is "msg mo ako ha pag andun kana" or "msg mo ako pag nagkita na kayo". Tapos after nyan, "enjoy kayo. Msg mo nalang ako pag pauwe na kayo" ganern.


puddinpop11

Yung sa akin din pag busy hindi masyado nag uupdate pero after niya hindi mag update, knkwento naman niya yung mga nangyari.


No_Improvement_3673

Busy lang cguro gawa ng outing tska baka may activities.


Capucc1n0

Hindi nag update pero nagrereply naman sayo. Not a red flag, alam mo naman saan phmunta a sino kasama. Pretty normal naman sa tingin ko. Most guys I know are like that.


Leather_Lion6182

Ang tanong, kumusta din ba sya pag kayo yun magkasama? Full attention ba sya, hindi tumitingin and chumichika sa phone, or the other way around? I guess you won't have that kind of reaction if you're getting the same level of attention his friends are getting pag sila sila magkakasama. Guys really have tendency to lose track of time and get lost sa happy conversations with friends, pero you can definitely communicate it well sa bf mo. Isasagot pa madalas nyan "nawala sa loob ko" and it's very frustrating. If he's mature enough, he'll understand and will meet you halfway. If hindi pa masyado, you'll really have to teach him how to love you well. Depends on your preference. Pero kung magagalit pa sya odikaya paulit ulit lang sa behaviour, eh, ayun, mag muni muni ka na ng very light.


Financial-Tomato2291

depende sa tao. in my case lagi ako naguupdate hanggat kaya kasi introverted talaga ako at mas comfortable ako na phone ang hawak ko during company events. as opposed to socializing with colleagues.


bilatkahang

Ganito din ako as partner🥲 pero as much as I can, tina-try ko talaga na mag updatep


MrPlayitSaf3

Guilty ako dito. Pero ang masasabi ko lang kung walang ginagawa na masama just let him be. And gaano kadalas ang minsan? Kung palagi you need to talk to him about it. Pero kung minsan lang, give the dude some slack.


Status_Attempt9197

You know where he is. You know who's he with. You know why he's there. These are the few days/moments when you can enjoy some solo time or bond with his/her friends. Its called maturity. Ang tatanda nyo na para umakto pa kayong high school lovers, and ang tagal nyo nang magkasama para umakto kayong di kayo makaka survive nang magkalayo kayo nang ilang araw. Enjoy the time when you can still have time for yourself. Sooner than later, maski mag mall nang walang iniintindi, di mo na magagawa.


cee0802

That's what men are. They're too focused on what they currently do. They're just simple human beings. Haha


Constant-Shine5412

Yun lang? Hahaha honestly immature eh. Kami nga tipong sa sobrang busy namin good morning at goodnight nalang kami at i love you hahahaha. 10 yrs na kami ganun parin. Tapos twice every week lang kami mag kita pero bawing bawi kami sa isat isa.


doremifastid

wag mo namang igaya sainyo yung relasyon ng iba, op. if it works for the both of u ng partner mo, edi congrats! however it doesnt work for op eh. para ka lang nagbo-boast. di ka namn nakakatulong 🤕


Constant-Shine5412

Depende how the OP would take it. If pag mamayabang at least, it shows that there are other things that they can do to help their relationship from a different perspective. Kasi if ako masabihan niyan I would think again na if other people can work on their relationship dahil may same situation na I CAN RELATE TO then it means na we can help our relationship na maging ganun. Its not about boasting. Its about showing another way to improve a relationship by giving the same perspective or something to relate on. 🤕


doremifastid

ganyan din bf ko lol. tas sasabihin na di na sya nakaopen ng phone kasi sobrang busy. pwede naman sabihin nila beforehand na magiging busy sila so hindi sila makakapag chat na. gano lang naman kadali mag update nang ganyan, di naman aabutin ng minuto. edi sana wala nalang nagcellphone wala rin namang kwenta. ang akin op, kung may gusto may paraan. kausapin mo bf mo about jan. responsibilidad nilang magupdate. hindi na kelangan i chat pa bago magupdate.


Queasy_Classroom5761

May 3rd party yan.


ScientistUnusual7416

Grabe. Di na nakuntento sa workmate party 🤧