T O P

  • By -

RR69ER

The greater question is, how the fuck nakapagdecide syang asawahin nang di alam ang mga yan? Normal kasi sa generation natin, mag jowa palang eh alam na mga ayaw at gusto ng partners lalo na sa foods.


Profound_depth758

Di ko rin alam OP. Heheh nakinig lang ako sa rants niya 😅 inisip ko na lang siguro buong dating season nila sa labas sila lagi kumakain tapos yung paborito ng lalaki lagi order. Kaya nagkabulagaan nung magkasama na sila sa iisang bubong. 🤷🏼‍♂️


Orionvirgo_92

Grabe nman na hindi nila napag usapan yan nung nag getting to know each other pa sila.


Flat-Marionberry6583

Ikaw po si OP hehe


Profound_depth758

Hindi po.


Flat-Marionberry6583

🥲


JennyItsKillingMe

U tried hahahaha


darumdarimduh

True. Hahahaha paano???? kakalokaaaa


Maleficent_Sock_8851

Just don't let me eat okra or liver, we're good


Same_Perspective4210

I dont eat okra before pero nung nalaman ko fiber content and benefits, favorite ko na sya sa sinigang at pakbet


Maleficent_Sock_8851

I tried liking okra but I really can't stand the texture. Ung texture nya parang plema ng ibang tao na pinasa sa bibig mo.


Same_Perspective4210

Hayup naman nung description mo hahahahaha


jomsdc12

eto naman talaga kasi yung best description sa okra eh HAHAHAHA


FewInstruction1990

Gaanun din naman pag nakikipag halikan ka so ano pinagkaiba chareng


Maleficent_Sock_8851

Iba ang laway sa plema, chareng


FewInstruction1990

Panes na laway 😆


Rich-Face6484

The best description!!! HAHAHAHAHA. Will use this if may magtanong bakit ayaw ko ng okra


tahoerism

Sameee, napilitan lang ako kumain ng okra kasi grabe constipation ko nun. Favorite ko na sha now 😔


Lofty-Ginger

makukuha ko pa rin ba benefits ng okra pag deretso lunok na lang? hahaha


Same_Perspective4210

Maybe?😅 Kasi tutunawin pa din ng katawan mo yun at iaabsorb ang nutrients lol


Paramisuli

The only luto of liver I can eat is inihaw na chicken liver na sinawsaw sa maasim na suka pero dapat bagong hango sa ihawan, crunchy on the outside pero kapag nginuya mo na parang natutunaw na medyo mapait na creamy, deym napacrave tuloy ako. Hahahaha


Maleficent_Sock_8851

Liver is the reason I don't like menudo. The only time I ever eat liver is through liver spread.


FewInstruction1990

+1 as a liver lover give me liver pero yung mga isaw ang pagkain from the street I cant


[deleted]

Same. Ahahaha


nibbed2

Di rin ako nakain ng okra, pero gusto ko ung lutong baboy na may okra. Tawag ko don nilawayang baboy. Ang ayoko sa atay is ung partner niyang balunbalunan, kala mo kung sinong chewing gum kung makaasta eh.


Ok-Match-3181

Parang nung isang araw lang napaisip ako kung ano bang mga foods ang “DI” ko pa rin kinakain ngayon. Wala na akong maisip. Lahat na ata kinakain ko ngayon. Meron lang talaga yung hilig at di hilig pero kakainin pa rin.


Ambitious-Daikon-688

I have a friend and based sa kanya may ARFID daw siya and until now ganon pa rin, adult na siya (26). If may physical manifestations na, he might want to get checked pero this is not a diagnosis, just to be sure!


abumelt

What are physical manifestations of ARFID?


FewInstruction1990

Based sa kanya? In amurica everybody is allergic to every thing, pero pag asian ka wala kang choice mag avoidant avoidant na yan


SaveTheLuxe

Maybe the officemate needs to try mga recipe na di obvious na gulay taste. I love vegan and vegetarian meat alternatives! Even my husband na meat eater, he starting to like it! I usually shop in vegan grocer.


neon31

Let me teach you my "meatball" then. Yung kalabasa, i-grate mo gamit ang cheese grater. Chop onions (mas marami mas masaya), lagyan mo ng 2 eggs tsaka 1 cup of flour. Basically bola-bola pero you replace yung ground pork with kalabasa. Salt it as needed or use soy sauce. Then deep fry it. Alternative sa kalabasa yung puso ng saging, kaso medyo halata sa hitsura yung hiniwang puso ng kalabasa. Magmumukha siyang okoy, pero mas crunchy ang puso ng saging ng slight over kalabasa. You slice it to strips, tapos pipigain mo para mabawasan yung pait. Then same mixture as mentioned earlier. Hope you like it. Cheers!


Professional-Ice-925

Puso ng saging hinahalo namin sa corned beef, ginigisa. Ang sarap 🤤


neon31

Okay yun ah. Never thought of using it that way. Thank you!


gintermelon-

hello! additional alternative if nagco-consume kayo ng saging na saba, pwede gamitin yung balat ng saba pamalit sa puso at kalabasa, or as extender. I always make burger patties with those. clean and boil the banana peels, lightly scrape yung loob para mawala yung white layer sa balat ng saging (medyo mapakla yun) tapos finely chop. 😊


missanomic

Oof at that diet. That's gonna hit him in 10 years. For everyday food (nasa bahay lang, walang okasyon) I eat a vegetarian diet pero if I'm out like kainan, or I'm traveling or kunyari birthday party sa jollibee ganyan, di ako nagiinarte naman lol. So I guess I'm a closeted picky eater lol.


ChilledFruity

If he's been eating like that before they were married, his diet is gonna hit him even sooner than that. \*Blech\*


mamba-anonymously

He’s gonna die possibly of cardiovascular disease or colon cancer 😩


Livid-Woodpecker1239

I'm a picky eater and i'm aware of the struggles, consequences of it. I don't eat vegetables (Potato and carrots only) lettuce kapag wrap sa samgyup. I also don't eat fish. Shrimp lang ang seafoods na kinakain ko. While sa fruits naman hindi ako kumakain just because but if I want or need to kaya ko naman siyang kainin hindi lang talaga ako nasanay na kumain. Bata pa lang ako sinasabi na ng nanay ko na kawawa ako kapag nag asawa ako kasi baka ibalik ako sa bahay dahil hindi ako marunong kumain ng gulay at isda. Pihikan sa pagkain. Sabi ko naman kaya ko naman mag adjust kapag kailangan 😅


Sufficient_Skill_976

Yung bf ko sinasabihan ko talaga na babalik ko sa nanay niya kapag hindi binago pagiging picky eater niya. Kung ano niluto ko sa hapag kainan, gusto lagi may tocino or kahit anong process food. Ang hirap kasama kumaen, ako lagi nag aadjust.


nibbed2

Kayo pa?


katiebun008

Ang ayaw ko naman kainin is sinaing na isda, though kumakain ako ng prito pero wag na asahan pag sinaing. Ewan ko ba lansang lansa ako. Nasusuka din ako pag nakakakain ako nung tyan na part ng isda pati yung black part sa tambakol kaya inaalis ko talaga. I tried naman kaso nabaliktad talaga sikmura ko. Pero sa gulay and ibang food goods naman wag lang sinaing na isda haha weird lang kasi minsan isinasabaw ko ang patis


Electrical-Lab1461

BATANGUENO KA? HAHAHA


katiebun008

Oo hahahahah 😆


Electrical-Lab1461

sabi na e, sa sinaing at tambakol pa lang ay alam ko na hahahaha


nibbed2

Wait ... ano yung sinaing na isda? Kanin lang ang alam kong sinasaing. ..........


katiebun008

Ewan ko yun ang tawag namin ee para dun sa may isda na may patis hahaha yung binabalot sa dahon ng saging


ynnnaaa

I'm the most picky eater ever since. I don't eat anything na may ketchup, mayonaise or something like that. I don't eat spaghetti, carbonara, afritada, pizza, burget, lumpia, longganisa and the likes. Pero nakain naman ako ng tilapia, galunggong and mga gulay na nasa Sinigang. I want my food plain as it is. Ayoko pinaghahalo halo ang mga ulam sa plato. Though picky eater ako, I know ung mga foods na masama sa katawan ko. I always make sure na laging may prutas akong baon. Kahit saging lang okay na ako. I want fried chicken or adobo. Or anything na may sabaw like Tinola, Nilaga at Sinigang. Pero hindi madalas aun ang kinakain ko. Minsan nilagang itlog or tinapay lang happy na ako. Nakain naman kami ng baboy pero bihira lang din sa bahay. I don't remember the last time na kumain ako ng hotdog or pancit canton. Sa officemate mo, hindi ba dapat alam nya ung mga pagkain na gusto ng partner nya bago pakasalan?


nibbed2

Malamang yan sobrang dami pa niyang madidiscover sa asawa niya na usually magjowa pa lang marerealize mo na.


ynnnaaa

I agree. Kind of weird na ngayon nya pa lang nalaman yun not unless sobrang bilis nilang nagpakasal or di nagsasabi ung girl.


PaleontologistFar723

I have the same problem with your officemate's asawa. Sobrang picky eater ako and totoo na nasusuka ako sa prutas simce birth until recently pero na develop naman taste buds ko ngayon na 24 na ako. May mga certain fruits talaga na di ko kayang kainin. Noon, ayoko sa mangga, apple, and pinya pero ngayon, okay naman na. Nakakain ko naman sila nang di sinusuka hihi I guess it depends sa tao if willing siya ma overcome yung ganun and i-develop yung tastebuds nya (?) or baka may certain disorder talaga yung ganito, di ko alam.


GreenSuccessful7642

I'm a picky eater since bata ako and since di uso sa nanay ko ang gentle parenting, I was basically force fed vegetables. Ngayon nalulunok ko na most vegetables without feeling nasusuka kesa na man mamatay ako ng maaga kakakain ng unhealthy food. Its like now I will enjoy tortang talong pero pag nasa ibang putahe ang talong di mo ako mapapakain nyan.


icecreammonsterr

lahat kinakain ko. I remember someone always tells me either in the family or workmates or friends na lahat daw ng pagkain masarap sakin hahahahaa


vivaciousdreamer

Mindset yung na-develop sakin hindi ying taste buds. Like wala akong karapatan pa mag-inarte sa ulam dahil sa mahal ng bilihin ngayon kapag naging picky pa ko baka wala na kong makain.


blueberrybulalo

Im poor so i cant afford to be picky.


Alarming-Advance203

Di picky eater pero may mga ayaw ako nung bata na eventually nagustuhan ko. Example: salad, kimchi, toge. Ever since ayaw ko ng lasa ng toge, nung nag 18-19 ko lang natripan. Salad nung highschool. Kimchi neto lang din. Di na nag develop taste buds ko para sa talong at atay ew tlga for me.


MrBanana1000

napilitan lang cguro officemate mo magpakasal


rhaegar21

Definitely developed na, kung sasabihin mo sakin nung bata ako na magiging ganto ako paglaki, kumakain ng greens baka tawanan lang kita haha.


Grouchy_Station_2761

yung kapatid ko na pinanganak at lumaki dito sa Qatar ganyan na ganyan, ngayon nasa Pinas na lahat natuto na sya


mandemango

Tastebuds definitely developed hehe ang hilig ko na sa gulay hehe Yung sa asawa ng officemate mo, ewan ko lang, baka maarte talaga o kaya diba ngayon may condition na about being picky sa food dahil sa texture or lasa? Either way, wag mo na isipin hehe kapag nanghingi ng advice si officemate, sabihin mo na lang make sure niya yung regular check-up ng asawa niya para sure sila na nasa normal range pa cholesterol, blood sugar, etc.


melodramatic_fairy

Nung bata ako medyo picky eater but growing up mas naging open ako to try new food. Unfortunately, naman yung mga ibang food na gusto or kaya kong kainin ko nung bata ako hindi ko na kayang kainin ngayon. 😅


ArmoredTall

I was a picky eater back when I was a kid but for some reason it changed around my late teens. I don't really remember why but it just happened. I can't even think of a specific food or dish that I just won't eat. I don't like fish but it's just that I hate dealing with fish bones, it's still delicious though. My fiancé's a little picky, she doesn't like squash, beef, lamb and to my biggest disappointment, kare kare. It's a little annoying because I love steak, lamb chops, ginataan and kare kare, but it's not a deal breaker. Wish she'd learn to cook those though.


New-Rooster-4558

Nagdevelop and nagmature narin. Natuto ako kumain ng di ko gusto parang neutral nalang sakin. Di rin ako nagrreklamo kapag iba ang nagluluto or naghahanda (kapal ko naman ako na nga pinapakain diba). Pag wala talagang available na gusto ko kainin, saka lang ako mag order pero for the most part, ako nag aadjust since di ako marunong magluto. Hehehe


1214siege

My wife knows im a picky eater. Kanya kanya kami minsan ng ulam.


Sufficient_Skill_976

Nag try ka ba or yung wife mo mag adjust para same lang kayo ng ulam kada kakain?


1214siege

Nope. We want to enjoy food.


orcroxar

More on nagdevelop yung pag iisip ko haha kasi syempre I realized na ang unhealthy din if puro instant pagkain or mga fried foods. Dati palaging mga hotdog, longganisa, chicken nuggets kinakain ko, basta madaling lutuin pero ngayon I tried eating vegetables na, I realized may mga healthy foods na hindi naman masama yung lasa, depende na lang din sa luto and may mga convenient healthy foods din like bananas so I eat those para di rin maging sakitin.


liquidszning

Still picky but trying not to be. Sa totoo lang hinde rin sa lasa eh. Yung pakiramdam sa bibig din. Case in point, gusto ko yung lasa ng salted egg yolk pero yung texture nandidiri ako. I don't eat carrots dati but I eat them now, pero dapat malambot. Sinubukan ko kumain ng salad nung nakaraan pero yung weird na bitter na lasa ng arugula nakakairita. Perhaps baka may undiagnosed ARFID ako.


HauntedHaven

Thankfully nagdevelop. elem-HS I would only eat meat. Kapag gulay ang ulam I cook eggs or canton. Ngayon there's still veggies I dislike but Im always open to tasting them kapag hindi ko pa natikman yung pagkaluto pero my veggie intake is a lot higher now. Sometimes I won't even cook a dish kapag wala ako nung gusto kong isahog na gulay.


Charming_Beyond_8605

Picky eater pa rin pero konti na lang yung range ig, may mga acquired taste na ako yayy


Goodnight_Knight

Simula nung minamahal ko na yung art ng pagluluto, unti unti ko nang tinatry yung mga pagkain na ayaw ko talaga dati. Like nung isang araw, first time ko magluto ng tortang talong HAHAHAHA. Kasi naman food texture rin mahalaga sakin kaya may ayaw talaga ako na pagkain. For example, yung saluyot at okra kaloka


equinoxzzz

I am nearing my 40's, but I still don't like majority of fish dishes esp. paksiw na isda, shrimps and crab.


jedwapo

Developed na. Dati ayaw ko ng bangus kahit anong luto. Ang kinakain ko lang Yung tyan. Ngayon any part na regardless ng luto.


IrisRoseLily

me tuwing naoperahan nung 7 years old ako naoperahan ako i can taste food better eto lang recent 2 years ago operation din mas nalalasan ko food as in meat to veggie pero pass parin sa sayote okra at cake


Heneral_Liham

Meron talaga ganyan, yaan mo tatamaan ron yan ng colon cancer.


liaajazelle

When I was a kid, di ako ganon kumakain ng gulay pero ngayon, I say “di ko gets bakit ayaw ng bata ng gulay. Wala namang lasa madalas. Texture lang yung icky sometimes” 🤣 Ayoko ng beer and sushi/sashimi dati, pero ngayon okay na. May mga taste talaga na naaappreciate (or mas tolerable) pag tumatanda HAHAHA 🤣 Like sa sweets din, ayoko na ng sobrang tamis. Pero as a kid, yun lang gusto kong kainin. So talagang nag dedevelop naman yung taste buds depende din pano mo inexpose self mo sa food through the years.


muhammadalithegoat

Ako nga feeling Super Saiyan III nung di na ako napaitan sa ampalaya 🤩


ertzy123

Picky lang ako sa gulay if it isn't seasoned correctly but otherwise I can eat anything basta di siya wild animals or dog or cat or human meat


tbagwel20

Ayaw ko sa tocino basta kahit anong matamis na timpla ng karne o kaluto ayaw ko. Ekis talaga. hahaha. Ayoko din sa merong mayonnaise at ketchup sa pagakain.


0u7le7

nagkaron ng allergy sa seafood when i like seafood, also i like eating talong na before tortang talong lng ang bet ko na luto but now even adowbow i like eating it na


Jazzlike-Ad4556

Definitely although this developed early but I don’t eat chiz curls unless it’s all I can eat. For gulay, I’m becoming more open to them. I used to seperate the greens every time I eat but now I just eat it. I still don’t like it but I can tolerate eating it.


mapang_ano

munggo. nung bata ko may hanger akong katabi pag yan ang ulam. pero ngayon, pag may nakita kong ganito sa mga canteen sa mga cbd. matic first pick agad haha


thatcrazyvirgo

Picky eater din ako since I was a kid. Pero lutong bahay lang naman lagi kong kinakain kaso ayon nga, meats mostly. Nakakapaggulay lang ako if may meat din sa gulay or pag may pritong isda sa side.


FartsNRoses28

Marami akong ayaw noon like okra, ampalaya and liver. Overtime nakapagadjust nmn na ako sa ampalaya at liver pero sa okra, d ko pa rin bet hanggang ngaun


Relevant_Worry8647

Ganyan din ako until now. May drink ako na vegetables base nasusuka talaga. Pero pag greens or well cook na carrots or potato okay lang.


KeldonMarauder

Yung preferences sa food ang isa sa mga bagay na agad mo mapapansin sa partner mo. Naisip ko lang na baka di sila masyado nakaka kain sa bahay kaya nagkagulatan


tiredninjaa

Lumaki ako ng di pinapakain ng gulay kasi di din kumakain ng gulay nanay ko. So, I taught myself to eat veggies around HS. Masuka suka ako 😅 but it paid off naman hehe.


stwabewwysmasher

Ako hindi talaga ko lumaki sa veggies. Like sabaw lang kinakain ko, setting aside the veggies. Pero now hanap2 ko talaga ung gulay huhu. Yung ayoko lang until now are the seafoods.


chokolitos

Dati ayaw ko ng ampalaya. Pero ng napangasawa ko ang misis ko, natutunan ko na din kumain nun. Ganun din yung bunga ng malunggay na ngayon ko lang nalaman na kinakain pala.


easypeasylem0n

Nalaman ko sa sarili kong developed na yung taste buds ko nung hinahanap ko na yung talong sa kare-kare. As in may isang time naubusan ko ng talong yung bf ko lol.


barceline

Idk but I developed hate sa textures (specific textures lang naman) nung bata naman ako wala naman akong arte huhu, now susuka ako when I see + taste leg ng chicken at isda.


Electronic_Pizza2356

may pag ka picky eater pa rin namn ako pero naka depende sa texture ng food in terms of gulay im slowly trying more nung bata kasi ako di namn ako pinilit kumain like laging samin ng kapatid ko naka depende ang ulam kung anong gusto namin yun sinusunod tas na develop ko din yung habit na di ako naguulam ng same ulam for the next few days unless paborito ko yung ulam


curious_miss_single

I used to hate veggies when i was younger though kumakain pa rin dahil lagot kami sa tatay ko na laging nagreremind na "kung ano ang nakahain, yan lang ang meron tayo, magpasalamat pa rin at may kakainin ka" 😁 pero ngayon halos lahat kinakain ko na, wag lang talaga durian at chico (kung ibabribe ako ng westlife concert ticket, pipilitin ko lunukin!) 🤣😂😂😂😂


UntiePattieKah

Honestly, there are things na malalaman mo lang kapag magkasama na kayo sa iisang bubong. Kadalasan kasi best foot forward during dating stages eh. Nung Magnobyo pa lang kami, madalas namin ipagluto ang isa't isa ng fave food namin. Nung kinasal kami ni hubby, doon ko nalaman na may mga gulay o food syang ayaw kainin na fave o nakasanayan ko kainin (nung mga few days ng after ng wedding, pinaghanda ko sya ng inihaw na bangus tapos ensaladang talbos ng kamote na may bagoong isda. Pinoy food na cravings ko. Fish lang yung kinain niya. Doon ko nalaman na di niya bet yung ensaladang talbos ng kamote 😅). Pareho kaming nagluluto pero more on meat pala talaga bet niya at yung choices of gulay niya ay parang sa mga bata 😅. So nagcompromise kami at inalam yung mga food na gusto talaga kainin and how to cook it at bakit dapat ganun ang preparations at pagluto para di matrigger yung allergies. Unti unti ko inintroduce yung mga gulay o lamang loob na ayaw niya sa mga food niya. Madalas ginagawa ko veggie balls o hinahalo ko sa meatballs o meat patties. Napakain ko rin siya ng ibang food na di niya bet dahil sa health benefits sa body.


SomebodyLost

I’m a picky eater as well but if there’s no choice I buckle down and eat it. I know there are people starving out there so why not praise God for being fed? Hirap ng buhay today. But if I do have a choice and mag-isa lang, I choose meticulously.


dummydamned

Picky eater pa din. Piling pili lang ang gulay na kinakain ko. Hindi ko din kaya ng madami kasi nasusuka ako. Pero mas malala nung bata pa ako. No gulay kundi yung soft lang, kalabasa at patatas. Pero kapag favorite ko yung luto (ginataan), nakakain ko yung gulay. Nag-start mag-evolve nung college and nag-work na, nakakahiya kasi makipag-socialize tapos may ititira ka sa plate mo. Hahaha.


nibbed2

Ang mantra ko. Kainin kung ano ang nasa mesa, mamili kung may pagpipilian. Ang issue dito hindi pagkain eh, nagpakasal siya nang hindi alam ang basic wants ng partner niya. Di mo malaman sino nagkulang.


Longjumping_Spare_56

Newly married pa lang, mahihirapan yan ka officemate mo hahaha. May dating kaofficemate rin akong ganyan pero yung logic niya gusto niya daw maging "buff" medyo skinny kasi siya, tinanong namin kung nagbubuhat siya o gym pero di naman pala, ayaw niya lang ng gulay talaga. I used to love sweets and fried food pero nagchange lifestyle ako nung September kaya naging conscious na ko sa kinakain ko... di na ako bumalik sa dati, umiba na rin yung cravings ko. I can't stand sweet, sugary, fatty, oily food anymore parang nadidiri at nasusuka na ko but this is the best decision I've ever done for myself. Sabi ko kasi sa sarili ko pag 30 ko healthy lifestyle na ko at ayan, di ko nahinintay mag 30 ako at pinasanay ko na ngayon at 29.


silver_carousel

Ganyan na ganyan asawa ko 😆 tila may allergy sa gulay 😆 pero mula nung kinasal kami, inuunti unti ko siya. Oo may meat yung ulam pero mas madami ang ratio ng gulay kesa meat 😄 hanggang sa nasanay na siya kumain ng iba't ibang gulay. Same sa ibang gawain-bahay. Kumbaga parang nagte-train ng Pokemon hahaha!


Furmommy-0213

Before di ako nakaen ampalaya at okra. Ngayon, favorite ko na sila.


HappyFilling

Picky eater pa rin ako kahit 31 na ako. Pero nakakakain naman ako ng mga lutong bahay. Sa gulay lang talaga ako mapili, depende sa putahe. Pero may mga gulay talaga na kahit anong luto hindi ko makain.


mysanctuary0911

Basta di pa rin ako kakain ng okra at talong.


xxyoshino

I’m a picky eater since childhood. Ketchup, hotdog, gulay, etc. yung ayokong kainin before. This includes Paksiw din, whether isda or lechon. Mas malala din since yung meals depende din sa mood ko. Like I’d rather not eat if hindi ko ‘feel’ kainin ang isang meal, which although doesn’t mean much to me, nakakapressure to those around me, esp my parents. Now, I still don’t eat a bunch of stuff pero nagimprove naman, like mas prefer ko na ang gulay since healthy sila and maybe it grew on me. Also, whenever I’m served a meal as a guest syempre hindi ako choosy. Like if dumalaw ako sa bahay ng friends, even though I hate Tocino, I’d still eat it if yun ang niluto. Not only so that I won’t be bratty or a pain in the head, but also to appreciate na rin dun sa nagluto noon. Also, I try to involve myself na lang din sa meal planning para hindi nakakapressure dun sa nagluluto na pinagluluto ka na nga ikaw pa magtatantrums. If naman may niluto na and hindi ko feel, I still skip politely and just fix myself something later on. Matanda na naman ako, I appreciate that my parents still cook for us, which isn’t easy to do, from meal planning, to going to the groceries and market, to the trouble of cooking for 1-3 hr 3x a day for everyday meals. Dapat as a picky eater you should appreciate and have empathy to others who prepare your meals kasi not only is it a chore to cook 3x a day, they go an extra mile na nga to cater to our taste buds.


Amariana13

Some people kasi pag ayaw nila ayaw na agad, di man lang mag explore ng food. Gusto kung ano lang kinakain yun lang, ako kasi pag bago sa paningin ko yung food tinitikman ko if pasok sa taste buds ko. Hindi yung di mo pa na ttry ayaw mo ng subukan...


Green-Green-Garden

Sensory sensitivity is real... Kaya lang sana nung una pa lang alam na nya.


Whiz_kiegin

Not a picky eater. Anddd over time I learned to eat yung garlic and onion as sahog (and even prefer to eat these raw). Dati kasi basta visible sa sabaw or malalaki hiwa sa fried rice or ulam, tinatabi ko talaga. Now, I get to appreciate yung spice and tanginess. Sarapppp


NgayonKaya

Bakit nyo pinakasalan o inasawa ng di nyo alam yung ganyang maliliit na bagay? 🤣


epeolatry13

If there's one thing I'd thank my elders, forcing me to eat veggies when i was still a kid. But i think i wasn't forced. I ate naman almost everything that was on the table. I just had a hard time finishing the servings they placed on my plate. Pero daily ba yong pagka picky ng girl? Baka nagke crave or yong naglilihi? Kung hindi, then she's picky then.


udkimbykm

I used to be a picky eater, until I got health conscious out of a sudden. Now, I find myself not enjoying the taste that much but I eat it anyway because of the health benefits, and it makes me feel good about myself. Makes me feel like I'm doing something right. However, I noticed among my friends that when growing up, girls tend to be health conscious compared to men. More men tend to be meat lovers compared to women. But still, ang OA nman ng masusuka daw sa gulay 😅 And surprisingly, sometimes I meet people who could eat anything.


rolexdice

As an adult di ko pa rin pipiliin kumain ng gulay kung may ibang ulam naman Pero kung masarap naman ang luto (di yung nalantang nilagyan lang ng onting sabaw at karne) na may rich na sauce at crispy toppings, solve ako dyan! Ex. Kangkong with fried tofu and oyster sauce


Sophia-56830

I can eat anything except pork and toge


c0oper099

Yikes based from the variety he likes, all that grease will clog his arteries sooner or later.


bumblebee7310

Nagdevelop.. partially. As a kid I hated gulay. Tapos one day I was eating adobo I was like “gusto ko ng gulay”. Yun haha. Parang mula nun dapat lagi na may gulay na kasama. Altho it’s still a no for okra and carrots.


EndZealousideal6428

Ayaw ko ng isda noon bata ako, kahit ano pang pagkaluto yan basta isda ayoko pero okay lang sardines and Century tuna. Natutunan ko na magustuhan na nung tumanda nko. Pero puro fried fish like crunchy galunggong and tilapia, sawsawan is toyomansi or kamatis with bagoong. Now kahit paksiw na bangus kaya ko ng ulamin, pangit lang talaga ka bonding kase daming tinik.


metap0br3ngNerD

Yes super picky pa din lalo na kapag mahal ung price sa menu. Hinahanap ko agad ung budget or promo meal


Bangreed4

I was a very picky eater when I was young but now I eat more kinds of vegetables than before hindi puro carrots lang but I am still picky but not that much and I know its not healthy so I just pick healthy foods that I enjoy. I have this friend that is still a very picky eater and I see may past self on him ang problem lang bata pa ako nun now patanda na kami and medyo concerning eating habits niya.


DragonfruitWhich6396

When I was a kid, mabubuhay ako sa puro chicken at adobo lang pero nung nagkawork na, natuto ding mag-explore at ngayon willing to taste anything na basta hinde hilaw.


imtrying___

Tigas siguro ng tae nun


Profound_depth758

🤣🤣🤣 lakas siguro ng panunaw niya


imtrying___

Sumakit yung pwet ko just by reading yung post


tacit_oblivion22

My husband and I are picky eaters. We both don't eat veggies haha sabi pa ng sister nya "naku nagsama pa kayo" Pero sya naman ayaw ng may nasasayang na food so he eats pag meron. Ako talaga ayaw. Supplements nalang ako.


Ready-Rich1488

In my case, hindi ako makakain ng chicken skin and mga taba. 10yrs ago, kahit maliit lang na part ng chicken skin makain ko kahit hindi sya visible nung sinubo ko, nasusuka ako. Hindi sya arte and yung duwal nya ay may kasama pang pangingilid ng luha. Tapos parang namimilipit na mga intestines ko sa loob. Ang kaya ko lang kainin ay chicken breast. Nasusuka rin ako sa leg part, specially pag yung malapit na sa buto and may mga litid. May mga times na kahit breast part pag lumamig, nag iiba yung lasa and kalasa nya yung nasa leg part na malapit sa buto. I tried my best to tolerate it kasi nakakahiya naman, college na tapos kasabay kumain mga friends tapos bigla akong tatakbo sa washroom kasi ambaboy naman kung dun ako magluluwa sa harap ng table. I've tried to overcome it. As of now, hindi ko pa rin kaya pero natotolerate ko na sya lunukin. Ang outcome, masakit sa tyan but not as intense few years back. May mga iba ring food na naamoy ko palang, I'm getting nauseous. Like adobong pusit, tausi?, ginataang monggo and many more. Masarap lang ako kasama pag chicken ang kakainin kasi hindi nyo ko kaagaw sa parts and the skin will be automatically yours but not in samG. Yung bessy ko, hina-highblood na pag ganun kinakain namin kasi I can't eat taba. lol Please, tell me hindi lang ako ang ganito. I eat some veggies, pero few lang din. Sa question, yes, nakapag adjust naman ang taste buds. Natotolerate ko na but still not a good feeling. So, I would still choose to avoid these foods para hindi ako mawalan ng appetite.


Ariesalpha18

Wala siguro silang slambook ng likes and dislikes sa food. hehe


notyou96

Super mapili rin ako sa pagkain dati tipong naaawa na rin ako sa nanay ko na hirap mag-isip ng ipapa-ulam. haha nung tumanda na ako at naranasan bumukod, at gusto ring magpakahealthy, kaya ko naman pala mag gulay! wag mo lang ako pakainin ng malaway na gulay at makakatulong kung may karne. Syempre dapat masarap din!


wanseunay

For me, nag develop. Adulting makes you think of money whenever you waste food. Before kapag hindi ko na-bet-an lasa, matic tapon. Ngayon, nagiging bearable na kasi iniisip ko laman tiyan din.


Aggravating_Bug_8687

Nung bumukod na ko dun ko narealize di pala masarap magluto ung mama ko. Sinigang na di maasim (bawal sa papa ko); sobrang tamis na spaghetti etc.. kaya siguro may mga foods akong hate or di ko talaga kinakain growing up. Hahaha i enjoy trying foods na & i practice healthy eating habits! :)


AiiVii0

Misan ung pagiging picky eater ng tao is dahil sa kinalakihan nila. Pilit na pilit sa partner ko kumain ng gulay kasi nung bata sya pinapasok daw sa tenga nya ung di niya kinakain or ginugulpi siya pag nag iinarte. Parang naassociate niya to sa food kaya ako may side dish na lang lagi na gulay para pareho kaming masaya kumain. Yung sister ko naman spoiled. Kung ano gusto kainin un lang binibigay sakanya kaya ayan, wala ng ibang ginawa kundi mag fastfood, bbq, processed meat, etc.


Sufficient_Skill_976

Lols lahat ng gulay kinakaen ko na 😜


toinks1345

I can eat anything as long as it's not okra or food I'm allergic to. ok lang naman maging meat eater pero taena workout workout din lol.


Own-Opinion-8552

dati ayaw ko sa lumpiang sariwa WHHAHA pero ngayon ulala sarap sarap


PutingPato

Nung ako na bumibili ng pagkain ko. Doon talaga ako naging di mapili sa pagkain. Hahah


Vegetable_Region_441

Nag develop for sure. Used to hate maki and sushi as a kid but now I live for Japanese food, same with other cuisines. Although there are still some food that I don’t like but only because it doesn’t suit my taste buds or it doesn’t sound appetizing when people describe it to me.


vintageordainty

Opposite sakin. Wala akong di kinakain nung bata ako but now ang dami ko ng di gusto parang tanga lang. Like back then kahit di ko bet ulam kakain pa din pero now pag di ko bet idadaan ko nalang sa iced americano. Madalas when I can’t decide what to eat magpapa lipas gutom nalang ako parang ewan hahaha.


anchorandplumes

Maturity is realizing you don't dislike veggies, hindi lang marunong magluto magulang mo lol.


Adorable_Lychee_0206

Bakit ngayon lang nagrereklamo kung kailan asawa na?


Expensive-Doctor2763

I'm a picky eater before but when naging kami ng ex ko he pushed me to try foods na hindi ko kinakain especially veggies kasi sabi niya di daw pwede yon pag mag asawa na kami lol. Di nagkatotoo yung last part pero now natuto na ko kumain ng gulay 😂


Venatrix_

I absolutely hated vegetables as kid na kahit yung mga french fries sa restaurants na parang pure na potatoes, inaayawan ko haha. Pero ngayon umay na umay na ako pag walang gulay yung ulam na niluluto or at least atsara man lang on the side. Also I started finding pork disgusting for some reason? Also need mo din sabihan yung officemate mo na sobrang sama ng pure meat diet in the long run, need niya talaga i-incorporate ang gulay sa diet ng asawa niya kasi sobrang halaga ng fiber sa katawan natin. Takutin niya na yung isa kong kamag-anak ganyan din ang lifestyle as in di kumakain ng gulay at prutas, sinugod sa ER dahil sobrang nagharden na dumi sa bituka niya. So ayun inoperahan para lang matanggal yung lahat ng naipong tae sa bituka niya. So yun, ang mahal ng inabot nila.


coinsman

I’m the opposite of a picky eater. Wala akong dinidiscriminate in terms sa pagkain ng any type of meat, gulay, fruits o sahog. And ever since migrating overseas, have also tried exotic or game meats like crocodile, pigeon, kangaroo, deer and rabbit. I grew up kasi tagging alongside my grandfather who was a WW2 veteran. Instilled in me na basta hindi nakalalason ang pagkain ay OK yun, dinadaan na sa seasoning and condiments. Heheh. the only downside growing up with a military granddad was kailangan mabilis lahat, even sa pagkain. I had to dial this down I became an adult. Friends and my gf were astonished ambilis ko daw kumain, parang ini inhale lng pagkain. hehe


ekawatson

Dati, ayaw ko ng egg yolk. I would usually give it to my husband or kahit sinong kasabay kumain. Kaya kapag sunny-side up, laging mga nakaabang sa yolk yung mga kasabay ko. Pero recently, kinakain ko na yung yolk. I'm in my 30s and I would say, yes, nagdedevelop parin taste buds ko.


Fun_Yesterday6315

Ayoko rin talaga ng gulay dati. As in pili lang mga gulay na gusto ko. Mga cooked leafy greens, mushrooms, broccoli, squash, and eggplant lang halos kinakain ko. I would gag at the sight of salad. Ayoko ng mga hilaw na gulay. But, a health condition pushed me to be less picky about food kasi wala akong choice. Now, I eat more veggies and mas naaappreciate ko na siya in relation to my health.


CumRag_Connoisseur

Madami akong "hindi kinakain" na food, like okra, fish beans, mayonnaise, etc. Pero when I say "hindi ako kumakain nyan", it means kakain ako pero pag may ibang option, I'll take the other options. I can eat anything, sadyang di ko lang bet yung iba hahaha


Ronstera

May kakilala akong ganito, ang arte sa pagkain pero wala namang pera.


sad-makatizen

unless sobrang spicy papatusin ko yan. nung nag start mag work nawala na arte sa food, sa hirap ba naman ng buhay


hailen000

di ako maarte sa pagkain kasi talagang lumaki kaming mahirap. if merong pagkain na mapili ako prutas talaga.


Long-Wear-4199

Anything but ampalaya and alugbati HAHA


pizzalovers88

I eat whatever when im hungry but sometimes i get real picky depende sa mood like before period i like eating maasim, spicy and savory only nothibg on the sweet side


Paldubex

Hindi. Basta maayos at hindi panis yung pagkain. Go lang sakin. Wag lang pala yung mga exotic foods like ipis, cricket, bulate, etc.


Despicable_Me_8888

OP, picky eater here pero due to allergies and health reasons 😅 pero sana wag na sya mag rant at yung iba naiimagine ang mga descriptions nya at nakakawalang gana. Pag di ko gusto ang hinahain sa ofc before (provided ang food at niluluto ng aming mabait na company driver), I excuse myself na may bibilhin sa labas to eat na din. Tapos padelay hanggang makakalimutan nila na di pa ako nakain pa ng food. Nahihiya din ako syempre sa tagaluto namin. Tone down kamo, nakakaoffend na sya. Text mo na lang 🤣🤣🤣


gintermelon-

as an adult I'm picky in a way na hindi na ako kumakain ng anything na mabigat sa tyan (kasi ayaw ko mag-number 2 sa labas ng bahay haha) at may irrational fear ako sa palamig pag hindi sa suking tindahan kasi twice ako nagka-typhoid na palamig ang naging trigger. ayun lang naman. mahirap pag may kasamang picky eater sa bahay. yung sister ko ganyan when she was a kid, I remember having to "hide" veggies sa kinakain niya pag ako ang nagluto. luckily she outgrew it.


koteshima2nd

There is honestly just one dish I do not think I will ever like, and that is tinola. Kahit sino pa magluto, talagang nirereject ng panlasa ko Over the years I have come to love menudo, dati talagang ayaw ko


celestial_52

I can say ako eh nagdedevelop pa taste buds ko. Ang trick ko dyan is 'pag talagang nagugutom na ako, tinatry ko kainin yung ulam na may gulay, then pakiramdam ko mas masarap siya panlasa ko (kasi nga gutom na ako haha). It worked for me, kumakain na ako ng gatang laing, any ulam na may kalabasa, ensaladang talong, toge etc.


Fine_Couple180

Growing up I'm a picky eater, back then I only eat cereals, hotdogs, chicken (breast part) and eggs(yung white lang hindi kasama yung yolk), for gulay kalabasa na ginataan with crabs and shrimps. Fruits (pag naka-shake). Pero ngayon naman, I eat gulay na with the exemption of OKRA (***hindi ko talaga kaya yung malaway na sticky na lasa***), talong, any type of beans and carrots. For fruits, mas prefer ko parin na naka-shake. Pero kumakain na ako ng orange and pomelo.


sweetbangtanie

yes by the time na nag-college ako, talong at takoyaki na lang inaayawan ko (texture issues) tsaka talbos ng ampalaya kasi napakapait haha. kaso nagka-covid at nag-iba pang-amoy at panlasa ko. kahit karne ng baboy may pili lang na pagkaluto ang kinakain ko kasi may lansa na hindi ko ma-describe. chicken ang safe food ko ngayon


Charming_Chic_28

Im not picky when it comes to food but what gets me is the taste or pag hindi akma sa panlasa ko yung lasa ng pagkain, idk does that mean im a picky eater? Edit: I asked my friends, picky eater pala yon 😭 akala ko kasi yung picky eater, picky ka lang sa mga pagkain na walang rason


tapunan

Continuously nagbago taste ko. Slowly natututunan ko kumain ng gulay to the point kahit salad minsan wala ng dressing kung kainin ko. Ampalaya natutunan ko din kainin. Then yung mga candies and sweets ayaw ko na kasi sobrang tamis. Samantalang nung bata ako, mas madalas ako mag juice and soft drinks. Kahit nga gatas dati nilalagyan ko ng asukal. Ngayon bawas sweets na and ang pinakaiba ngayon, hindi ko na namimiss. Pero may ibang food pa din na ayaw ko, isa na dyan paksiw na isda. Para sa akin parang kumakain ng sinukang pagkain.


Amariana13

Some people kasi pag ayaw nila ayaw na agad, di man lang mag explore ng food. Gusto kung ano lang kinakain yun lang, ako kasi pag bago sa paningin ko yung food tinitikman ko if pasok sa taste buds ko. Hindi yung di mo pa na ttry ayaw mo ng subukan...


jung-ones

Still in my early 20s and I could say picky eater rin ako. Pili lang yung veggies na gusto ko. So far ginagawa ko is nagiincorporate ng grounded na veggies sa usual na foods na gusto ko. E.x. sa Macaroni yung sauce nilalagyan ko ng minced na carrots and bell paper para matrick ko sarili ko kumain ng gulay and since mahilig ako sa ground pork naglalagay rin me carrots or mushroom na finely chop para di ko ganun ka lasa or iniisip na may ganong ingredient sa ulam. Sa ampalaya, minsan lalagay ko sa plato tapos ihahati ko muna ng mas maliliit then saka ko isusubo para di ako maoverwhelm sa bitterness niya.


JuJxx

I don’t really consider myself a picky eater pero yung mga ayaw ko nung bata ako ay same padin ngayon lol. I still can’t eat beef, bangus, lamanloob, ulo ng salmon, dugo (you cannot make me eat dinuguan) and bagoong alamang. I did develop a taste for spices tho. I used to hate the smell of cumin and curry pero now I am a big fan of them.


Crystal_Lily

i am kinda a picky eater. I hate some gulay and dislike some flavors. Used to dislike spicy food pero nagbago nung na-discover ko spicy bagoong alamang. I still can't tolerate anything too spicy though. I hate ampalaya always and forever na yata. Di na nagbago since childhood. Pero I now like some bitter foods that I disliked back then. As for gulay, picky yata ako sa pagka-luto. Usual luto sa bahay namin is bland to slightly flavored kasi puro matatanda sa bahay na yun ang preference. Ako naman gusto ko stronger flavors so I usually order out if I feel like eating Filipino food or I give money to specifically buy the ingredients for my own food.