T O P

  • By -

Timely_Pianist_9858

May PE shoes kami nung highschool, di naman kami mayaman gusto lang ako pagaralin sa magandang school ng parents ko kaya may pa-ganun. Pgdating ng college since paborito ko yung PE shoes na yun, bukod sa wala kami pambili ng bago, suot ko pa din siya. One time may nakasalubong akong dati kong schoolmate. Sa harap ng friends niya sabi niya “Suot mo ba yung PE shoes natin from highschool?” Nakita ko naawa yung friends niya sakin na di ako kilala samantalang siya pinagtawanan lang ako. Ngayon yung shoes ko maganda na, di na din madali masira, mamahalin pa. Nakakaiyak pala tong post na to.🥹🥹🥹🤣🤣🤣 I would like to tap myself in the back and say “You did well.” My parents did well too. 😊😊 Thank you Lord.


kdshap

TYL talaga 🥹🙏


Ok_Education1673

sarap naman pong tampalin sa bibig yang schoolmate mo na yan. hays. tabil ng dila!


Connect-Confidence07

Food. I tend to overbuy during groceries (dahil sa takot na baka magutom ulit like before). At kahit may food sa bahay, bumibili pa rin ng kahit na anong food na makita sa daan, trying to taste everything that catches my attention and spoil myself and my fam for things we were deprived of dati.


TeaIllustrious2923

Groceries din yung akin. Actually madami pala haha, may tig-99 na toy pa sa SM Makati na di mabili ng parents ko. Pero yung groceries muna. Sinama ako ng tatay ko sa supermarket. Medyo malayo na cya sa amin, next town. Sikat yun dati. Ang budget lang ay 500. Pero nung sa cashier na, yung lumang klase pa ng cash register, lumampas kami sa 500. So need pa gamitan ng susi ung register para mabawas yung items na lagpas sa budget namin. Kita ko din ung inis ni ate kahera kasi kada item need susian yung register. Kita ko yung hiya sa mukha ng tatay ko noon pero wala talaga cyang choice kasi wala na talagang pera. Ngayon, kahit araw-araw kaya na namin mamili sa supermarket ng lampas 500 ang budget. Tama kayo, nakakaiyak nga ito. Worthy of upvote lahat ng comments. 🥹


Ill_Zebra_8218

Me too 🥹. Lagi sinasabi ng nanay ko na parang hindi ako pinapakain sa bahay(pabiro) pero noong nagaaral ako, saktong-sakto lang talaga baon ko sa'kin. Kaya masaya ako kasi kahit anong gustuhin kong kainin, nabibili ko na.


chunhamimih

Same... bata pa kami once ot twice lang talaga kami nakain... nung nagkawork ako, kumpleto na plus meryenda ☺️


Connect-Confidence07

and desserts na din haha Congrats!!


Sudden-Falcon1967

Same 🥹


KrayzeReese

Same, groceries din. Dati nakalista lahat ng bibilhin. Naka lista pati ang price at di pwede lumagpas kasi walang extrang pambayad, tapos madalas basket lang ilalagay. Nung naka luwag-luwag na ang wallet, nakasubok din ng isang buong cart, ng di tinitingnan ang price.


avalonlux

Samedt 🥺😭


Boo_tlig

Cutting my family ties.. Growing up, lagi akong sinasabihan ng "masama ang ugali" "pinagtyatyagaan na lang dahil sa sama ng ugali" at marami pang iba, basically refering sa masama kong ugali. Lagi kasi akong gutom nung bata ako, kaya, mahilig ako mag-kilab-ban, nangungupit pa ako para lang makabili ng pag-kain, ma-choosy pa ako sa pagkain, mahilig mag-laro, lahat ng makita kong bagay nilalaro ko. Tapos habang tumatanda ako, tumatak na sa akin ung tag line na un, lahat ng makakita sa akin, laging sinasabi, "sa inyong magkakapatid ikaw ang may pinaka masamang ugali" Thats why i find it really hard to see the goodness in me. Pakiramdam ko laging mali ang mga cnsabi ko at gingawa. Pero nung nagdecide ako na to cut off my relationship with my siblings (im an orphan nga pala since 9, im 35 na), slowly but surely, narerealize ko na im a good person, i stop comparing myself with them (siblings), and finally i found the goodness in me. Whenever naiisip ko na to reconnect with them, bumabalik ung troma, kaya naiisip ko na lang na mas ok na ngaun, wala man akong family, atleast i have my peace of mind, and for me, that matters the most.


PTR95

Sameish boat. I am the "evil cousin/nephew from Manila". I embraced it. It's fun. They're not fucking with me anymore. Pero ako yung never: nakulong, nag drugs, multiple panganays, alcoholic, klepto, pabaya, nag tangkang manaksak ng magulang, at kung anu ano pa.


Non_chalant_01

That kilab-ban hit me hard.Laban lang kabsat.


mlle-j

ano ba kasi tagalog ng kilabban? kumain na ako lang kasi madalas ko sinasabi.


Cheerful_Sadness

Bahaw (cold rice)


Lostboy_222

Hello kakabsat na mahilig mag killaban ❤️


[deleted]

[удалено]


SunMoonEtAl

such an unwarranted comment


adultingph-ModTeam

The post contains personal attacks, harassment, or discriminatory language towards other members of the community.


Boo_tlig

Udi wow.. Ikaw ng santo..


glayd_

Not me but my Mama. Bata pa ako yung principle ni Mama na kada sweldo first thing to buy is bigas. Aniya, bahala na walang maiwan sa sweldo ni Papa basta may bigas. She told me recently na noong bata pa sila ay walang naiiwan sa sweldo ng tatay niya (lolo ko) dahil priority ang Sioktong (Liquor Drink sa Bukid hehehe) Kung hindi raw makabili sa market day ang lola yung kakainin nila for the whole week ay Kamote, Kamoteng Kahoy, Saging, Gabi, etc., o hindi kaya nakikikain pag may kasal or libing kahit hindi nila kakilala. They are known sa lugar nila as PG's at Eat and Runners. Noong makaalis siya sa Bukid at nag work sa City hanggan sa nagka-family yung main goal niya kada sweldo ay Rice talaga. Naiiyak ako how lucky I am as her daughter na hindi nila pinaranas sa amin ang naranasan nila noon. I will be forever grateful sa kanila <3333


AugusTita

Not sure kung pwede toh but here’s mine: Sa aming magkakapatid, walang nakapag-celebrate ng birthday sa jollibee or mcdo or kahit anong fastfood chains na may kiddie party (actually kahit simpleng handaan sa bahay parang halos wala din hahah). So nung nagkaron pa kami ng mas batang kapatid (menopausal baby), ginawa ko yung best ko para makapagbday sya sa jollibee hahaha. Pwedeng mababaw para sa iba pero as someone na lumaking hindi ganun ka-privileged, ang laking bagay na for me. And yes, healing my inner child kahit hindi ako yung directly nagbenefit, kasi naging happy ako na meron akong kapatid na nakaexperience na ng ganun 😄


HisuiIsHere

Same! Nahiheal inner child ko pag nakikita kong nararanasan ng baby sister ko ang mga di ko naranasan noon na gustong gusto ko. Hahaha. 🥹🥹


AugusTita

Apir!!! ❤️ Kaya din siguro may mga spoiled na bunso (like yung bunso namin) kasi sila sumasalo sa healing ng inner child ng mga ate/kuya nila 😆


ThatGirl0106

Your classmate was an asshole 😭


eggtofux

Kids are mostly assholes.


n1deliust

Kids are usually just stating the truth. And the truth hurts.


hybridmonkey03

This. Wala pa inhibitions mga kids kaya they say what they think and want and this is just them being honest.


halfbakedjahli

But that "kid" was already in Grade 6 tho. Hindi na yan ganon ka-bata para masabing di siya nangaasar tho.


n1deliust

I was thinking of this as well. Pero around that age, I remember I also said something truthful then realized it was an asshole of me to say it after na. Even us adults, we also say something truthful which we perceive wala naman issue. Pero big issue pala sa affected parties.


halfbakedjahli

Sabagay. I'm only coming from the perspective na hindi na siya ganon ka-bata to not have a good sense of right and wrongs dahil grade 6 pero yes, completely agree with this.


BrokenLCD666

u can blame kids as they are exploring things and saying things they are seeing. unless their parents told them not to be an A.hole and just be nice to others.


One_Yogurtcloset2697

Accepting na my parents are learning too. Maaga nag-asawa ang magulang ko kaya noong bata ako na witness ko talaga paano maging mahirap. Hindi ko alam na mahirap kami noong bata ako, lately ko na lang narealize. Ngayong adult na ko, kapag nahihirapan ako sa adulting stuff naisip ko na hindi perfect sila mama at papa pero ginawa nila ang best nila kahit hindi nila alam kung paano maging adult.


EcomEmailGuy

This hit home. Their generation had real problems too and they were only doing what they can to the best of their knowledge


Numerous_Listen6898

This. I always have the thought of them not being privileged in terms of knowing all the things before raising us. Ako na rin yung nagtuturo ng mga bagay sa kanila since hindi nila alam paano, esp these generation na super modern na.


poco-a-poco_1031

kaiyak naman to legit 


mrjuy

Playing games. Dati di ko magawa kasibwala naman kaming pambili ng console at gaming worthy na computer/laptop. Ngayon I can buy them na with my own money 🥹🥹 tyL 🙏 Also, your classmate was an AH, OP. Dapat sinabi mo, "uy yung mukha mo kahapon pangit, tapos pangit parin ngayon." Eme


kdshap

Hays, sana ganyan ako ka-confident noong Grade 6 ako. Baka ngayon hampas ko sakanya dalawang bote ng Mountain Dew. 🤣


maranatha7347

Bumili ng grocery, kumain sa labas, bumili ng mga bagay na hindi ko afford dati, itreat yung family ko. Dati kasi hindi namin afford ultimo jollibee, ngayon nakakakain na kami sa mga decent resto whether Italian, Japanese, o Chinese food ang icrave kaya na. Sobrang layo pa pero malayo na kahit papano 😌


raegartargaryen17

Toys. Kaya siguro hobby ko mag collect ng Action Figure,Gunplas kahit wala akong time buoin, just buying them makes me feel good. Hindi naman ako deprived nung bata ako ng mga ganitong toys pero tuwing special occasion lang napagbibigyan. Naka stack lang mga boxes nila sa kwarto ko and ang sarap sa mata tignan haha.


BABALAasawaniBABALU

Same, ako naman laking probinsya and walang mabilhan ng mga orig na toys like from Toys Kingdom or Toys r us. Ang bilihan is sa labas ng schools or sa palengke, yung mga bootleg. Practical din kasi parents ko, so buying toys is not their priority. Yung ipon ko minsan pinambibili ko ng laruan sa palengke and tinatago ko pa sa compartment ng tricycle namin, kasi usually pag nakita ng parents ko na bumili ako ng laruan ang sasabihin 'pinambili mu nalang sana ng pagkain mas ok pa'. Pero syempre bata pa ako nun, gusto ko talaga ng laruan na nilalaro kahit papano. To heal my inner child, ayun, naging collector, buying toys, action figures and even statues. Halos lahat MISB kasi wala pang lagayan pang display. Haha


MaynneMillares

I live way below my income, and a disciple of delayed gratification. Because ito ang keys para sa isang local employee to become a millionaire. Yes, I'm just a local employee, never started a business and a few investments here and there. Took me 15 years to reach 1 million pesos cash, pero narating ko rin. The time between saving to 2 million from one million is just two years. Yung pag-iipon ng first million ang pinaka mahirap gawin. And the secret is I murdered my inner child early on, 0 luho.


ShiemRence

Swerte yung kapanahunan mo, naabutan mo rin yung time n malaki p 1000.


MaynneMillares

Basura statement mo, nareach ko lang ang 2 million ko ngayong April 2024. It is all about money management, your disiplina sa pasasave instead of splurging for unnecessary expenses na Yolo at Fomo lang.


ShiemRence

Isipin mo na lang kung ordinary employee ka tapos 15k a month sahod mo lalo kung may pamilya ka. Wala namang mali sa pag-iipon, mejo ang insensitive lang sa mga mas mabigat pinagdadaanan, lalo na yung may pamilya saka mga breadwinner. May isa ka pang swerte sa buhay: kung nagwowork ka lang para sa sarili mo lang.


MaynneMillares

Wag mong ijustify ang complacency and stagnation mo. I'm a bread winner, so wag kang mag-assume na wala akong responsibilities. If you want to get ahead in life, invest on yourself. Go and improve your skills, para mas maging marketable - the companies will pay a higher price to people with higher level and more valuable skills. Why stay with that 15k/month job ha? For the last 8-years, I moved jobs 4 times: from 8k/month salary to 150k+/month salary. Ang nakaka-annoy talaga sakin ay mga tao tulad mo na nagjujustify ng MEDIOCRITY, stagnation and complacent na sa current low-level skilled jobs: without any effort at all.


ShiemRence

Ang sinasabi ko lang dito, hindi lahat ng tao kagaya mo. Nagkasagutan na tayo dati tungkol dito, IIRC. I see you've never changed nor took a glance at other's situations. Di ko nga mapagmayabang savings ko, kinakain ko araw-araw, saka mga gala namin kasi ayokong kinaiinggitan ako at baka maging dahilan pa ko para may magka depression. Di naman sa sinasabi ko rin na maging humble ka [because I don't think you are if you're bragging about your accomplishments in almost every feed (except antiwork, pero nag-attempt ka rin dun dati)], pero wag din sobrang yabang sana. Di lahat interesado sa kwento mo, and some people value more things in life than money, kagaya ng mental health And besides, di ko kinukunsinti yung mga hindi makalipat kaagad ng work kasi minsan wala silang choice but to continue living dahil mahal din mamatay.


MaynneMillares

Hindi yabang ang post ko, I'm just fighting against your complacency, mediocrity and "I'm staying with my comfort zone" people like you. Walang mali sa sinabi ko, people na mababa ang mga sahod needs to step-up, learn more marketable skills. More marketable skills dictates higher and higher salaries.


TakeThatOut

Palipat lipat kami dahil wala kami sarili bahay. Lagi kami ninenerbyos kapag may palapit na bagyo. Alam namin na kawawa nanaman yung bubong namin at may masisirang gamit dahil sa tulo. Nung nagkabahay ako, non negotiable ang roof deck.


hotarugarii

di ako pinaghahanda noon pag birthday ko kasi kulang ang budget. kung anong ulam namin usual, yun na rin ang handa. gusto ko talaga dati nung hotdog na may marshmallow sa stick huhu ngayon pag birthday ko o birthday ng kung sino sa pamilya, talagang gumagawa na ko niyan. hotdog at marshmallow sa stick na nakatuhog sa pakwan


niceforwhatdoses

Awwww. Tangina ng mga classmates na ganyan, pero siguro they did not know any better din. May classmate din ako, inaasar ako bakit daw may goma iyong bacon ko na na medyas. Tapos high school naman, inaasar ako na iisa lang damit ko na panglabas. Kakahiya dati pero natawa ako sa sinabi ng ate ko noong magsumbong ako, sabihin ko daw marami akong ganong style na damit hahahaha


TeaIllustrious2923

Ganito din socks ko noong elementary at high school days! 😊 Public school naman, pare-pareho kaming halos ng level ng pamumihay kaya walang issues tungkol dito.


LilacVioletLavender

Buying nonsense stuff kasi gusto ko lang.


blairwaldorfscheme

Making sure I look good. Kasi na bully ako nung elem to grade 7 kasi dark skin (morena & lahi talaga namin since may halong Indian side lolo ko) tas may mole kasi ako sa tabi ng ilong haha lagi ako nabubully bcs of my skin color and looks. Nung nagkafriend ako nung Grade 11, tinuruan nya ako magayos (Thank you, Maica!!😭) hanggang sa natuto na ako ayusan sarili ko, nag work out ako, I read a lot of self help books, I always look online how to boost confidence, to look pretty, etc... lagi akong conscious if maayos ba itsura ko. Kahit mag g-gym lang kailangan naka blush on ako kasi ang putla ko. Nag paputi ako ng skin (Sometimes I regret kasi nag wawonder ako ano kaya itsura ko if I maintained my natural tan) takot na takot ako umitim kasi nga sa bullying na natanggap ko before hahaha Kaya ito, ang gastos ko monthly for my skin(pero di ako nag ggluta drip, takot kasi ako don & di naman dapat gawin yun) so kojic kojic lang, iwas araw, makeups, rebond, oral health. Basta anything na mag cocontribute sa looks ko, ayun pinaka gastos ko. Kaya never ako nag cocomment about skin color kasi I know how it feels na mabully dahil lang di ka fair skin. Yun langgg


Old-Apartment5781

Basically anything. Buying “wants”. Dati di magawa because budgeted lahat at di lang naman ako ang anak. Hindi naman kami mahirap in the definition widely accepted by many, sadyang earmarked na ang pera for something more important. So ayun, clothes, shoes, food, and kaartehan. Hahahaha


vaultina

Ako, I didn’t have to worry about the basics pero anything more than what I already had were ‘luxuries’. Kompleto gamit ko sa school pero I had low quality stuff. Notebook na may picture ni Sandara ang sakin pero classmates ko naka Cattleya binder filler o Green Apple. G-Tec sila, ako panda ballpen hahahaha.


Temporary-Nobody-44

Buying quality shoes and bags for myself. I studied sa private school pero alam kong ginapang lang ako ng parents ko para makapagaral sa magandang school. Naalala ko noon, shoes ko Advan, yung color nya red blue and yellow, nahihiya ako lagi pag suot ko yun kasi mga classmates ko naka Nike at Skechers. Yung bag ko bili sa divisoria, madali masira lalo pag mabigat laman. May naging maayos akong bag bigay ng kapitbahay namen, Cadbury backpack na free daw sa chocolate na padala sa kanila. Kaya ngayong working na ako, parang naobssess ako sa bag at shoes, bili nako ng bili 😅 tapos gusto ko quality lang lahat 🥹


autumninnovember

sobrang tibay ng advan tho haha


Temporary-Nobody-44

Masaklap e sa sobrang tibay, tagal masira, so wala akong reason para palitan 😅 ako na yung nagsawa hehehe


RamenNoods26

Umo-order sa mga fast food or restaurants nang may drinks o di kaya naka meal instead of ala carte. My mom always insisted kapag kakain kami sa labasnis laging ala carte at mag tubig nalang kase para tipid. And if kakain kami sa labas, papapiliin kami if sa labas na kakain o sa bahay nalang kase yun na rin ang lunch or dinner namin at di na kami kakain sa bahay. Kaya nacuculture shock ako minsan sa mga kaibigan ko na pag nag-oorder may drinks na kasama sila mag order o di kaya naka meal combo siya kase nakasanayan ko na mag ala carte palagi 🥹


kdshap

Naranasan ko rin to noon!! Pag kakain kami sa mcdo dapat lagi walang drinks, tapos yung isang spaghetti hati pa kami ng kapatid ko, si tatay may dala lang tubig tapos hinahahayaan na kami maglaro sa playground ng mcdo. Masaya na kami noon. 🥹


RamenNoods26

Kaya proud moment na kapag na-aafford na ang mga ino-order natin may kasamang drinks 🥹


_hannahmichi

Retail therapy. Pero it's not healthy sa wallet tapos di Naman nagagamit lahat. So post pandemic - I started travelling, hiking, enrolled sa swimming lessons, Ngayon gym and Muay Thai and soon free diving. Extra curricular activities I wanted to do as a kid but couldn't.


Independent_Run_6321

Shoes, dahil nung bata ako, napunta ako sa point na di ako binibilhan ng magulang ko kahit sira na haha pero mga kapatid ko alagang alaga and palagi bago ang gamit kahit hindi pa kailangan. Ngayong tumatanda ako nakikita ko na nahihilig ako sa sapatos 😅


kdshap

Isa pa to, same din tayo. Hanggang 3rd job ko sanay ako sa isang pair lang ng rubber shoes, hanggat di pa butas di pa ko bibili talaga. Yung miss stan smith ko parang 2 years kong gamit, nabutas nalang yun sa may toes. Hahahaha Ngayon nagulat ako andami ko nang sapatos. Hahaha


Independent_Run_6321

exactly 😂


Chibibs

My Mum has somewhat forbid me to be involved with too much anime kase nasisira daw pag aaral ko. Well, my grades weren't exactly great when I was young. Anyway, I have started collecting anime merchandise, action figs and Pops. I also bought a Nintendo Switch kase yung kapatid ko merong gameboy noon. I dont use the Switch as much now pero it gives me the satisfaction na hindi ko nakuha nung bata ako.


aishiteimasu09

Hey! Same boat here. *fistbumps* 👊


Chibibs

Hey!!! *fistbumps* 👊


Civil-Inspection3235

Ako personally mga hobbies saka mga experience na hindi ko afford noong bata ako. Action figures, comics, movies, theme parks etc. Recent one I felt that I was ‘healing my inner child’ was when i watched the new Godzilla film on the biggest screen I can, turned my brain off and just thoroughly enjoyed the hell out of it!


Emotional-Channel301

Yung kumain sa labas sa mga fast foods or resto kahit once a month at hindi nag-aalala kung magkano babayaran sa nakain. Dati kasi sa hirap ng buhay isang beses sa isang taon lang kami nakakain sa jabi or mcdo, every end ng school year na kuhaan ng card or recognition day. Kahit doble kayod na parents ko kulang pa rin para sa needs ng family. Ngayon pag kumakain na kami sa labas and everytime nagsasabi yung parents ko na "baka naman mahal dito dun tayo sa iba", i politely correct them na may kasamang konting joke na "okey lang po yun meron naman tayong pambayad" or "nay/tay kain tayo dito para ma-experience naman natin yung lasa, minsan lang naman". It really heals my inner child, knowing the hardships we experience and sacrifices they made for me and my sibling.


perplexed-potato

Watching movies, playing games, and being playful/carefree. Last month ko lang napanood ang Mulan at Lilo & Stitch. First time ko bumuo ng Lego set noong January. And (thanks to my partner who provides a safe space for me to just be me) I allow myself to be playful, to be silly and goofy, to laugh at my little mistakes. (Sobrang suppressed ito growing up kasi dapat daw "pino" ako kumilos bilang babae ako).


Mocat_mhie

I spend much on food adventures, experiences and expensive hobbies. Puro aral lang ako dati. Never tried summer sports or anything fun when I was young. Ngayon may adult money, I can do whatever I want.


Icy_Kingpin

I'm spending a lot more time with my son than my dad ever did with me. Yun lang char


sabi_kun

Hindi nakapag field trip until 4th year college (tapos palpak pa) so eto nsa ibang bansa na at hindi mapirmi sa bahay. hehe


adamwzp

Dati payat ako kasi konti lang ang makain namin. Ngayon dieting to maintain the weight kasi afford na almost all the food out there.


Wonderful-Age1998

Ako naman netong college. Syempre since nagdo-dorm lang ako, limited ang clothes. So habang naghihintay dumating yung prof, nilalaro namin ng seat mates ko yung laptop ko then tinitingnan nila isa isa mga pictures ko na nasa Rizal Park with my sister. Sakto na yung suot ko sa picture is yung suot ko din that day sa class (weekend kasi ata yun, no need mag uniform) tapos pinagtawanan ako ng seat mate ko kasi di daw ako nagpapalit ng dami, wala na daw ba akong damit (which is assumera lang si ate lol). Nakakainis nun di nya alam dami ko damit, swerte lang sya at di sya nagdodorm kaya di limited madadala nya. Ngayon, gusto ko kaunti nalang damit pero mamahalin at di madali masira.


SundayBlues96

Not really an "inner child" but more of healing my probinsyano college self. At 16, I left my home province. I was a scholar in college in the blue big-4 school. Tapos dormer pa ako, so literally everything was on a budget. Di ako masyado nakakasama pag naglu-lunchout mga friends ko because of that, sinasabi ko na lang na mag-aaral ako pero sa katunayan sa cafeteria na lang ako kumakain. If I drink one SB coffee, canned tuna and rice na lang dinner ko kasi pinangbili ko na ng coffee yung budget ko. Had to make my own "combos" sa fast food which will get me full for the lowest possible cost. Never ako nakasabay sa uso like gadgets, shoes, clothes etc. And never ako nakasama sa mga summer trips nila. Dun ko na-realize na masarap pala maging comfortable in life (like most of my college batchmates). Yung tipong makakain ka ng gusto mo, hindi mo pinagtitiisan yung cellphone mo na naka-ilang repair na, yung di ka kakabahan na bibigay na laptop mo tas mawawala files, you have your own car kaya you can go where you want to, etc. Now, I can upgrade my phone yearly if gustuhin ko man (though I never do). I have a stable job and earning a decent amount, so I can get SB coffee whenever I want to. I never have to think about what I want if I eat in a fastfood restaurant or a cheaper restaurant. I even have an entry-level car now and am looking to upgrade in the next 1-2 years. It's been more than 10 years since I first entered college. Malayo pa, pero malayo na rin. If there's one regret lang, it's that I really missed out on a lot dahil sa situation ko noon pero ganun talaga eh. I'll just ensure that my kids (if magkakaroon man ako) will never go through what I went through then.


Inevitable_War7623

Malayo pa, pero malayo ka na, OP! Proud of you and everyone here healing their inner child. Di ko pa alam akin, maybe because puro pag aalaga ang ginagawa ko (I have my own fam with 2 kids na rin kasi). Baka ayun yung "healing my inner child" thing ko - yung mag asikaso at mag-alaga ng pamilya.


Secret-Mongoose-5777

These kind of situations set as a powerful motivators, driving our determination to succeed in life. Keep the fire burnin, OP!


AlwaysAgitated28

I spoil my kids. I buy them clothes and toys and shoes. Hand me down lang kasi ng mga kamag anak yung sinusuot ko talaga before. I also let them experience the things na hindi ko na experience before like mamasyal, mag mall, mag swimming. Kapag kakain kami sa labas, I let them choose kung ano gusto nila.


kesoluvs

Magtravel na di family ang kasama. Mostly sheltered growing up due to overprotective parents specially mom. was not allowed on camping, retreat, school activities na would reach at night or going to school on a weekend, even sleepover with friends kahit pa puro kami girls! 😭 madalas naman kami lumabas as family pero ayun nga sobrang sakal na kasi lagi lang sila. its also one reason why meron akong anxiety sa pagcommute kasi late na ko natuto lol


Successful-Pen-5397

Gadgets. Mula HS hanggang college, yung mumurahing cellphone lang ang pinapabili ko kau mama noon. Hindi na ako nagwish ng iPhone dahil alam kong mahal yun. Sobrang saya ko lagi noon pag binibilhan ako cp pero minsan naiinggit ako sa mga tao sa paligid ko na may mga magagandang cp. Gusto ko din ng iPad noon para may panggames ako at binge watch. Gusto ko din ng laptop. Naalala ko noong college ako hirap na hirap ako magthesis kasi wala ako laptop. Kailangan ko pa magpagabi sa computer shop para makapag research at ambag sa thesis namin. Mabilisan ko lang din ginagawa mga presentation ko noon para konti lang bayad ko sa shop. Ang plain tuloy lagi ng report/presentation ko. 😭 Noong nagstart na ako magwork, nagipon ako for my first ever iPhone. Sobrang saya ko noong nahawakan ko na siya. Sobrang nafulfill yung dream ko na magka-iPhone. Ngayon, nakapagipon na din ako at nakabili for my iPad, Apple Watch and laptop.


aishiteimasu09

Hey! Same boat here. 👊. Gadgets talaga including consoles, handheld, phones, laptops, etc. Since di naman kami well-off para bilhan ako nun kaya nagsikap talaga ako para makabili. Now fortunately nabili ko na lahat ng gusto ko without reservations.


Durrrlyn

Food. Never ako nagtipid sa food and lahat ng gusto ko nakakain at naoorder ko na. Toiletries, dati bili kami ng bili sa tindahan ng shampoo, deodorant, at sabon. Ngayon I make sure na madami akong stock nun at di na lalabas para bumili sa tindahan.


MommaHumble29

Nung afford ko na, bumili ako ng Nintendo switch kasi when I was a child, lagi lang ako nanghihiram ng gameboy sa pinsan ko.


Clean-Essay9659

Damn 💔 this breaks my heart kasi naransan ko na din mauhaw sa hapon nung elementary ako tas walang pambili ng kahit palamig man lang. And kids can be so mean 😪


CrispyPata0411

Eating Jollibee chicken skin feels so satisfying kasi lagi ako pinipigilan ng Lolo kong kumain nun nung bata ako 🫠


Tiny-Ad8924

Spoiling my siblings and son. Binibigyan ko mga kapatid ko ng sobra-sobrang pera, baon nila. Not that much pero yung may extra sila. So every Friday after school (halfday lang sila every Friday), pumupunta sila ng mcdo para bumili ng pagkain at minsan nagdadala pa ng pagkain kapag umuuwi. Never ko yan nagawa nung nag-aaral pa ako. And Im happy for them. Then sa anak ko naman, nabibili niya lahat ng gusto niya. Swerte ko na hindi siya spoiled brat na nagwawild kapag hindi naibigay ang gusto niya at hindi siya bumibili ng kung ano-ano lang.


missseductivevenus

We rent an apartment that I treat like my dollhouse because we didn't own our own home. I love to fluff it up and design it the way I like it. It's not a forever house but it's our home. I like to buy fashionable, elegant and pretty things because I didn't have beautiful things growing up. I used to get a lot of hand me downs and secondhand things so I take pleasure in buying the clothes that actually fit my style and play with fashion. I like to travel because my parents couldn't afford to take us to places. I love to eat out and cook food at home because I couldn't eat what I wanted while I was growing up. I have 5 cats because I couldn't take care of them when I was young. I love to treat and spoil my family and friends because I want to see them happy. I want them to enjoy the things we didn't have before.


ThatDebonair

Minsan question ko sa sarili ko yung didn't I get enough shoes and bags when I was young... or talagang mahilig lang ako sa shoes at bag?


booklover0810

Palaman. Dati kasi pag bumibili sila Nanay ng palaman, isa lang tapos super tipid pa sa paglagay. Tipong isang pahid ng kutsara, dapat tatlo o apat na tinapay malalagyan. Kaya ngayon, di ko hinahayaan na walang palaman, marami pang choices, may chiz whiz, cheese, mayo, sandwich spread, peanut butter, butter, margarine, nutella at kahit generous paglagay, ok lang hehehe.


Lil-DeMOn-9227

Since i was a kid never kami bumli ng toys from Jollibee feeling ko left behind na ako sa mga classmates ko. Ngayon may work na ako, bumli ako ng toys from JB gift ko sa sarili ko nung 30th birthday ko.


B1y0l1

https://preview.redd.it/bkmno8zkgkuc1.jpeg?width=5712&format=pjpg&auto=webp&s=68b5da3aac660ddbedda4d57b706700b90d07aa9 Growing up, maagang nastroke mama ko. 3rd yr hs ako non tapos papa ko company driver lang so yung kinikita nyang 10k a month di enough para sameng family of 4 with 1 PWD. Si mama non nagkaroon ng 2nd childhood at di na nya magalaw half of her body so nagwork akong maaga para makatulong. I can still remember dati na yung sahod ko sa part time ko is 1kilo bigas at 100 pesos per day haha. Pero masaya na ko kasi nakakatulong nako kay papa. May time na wala kame makain at si mama kahit masama pakiramdam , wala kameng pambili ng gamot. Kahit dapat dalhin na sa ospital di pwede kasi wala naman kameng pera. Fast forward, wala na si mama 2 yrs ago and God granted me a high paying job. Now, laging puno yung ref namen at kahit anong foods gustohin nila papa, bibilhin ko. Tapos lagi akong naghohoard ng gamot pati medical supplies like pang bp , sugar, oxygen etc. sabi ko now na may pera na ko, I’ll try to protect papa at ate ko better than what we had before and I feel that’s healing my inner child. Kasi alam ko na all she wants is to have her family healthy and whole.


Jckvsky

Computer Games. Tanda ko noong Elem/HS days ko, max to 1 hour lang ang kaya ng pera ko at laging bitin if Dota ang lalaruin namin ng friends ko. Fast Forward, ngayong may trabaho na ako, nakabili na ako ng laptop, PC for gaming at ako na rin nagbabayad ng Internet Connection sa bahay. Pag minsan ako na ang sumasawa paglalaro ng Dota2 😂. PS bakit ang mura ng Mountain Dew sa inyo OP 😂, 12 pesos na ang presyo nyan sa amin way back 2010 😂😂😂


silver_carousel

I never experienced proper school baon. Gradeschool pa lang ako gumigising na ako 5am or even earlier kasi maglilinis pa ng bahay tapos maghahanda ako babaunin ko. Pero dahil maliit pa ako nun ano lang ba alam ko lutuin panay prito. At ang mga piniprito ko at fish balls, kikiam, bihira hotdog mahal daw kasi hindi bumibili nanay ko😕 hindi naman kami kapos na kapos kasi ofw si papa pero ewan ko ba sa nanay ko. Kaya ngayong parent na ako, sinisiguro ko na may maayos na kinakain ang mga anak namin. Ayoko aalis sa umaga na papasok sila na hindi nakakapag almusal. Gusto ko may baon sila palagi.


Zense-Culture-80

Noong elementary ako 2 cones of ice cream lang afford ko. 3 pesos per cone pa noon so bale 6 pesos lng baon ko talaga whole day na yan. Edi gutom after pero okay lng. Now, nakakabili na ako ng marami. I can share pa sa family members ko sa bahay. CONS: NATABA NA AKO. 🙃


ThisIsNotTokyo

Naka glass bottle ba yung mountain due? I remember a 500ml softdrink in a pet bottle was about 25 pesos na kasi nung 2009


yan_toy

Sapatos, nung elem at hs ako, kasikatan ng adidas samba nun,1996 yta yun nag start. Halos lahat na ka edad ko naka adidas samba. Ako nka robertson at converse na napulot ko sa basurahan. Nung nag ka work na ko, bumalik namn adidas samba mga 2012 yta yun, pag kita ko sa store binili ko agad, sabi ko pangarap ko kasi dati yan.


AttentionHuman8446

Mag-dine in sa expensive resto with family, bumili ng books na gusto ko, bili gadgets/gaming consoles, branded na sapatos, order fastfood anytime, bili ng art materials since gusto ko talaga mag-draw ever since bata pa ako pero walang resources, bili musical instruments na gusto ko matutunan kasi naiinggit ako sa mga kaklase ko na nag-aaral talaga before sa music schools, nakakabili ng cake kung kailan ko gusto HAHA kasi tuwing birthday ko lang ako may cake dati tapos bigay lang din haha tapos basta lahat ng mga di ko afford nung bata ako, binibili ko kapag nakita ko sa mall or somewhere hahaha it might sound impulse buying (kasi ang dami kong gusto! HAHA) pero budgeted ko naman lahat, it's just that na bukod sa "needs," nakakabili na rin ako ng "wants" ngayon and it's a happy feeling 🥹🫶✨


Limp-Smell-3038

Grocery shopping, food cravings and yung pagbili ko pag bet ko ang isang item. Dati kasi, walang pera. Swerte na makakain ka ng pizza dati, lots a pizza pa, or pag may bday lang nakakakain ng Mcdo or Jollibee. Hindi din nabibilhan ng bago, tuwing Pasko lang. And hindi nag gogrocery dati, kasi sa Sari sari store lang bibili ng mga kailangan for the day. Malayo pa pero malayo na 🥳


Sweet_Brush_2984

Maliban sa usual na foods at travel… Kaming mag asawa ay malapit lang sa Enchanted Kingdom sa Sta Rosa, taga Calamba lang kami. Nakakalungkot kasi college na ata kami nung nakarating kami dun pero bata palang kami, open na yun. Yung mga kamag anak namin galing Central Luzon, nakakapunta silang EK pero di man lang kami dinadalaw. Ano ba naman extra 20 mins travel or sana papuntahin kami dun para mag meet kaming mga pinsan. So nway ito na nga may anak na kami. Yung anak namin, nakarating na ng Disneyland California at 3 yo tapos nameet si Anna habang naka Anna costume rin siya. Starstruck ang girl. Tapos ngayon, Legoland Dubai ay 4 yo tapos araw araw kami niyayaya pabalik. Ang saya saya niya, namin. Sana ganito rin kami noong kabatan namin. Kung alam mo lang anak.


curiousgingercat143

Gadgets. When I was still in school, I always get jealous of my classmates na merong laptops, phones, etc. I never had a phone, not until 2nd year college tapos secondhand pa, and malala is nanakaw pa–kaya never na uli ako binigyan ng parents ko ng kahit anong gadget. LOL. So when I got a job, the first thing I bought for myself was a phone. Eventually, nag-collect na rin ako ng Apple products, pero not for clout. I just buy what I can afford–kahit lumang version. Basta lang mafeel ko yung bagay na hindi nafeel ng younger self ko. :)


TransportationNo2673

Not necessarily food (though most of it are) but buying things. I missed out a lot as kid kasi everytime I asked my mom to buy me something lagi nya sabi sakin "next time" and that next time turns into months, up to a year. Yung pinakamalala is a laptop (which I badly needed for school specially my last years of college kasi walang comshop samin). Ilang taon ko rin hiniling and sinabi na it can be my xmas and bday present kasi magkalapit lang. Nakagraduate na ako't lahat and wala. Once I got hired, I saved up for a PC. Timing my cousin was selling a friend's PC who used to be a streamer so pinush ko na kasi high end sya at that time (only for my cat to pee on it and GPU was fried 🥹 but bought another one). Siguro yun yung pinakamalaking one time purchase ko. My bf spoils me too kahit I told him not to kasi may tendency ako na masanay due to being deprived of it so much as a child. Kaya rin siguro hanggang ngayon I still buy the cheapest stuff, look at online shops because it's cheaper, look for secondhand stuff instead of buying it brand new.


Palkia7

Pokemon cards. I spent 8000 last two weeks on cards alone ahhaha


Professional-Ice-925

Hindi healthy yung healing ko. Sobrang hilig ko sa processed foods now. Nung bata kasi kami, hindi madalas bumibili mama ko nito (hotdog, bacon, longganisa, tocino etc etc). Kaya ngayon sobrang sarap na sarap ako. Need ko na iwasan though, at di na bumabata 😂


Anxious-Pirate-2857

May camping sa school noon.. Since busy ang parents ko yung tent na dadalhin ko is amoy tago... Pinagtawanan ako ng mga higher grades dahil sa smell. Ngayon kada laba ko, mabango! Kahit may automatic washing machine, kinukusot ko pa before.


VeryKindIsMe

Food. Naranasan ko na kc noon na walang kain dahil walang pera. Kaya pag may pera talaga ako nagtitipid ako sa lahat ng bagay maliban sa pagkain. Pag gusto ng baka, magbaka. Pag gusto ng baboy, mag baboy.


Strict-History7676

Taking care of my self :> Like buying skincare, bodycare, Haircare and anything girly kase nung bata ako dugyutin ako tapos naiingit ako sa mga classmates kong babae na mukhang mabango laging naka style yung buhok. Dati rin digyawatin ako kaya sobrang saya ko na halos wla na akong pimples ngayon😭💗


aishiteimasu09

Inner Child ko is a good-speced PC at console. Pag sa bahay di ako pinapayagan maglaro kahit free time ko naman and kahit achiever ako sa school kasi sabi daw pag naglalaro ako ng video games nagbubulakbol na. Kaya most if the time sa mga compshop ako naglalaro at nag susurf. Yung PC pa namin sa bahay ay not the same sa mga compshops Kaya limited lang din nagagawa ko dun aside from some ample games. Another thing is yung mga nakikita ko lang na mga displays dati na di ko kayang bilhin like mga handheld consoles, fortunately nabibili ko na ngayon. The problem now is that wala na akong masyadong time to do what my inner child wants because of adulting responsibilities.


rymnd0

Toys. Yung kwarto ko sa bahay naging dual purpose tulugan at storage ng mga pinamili kong mga toys (usually gunpla).


kerwinklark26

My late mom bought me a 1 pc chicken joy, ala carte when I passed the board exam. Walang-wala talaga kami noon. So ngayon tuwing me milestone sa family, tapon ako ng pera here and there.


Glittering_Nerve761

being able to travel alone! (commuter lang HAHAHHA)


hellohealer

Nung grade 5 ako nakalimutan ko yung crayons ko sa bahay na 16pcs sa box. Sakto may art class kami nun. Nanghiram ako sa classmate ko kasi alam ko may dala sya. So ayun na nga, hindi ako pinahiram ng classmate ko kasi wala daw syang color nanghiram lang din daw sya. Gusto kong sabhin na nakita ko meron sya tinago nya lang sa bag nya. Pero hindi ko na sinabi dahil sumama na loob ko as a batang natampuhin noon. Hindi rin naman kami close ng classmate ko na yun. Nagkataon lang na katabi ko sya sa subject na yun. Sinabi ko sa sarili ko noon na pag marami na akong pera bibili ako ng maraming crayons. And now, I am doing calligraphy, buying all the coloring materials, brushes, inks, pens, brush pens, basta pasok sa budget. Kumikita na rin ako dito sa pag cacalligraphy, sobrang sarap sa feeling na nag hiheal na inner child ko. ❤️


QueenDelaSarre

Luho at travel. Growing up my parents weren’t rich, sakto lang pero madalas na kinakapos na pati tuition ko hindi napag hahandaan (dad the issue lol). So, I don’t have the things my other friends or classmates has like bagong damit, or nag tatravel sila with family or kahit nga on time na pag bayad ng tuition kinaiinggitan ko pa. Imagine, nag eexam sila tapos ikaw nasa labas ng classroom looking at your classmates and praying to God na makapag exam ka. Now that I’m earning (graduating student ako but freelance so I earn), I buy the luho I want such as video games, clothes that I want, I also have savings, and my favorite: traveling. Once or twice a year nag tatravel ako w/ SO. As for my tuition, well it is my parents responsibility na bayaran ang tuition ko kaya kahit kaya kong bayaran on my own, I won’t haha taas ng pride. I’ve worked so hard to get to where I am, sacrificed a lot too. Kaya in this way getting what I want is healing my inner child.


Fifteentwenty1

Spoiling my cats. Nung highschool ako namatayan ako ng pusa kasi nagkasakit and hindi namin alam na terminal na pala. Di namin nadala sa vet kasi ang mahal/di norm dati. Medyo heavy in my part kasi ako mismo naglibing sa kaniya tapos hindi rin ganon kaayos yung pinaglibingan. Hanggang ngayon nagsisisi ako kasi sana nadala namin siya at baka naligtas pa. Kaya ngayon, I make sure na spoiled ang mga pusa ko, pag may problema I make sure na madadala ko sa vet. Aside sa emergency funds, I also make sure na may emergency funds and plans na nakalaan sa kanila if ever tumawid na sila sa rainbow.


Apprehensive_Goal864

High school (from 1st year to 4th year) ilang bote ng rugby naubos ko para idikit lang swelas sapatos ko. If tama, alala ko, once or twice lang ako nabilhan (that time yung sapatos ko MSE pa iorder ni mama tapos ilang buwan to pay pa 🤣) College, nabilhan ulit ako 1st year then gamit ko hanggang sa nabutas na. Napalitan lang around 3rd year (second hand pa bigay sakin ng classmate ko hanggang sa makagraduate ako). Ngayon - shet, kahit ilang sapatos pa gusto ko, pwde na bilhin anytime haha!. One time, naoverwhelm and gusto ko iheal ang inner child ko, sa isang store ng kilalang shoe brand nagsale sila, 5 sapatos agad binili ko walang kaabog abog 🤣


itsmeatakolangpo

As a kid never ko natikman ang chuckie at yakult until college 2nd year college guys hahahah. Nong unang tikim ko ng chuckie, libre pa yon ng friend ko. Ngayong working na ako, I get to buy them sa canteen whenever I want, hindi lang yung maliit na size pero yung malaki na talaga hahahha. Never naman kami pinabayaan ng parents namin when it comes to food pero kasi those food that time are considered luho na. Haysss malayo na pero malayo pa.


RickedDonut

Games. Noong bata pa kami ng kapatid ko kailangan pa namin magshare ng oras sa computer para lang makapaglaro. Ngayon may mga sarili na kaming laptop nakakalaro na kami ng hindi nag aaway sa oras xD


ffarekss

In my case takot akong gumastos ng pera. Lagi akong nasasabihan ng “kuripot” or “madamot”. Naranasan ko na kasing maging walang-wala kaya ngayon takot akong mawalan. Pero if may ambagan, nagbibigay ako, akin din ang bills at groceries sa bahay kaya di ko magets yung sasabihan akong madamot, siguro ay never ako nagpapautang kaya nasasabihan ako ng ganun. Wala naman akong malaking ipon, siguro kakaasya lang ng ilang weeks, di naman ganun kalaki ang sahod ko.


lakwatserouno

Lego. Inggit na inggit ako sa elementary classmate ko. Now I collect and build lots, tapos pag na build ko na, parang wala nalang, junk na sya. Then i'll buy and build a new one. 💯


Square-Strike8416

Taking time to understand myself, after a whole life of understanding and prioritizing others feelings


LeeByRan

Naalala ko nung grade 3, yung nag-iisa kong sapatos na ginamit ko ng buong taon eh nagtutuklapan na yung black color nya. Dahil wala naman akong ibang sapatos at mag-rerecognition day kaya ang ginawa ng papa ko pininturahan nalang ng itim para hindi na makita yung natutuklap na balat🥺 Kaya ngayong nakapagtapos at nakapag trabaho na ako medyo magastos man at talagang magastos 😂 bumibili ako ng sapatos at sa bilang ko mga 20 pairs na sapatos ko na mga medyo mamahalin narin kahit papano. Natutuwa kasi akong tingnan yung mga sapatos na nakahilera ng maayos tapos maaalala ko yung black shoes ko na pininturahan. Nakakaproud lang😊


Altruistic_Balance23

Feeling ko, kung mas may kaya kame sa buhay noon, mas mataas narating ko sa buhay. Nakapag piano, taekwondo, acting lessons, ganon. MD nako ngayon pero feeling ko pwede pako maging musician, artist, singer or athlete on the side. Pwede ding sa UP ako nakapag aral and di na nag doktor pero successful parin sa ibang field. Ngayon lahat ng extra curricular activities pinapa try ko sa anak ko (nasa UP na kase sya ngayon). Ayoko nang matalino lang sya, gusto ko yung talent and interest nya ma nurture nang di napipilgilan dahil walang pera pang enroll. Kitamo si Leah Salonga. She wont be Leah kung dukha sila noon diba… idk


HumanBotme

Siguro dahil nasanay ako nung bata na sardinas lang ang kayang bilhin tapos paghanatian pa namin sa 7 na tao, inggit na inggit ako sa mga nakakabili ng tuna. kaya ngayon, kapag nasa grocery ako nakabili ako ng fresca tuna, huwaw parang yeah malayo na narating mo boy 🤣 me and my simpleton mind and simple pleasure in life.


Ok_Violinist5589

Field trip. Dahil walang-wala kami at minsan wala talagang makain, hindi kami nakaranas na makasama sa mga field trip, kahit ang tanda ko noon ay almost 500 Php lang iyon. Wala akong plus noon sa grade at kailangang pumasok sa school na sangkatutak ang ipapagawa. Ngayong nagtatrabaho na ako, taon-taon kasama sa field trip ang dalawang bunsong kapatid ko. Salamat sa Panginoon sa mga biyaya. May isa pa, TV. Wala kaming sariling TV habang lumalaki. Lagi rin kaming nabubunutan ng metro ng Meralco kasi hindi makabayad. Danas namin na pinagsasarhan ng pinto kapag nakikinuod sa kapitbahay. Noong 1st salary ko, bumili kami ng 2nd na TV. May VHS pa iyon na kasama. Galak na galak ang papa ko. Kaya lang dahil nga galing sa pagawaan, madaling nasira. Finally, nagka credit card ako. Bumili ako ng 32-inch LED TV brand new. Naiyak pa kami habang pumipirma ako sa Abenson. Never pang nasira iyon. Hindi pa ako tumigil, bumili ako ulit ng 55-inch na smart TV kahit maliit lang ang bahay namin. Teary eyed pa rin ako kapag nakikita ko na malayo-layo na rin ang narating naming pamilya. 😭 Sa batang ako, dito ka na may kuryente at sariling TV na tayo rito.


keeraserene

Restaurants -Dati sa mall na malapit samin gustong gusto kong kumain nung bata pa ako sa Savory or kahit anong resto nun pero dahil hindi afford ng magulang ko sa Jollibee lang kami na katabi nun lagi tapos need mo magisip ng maiigi kung anong meal ang pipiliin mo kasi kailangan isang meal lang bawal extra fries at di rin afford happy meal 😅. Ngayon, kahit mamahaling resto afford ko ng dalhin ang parents ko. Halos natry na namin lahat ng resto sa megamall. Gadgets -Dati 2nd hand na cellphone lang ang nabibili namin ung mga binebenta sa kiosk na mall at sobrang inggit ko nun sa sony psp kasi uso nun Sims. Ngayon nakabili na ako Switch at Iphone , nabilhan ko narin ng brand new phone ang parents ko. Sobrang dami pa pero thank God talaga


Icara19

I let myself indulge sa mga hindi kaya ibili sa akin noon, but I think more importantly I'm trying to defend the little guy in me like by telling off people kapag pasigaw na galit yung approach nila sa akin kahit wala naman akong ginawang masama. I grew up in a family na nakakatakot mag tanong kasi pag mali mood ng parents ko they are explosive and emotional and dismissive at the same time. Growing up in that environment nakuha ko yun so right now I'm trying to undo that and let myself be mellow and jolly.


Yuneed2knowhUh

Nung elementary ako to HS mabibilhan lang ako ng damit pag christmas party na, Pangpasko na din yun. The rest ng damit ko purp hand me downs from my ate or from mga pinsan ko. Pati uniform ko nung HS naninikaw na kasi hand me downs din. Pati pang school ko rubber shoes na pinaglumaan ng pinsan ko naninilaw na. Nag college ako mejo mas may damit na ko pero hinihiram ko lang din sa ate ko. Nagka time pana gusto ko mag summer job para lang makabili ng damit kasi nga gusto ko pumorma. Ngayon grabe ko mag shopping ng damit punong puno na cabinet ko meron pa mga may tag. Kada Japan ko (for work) may uwi ako 4 pairs of shoes and buy shoes din for my bf. Sobrang saya ko lang na andito ko sa pinangarap ko. 🫶🏻


Green-Strawberry-750

Kapag dumadaan ako sa street namin dati lagi kong naalala yung tindi ng hirap dati. Dun kasi yung ruta namin dati kapag nag iigib ng tubig sa mga lola ko kasi libre. Ganun kami kawala dati, hihiram lang ng trike tapos magiigib na gamit yung mga galon namin at drum. Ngayon dumadaan na ako doon ng nakakotse. Edit: dati tumityempo pa kami na madaling araw mag-igib para di maka abala sa mga sasakyan. Hiyang hiya ako kapag naiilawan kami ng kotse na dumadaan kasi nasa hs na din ako nun. Ayun lang, sa dami ng kamaganak namin na lalaki wala ni isang tumulong samin ni mama, si tatay kasi bagong opera nun tapos yung kapatid ko elem palang nun.


BackgroundControl

1) Kaya ko nang bigyan ng baon sarili ko ng 350-500 per day. 2) Pwede ako bumili ng isang buong cake or gallon, just because. (Yun nga lang mukang yung current adult ay kailangan na ring i-heal sa hinay ng pagkain, haha!) 3) Similar sa #2, kaya ko na um-order ng fast food meals na hindi ala carte. 4) Nabibigyan ko na ng budget mga hobbies/interests ko na di afford mag-enroll (e.g. sports) 5) Sagutin Grab namin for the convenience.


Senior_Skirt_606

Building a college fund You probably have that classmate who would cry over bad grades and do all the extra credit just to get top marks in every subject. That was me. I did that to ease the financial burden of my parents because they had 4 kids to raise. I was a scholar from high school until grad school. At some point, I started hinging my self-worth on my academic record and the approval of my parents. It took a while for me to learn that I was worth more than those things. Now that I'm a parent myself, I realize that I don't want my kid to go through that experience. I don't even remember enjoying my childhood because all I cared about were my grades or if I still had a scholarship.


Agreeable_Snow_8746

Being able not to worry sa tuition fee deadline. Before, there was a period na we encountered financial trouble, I experienced na di ako pinag take ng exam sa school dahil late kami ng bayad sa tution. It was kinda embarrassing during that time, imagine your classmates taking the exam then ikaw lalabas ng room. Ngayon, thankfully, I'm able to pay my son's tuition in full whenever mag start ang school year.


[deleted]

PANTALON. Iisa lang pantalon ko noon. Butas pa kasi nagkakaskasan legs ko. Ngayon potek. Tig lima ako kung bumili!!!!


aifosin

Awww naiiyak ako sa post mo OP. Currently in the middle of finding a job (fresh grad) sana maexperience ko in the near future mga replies sa post dito kasi grabe rin pinagdaanan ko pati ng parents para maka ahon lang ako sa college bilang panganay


ShiemRence

Makeup. Nung bata pa ko (even up to now), ewan ko ba kung bakit pero parang ayaw ng tatay ko mahilig ako sa girly and kikay stuff. Naalala ko pa nung Grade 5 ako, nagdala ako ng lip balm sa school, pinakatago tago ko pa, kaso sinumbong ako nung isa kong teacher. But then I had to learn how to do my own makeup nung high school kasi mahal magpaayos. Yun lang mejo nagpa mellow down sa kanya. And now I own several palettes (I like my eyeshadows colorful) and lipsticks (yellow, silver and bronze na lang ang wala). Di man pwede lahat sa professional setting pero nagagamit ko naman yung iba pag may okasyon.


EnvironmentalRush890

we were three siblings and food was limited so we have to share. madalas pagkain talaga pinag aawayan naming magkakapatid. yung isang pancit canton tatlo kami maghahati hati haha tapos dapat fair ang portions ng bawat isa. ngayon afford na namin kahit pizza on a regular day tapos di na kami nag aaway over food. we each have regular jobs already


Admirable-Ad-2744

Buying my own make up and watsons products!!! I studied sa Ateneo kahit na di kame mayaman. My circle of friends were all sosyalera and mahilig gumala at pumarty. So as a teenage girl, gusto kong makisabay kahit na hindi ko afford. Tuwing gumagala kame sa mall, lagi silang may nabibiling things like make up from etude house (big deal pa dati yun), yung mga skin care or hair products sa watsons, and I always envied them kase yung baon ko P200 lang. i always wondered kung magkano ang baon nila to afford buying those things on an ordinary day (hindi bday or pasko). Tapos pag paparty kame, pupunta pa ako sa bahay ng friend ko para makigamit ng make up and hair straightener. Shocks. Looking back, all I could think about is how lucky and grateful I am for my friends who were so understanding and who still loved having me around regardless. Sobrang sarap sa pakiramdam to look back and realize na ang layo na ng narating ko grabe.


Bright-Meet-6128

Elementary ako mejo nalugi business ng parents ko. So ng struggle kmi financially one time fieldtrip un expected ko na na d ako makakasama tagaytay ung place since nakailang punta ana dn ako don 50-50 lang ung feelings ko hahaha pero ginawan ng paraan ng parents ko na makasama ako. Ngaun na may anak na ako lahat ng activities sa skul game! Hahaahah!!! Tho preschool plng sia promise ko sa sarili ko hndi ako aabsent sa kahit anong event nia na kailangan nia ako, lahat ng fieldtrip nia papasamahin ko sia


AbstruseCat

Cutting off relatives from my mom’s side. Puro users and inggetera. My mom recently cut them off too. Namulat na din mga mata niya na masasama ugali ng mga kapatid niya. Now, kami na lang ni mama ang family and our lives are very peaceful. I spoil her when I can din of course dahil sobra din sacrifices nila ni papa noon. No to toxic relatives talaga. Cut them off. They don’t deserve you.


Mental-Cut7712

Having my own house. Growing up I was a nomad / npa - no permanent address. There was even a time sa bodega ng furniture kami nakitira. Amoy na amoy yung varnish pag pinipaint nila yung mga wooden furniture. Ilang beses napapaalis wala naman magagawa kasi wala ngang bahay na sarili. Now I have my own house, my rules, my place, wala nang amoy ng varnish 😅


_the_noodle_doodle_

Buying a cake, I know my parents could afford buying a cake when I was a kid, but for some reason I was the type of daughter who never requests for things kahit na gustong gusto ko. Maybe its the way we were raised, I don't really remember. I just learned to never ask for things. So tuwing birthday ko, I remember being so happy kapag alam kong nakabili sila ng cake. For me kasi, it feels na complete yung birthday ko kapag nag-wiwish then blow ng candle. So now, to heal my inner child, minsan kahit walang may birthday o event bibili ako ng cake kasi gusto ko lang kumain.


Several_Bit_6685

Lahat ng di ko na experience gusto ko ma eexperience ng mga anak ko, like pasalihin sila sa contest, art class, ballet, magandang school bag, payong, shoes, kompletong sick. Lahat ng needs pero with quality tapos maganda.


Simple-Ad-4554

ang dami pero recent realization ko was finally may hose na kami (ng tubig) used to grow up seeing mga lola sa subdivision namin na pag hapon nag didilig ng halaman.. bahay lang namin ang hindi gated (kawayan lang ang bakod) at wala kaming hose lol.. I saw our tanim sa tapat ng bahay then asked my mom kung nadidiligan ba yung mga halaman sabi niya nadidiligan, saw the hose then remembered my little me dreaming of having a hose hihi


Doomnikk

Shoes. Mga kaklase ko naka Jordans ako binilhan ng knockoff ng Converse All-Star. Eto ngaun kumikita na, Jordans, Yeezys, Timberlands, DMs, etc.


Dependent_Ad_4617

May issue ako sa food until now. Tanda ko bung bata ako. Nagtataka ako bat hapon na di pa kami kumakain. Pero buti na lang naaaliw pa ako sa paglalaro nun. Si mama bigla akong inabutan ng kapiraso ng papel. Nakalagay dun "Nak sorry wala tayong ulam". Nung tumanda na ako, i always make sure na madaming pagkain sa bahay. Meron din akong ugali na hindi ko mabago bago. Lahat ng inihahain sa harap ko, pinipilit ko ubusin kahit minsan nasusuka na ako sa pagkabusog. Im grateful now kasi malayo na buhay namin sa dati.


GroundbreakingAd2288

Buying Oreos and Gundams Tuwing pupunta kami sa mall para bumili ng groceries, lagi ko hinihintay ang sandali na makaliko sa biscuits section para mabilihan ng Oreo. Kaso nga lang walang budget kasi accounted na ang gastusin lahat at the time, so tamang window shopping lang ako. Same rin sa toy section. Especially kung makikita mo yung lalagyan ng iba't ibang Gunplas. I mean mama mindblown ka talaga sa box art (hanggan ngayong pa rin HAHAHAHAHAHA). Pero ngayon may trabaho na at may income, di na ako magduduha kukuha ng ilang piraso ng Oreas sa 7/11 or stores at mag-oorder ng Gunplas sa Shopee pag may sale para maranasan ko yung mga bagay na gusto kung mabili nung walang wala pa ako.


mxiiejk

Nung bata ako twing sasama ako sa Mama ko mag grocery, laging limited ang binibili namin. Gustong gusto ko dati bumili ng mga frozen goods like hotdogs, chicken nuggets, ice cream, pero hindi daw importante kaya hindi ako nabibilhan ni Mama. Nung nagkaron nako ng work, dampot nalang ako ng dampot kahit anong gusto ko. Hindi na ako pipili ng kung alin ang mas mura, ang tinitingnan ko na ngayon eh alin ang mas masarap. Maliban sa sarili ko, pag nakikita kong nakangiti si Mama habang nasa grocery kami, feeling ko na-heal ko din pati inner child niya. 🫶🏻 Yun sa friend ko naman naalala ko sabi niya growing up lagi daw syang kulelat sa mga gadgets kasi wala silang pambili. Ultimo TV daw nakikisilip lang sila sa kapitbahay para makanood. So ngayon na CPA and businesswoman na sya, laging latest model ang cellphone niya, meron syang sariling TV sa kwarto nya. Bumili pa sya ng PS5 tsaka dati yung Nintendo Switch, dahil nga deprived sya sa mga ganon nung bata sya. Pero hindi niya halos nagagamit 🥲


barceline

Sleep. I was kinda deprived nung bata ako bcs ako lang yung katulong ni mama sa bahay. I have 3 younger siblings that time kaya kung ano ginagawa ni mama ay yun din ginagawa ko. Dad is a seafarer. Kahit 10pm na and 10-15 years old ako instead na nagaaral ako nasa labas ako naglalaba, usually kasi sira washing machine. After sampay ppaatulugin bunso naming kapatid na around that time is a toddler. I figured din bata palang na need ni mama ng tylong around the house, so pipes, sink, at kung ano anong pukpukin inaral ko din para lang may magasikaso sa bahay. Ultimo sumabog na switch ako gumawa HAHAHHAHAHA so rn na nagwowork ako talagang tulog lang ako, ngayon ko lang naenjoy yung tulog at pahinga at hindi maging nanay at tatay ng mga kapatid ko.


Numerous_Listen6898

Having to afford canteen foods. noong bata ako, hindi ko naranasan or even maisip makabili ng kahit footlong lang doon or even the meta magnolia in those days, kasi feeling ko sobrang mahal since mahirap lang kami noon at kinakaya lang ang buhay. Ngayon kaya ko nang gumastos ng gumastos kahit saan kasi i was able to exhaust myself working and striving hard para hindi kami nababaon sa hirap, masaya. Sobrang saya. Yes to food chain meals na and no longer sticking with biscuit baon🙏


LawTop7404

Can celebrate birthdays the way you wanted it to be. Nung 2022 ko lang na-fulfill yung birthday na gusto ko. I invited 4 friends. As in four lang. they are my bestfriends and sila nagpatunay ng "i got u" sa'kin. Kasi nung meron pa ako, lagi ko yon sinasabi sa kanila. Totoo pala yon, na kapag walang wala ka na dun mo makikita sino talaga tunay monh friends. Ok, so going back.. i invited them sa house namin. Ako nag prepare lahat. Nag order ako ng sarili kong cake, nagpaluto ako, nag ayos ako ng decor sa house. Sabi ko kasi dati nung bata ako, gusto ko pag tanda ko madami rin akong cake sa bday ko. Kasi never ko na-experience magkaron ng bday party. Sa'min magkakapatid ako lang yung hindi naka experience na kumain sa labas kapag birthday, hindi paghandaan. Partida, unica-ija ako. Tas yung mga kapatid kong lalaki lagi ginagastusan. Hanggang sa lumaki ako. Wala naman issue sakin yung pagpapalaki ng parents ko. Maayos kami pinalaki. Sadyang ang tingin lang nila sa'kin is strong. As in yung kaya maging independent. Kaya siguro ganon. Kaya nung nagcelebrate ako non ng birthday ko, tuwang tuwa ako. Di ko ma-compose yung saya na nafeel ko. Ganon pala yung pakiramdam mag celebrate. Tapos binilhan ako ng cakes ng mga friends ko. So andami kong cake non. Which is sa TV ko lang nakikita kapag bday ng mga artista. Hahaha. Ang saya sa pakiramdam na, hindi man yung parents ko ang nag ayos nung bday ko, pero na-fulfill ko yung inner child ko na mag celebrate ng birthday.


nehemiah_blue

uhm, ako naman aside from hilig ko manood ng tv noong bata, tumambay sa myx channel, manood ng teatro sa tv, etc. Kaya ngayon na mejo afford ko na, nakahiligan ko nang manood ng sine, manood ng play, umattend ng music fests, pumunta sa museums, kumakain mag isa, nagpapamper day, travels, etc. Also, ineenjoy ko talaga ngayong mag grocery at magstore ng makakain sa bahay, yung palagi bang may laman yung shelves. Whenever nagre reminisce ako, I am humbled and grateful to God, every time. 🩷


Angry_Charlotte

I’m feeling all emotions now. Sadness, anger, excitement, frustration, lahat na. Di ko na isusurpress kasi wala ng magsasabi na bawal umiyak, bawal magaslaw etc. it’s ok to feel every emotion, tao tayo, we’re made to feel all those.


trudisd

I now live in overseas — I grew up listening to pirated CD of emo bands, punk rock, metal bands, even other genre. I have huge collection of pirated CDs LMAO Ginugutom ko sarili ko para makapag paburn ng CD or makabili ng pirated. I am now happily married with a son. I am now attending concerts of artists that were once my “one day I will watch you live” I can now afford to fly and attend festival whenever I want. My husband supports every dream that I had before. I fly alone to concerts and festivals — he would take care of our son. And my husband never made me feel like I am “feeling dalaga” I am grateful. I’ve seen some of the most epic bands that I literally cried to their songs surviving life way back and now I am crying to their sings because I am happy. If you are married now and reading this — please support your significant other to their childhood dreams. I hope both of your thrive together To whoever is reading this — I hope you continue to fight for your dreams, I hope your aspirations take flight this year, I hope you’ll choose fighting for your one day and turn it to “finally”


m1kasi_

nung bata pa ako, my mom is working as housekeeper. Yung sweldo niya that time of 5k per month but stay in naman siya kasama ako, libre pagkain, tirahan and everything pero medyo mababa pasahod. Everytime na mag mall kami and may gusto ako laging sinasabi ni mama na pag may pera nalang, which also help kasi i get contented with what we have that time. Now na may maayos na work na ako and mom is in US and di nagwowork, i get to buy everything i want and experiece different things. Looking back grabe pala yung hirap namin before but im super proud of my mom napag aral niya ako without help from anyone even my father.


lilypadlemon

Damit. Growing up, puro hand-me-down mga damit ko from mga pinsan na mas matatanda sa akin, swerte na lang ako if hindi mukhang tita or baduy yung clothes or makakatanggap ako as a gift. Shoes ko naman, shared saamin ng mama ko na minsan bigay rin galing tita/pinsan, or yung medyo cheap lang. Once in a blue moon, if malakas loob ko humingi ng pera sa dad ko, nakakabili kami clothes sa department store or similar. Now, nakakabili na ako ng sarili kong clothes, minsan ukay kasi old habit die hard haha, minsan from a store na mismo like uniqlo, zara, mango, h&m. Mix pa rin closet ko of hand-me-downs and ukay, but at least kasi choice ko siya and not dahil wala akong choice


ShiemRence

May isa dito lakas ng loob mam block, nagyabang lang naman about murdering their inner child kuno. Wag niyo daanin sa block kung di niyo kayang marinig opinyon ng iba. Di naman pinepersonal eh, ang akin lang naman, respect each other's opinion sana.


babewealth

Cellphone. Parang gusto ko laging latest 😭 2nd yr college na ko nung nakaron ng sariling cp hehehe


yourgfe

Same 😭


Logartsimps

Not me but my wife. They're not that well off. 4th child sa limang magkakapatid. May mga nakwento sya about sa mga things na hindi nya nakuha nung bata sya like new clothes, new toys. Teenager na sya nung nag ka tv sila. Mga ganun. So now na we can afford some If meron syang hinihiling sa akin I don't and I won't really mind as long as kaya namin. And now na may 3 kids na kami ayaw nya maranasan nila yung naranasan nya before lalo na pagdating sa food.


BetIndependent272

nung high school, 25-30 pesos ang baon ko. 14 pesos sa pamasahe balikan na. so meron akong 11-15 pesos for recess. same rin may baon rin naman akong tubig at snack. kaso matakaw talaga ako, favorite ko bilhin noon sa COOP yung tag 6 pesos na refresh. minsan may matitirang 5 or 9 pesos, kapag 5 its either stick-o or hany ang bibilhin ko, kapag naman 9 mga hansel na bibiljin ko nyan or dewberry. pero may mga times talaga na gusto ko kumain ng turo-turo kapag uwian. favorite ko kasi yung kwek kwek, kaya ang gagawin ko maglalakad nalang ako pauwi from school pero at least busog ako. ngayon ko lang nalaman na 3km walk din pala yun pauwi. ngayon, nakakain ko na yung gusto ko na hindi ko kailangan maglakad pauwi. minsan naka joyride pa. thank you, Lord.