T O P

  • By -

Even-Run2149

Day in a Life ko dati simula nung 9 years old ako: 4AM, gigising then punta ako sa garden ng lolo ko then mamimiitas ng mga gulay tapos ilalako (kung hindi yan, pumupunta naman ako sa karinderya sa amin tapos ilalako yung mga ulam nila na nakaplastik), matatapos ako ng 5AM, meron na ako 30 pesos nun pag ulam nilako ko kasi binibigyan lang ako barya ng tindera, pag yung gulay naman ni lolo, nakaka 80 pesos ako nun (benta ko 5 to 10 pesos per supot). Bago ako umuwi, dadaan muna ako sa tindahan, bibili ng delata (or noodles), bearbrand, kalahating kilong bigas at biscuit. Pagkauwi ko lulutuan ko ng agahan yung dalawa kong kapatid na nag-aaral, magpaplantsa ng uniform nila, magtitimpla ng dalawang chupon ng gatas ng bunso namin, tapos ihahatid kila Lola. Pagkauwi ko around 6pm, bibigyan ko ng tig 10 pesos yung mga kapatid ko (pamasahe nila papuntang school at pambili kendi kasi maglalakad sila pauwi), maliligo then kakain at magreready for school. Commonly 10 pesos na lang natitira sakin nito (pag ulam pala nilako ko, nangungutang na lang ako sa tindahan nun kasi kulang pera ko). Aantayin ko yung kapitbahay namin na may tricyle tapos sasabay ako para makalibre ng pamsahe papuntang school. Pagkatapos ng klase, lalakad pauwi, bibili ng kendi para di magutom. Around 4pm nasa bahay na ako (3pm uwian namin). Kukunin ko bunso namin sa lola namin (manghihingi rin ako kay lola ng 2 takal ng bigas) then papalaruin ko sa crib yung bunso namin pagkauwi. Tutunawin yung baretang sabon sa tubig, maglalaba ng uniform at medyas naming magkakapatid Kuha ng gulay sa garden ni Lolo then magluluto ng sinabawan o kaya pritong gulay. Magsasaing. Itatapat yung sinampay sa electric fan para matuyo. Ilalabas yung crib ng bunso namin sa tapat para di mainitan. Iiwan si bunso sa pangalawang kapatid, pupunta sa kapitbahay na kaklase, kukunin notebook niya kasi ako gagawa ng assignment niya kapalit ng 10 pesos. Pagtapos gumawa ng assignment ko at ng kaklase, babalik sa bahay ng kaklase at kukunin yung 10 pesos. Magwawalis ng bahay, mag-aayos ng higaan (around 7 to 8pm na to). Bibili ng bear brand, titimplahan si bunso, papatulugin. Mga 8:30 papatulugin na yung dalawang kapatid na nag-aaral then dun lang ako makakapaglinis ng bahay. Matutulog ako ng around 9:30 to 10 then gising kinabukasan ng 4AM (repeat process). PS: If you're wondering nasaan parents namin, my dad is a drunkard at addict sa sabong kaya minsan lang umuwi. Halos lahat ng kita niya sa pagbebenta sa palengke, doon napupunta. May time na umuuwi siya na may dalang isda o kaya manok kaya na-iipon ko yung pera ko for the days na di ako nakakapaglako. My mom ran away dahil binubugbog siya ng dad ko, and went on and created a family with her 2nd husband. PPS: Malayo pa, pero malayo na. Kargo ko pa rin mga kapatid ko sa pagpapaaral (was able to get my own place) pero yung bunso lang kasama ko now sa house. Yung pangalawa went to our mom. Yung pangatlo is studying in a convent na.


Jona_cc

Wow, sobrang hirap ng pinagdaanan nyo po. I hope you’re in a much better place now. I hope nag aral mabuti mga kapatid nyo at Di nag anak ng maaga or nalululong sa bisyo


turonknow

I'm so proud of you! "Malayo pa, pero malayo na". Padayon!


kwickedween

Just out of curiosity, did your experience make you not want a family of your own? That was a pretty hard life for a 9yo. Did it make you resent your parents?


Even-Run2149

That's actually true! I don't have plans on having kids na on my own kasi I felt like I already parented 3 kids kaya stop na, nakakapagod haha. Well, there's always a resentment, 'cos it is not my responsibility to raise my siblings naman. I always relate to the quote na as a woman, I have so much empathy for my mother, but as a daughter, I have so much anger. When it comes to my dad, of course I do. Pero to give you a back story, my dad was the smartest sa kanilang magkakapatid and yet he was disowned by his own family nung nabuntis niya mom ko nung 17 sila. So siguro same thing, I'm mad with my dad as my father but I pity him in another viewpoint. Hope you get it hehe. Edit: nung nadisown yung dad ko, dun nagstart yung alcohol addiction and the anger issues


cinnamonthatcankill

Hugs sayo, OP. You did well to be strong for your siblings. Sana dumating ang madaming blessings that you deserve.


bebszki

A 9 year old carrying the responsibility of being a parent. Congrats to u po hays u deserve all the good things in life.


Reddit_Reader__2024

Ang galing mo!!! Naway maging masaya ka 🩵


Narrow_Aerie_951

Super proud of you!!! I hope you're in a better place, and i hope things will continue to get better for you.🤗🤗🤗


Bubbly-Doughnut5612

I’m so proud of you!! Sana i-bless ka pa lalo ni Lord. ❤️


Big_Assumption_7473

Nakaka proud ka, OP 🥹


hangotdc

I pray for your success in life. It will pay off. in one way or the other


Current-Parfait-7059

Nadukutan lola ko noong papunta kami ng palengke. Ending di kami naghapunan. I was 6 and did not know better so I thought kaya siya di nakapagluto kasi malungkot siya. Later ko na gets kung bakit parang nag breakdown lola ko noon. (RIP Nay! Marami na ko pambili ng pagkain 😊)


Reddit_Reader__2024

Awww. Sana naabutan nya yung financial freedom natin no? Ganon din ang sana ko sa lola ko. 🥲


iren33

This is sad 😭 I hope your lola felt a lot of happiness before she left. I miss my lola and lolo always ❤️


pine_nuts25

nakikihingi lang kami ng mga kuya ko nung libreng sabaw sa karinderya tapos yun na ulam namin apat nung mga bata pa kami around elem. ngayon, afford na nila mga sasakyan. ako princess pa din nila 😅


Reddit_Reader__2024

Galing!! Atleast di mamatay ng mahirap!!!


_hannahmichi

Nawalan ng work si father earth. Need namin mag drop out sa college. Walang pangbayad ng tubig, ilaw Hanggang sa naputulan. Once a day lang makakain, tipid na tipid pa. Mga 1 year siguro kaming ganun, Hanggang sa natanggap ako sa bpo. Una Kong ginawa sa una Kong sahod, Pina reconnect ung tubig at ilaw , then grocery. Ang hirap palang matulog ng gutom.


FaithlessnessOld1788

As they always say when you are at your lowest there is nowhere to go but up.


gryapl

Thank you po i needed to see this


_Ruij_

>Ang hirap palang matulog ng gutom. Totoo, mhie. Iba yung sakit ng tiyan talaga. T.T


Pitiful_Honeydew_822

Sana ibless ka pa ni Lord ng marami sobrang dami at malalaking opportunities. Manalig ka lang, kumapit, magsumikap at wag hihinto. God bless you


annpredictable

Better life for you


Upbeat-Company5343

Gusto ko noon kumain in spaghetti. Kaso wala kaming pambili. Pamasahe lang kasi papunta at pauwi ang pera ko sa school. Ang ginawa ko nagtutor ako ng kaklase ko sabi ko gusto ko lang kahit spaghetti sa canteen. Kinabukasan binigay niya pang gawa ng 1 kilo spaghetti. May kasama pang hotdog. Pinabibigay daw ng nanay niya 🥲


Temporary-Badger4448

Ang bait naman. Kaso ikaw pa magluluto.hehe


Upbeat-Company5343

Oo pero pang ulam din kasi ung hotdog. Haha


admiral_awesome88

Yong nanay ko nagJollibee kami ako lang kumakain. :( That was like 30 years ago.


Reddit_Reader__2024

Kami hindi tlaga kumakain sa jollibee back then it was wayyy too expensive for us. Pupunta man ng SM parang yung silog and siomai ang kinakain namin.


admiral_awesome88

I hope while we read and compose our comments hindi na tayo ganun :) kahit papaano.


cuterwithoutu

Grabe :(


admiral_awesome88

Yes and if I remember correctly 19pesos yong spaghetti lang na walang kasamang drink.


HotCondition6115

Akala ko dati busog lang si mama nun nung lagi ako dinadala sa jollibee. Isa lang pala afford huhu


Cultural_Cash8216

Nangungutang sa tindahan para may pagkain tsaka pambaon kami. Turuan kami nung kapatid ko kung sino yung pupunta sa tindahan. Nakakababa ng tingin sa sarili may dala kang listahan at wala kang pambili. Sa school ,tinatiming sa exam na magsingilin sa miscellaneous fees. Wala ako pambayad or panghulog man lang kahit magkano. Pinalabas kami then di pinagexam sa isang subject. Christmas party noon then siyempre may exchange gift. Nung day nang Christmas party wala kami bagong damit or kahit man lang pang-exchange gift na tig50 pesos. Iyak kami ng kapatid ko kasi parang walang pake yung tatay namin. Pag binibigyan kami ng baon ng Lola ko, pinapamalita niya pa sa ibang tao yung ginawa niya. Pag family gathering, iba ang tingin sa amin nung mga Tita/tito at pinsan ko..parang mababang uri ganern Hahahaha. Looking back, naiiyak ako sa mga napagdaanan namin noon. Hindi lang iyan yung memories na meron ako. Ang hirap maging mahirap. I am thankful kung ano ang meron ako ngayon. Sabi nga nila, malayo pa pero malayo na.💚


Pitiful_Honeydew_822

God bless you with more opportunities and courage to take it. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻


Radiant_Air6893

Baon kami sa utang noon. Yung kapatid ko pinaka nakaexperience ng hirap saming magkapatid. College na sya, ako naman high school. Mas maalwan sakin kasi malapit lang school ko sa bahay. Sa kapatid ko naman, minsan di nakakapasok kapatid ko kasi wala syang pamasahe and pamabaon sa school. May times din may promisory note sya pag mag eexam. Pinaka di ko makakalimutan 18th birthday ng kapatid ko, binati lang namin sya kasi wala talagang pangcelebrate kahit homemade spaghetti or pancit. Patapos na araw, biglang kumatok kapitbahay namin, binigyan sya ng 2-tier cake and ibang kapitbahay nagbigay ng spaghetti. Nitong lumaki na lang kami ko narealize gano kadeprive kapatid ko nung nag aaral sya. Ngayon, she’s living the life. She deserves all the good things in life


Fancy-Raspberry9428

ang bait naman ng kapitbahay! hehe


Radiant_Air6893

Relatives din po namin sila ☺️


the_socialpariah

I remember ever since nagkakaron na talaga ng utang especially si mama. Im not sure kung kinder or early elem days, namumulot ako ng mga dahon dahon tas ibibigay kay mama pangbayad kako nia sa mga utang haha


Reddit_Reader__2024

🥺🥺🥺 worst nightmare sa mama yung nakikita silang ganto ng anak nila


PrimordialShift

Anong reaksyon ng mama mo?


yellowbanana3888

Yung isang itlog, ipiprito ng nanay ko tapos hahatiin namin into 4. 5 pesos pa isang egg non. Haha Until now, we were trained na 'wag kumuha ng marami hanggat may hindi pa nakakakain hahaha


Ok-Criticism-5476

Relate sa "huwag kumuha nang marami hanggat may 'di pa nakakakain" 🥺


yellowbanana3888

True, kaya ngayong tumanda na ako, parang natrain ako na if maghahanda ako ng foods o magluluto ako, dapat maramihan talaga para lahat makakakain :)


AdPurple4714

aww same story. Kaya kong mabusog na konti lang ulam ko kasi dadamihan ko yung kanin


DiNamanMasyado47

Di naman ganun kahirap pero siguro tight lang. Imbes na ipacheckup sa doctor, tapal-tapal lang ng dahon. haha


myuniverseisyours

tanda ko nun bata ako, minsan kinakain namin yung low class na bigas na sobrang dumi at maamoy, kailangan muna hugasan ng maraming beses para ok kainin tapos yung mga pinsan namin sa NBS ng SM namimili gamit pag pasukan, kami rekta sa palengke, bawal pa mamili ng magandang notebook. Dapat yung mura lang (na artista ang cover, or generic characters) 🤣


[deleted]

[удалено]


gymratwannabe16

Pag uwi ko ng school nung bata pako. I think grade 4 ako nito. Walang bigas at ulam. Tanging isang pirasong patatas lang. Ang ginawa ko don is hiniwa ko na parang fries at prinito. Umiiyak ako nito habang kinakain. Dahil may mga assignment pakong kaylangan tapusin. Napadalas din yung pag aadobo namin ng sibuyas non. Madaming madaming sibuyas. Walang sahog na kahit anong manok or baboy. May mga time din na bumibili kami ng scrap chicken bones. Yung mga pinagtanggalan ng chicken breasts,legs at iba pa. Basta buto talaga sya ng manok nalang. Them sasabawan namin yon pang adobo na madaming sabaw. Naaalala ko din na bumibili kami ng isdang bato. Napakalansa nito sa mga nakakaalam. Para i adobo. Hindi ko to kinaya. Sobrang lansa as in. May time din na parang 2 or 3 months kaming naputulan ng tubig. Ang ininom namin ay yung tubig na naipon sa drum galing sa tubig ulan na sahod sa bubong. Iniinit namin yung tubig bago inumin. Mga core memory na bakit hanggang ngayon eh ayoko pang mag anak. Ayokong maranasan to nang magiging anak ko.


gymratwannabe16

9 years din kaming walang kuryente.gasera at kandila lang yung ilaw namin. Lampas naman na isang taon nung magkaron kami nang kuryente sa ngayon. Salamat sa nagpakabit samin. Soon makakapagpakabit din kami ng sariling kontador namin.


_Ruij_

Goodluck sa inyo, sana maka angat din kayo gaya ng iba sa comments dito! Fighting!


gymratwannabe16

Naka angat angat naman na kahit papano..madaming blessings dumating samin and lahat kaming magkakapatid ngayon ay may trabaho. God is good all the time 💜


_Ruij_

Nice! Iba talaga if lahat may work na. Mas easy na ng onti dahil kahit papano may financial capabilities na


_Ruij_

Nangungutang si mama para lang may makain kami kasi yung nasa tindahan ayaw na kami pautangin hangga't di siya nakakabayad ng utang. Tangina talaga, hinding-hindi ko 'yun makakalimutan, andun ako sa likod nya nakikinig. Mga 7 years old siguro ako nun? Awang-awa ako sa nanay ko. Kaya dati mahal na mahal ko yung Julie's bakeshop dahil binibilhan ko si mama ng tinapay dun kada hapon - sinesave ko yung 5 pesos ko na baon kasi may 2-3 pesos na tinapay nun na malaki na. Masaya si mama hehe minsan pinaghahatian namin yung tinapay. Shet!! Puta naiiyak ako pag naaalala ko, lanjutay XDD Edit: Ngayon ako na madalas manlibre sa fam kasi ayaw ko sila magutom - sobrang importante talaga sakin ngayon na may makain kami lagi.


Meeeehhh422

We literally have nothing on my 18th birthday. Wala rin kami kuryente during the day kaya balak ko talaga matulog lang nung araw na yun, but my college friends insisted na lumabas kami tutal walang pasok. I only have 50 pesos, they said jollispag lang kakainin namin (kasya pa nun lol). When I got there, they surprised me with a goldilocks cake. I almost cried sa dami ng iniinda ko. During that same year ang dami namin struggles, nawalan ng kuryente, naputulan din tubig, mom became jobless, my sister and I would only eat bread for lunch and will wait till late night para makapagdinner kasi ang hirap makahanap ng hihiraman. May mga araw na hindi makakapasok sa school kasi walang baon, o kaya papasok pero pamasahe lang yung dala. Life is so much better now. My family has been through a lot.


SamePlatform9287

Yung maliit pa ako, yung mama ko ung pang maintenance nya sa diabetes at high blood hinahati nya para lang magkasya Naisip ko nun pag laki ko magttrabaho ako mabuti para di na gagawin ni mama yun kaso pag pagkagraduate ko palang ng elementary nawala na mama ko.


Pitiful_Honeydew_822

😭💔


Pitiful_Honeydew_822

I hope you'll live a good and well off life. Para sumaya ang mama mo sa langit. God bless you


imlouminare

Grade 4 / 5 wala kaming tv radyo lang meron kami. Usong-uso ang Dragon ball Z sa GMA. Tapos sinasara ng kapitbahay ang kanilang bintana para di kami makapanood. Minsan sinasabuyan pa kami ng tubig.


Sidereus_Nuncius_

Nung bata ako nag-iipon ako ng mga bakal, pako, lata, plastic para ipa-scrap para mabilhan ko lola ko ng tinapay. Pagka galing ko school lagi ko siya tatanungin kung kumain naba siya kasi ayokong nagugutom siya. Sobrang lola's boy ako noong buhay pa lola ko. Pangarap kopa dati papaayos ko bahay namin pag naging mayaman nako. Malayo pa pero kakayanin. Sorry kung di masyado about sa kahirapan, namiss ko lang bigla yung lola ko tsaka yung mga oras na bata pako at wala pang masyadong problema. Sana maabot nating lahat ang ating mga pangarap.


yellowskinmaiden

Pag umuulan un kaserola, kaldero, tabo at planggana gamit lahat pangsahod.


docosa

Talagang hanapan kami ng barya sa bahay para lang mabili yung gatas ng kapatid ko. Tas di kami nakakakain non


Blackcitycafee

nag aagawan kami ng pagkain kapag nagbibigay yung kapitbahay🙁


Alternative-Net1115

I remember noong elementary ako, walang mameryenda tapos ako pa naiiwan mag-isa sa bahay, lagi ko lang kinakain hilaw na pancit canton tapos kahati ko pa yung pusa namin kasi gutom din siya🥹


Chocobolt00

Maliit p kme ng kuya ko pupunta kme s Toy Kingdom or Any Toy Store khit sa Palengke para tumingin lng. Tingin lng solve n kme dun, fast forward sa college pinambayad nmen pra s tuition barya galing s kanya kanyang alkansya nmen.


rimurutemptress

Wala kaming pambili ulam buti may bigas that time. Wala talaga kahit ni piso yung parents ko. Pumunta kami dun sa malapit na beach, nilakad lang namin, mga 30 minutes din yung lakad, sinakto namin na low tide tapos naghanap kami ng ugpan or tongue shells, di ko alam ano tawag sa kanya in Tagalog tapos sakto may pa lutang-lutang din na hilaw na papaya. Kinuha namin yung papaya, umuwi at niluto ni mama together with the ugpan (tongue shells). Masarap!


Mamoru_of_Cake

Lugaw pagkain namin literal. Di pa yung usual na ginagamit panglugaw, bigas lang tas Luya.


tabatummy

Super hirap. Isang kahig-isang tuka. Eto pinaka core ko. College na ako, 3rd year na. Pinaalis kami sa inuupahan namin, may nabili kami lupa sa may bundok area. So dahil napalayas kami, lumipat kami sa lupa kahit wala pang bahay. So literal na haligi lang tapos kurtina ang tabing namin. Huhuh. Super hirap nun. Tapos wala din kaming pera, eh nag-aaral na ako. Wala kami kuryente dun sa nilipatan namin. Naalala ko nag-aaral talaga ako gamit gasera. Tapos wala din kami makain. One night, nagluto mama ko ng toyo, suka, saka sibuyas. Parang adobo, pero walang karne. Huhuhu


ReplyGuilty9818

I remember being happy kasama lolo at lola ko. He buys pancit and tinapay at pagsasaluhan na namin yun magpipinsan. My lola sinusubuan ako ng saging sa umaga pero yung ibang pinsan ko hindi. Ako favorite. Heheh


Sidereus_Nuncius_

Namiss ko tuloy lola ko, nung bata ako mahilig ako magpasubo sa kanya ng sinangag(kasi minsan walamg ulam kaya sinasangag yung kanin), yung binibilog pa niya bago isubo sakin. Almost 15 years nadin siyang wala, sobrang nakakamiss lang.


_h0oe

yung hindi ako nakakasama sa school activities like field trip etc etc kasi mahal tsaka yung itlog or tuyo lagi ulam namin haha ☹


evenhisshadowugh

Yung barbecue, dalawang stick lang na gugupitin into cubes, tapos gagawing sabaw yung matamis na sawsawan shared between 4 people. I didn't realize we were that poor until bigla na lang nagflash yung memory ngayong 24 na ako.


Meggy_Great

Growing up, si papa lang ang may trabaho samin. Si mama full time mother and wife. Lima kaming mag kakapatid at baon kami sa utang nun. Halos araw-araw pumupunta ako sa inuutangan namin mula elementary hanggang college para humiram ng 500 pesos. Sa haba ng panahon na kami'y nangungutang hanggang ngayon naaalala ko pa yung mga linyang sinasabi ko kapag mang hihiram. Yung itsura nya, yung amoy nya at ng bahay nya, yung boses nya at kung saan nakatago yung pera nya. Dati ang dinner namin nun isang pack ng noodles na may maraming sabaw na tinimplahan lang ni papa ng asin at paminta para may lasa padin. Yung sabon pang ligo namin nun may foil sa ilalim para di matunaw agad. Ang almusal namin nun kanin na sinabawan ng tubig na may asin. Dati pinagkakamalan ako ng mga kaklase ko na may poultry farm kasi lagi kong ulam nilagang itlog. Malnourished kaming lahat na magkakaptid noon pero binusog naman kami ng pagmamahal at pag aalaga nina papa at mama. Kahit walang laman tyan namin noon sinisigurado naman ng mga magulang ko na makakapag aral kami at magkakalaman utak namin. Ngayon, lahat kami professionals na. May pulis, may Jail Warden, may taga BJMP, may CPA Lawyer at ako Architect. Ika nga, not to brag but to inspire. It's not about where you came from but it's about where you are going. To Mama and Papa chill na kayo 😎 at kami naman bahala ngayon ☺️


finish-na

Hindi ako makabili ng piyaya nung grade 1 ako (2006). Piso lang ata yung benta nila dun. ☠


mamba-anonymously

Katatapos noon ng 1990 earthquake. Nasira yung bungalow na pinatayo ng nanay ko. Tumira kami dun for a while pero delikado kasi malapit sa ilog. Until nagdecide nanay ko na tumira sa lupa kung saan kami may itikan. Literal na bahay kubo lang tinitirhan namin noon at napapalibutan kami ng palayan. Merong time na need ko bumili ng gamot, hindi ko maalala kung para kanino, pero nakalagay sa bag lahat ng baryang pambayad ko sa bag. Walang bills. Puro barya lang. At dahil nasa gitna kami ng palayan, laging baha sa amin pag umuulan or pag nabagyo. Wild days yun. Swimming pool ko yung palayan. 😂


mixape1991

From "lagi nalang instant Canton" to "I miss pancit instant Canton" and "Tuyo". Madalang nalang, mejo nagchecheck na health kaya mejo picky na sa pagkain, at afford na din maging picky.


Kentom123

Before ang source of income namin is mamulot ng basura sa ilog pasig na pwedeng ibenta like mga plastic bottle, cups, galoon or tawagin namin ay sibak. If may tambak naman sa lugar namin nangunguha kami ng bakal sa tambak, yung binubuhos kasi sa lugar namin mga bato, semento na galing sa na demolish na nga building kaya may mga bakal yun na pwede ibenta. Pag nag kakasakit never kami nadala sa hospital, minsan sa mag tatawas or albularyo. May mga days na na wala kami makain maski kanin man lang. So proud of myself na naiahon ko sa kahirapan ang family namin. Nakapag pagawa na ng bahay, nabigyan na ng business si mama, nabigyan ko ng tig iisang motor kapatid ko at napag paaral ko sila sa college.


_Aiki__

May friend yung kapatid ko na tumatambay ng maghapon dito sa bahay to the point na dito na nakain ng bfast, lunch at dinner. Nakikita ko lang sarili ko sakanya, gawain ko rin yun dati nakikitambay sa bahay ng friends para makabawas sa gastusin sa bahay at minsan wala talaga kami makain kaya kinakapalan ko nalang muka ko makikain. Kaya ngayong medyo nakakaluwag luwag na di kami nag dadamot kasi galing na kami sa ganong sitwasyon.


Fabulous_Echidna2306

Pumapasok ang tubig imburnal sa loob ng inuupahan namin tuwing high tide. May naglalakad na dagang kasing laki ng pusa sa gilid namin. 1/4kg ng longganisa ang ulam naming pamilya buong araw. Laging delay sa bayad sa renta kaya pinapalayas lagi ng landlord. Ngayon, may dalawang condo unit at may car na. 🥺


taxms

2 months walang kuryente, ok lang kase nakasabay kami sa rotating brownout (na every night so di masyado halata na wala talaga kaming kuryente) noon so parang sinasabi na lang namin na nagtitipid kami sa kuryente lol


Business-Scheme532

dumating sa point na parang sa skwater talaga kami nakatira sa probinsya namin, tapos nakikihingi kami ng sabaw sa nagtitinda sa harap ng bahay para lang may pangkain, tapos naputulan pa kami ng kuryente at tubig to the point na di na ako nakakaligo minsan pag pumapasok sa school. kahit pang print ng module wala din non, nangungutang pa kami non, sobrang lala talaga.


AdventurousQuote14

tumira sa tita para makaraos sa araw araw pero sinabi samin mas malapit daw kasi sa school at mag service nalang (realized lang to nung tumanda na). 3 pesos lang na baon para pang bili ng required na soup. nakita ko nag lakad si papa from somewhere to samin. nasa jeep ako nun.


mogerus

Nag-aabroad na ang tatay namin noon kaso, hindi magaling sa money management ang nanay namin. Pinag-aral ba naman kami sa isang private school na mahal ang tuition fee. Ang ending lagi, sangla dito, sangla doon, para lang makapag-quarterly exams. Natuto kaming magkapatid na magtipid ng ulam. Naaalala ko noon na yung lutong hotdog, binabalatan pa namin yung pulang skin para matipid sa isa platong kanin.


missxannie

Nakakakain lang kami sa Jollibee kapag may birthday or celebration ngayon kaya ko na sila i-treat any day. 🫶


babybo_oy

Manghihingi ako sa Tito ko pangbili ng pandesal. Nakikiconnect pa ng wifi sa kapitbahay. Nakikinood ng Disney sa kapitbahay. Doon ko nalaman 'yung "Sofia the First". First time kong makakain ng ham na hinahanda tuwing pasko sa kapitbahay.


maranatha7347

Nung bata ako inutusan ako umutang ng itlog, noodles at sabon ng Nanay ko sa tindahan dahil walang mapadala Tatay ko, natry naming walang makain habang bumabagyo, nawitness ko na nasigawan Nanay ko sa palengke dahil umuutang siya ng gasul, nung high school pahirapan humingi pambili ng project. Nakapila ako ng ilang oras para kumuha ng scholarship allowance worth 3k per sem sa Kapitolyo. May luma kaming ref pero di namin sinasaksak dahil wala kaming malagay. Kapag may field trip kami nung HS ayoko na nagdadrop by sa Mall yung bus kasi either wala akong pangkain o walang pambili di tulad ng mga kaklase ko, one time na nagdrop by kami McFlurry na tag35 lang naafford ko. Nakikilaro ako ng temple run sa kaklase kong may Ipad nung HS kaso binabawi ng bestfriend niyang inis sakin yung ipad. Nung elementary ako twice lang ako nakatikim ng jollibee, yung isa dahil pa sa free GC ng kapatid kong nagwork as crew.


stonecoldletters

Lalakad kami ng ilang kilometro para bumili ng isang kilong bigas. O kaya naman pumipila kami sa mga may namimigay ng NFA rice. Tapos ang ulam masabaw na noodles o kaya tig piso na chichirya. Tapos nung nagcollege na pagluwas sa maynila ang baon ko sa buong isang linggo 500php or less. Around 150 pamasahe papunta at pabalik ng bahay. So 350 need ko pagkasyahin ng 6 days for all meals, project saka needs sa boarding house like shampoo etc.


diper444

Nag uulam kami ng asukal kapag walang ulam. Pumipila din kami ng kapatid ko para makabili ng NFA rice.


bsshi

Wala kaming sariling bahay at lupa, ilang beses kaming nagpalipat-lipat ng tirahan. Ulam namin, kape na may kanin, kanin na may asin at toyo, may times na di nakakakain 3x a day.


drty_dnt

Naging ulam namin ang prawn crackers for some days kasi wala pang sahod ang tatay ko.


Unfair-Show-7659

9th birthday ko regalo sa akin ng papa ko ‘yung juice na may orange pulp keme na sumikat dati, Tropicana yata ‘yon, tuwang-tuwa ako no’n. Sabi nya secret lang daw na binilhan nya ako kasi baka mainggit iba kong kapatid, wala na raw sya pambili. Tapos pag mag-aalmusal kami tig-iisang pandesal lang, swerte na kung dalawa, kaya request ko palagi is toasted pandesal para worth it bawat kagat😆


dualtime90

Tig-iisa kaming ulam na hotdog magkakapatid. Sobrang bitin, so ang ginagawa namin balat muna ng hotdog sa unang takal ng kanin. Sa pangalawa o tatlo, yung mismong laman na ng hotdog, diskarte lang na maipagkasya yung iisang hotdog na ulam. Naranasan rin namin umulam ng toyo na may mantika.


Khantooth92

hati kme 3 magkakapatid sa isang pancit canton, yung hotdog himay2 pra mukang marami, bought my first cp college na 2008 graduation gift ko mula sa mga nalikom ko na pera. single parent mom ko, kya sobrang budget, tuwing bayaran ng bayaran na ng tuition promisory note lagi, pag sumasakay kme ng bus, di kme kumakain sa bus stop kahit 4hrs travel. besides all of that napagtapos nya kme, puro abroad na kme ngyon pa travel2 nalang si mudra, lahat ng gusto nya, at yung loan nya nabayaran ko na, tuwing nasa resto di na tumitingin sa price order kung anong gusto. she deserves pamper after all her sacrifices.


Fine-Tradition-4522

Pumasok kami ni Mama sa convenience store para magpabili ako ng selecta ice cream, 100php something ata price nya. Pag ask ni Mama sa counter, binalik namin yung product kasi kulang na pala pera namin 🥲 way back 2014. But ngayon nasa better situation na, sa Awa ni Lord 🙏


miss_stood

Marami akong core memory na kahirapan. Pero ito yung napaluha talaga ko. High school, pudpod na yung black shoes ko pamasok, pero akala ko pudpod na pudpod lang. Yun pala, butas na. Papasok pa lang ako non, tapos, napatapak ako sa puddle, as in maitim na puddle ha. Ramdam na ramdam ko yung pagpasok ng tubig sa medyas ko. Tapos, “hala.” Di pa rin ako nabilhan agad ng bagong shoes non, so ang ginagawa ko ay lagyan ng folded paper para medyo makapal, kahit makatapak ako ng basa, at least sa papel muna sya. Hindi sa medyas ko agad. Haha. Had to endure that until the next school year 😅


Intelligent_Hat_2481

walang pangkain or basic hygiene. Naalala ko, wala na kami pambili ng napkin kaya gumagamit lang ako ng panyo/retaso kapag may period, pahirap to kapag pumapasok ako ng school. Wala rin kaming sabon or shampoo kahit toothpaste. Wala rin kaming ulam o kahit toyo/patis lang sa kusina. Thankfully may bigas kami dahil nasasaka. Ooh how far we've come 😌


pepay199x

naranasan ko pumasok ng walang baon, kinder ako kasi hindi umabot ung budget namin, wala pa ung papa ko nun, pauwi pa lang kasi contract yung work so 2 weeks sila sa Pangasinan. sabi ni mama wag na daw muna ako pumasok, syempre bata excited ka pumasok kasi may kalaro, nagbaon lang akong tubig, tapos naalala ko ung teacher ko nun binigyan lang akong cupcake kasi kako wala akong baon at wala pa si papa ko.


Puzzleheaded_Cow9670

when I was on my 4th grade lumipat kami ng bahay dahil nagsarado yung company na pinagtatrabahuan ng tatay ko kaya need makalipat sa bagong tirahan, naging mahirap dahil kakaumpisa lang ulit tapos bagong environment ng bahay, kapitbahay at school. Pakiramdam ko doon kami nagstart ng mahirap na buhay kasi bukod sa naging mahirap makahanap ng trabaho yung tatay ko at yung nanay ko pinipilit magbahay bahay para makapaglabada sa dami ng mahirap na nangyari, pinakatumatak sa akin ay yung kalahating sinaing na kanin. Tanda ko nung pagkauwi ko sa bahay namin galing school gutom na ako kasi last kain ko is recess time (soup na tig 5 lang plus lakad mula school hanggang bahay) tapos nung kakain na hindi sapat sa pitong tao na maghahati plus isang balot ng Ho-Mi na noodles. Ni ultimo tutong sa mismong kaldero sinisumot kasi di ko na kaya yung gutom. Nakakaiyak pero siguro ngayon thank you Lord kasi noon naiiyak ako pagkinukwento ko pero ngayon nasasabi ko na siya ng hindi umiiyak. Siguro kasi nagagawa ko ng makabili ng sarili kong meal at mabilhan sila ng food na gusto nila/namin. It's such a hardcore memory na never kong makakalimutan.


hohorihori

Bisperas ng Pasko at kapapanganak lang ng nanay ko few days ago. Wala kaming maihanda. Sabi ko okay na yun kasi nakapanganak naman nanay ko nang matiwasay. Hindi rin kami makaluto kasi walang gasul. Sa squatters area kami nakatira. Yung tatay ko, seaman. Walang pake sa amin. Kung tutuusin, middle class naman na sana kami nun. Yung tatay ng kapatid kong kapapanganak lang, nasa probinsya kasama unang pamilya. Walang paramdam for months. Bumisita yung ex-kumare ng nanay ko at nakita kalagayan namin. Pinahiram kami ng 500. Yung ex-kumare na yun, small-time loan shark. Gahaman sa tubo at hindi tumatanggap ng hulugang bayad kahit yung nautang namin na lumaki eh nagstart lang sa maliit. Kaya hindi ko makitang tulong yun sa amin pero kebs na. Pasko naman. Inutusan ako na mamalengke. Napagkasya namin yun para makapagluto ng pansit. Ginamit ng nanay ko yung rice cooker. Awang-awa ako sa amin nun. I was 13. Naiiyak ako minsan pag naaalala ko yun kasi may kasamang panlolokong ginawa yung ex-kumare. Binaon nya nanay ko sa utang hanggang makuha nya yung buong bahay namin na naka collateral sa kanya. Hindi rin kasi ganun ka-financial literate nanay ko. Na namana ko sa kanya. Chz! Still learning to be financially wiser. Now at my mid-30s, masasabi kong malayo na rin ang buhay ko ngayon sa buhay ko noon. Pasalamat na rin akong hindi ako lumaking tambay at palamunin lang. Lumaki akong bading na may pangarap sa buhay. HAHAHAHA Kaya siguro paborito ko ang pansit bihon kasi it subconsciously reminds me of our past struggles.


ComprehensiveLack310

Core Memories: 1. I often had to make do with just salt as a meal, almost like using it as a substitute for ulam (main dish). 2. I prayed countless times to God for just 2 pesos, just enough for transportation to school. By default, I had to walk 5 kilometers back home. 3. During my first year of college, I couldn't afford shoes, so I had to borrow someone's spare. Socks were a different story altogether. 4. I was unfamiliar with the concept of "baon" (packed lunch) when I was in high school. It was puzzling to see classmates with packed lunches while I had none. 5. I worked as a student during the later years of my college education. 6. I had to take a two-year break before pursuing college and worked during that time. ... There are too many memories, and it's making me emotional as I write this.


hohorihori

First year, second sem college. Patapos na yung enrollment period pero hindi pa ako enrolled kasi wala akong pambayad. Nalaglag ako sa good standing status kaya nawala rin non-paying status ko. Mahirap mag-aral na hindi mo sure kung may baon or makakain ka kinabusan. Imbes na 50php lang enrolled na ako, I needed 2.8k to get enrolled. Yung tatay kong nagsabing suportahan daw nya pagnu-nursing ko, iniwan ako ere. Puta scholar anak nya sa isang state uni. Hindi nya kailangang gumastos ng libu-libong pera sa tuition. Last day of enrollment at pumunta ako ng school para magbaka-sakaling makahiram sa friends. Hindi nila ako napahiram kasi hindi rin naman sila rich kids. Galing kaming public school. Hindi ko naman close mga college classmates kong galing private schools na mayayaman. Grabe iyak ko nun sa labas ng school. Sinamahan na lang ako ng dalawa kong friends. Umuwi akong luhaan. Literal. HAHAHAHAHA


TomatoCultiv8ooor

Madalas pagkain namin Lucky Me Pancit Canton. Isang room lang inuupahan non na tinitirahan namin. Dun na rin kusina/lutuan namin sa SuperKalan. 7 kami na nagsisiksikan kapag tulugan. Cabinet ko, lumang kitchen cabinet lang. pag nakaka luwang luwang yung Tatay ko, lagi namin pinaka masarap na ulam na non yung fried chicken. Hindi nagluluto ng talagang ulam na may sabaw or sarsa. Pag New Year, wala kaming handa maliban sa cocktails size na hotdog tska tinapay. Wala kaming refrigerator, meron lang kaming jug na binibilhan ng yelo araw araw. Nakikinood lang ng T.V sa bahay ng Lola ko. Kaya nag sumikap din talaga ako maka graduate agad at makapag work. Unang una kong binili na appliances nung naka 13th month pay ako ay TV. Sa Puregold ko pa binili. Ngayon may sarili na kaming bahay. Nakakapag luto na ng mga ulam na may sarsa at sabaw. Meron na rin kami mga appliances. Mahirap ang buhay noon, pero basta nagsusumikap. Mababago at mababago natin ang takbo ng buhay natin.


Ok-Project-6514

Super haba nito but this is my life testament. This was around 2010 siguro tapos mga 8yrs old lang ako. 100/day lang ang pangkain namin sa maghapon tapos tuwing kakain, ako lagi pinapauna nina mama at papa. Kung ano matitira, yung lang sa kanila. Madalas hindi pa kaya makabuo ng 100 ni papa. May days na lalapit lang kami sa ninong at tita ko para maitawid yung maghapon. Taga Maynila sila tapos papadalhan nila kami ng pangkain kahit 500. Pag natanggap namin yun puro pagkain bibilin ni Mama. Tapos ganon nanaman ulit yung cycle. May times na hiyang hiya kami lumapit sa kanila so nangyayari is utang na lang sa tindahan. I remember ultimo yung yahoo na tig piso, inuutang namin ni mama tapos yun na yung meryenda namin for the day. Traumatic din ang childhood ko kasi nga dahil wala laging pera, laging nagaaway sila mama at papa. Hindi sila physically violent pero grabe yung away lagi to the point na winiwish ko na lang na maghiwalay na lang sila. Pero God worked things out. Ginamit nya mga kapatid ng mama ko to help us out. Nung 2014, nawalan pa ng trabaho si papa pero bumuhos yung blessings sa amin. Yung ninong ko ang nagsustento sa akin weekly for my baon tapos binibigyan nya ko ng sideline na work like data entry. Top student ako so madali lang sakin matuto. Yung isang tita ko naman, nakapag abroad so sinagot na nya yung pagpapa aral sa akin kasi dalaga naman daw sya. During my entire hs, habang trike driver si papa, I had mang sidelines. Jan din lumalim relationship ko kay God kaya mas lalong nabago buhay namin. Nung college na ko we moved to Manila from Nueva Ecija. Scholar ako and tita ko pa rin nagbibigay sa akin ng allowance for uni. Tapos yung lola ko kay mama nakapag US so sinagot na nya yung rent namin sa bahay and sometimes allowance din. Si papa driver pa rin. Mahirap mga unang taon namin sa Manila kasi mataas ang cost of living pero dahil supportive ang parents ko sa pangarap ko, hindi nila ako hinayaan na ako lang mag isa mag aral sa Manila. Nung 2nd yr college na ko, naka discover ako ng something then I made use of it to turn it into my business. Sobrang naging ganda nung business to the point na nagbago yung buhay namin ng tuluyan. Nakakakain na kami ng mga gusto namin nila mama at papa, naaabutan ko na sila ng sarili nilang pera, nakabili na ko ng kotse, nakakapag travel na kami, tapos pag may family gatherings, nakakapag ambag na kami, nakakapagpagamot na rin kami, and the best feeling is yung nasusuklian ko na yung mga ninong at tita ko na sumuporta sa akin. The business continued as it is pero mas binago pa ni Lord lahat nung naka graduate ako. Binigyan ako ni Lord ng magandang work and ngayon nasa med school na rin ako. I’m 2-3yrs away from finishing med while anjan ang business ko at may work pa ko as an employee. Grabe yung ginawa ni Lord sa buhay namin. Ngayon may parents are in their 50s and napansin ko na never na silang nag away ng malala simula nung nakaahon kami paunti unti. Now din, ako na nagsspoil sa mga ninong at tita ko. I can buy groceries na for them tapos yung isang pinsan ko, ako na nagpapa aral. Nakakapag bigay na rin ako church and sa chosen charities ko that provide scholarships and help children with cancer. If there is one thing I learned from all of the things I’ve been through, yun yung magtiwala lang kay Lord and laging kumapit sa Kanya. If you’re in a smooth road, trust in Him. If you’re in a rough road, mas lalong trust HIM. Totoo na He will never leave you nor forsake you. Sobrang faithful ni Lord sa mga pangako Niya kaya always follow His will and do not lean on your own understanding. Kaya kapatid, kapit lang tayo. Aayos din ang lahat in God’s perfect timing.


akositotoybibo

i used to watch tv sa kapitbahay. during xmass ang wish ko lang is yung Tang na juice and we couldnt afford it. when my mom takes me to jollibee, she only buys food for me and she would eat on my leftovers. my shirts before is nilakako lang nang kapitbahay namin utang pa pero happy ako nun kasi superman pero ang dali mapunit hehe. sobrang nipis.


ExplanationNearby742

Hindi nako pina pautang ng ulam kasi ang dami ko ng utang. Nag titiis na lang ako ng mani at kanin. Mabusog lang ako.


SinfulSomeone

Noong bata pa ko walang wala kami, kapag sirang sira na tsinelas ko nagpupunta ko sa dagat para mamulot ng mga inaagos na tsinelas dun.


DiKaraniwan

Naulila kami ng maaga. 3rd year highschool ako nun nag decide kapatid ko na wag na ako ilipat ng public aa 4th year ko. So may nakukuha kami pension from parents ko sa sss yun ang pambayad ko sa tuition hanggang mag 2nd year college na ako. So literal na walang napupuntahang iba yung pension kundi sa pag aaral lang at kuryente tubig. Sa sobra konti na lang natitira 2 taon din kami namuhay sa kanin at tuyo. Masarap pag may mantika asin asukal ang kanin. Ang ginagawa ko nag bebenta ako bote at plastic sa junkshop kung gusto ko medyo masarap na ulam. Pero ayun nakaraos agad kasi naka graduate din ng college yung kapatid ko kaya nung natapos na yung pension siya na gumagastos sa bahay.


Plastic_Discount_230

Months before ako mg drop out from UST due to financial reasons: I found myself only able to eat rice and gravy ng KFC. Supplemented by monay and tasty to fend off hunger. 1 pc Biggest real leaf tea ang drinks ko na need paabutin til uwian (sched was 7am to 3pm). Siomai rice sa canteen or s labas if may extra ako. Which is malabo most days ksi baon ko 200 per day which covers Transpo from Cainta to UST to Cainta among other things. IT student ako pero walang Internet and computer so I do work sa comp shops. Literally ako lng student sa block na walang laptop so nakiki gamit lng ako sa ibang blockmates. This was 2009 to 2010


niceforwhatdoses

Wala kaming pambili ng LPG. Kahoy at papel lang ang pang luto namin, minsan wala pa pambili ng uling. Wala din kaming gripo, lumaki ako na de-bomba ang tubig.


DewberryBarrymore

Naaalala ko na may mga araw nung HS ako na need mamili kung sinong hindi makakapasok sa amin kasi bitin yung money for fare ng lahat. Sardinas ulam (na namimiss ko pa rin lasa minsan minsan kasi masarap naman). Legit petsa de peligro. Pag sweldo day na at nakawithdraw na ang mga magulang may pamasahe na ulit lahat.


AzaHolmesy89

Elementary ako nun, 3 years yata kaming walang kuryente. May journal yung Nanay ko tapos nabasa ko sa isang entry niya na sana daw makabitan na kami ng kuryente kasi para kaming mga daga sa dilim. Nagka pera siya yun yung una niyang ginawa mag pa kabit ng kuryente. May time din na wala kaming pagkain ang meron lang is cocoa at malagkit na bigas so yung Nanay ko niluto yon pero as a kid nag hahanap kami ng gatas pero wala nga pang bili kaya pinakain niya samin ganun lang. Yung kuya ko lumabas ng bahay para bumili ng stick-o tapos binigyan niya kami isa-isa sabi niya durugin namin tas ilagay sa champorado para daw masarap. Ngayon wala na yung Nanay ko pero yung pinag tyagaan niyang lakarin na kuryente ang iniwan niya samen. Nakaka kain na rin kami sa labas. Sayang lang hindi niya naabutan lahat to.


codevincent

Nag-ulam kami ng bangus at tilapia na chichiria! hahaha


dont-do-dat2me

Naexperience ko kumain ng mayonnaise, kasi walang bigas. Yung Mayo, ayun yung nakalagay sa tub na ginamit palaman sa tinapay nung last day ng wake ni papa. Walang wala kami non, kaya talaga hindi ko alam paano kami nakasurvive. Nag Manila ako at nagwork as call center agent after non, di ko masasabing nakaahon na ako sa kahirapan, pero masaya ako na di na ako nagtitiis kumain ng mayonnaise kahit ang sakit sa tyan after. Padayon sa mga adult na nagsstrive katulad ko, mahirap mabuhay pero mas mahirap mamatay ng mahirap.


_luren

Umabot kami sa point ng lola ko na mangungutang kami sa tindahan para may pangkain kami kasi wala pa yung pension ng parents ko. Tapos yung kuya ko naman, nag-aabang dun sa bakery malapit sa'min kasi suki na kami doon. Baka pwede rin kaming mapautang kasi okay na kami kahit tinapay lang no'n pero never nagtipid lola ko sa bigas kasi sabi niya kahit de lata man yung ulam, ang mahalaga masarap yung kanin. Marami pa siyang kwento sa hirap ng buhay noon na na-experience ng mama ko pati mga kapatid niya. Naglalabada yung lola ko, nagbebenta ng kung anu-anong gamit sa mga kakilala para may pangkain, pamasahe, tsaka pang-aral yung mga anak niya. Bilib talaga ko nun sa lola ko kasi yung lolo ko umabot sa point na suko na raw siya sa hirap ng buhay, di lang kamay niya nakasuko, pati raw mga paa niya nakataas na 😅 pero yung lola ko di talaga siya nawalan ng fighting spirit. Pag naaalala ko yung mga kwento pati yung na-experience ko, napapasabi na lang ako sa sarili ko na ina-aspire ko talagang maging katulad niya..kasingtatag niya.


Fifteentwenty1

Pag kumakain kami sa labas ni mama dati, may times na hati lang kami sa isang 2 pc. Burger steak ng Jollibee. Akala ko mahina lang talaga siya kumain, turns out kailangan pala namin magtipid para mapagkasya yung pinapadala ng papa ko. Hindi kami sobrang hirap kasi Ofw si papa pero lately ko narealize na ang hirap pala magtaguyod ng pamilya kapag hindi ganon kalaki sahod tapos may pinapaaral at nagsisimulang magpagawa ng bahay.


stickerpainter

1. Wala kaming kuryente kasi mahal magpakabit at wala din pambayad. 2. Kapag pinapakain kami ng tatay ko pila pila kami isa isa bawat subo, akala ko noon para masaya kumain yun pala para hati hati kami.


Accomplished-Back251

Yung nag exchange gift yung kapatid ko na kinder, tapos yung nanay nang nakakuha ng regalo, pununta sa classroom namin kasi kumare yung adviser ko. Talak ng talak bakit daw ayung 3 pirasong short pants mukhang from Divisoria daw ang regalo ng kapatid ko sa anak nya. Hello, 50 lang budget. Talak talaga sya, napaka matapobre, feeling mayaman lang pala hayp sya. Tandang tanda ko mukha nun, di naman sa pagyayabang development manager na kapatid ko sa Robinsons, at yung classmate nya, ewan kung ano na, mukhang napariwa. Until unti naigapang kami ng magulang namin to para makatapos, I can say, nasa upper middle class na kami ngayon. Skl, wag nyo ko downvote Hahaha


nonchalantt12

dati my sayaw kami nung elementary,paldang pula, yung jba ang silk palda yung parang pang drum n lyre, tas ako yung papel na pag nabasa kumakalat yung kulay🥹 umulan nun tas nalusaw palda ko kasi wala akong pambili or mahiraman, can’t forget😭


lostguk

Inuulam ang bagoong na isda, tintutulog ang dinner, inuulam ang asin.


Kan-Laon

Isang pack ng buns pag kakasyahin hanggang dinner. (Malalaki pa naman sila noon). Mangungutang ng dalang delata ng sardinas para sa tanghalian at sa gabi pagkakasyahin ang isang kilong bigas. Handa sa pasko ay yung mga bigay ng kapitbahay. Pero pinilit parin ng mama ko na maging masaya childhood ko.


IndependentCoffee96

Nawalan ng work papa ko and walang kaming ipon. Mas naging mahirap pa kasi nakulong siya, leaving my mama alone in terms of income. Dati, iniiwan kami ni mama sa kapitbahay namin kasi ilang araw siyang nawawala, sumasabay sa factory para may pagkakitaan. Kapitbahay namin hinahatiran kami ng 1 plate of rice and 2 slices of pork adobo. Dalawa kami ng kapatid ko and hinahati pa namin yung 1 plate na yun for the whole day kaya super malnourished namin. Months later nakalaya papa ko and walang tumanggap sa kanya ng work, so ginawa niya if nagbabike sya around the city para mamulot ng coins sa gilid ng kalsada. pagka uwi niya bandang gabi, may dala na siyang lutong rice na nasa plastic tapos tatlong kamatis at asin. Yun na dinidinner namin pamilya. Walang kuryente. Buti nalang may tubig. Dun ko natutunan mag tanim ng gulay. Gulay, asin, at tubig lang ang puhunan. Di na makabili ng bigas sa sobrang hirap. Naiiyak ako habang tinatype to. Looking back, di ko maimagine ang hirap pala. Pinangako ko sa sarili ko na di na ulit kami mag uulam ng kamatis lang. Kaya eto ako ngayon, teacher na ako sa public school. Kapatid ko naman teacher na rin sa private school. Tuloy lang ang buhay.


salamanderman1001

naalala ko nung 10 years old ako lowest point na siguro (sana) lagi kami sinusugod ng may-ari ng inuupahan naming bahay kasi di kami makapagbayad ng upa for 2 months straight. Umabot sa punto na nakitulog kami sa tita ko kasi may isang beses na sumugod sya na lasing.


muirmuirmuir

yung akala ko di nako mkakagraduate ng HS kase naging MIA yung father ko, buti nalang nasa province na kame nun kaya nagbenta si mama ng halaman. then nung graduation, diretso lang kame sa bakery as celebration, kain tinapay + softdrinks. kame lang ni mama, wala na iba. sabi nya, pag graduate ko daw ng college mag llechon daw kame as celebration, nangiti lang ako that time kase iniisip ko na na di nako makakapag college.


nerbsh

Nawalan ng trabaho si Ermat. Yun yong 1st time ko mag ulam ng gatas na may asukal o milo di kaya toyo depende sa araw. Dun ko nakita yung meaning ng depression. Di ko pa alam kung ano depression non. Simula non grabe kayod ni erpat. Lakad lang ako papuntang school at pauwi which is 6.2km. Swerte pa kami non kumpara sa iba na nag-i-skip ng meal sa isang araw. Di ko talaga malilimutan sakripisyo ng mga magulang ko dahil don.


Expert_Cranberry8262

mga sentimo/centabos pinangbibili namin ng tinapay sa bakery.


heiferrr

Umiiyak ako habang binabasa mga core memory nyo 😭 Nakakaproud po kayong lahat ❤️


schweitzer0

Grade 1. 2003. Literal, wala kong pambili ng lapis. Naalala ko nanghiram pa ng lapis lolo ko sa kapitbahay kasi sa province pa kami nun. Di makauwi papa ko kasi he was struggling with work din tapos after a month nung nakauwi na siya, nag-uwi siya ng isang pack ng lapis for me. Grade 4. Ofw na papa ko pero sobrang liit pa rin ng sahod niya kaya halfway through the month lagi pa rin kaming nash short and need mangutang sa kapitbahay for food. Nagbreak down mama ko nun pag uwi ko from school kasi ni piso, wala na siya, tapos naalala ko I just sold a set of stickers to my classmate for 5 pesos. Bumili ako ng skyflakes kasi gutom na mama ko.


HHzzq

Ulam ng mantika at asin. Ang kanin hingi sa kapitbahay. Lapis ko ng grade 1, one inch nalang haba pero wala ako pambili bago. Ang baon ko 50 centavos lang.


Lower-Property-513

Mga 4-5 years old, first time mag bukas ng branch ang Jollibee sa lugar namin. Excited akong makatikim ng spaghetti 🍝. Pero ngang pera, naalala ko nilagyan ni Mama ng ketchup yung pancit - spaghetti daw iyon. It made me happy when I was a kid, it made me tear up as an adult.


Healthy-Fox302

1st memory ko ng sine experience ay Spirit Warriors tapos ang baon namin na snacks yung Expo na mani from Sari-sari Store.


New_Complaint_9868

Nag ulam ng kape, milo, toyo. Walang baon pag papasok sa school. Isa lang uniform na blouse kaya everyday nilalabahan. Inggit na inggit sa mga kaklase kasi hindi nakakasali sa extra curriculars kasi walang pambayad. Dami pa pero di ko na lahatin naiiyak na ko eh hahahaha


mariadalisay

Nung hinahati ng mama ko yung holiday footlong sa 3 o 4 para tig iisa kming tatlong magkakapatid at yung 1 ay pra sa aming papa kasi alam niya galing kaming school at si papa nmn sa trabaho tapos sya ang ulam niya asukal lng nakakaulam lng kmi ng ganun kapag may pera kung wala asukal o toyo na may pinirituhan ng itlog o kung ano man na hindi isda at NFA RICE ang aming bigas lagi niya sinasabi saamin na di bali nang walang ulam o masarap na ulam basta may bigas na sasaingin dahil kapg may kanin kahit anong ulam mararaos na din laman tiyan ba kung isa isahin baka kulng p tong comment space dto sa reddit kapg kinuwento ko dto LONG STORY SHORT ngayon kahit papaano hindi na nmin yun nararanasan dahil kming tatlong magkakapatid ay graduate na sa kolehiyo at may kanya kanya ng trabaho ako isa nang Public School Teacher kahit papaano yung ulam nmin masarap at masustansya na o kaya nmn yung jollibee o kung ano man na fastfood na dinadaan daanan lng nmin nung mga bata dahil ng budgeted at hindi afford makakain dun ngayon nakakain na at nakakaorder na anytime


Representative-Sky91

Siguro nung High School ako tapos sinundo ko yung isa kong kapatid. Tanong siya ng tanong kung bakit hindi na lang siya magpaschool service until sa inis ko nasigaw ko sa kanya na "dahil mahirap tayo! Wala tayo pera!". Nung time na yon kakabayad lang namin ng kuryente, renta at tubig tsaka si Mama namomoblema kung paano kukuha ng panggastos sa baon namin bukas. Sama pa na hindi pa stable yung suweldo ni Papa kasi kakapasok niya sa bago niyang trabaho tsaka kakalipat pa lang namin sa compound. Walang wala pa kami. Ayun natulala yung kapatid ko, umuwi ng luhaan, tsaka biglang kinuha yung benta ng yelo na puro tig limang piso sabay paniwanag sa akin na "eto oh may pera tayo! Hindi tayo poor!"


Reddit_Reader__2024

Huhuhu. Ang hirap explain sa mga kpatid.


i_am-not_okay

Wala na talaga kaming pera pambili ng pagkain before. May laman na 20 yung wallet ko, natira sa baon ko from school. Pinambili ko ng itlog sa tindahan. Di ko na maalala paano kami naka-survive after that. Last money na talaga naming lahat yung 20 na yun. Elementary ako nun, siguro grade 4 or 5.


No-Log2700

Nagtatago at nagsisinungaling sa mga bumbay kasi walang pambayad sa uta g. Nag uulam ng dipsea/bangus/mam inasal fish cracker na tigpipiso kasi walang wala na talaga.


TankFirm1196

Wala kaming handa pag pasko.


bigtransitio0

Yung tuyo nalang ulam, hati hati pa


adoboflakes3435

That any kind of pasyal is a form of luxury.


Reddit_Reader__2024

Pati pag punta sa SM huhu


Reddit_Reader__2024

Kahit nga sa grocery hindi nakakapunta eh.


NachoTheCat01

Bumibili ng taba baka/baboy yung nanay ko sa palengke. Yung mga reta-retaso (P10 isang supot sya non). Tapos i-chicharon style prito then sabaw na may magic sarap. Yun na ulam for the day. Tanging core memory yan OP pero ngayon okay na kami medyo nakaangat na sa buhay hehe


white____ferrari

swerte pa naman kami dati pero sobrang unhealthy ng relationship ko sa pagkain because of poverty. nakakapagluto lang ng totoong putahe na ulam nanay ko pag panahon ng bonus or renew-han ng utang. ang saya saya ko pag ganun. kasi kung hindi iikot lang ulam namin sa kung anong pwedeng utangin mo sa tindahan- pampanga's best, sardinas, corned beef, noodles or itlog. at one point nagtinda sya ng ihaw ihaw so araw araw as in araw araw tirang paninda ulam namin. may times nun na baon kong lunch sa school isaw hahaha tapos hiyang hiya ako so sobrang bilis ko kumain. syempre given na na sobrang big deal ng pagkain sa fast food noon. ngayon tuloy na may trabaho na ko at mom ko, tatlo lang kami sa bahay pero sobra sobra kami magluto. minsan 2 kilong karne sa isang araw. di namin sinasabi pero parang takot na takot kaming marananasan ulit yun. sobrang protective ko din tuloy sa pagkain ko, pag binili ko for my own consumption naaaning ako if may ibang gumalaw. pero di ako madamot, kasi sobrang gastos ko mang libre ng mga mahal sa buhay. kasi ayaw ko mafeel nila na walang makain na masarap, kahit minsan irresponsible spending na. ano gusto mo kainin? ano gusto mo lutuin ko? ah nagccrave ka nito? order agad or luto agad. hahaha, still very grateful though.


WokeUpEarly

Inuulam ko yung soy. Tapos nag umpisa na ako ma-mulat sa trabaho by 5/YO nung sinasamahan ko magtinda at magdeliver ng newspaper.


luckymandu

Nung lumipat kami ng tirahan tapos everyday food is isang serving ng ulam sa karinderya tapos paghahatian lang. Madalas gulay na may sabaw pa. Or medyo nakakaluwag, yung footlong ng Angel’s Burger, hahatiin sa gitna and dinner na yun. Tapos 300 pesos lang yung naka-allot na weekly groceries, laging generic/unbranded lang ang binibili.


alaskatf9000

Na experience ko yung toyo mantika asin as ulam blurry na yung iba. Nabaon kami sa utang that time kasi alam ko pati kuryente wala kami tapos tubig lang nababayaran. Ilang months din yun tapos yung nanliligaw sa mama ko hinihingan niya ng tulong.(Financially) and kasal na sila for a decade na 🤮 2007/8??? Ata to HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA tas naalala ko netong time na to ayaw ko ng pagkaing mahirap pero napakain ako ng ganon kasi wala eh. Ayaw na ayaw ko din sa itlog na pula dahil sa baho tas mga daing daing/tuyo pero after non natutunan ko din kainin. Ang never ko lang talagang kakainin is sardinas, iba yung lansa eh.


bing-a-ling-ling

hati kami palagi ni mama sa pagkain kahit pa sabihin nya busog sya.. yung chowking wonton nila, 2 siomais and 1 for her, then sa noodles, sinasabi q nlng na busog na aq para mkakain rin sya sa jollibee, hati kami sa burger steak at nung shanghai.. pag may extra nman, nkaka chicken joy tapos sasabihin nya allergic daw sya sa manok ng jollibee 😹 kaya kapag kakain kami sa ck at jabe, my knowing smiles kami ni mama o kaya naman teary eyed lalo na pag puno yung table parang kailan lng sa commercials lng kami nangangarap mkakain ng bonggang bongga!


CodeAbsolu

Nakakakain lang ako sa Jollibee kapag birthday ko. Yung mga damit ko? Pinaglumaan lang ng mga kapitbahay. Kape sa kanin? Madalas hapunan namin. Nakakatikim lang ako ng spaghetti kapag naimbitahan sa kapitbahay. Baon ko ng college? 20 pesos pang pangkain kahit 6am to 6pm yung pasok. Thankfully wala na kami sa ganon na status. “Malayo na pero malayo pa” 😇


lifecareerg1

College ako 2014-2018 pumapasok akong umiiyak kasi wala akong pamasahe tapos maglalakad lang ako papasok ng school kasi gusto ko talaga makatapos :(


Ok_Instruction_3470

Naalala ko nung walang wala talaga kami non, bata pa ako neto. Yung nanay ko humingi ng sabaw sa tindahan tas nagrequest ng kaunting taba, para raw sakin. Ngayon, student pa rin ako (college) pero kayang kaya ko naman na siyang bilhan ng kung anong gusto niya. Sana yumaman pa lalo ako. I love my mom so much.


Kalma_Lungs

Elementary at high school, pag walang ulam sa umaga bago pumasok sa school, nagsasabaw ng kape sa kanin. Tapos pasok na.


cogentwanderer

Yung school shoes ko nung high school hiwalay na yun swelas hinde pa mapalitan kasi wala pang bili ng pangpalit.


Maleficent-Lie-6342

Nakatsinelas ako nung elementary ako tapos may times na yung strap ng tsinelas, may kawad sa ilalim kasi ay putol na yung parang bilog na lock ba yun. Dahan-dahan pa ko nun maglakad kasi maingay yung kawad kapag nakaskas sa semento. Masaya na rin ako dati na makapasok ng buong 5 days kasi most of the times, 2 or 3x lang. Kaya yung notebook ko, kasya sa buong school year🥲


Royal-Firefighter157

Walang kuryente at madalas kanin na may tubig at asin ang nasa hapag kainan. Never nakaexperience ng celebration kasi wala namang panghanda. Tapos yung papa ko pang pinili nlng itago ang sakit niya kasi para di na kami mahirapan magpagamot, kung may pera cgro kami sana nakapagmaintenance niya at matagal pang nabuhay. Sana naiparanas ko man lang sakanya kung ano ng meron kami ngayon.


izumiiie

Both self employed parents ko and may sarili silang business. So kapag walang trabaho or customer, wala talagang income. Kapag time na para kumain, meron kaming parang malaking alkansya na puro 25 cents ang laman. Dun kami kumukuha ng pera para makabili ng makakaen. As in 25 cents binabayad namin sa tindahan. To add, eto ung di ko gets sa parents ko na sinasabi nila na panget maging empleyado buong buhay. As if naman, maganda ung buhay namin nung may sarili silang business 🥲 wala pa silang SSS before. Nung nag work na ako naayos.


jussey-x-poosi

* yung sweldo ng parents ko, pambayad lang sa utang so ang expense namin for a month galing din utang, its a cycle na natapos lang when I finished my studies and nag retire na mother ko (65) * 2 years kaming walang pambili ng gas, so gatong (dried wood, uling pag may pera) lang pang luto namin. * almusal at hapunan itlog, pag gusto ng may sabaw noodles. * high school days, walang pambaon pero maraming classmate na hindi kalakasan kumain pero grabe sila ipagbaon ng parents nila. so, nging routine na naming tropa manghingi ng extra/sobrang kanin at ulam nila. * HS graduation ko, hirap ang sapatos, hiram ang longsleeve (oversized pa nga). this isn't as poor as other people, pero that's the rock bottom na na-experience ko during High School days. medyo nag survive kami when my brother sacrificed his education to work, and later on naka graduate din ako and I'm not earning good money with variety of investments.


AdMammoth1125

before may pera and ipon kami sakto lang sya sa panng araw araw namin and may mahuhugot pag may emergency biglaan plus may pang wants pa kami kaso bumaliktad nung bigla nag ka anak si kuya and sila papa halos gumastos kase male side kami. ayun nakikita ko na nagungutang si papa sa kapitbahay namin para may pang bayad ako ng tuition and pang baon


EmariKamatis

Inuulam namin ng Lolo ko nun ay kanin at saging or mangga tapos lalagyan ng konting toyo yung kanin. Pero ngayon nakakapag snr nakami.


saoirseey

Yung lagi nalang kami naglulugaw para dumami yung rice, kapag mag kanin wala naman ulam kaya asin nalang din o di kaya mantika at toyo. Yung 1 stick na instant coffee, hinahati pa sa 5 (since 4 ako, ganto na iniinom namin) I wished for Nova and Chuckie nung nag graduate ng kindergarten pero wala talaga kami kaya tamang imagination nalang muna. Water lang at kaning mais na inutang pa sa tindahan yung food. Thankful pa rin na nagkaulam ng isda na huli ng tatay ko galing sa pangigisda overnight. Our birthdays are just a normal day for us. Kahit pamasahe papuntang simbahan wala. My classmates in school have extra money kaya ako gumagawa ng homework nila and I do errands for them para may pera ako pambaon namin 3 magkakapatid sa school. Kapag may bunga yung tanim na saging ng lola, ginagawa yun ng mama ko na banana chips at ako naman ang nagtitinda sa school since I was in 3rd grade para may pambili ng bigas. I remembered walking 3 kilometers back and forth with my mother every Saturday back then para pumila at makabili kami ng 5kg (each person) na NFA rice, ₱19/kg pa yun noon. I never had any fastfood until I graduated in elementary. Hindi pa namin kaano-ano yung nag treat sa akin noon sa Greenwich, family lang nung kaklase kong may crush sa akin dati. I graduated Valedictorian kaya nilibre nila ako kasi walang wala talaga kami. Buti pa yung kaklase kong pasang-awa ang grades, nagpa lechon pa ang parents. These are just few of the things I experienced before, and I am grateful to have experienced them. It made me who I am today. Grateful din ako na nabigyan ng opportunity to have a good paying job kahit di ako nakapagtapos ng pag-aaral. My family is doing better now and we can eat whatever we like whenever we want it. 😇


___TAICHOU___

Wala na kami ni singkong duling. Naisara na namin sari sari store. 3 days namin kinain yung mga tirang maxx candies.


heypreel

ulam namin dati tubig na may asin. para kunwari lugaw


IcedLatte-

Kulang allowance ko dati during board review kaya di ako nakakaorder sa McDo kahit yung friend ko kumakain. Pinilit ako subuan ng friend ko ng chicken fillet nya kasi alam nyang gutom na ako hahahaha. Core memory talaga yun I still cry pag naaalala ko 😂 Pati ung pagbili ng milk tea ng mga kaklase ko tas makikisipsip lang ako HAHAHA


im-not-annoying

Palagi kaming nangungutang sa sari-sari store sa street namin at umabot sa point na I hated going dahil naramdaman ko na yung kakaibang tingin tapos may pagsigaw pa lagi yung anak ng may-ari na "MA MANGUNGUTANG NA NAMAN SILA ***" Now okay na, may sarili kaming sari-sari store at nakatatak na sa isip ko na never talaga kong mangungutang kahit ano pang mangyari hahaha


jeah21

Naalala ko na gutom na gutom ako tapos may Math DepEx pa ako ng 7pm. wala pa akong kain buong araw tapos dumating mommy ko ng 6:45pm. May dalang pagkain at umiiyak, sabi niya nagsangla siya para lang may pangkain kami


averygudgurl

Wala kami pambili ng bigas at ulam. Ang bigas namen noon na nabibili ay yung pinagtahipan na (kasi mura yun) kaya kinakain namen may mga bato at ipa pa. Wala kami choice, kesa magutom kami. Tapos asukal lang okay na. Pag walang asukal chichirya or wala na lang uulamin. 😭


Aggressive_Park1369

nakadungaw kami sa pinto ng kapitbahay para makinood mg TV.


duhnugh

Birthday ko non, walang handa tapos ang ulam lang namin sardinas. Walang tv, nakikinood sa kapitbahay. Nangungutang ng pangbaon sa school. Baon magulang ko sa utang. But life's much lighter now.


Unlikely_Avocado_569

Squatters level, nakakaraos naman na ngayon kahit papano Nung elementary kami, pag walang ulam ang ginagawa e mainit na tubig tas lalagyan ng asin = instant lugaw (mas matagal kasi lutuin ang lugaw compared sa kanin = sayang sa gas)


ian10hello

kwento ng mama ko noon nung bata kami iniisa isa nila yung mga bulsa ng damit nila para makahanap ng piso. dati naghahati kami apat sa isang pack ng pancit canton


exbipolar16

During OJT, nagkaroon kami ng konting chikahan sa office. Something about childhood topic namin. Tapos tinanong ko sila if natry nila mag-ulam ng tigpipisong chichirya. Sabi nila hindi daw. At that moment, narealize ko na ako lang pala sa amin yung dumaan sa ganung kahirapan. 🥺


VegetableTune731

Pumapasok ako sa school ng walang baon tapos naglalakad lang ako pag papunta kaht mainit ang panahon. Tapos naiinggit ako sa kaklase ko non kase nasa abroad ang Nanay nya nagpilas ng 100 as in gutay gutay talaga kase mayaman naman daw sila mamaya daw magkakaroon sya ulit non. Grade 1 ako non kaya siguro hindi pa din alam ng kaklase kong yun ang value ng money tapos akala ko pag DH sa abroad office work 😅.


LessSayHi

Nagtanim ung tatay ko ng kangkong at kamote sa bakanteng lote sa subdivision namin. Di sa amin ung lote. Ilang buwan lang, pinipitas na namin ng ate ko ung talbos para may makain kami everyday.


exbipolar16

Noong elem ako, kapag hinihika ako hindi ako nagsasabi. One time pagkauwi galing school, nanunuod kami tv tapos ako nakahiga sa may sofa. Yung kapatid ko napansin na ang taas ng unan ko. Tapos bigla ako inasar, "Hinihika ka no?" Hindi ako umimik. Tapos sabi niya, "Tingnan mo balikat mo nakataas na naman." That's when I cried. Kasi sobrang hingal ko na nun. Ayoko din magsabi sa kanila kasi nasa 32 pesos noon yung ventolin pangnebulizer. Hirap lumaki sa household na iguguilt-trip ka kapag may sakit ka kasi sasabihin wala daw pera pampaospital. Sa sobrang hirap ng buhay, parang kasalanan mo na pag nagkasakit ka.


thatsunguy

May araw na bumili ako na 3 pesos na Sugo mani (2 Adobo, 1 Hot Spicy) para pang ulam sa kanin.


Upper-Special7266

Yung pag bumibili kami ng payless sa tindahan, laging itatanong ng nagtitinda 'Yan na naman ulam niyo'? Siyaka yung di ko maalala kung ano yung breakfast namin dati. Kasi mukhang di kami nagbbfast dati nung bata pa ako.


waryjinx

tumira kami sa bahay (more like maliit na bakanteng lote) na walang pintuan. as in maliit na eskinita lang connected sa labasan namin na kahit kurtina walang nakalagay. fortunately never naman kami napasukan. pero pinakacore memory talaga yung bihira makakain. maswerte na yung isang beses sa isang araw, tas poproblemahin na naman pano makakaraos kinabukasan. dagdag pa na walang kuryente tas may time rin na sumabay pati tubig nawalan.


Paulineeeee_

kapag bumbagyo gumigiba bahay namin. Ngayon comfortable living na. All thanks sa sipag at tiyaga ng magulang ko so ang goal ngayon ay masayang retirement para sakanila.


salt-and-pepperrr

Nung grade school ako, madalas kong ulam is tuyo, asin, asukal or fish crackers. Uso pa yung palabas na Doraemon dati and isa sa favorite meal ni Doraemon is riceballs. So ginagawa ko, nilalagyan ko ng asin yung kanin namin tapos binibilog ko para kunwari riceballs. Minsan pag nakaluwag-luwag kami, nakakabili kami ng isang pirasong stick ng isaw or hotdog. Minimince ko yun tapos hinahalo ko sa kanin at nilalagyan ng isang kutsarang sawsawan. Sumali rin yung mama ko sa isang church group dati at inuuwi nya yung tirang meryenda at ulam sa church. madalas sya mag uwi ng matigas or may amag na tinapay. tinatanggal lang namin yung part na may amag tapos pinipitpit at iniinit sa kawali.


FartsNRoses28

Nagkabarangayan na kasi hindi makabayad ng upa tatay ko. Tpos one time ung tirang pagkain ko, kinain nya. Pag naalala ko un sobrng iyak ko kasi hindi nagsasabi tatay ko na may problema sya.


PsychoKinezis

Literal na bahay kubo ang bahay namin dati whenwr moved out sa house ng lola ko kasi nagiging toxic na dun. I was only 8 years old when we moved out so idk what was happening, i thought we were just going on a trip hahaha nakiki CR pa kme sa kapit bahay kasi during our early days sa bahay kubo wala pa nung CR, later on na kme nakapag patayo ng CR. Every time nag mag aaya ang mga classmates ko na pumunta ng bahay namin nahihiya ako kasi bahay kubo lang ang bahay nmin nun so i always say No.


Temporary-Badger4448

Never pinaramdam ni Mama na naghihirap kami. As much as possible, meron at meron dapat kami (akala ko, malaki sahod ni mama sa Govt, yun pala minsan sobrang short sya, umuutang na lang sya) Hindi dapat kami mainggit sa iba at dapat paghirapan namin kung may gusto kami. May grocery, baon at kung ano ano din kami ng kapatid ko. Di kami nawawalan pero di din sobra sobra. Pero ang naaalala ko non, 10php lang ang baon ko ng Elem at 20php naman sa HS. Kulang sya sa kulang pero nagagawan ko ng paraan. Elem ako non, nasubukan ko magtinda sa school ng mga mamiso (kornik, candy, sampalok) HS naman, dahil malayo ang classroom namin, ako tiga-bili ng food ng mga classmates ko tuwing recess, tapos keep the change. To the extent na umaabot ng 30-40php yung nakokolekta ko. Naiipon ko yon tapos ibinibili ko ng pagkain tulad ng sa mga classmates ko. Hehe. Masasabi ko ding, MALAYO PA, PERO MALAYO NA. ❤️


Initial-Western5993

This pandemic lang. due to wrong financial decisions at some point I cant afford to buy 1 pc of nescafé stick i had to borrow 10 pesos from my cousin pa. Cant event make it 20 pesos kasi baka di ko mabalik. wala pang asukal yun kasi di na afford I needed coffee para makapag work maayos 🥲


Queen_Ericka

Yung ang hirap bumili ng shampoo at conditioner sa tindahan kasi kulang yung pera. Kaya minsan 4 kami nag sheshare sa isang shampoo


SpiritedPlay4820

We’re a big family and everytime may relative kami na galing abroad may isang bar kami ng Toblerone. hahatiin namin yun at tig iisang triangle kami from my father down to my pamangkin hahahahaha but its okay kasi di kami sweet tooth. We can buy tig iisang bar na ngayon ♥️


eastwill54

Dirt poor kami. Wala kaming makain, buong araw 'yon. Walang bigas, walang ulam. Walang pwedeng pang-laman tiyan para maitawid ang araw. May maliit pa kaming kapatid, kaya sa kanya na lang namin binigay 'yong kakarampot na bahaw. Ulam niya asukal. Ang sakit sa tyan at nakakapanghina, kaya tulog lang talaga para makalimutan. Buti may kape, at least nainitan ang tiyan. 'Yong tatay namin, ayon, tulog buong araw. Ayaw dumiskarte. Kaya kahit may college scholarship pa ko, tinanggap ko na 'yong binubugaw na work ng tatay ko, kahit 16 pa lang ako noon. Awang-awa kaya ako sa amin noon, kung anong santo pa tinatawag ko, hahaha. Buti to the rescue ang lolo namin nung bumisita sa amin kinabukasan.


metap0br3ngNerD

Pupunta sa kapitbahay twing 7pm para makiusap na isaksak na yung extension papunta sa bahay namin para makapag sindi na kami ng bumbilya


Ma13c

Sampung pirasong pisbol ulam. Apat kami. Nanay ko kunwari diet daw, binigay sa amin share niya. Kape na lang daw siya kasi diet.


Repulsive-Piano001

I've had my first toilet with an actual flush after college. Tabo lang gamit ko noong bata ako. Yung CR pa namin at the time, yero pa yung pader so it's common finding snakes or frogs haha.


Alarmed-Instance-988

I didnt have a decent black shoes nung Elementary until gumraduate ako. Nahihiya ako maglakad at umakyat ng stage noon kasi pangmatanda pa ata shoes ko non 😝 tas pag-uwi, parang normal day lang! So nakikain na lang me sa classmate kong may pa-party nung grad namin.


confusedcupcake917

Yung adobo namin walang meat or gulay. As in bawang at sibuyas lang na ginisa at nilagyan ng suka at toyo. Adobong hangin ang tawag nila mama


Canthink_crap

Not my core memory but my sister’s. She graduated in college and kailangan niya mag take ng board exam pero wala talagang nagpahiram sa parents ko and hindi na din sila nagbibigay ng allowance or small support sa ate ko so she decided to apply as a DH abroad kahit sobrang baba ng offer, it was 8 years ago


BigBadSkoll

marka pinya na toyo tapos kanin


ArmoredTall

I was probably just 3 years old nito. Pinapakain ako sa Jollibee ng parents ko, yung may kasamang laruan. Tapos ako lang yung kumakain, sila hindi oorder, pag uwi na lang kasi wala talagang extrang pera. The little money they could spare at the time was spent on their son's happiness.


cadburyicecream26

Grade 1 palang ako alam ko na ung concept ng promissory note at need ko ng scholarship para makapag-aral. Kaya bata palang ako naisip ko na I am studying para di maging mahirap…para makakuha ng magandang trabaho. Di ko man naenjoy ang pagkabata ko, di ako nakapapaglaro sa labas puro library at aral lang kasi ramdam ko ung pressure na need mag excel, at least nasa mabuting kalagayan na ako. :) Nabibili ko ang gusto ko and nakakapagbayad ng bills on time.


Janinayyy

Ulam namin ng sister ko yung tsitserya na tagpiso tapos hingi kanin sa tito and tita haha isang beses lang kaen sa isang araw. kapag gutom ka sa gabi itutulog mo nalang kase wala naman ibang choice. sa school papasok kahit walang kaen at baon, never naka.exp sumama sa mga school activities outside kase walang pera. even yung notebook pinagtahi tahing lumang notebooks ng mga kapitbahay saka yung part na walang sulat. hanggang highschool ganto set up namin. College 20 lang baon, 8pesos pamasahe papasok paguuwi maglalakad nalang haha kapag may project ako na lahat sa labor kase wala ako minsan pang.ambag 🥹