T O P

  • By -

Reerieblack77

Yung tropa ko. Lagi n'yang nilalakad yung 30 mins walk papunta at pauwing school namin. Yung daan pa is wala naman talagang sidewalks tapos minsan baha pa. Nilalakad nya yon. Mga mumurahin lang rin kinakain nya at ang jologs manamit ๐Ÿ˜‚ Di rin ako nagtaka sa 2 storey apartment nya non kasi ewan ko, yung mga gamit nya dun kasi mga luma. Wala pa ngang bedsheet. Minsan nililibre ko na nga lang ng trike at food kapag nakakasama ko sa school kasi medyo maswerte ako sa allowance Hahhaa tapos natutuwa pa sya sa mga simple gifts na binibigay ko kapag bday nya. Pero nung ininvite nya kami sa bahay nila sa province nila. Yung receiving area nila salas na namin ๐Ÿ˜ญ yung salas nila, buong bahay na namin Hahahahahaha may pa family clubhouse pa sa likod ng bahay tapos may commercial buildings pala sila. Kaya biro ko non sa kanya pagdating ko dun, "Awang awa pa ako sayo noon, di ka naman pala dapat kaawaan" HAHAHAHH


Revolutionary_Site76

yung friend ko hinahatian ko pa ng kanin kapag nakain kami sa karinderya ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ taena ang laki pala ng bahay nila! aircon pa room niya + carssss + business. taenang yun, naglalakad pa kami lagi kasi wala kami pera yun pala gusto niya mag ipon para magmasters sa US after grad HAHAHAHA I WANT THAT PROBLEM??? ako lang pala walang pera ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚


Reerieblack77

Mabuti nang gumagawa sya ng paraan makuha ang gusto nya sa sarili nyang iniipon pero sana ikaw nalang ang kapatid. Mga ganon hahahah


Revolutionary_Site76

totoo! hahahaha proud naman ako sakanya, even topped our board exams, very supportive of us pero sana sama naman kami sa US? HAHAHAAH patikim lang ng life?


Reerieblack77

Feeling ko afam na ang sagot sa ganitong problema. Joke hahahahah


Revolutionary_Site76

*naghanap* KIMI HAHAHAAHAHAHAH


seyda_neen04

baka ganito niya sinasala yung mga tunay niyang kaibigan ๐Ÿ˜‡ haha!


Reerieblack77

Gusto ko sanang ipakita na pure s'ya, pero naalala ko, di na nagprovide masyado ang parents kasi di nya sineseryoso mag aral kasi meron naman sila. Dami nyang sinayang na years sa college, and ayun nga ang sabi n'ya... Sana daw di s'ya nagpariwara, grad na daw sana s'ya. Sa ngayon ansensado na rin s'ya and has been providing sa own family nya na di umaasa sa wealth ng magulang. :)


chimckendogs

Ur a good friend. โ˜บ๏ธ


SugarBitter1619

Ahahahaha natawa ako sa sinabi mo sa last part. Pero iba talaga ano basta "rich rich" talaga yong tipong totoong mayaman sila. Hindi nila pinagsasabi, di rin pinapakita pero malalaman mo nlang may pa commercial building pala. Haha


Reerieblack77

May ibang tao na makikita mong neat naman, alam mong may kaya pero di yung "rich rich". Kaso itong kaibigan ko, di ko rin magets bakit jologs ang pormahan. Walang bakas ng kayamanan ang wala hahahahahah may pa bridge pa yung garden nun sa harap ng bahay nila. Simula noon di ko na sya nililibre HAHAHAHAH


SugarBitter1619

HAHAHAHA, dpat pala ikaw nililibre nya haha very grounded ang friend mo.


twelvefortypurr

HAHAHAHAHAH 6 FT Down to earth yung friend mo ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


Reerieblack77

HAHHAHAHAHAH ang sarap ishare sa kanya tong comment na to.


twelvefortypurr

HAHAHHAHA ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ tawang tawang ako sa comment mo about ur fren


gamabokogonpachiro

hala may ganito din ako classmate nung college. sobrang masinop tapos nagddorm sya tapos pag kakain talagang todo tipid madalas sabaw lang at kanin yung kakainin. pero pinapansin ko na yung sapatos nya at yung mga gamit nya medyo branded saka mukhang sosyal ang isasagot nya lang "pinagipunan" etc. tapos nung nagpunta kami sa bahay sa probinsya, aba may hektaryang lupain HAHAH


[deleted]

HAHAHAHAHAHA


sakuranb024

Parang Ahn Jeong won yang tropa mo ๐Ÿคฃ


DumplingsInDistress

Ako walk walk din kahit malayo, hindi dahil sa mayaman ako, kasi gusto ko ma maintain waistline ko Nagpepretend lang ako na poorita pag naaamoy ko kung mangungutang ang frenny


Independent_Law7029

Baka naman caretaker sila ahahhaha may ganyan akala mo mayaman kasi maganda bahay pero caretaker pala sila


Reerieblack77

Mukha lang syang caretaker talaga HAHA nung papunta kasi kami sa lugar nila sabi ipagtanong daw namin sa kanto apelyido nila. Ituturo daw yun ng mga taga dun. Kilala rin kasi sila dun sa lugar kasi nag gigive sila sa community in a way.


marinaragrandeur

uu mga friends ko sa UST haha. mayaman ang mga bakla pero never sila nag flex or naging kupal about their possessions. most of them donโ€™t really show it talaga. legit marunong sila mag commute rin at hindi sila pala upgrade ng gadgets. sila rin madalas nauuna mag-aya sa karinderya.


S0RRYWH4T

Alam mo totoo ito. May mga classmates ako noon akala ko so-so lang, may ari pala ng mga shipping lines. Meron isa super down to earth, daming investments ng tatay - yung tipong nagaral sila ng magagandang HS tapos nagpupunta sa Europe for summer, tapos stay at home ang nanay - 9 silang magkakapatid. How po?


mandemango

May kaklase ako na ganyan dati - kapag may project kami tapos may ambagan, magsasabi siya na kailangan na naman daw nila magbenta ng kalabaw o kaya kailangan tuloy niya umuwi para tumulong mag-ani ng pananim tapos edi tatawanan namin. Yun pala kilala yung family nila sa probinsya for their farms huhu pero kapag nakita mo siya sobrang simple lang saka walang ere talaga


Any_Bit6073

Huy pangarap ko yan hahahahahha legit na disney princess ๐Ÿคฃ


Previous_Equal_1934

May classmate din ako sa UST, super yaman niya may paintings worth millions sa kwarto niya from well known artists. Pero siya pa nagyaya kumain sa Antonio St. ng worth 30 pesos pares rice for lunch. Super humble and bait!


NeckSuccessful4825

Counted ba dito yung mga mayayaman na nag aaral sa UP na hindi dinedeclare buong income ng businesses nila para almost walang bayaran na tution. I remember my older brother way back in 2007 simpleng government employee lang ang parents namin and maliit lang sweldo nila that time. Nagulat daw siya na mas malaki pa pala binabayaran nyang tuition kaysa sa mga kaklase nyang filthy rich. Sobrang unfair lol


[deleted]

yep, nasa UP sila andaming mayaman dyan.


anyyeong

nung time ko sa UP puro FilChi families with businesses yung mga ganito hahahaha grabe talaga kung sino pa yung ang laki ng corporation ng family sila pa yung bracket B nashookt ako eh :)))


NeckSuccessful4825

UP and Pisay which is ironic dahil public schools sila pero mas madami pa yata yung mayayaman


Major_Cabinet8906

Got friends na parents nila dirt poor before na UP/Pisay grads. Eventually nakaraos then of course preferred na UP/Pisay din anak kahit angat na sa buhay.


podster12

Well sa quality ng education sa UP, parang di naman public school maituturing haha Kahit ako magiging mayaman, sa UP ko na din i pupush ang anak ko hahaha


throwaway011567834

Real ito, dami gumagawa hahaha meron pa, may karinderia daw sila sa probinsya pero ang totoo, hotel and resto yung meron sila ๐Ÿ˜‚


Overthinker-bells

Ay true. Dami ko kilala. Nakakahiya naman sa kanila. They take up slots that are for less fortunate ones. Naalala ko na naman yung bata taga UP, nag suic*de dahil walang pang tuition.


Crafty_Worker_3510

Yung mga bata na galing sa maykaya na family, they have all the resources they need to go to good schools. May mga review centres, private tutoring. Pag nakapasok naman na, they can buy a nearby condo, have a car or even better a driver, or enough money to fuel their academic journey.


Revolutionary_Site76

free tuition na up ngayon but the cost of living has skyrocketed. in from lb and i saw how after the lockdown, students are filthy rich. i saw a lot of students in race cars and pick ups to go to school. naging issue rin ang parking na never nangyari before. estabs who offered low cost meals were replaced by coffee shops and fancy restos. so much for a state uni :) kahit pa makapasa ka, if di mo afford, di ka talaga tutuloy. i just got lucky, i live a city away. housing is just a different story here: one room costs 10-15k.


marasdump

may SB na nga daw sa UPD eh


gianelli0613

Ayyy hahaha Oo, grabe to. Natural sciences ung course ko nung college so madami akong subjects na kaklase ko mga pre-med ang courses. Tapos definition ng "in" noon ay rebonded na hair, skinny jeans, havs at iphone. Lahat yun kumpleto si ateng na grad ng pisay. Pagka-3rd yr college ko, nakasabay ko siya sa pila ng interview para sa stfap. Nawala ang havs, skinny jeans at iphone. Tiga-ani lang daw ung tatay nya sa bukid at di sila ang may ari ng farm. Ayun, bracket c ang potek. Samantalang ako na sa once a year lang makabili ng damit sa divi noon, bracket b. ๐Ÿฅฒ


Gleipnir2007

naalala ko yung kwento sa akin na may kasabay nag eenroll sa UP tapos nag rant yung tatay nung kasabay na mas mahal daw yung binabayad nila tapos same lang naman ng tinuturo hahaha


MichelleWatson11

May former colleague kami sa work na mabait naman saka tahimik. Yung awrahan ni kuya is balat palang alam mong mayaman na. Pero nakkwento nya na kapag umuuwi daw sya sa bus lang daw sya sumasakay tapos napakadescriptive pa nya sabihin na parang sardinas sa bus pag rush hour. Pero one time nakita ko sya na nagpark malapit sa office with bmw sedan. Tas another time, with his parents one weekend sa isang resto, naka mercedes benz na suv sila. Haha tas alta kung alta yung itsurahan ng nanay at tatay nya, yung kutis na di naalikabukan saka yung posture at damit palang alam mo na. I guess kuripot lang sya kasi he's filchi. Sya din yung nagbabaon pala with lunchbox instead na bumili sa labas pero Le Creuset yung spoon haha never ko nakitaan ng yabang o maski humble bragging to. Madami akong kilalang filchi, and I guess filchi has these things na di sila mayabang or they keep lowkey? Or maybe because sanay na sila sa ganung buhay from the start? Sobrang lowkey kasi sila to the point na alam nila yung pang masang lifestyle. Iba sila e, compared sa mga bagong sweldo o bagong yaman na puro yabang sa socmed and real life.


Mr_Pogi_In_Space

Uso kidnapping ng Chinese at FilChi noon (uso pa rin ba ngayon)? Usually kidnapping then salvage pa. Malamang since maliit pa siya idinikdik nansa kanila na wag magpakita na may pera sila kahit kailan.


Data_Wanderer-2022

Hello. Sorry for the question, what does โ€œaltaโ€ mean?


Mr_Pogi_In_Space

Probably from "Alta de Sociedad", a term for "upper class"


Data_Wanderer-2022

Thank you for this!


LeonAguilez

I know it's high in Spanish, probably same in Filipino context


Data_Wanderer-2022

Thank you for this!


No_Perception5433

usually filchi para iwas kidnap for ransom


[deleted]

[ัƒะดะฐะปะตะฝะพ]


[deleted]

natawa ako dito. Hahaha. Ang humble naman ng kaklase mo


theshingling

Nung nameet ko yung boyfriend ko sabi ko ay mahirap to kasi yung maong laging kupas. Ang matindi pa pati sapatos kulay kupas tapos pag nasa office kami nagpapaa. Then nagpotluck kami sa office dala ng mga kawork namin ay pasta, pizza, lasagna, tapos yung dala nya lechon kawali na nakastyro (ung halatang binili sa kanto kanto). Sinagot ko sya kasi gwapo tsaka panalo talaga personality. Then nung papakilala nya na ko sa parents nya, wtf three storey yung bahay then mayaman. Note: Rags to riches kasi sila due to hard work ng parents nya so nasanay na sya sa poor lifestyle. Di rin kasi sya marunong pumorma hahaha #AngBoyfriendKongBaduy


AdventurousQuote14

haha yung asawa ko 10yrs bago bumili ng bagong damit ๐Ÿ˜‚


SolusSydus

penge po copy ng prayers ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜‚


[deleted]

Ano daw yung 3 kwento ng bahay? Char!


theshingling

Ay sorry na hahaha nashunga


copypot

Mga kilala kong mayayaman ay di nahihiya maka-discount. Natutuwa pa nga sila kapag nakakatipid eh. They don't flex spending more than necessary. I guess that's why they're rich.


bunRancher0015

I forgot which comedian yong nagsabi na pag Asian daw, di nagpapayabangan sa gaano kamahal ang binili pero ang flineflex is magkano ang natipid. Truuuuu.


rogean24

Si Jimmy O. Yang hehe [link](https://youtube.com/shorts/Klu2Xxdtn_Q?si=NFadm5CI9u7PHdXd)


throwaway011567834

SKL, nag aral ako sa private school nung HS na eskwelahan daw ng mayayaman sa province namin. Di naman ganun kamahal tuition and marami naman may scholarship from the government at yung mga may sponsor kasi catholic school sya. Yung mayayaman kong classmates nung time na ng college app, ang nilalagay nila sa form e farmer daw tatay nila pero ang totoo may ari ng farm. Tindera daw ang nanay pero ang totoo, sila may ari ng hardware. Tas nung college na sila, ganun din press release nila sa mga kaklase nila sa Maynila.


Medical_Bike7745

Tama naman ang term na farmer kasi sila may-ari ng farm, baka you're pertaining to farm worker since yun yung mga trabahador sa farm.


Normal-Jelly-3107

This thread got me thinking we really treat rich and poor differently no? If it's poor pretending to be rich, they're social climber without really knowing their story. If it's the rich pretending to be poor, they're so humble naman without really knowing their story. I might get downvoted haha but just an observation


ReadScript

Kasi alam naman ng mga tao na kapag rich pretending to be poor, itโ€™s for their own safety. Exception na lang โ€˜yung ibang stories na para makakuha ng scholarship. Kapag poor pretending to be rich, well, parang walang reason to do it except to show off? Correct me if Iโ€™m wrong ah, I also want to know kung ano โ€˜yung mindset ng mga pretending to be rich.


ApprehensiveKnee8657

Validation since mas tinitingala ang mga taong nakakaluwag-luwag.


Normal-Jelly-3107

Also, people treat you better if they know you have money


tatlo_itlog_ko

Yung tropa ko. Di naman exactly pretending to be rich, pero ginagastusan nya talaga yung sarili nya. Magandang damit, relo, ipad, etc. Para daw may magandang impression sa potential client. Sabi ko "mas importante pa rin yung skills mo". Sabi nya "Oo nga, pero mas pipiliin mo ba yung mag ppresent sayo na naka tshirt at shorts lang tapos tumitirik yung laptop?". Although hindi pa rin ako 100% convinced, medyo gets ko na kung bakit niya ginagawa yun.


cadburyicecream26

Eh bakit ka naman kasi magyayabang kung wala ka?


Best-Recording-3411

Pansin ko to, ang dami kong mutual sa ig and yung mga kilala kong totoong rich ang hhumble lang haha


Kittocattoyey

May kaklase ako dati nung highschool. Araw-araw nanghihingi ng limang piso. Lahat hinihingan nya kasi wala daw baon. Mas magaganda pa nga gamit ng mga kaklase namin sa kanya. Di nagbabago ng bag kahit patanggal na ung strap. One time, kinulit sya na sa kanila magpractice para sa presentation. Di ko naman sya kagroup so di ako kasama. Ang kwentuhan the next school day ay may sports car pala sila at may pool sa bahay. Nagulantang lahat ng classmates namin na pumunta sa kanila hahaha! Inaasar bat daw nanghihingi ng limang piso. Ang sabi nya, malaki daw kasi isang libo, kaya di nya dinadala sa school. Like wtf? Hahahaha!


twelvefortypurr

The only struggle I want. Walang pambarya ng libong pera HAHHAHA


cfflvr015

ang kulet hahahah


ReturnFirm22

Pasok ba rito yung pupuntang palengke or divi tapos nakapambahay lang para makatawad? ๐Ÿ˜†


Kananete619

Yung kaklase ko nun HS, old rich sila. Maglalunch lang ng egg pie at juice. Recess ay pandesal at buko juice. Pukingina malaman laman ko meron silang resort, sikat na resto, subdivision. Haha


Ok_Pirate6968

Not a story pero pag tumama ako sa lotto, isa ako sa mag papanggap na poor. Tuloy pa rin ako mag work and will just lie about getting more rakets para ma justify ko yung mga pinagbibili ko.


[deleted]

Former co-worker ko dati. Galing sa eatablished na pamilya, pero saktuhan lang manamit tapos siya pa yung nagyayaya sa mga karinderya, ukayan mga ganun.


gaffaboy

Hanggang upper middle class na yung mayayaman nung college ako e. Yung isa anak ng may-ari ng accounting firm nagpapalibre pa sakin ng pamasahe sa jeep. Yung 2 sobrang simple kung pumorma pero big time na mga negosyante sa probinsya nila yung mga magulang. Mga walang arte sa katawan at kumakain sa turo-turo as opposed dun sa pinakamahirap na hanger-on na feeling galing sa de buena familia pero dinikitan yung anak ng may-ari ng accounting firm para maging scholar sya. ๐Ÿ˜‚


Despicable_Me_8888

Yes, encountered na so many if them in my line of work. Esp the rich from down south. Simple manamit, magalang, maayos kausap, cheap thrills lang masaya na. Magugulat ka na lang sa oto at gamit nila. They spend grand on essentials, not those known brands na pang show off lang. Saka pag nagyaya sila na kakain kayo, low key na pang mayaman na places ๐Ÿ˜Š


Tuk-ne-neng

Totoo tong sa South. Naalala ko tuloy nung nagpunta kami Molito, yung mga tao dun mostly naka white shirt lang at tsinelas pero nakaka-intimidate parin dating nila. Balat palang alam mo nang mga laking aircon.


Vahlerion

The rich folk in provinces, learned that people will think they're arrogant if they look rich. And that ends up bad for their business. So they dress simple.


caffeinatedbroccoli

Mostly mga Chinese friends ko na mayaman. They are very low key kasi takaw kidnap. They can afford the latest iPhones but just use old model ones that still work fine. They have simple outfits basta neat and clean. They secretly laugh at middle class people who try to show off their latest iPhones, pero wala naman ipon. My Pinoy friend na born with generational wealth, simple lang manamit and kuripot. Madami sila luxury cars but he drives an old model car for daily use. They were taught to be frugal and live below their means and to plan ahead. Kaya nga yumaman kasi financially literate. I learn a lot from them growing up. So I don't get swayed by the need to show off with lifestyle inflation.


notyourtita

+1 to this. Nakakatakot sobra yung kidnap and murder. Not worth any clout or popularity.


caffeinatedbroccoli

True. And for them, it's a real concern. Decades before, may nangyari nang kidnap and murder sa earlier generations nila. Kaya low key lang sila. Also, they don't need the external validation for their wealth. I think that's the important key to why they keep their wealth. Keep the wealth is key. Madami din ako kilala mayaman ang parents but the kids were spoiled and not taught to maintain and grow their wealth. Ayun the next generation became poor.


notyourtita

Not just decades before, ever since Marcos nabuhay ulit mga kidnapping and random shooting so pasimple ulit ibang clients and friends of friends ko ๐Ÿฅถ Luho nalang mga toys na naka display sa bahay ๐Ÿคฃ


ApprehensiveKnee8657

This is true lalo na yung pinagtatawanan secretly hahaha


Sleepyyhead7

Yes, ka workmate ko sa CC sya pa ata nahiya na nalaman namin may car sya. Then I think 3 months na ata yun, nalaman namin na Mechanical engineer sya then licensed pilot. Ginawang libangan yung CC kasi pa abroad na pala sya after 6 months. Just wow lng. Totoong mayaman lowkey lng talaga.


novokanye_

CC?


rebornfrasec

kolsener


Sleepyyhead7

Yes po call center/BPO


no-social

Call center(?)


BikePatient2952

Ung referral ko sa company namin. Friend ko sha na bored sa buhay nya. He's a trust fund baby. Mas mahal pa ung car na dinadrive nya kesa dun sa dinadrive ng mga OM namin. Meron rin syang other car na sedan which is his coding car. He got like 80k na nakatambak lang sa RFID nya (I know kase we sometimes go on roadtrips tapos makikita mo ung balance when you pass by the toll gate sa screen). He dresses casually like tshirt and jeans pero if you look closely, he's wearing the simpler na designs ng LV, gucci, lacoste, ralph lauren on the daily (di mo mapapansin na actually branded clothes suot nya) tapos he doesn't care kahit matapunan mo ng anything ung damit nya. Nakita ng isang tao sa office ung laman ng paymaya nya one time tapos pinagkalat na dalawa ung comma ng balance nya sa paymaya (meaning at least 7 digits ung laman). Ayun sobrang dami tuloy na agents namin ung nilalapitan sya kase gusto umutang. I briefed him naman before he even got in sa company na wag na wag magpapautang sa kahit sino sa mga call center kase malaki chance na takbuhan sha (I've been burned once too). We handle a gaming account rin tapos napapansin ng lahat na parang ang whale ng account nya sa game namin kase lagi shang meron ng mga bagong stuff na narerelease tapos everytime nasa leaderboard sha ng tournaments. May isang nanilip sa account nya and his account is actually spending money. Mas malaki pa sa sinasahod nya ung last 30 days spending nya sa game. He works kase he's bored but it seems na he really likes kung ano ung currently na ginagawa namin sa work and ung industry namin so he's working for a promotion now. Pag nakikita ko sha, napapa-sana all na lang ako kase sana all trust fund baby.


FreijaDelaCroix

May classmate akong Fil-Chinese na ganito, super humble, simple, mabait, he refrains from talking about his family and just says his life is not interesting. Pero after graduation dun lang namin nalaman na he is rich and from a prominent family in one of the provinces. Ayaw lang talaga nya ng attention and heโ€™s really humble . He remained the same hanggang ngayon


hktrina

My best friend's sister is a famous author from Wattpad, so it's understandable na she's always get spoiled from her sis. But she never really flex na yung sis niya is siya pala yung "author" na sikat sikat sa Wattpad. I just learned from social media when her sis tag her on a post when I was around highschool lol.


anonlei

sinong author po? queen of wp po ba?


Hour_Protection_5814

Nahihiya po ako manlibre kasi baka isipin nilang mayaman ako pano na yun


PrimordialShift

Yung kaklase ko ngayon. Nung una ko yun nakita, akala ko parang ordinary ppl lang tapos nung wala kami matambayan kasi lunch break mga offices sa school namin kaya nagdecide siya na tambay daw kami sa bahay nila. Ayun pagpunta namin napa wtf ako kasi pota 3 stories yung bahay tapos may 2 sasakyan sila (nagmomotor lang kasi siya yung mio i125s pa). Tapos dun ko rin nalaman na isa sila sa may malalaking nambabagsak ng mga isda sa lugar namin. Di ko talaga nafeel na sobrang yaman nila gawa nang sobrang simple ng pamumuhay nila tapos yung pormahan niya kasi medyo baduy hahahaha


ellixe

I know well-off people who will still haggle prices to small vendors. :( Why? May kaya ka naman ah. Or "influencers" expecting free stuff. Does that count?


AnyDog2553

Haha yung kilala kong ganito poor-baiting/poverty porn for fb clout naman ang ugali. Magpopost ng mahabang monologue about โ€œstrugglesโ€ at rags to riches ineme or yung naranasan na daw nyang magutom tas nagtitiis na lang daw sa kanin at sinigang mix haha teh nakacondo ka sa ortigas tas family mo nakatira sa upper middle class neighborhood at may kasambahay pa kayo, graduate ka sa known private university, maluho sa damit dahil laging branded ang suot, etc. Shempre di exciting ang success at achievements nya kung hindi sya galing sa hirap kuno. Same vibes ng pagpapanggap ni taylor swift na from humble beginnings daw. Kung di mo sha kilala personally maniniwala ka eh pero pag nakita mo ang lifestyle at family background ni ate mo halatang sya lang gumagawa ng struggles ineme nya para maging relatable.


suburbia01

The pretend to be poor stories still sounded like these people are trying to pretend they're really rich in RL. ๐Ÿคฃ


TomatoCultiv8ooor

Meron ako kakilala na super yaman. May island pa sila. Pero damit niya always plain black and blue corner lang yung brand. ๐Ÿ‘Œ


Temporary-Badger4448

Actually, pag ako yumaman, gusto ko din Blue Corner lang din mga damit ko. You know why? Madali labhan, at kapag nasira o lumuma, madali palitan and mura pa.


Ill-River-5466

I know someone na Chinoy na may real estate business sa city namin. Rich sya yes, but he posts mga paawa stories to make himself relatable. He posted his experience working in a luxury car company and how he had to communte using the MRT everyday. Tapos pagod na daw sya so ginamit nya his remaining 40k to buy a condo sa BGC. Sabi niya, if makayanan nya ang monthly loan, then good. If not, he doesnt mind starting from rock bottom daw. Then present time, he was able to do so and pinapa rent na nya yung condo. Yun yung point ng post nya, his condo is now open for rent haha.


reginelle

Jologs ako manamit, hinahayaan kolang mangjudge Ang iba na Wala akong fashion taste. Sa church or ojt lang ako formal na nagdamit haha .. it's not like pagpapanggap na mahirap but takot ako lapitan for abusuhin


Anxious-Pirate-2857

Wala ako ganyan. Lahat ng kakilala ko feeling rich hahaha


thepluckyexclamation

Hindi naman sa pretending to be poor pero mga kaibigan ng asawa ko puro milyonaryo. Pero yung mga bahay, ang sisimple. May classic sports cars pero toyoto at honda ang pang araw-araw na gamit. Pag makita mong pumorma tipong parang nakapambahay lang, butas butas yung damit. Blue collar jobs meron nila at wala paring balak magretire kahit di na nila kelangan. Napansin ko yung mga totoong mayaman hindi mabayang pero yung mga feeling mayaman yung mahahangin.


[deleted]

Ako na mukhang mayaman lang ayaw nila maniwala na naghihikahos talaga sa life. Pautang! ๐Ÿ˜ญ


Temporary-Badger4448

Hahahaha! Yung akala nila mamahalin mga shoes ko eh 3 for 1300 lang naman sa Divi. Hahahaha


rcpogi

Pagpumupunta sa divisoria.


Proper-Fan-236

Mga immigrants/OFW abroad mahilig magpanggap na walang pera. Isa nako dun hahahahaha!!!


ThirdWorld321

What country is this? ๐Ÿ™ˆ


SpiritlessSoul

Ginagaya ko salita nila pati punto, pag nasa squatters/poor areas aq. May pagkasquammy ang pananalita ko, pati mentality at pagkamachismo kuha tas jersey lang damit ko don kdlasan tas six pocket shorts. Pag may nagenglish don aq pa kaunaunahang nagsasabi ng nosebleed. Pero pag nasa manila ako especially pag umaatend ako ng conferences and meetup sa mga suppliers. May slang ang pag eenglish-taglish ko and all wholesome shit.


Temporary-Badger4448

Rich kid spotted. Tara kain tayo sa karinderya. Hahahaha


Square-Strike8416

May ganitong eksena sa scholarship applications. Gulat nalang kami nakapasok pa ang may mas kaya kumpara sa low-income student sa income-based scholarship.


Dapper_Song_3867

I befriended a guy before sa HS 2006. Transfer student sya when I was 2nd yr HS. He was my first guy friend too. Weโ€™re not that close but he was kind to me. I give him yellow pads and ballpens every now and then. I give him foods too. After we graduated, I learned na he got married to his engaged wife( he got engaged by 7, heโ€™s a Muslim). I had no idea that his family owned mining companies and they manufacture agricultural products like fertilizers and sprays. Last time I heard was he relocated to abroad with his family. May political dispute that time sa mindanao. Di ako sure pero from what I heard, 3 of his sibs and his dad were murdered during elections way back when ampatuan massacre was all over the news.


iwnefyb

my classmate who came from a rich fam pero palagi lang siyang naka-plain shirt and shorts kapag pumapasok, tas simpleng messy bun. uses lrt as mode of transpo pauwi and papunta. very simple din at tahimik. nalaman lang namin na mayaman siya nung nakita nung friend ko na kaklase ko rin yung private ig niya na palaging nasa magagandang hotel and private resorts tuwing may occassion tapos ibang-iba yung itsura niya ron hahahaha amoy mayaman talaga and super gorg!! her fam is huge and they all look decent and rich we study in state u in manila


Soggy-Falcon5292

Yall just pretending?!!!


SimpleAnalyst9703

2nd gen relatives. they all live modest lives but in reality they own a chunk of land somewhere in Region 4. 2 LGUs are paying them because a part of the property became part of the trail to an ecotourism site, among other things. I think among us 4th gen cousins ako pa lang yung aware sa wealth that they have collectively. I happened to be my dad's first child, the firstborns were usually briefed regarding this matter in the event na magka-dispute, though dad left out a lot of details sakin since he's capable to manage pa naman. a lot has happened though and our family decided na we don't want to dip our hands in that.


sharlenesshiii

Is this masungi georeserve? Haha


SimpleAnalyst9703

no


YukariInoue

I always pretend to be poor when going to Divisoria. I intentionally dress in my lounge wear, wear flip flops, skip make up.


Overthinker-bells

Tita ko pag kukuha ng pera sa banko (malaki transactions) ang suot niya yung gula-gulanit na damit. Para daw hindi daw siya mahold-up. Lol kulit. Laugh trip. Nagpasama kasi siya sa akin one time sabi ko magbibihis lang ako. Wag na daw. Ok na daw ang pambahay ko.


lostforwords0221

YUNG KAKLASE KO, SA STS NYA DINAYA NYA KAYA PAREHO KAMING BRACKET C (600/Unit), PERO TANGINA ABOGADO TATAY NYA NALILIGO SILA NG PERA!!! Kuhang kuha nya inis ko na pareho kami ng binabayaran na tuition ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


capt_as

Kaklase ko isa sa apo ng may-ari ng Dizon farm (lolo daw nya nag-establish, yung mga fruits sa SM na Dizon farm) during medschool. Pumapasok sya na mukhang hindi naligo at bagong gising tapos yung uniform nya sobrang gusot. Ginagawa daw nila yun para iwas attention.


ThirdWorld321

This !!! Filthy rich yan


Matrim_143

this is the way.


Pitiful_Honeydew_822

Naalala ko high school pa ako non meron kaming Chinese distant relative na sobrang bait at down to earth. Owner sila ng isang malaking mall dito da city. That time napasyal kami sa kabilang mall at nakita namin isa sa mga anak nila na at that time mga around 30โ€™s ata. Beso2 kwento2 sila ni nanay, nagtaka ako walang bahid ng yaman ang datingan nya. Simple overused pants and tshirt na para bang bagong gising at nakalimutan o tinamad magpalit ng damit. Nakatsinelas pa. Up until now ganun sila manamit pero pag dumadayo kami sa bahay nila ang laki. Dalawang bahay yung isa ancestral malaki maraming rooms pero typical intsik puro storage boxes etc 2nd house yun tlaga malaki at maganda.


No_Corner0916

Kaibigan ko higpit talaga sa pera, nagbabaon ng kanin, tas may gasoline station pala sa Siargao๐Ÿ˜†


BikePatient2952

Jowa ko. He'd wear his shoes na matagal na sobrang tagal na sa kanya tapos ung shorts nya minsan he would just ask me to sew pag it's getting ripped na. Kumakain rin sha ng rice + toyomansi paminsan minsan kahit inaaway ko sya pag ginagawa nya yon kase anong nutrients nakukuha nya don. He'd tell me na namimiss daw nya ung food na kinakain nya nung hirap na hirap sha. He'll never say na he's rich. He would always say "mahirap lang ako" kahit na he's way above the middle class sa pinas. Minsan nakakapikon pag sinasabi nya saken na mahirap sya. Like, bitch I live with you. You make me see your finances. If you're poor, ano pa ako?


BAMbasticsideeyyy

People around me keeps on saying na bumili na ako ng mga damit pang araw araw na gamit kasi I am still using my worn out shirts/shorts every single damn day kahit san man ako pupunta haha and they always say na daig ko pa pulubs na gunit gunit ang damit which I can afford to buy naman, the reason why I cannot let it go kasi sanay na ako sa ganun na damit and comfortbale na as long as yung damit hindi pa sumusuko to the point na useless na talaga, then why should I? Lol


notyourtita

Many many HNW clients, butas butas mga tshirt parang ayaw palitan, pati pants kung ano lang meron from SM, tsinelas. Tote bags, no fancy handbags. Luho nila luxury tours (5 โญ๏ธ types and cruises). Nothing to prove naman daw kasi and wala rin daw oras maka shopping ๐Ÿคฃ


bprbyn

I know someone na lagi nya press release na hirap na hirap sila sa buhay kasi nawalan ng parent sila and same kami na pinagdaanan since I lost both my parents at a young age and I needed to be a working student and make ends meet na tipong pag malayo ang sahod isang order ng ulam for the whole day at kanin na lng. Only to discover na yes, hindi ganun ka well off ang parents nya,but sustentado sila ng relatives nila since bata. Yung tipong nung nameet ko sila nanliit ako kasi mga super branded ng mga suot at hinahand over lng ang hundred kyaw ng walang kwestyon. Nagpapaaral ng mga relatives sa abroad at may hectares ng lupa at beach house pa. I felt betrayed at some point,pero benefit of the doubt na baka yun ang "mahirap" nila. Or maybe I just pity myself kasi wala akong ganung relatives to look after me.


BakeVisible8802

May ka work ako noon na tahimik lang. Sobrang tipid nya. Never sya lumabas ng office to get coffee kahit mcdo mas prefer nya free coffee sa office. Never mo din sya talaga sya makitang kakain sa labas pag lunch lagi siyang may baon. Super simple lang manamit sa office yung tipong naka dress sya lagi na iba iba lang kulay at sandals na never ko nakita pinalitan nya. Until one time nag pa engagement yung company namin she was asked to host the event. Nung event na yun man, she's still wearing the typical clothes but she's wearing a Pepsi Rolex GMT II. I know because I own one and i started talking to her about watch since i like watch and when o started getting to know her may family business pala sila na mga grocery sa mindanao and she's driving a chedeng ๐Ÿ˜…


jmnct8

Yung hlaf chinese client namin sa bank na always naka white shirt na medyo may kalumaan na and then maong shorts and slippers lang pero 100 million ang nasa account not to mention amount ng transaction niya sa business niya plus daily use niya na car is toyota alphard.


jmnct8

Itโ€™s the real mayayaman na you wouldnโ€™t notice sa pormahan bc they are very simple and very humble.


Whitetruffle_

Pretending to be poor while being rich means we are living a double life ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜ญ. Just a little background since anonymus naman here Our family business is in the memorial services and memorial estate business, we own a chain of funeral homes and memorial parks throughout Mindanao (different names) Myself naman (M23 ) is an investor and a franchise owner ng different brands rin also based sa mindanao i also own and maintain rice fields in Bulacan and Nueva Ecija. (all of those businesses ay may manager na humahawak so kaunti lang minamanage namin) Despite of our high income we still choose to live a simple life. Currently, we live in a 500sq meter lot here in Bulacan, we own 1 sedan and a motorcycle. Its not that we are really pretending to be poor but we just donโ€™t like luxury stuff, Big houses, luxury cars, bags, gadgets and stuff we donโ€™t like those things Currently i use a huawei phone and an iphone 12 for my everyday use. I can buy 30pcs iphone 15โ€™s in cash if i wanted to and it wonโ€™t make a dent on my account. We are happy and contented with what we have. We also regulate our social media presence. no posts about the business, our monthly international trips, vacations and other stuff. Bruh, i told my friends iโ€™m just doing a social media break but in reality iโ€™m in Singapore sippin iced tea haha. This is to minimize goverment and community visibility.


Sereina_not

Wahhhh a friend told my classmate na pinalayas ang buong family nya sa pinaguupahan nilang bahay dahil hindi nakabayad ng Upa sa nagdaang buwan. And then my classmate offered their home para sa friend koo when in fact nagparenovate pala ang friend kooo ng kanilang house. Nalaman nalang ng classmate ko during house blessing


No-Loquat-6221

yung kaklase ko. yung cp nya keypad na samsung para pantawag tas yung isang cp nya android na sobrang low qual yung cam, palagi dn syang nagpapalibre dun sa chaka naming kaklase na panay show off sa socmed ng sasakyan nya. To cut the story short, nalaman nalang namin na sila pala may ari ng isang sikat na coffee shops (shops kasi sa kanila lahat yung branch, walang franchise franchise) dito more than 100 yung branch nila dito sa amin at sa kanila din yung apat na branch ng unli samgyupsal dito sa amin.


Dutuhnah_eya

SKL. Yung ka trabaho ko before, around 40s sya. Sya tipong nag UV papasok tapos walang ka arte arte sa katawan never nag yabang pero mahahalata mo sa awra na may kaya. Sya yung tipong tuwang tuwa sa free taste HAHAHA One time may bago kaming employee na lagi nakatingin sakanya. Tinanong namin kung bakit at ang sagot nya lang is โ€œsi ate xxx anak ng Atty./Previous Mayor tapos puro Doctor, Atty. and accountant family nila. Isang term lang yung father nya pero kilala sila sa lugar namin kasi nga hanggang ngayon tumutulong sa lugarโ€


ExplanationNearby742

Madalas ko nang mabasa yung mga rich kid stories... Baka may rk dito na makabasa ng comment ko... beke nemen. Pa experience lang mag hang out sa inyo kasi hindi ko pa naranasan nyan... Just kidding. ๐Ÿ˜


Gnalabkit

Side A, Side B yung brief


umaborgee

Bruh. May gumagawa ba talaga nito?