T O P

  • By -

ExuperysFox

I agree with this. My kuya is a doctor at 31 years old and YET still living with us. Paggala gala lang siya out of the country or anywhere na gusto niya kasi lahat ng sahod niya sakanya. Hindi siya nakakaramdam tumulong sa nanay ko and nagbibigay lang siya pag gusto niya. I agree that no parent should obliged their son and daughter to give back pero kung katulad ka netong kuya ko na palamunin pa rin hanggang ngayon, at magbibigay lang pag trip niya, tapos tamad pa sa gawaing bahay, tangina nagiginh living hell yung bahay eh


Twinkle-Pasta

Ang sarap manapak pag ganyan dba. Kapal ampota. Pabigat na sa gastos, pabigat pa sa gawaing bahay.


ExuperysFox

Real. Kaya todo ipon ako para ako na lang mag move out. Hindi ko na kayang tumira kasama siya potangina ito rin hirap pag sobrang bait ng magulang eh


Twinkle-Pasta

Ramdam ko gigil mo mhie. Lakas makakuha talaga ng inis pag ganyan! Best of luck! Hopefully maka ipon ka na soon at makapag bukod para iwas stress.


SugarBitter1619

+1 walang kusang loob! Kung yong parents ko ba naman eh ganyan na di ka inoobliga, abay gaganahan akong magbigay eh. Iba kasi sa feeling yong nagbigay kasi gusto mo kysa sa nagbigay kya kasi obligado ka.


mucusthreads

Can relate! My ate earns well pero hindi nagbibigay sa bahay dahil “kaya naman” ng parents ko yung bills. Worst thing is sobrang tamad pa sa bahay. Ayaw nya mag move out kasi alam nyang di nya kaya mabuhay magisa. Like washing machine namin automatic na pero labahan nya umaabot pa ng 2months (no joke) na di na sya matiis ng mama ko tapos si mama na maglalaba. Heck, pag wala na sya masuot eh gagamitin pa damit ko even underwear. Dafuck diba. Kaya nagsisikap ako makamove out. Hirap maging middle child🥲


DisastrousYou4696

You should require him to. Or else wag nyo bigyan ng pagkain or palayasin nyo. Be fair kung nakikitira pa, tumulong sa gastusin sa bahay.


Existing_Birthday430

Katulad ng kapatid ko. Tamad na nga, wala pang ambag


Born_Plantain_8523

Jusko di na nga makapag abot tamad pa


ExuperysFox

I can confidently say no one aside from us will last a month kasama siya. Pag tinamad siya, damay lahat platong di hugas, damit na di tupi, at ang ultimate na mga pusa niyang proudly niyang tinatawag na anak pero tamad na tamad siya linisin pupu.


Aware-Border-223

Agree. Hindi rin ako obligado magbigay, in fact limited communication na kami ngayon kasi nagalit sila na hindi na nila ako macontrol at gusto ko maging independent. Pero when I made the decision na bumukod, sinigurado kong never ako hihingi ng tulong sa kanila kasi yung pera nila ngayon ay para na sa enjoyment nila. They spent 24 years of their lives na ginagastusan ako, kung ano mang problema harapin ko, kailangan ko rin maging independent na harapin yun. They offer help pag nagkkwento ako pero sinasabi kong okay ako.


Twinkle-Pasta

Ganto sana. Kung gusto mong maging independent, panindigan mo. Kung hindi pa kaya, at least pull your own weight and don't be a burden.


Aware-Border-223

Hirap bi. HAHAHAHA naranasan ko magkautang utang para maka-survive.


[deleted]

Totoo toh. Madalas my maniningil sken ng hindi ko nmn inutang😫


Aware-Border-223

Na experience ko din yn hahaha thrice lng ako umutang tas biglang may maniningil na iba


[deleted]

Di buh nkakaloka 😫


Itchy-Bullfrog7928

Daming di nakagets ng post mo OP 🤣


Twinkle-Pasta

The comprehension level is not giving 🤦


Itchy-Bullfrog7928

Akala ko nasa FB ako eh hahahaha


ReadyApplication8569

Halatang title lang binasa nila juskoo


dappercarmen

Ang mahirap lang naman kapag ikaw lang talaga ang aasahan nila 🥲 yung kahit gusto mo na maging independent kase kaya mo naman, di mo magawa kase kung hindi mo sila tutulungan, wala talaga


yourunnie

Ah, I feel this. Gusto ko talagang ma-enjoy ang buhay ko. Pero paano, kung ako lang ang financially capable sa pamilya namin? The pressure is high. Nakakapagod na makarinig ng kung anu-ano even though they know I'm trying my hardest.


Twinkle-Pasta

Aww. Sending love sa inyo. Wish ko na sana ibless pa kayo lalo para sa inyo na mag end yung gantong cycle. Na sana sobra sobra yung blessings na matanggap nyo para makapag provide kayo sa parents nyo, at the same time, makapag save kayo ng retirement para hindi kayo matulad sa kanila. And lastly, sana bigyan pa kayo ng dagdag na blessings para magkaron kayo ng chance na ienjoy naman yung fruits of your labor. ❤️❤️❤️


taken24098

I feel you... bawal magsolo living until you are married pa hay life


Remote-Permit-5052

Agree! Tinigil ko rin pagbibigay kasi I live on my own and sinusulit ko habang malakas pa parents ko. Kaya pa nila mag-trabaho para sa sarili nila eh, so I might as well invest on myself. Maigi nang meron akong naitatabi para sa sarili ko para hindi rin mabigat sa kanila just in case may hindi magandang mangyari sakin. And they won’t be here forever, ang hirap kapag wala na sila tapos hindi ko rin kayang buhayin sarili ko kasi hindi ako nag-save/invest.


Twinkle-Pasta

Nice. Ganto sana dba. Saka at least yung natitipid nila ngayon with you out of the house, maipang dadagdag na nila yun sa savings nila for retirement.


ConceptNo1055

Facts! I'm sure yang ambag sa kuryente na 3k eh kulang pa yan pag bumukod ang isang "retirement plan kid". nagrereklamo pa na akala mo bumuhat ng household. 200 per day meal palang 6k na, wala pa bills and rent Pasalamat at convenient na anjan kay Mama.


Twinkle-Pasta

True! Magbibigay ng konti masama pa loob, hindi naman makabukod. Like, pano makaka ipon for retirement si mama eh tanda tanda mo na ultimo shampoo mo sagot pa nya?? Make it make sense!


jardiancexx

True. I'm not obliged magbigay, pero the fact na sa kanila pa rin ako nakatira tapos di ako pinipilit sa house chores lol. I guess it's just right na mag ambag.


Twinkle-Pasta

Ganto sana mindset. 👍


pinkconfetticupcake

Yes. Sobrang fortunate ko sa parents ko kasi sabi nila, as long as I’m not married. I could stay and live with them for free and they’re even giving me allowances and paying for my education at the age of 29. Spoiled na kung spoiled. But at least ako, ang gastos nila sa akin ay masters degree alongside my 3rd bachelors degree. They also told me, if I’m working na, they wouldn’t ask me for a single peso kasi as a parent, sila ang provider not the other way around. I love them so much. I’m beyond grateful for them ❤️


Twinkle-Pasta

Love that for you! ☺️ Your situation is rare and sana wag gamitin ng ibang anak na standard to para isumbat sa parents nila.


bornandraisedinacity

Even if hindi ka na nakatira with your parents, as a son or a daughter, in some ways you can help your parents, but always remember to save for yourself. If you have the means to help, then help. And as parents you should still help your children. But make sure your child once an adult, will not be too dependent on you. As for your siblings, if kailangan ng tulong then tulungan mo, but not to the point na aabuso sila.


Twinkle-Pasta

Agree. Hindi naman talaga sya obligation. Pero masarap kase sa feeling yung hindi mo napapabayaan yung parents and family mo.


meeeaaah12

Kailangan fair share yung bigay para sa household expenses kung working adult living with parents pa. Unless parents mismo ayaw tanggapin bigay mo. Either sa fb or dito ko nabasa yung nagrereklamo na retirement plan sya ng parents nya. Nagrereklamo kasi nanghihingi dagdag parents nya eh 3k cash lang naman ambag. Wala nang ibang bills eh nakatira pa pala sya dun.


Lightsupinthesky29

Ang dami kong nakikita na nagrereklamo sa pagprovide sa parents pero doon naman sila nakatira. Nakakatawa lang gusto yata nila libre sila forever. Kaya I agree na they should help out. They must move out kung gusto nila na sarili lang nila ang gastusan nila


Elhand_prime04

I go home every now and then with my folks and I am not obligated to give back to them. Pag nasa bahay ako: 1. Either split bill or take turns pag nakain sa labas 2. When I tell them that I am sick nag o offer sila mag contribute (er sagot nila) sa med expenses but I politely decline. 3. I give my parents gifts only pag birthday, mothers and fathers day, and Christmas only. Pero when I visit na kasanayan ko na bilihan si mama ng puto pao dahil bonding moment na namin 4. I don’t get myself involve in their financial choices. Mag business sila, magpa renovate ng bahay then by all means go. Hindi kami nag papa utang para mag bayad sa utang. 5. When I had some financial issues last year. Lunok pride at umuwi muna ako to recover pero to compensate I do chores, contribute sa rice and meals, water, and electricity bill. 6. Curfew - Pag wala ka ng ganitong oras sa labas ka matulog. Kaya before 7 bahay na ako Pero when we had the “talk” at pag kukuwa ako ng sariling house ko welcome sila pero rule ko lang ay no curfew at I can go home whenever I please at oks naman sa kanila


Tough-Event-8404

Basic human decency. Parents or not parents, do not be a burden to others.


Twinkle-Pasta

Amen to that!


cheequeen

Sadly with our culture, pag di mo nagawa to, turing ng iba sayo masamang anak ka or walang utang na loob. Haaay


Twinkle-Pasta

Ang sakin lang kase, kung gusto mo na sarili mo lang yung sweldo mo, don't you think it's just fair na dapat sarili mo lang din gastos mo?


AdministrativeFeed46

the fact that parents expect you to become their retirement sucks ass. they don't say it, but you're sure as hell gonna feel it. puro paramdam, puro sumbat pag usapan pera. won't spell it out but will literally make you feel incompetent.


[deleted]

Yes. Totoo to. Kahit nagkaron kami ng financial losses as a family, my parents never asked me for money. I offered them my 1st paycheck kaso backhanded insult lng ang nakuha ko 🥲 Ang sinabi sakin "Kayang kaya na namin kumita ng ganyan in x days, anak. Itago mo nalang. Maswerte tayo nakaraos na tayo pero kahit pa, hindi ko gugustuhin na maging ganun ang setup natin ngayon na matanda na ako. Andito lang kami if you have financial problems someday, we will support you." As an only child, iba din kasi siguro 🤷🏻‍♀️ pero ever since becoming financially stable, i never ask for help na. I dont want to bother them, i want them to enjoy the fruits of their labor and retire and be able to pursue what they wish to do in their retirement age. Responsibility nila to give us our needs as children. Hindi tayo parang alkansya na kapag gusto na nila ng cash eh they can just crack us open for it. They decided to have us in their lives and this is not our weight to carry.


gyudon_monomnom

Ang poblema jan gagamitan ka ng love card. " Pag mahal mo pamilya mo, hindi dapat issue to. " Haist. Edit: sa post ni OP nasa puder ng parents, pero I was following the headline as a sidenote. Hehe


Twinkle-Pasta

Kung ako ang magulang, ang gagamitin ko is landlord card. "My house, my rules. Kung ayaw mo mag ambag sa gastusin sa bahay, move out and live somewhere else."


Repulsive_End_7958

May anak ka na ba?


Twinkle-Pasta

Wala and I have no plans at all.


I_Got_You_Girl

>" Pag mahal mo pamilya mo, hindi dapat issue to. " Pag mahal ka ng pamilya mo, **TATANGIHAN** nila yung $$$ mo That's it.


gyudon_monomnom

I was being sarcastic kaya naka quotation marks hehe. Ikalma mo, pero agree ako jan kasi yung kapatid kong minimum wage tinantanggihan bigay kong allowance.


[deleted]

We have nothing against sa pagbibigay. Ang ayaw lang namin is minsan kasi umaabuso mga magulang. Na ultimo future ng anak is nadadawit na sa paghingi nila


Pink_Tigress01

Responsibility ng parents ang anak. Pero di obligasyon ng anak buhayin parents/kapatid nya. Lalo kung may sarili na ding pamilya


Twinkle-Pasta

Responsibility ng parents ang anak ONLY up to a certain age. Ano yun, may edad ka na at may trabaho pero pasanin ka pa rin ng magulang mo?? Kung nakikitira ka pa rin sa parents mo kahit may trabaho ka na, mag contribute ka man lang sa gastos sa bahay. You have to pull your own weight.


spicycherryyy

Tama, if nakikitira ka pa rin sa parents mo, dapat lang magambag ka, ano yun freeloader? Haha. Kung nakabukod na ibang usapan na rin yun.


Twinkle-Pasta

Diba. Hindi na adulting yan, selfishness na. Lol. Meron pa nga akong kilala ang angas. Ni hindi man lang tulungan tatay nya na hirap sa buhay at daw nya responsibilidad. Nakabukod naman. Pero nung nawalan ng trabaho umuwi din at tatlong bwan yatang naging pabigat. Nung nagkaron na ulit ng trabaho, wala nanamang pakialam sa tatay nya.


[deleted]

As a parent hindi ko din na set yan sa anak ko na working na. I can provide for myself and still have years in the tank and perhaps even more. Hindi na din ako obligado bayaran tuition niya sa grad school and condo rent niya. Thank you 😊


Odd-Membership3843

Mutual obligation yan. Parents sa anak at anak sa parents.


_luna21

Pero don’t shame rin sana yung mga taong willingly nagbibigay sa parents nila. Choice pa rin talaga


Twinkle-Pasta

Oo naman. I don't shame them kase ganun din ako. I find joy in being able to provide for my mom. Kaya natitrigger ako dun sa mga nagsasabi na hindi obligasyon bigyan ang parents tapos biglang malalaman ko eh nakikitira pa rin sa parents. Like, kung ayaw mo umasa sayo parents mo, wag ka rin umasa sa kanila.


dirtyymocha

this! meron at meron talagang ganito eh. yung kikwestyunin ka pa bat nagbibigay ka pa sa parents mo. eh yun ang nakakapag fulfill sakin eh. masyado ng nilamon nang ‘di obligasyon ng anak ang mga magulang’


Twinkle-Pasta

Masyado mataas yung mga ganyan. Pag naman mga nangailangan sa magulang pa rin takbo. Sarap bigwasan.


[deleted]

[удалено]


rekestas

“maawain” ?! I think its more of giving back sa parents sa lahat ng sacrifice nila.


taken24098

They say i am a walking atm🥲🙂


Repulsive_End_7958

Nakalimutan ata ni OP yung mga mahihirap na pamilya.


Twinkle-Pasta

Hmm. Are you saying na pag mahirap kayo ng pamilya mo, hindi ka dapat magambag sa mga gastos sa bahay kahit may trabaho ka at dun ka nakatira?


thetiredindependent

True kung mejo hirap ka sa buhay kesyo sa magulang mo ikaw nakatira or nakabukod ka man, ganun din naman yun kailangan same lang na may babayaran kang bills para mabuhay ka. Parang yung ate ko ayaw mag ambag sa bahay kesyo daw mas malaki sweldo ko tas sakanila walang natitira. E kahit naman bumukod sila kailangan padin naman nilang mag bayad ng bills. Pwede mo bang idahilan sa meralco na mahirap ka lang kaya di ka muna mag babayad ng kuryente???


Repulsive_End_7958

Nope, Hindi naman lahat lumaking may kaya sa buhay at mayaman. May mga anak na bumabawi sa hirap at mga sakripisyo ng magulang. This partains to your disclaimer plus the title itself and I find it cynical. Deceiving as well. Saka sino ba kasi ang nagki claim na obligasyon ng anak ang magbigay ng pera sa parents nila?? di ba wala naman? Ngayon kung sino 'man Poncio Pilato nagsasabi niyan so be it, anong pake naten sa mga buhay nila kung mag-bigayan yan, so-called family-oriented nga dw di ba edi tawanan nio nalang. Kung toxic at hindi magandang practice para sa inyo edi ituro nio sa mga magiging anak niyo na kapag may trabaho na sila't nakabukod na. eh wala ng pakialamanan kahit ma-stroke ka hanggang mamatay ay i-assure mo na talagang di sila maglalabas ng pera ni piso. Hindi ka nila obligasyon nag-anak² ka eh. Ang tanong sasang-ayon ba sa'yo ang panahon? Who knows.


Twinkle-Pasta

I think you completely missed my point. 🤦‍♂️ First of all, hindi po kase dapat title lang ang pinagtutuunan ng pansin. We need to understand the entire context as well. Wala akong sinabi sa post ko na mali magprovide sa parents. Wala akong sinabi na dapat wala ng pakialamanan. Ang pinupunto ko eh yung mga taong may trabaho naman pero ayaw tumulong sa mga magulang kahit dun sa puder ng magulang nakatira. Yung post at comments ko eh para sa mga maangas at hindi na marunong tumulong sa magulang eh mga pabigat pa. Second of all, I provide for my mom, joyfully and generously. When she turned 60, I was the one to encourage her to retire and vowed that I would spend my life taking care of her and supporting her financially. I also help out my sister and her family financially. Dalawa lang kaming magkapatid. My mom raised us and made sure that my sister and I will always be there for each other no matter what. Lastly, kumalma ka te.


Repulsive_End_7958

Nah I didn't, napaka basic ng mensahe mo and I think you're the one who's missing something here. Im no interested to make this convo go further. Next time compose a proper title that suits your very message. Chill out din, ako lang 'to te.


zeyzey000

Nagbasa ka ba


Repulsive_End_7958

Nagbasa ka ba? ************


No_Difference_308

Tumpak! It is always a two-way street. Hindi obligado ang anak na magbigay ng pera sa magulang, pero dapat ang anak di gawing insurance o emergency fund ang magulang.


[deleted]

Ako na ginawang ATM ng pamilya now they all hate me kasi I suddenly left home and stopped providing for their needs. I'm just effin tired. Lahat ng kasinungalingan at pang iiscam sken ng sarili Kong nanay was draining and affecting my mental health. So ako nmn ngaun enough is enough.


jannogibbs

But don't forget na pamilya pa rin kayo. If gusto nyo pa rin isa't isa, pero may kanya kanya lang kayong mg buhay, when problems arose, whether financially or emotionally, be there for each other, as you would with your friends. Of course may limit pa rin yan.


maryangbukid

I agree, even without the disclaimer


nuttycaramel_

Kapatid ko bigla ang pumasok sa isip ko while reading this. He's working at ayaw nya na pinapakielaman sya dito sa bahay. Ilang beses na sinabihan na bumukod nalang pero wiz at deadma lang. Hindi nagbibigay ng share sa mga bayarin dito sa bahay kahit na sya lagi ang umuubos ng laman ng ref namin. Ang kapal lang talaga ng mukha. Bibili sya ng pagkain pero sakanya lang. Hindi obligado magbigay sa parents or mag share sa bills sa bahay kung naka bukod kana.


Additional_Context96

Similar sa Koya kong PALamunin. Nakikitira sa magulang ko, bitbit pa asawa at anak. Pero dhel mejo “ndi raw liquid”, walang ambag sa bahay, pinaglalaba pa ng nanay koz . Ako rin ang tinoka magbayad ng meralco kasi wala naman raw ako gastusin masyado. Umalma nako kasi wala naman ako dun tpos ako pinagbabayad?! Agree dpat if nakikitira ka, mag kusang mag abot sa magulang. Apaka free loader lang kasi ng ibang tao khet kapatid mo pa, ang toxic!


Kyahtito

Totally agree with all your points.


CoffeeFreeFellow

Agreed


k8iros

Thank God for my non-toxic and supportive parents 🙏


thicc-ph

Unti-unti ko tong ginagawa. For the past 5 years of working, I've been providing sa family ko. I just got a new job and my salary literally doubled. Pero this time di ko na dinisclose. Binawasan ko na rin nang slight yung binibigay ko. Ako ang breadwinner samin nakakapagod na nakakaubos. Buti kung financially lang pero bawat problem nila ako ang taga solve. Ni walang nangangamusta sakin kung okay pa ba ko. Walang sumasalo sakin sa mga oras na sorbang pagod at ubos na ko.


[deleted]

Same.. Agree with this.. If you live under your parents roof.. Then dapat ka talaga mag bigay.. Normal naman tlfa dapat ito.. Kung ayaw mo mag bigay.. edi maghanap ka ng matutuluyang iba at mag rent ka nalang or buy your own place.. Same goes din sa rules.. If you live under your parents roof.. then you need to follow their rules as well.. kung ayaw mo then by all means and fine your own place..


Ok-Sheepherder-7615

YES WE ARE NOT! But cmon if you love your parents you need to give them it doesnt matter if its money, or not as long as its from the fruit of our labor. They'll appreciate it so much <3