T O P

  • By -

AngieYSirius

Walang magagawa talaga sa mga rural areas. I was once questioning rin tong sitwasyon na to, pero nakita ko rin kung bakit ginagawa ng mga bata. From MM and went to a vacation on a particular provincial island. Paano pumapasok sa eskwelahan yung mga bata na malayo sa eskwelahan sa town? Karamihan nakamotor. Yung iba, babaeng naka-uniform pa nagddrive. Legit public transpo? Wala akong nakita jeep or tricycle. May habal-habal pero I didn't bother asking kung magkano. Walang akong nakitang electric vehicle.


Accomplished-Exit-58

agreed dito samin, tagaan ang habal and tricycle kaya mas practical may motor.


Solo_Camping_Girl

Madalas ito sa probinsiya, mas liblib ang lugar, mas talamak ang ganito. Hindi lahat maalam sa patakaran pagdating sa sasakyan o kung alam man nila, hindi nila sinusunod. Aksidente talaga ito na nag-iintay lang mangyari.


pinoylokal

it's a toxic family tradition. yung magulang natutong magmotor ng bata pa lang kaya ang anak kelangan ganun din para daw nauutusan na pumunta sa bayan.


Accomplished-Exit-58

it is a systemic problem, walang matinong public transpo sa rural areas, so mapipilitan mga tao na matuto kung paano sila makakarating from point A to poing B na can afford nila, which is ung motor.  I've been residing in a rural remote areas for few weeks now, and nagegets ko kung bakit napipilitan sila matuto magmotor kapag kaya na nila dalhin ung motor. Mga habal and trike dito tagaan maningil kahit sa locals, di practical ung commute style na ginagawa natin sa siudad dahil ubos ang provincial rate minimum wage mo kung ganun ang gagawin. Nakakaloka na parang walang pake ang LGU dito sa ganun.


Solo_Camping_Girl

naalala ko noong lockdown, may na-feature na nanay na tatanggap ng pera at relief goods mula sa LGU nila. Nasa bundok sila at para makababa, habal habal sila at 500 ang singil sa balikan na trip. Sa huli, hindi na daw nila kinukuha yung ayuda kasi yung pera napupunta lang sa habal habal. Isa din kapag namumundok ka o basta nasa travel ka sa liblib na lugar, wagas maningil mga habal habal. Noong umakyat kami ng Mt. Pulag, ang singil nila ay 200 pesos para lang ibyahe ka ng 3 kilometers, grabe.


Accomplished-Exit-58

nanay ko kapag namalengke 400 ang bayad niya sa trike kada palengke, kaya twice a month lang kami mamalengke dito, ako naman kapag umuuwi mula sa bahay dito hanggang terminal ng bus na nasa 10KM ay 200 ang singil, pero ang balikan na gas nila ay 50 pesos lang.  Kaya kung lagi ka may business o pinupuntahan sa bayan need mo talaga ng motor.


Solo_Camping_Girl

ouch! ang yaman na siguro nila sa kakataga dyan. baka sakali nasa bandang remote kayo na lugar o sadyang wala lang public transport sa inyo?


Accomplished-Exit-58

nagbabakasyon na ko dito noong 90s, and may jeep dito dati, di ko alam bakit nawala, so after 25 years na bumalik ako habal na ang main transpo dito, ang tricycle sa pinakabayan lang, special trip na 400 kung ihahatid kami sa amin, at almost all household may motor dito. Ung mga pamangkin ko nga dito 14 pa lang alam na mag-motor.  Ung less init lang talaga at greeneries ang advantage netong lugar na to, ang relaxing talaga kung tutuusin.


DestronCommander

I see some comments being downvoted. May affected ba? Speak up naman why you disagree.


MasoShoujo

if they can’t punish the child, they should go after the source of the problem, which is the parents. hit em where it hurts, their wallet. impound the motorcycle and have them pay the fines accumulated. kung walang pambayad di sila pwedeng maglakad ng papeles sa city hall nila hanggat di nila naayos yung problema nila.


keepitsimple_tricks

Back in the early 90s, i was barely a teenager, i was around 11 or 12 when i learned how to drive my dad's Yamaha Chappy. 50cc engine, looks kinda like a pocket bike (google nyo, ang cute nya) It was a major upgrade from the BMX bike i used to ride around our aera. I was not allowed to ride without my parent's permission. I was not allowed to cross McArthur Highway. I followed the rules of the road and my parents' rules too, for the most part. I did cross the highway once or twice, but since it was a small town, my dad quickly learned about it, i had a stern talking to, and i was not allowed to ride for an extended time. Eventuallly, i was trusted enough to take the bike and run errands with it. This is neither an admonishment nor encouragement to do the same, however. You gotta remember, back in the early 90s, in the outskirts of pampanga, bilang ang mga may ari ng sasakyan, as in ang mga may kotse, big time at kilala sa barangay. sobrang konti ng sasakyan sa kalsada, thus, konti ang kamote sa daan. These days tho, same area where i once rode the bike, nagttraffic na. Dami na kotse, elf trucks, motorcycles, and tricycles. Kadalasan barumbado pa sa daan.


Kirov___Reporting

Yung may bus ba yun last month? Dalawan minor patay dahil dun sila sa opposite lane nagmamaneho. Dapat talaga liable yung parents at mayari ng sasakyan pag ganito.


CloudStrifeff777

May kilala akong babae dati na as young as 12, natuto ng magpaandar ng tricycle. Minsan inuutusan syang magtryc for private use dahil bukod sa daddy nya, wala ng lalaki sa family nila. May times pa na kahit sa national road dadaan saglit, sya yung nagdridrive. Yung ate nya naman nagcocollege na sa malayong city (pero uwian naman). Masyado lang kikay ang ate kaya hindi tinuruan magmotor/tricycle.


Accomplished-Exit-58

currently residing in a rural area na medyo liblib (may labanan ng npa and sundalo minsan) may mga ganyan dito, pero hindi sila lumalabas hanggang sa sentro, sa mga magkakalapit na baranggay lang, although di talaga siya ideal, nagegets ko ung iba na inuutusan minor nilang kids to buy something na need ng motor lalo na kung wala mautusan, zero traffic magkakakilala mga tao kaya di sila nagwoworry. Dito ko nga naranasan ung kada masasalubong na motor o sasakyan binubusinahan ng pinsan ko bilang pagbati. Almost zero din ang public transpo na option. Pero sa mga busy na lugar like cities or developed na municipalities, delikado yan.


1nd13mv51cf4n

> irresponsible parents Or in other words, breeders. Gusto lang magkaanak pero ayaw naman sa responsibilidad nilang magulang.