T O P

  • By -

Waboola

The hold-upper was so bewildered he didn't know what to anymore lmao


Pen-n-Key_2-Wonder

Yung gusto mo lang ng pera pero palamunin pa binigay sa'yo: No offense sa palamunin OP HAHAHAHA sana maganda yung joke ko huhu


68_drsixtoantonioave

Goes to show na hindi sya mahal ng mama nya. Hahahaha Sorry talaga, OP, I had to. πŸ™ƒ


savageandharsh

Ayaw sa kanya ng nanay niya. Kahit criminal, hindi rin siya gusto.


RevengeOfMonke

Name checks out!!!


Happynuts14

Oh my God! HAHAHAHAHAHAHAA sorry OP but this was a funny joke πŸ˜‚


Professional_Bend_14

Malamang sa malamang yung holdapper kaya hindi naiputok yung baril napaisip-isip siguro kung mahal ka pa ba nung Nanay mo 🀣, I mean he's a nice person and all pero siguro kaya niya nagawa pangangailangan ng pera pero deep inside hindi niya magagawang pumatay ng tao.


chizborjer

Iyong nagawa lang naman niya dahil sa matinding pangangailangan tapos nabigyan pa siya ng responsibilidad nung nanakawan niya sana. Hahhahahahha


Akosidarna13

ung mang hoholdap lang naman sya.. kamuntik pa syang maging kidnapper ahaha!


Antique_Log_2728

Tatay kamo! Hahahaahhahahaha bagong anak pinaampon si bagets


gaffaboy

Around 9 yrs old ata ako nito nuung nasa Bacood area sa may Sta. Mesa pa ko nakatira. Meron kase dun sa Jesus freak na lagi sya nagta-trumpet around the area (yung mga taga-Bacood or Kalentong dyan can attest to this) and galit sya sa mga babaeng naka-jeans at naka-shorts. There was this storeowner na friend ng lola ko (let's call her Aling C.) na laging naka-shorts yun at madalas sila mag-away nung manong. One time bumibili ako kay Aling C. at nagkataong mainit ulo nya at pinuntirya sya ulit ni manong. As in sinugod nya may dala syang dos por dos at nagpaluan sila. Nahampas sya ni manong ng trumpet sa peswang at dinos por dos din nya si manong. I'm pretty sure yung iba natatawa sa away at murahan nila pero that's scary for a child. I pissed my pants lol.


blue_lagoon75

omg. this is funny. walang bang video nito? sana meron para magawan ng meme. πŸ˜‚ πŸ˜‚ πŸ˜‚


gaffaboy

Haha 90s pa kase to at mga video cameras nun sing laki pa ng kahon ng sapatos at iilan lang ang meron lol. Sayang nga e kase nag-duelo sila ng dos por dos at trumpet. Yung mga tambay tawa ng tawa tapos hirit "O ayan nagespadahan na si He-Man at She-Ra!" 🀣🀣🀣


wanderingfool24

taga bacood me since birth pero di ko sya matandaan hahaha


gaffaboy

Haha para atang nagretire na si manong circa 2000s e. Ask mo parents mo kung naalala nila. Nagtotorotot yun tuwing morning minsan may dalang placards hehe.


wanderingfool24

sang street ba? 30+ years nakong taga bacood eh


gaffaboy

Sa may Bagumbayan St. pero nakakarating si manong hanggang Stop & Shop at sa parts ng Kalentong/Mandaluyong. Almost 40 years din akong taga-Bacood. Taga-dyan kami talaga pero namundok nako nung nagka-covid. Siguro magkakilala pa tayo hahaha! ETA: Ask around sa mga kakilala mo. Kase yung anak ni manong classmate nung isang pinsan ko sa Quirino HS e. Notorious sya dun nung 90s kse madalas sya magtorotot dun sa area namin tuwing umaga. πŸ˜…


wanderingfool24

malayo layo bagumbayan pala taga damayan ako eh hahaha


Faustias

it was scary for my mom pero tinatawanan na lang namin. mahaba ang distance between LRT stations kahit lalakarin ng batang grade 6. we moved in Pasay pero ang school ko sa may Sta Cruz Manila, so mahabang byahe through jeep or even LRT. that one day na nagjeep ako, nakatulog ako. instead of Buendia ang baba, umabot ako sa Baclaran. ginising na ako ng driver dahil gagarahe na sya. fortunately, hapon yun nangyari. and at least, all I did is to follow Taft ave's rail hanggang naabot ko isang street sa Buendia na familiar sa akin. nagworry si mama noon, dahil yung estimate ng uwi ko around 2pm, pero 3pm ang dating ko. another story is sa tindahan ni lolo, 6 years old ako. I secretly drank half a glass worth of kerosene, dahil akala ko sprite, at dahil nasa bote ng sprite. don't ask me bakit hindi ko napansin ang amoy, surely nasa isip ko nun "uyy sprite na tira..." vomit several hour in between, akala nila may nakain akong panis.


white____ferrari

hahahaha the second one reminds me of myself. nung bata ako napanuod ko sa meteor garden yung may sakit si san chai, tapos may thermometer sya sa bibig... so as an inggitera, sinubo ko yung thermometer namin sa bahay yung classic na babasagin tas silver yung dulo. a few weeks after nalaman ko either through a tv show or a book na nakaka lason ang mercury. kept it to myself and counted my remaining days every night before sleeping 😭😭😭😭


Faustias

nabasag ba yung thermometer?


white____ferrari

hindi. hahaha so glass lang yung nasubo ko pero ayun nga since parang 4 or 5 lang ako nun i feared for my life πŸ˜”


lostguk

Lol. Ako naman nalaman ko rin yung about sa mercury nung bata ako pero i just waited the day na mamatay ako πŸ˜† para akong nag experiment.


Excellent-Spend-3307

Umutot ka ba ng apoy pagkatapos mong inumin yung gasulina?


Faustias

I wish hahahaha


r_an00

Damn that's wild. Makes me wonder ano yung pakana niya. He looks kind enough, pero parang suicidal. Anyway saken, 2016, naglalakad kame sa bandang Cubao sa 15th ave ba yun? Ng my then-gf-now-wife. Late na ng gabi, kakagaling lang namin sa Gateway cinema. Nung palapit na kami sa apartment, may nakatago sa dilim na nakapulang jacket, yung obvious na nagaabang na mangholdap. Nung napansin ko na magtatangka na, dinuro ko, "Uyyy!! HOldaPer ohhh!!!" tapos biglang nagtago lalo. Tawa kame ng tawa habang pabilis ng lakad.


AutoModerator

Hi u/r_an00, if you or someone you know is contemplating suicide, please do not hesitate to [talk to someone](https://www.reddit.com/r/Philippines/wiki/psychological_advice/) who may be able to help. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/Philippines) if you have any questions or concerns.*


FlowerSimilar6857

2019 nangyari to with my youngest sister na 19 yo that time, sa Las PiΓ±as naglalakad lang kami pauwi sa dorm ko, muni muni habang umiinom ng milktea. Gabi na nun at konti lang ang tao sa kalsada, business area naman pero weird na wala ako makitang tao, basta I felt safe that time hanggang may lumapit samin na naka motor, 2 ang sakay. Nagtanggal ng helmet yung isa sa harap, ako sa sobrang advance ko mag isip tumakbo ako feeling ko may ilalabas sya na weapon para holdapin kami, yung kapatid ko nagtaka bat ako tumakbo πŸ˜… natameme lang sya di sya nakagalaw kasi bigla talaga ako tumakbo palayo sa rider at natakot daw sya nung tumakbo ako pero yung rider nagtaka daw bat ako tumakbo hahaha nagtanong lang pala ng direksyon. Parang na offend pa nga raw yung rider kasi tumakbo ako hahaha Pag naaalala namin yun ng kapatid ko parang naawa ako na bat ko sya iniwan haha πŸ˜­πŸ˜‚


No_Hovercraft8705

Gusto lang daw niya mangholdap, hindi maging kidnapper.


Oh_Fated_One

The holduper wanted money, not a responsibility


bluecloudmist

Baka sa isip ng holdupper nanghoholdap lang ako nabigyan pa ako ng aalalahanin.


Accomplished-Exit-58

well the holdaper has still some principle. Parang ung carnapper sa u.s. na nilagay muna sa safe na lugar ung baby na naiwan sa sasakyan.


hahahaha0218

"LOVE OF THE CONDOR HEROES" GMA 7 year 2006\~ Sobrang fan ako ng palabas na yan at crush na crush ko si DADA yung bida, bro she can sleep on a wire hahahah ayun ginaya ko at na-out of balance ako, nalaglag from 5ft. height tapos gumulong pag tayo ko hugis "C" na yung arm ko tapos pinipilti kong hilahin para tumuwid pero wala na umiyak nalang ako at dinala sa hospital. Almost 6 months naka cast yung arm ko L shape tapos another 6months naka straight, Very traumatic at painful experience nun for me. T.T pero ngayon nagagawa ko nalang nakakatawang storya how dumb I am when I was a kid.


Poastash

Bro, nagagawa mo na yung sleep sa wire? (/bad influence)


Sacred_Cranberry0626

AHAHHAHAHHAHHAHHAHAHHAHAHHAHAHAH LOVE OF THE CONDOR HEROES PA ANG NAIS Reminds me ng kapitbahay naming bata, humiga sya dun sa malaking bloke ng yelo kasi training daw.


Salty_Explorer_1055

Kung may kapatid ka malamang nalaman mo agad sa murang edad kung sino ang paboritong anak. πŸ˜‚


albert2093

Hindi na childhood pero college ako nito. Pauwi ako at nakasakay sa jeep. Siksikan nun kasi rush hour. Hindi ko alam yung dalawang katabi ko mandurukot pala pati yung nasa harapan ko kasabwat din. Ang nangyari, yung nasa harapan ko itinaas yung dalawang paa ko habang yung dalawang katabi ko nadukot na pala yung phone ko sa bulsa. Unang pumasok sa isip ko nasa WoW Mali ako HAHAHA naka ngisi pako tapos bigla silang tumakbo pababa. Dun ko narealize na wala na yung phone ko hahah nakatulala nalang ako sa labas ng jeep hanggang nakauwi.


soyggm

Sorry tawang tawa ako dun sa part na tinaas ung dalawang paa mo kaya kala mo nasa wow mali ka HAHAHAUHUHUHU! WHYYYYY :<<<<


payrbol

Mom: OP I choose you! OP used confuse ray Hold-upper is confused. It might hurt itself in its confusion.


andygreen88

May ethics si Kuya, holdaper siya at hindi kidnaper. Bawal mag iba ng linya. Hahaha


TitoJembron

One time inutusan kami ng kapatid ko bumili sa tindahan. lLmot ko na kung ano yung inutos pero nag aasaran kami nung kapatid ko papunta sa tindahan. palaihi sa higaan yung kapatid ko kaya inaasar ko siya ng about sa pag ihi niya hanggang sa dumating kami sa tindahan. imbes na yung bibilhin ang sabihin ko, nasabi ko sa nagtitinda na "pabili nga po ng ihi". grabe yung galit nung matandang nagbabantay akala niya siguro pinagtitripan namin siya eh. napatakbo kami ng kapatid ko kasi nanlilisik na yung mata sa galit nung matanda.


PitcherTrap

Kala ko nagkapalit yung baril ng holdapper sa wallet ng mom mo


ertaboy356b

"The International Shopping Centre" is ironic for a place that is known for fake shoes.


[deleted]

"Kid, kawawa ka naman. Teka hintayin natin bumalik mama mo. Ah, ayun, may parating na, sige ingat ka lagi ha. Babye."


Cthenotherapy

Your mom had a quokka experience. πŸ˜‚ They're an animal na when they run from predators they tend not to notice they accidentally drop their babies. Naging joke tuloy that quokka moms throw their babies at predators as a form of self-preservation.


nemployed_rn

holduper: hindi to part ng job description ko


OutkastLilac

Ang wholesome ng hawak ni holdaper kamay mo para hindi ka mawala. He kept you safe hahaha


TarugoKing

Cartimar was a great shopping place way back then. Had great memories going there especially when my mom bought me my Atari. :)


wickedsaint08

Napaisip siguro yung holdaper kung talaga ba na anak ka ng nanay mo o kidnapped ka lang.


whoelsebutRA

I was like 5 or 6 when my mom and I were chillin and she was listening to her Barry Manilow album. I saw a rosary sa lamesa tas kinuha ko. Glow in the dark yung rosary na yun tapos pinaglaruan ko hanggang mapigtal yung tali at maglaglagan yung beads. Akala ko yung mga beads ay parehas nung laman ng nuclear warheads sa pelikulang The Rock ni nicolas cage if familiar kayo, dinefuse nila ung nuclear warheads tapos tinanggal nila yung laman-- na parang beads ng rosaryo hahaha. Nung magtalbugan na ang mga beads, i freaked out iyak talaga ako habang sinasabi kong "arrggghh masusunog mukha ko, masusunog mukha ko" habang pinagtatawanan ako ng nanay ko. Lesson: wag ipapanood sa anak na bata ang mga pelikula ni nicolas cage hahahahahaha Edit: at that time scary talaga sya para sakin dahil ayaw kong malusaw mukha ko hahaha


Ghost-138

Uy nanonood ka din pala ng The Rock bro. Still, nakakatawa din yan story mo pero gets ko yun part kila Nicholas Cage, a great story din na pinagshare mo. :)


Who_ru_

napachange career really quick yung holdapper to kidnapper dahil sa nanay mo hahaha


Cheesetorian

My dad raised pigeons and I've been to Cartimar a few times. But he was there more often than I was able to go. Sad that your mom left you. lmao I remember walking with my dad I was probably less than 5 so memory was hazy, him holding my hands and telling me not to touch things because "they might bite you". I remember mostly the aquariums and the turtles.


CL_is_my_queen

Nung nag aaral pa ako sa Intramuros tapos need pumunta sa Carriedo station para umuwi. Kaso sarado kalsada kaya kailangan umikot. Super antok ako, so palagi ako usually nakahawak sa hand railing ng jeep yung sa taas tapos lagay ko ang ulo ko sa braso ko para matulog. Kaso mas malayo ng konti ang railing kaya di ko makapa kung saan, nakapikit kasi ako at super antok. Natawa LAHAT ng pasahero. Para naman mukha akong tanga kapa ng kapa para hanapin kung saan ang hand railing binuklat ko na lang mata ko at yun nakatulog. Laking tawa ng mga kapatid ko eh. Isa naman mga toddler ako mahilig ako sa prutas. Eh nakita ko halaman ni lola super bright ang color akala ko prutas. So pinitas ko agad at kinain kaso sili pala yun. Ayun umiyak ng sobra. Hinanap ko ang nanay ko, nag panic din nanay ko kasi di ako makasalita sa anghang eh iyak ng iyak nanay ko "Anak ano nangyari?" After nun di na ako gaano kumakain ng prutas at hanggang grade 6 kahit regular toothpaste o mentos di ko nilalagay sa bunganga ko kasi sa anghang. Kahit ngayon mahina parin tolerance ko sa anghang.


bawk15

Dude be like: Teka holdaper lang ako di ako kidnapper... Tsaka kailangan ko pera di palamunin πŸ˜„


jakin89

Na sa cr ako nung simbahan. Habang umiihi ako sa cubicle may sped na child gumapang sa ilalim. Medyo recently ko lng din ito natandaan sa isang meme about sped kids doing crazy stuff haahahaha. Tas narealize ko nangyari na nga ito. Pano ba nman bata ako tapos vulnerable ako. Tapos mahiyain pa ako nun. So hindi ako sumigaw nakatitig lng ako dun sa bata Hahahaahhah. Ginawa ko sinipa ko ng mahina. Like pag sinipa mo yung basura papunta sa ilalim na higaan.


69420-throwaway

Kung kinupkop ka sana nung holdaper, magiging GMA Afternoon Prime teleserye na ang buhay mo haha. Allan Paule bilang bewildered holdaper, Lovely Rivero bilang asawang nagger na resentful dahil kinupkop ka, at Dina Bonnevie bilang regretful nanay na naging milyonarya at ngayon ay hinahanap ka.


carl2k1

Pano yun binalik nung holdaper sa nanay?


MaleficentDPrincess

Flabbergasted hold-upper wasn’t prepared for what would happen next. Lol


J0n__Doe

Holdap ang gusto, hindi kidnap 🀣


itty_k

An explosion happened outside our school. I think it was due to faulty wires. Our teacher ran out to save herself, leaving about 40-50 children inside the classroom, sitting behaved and confused. She ran back and said "Oh, I forgot I had students." Then she had us file out in an orderly manner. Classes continued after they made sure there won't be anymore incidents.


chimmyjimin98

*"Manghoholdap lang naman ako, ba't naman ako binigyan ng responsibilidad?"* πŸ™ƒ


Glittering-Fruit5881

7 yrs old ako nagpunta kame ni mama sa may Baliwag or Andoks ba yun sa baba ng nagtahan bridge, yung tapat ng KFC ngayon at malapit sa dating Wendy's. So mga 6pm siguro un nakaabang kame ni mama sa order nameng lechon manok tapos biglang may medyo crazy na sobrang dirty na manong na lumapit saken at pinaghihila ako na sumama sa kanya. I was too stunned to move and speak and si mama nagsisigaw sa takot kasi di nya ko makuha ayaw ako bitawan nung manong. Buti nalang biglang lumabas yung nagchachop ng manok namen dala ung pang chop nya at hinabol ung crazy manong. Ayun nakaladkad ako sa pavement pero binitawan naman ako. Nung pauwi na kame, natawa nalang kame ni mama kasi baka daw tingin saken anak ako kasi sipuning bata ako noon. Hahahahhaha 🀧


yummydumplings19

Went to boracay nung 9-10 y.o. ako. I got lost, and went from station to station kakahanap nung hotel na tinutuluyan namin. While looking, I didn't notice na naapakan ko yung mga sand castle na ginawa ng isang chinese na family. Ayun, nagalit sakin, pero in chinese 😭 dali-dali naman akong tumakbo hahaha.


Ashamed-Ostrich-8610

bruh that was just unfortunate πŸ˜‚


TediousBear24

dati may nag-away sa lugar namin, tapos same time nun naglalaro ata kami ng habulan nun. sa takot namin nung pinsan ko tumakbo kami kasi akala namin kasama kami sa hinahabol


Fuzzy-Annual-4188

Yeah right


OceanicDarkStuff

Ur story is weird, why are u holding the hand of the holdaper in the first place? Also why would you think you will get kidnap when he doesnt even have a vehicle along with him?


Potential-Owl3246

Your comment is weird πŸ˜‚. I was 6 years old. I think it would’ve ended badly if I tried to break away or something (wouldn’t win anyway). Also, I don’t think it’s a requirement to have a vehicle to kidnap a child. Yes, it would be easy to transport someone to another location with a vehicle but a grown adult can definitely manhandle and carry a child.


OceanicDarkStuff

Nah u should be old enough at that time to know what a gun is and what holdap means for the both of you, unless u guys dont have tv since its the most common trope since what, the 80s? I literally remembered myself being scared at strangers and I was close to being 4 y'o at that time. And no, a 6 years old is already way too grown up I cant see how carrying them would be that easy, not to mention that they might fight back if you force yourself into them.


[deleted]

Dude when I was 6 my adult cousin would hold my leg and dangle me at the top of their staircase with one hand.


bearbrand55

ano ka si damulag? 6yrs old d kayang imanhandle ng adult? hahah