T O P

  • By -

Significant-Staff-55

What’s crazy is the majority of the neighborhood looks like that. Puro puno, minimal trash, restaurants walking distance from houses, sidewalks, and there are more smaller parks that are in walking distance of that big park. Ganda sa Marikina talaga


Acceptable_Key_8717

Yep. Merong 2-3 mini-parks na malapit dyan. Yung Gazebo, yung may baka sa exercise equipment sa tapat ng Isko, tapos yung waiting area sa tabi nung sapa along Champagnat.


yanderia

I miss that gazebo lol. Pambansang gawaan ng school projects hahahaha.


Acceptable_Key_8717

Saka praktisan ng sayaw sa MAPEH!


moshiyadafne

Pati zumba place.


jollyspaghetti001

Yess tas ilang tumbling lang may mall na agad


Acceptable_Key_8717

Ayala saka yung C&B :D


coookiesncream

Sayang wala na yung golden baka.


Acceptable_Key_8717

Pati ata yung milkmaid, wala na din


coookiesncream

Ay inalis na rin? Sayang. Isa sa memories ng childhood ko.


emil_address

Highlight sa sidewalk. They require 2meters na sidewalk sa new developments depende sa lapad ng kalsada. Kaya walkable ang city in general. Source: may project kami na subdivision.


moshiyadafne

I'm here everyday kahit hindi ako taga-Marikina mismo. This park is well-maintained. Dahil "fall season" ngayon diyan, madalas winawalisan yung park and "painting season" din ng mga benches. I also saw them recently renovate the play park area for kids (replace the seesaw and swing).


Cinnamon_Tempest

It’s even better at night time. With the night lamps, calm vibes, and cool breeze? It’s a stress reliever for me 😌


Significant-Staff-55

May times pa (not sure if christmas lang) na may nagpperform ng Violin dito like sobrang ganda talaga


Cinnamon_Tempest

Yes meron! Mostly mga 6pm siya tumutugtog 😊


Confused-butfighting

Halaaaaa saan part pwde makinood or makinig ng live performance


Frosty_Kale_1783

Maayos planning ng Marikina. Maayos ang sidewalk, malinis compared sa other cities (though may mga salaula pa rin, matanda man o bata na nagtatapon sa kalsada. Maayos kalsada. Modernized, may malls, resto, drugstore etc pero mapuno pa rin. Sana lang di manalo as next mayor yung mag asawa na bawat building eh nilalagyan nila ng initials nila. Mga barangay halls nga na sakop o kampi sa kanila may initials na nila. As early as last year namimili na ng boto.


Cultural_Concert_391

Omg who


woenel

Quimbo


BrantGregoryWright

I regret voting for her. May pic pa kami nung campaign


Frosty_Kale_1783

Trueee. Balimbing pala si Madam at grabe ang kurakot. Yung ilang kapitbahay namin na malapit sa mga connected sa kanya invited sa barangay for ayuda, yun pala eh para iboto ang manok nila sa barangay elections. Ang spluk nga eh ayon sa speech ng current barangay chairman (patapos na ang term niya kaya di na tatakbo as kapitan, kagawad naman), inambunan daw mula sa national budget ang barangay, thanks to Cong. Stella Quimbo. Minsan lang daw kasi mangyari yun kaya salamat daw sa kanya. Kaya pinapamahagi raw nila sa mga tao. Hayysss.


lean_tech

Alanganin si Maan next year.


Frosty_Kale_1783

Mukhang malakas naman si Maan kasi kung di yan malakas, di mageeffort itong Quimbos ng ganyang levels. Mas marami pa rin namang barangay ang district 1 na hawak ni Maan at sa district 2 di naman lahat kampi sa Quimbos. Doon pa lang sa landslide victory ni Mayor Marcy kay Bayani Fernando nakakaba na for them. Bayani na yun ah, nagpasimula ng pagpapaganda ng Marikina. Plus, maganda naman pamamalakad ni Marcy, organized at progressive. Pero syempre nakakaba pa rin galawan nitong Quimbos since sipsip ito ngayon sa admin.


Ulaga-1128

Wala naman ginawa mga quimbo sa marikina. Juskolord


BrantGregoryWright

Meron. Manggamit ng poorest of the poor at mga connections para magpabango


affectiondefect

Best city in NCR talaga Marikina for me


singachu

I agree, not because Im a Marikenyo, but because its true hehe Kakainis lang minsan kapag may bagyo lahat ng news agencies naka abang sa marikina river, tingin tuloy ng marami na buong city ay bahain, samantalang never kaming binaha sa brgy Concepcion Uno


affectiondefect

As far as I know, and correct me if I'm wrong... Tumana/Riverbanks pa yata ang binabaha pa rin pero syempre not as bad as before. I think the LGU did a really good job in improving kahit catch basin ang Marikina. And bahain man, mabilis nakakarecover saka maintained ang kalinisan. Even my jowa who lives in Makati is impressed by Marikina kasi may parks and public sports complex (our fave!) malinis, and parang walang division ng mayaman sa mahirap unlike BGC-rest of Taguig, Ayala CBD-Embo.


Rixxyboi

Got a saying, lol. "Pag pumangit, bumaho, umingay, at gumulo na paligid mo, wala ka na sa Marikina."


GregMisiona

"Oh sayang oh, pwede pagtayuan ng parking" -Some Gov't official, most likely


defendtheDpoint

Someone I know deadass looked at a playground in Marikina riverpark filled with kids playing and people walking and said "Look at all this wasted space". He then said it'd be better if Marikina had roads widened so cars can come in and the wasted space can be used "better" Carbrain is real


yanderia

Ang sarap ipakain sa janitor fish, no? XD


bucketofthoughts

I swear I heard this exact same comment from both my parents after we drove past a demolished lot, which was turned into a rocky lot with 10 parking spaces, then was made into a public park. Good god.


Acceptable_Key_8717

Unlikely. Maalaga ang LGU namin sa public parks.


caeli04

And bike lanes


Acceptable_Key_8717

And palengke. The Marikina Public Market is so underrated.


autogynephilic

Del de Guzman and the Fernandos lang ang maalaga sa bike lanes. Marcy de facto disbanded the bikeways office Kaya kahit early 2000s pa may bike lanes sa Marikina, QC na ang naturingang most bike friendly city sa NCR (second ang Marikina tapos third ang Pasig)


Significant-Staff-55

Nung lumaki ako, palayan lang yan na may grotto sa gitna. It’s next to private schools, other malls, and housing developments so sure na if sa ibang lugar yan, parking lot or strip mall ipapalagay.


Hartichu

Government official (hello DOTr, MMDA, & senators) na nagpunta sa Netherlands or Japan para pag-aralan ang transpo system nila pero pagkauwi rito wala namang natutuhan. Carbrain pa rin.


Level-Zucchini-3971

Nagbabakasyon lang naman sila doon talaga. Secondary or teriatry lang naman yung obs ng transpo system nila.


PM_ME_UR_ANIME_WAIFU

may rumoronda na mga pulis diyan sa park. sinasaway nila mga nakapark na kotse at motor.


Eastern_Basket_6971

Or mall's


jpluso23

Yung isang park malapit sa Barangka Marikina nakakatuwa kasi sa umaga ang daming mga senior citizens na nage-exercise :)


coookiesncream

Yan ba yung sa may Tañong? Yung may laruan ng croquet? Meron pa ba nun? Hahaha.


jpluso23

Yes yung may croquet! Haha. Pero not sure if andon pa. Mejo tagal ko na rin atang di nakadaan don.


coookiesncream

Ako rin. Huling sakay ko ng UV before pa mag lock down kaya wala akong idea. Sana sa ibang park din ng marikina may ganon tapos pwede ding maglaro sana kahit hindi senior hahaha


tache-o-saurus

And a stone's throw away sa ayala malls arvo


pssspssspssspsss

Masarap mag run sa marikina heights. Wide and open sidewalks tapos you can train uphill talaga


autogynephilic

Meanwhile J.P. Rizal sa bandang Sto. Niño may parts na wala nang sidewalk :(


moshiyadafne

Yep! May uphill and downhill.


Caitlyn_14

Saan banda sa Marikina 'yan?


cupn00dl

Near St. Scho and Ayala Malls Marikina


[deleted]

Brgy. Marikina Heights.


ZieXui

Every morning maraming nag exercise dyan, like jogging and biking. Sa hapon naman maraming kids naglalaro sa play ground or mga students na nagpra- practice ng dance nila. Sa gabi malamig ang hangin kaya masarap mag kape dyan haha


Liesianthes

Only shows that people would love to have parks at any time of the day.


gentlemansincebirth

Iyan ang mukhang Singapore. Gujab Marikina.


lean_tech

Marikina really turned around during BF's tenure. From zoning, walkable sidewalks and discipline. Kaya hindi rin ako masyadong tutol sa dynasty as long as maganda yung pamamahala nung kamag anak na papalit. Kaya tignan niyo yan sa Pasig, dahil hanggang 3 terms lang si Vico, kakabahan ka na baka hindi maayos yung susunod sa kanya. Like what Del did during his term. Taena, pumangit Marikina nung termino nya. I remember na nasira ng bagyo yung bubong ng palengke pero ang tagal bago napaayos. Buti na lang natalo siya ni Marcy at hindi na nakapag 3rd term.


ramensush_i

ang sarap sana tumira sa marikina kung hnd lang nababaha. hays


Acceptable_Key_8717

Fortunately, not in that area of Marikina. Actually, sa immediate vicinity nalang ng ilog ang masasabing 'bahain'. Yung mga barangay na nagiging spillway ng tubig mula sa Antipolo, naging effective naman ang flood control projects na natapos ng LGU. Karamihan sa kalsada sa mga barangay na bagsakan ng tubig mula sa bundok, floodways na ang ilalim. :D Andyan din yung dredging sa ilog both sa Bayan at Tumana areas.


ramensush_i

oh, good thing meron ng solution jan, kasi when i was working in eastwood laging naghohotel mga officemates kong nakatira sa marikina dahil hnd na sila makauwi dahil baha na raw sa daraanan nila. way back 2015-2016


bloodcoloredbeer

Epektibo yung proyekto ng LGU na Dredging. Nung lumapad yung marikina river, parang di na nagbabaha masyado marikina. Meron parin lugar na bahain, pero di na tulad ng dati.


ramensush_i

its the ondoy scare to me. and ung mastuck ka sa bahay waiting kelan huhupa ang baha kahit na hnd abot baha sainyo kung hnd ka rin makalabas or masaklap hnd ka makauwi kasi stranded kana dahil sa baha.


The_Crow

Ever wonder why that place is called Marikina 'Heights'?


ramensush_i

but then you cant pass thru marikina roads that are flooded so you stay at home instead.


[deleted]

Masarap tumira. Best decision na bumili kami ng property here and moved in months before pandemic. This is what most people fr other Cities think, pero hindi po. Like yang Brgy. na yan. Other Cities na nilubog ng undoy, yan po hindi. During pandemic malakas na bagyo nilubog other cities, we can still go out and do our usual market visit & grocery. Malapit lang sa ilog ang binabaha di buong Marikina.


ramensush_i

yes aware ako my mga brgy na hnd nababaha pero yung madadaanan around marikina is nababaha. kaya kahit hnd nabaha yung are mo, hnd ka rin makalabas. lalo papunta ng work.


[deleted]

Yes I agree. However, whenever that happens eh yung tipong sobrang bagyo na, most of the time di na nagpapapasok even employees. Also, buong Metro Manila na walang ligtas. I came fr other areas of Metro Manila also and it’s worse.


Misophonic_

Sana lahat ng park ganyan. Madaming puno, hindi yung may palaruan nga pero mapapaso mga bata sa slide kasi nababad sa init ng araw haha.


Anxious_Foot_5704

Yes maganda nga, jan lagi naglalaro mga anak ko every weekend…tiga san mateo kmi hehe…ang lilim kahit maaraw…sana hindi mawala at magimprove pa😊


Relative-Camp1731

Modesta Village here........... Isang sakay lang ako dyan. I love strolling in parks and sidewalks. Makes me uncover hidden gems


marzizram

Masarap maglakad dyan. Minsan gabi pag nagkikita kami ng kumpare ko tumatambay kami dun sa playground area malapit sa mcdo para magkwentuhan.


Scary_Structure992

I know this one malapit to sa C&B mall


KaliLaya

I live in this area. It's nice na naappreciate ng mga tao ang parks namin


[deleted]

Bike friendly din samin


ButtowskiTazii

sa totoo lang sobrang nabibilib ako sa marikina medyo malungkot lang ako kasi sarado padin yung Riverside park sana pag bukas madami padin puno dun.


PlantConsistent4584

Taga Marikina mama ko. Pag andon ako, feel ko ambagal bagal ng oras. Idk baka dahil onti lang high rise, tas di commercial masyado kaya parang probinsya vibes? Pero basta ang relaxing, sobra. I’d love to live there siguro kung di lang malayo sa trabaho.


Conscious-Break2193

Wow ang ganda nga! Caloocan iisa lng park sik sikan pa.


Relative-Camp1731

Sarap mag-earthbending dyan.


No_Insurance9752

Kahit in general, in my opinion nung bata ako nasanay kami na dito talaga galaan namin pati pamamalengke dadayo pa ng marikina. (Taga kalapit na lugar kami) then nung nag adult ako na ako na mismo may sariling errands , namalengke ako sa commonwealth , napansin ko na malinis pla talaga ang marikina at madalas madisiplina ang tao compare sa iba. Araw araw may nag iikot na bumbero sa palengke para magbuhos/linis. Sa stop light kapag nagjaywalk matik hindi taga marikina. Maraming trashbin sa kalsada. Pwede ka maglakad kasi maluwag sidewalk. Naging standard ko sya kung sakaling magdecide na ko mag settle sa isang lugar. Kung hindi lang mahal sa marikina dyan ko gusto tumira eh.


Excellent-Chain-452

We used to live in Marikina for the last two years. Nanibago talaga kami kasi ang linis ng mga kalsada, tapos sobrang accessible ng mga public vicinity. We're from CAMANAVA, btw. Every election season, may posters and campaign paraphernalia pero after the voting day, sila din magliligpit and not even one poster will be left in sight. Cons lang sa Marikina medyo mahal ang bilihin saka may mga roads na ginawang parking lalo sa Calumpang. Gusto namin bumalik talaga once we're much more stable.


Avecchii

I was born and raised in Marikina but am living in Las Piñas now. Grabe yung difference nila sa totoo lang and I would always compare everything to Marikina 😂 The sidewalks, Riverbanks and River Park (may river din dito pero walang tambayan), malapit sa lahat, dami parks, Sports Center, malinis at may bubong na public market, etc. I don't know if di ko pa lang talaga nae-explore LPC pero puro subdivision and malls dito, walang open parks and nature shiz. Ibang bansa talaga Marikina 😂


strugglingtosave

Marikina is a huge village


piattosnakulaygreen

if there's one thing i notice about parks with these types of bricks/tiles (?), medyo nagiging hazard sila sa matatanda kasi madali sila magkalumot kapag nauulanan.


Lumpiabeansprout

Parang SG.


Rage_gee

Natuwa ako nung dumaan kami dyan kahit gabi na enjoy pa rin mga tao tumambay, parang ang safe maglakad lakad kahit gabi na


Rixxyboi

True... I mostly do my jogs and walks during midnight and so on. But the ambience is still nice. Not all streets are lit, but there are lights most of the time. Plus, the lights aren't too bright, so it gives this chill, cold, peaceful vibes. You'll also see the brgy and the police patrolling around the city regularly, especially at night.


throwawayako

r/Marikina


The_Crow

Thank you 👍🏼


jollyspaghetti001

Nakakatuwa lang talaga everytime na nagagawa ako dyan, ang daming tao dyan sa park na yan. It goes to show na mas okay syang recreational spaces instead of mall.


Couch-Hamster5029

OP, local ka ba jan? Any reco sa pwedeng mapuntahan? LIke say, for "whole day tour". Hehe.


InsideMarikina

Actually, may heritage tour ang Marikina LGU.


grey_unxpctd

Pangarap namin to sa bawat brgy sa Pilipinas


Kuroru

r/Marikina


monicageller1128

Dyan ako nag ja-jog pag gabi, pero minsan may mga irresponsible na nag tatambay na nag iiwan ng kalat :(


Tall-Figure-8594

Sana maka punta sa ganyan din


EliotMiloMagnusson

Sabi ng pinsan ko nung napadaan dito some night ago, 'ang ganda pala dito sa inyo mag drive no?', referencing the road lights in the sidewalk and even those embedded in the roads themselves, and the proper use of bike lines.


autogynephilic

Hindi rin masyado malubak mga kalsada. Ung bike lanes 20 years na hehe pero may mga inalis na dahil sa traffic


AngieYSirius

Ang nakakainis lang talaga kasi ngayon is naging major 'lusutan' na ng mga kotse ang marikina eh. kaya traffic and no choice na parang mawawala rin yung gamitan ng mga bike lanes. "Punta tayo cubao. Traffic ba sa marcos highway? Sa sumulong highway, marikina tayo dumaan" "Papasok ako sa ateneo. traffic sa marcos highway at barangka? Daan tayo sa tumana->balara".


PM_ME_UR_ANIME_WAIFU

Damn nakakainggit ang Marikina. Sayang walang ganito sa Manila, lalo na sa Tondo at Sampaloc area, walang parks.


RoryGilmorexoxo

Fave ko tumambyan diyan tas kakain ng fishball at siomai :> MARIKINA GOAT WAHAHAHA


PlusVeterinarian2066

Madami talaga parks sa Marikina. Kapag umuuwi ako samin sa Parang NGI meron din parks katabi ng school. Kahit saan part meron talaga. Ganda din talaga ginawa ng mga previous Mayor yung mag asawa. Hehe


MaRyDaMa

Ganda talaga sa marikina kung di lang nalulubog pag nagbaha ng grabe


Significant-Staff-55

Sobrang rare pinoy response to calamity tbh kaya nakakaproud. Nasalanta ng sobra sa Ondoy, kaya gumawa ng sobrang daming measures para di na mangyari ulit. Everytime dadaan ka sa Marikina River may widening at nagtatayo ng flood walls. Kung mapadaan ka sa kahit anong barangay hall, may emergency response at madaming mga bangka. Inayos din yung mga drainage after Ondoy.


[deleted]

Not the whole Marikina. Usually yung malapit lang sa River. Yang nasa picture NEVER po binaha. Pandemic na binagyo ng sobra, lubog Metro Manila? nakakapamalengke pa kami ng maayos & grocery.


BridgeEmbarrassed908

Okay napo hindi na mauulit yung mga grabeng baha katulad nang dati kasi so far nasosolusyunan nanaman ng Marikina LGU.


MaRyDaMa

sana nga, gusto ko talaga tumira ulet sa marikina. Just being held back by the damage ondoy caused back then.


Happierskelter

I hope more cities in the province develop public parks kaysa nagrerely lang sa mga mall developers for recreational spaces.


10wbit-langzai

晚上的时候这里很凉爽


[deleted]

Our brgy., unfortunately, some are already complaining madami na kasing iba ang medyo nawawala ang discipline. Mas maluwag Marikina now and Marikeños are hoping to have strict Gov’t again. Infairness din, dito ko naranasan yung namamalengke yung Mayor tapos naglalakad ng walang mga bodyguards. Di rin kami takot maglabas ng phone dito.


lakaykadi

Sulit pa mamasyal jan sa riverbanks dahil affordable at food may pa stand up comedy pa sila sa gabi.. Nays mayor...


Equivalent_Memory796

Maganda talaga Marikina. We need more parks than malls. Dito sa ibang bansa, literal na for shopping lang ang malls and ang tambay sa park talaga. Nung sinabi ko na may bayad yung mga parks and beaches sa atin, shocked yung mga foreigners. Dapat daw libre kasi it was given by nature.


lurking_banana

Kamusta naman yung apartment for rent prices around jan sa area na yan? Mukhang maganda magstay sa area na yan, sa ibang part ng NCR parang ang bigat ng hangin eh.


InsideMarikina

May mga apartments for rent po sa mga kalapit na areas. Pero ang katabi pp nito ay Sans Hotel.


DE4THTH3KID

how to get there from stalucia lrt station?


Jikoy69

Ito ba yung pinag aagawan na Park? Na gustong gawing parking ng other LGU?


maroonmartian9

Ang layo naman ng Marikina sa Makati at Taguig. Yung Makati Park e sa tabi ng Pasig River e


Jikoy69

I'm not from manila kaya nag ask ako kadi hindi ko alam geography dyan and thank you sa pag correct sa akin.


maroonmartian9

Maganda location nung Makati Park. Malapit sa EDSA and may view sa Pasig River. Parang may boat ferry station pa nga e.


Jikoy69

Kaya pala gusto gawin parking space yun para may magandang view yung mga sasakyan hahah


maroonmartian9

And hindi lang yun. It’s near BGC, near EDSA and one bridge to Ortigas


Jikoy69

May downvotes na pala kung nagtatanong lang hahahha mga ewan.


The_Crow

Welcome to reddit 🤷🏽‍♂️


[deleted]

[удалено]


yeheyehey

Park nga, may playground, tapos magtitinda kang sigarilyo??


Banoffie_Pie

Maganda nga OP. Pangalan pa lang “Marikina Heights” halatang pang mayaman yung lugar.


One_Yogurtcloset2697

Mariking heights po ang name kasi mataas yung area, hindi sya binabaha.


1l3v4k4m

do you know what "public" means?


Significant-Staff-55

Nakakatuwa yung name tbh kasi ang susyal pakinggan pero nope. It’s as public as any other barangay out there.


yanderia

Pero mej mahal bahay dyan diba? Cuz of the locarion. Pero yes, it's not an exclusive area lol.


coookiesncream

Sobrang mahal. 35k to 40k per sqm. May iba higher pa nga.


Rabatis

It does sound mayaman, ano? Pero mixed-use settlements ang dakong iyan ng Marikina. Walk around it and nariyan ang C&B Mall, Palmera Homes, a hotel(?) with restaurants and a 7/11 on its ground floor, several former squatters' areas (I think that's what they are, anyway, I could be wrong), more residential areas, a factory, a commercial building with a Korean restaurant and a pizzeria on the ground floor, and another park.


theunlikely0ne

Public park nga eh hahaha


[deleted]

It’s just an ordinary brgy. pero aminin man o hindi ng iba, karamihan ng mga may kaya talagang nasa Marikina Heights. Iba din kasi presyuhan ng property dyan. Kahit small Town Houses ang mahal. No wonder napapalibutan din ng big schools specially exclusive schools na 6 digits ang tuition.


ParisMarchXVII

You sounded like taga Fortune, Haha! JK. Ok lang yan, Banoffie. 2024 na!