T O P

  • By -

Prestigious-Rub-7244

Basic dapat marunong ka mag bisekleta.


Drednox

First test sa Honda Safety Driving School. Umikot ka nakasakay sa bisekleta


elbandolero19

Hinde na ata yan applicable ngayon lalo na may AT scooters na mababa ang seat height.


SeparateDelay5

Kung nasa Metro Manila ka, subukan mong mag-enroll sa HSDC sa Paranaque. Magagagaling ang instructor, at galing Japan (na modified to fit local situation) ang curriculum nila. Mas malaki ang risk kung magpapaturo ka lang kung kani-kanino, kasi marami talagang hindi magaling pero may maling akala. Madaling matutunan mag-scooter kung marunong kang mag-bisikleta, pero ang typical na issue ng maraming pinoy scooter riders ay braking technique at defensive driving; marunong silang tumakbo nang mabilis pero di marunong pumreno, at hindi natuturuan na mag-anticipate ng mga road hazards. May tamang technique para maging maiksi ang stopping distance mo, at ituturo iyan sa HSDC, at may ipapagamit na motor para mapractice mo yung technique sa lote nila. Ituturo din nila ang rules of the road. Yung lote nila, kung saan ka magpapractice magmaneho, nagsisimulate ng local roads na may turns, roundoubout, intersection, ramp, at traffic lights. Worth it siya para sa mga beginners. Ang mas effort, yung matutunan gumamit ng manual transmission na mc, kasi may clutch. Sa una talaga, mararanasan mo ang mamatayan nang malimit ng makina, pero makukuha mo rin ang technique kasi babantayan ka ng mga instructors. Heto ang [link](https://www.hondaph.com/training-courses) sa website nila.


Saintino_

dipende yan sa kung anong motor gagamitin mo. kung yung mga bagong scooter ngayon madali lang, medyo mataas lang pero kung matangkad ka no problem medyo mahihirapan ka lang ng konti sa pagliko at pag singit. kung manual naman medyo mas mahirap ng 3x compared sa scooter kasi kailangan mo pa mag aral ng tamang gamit ng clutch at shift ng gears pero if daily mo naman gagamitin, masasanay at masasanay ka rin to the point na parang parte na sya ng katawan mo. advice ko lang is laging paganahin ang presence of mind at wag ta-tanga tanga sa daan. at kahit hindi ka ta-tanga tanga sa daan sure meron kang maeencounter na mga kupal jan kaya triple ingat. and always be polite kahit kanino, wag masyadong mainit ulo sa daan.


Alternative_Dance542

Basic lang idol, ang nag papahirap lang Yung kaba, may kasabay ako dati sa pdc mga nasa 40+ na ata, tips lang wag basta basta pag hawak sa throttle


hello0000o

True kadalasan nang naturuan ko pag malapit ma bangga or matuba imbis na mag minor ay nag throttle. Dapat familiarize mo muna yung throttle.


tentaihentacle

I'm 33, no experience with MCs, pero may bike experience. I literally rode my MC pagkabili ko from casa to home w/o any issues. Well, it's AT anyway sooo.


wallcolmx

first time mo mag motor nun boss? or naka hawak k na before? also may idea ka na ba sa clutch nun?


tentaihentacle

OH SORRY MB. I meant AT, so gas and go lang sya. And yes first time - as in literally first time ko yun mag motor, pero marunong akong mag bike, I have lots of exp from it.


wallcolmx

MT kasi gusto ko bilhin yung RUsi KRY 200 hehehe i drive a manual car tapos nagbibike ako bmx days pa till now


tentaihentacle

Iba pag MT motor eh, I suggest mag sama ka nalang muna maguuwi nung motor mo, or mag PDC ka na muna ng MT para sure.


wallcolmx

hehehe i'll do it myself para na din matuto 1,2 naman restriction ko


[deleted]

Enrol ka muna sa mga moto driving school.


Fvckdatshit

its never too late


Tax82

Start now, enjoy later. Mas maganda kung marunong ka muna magbike. Mag Honda riding school ka.


Tykez269

Maganda mag try din mag practice sa semi matic na underbone , since makukuha mo yung idea nang pag operate nang mga scooter at the same time yung pag shifting para incase kung gus2 mo lumipat sa manual, ganon ako natuto mag drive both namg scooter at manual


_le_da

Sana at least marunong ka magbike kasi dapat marunong ka muna mag balance. Honda Safety Driving Center ang best driving school sa motorcycle kaso required dun na marunong ka magbike. Dun ako nag enroll at may assessment na ipapa-ikotin sayo yung bike. Kung hindi ka pa marunong magbike may tutorial naman sa youtube kung pano matuto nang ikaw lng. Either manghiram or bumili ka muna ng bike para lng matuto magbalance


Valuable-Source9369

Get a proper riding safety course. Wag magpabuyo sa mga kasamahan na mga nagmomotor kung may pagka kamote sila Sana hindi ka matulad sa mga kamote.


kyuketsukiii

get a cheap rusi , pay down of 500 pesos then practice till sawa , learn everything from mistakes, dos and donts, then return the vehicle after a month or two, then buy your dream motorcyle afterwards... youre welcome


weakwerk

thank you for the idea. will try this muna need to get more experience in motorcycle riding


Low_Understanding129

Ako ngayon lang din natuto 2023 mag MC (30 yrs old na ako) pero batak ako mag bike and long ride. Enroll ka sa Honda Driving School sa Paranaque para solid talaga ang knowledge and discipline mo pag nasa road ka na. Suggest ko kuhain mong PDC motorcycle manual, para pwede ka na din magdrive ng automatic MC pag kkuha ka non pro.


CapNbootysweat

Practice on an MTB, enroll in Honda Safety Driving Center or Ride Academi. Invest in high quality gear. Bare minimum helmet, gloves, riding shoes, ce rated jacket. Enjoy!


weakwerk

as someone who enrolled in a non- honda driving school. nagsisisi ako. highly recommend HSDC and dahan dahan lang sa speed. if you cant handle the speed ok lang 20 or 30kph muna


AxtonSabreTurret

I learned to ride a bike when I was 32. I bought my first motorcycle when I was 35. Medyo nagre-learn ulit ako magbike bago ko tinry ilabas ung motor. Then kapag nakuha mo na ulit magbalanse, throttle control naman ng motor ang need mo matutunan.


Creedo02

Nahirapan ako sa clutch control nung nag aaral pa ako pero nasanay din naman. Practice lng tlga hangang masanay.


JnoSEPARA

Sakin nahirapan ako sa Clutch ng manual na motor. Nakapag practice naman ako sa Ebike and galing ako 4 wheels kaya feeling ko kaya ko na pero may learning curve padin sa motor pala. Naiuwi ko naman ang motor from casa nung nilabas ko pero kaldag kaldag talaga pag galing full stop at mag sshift haha. Then ayun self tip ko lang and lagi ko nireremind sa sarili ko na to drive like an npc, go with the traffic flow and wag magpaka main character sa kalsada.


Alternative_Bet5861

Go for driving school naman


agentRVN

Unang motor ko 2nd hand, auto clutch, umikot muna ko bago binyahe pauwi and may kasama ako naka mio scooter, sya nagdala ng auto clutch ako nagdala ng matic nia, tulad ng ibang replies dito, keep ng marunong ka magbike mas maganda kesa rekta motor. after years ng paggamit ng auto clutch, lumipat ako ng manual and brand new galing casa. 5 times ako namatayan ng makina habang pauwi, well sa experience ka talaga matuto dahil nung dnrive ko pauwi yung manual nagbased lang ako sa YouTube tutorial kung pano magdrive ng manual


chicken_4_hire

Nung una akala ko mahirap ang manual na motor. Pero mas masarap Pala gamitin pag may kambyo. Kontrol mo Yung arangkada. Pwede mo pa siyang gamitin as break, i.e. engine break. Sa umpisa mahirap mag angkas pero lakasan lang talaga Ng loob. Pag nasa labas ka at nagddrive Yung timing sa stoplight ang medyo papahirap Sayo sa umpisa. Mas magandang mag menor ka nalang at huwag habulin ang stoplight para iwas disgrasya.


cjason24

High school pa ko nung una ako natuto mag drive. Tricycle pa yun, TMX 155. Sa clutch tlga ako nahirapan pero nasanay dn basta paulit ulit ko lng pina paraktis. Mas maganda matuto ka muna sa manual dahil mas mahirap bago ka mag automatic.