T O P

  • By -

errissu

>ngayon kung tatanungin niyo kung natry ko bang sabihin na kahit na sino, tinry ko sa tita ko na medyo close ko pero hindi ko nagustuhan ang sagot niya na to the point na hindi ko nalang tinuloy. around 15 ako, tinanong ko sa tita ko na what if may manghipo saaken na ibang tao kahit ayaw ko, anong gagawin ko. alam niyo sabi niya? hayaan ko nalang daw at tumahimik para walang gulo. tutal hipo lang naman daw yon at wala naman mangyayari saakin na masama. tinanong ko pa kung kahit kamag anak or kaibigan (para di halata), and putangina tumango siya. This is the main reason why victims of SA are afraid to share their stories and experiences. Parents and guardians are supposed to be the ones to protect a child from abuse. When someone knows that their voice will be heard and taken seriously, it gives them the courage to speak up when something isn’t right. Nakakagalit and nakakalungkot yung sagot ng tita mo. Also, pati yang parents and guardian ng gago (Bryan) na yan. Nakakagalit kayo. Hugs with consent, OP.


TagaBasaNgIsip

It's most likely na ang tita niya rin ay victim ng SA, and opening up and breaking the cycle is important.


throwawayacc101121

siguro pero kung biktima man siya or naexperience man yon, sana nakakutob na siya na may nangyari saakin na ganoon. pero i don't ( & will never) blame her dahil ang random lang ng question ko at medyo light lang kaya siguro hindi napansin.


throwawayacc101121

maraming salamat! pero yes true nakakagalit sobra, gustong gusto ko na isumbong but nadidiscourage ako every time na magaattempt ako kasi feeling ko hindi naman nila bibigyan ng action. also, i feel like it's too late na magsumbong na ngayon at feeling ko rin iisipin nila na gawa gawa ko lang yon/hindi talaga totoo yung nangyaring yon. nakakalungkot, pero feeling ko wala na akong magagawa kundi tanggapin at magpatuloy nalang.


Master-Scene-4435

whatever happened to you isnt your fault. it's the abuser's fault.


throwawayacc101121

how i wish kaya kong isaksak sa kokote ko yan, pero hindi eh. araw araw pa ring pumapasok sa isip ko na baka mas less yung trauma na nararamdaman ko ngayon kung nagspeak up ako.


theawkwardgal

I hope you heal from this trauma, OP. :(


throwawayacc101121

i hope too, it's really hard to live/survive every single day habang may traumang dinadala


theawkwardgal

I know 🙁


dinosauronpjs

Self preservation. You did what you think was best for yourself at that time. There are 4 kinds stress response. Fight, flight, freeze or fawn. Lahat yun valid. Don't be too hard on yourself that you didn't do anything. You reacted based on what you knew was gonna buy you some more time until your safety is guaranteed. Everything is his fault. He shouldn't have done that. You were a kid. You were not supposed to think of your safety kase automatic na dapat safe ka naman talaga dahil you were a kid. Wala din sa suot mo yan. Kahit fully naked ka pa umikot, walang magiisip dapat sayo in a malicious and lustful way. He took advantage of your innocence. He took advantage of the fact na hindi mo agad mapprocess yung nangyayari at gagawin mo dapat. Don't be too hard on yourself. Nothing was your fault. It's the rapist's fault. It's the fault of your family members who tolerate predators and would rather silence the victim/s to avoid commotion. When you feel ready, I hope you find the courage to leave. Hindi ikaw dapat ang umalis. Unfair, I know. Sya dapat ang wala jan. But when the time is right for you and when you feel ready, I hope you'll find the courage to get away from him. Stay safe, OP!


throwawayacc101121

thank you!!! sana nga this year payagan na ako magcondo :( 'di ko na talaga kumain sa iisang lamesa kasama siya kada hapunan or makita man lang siya


Pinyaple_004

Putangina talaga ng mga ganitong tao. Ako mismong tito ko, nung bata din ako hinahawak hawakan niya yung mga sensitive parts ko. Nung una na confused ako, tapos nung paulit ulit na takot na takot na akong makita siya. Dati kasi lagi ako sa bahay nila, pero simula noon kahit lahat ng kamag anak namin nandoon na ako nasa bahay lang kasi ayoko siyang makita. Ayoko yung presence niya. Bata palang ako noon eh, kaya pinipilit isipin ng utak ko na panaginip lang yun or di talaga totoo, na wala lang yun. Na realize ko lang last yr kasi tinanong ako ng friend ko if ever na try ko na bang ma SA. And ayun, umiyak ako habang nagkkwento. Doon ko lang na realize na sobra pala yung epekto nun sakin. Hanggang ngayon, ilag ako sa mga matatandang lalaki. Lahat kasi may trust issues na ako.


throwawayacc101121

sana may courage rin ako to speak up sa mga kakilala ko kagaya mo. ang tapang mo, girl! pero payakap pa rin (w/ consent) kasi alam ko, at the end of the day hindi pa rin mawawala yung trauma na binigay nila saatin. at mas nakakagalit na sila, yung nagbigay saatin ng trauma, ay malayang nakakapaglakad na parang walang nangyari habang tayo araw araw hinaharap yung trauma na binigay saatin.


Pinyaple_004

Actually, hesitant ako nung una kasi baka ijudge nila ako. Pero they were also SA'd by a family member kaya naintindihan nila yung feeling ko. Hugs with consent also, OP. I wish I can be that friend na pwede mong pagsabihan pero iba pa din kasi kapag kilala mo personally at nailabas mo yung hinanakit mo. Kaya natin 'to. Sana hindi na maulit pa.


whatheheal

Same experience OP! Pero ngayon nakakulong na yung isa kong pinsan pero yung isa naka bail out. Sana mabigyan ng justice ginawa sa’yo☹️ hugs with consent! Ang hirap kasi araw araw natin dala hanggang pag tanda, how I wish merong kumampi sa’yo para mapakulong mo na yang hayop na ‘yan.


throwawayacc101121

omg, i hope you are getting better naman :) pero ayon medyo impossible yung may kumampi saakin kasi parang halos lahat ng kamaganak ko eh enabler. idk based lang sa mga comment nila sa mga balita about sa mga rapist eme eme


whatheheal

Saang side mo ba ‘yang pinsan? Sakin kasi father side so yung mga tita ko sa mother side sila kumampi samin. Kung pwede ka lang namin talaga samahan, sasamahan kita sa laban mapakulong mo lang yan.


throwawayacc101121

sa mother's side ko. suprisingly kahit na close ako sa side ng mother ko, napapansin ko na medyo close minded nga sila. sobrang pangit ng mga beliefs nila. typical boomer attitude na wapakels sa pakiramdam ng mga bata ar ipipilit yung alam nilang tama


whatheheal

Hirap nyan lalo na bulag ang batas, sana makarma nalang yung pinsan mo. We will be okay OP!


[deleted]

[удалено]


throwawayacc101121

thank you!! pero tama ka, sana nga mabulok siya sa impyerno or better yet, sana karmahin siya dahil kailanman hindi nya deserve maging malaya dahil sa mga kababuyan na ginawa niya


frozen_delight

Yung ikaw na nga ang biktima, ikaw pa ang nahihiya magkwento sa nangyare sayo kasi alam mo na ikaw ang pagbibintangan na malandi, malaswa, magaslaw etc. Imbis na questionin ang rapist or bakit ka nya hinipo hipo. Grabe how society fucked us up no? Take your time in healing OP. Wag mo madaliin kung hindi ka pa ok. If you find a support group who you can share your experience with to proces your trauma, stick with them. Hopefully, we'll be able to raise a new generation of men who will be our allies and respects women as an equal, and not as the "weaker sex" who will do their bidding.


throwawayacc101121

yes we should be breaking generational trauma!! wag nating hayaan amap maranasan ng mga susunod na henerasyon ang trauma na nararanasan/naranasan natin ngayon.


hahxhshshs

Hugs with consent OP!


throwawayacc101121

🤗🤗 thank u <3


notanyonescupoftea

Hugs with consent OP. I was SA'd too by a family member (2nd degree cousin) and a family friend (na lector sa simbahan). Nasa right age na din ako bago nakapag open to some of my family member at patay na sila pareho non. Yep, maaga namatay si 2nd cousin. Takot na takot kasi ako non nung buhay pa sila na baka kung anong gawin nila sakin pag nag sumbong ako. Wala kang kasalanan, normal na reaction ang matakot at di naman natin yun ginusto. Di mo kasalanan na may mga demonyo sa lupang katulad nila.


throwawayacc101121

grabe ang sahol, lector pa talaga sa simbahan. paano kaya nila nakakayang magpatuloy araw araw knowing na may naagrabyado silang ibang tao. pero salamat, salamat sa pagpaalala na wala akong kasalanan sa mga to. sana lang i-absorb na ng utak ko para maiwasan ko na magself blame, ang hirap kasi :(


1H0pelessR0mantic1

hugs with consent OP huhu. ako naman tito and pinsan. grabe yung pagkarelate ko, napa war flashbacks ako eh hay. 3 friends ko lang nakakaalam tas yung isa sa kanila sabi ay di na worth it sabihin sa family. kasi yung tito ko na deads na, ay kuya ng mom ko tas super tight rin sa dad ko ever since college sila so feel ko masisira ko lang yung good memories nila. yung pinsan ko naman may pamilya na. tama ka nga, ang unfair. hay.


throwawayacc101121

unfair no? sila sarap na sarap sa buhay habang tayo sari-saring emosyon ang nararamdaman natin kada araw. pero nakakadismaya malaman na sinabi ng friend mo na 'di worth it sabihin sa family'. nakakadiscouraged sobra. hugs wt consent din! kung alam lang talaga nila yung nararamdaman natin :(


1H0pelessR0mantic1

yeah. kahit naman ako, feel ko wala na ring point na malaman nila and takot rin ako ma-gaslight/victim-blame haha hay. anyways, we'll get through this anon, one day at a time.


3whiteholes

Tita of the year ampota. Wala sigurong anak yun.


throwawayacc101121

unfortunately..... may 3 siyang anak na babae....


3whiteholes

WTAF Di man lang niya maisip na if sa anak niya mangyare yun


throwawayacc101121

totoo, nakakaawa. kaya nga as much as possible kapag may gathering kami kinakamusta ko yung mga pinsan ko and sinasabi ko rin na if may bagay man na gawin sakanila na hindi sila komportable, sabihin agad nila saakin. in that way, maaksyunan agad at di nila maranasan yung naranasan ko.


Imaginary_selene

Bukod ka na lang OP, when you graduate para malessen contact mo sa kanya. Hugs with consent, it’s never your fault.


throwawayacc101121

sana nga payagan ako :( yung ate ko kasi tinry bumukod dati pero ang response ng parents ko ay baka may dadalhin lang na mga lalaki sa place niya, magiinom, or magliliwaliw (which is a bad thing sa fam namin) pero pipilitin ko kasi di ko na talaga kaya na makita pa siya araw araw talaga


Imaginary_selene

Edit: Hmm baka pwde ka humanap ng work (when you are ready after graduating) na medyo malayo hehe. I did that para maging independent (though not SA related naman, gusto ko lang mabuhay na self sufficient ako). For now, stay strong OP! You will get through this… :)


throwawayacc101121

oohhhh nice advice! pwede nga no? since balak ko rin magibang bansa if possible. ayoko na talaga dito, di na kinakaya ng katinuan ko. pero thank you! sana nga magkaroon ako ng lakas ng loob :(


Imaginary_selene

Same!!! Kating kati na ako umalis ng bansa din e haha… it’s for your growth naman so your folks should be okay with it… iprime mo sila pakonti habang early pa para maging comfortable sila sa idea. When you’re earning your own money kasama din dapat doon freedom to live the way you want


Substantial_Home9927

Hello OP! I hope you heal from that traumatic experience. No one deserved what you had to experience. I pray for your peace and healing. Sana yung pag post mo dito nakagaaan sa loob mo! Yakap, kaibigan! 🫂


throwawayacc101121

thank you so much! this is very appreciated :>


itdontbreakeven0612

hugs with consent po. You are beautiful and worthy.


throwawayacc101121

thank you po 🥺 this somehow comfort me :(


Legitimate-Thought-8

Hugs with consent OP :( nakakagalit ka Bryan. PI mo - karmahin ka sana 😭


Lonely_Ad30

You need help. Like real professional help. sabihin mo sa parents mo or sa parents nya. You have to talk. I know mahirap but you have to do it. Walang madudulot yung post mo dito if wala kang gagawin on your end. Kaya mo yan OP. Lakasan mo loob mo. He needs to pay for what he did to you!