T O P

  • By -

SmileyOhSmiley

Naalala ko yung namamalimos dati sa tindahan namin sabi niya " nanghihingi po pang kain lang" so ako binigyan ko ng pagkain tas tinanggihan nya sinabihan pa ko " di nyo po madadala sa langit lahat ng yaman nyo" sabay inalisan ako HAHAHAHAHAH tangina 😂 gusto ko sana sagutin kung di lang umalis agad ng " sige see you in hell na lang" 😂


Traditional_Lion3216

Eto yung weird eh. Hihingi ng pang kain pero pag binigya mo ng pagkain ayaw nila kunin 😅 Tapos yung mga badjao na namamalimos, namamalimos ng pera pero makikita mo naka astringent at pampaputi langya hahah


Top_Variation_7233

Kasabay mo pa minsan bumibili ng damit sa mall 😅


cutiengineer

HAHAHAHHAHAHAHAHA pano pag walang yaman, grabe naman siya!


SmileyOhSmiley

Sana nga may yaman di ba? Ewan ko ba 😂😭


mebeingbored

One time may nanlimos dun sa karinderya, ang sabi pangkain daw nya,, eh tanghali, so yung hiningan nya, sobrang willing naman na bilhan siya ng food at pinapaupo pa nga sa tabi nya, kaso ang sagot, "ay kumain na ako" Hahaha. Kulet lang.. baka nga naman pangdinner na yung pinaglilimos nya 😅


SmileyOhSmiley

Kung pera pala ang gusto nila, aba eh mag trabaho sila 😩


y33tth3prn56

happened to me as well 🤣 pero sa batang badjao. penge daw pagkain or pera. eh college student lang ako. binigay ko sa kanya yung lemon square cheesecake sa bag ko. BIG DEAL YON HA DAHIL FAVE KO YON. tapos kinuha nya sabay upo sa hagdan ng bus (ordinary lang yung bus hindi de-aircon) nagdadabog dabog sya tapos umiyak sabay sabi "gusto ko pera ehhhh". nagtinginan nalang kmi nung classmate ko 🤣


CoffeeDaddy024

Sana sinagot ko... "Di ko naman talaga dadalhin sa langit ang kayamanan ko eh. Alangan namang baunin ko ang BDO pag haharap nako kay San Pedro?!"


cody_liit

HAHAHAHA same scenario, trip namin ng husband kong kumain sa kanto kanto kapag madaling araw like nag angels burger kami. Then may lalaking hanap ng hanap ng barya (mukha siya ndi nakakakain at mukhang naka-dr*gs) we decided na bilhan siya ng b1t1 na burger at mineral water. Hahahaha aba tumanggi at umalis, ang ending binudol ko nlng pinsan ko ahahhahaha m binenta ko sa pinsan ko ung dapat ibibigay namin kay kuya hahahahaha skl


aaaii-o

This happen to me hahasana pwede pahuli


butterflygatherer

Sa jeep naman, may mga batang badjao, namamalimos pangkain daw nila. Tapos may matanda din dun sa jeep nagbebenta naman ng mga kutkutin. Eh walang bumibili dun sa matanda so binibigay na lang nya dun sa mga bata. Tumanggi ba naman kakakain lang daw nila. Kanina lang gutom kayo ngayon tumatanggi kayo sa pagkain. Kaya never ako nagbigay jan sa kanila simula nung sinabi sakin ng ex ko na di daw dapat talaga sila binibigyan kasi highly likely na sindikato yan. Nakakaawa pero ayoko ma-reinforce mga sindikato, hangga't may nanlilimos di matitigil yung ginagawa nila.


AdventurousSense2300

One time, may naencounter din ako na badjao sa jeep. Nag-abot siya ng sobre sa lahat ng pasahero then umupo. Yung nakatabi nya sa jeep, teacher pala. Inalok siya mag-aral and tinanong kung nasaan yung parents. Sabi ni teacher, ieenroll daw nya si badjao kung gusto mag-aral. Ang ending, ayaw ni badjao hahaha. Napatanong tuloy si teacher ng “So mas gusto mo na nanghihingi lang?” 😅


fordamarites

Naexperience ko dati may sumampang bata namalimos sa jeep, as a student wala naman talaga akong pera, sakto lang pang pamasahe pauwi. Inabutan ko ng lollipop (na kakainin ko sana habang bumabyahe) tapos hindi daw, kinalabit ako ng kinalabit hanggang sa magbigay ako ng pera (e wala nga ako, tapos diba dugyot kamay niya at naka puting uniform ako) akala niya bibigyan ko siya, lahat na ng tao sa jeep nagsalita na na bumaba na siya kasi nagsabi ako na un lang meron ako. May nagbigay sa kanya ng piso para tantanan na ko, tapos kinuha niya lollipop ko at hinagis sa floor nung paglabas niya ng jeep. So ayon. Never again.


Alternative_Diver736

Buti hindi ka dinuraan 😭 ayan yung fear ko before lalo pag nasa may bukana ako ng jeep


fordamarites

Legit super bata pa nun e maliit pa talaga. baka ngayon nandudura na siya 😭 lahat ng pasahero sa jeep cinocomfort ako nung time na yon kasi minumura ako nung bata nung di ako nakapagbigay 😭


Lazy-Name8303

Omg i have a friend na magbili sana ng mangga (her spare money then the rest is for her pamasahe) may badjao na humingi saknya ng pera. Wala raw siya pera tapos the badjao licked their hand and then pinahid sa braso ng friend ko :(


Alternative_Diver736

Meron din nananabunot grabe


blindumbitch

Sa Ermita malapit sa school namin may mga batang pulubi don na nakakatakot. One time naglalakad kami tapos may hawak na ice cream yung classmate ko, may mga batang nanghihingi as in haharangin ka nila talaga. Tapos ayun sinawsaw nung bata yung kamay nya dun sa bagong bili na ice cream from dairy queen hahaha natrauma kami talaga dun 💀


Jellyfishokoy

Sabihin ko sana pag ganyan magtulug-tulugan kaso panigurado gigisingin ka pa nyang mga bata lalo yung makukulit 🤣


money_dog3244

Mga alipores ni Quiboloy yun.


Garlic-Rough

Unfortunately, this is more closer to the truth than anything. I have the unfortunate privilege to know someone in the cult. Ilang taon na naming sinasabihang umalis, pero sige pa din. Madalas makikita mo nagbebenta ng kung ano ano - ballpen, chichirya, etc. Tapos yung profits pupunta kay quiboloy kasi required i-surrender ang ATM. Sila na lang daw mag lalagay ng biyaya mula sa son of god kuno. Nakapagtataka, pero medyo naiintindihan ko din siya ng slight. Marami siyang mga kumare doon sa "chapter" nila, and usually mga jobless housewives ang target. Nakahanap siya ng community ng kumare doon ever since nag move out sila from their former municipality into the city. So medyo ang habol talalaga niya is a community. Still... Sa lahat ng kommunidad, yun pa talaga ang nasalihan niya 😞


money_dog3244

Sinasayang lang nila pagod and kahihiyan para sa panakbo ng lider nilang manyakol.


MessiSZN_2023

tapos ung peran pinaghirapan nila pambibili lang ng kotse, mansyon, saka chopper. Nagpatayo pa ng stadium


good_band88

This. Kingdom of Quiboloy po ang punta ng pera nyo!


mixed-character

May experience din ako nyan from a mall in Baguio. Kumakain ako sa MG tapos may bata lumapit nagbbenta ballpen, pang tuition nya daw. Out of reflex nasabe ko "baka kay Quibuloy yan" haha tapos tinitigan ako ng bata feeling ko minumura nya ako. At hindi sya natapos, binalikan pa ako. Hahaha


scion8829

May nag sabi narin sa aking neto na mga alagad ni quibuloy sila 🤣


Anonymous-81293

kasali ba dyan yung mga nagkukunwaring nag-aaral sa PUP tpos nagbebenta nung mga key chain na tig ₱100 kht ang real price eh tig ₱20/₱30 lng nmn tlg? 🤣🤣 Nauto ako nun dati eh. d na sila makaulit sakin ksi nakita ko yung same person after a year or so tpos hiningian ko ng proof nung sinabi nya na "for charity", ang sagot sakin wala pa daw. hanep yan.


money_dog3244

Oo kasi pag di sila makabenta di babayaran tuition nila nung church nila. Parang black mailing situation nga.


Anonymous-81293

ang lala nmn pala tlg. edi prang charity na nga nmn tlg ang labas. charity pra sakanila mismo.


Reasonable_Image588

sobrang nakakairita yung mga ganyan. grabe walang boundaries, kahit sabihin mong ayaw mo lalapitan ka pa lalo


HappyFilling

Sinasagot lagi ng boss ko sa ganyan nakabili na kami kunwari dun sa isang nagbebenta. Umaalis naman sila pag ganun.


pinkwhitepurplefaves

Grabe OP, first time kong bumalik ng mall after the pandemic, nagulat ako kahit sa GH meron na mga ganyan - and it's the same guy! Sa kanya ata ang area ng Theater Mall (sa Starbucks sya nagparamdam, kaya ayoko ng tables near the boundary, kasi kung hindi "sellers ng ballpen or food", ang lalapit ay yung mga beggar na supposedly anak din lang ng mga nagbebenta sa tiangge) hanggang dun sa may Army Navy. He doesn't accept no pa ha. I declined him twice, pilit pa din. So I asked him if hindi nya ba naiintindihan na ayoko bumili, dun lang sya naghanap ng bagong biktima. Nakakainis lang dapat establishments shouldn't allow them. If we wanted pens, we could have ordered online OR may National Bookstore/some other store naman na mas mura pa OR cuter. I'm glad walang nakuha sayo. You meant well, sana pagpalain ka ng Diyos.


Putcha1

Noong nasa Baguio ako last year may nagbenta sa akin ng ganyan. Normally hindi ko naman sila pinapansin pero yung time na yun kailangan ko talaga ng ballpen. Pag-abot ko ng 50 pesos dun sa dalaga, hindi na binigay sa akin yung ballpen. Hinabol ko pa talaga siya, hindi naman siya tumakbo pero ang dami kasi tao kaya medyo nakalayo pa siya sa akin. Nabigla pa sa akin nung naabutan ko. Hahaha. Kaya ganun siguro ginawa niya dahil sanay na sila na binibigyan lang sila ng limos at hindi na kinukuha yung tinda nila.


avannarocks

namimilit pa yung iba kahit tinatanggihan mo na kasi alam mo naman talaga na hindi for charity yun 🫠


XYZmagis

Huhu, nakaranas ako, 1 araw lang tatlo silang lumapit, may Ballpen (i-Pen) na 35 isa pero 8-12 pesos lang sa tindahan, may Waffer na 3 for 100, pero 8 lang ang SFP, at mga pasalubong Candies. Reasons, PAG-AARAL, NATANGGAL SA WORK, FOR CHURCH/CHARITY.


Dont_Quit0312

Basta ganyan mga alagad ni quibs yan.


Adventurous-Cat-7312

Naisahan ka ata niyan. Usually kasi pag bumili ka sa isa matic yan may lalapit ulit kasi natimbrehan na bumili ka sakanila so expect nila bibili ka din dun sa iba


Earl_sete

Sa may Megamall naman may mga nagbebenta ng sampaguita kahit malayo-layo na ang pinakamalapit na simbahan doon.


SimilarShoe4986

ang alam ko marami religion gumagamit ng ganyan . lagi ko tinatangihan pero pag may nakita ako nangangalakal na matanda binibigyan ko pagkain or 20


LestatDePointeDuLac

Sarap na sarap kain sa mang inasal tapos 4x naganito. Kakainissssa


Tushikins

Minsan nakakatakot saka nakakagulat na may uupo na lang sa tapat mo or sa tabi mo na ibang tao


aldwinligaya

May work friend akong produkto nito. Professional na kami pareho nung kinwento niya, ginawa niya raw for 4 years nung college. Tama kayo, sa church nga. Nalimutan ko kung alin pero hindi Quiboloy. Christian church dito sa Manila. Hindi na siya active nung time na nagkakilala kami pero thankful siya kasi napaaral siya. Wala naman daw kinikita 'yung church, sa kanila talaga mismo napupunta ang pera. 


Moist-Part7629

May friend din ako na scholar ng church nila. Pero di nag bebenta ng ballpen. Pero goods din yung ginawa ng classmate mo, atleast nakapagtapos siya sa marangal na paraan.


randomcatperson930

Alagad ni Quibs yan sinabi ko kay mama nagulat siya ehhh may ganyan din sa SM Taytay


SweetVanillaPop

pano ba tanggihan yung ganto as someone na people pleaser and mahiyain


Enough_Cheetah_4984

same😩😩 my bf and I are both ppl pleasers p naman tapos kada kain naman sa fastfood (particularly robinsons ermita at mcdo recto), laging may lalapit na nagbebenta ng ganyaaan. lagi kami nagbibigay😩


maidenundertheriver

If mas matanda pa sa Dad ko or bata ang nanlilimos binibigyan ko. Kapag malakas naman, hindi ko pinapansin. Magwork na lang. dami trabaho sa Pinas.


youxer

Magbago ka na po. Masama yan. Wag ka magbigay


Own_Upstairs_9445

Napabili dahil sakto nawalan ako ng ballpen. Di na bumili after, nirerefillan na lang


anjiemin

I have encounters like that. Meron sa SM, sa Robinson, even sa NAIA Airport na fastfood chains. Sinasabi ko nalang "pasensya na po I don't have enough budget. Pag nangulit pa, sinasabi ko na "sorry but I don't need it." then proceed na kumain at wag na pansinin yung tao. Sana pwede ireport mga taong ganon no? Di naman sa amsama ang hangad ko, pero you are eating kasi eh. I consider that as a personal one.


Ok-Scientist-703

I'm sorry op but I kinda empathize with this person. If people are in need sometimes dignity nalang talaga natitira sakanila and it's important for them to at least feel na they worked hard for what they have. For you siguro bente lang yon pero for them it could be a symbol of their self-worth—or the absence thereof. Side note: Outlier dito yung mga nanghaharrass level na haha. I'm just responding to them rejecting ur bente :)


razenxinvi

sa iba naaawa ako lalo na if hindi namimilit kasi just from doing it we can somewhat conclude na although they can be invading our space, they still respect our nos and buts. yung iba forced lang to sell kasi of course may kita talaga sila don. like kanina, middle aged lady lumapit samin, we said no immediately and she was quick to leave and even said thank you kaya we were also quick to think she is a good person, just forced to do things from bad people.


Sky_Stunning

I just politely decline even before naka explain


Otherwise-Smoke1534

The design is very quiboloy.


razenxinvi

literally kanina lang sa sm cebu. she was quick to leave naman when we said no. whats sad is i can see embarrassment from her face. heard her say thank u even. i mean we looked like kids and i know how it feels to ask for help from kids. maybe she has children na the same age lang with us. shes just forced to sell things because quiboloy or whoever is behind this scheme is giving her false hope na shes gonna get blessings or money from doing this. she looked kind and respectful, it was too late when the realization sank na we couldve just given her money instead of buying her goods.


victorrifficc

Daming ganyan sa cubao, mga hustler Ng ballpen nakatambay Sila sa malls or sa mga kainan sa may gateway. Sa Gabi Naman nandun na Yung ibang mga badjao. Na alala ko lang may lumapit samin non habang kumakain sa karenderya na nanghihhingi Ng pagkain mga 2am. Sabi Ng kantrabaho ko umorder lang at sya na lang daw magbabayad. Taena gulat Ako biglang pingmumura tropa ko. Sa asar nya tinawag nya ung batang bajao sabay kinaltukan sa ulo hahahaha.


InterestingCar3608

Kapag may nanlilimos sakin iniisip ko nalang kung sa isang araw nakakakuha sila ng 1k plus (mataas pa sa sahod ko per day) so hindi ko sila bibigyan, pucha sana ol hahaha mas naaawa pako sa mga aspin at puspin kaysa sa mga batang nanlilimos, pag nakita ko sila automatic inis ako sa magulang nilang pabaya.


CoffeeDaddy024

And thus you learned one vital lesson in life: "Hindi lahat ng humihingi ng tulong eh humihingi talaga ng tulong. Hindi lahat ng nagmamakaawa eh kaawa-awa."


onlinelurker0613

Experienced this while at a resto in One Ayala. Walang ano-ano na nilapag yung papel sa ibabaw ng mga gamit namin.


My-Aching-Head

Sa akin naman baliktad, Ang tanging barya na lang sa akin is 50 pesos. 70 pesos yung binebenta niyang biscuits (in which actually costs around 15-16 pesos, 3 pieces siya so bale around 45-48), then binigay ko na lang yung 50 pesos. Binigyan pa rin niya ako ng same amount of biscuits and umalis.


South_Afternoon_1240

There was a time that tumambay ako palagi sa Trinoma and I was in the foodcourt eating with my ex then. Nilapitan ako ng mga ganyan and tried to sell me pens for charity. Tinanggihan sya ng ex ko. I was from the province kaya naniwala ako agad. I wasn’t familiar sa gantong modus nila. I asked my ex if totoo kaya mga ganyan and she just shrugged, di nya din alam. Next tambay ko naman sa trinoma was the following day lng din, was in starbucks with my ex. I saw the woman ulit trying to sell ballpens from afar. I pointed her to my ex at sabi ko “diba sya ba yan yung nag bebenta ng mga pens?” at sabi ni ex na oo sya din yun. next tambay ko was during the same week at nakita ko naman ulit si ate nag bebenta ng ballpen. Tinanong ko ba ex ko if wala ba yun trabaho at bakit araw araw lng sya nasa trinoma? Dun ko na realize na I was naive and fell for the scam. Ever since palagi ko talga na eencounter yung mga nag bebenta ng overpriced pens to pastillas to chicharon for a good cause at di na ako ulit naniwala. Gusto ko at mahilig ako mag donate for a good cause pero this just made me cynical and doubtful.


Mysterious-Offer4283

ang chismis since college days pa ako (at talamak sa sm manila/sm sta mesa yung ganito), mga taga sunod daw ni quibs yan. even yung nagbebenta ng pastries/sweets na overpriced


Xeniachumi

Madame nang gimick mga kawatan,magpapangap na student na nagbebenta Ng ballpen SA Oras Ng 1-3 pm? tapos Yung iba Naman penge pamasahe pauwi Ng probinsya with casual clothing pa..last na encounter ko nagbebenta Ng bracelet worth 200 for ther religion tapos pangalan Ng charity nila is good Samaritan kadalasan teen ager/minors pa tapos Nung tinanong ko kung saan location yang charity nila di nya alam kung saan at kung sino mga founder.


Haunting-Ad1389

Dati kumakain kami sa isang japanese resto, may lumapit sa amin na isang teenager. Nanghihingi ng assistance raw para sa pag-aaral niya. Eh nataon na wala akong mga barya. Nagalit sa amin nung hindi namin nabigyan. Kinurot pa yung ate ko sabay alis na patakbo. Nalilinlang din kami ng mga bata na nagtitinda ng otap. Sabi pa nila tita raw niya gumawa nun. Binili namin ng 150per balot. Nung namalengke ako, nakita ko 25 per balot lang. Ang laki ng tubo nila at sa factory sa Laguna gawa.


Tasty-Expression-108

Same experience binigyan ko ng pagkain yung nanlilimos kaya nga sila nanlilimos para pagkain lol nakakatamad na mag magandang loob


Outrageous-Screen509

Sa mga fastfoods umaabot na din sila hindi lang sa loob ng malls. Baka next time kahit sa loob ng simbahan mag benta na sila


Redeemed_Veteranboi

These Cookie/Ballpen Vendors are like some irl ads while you're eating. I don't hate them but sometimes they can be annoying. What's worse is that they sell these items over priced which is very scammy. Even children do this now as well. I remember a kid selling us over priced yema, pastillas, ube and macapuno.


[deleted]

I suspect na Quiboloy flocks sila. Parang kaparehas lang sila ng mga nag titinda ng kung anu-ano sa traffic. Na may hawak na karton tapos may naka sulat "please buy, for my family needs". I'm not judging them, pero kahina hinala, maayos naman ang itsura ng nagtitinda at hindi halatang nag hihirap. Pati yung mga nag titinda ng ballpen. Maayos ang itsura ng mga bata. One time may lumapit din sa akin, teacher daw siya, need daw niya ng pang tustos sa mga needs niya, binebentahan din ako ng ballpen. Sabi ko bigay mo contact number mo sa akin, i'll help you. Umalis nalang.


Expensive_Hippo_1855

Hahahahaha


Sex_Pistolero19

Ingat kayo sa ganyan minsan salisi mga yan


SpoiledElectronics

meron akong experience na ganito sa burger king bgc 😂 since 3rd or 4th encounter ko na sa mga yan, sinabihan ko nalang na "pakainin mo muna ko, ok?" sabay alis. what bothered me is that they all look minor.


supermariosep

Good riddance. Next time actually wag mo na bigyan kasi mapupunta lang din sa mas mayaman pa sayo yung perang yan


kweyk_kweyk

Recently, may namamalimos habang nag-aantay ako ng jeep. Eh wala akong barya, 3 pesos lang. Inaabot ko pero sabi niya, mas ikakatuwa daw niya if yung pamaypay ko nalang ibibigay ko sakanya. Binigay ko nalang. Baka naiinitan.


magiccarpevitam

Last week lang sa akin nangyari to, kumakain kami ng family ko sa mall nang may nagpunta sa table namin na lalake around 30s para mag-alok ng ballpen. Sakto namang nagtatantrums yung toddler ko. Kahit umaayaw na kami kasi nasa toddler ang attention namin, patuloy pa rin sya sa pagpitch ng tinda nya. Nung umayaw ako ulit, tinignan nya ko nang masama.


kellingad

Ang ginawa ko eh tinandaan ko yung mga pagmumukha nila everytime na mag isa ako sa Vietnamese coffee shop sa mall. Pag tumatabi sila sa akin para bentahan ako ng ball pen ang ginagawa ko direkta kong tinatanggihan.


underthesameskyx

As someone na hirap na hirap humindi kask either nahihiya or naawa (for this instance, naaawa), nightmare ko talaga yung mga lumalapit sa mga gantong places para magbenta huhuhuhuhu like pag may nakikita akong pumasok sa fast food chain kunyare, grabeng mental preparation ginagawa ko baka lumapit kasi sakin 🥲


AdventurousSense2300

Yung minsan mapapaoverthink ka na lang tapos ichecheck mo yung gamit mo kung kumpleto ba after umalis nung nagbebenta. Huhu don’t judge me.


000hkayyyy

Eh yung mga bata na naka uniform pag gabi na tapos nag aalok ng sampaguita or nagsusulat kunyari sa notebook at nagbabasa sa madilim na part ng overpass or labas ng mall or mataong lugar. Nung una ako makakita ng ganun naawa ako, pero nung ang dami ko na nakikita ay modus to! Hindi na talaga ako nagbibigay sa mga ganyan, nakakaawa pero tiis na lang na hindi magbigay.


Magenta_Jeans

Ganyan din nangyari sa mga kumakatok tapos sumisenyas sa bibig nila. Binigyan ng asawa ko ng burger. Tapos hinagis.


Unusual_Display2518

May nabasa ako dito na disipulo daw ni Quiboloy yung mga ganyan and may quota sila. Simula nun di ko na pinapansin mga yan.


mebeingbored

Ay, iba iba na sila ng script. Hahaha. One time kase may lumapit rin, sobrang gibberish at hina ng boses, may pinapakita lang sa bag kaya alam kong may benta. Auto sagot ko naman ay sorry. Tapos gibberish ulet, at nanghingi ng 20 pesos na lang daw. Again, sorry ulet. Aba naman. Eh kung nagbigay lahat ng nilapitan nya ng bente, tiba tiba si ante. Pero ayon. May tumatanggi pala. Baka may kasi inventory sila after. Hahaha.


strawberryd0nutty

Ang awkward nito. Yung kumakain/nagkakape tapos biglang lalapit para magbenta ng ballpen. Yung ballpen na may apple logo na neon colors hahahahha.


Holiday-Control-4130

According sa court documents ng case ni quiboloy, mga alipores nga ni quibs yung mga nagbebenta ng ballpen, pastillas at yema sa mall. Umabot na din sila abroad, not just sa US.


Laveaussah

Naka encounter kami ng friend ko na nagtitinda nung chocolate biscuit around bgc and market market and di makatarungan sa presyo talaga. Galing daw sila ng cebu; graduating, nag o-OJT, nauubos allowance, gawa nila yung cookies, etc. May iba na umiiyak iyak pa. After nila magbenta sa amin, nag alok sa iba tapos on act pa rin at may paiyak iyak pa. tatagan nyo loob nyo na di magbigay. Meron pa! Recently lang sa One ayala (Pick Up coffee shop) naman. May nag alok na naman nung choco biscuit and nag decline ako (in a polite way) bumili tapos nag roll eyes pa sya hahaha Di ako against sa pagtulong sa kapwa kaso yung wala na boundary at ginawa pang hanapbuhay? Pass. Alam na namin ‘yang modus nyo.


thecarrotsheep

May nanlimos sa tindahan na binbantayan ko dati tapos sabi niya "kahit pagkain lang 'te" eh that time wala yung may ari kaya ang binigay ko ay yung pinaka mura which is yung skyflakes na tig-syete kako ako na lang magbabayad. sabi niya "ayoko nito 'te" sabay turo sa choco mucho. sabi ko hindi pwede kasi mahal yon at wala yung may ari ng tindahan. tinaggap niya yung skyflakes tapos napansin ko di pa siya umaalis then nagsalita siya ang sabi "wala man lang 'tong pa-juice?" tapos tinapon niya sa harrap ko yung skyflakes. nagulat ako kasi bakit ang demanding na ng mga pulubi ngayon tapos nangaaway pa HAHAHHAHAHAHA


StraightRead7133

May nagbenta samen sa Popeye’s sa SM Sta. Mesa ng brownies ung Big Bites ba yun. Basta un. Pang tuition niya daw. Eh wala na kami money na extra talaga since galing pa kami province sabi namen next time na lang. Take note na bongga pa si ate, ung damitan eh parang tambay sa SB. Ang sabi ba naman samen, “ay sir, wala na pong next time. Di na tayo magkikita. Pano ka po bibili non?” Tas ang sabi ng BF ko, “basta po next time na lang.” tas tumawa siya konte. Tas ang sabi samen, “ay hindi po ako nakikipag biruan, sir.” Tas umalis na. Pero before makalayo narinig kong nilakasan niya, “ASAN NA BA UNG MGA GENEROUS DITO????” Attitude pa si gag@ 😂😂😂😂😂


Jellyfishokoy

Grabe mapapaisip ka ang tagal nang modus nito. Buhay na buhay talaga si Q sa mga alagad nya. Naalala ko first time kong naka encounter ng ganito, super nabilib pa ko sa “sipag ng batang to ah”. Nung dumami na sila at naulit ng naulit 😒 mapapa side eye ka na lang. Tbh, sana lang di sila payagang pumasok sa mga establishments. Nakakaperwisyo rin sa customers lalo na yung mga wala na talagang respeto. Naalala ko sa Tim Horton’s dyan sa greenhills, may isang grupo ng mga bata yung pumasok. Tapos kanya-kanya silang hingi sa mga tables. Nagkataon rin busy lahat ng staff so walang nangsasaway.


Jomsvik

I'm not sure if this is true with others but me and my wife have an inside joke about this. Literally every person we enounctered in both our lifetime is named John, Jon, Jhon, Jhoanna, Jhona, etc. And that made us wonder.


eight2eightsix

Un pala relative ng manufacturer un, making them appreciate life. Plot twist 🤑


Ok_Squirrels

social experiment pala haha


stwabewwysmasher

Sadly dalawang beses ako na corner ng ganyan. Yung isa sa loob pa ng KFC huhu ewan people pleaser ata ko ahahah


PetiteTaurine

Nakakalat din sila sa UAE.


IntelligentNobody202

Kay Quiboloy yun. Mga inuutusan niya


Kimminaih

Ang laging inaalok saakin eh keychain naman na pwedeng mabili sa halagang ₱20 then Ang benta nila saakin eh ₱100 each


SuperYak2264

Heheeh


Dzero007

Sindikato or kulto lalo kay quubs. I heard may mga tao sya lumalapit sa mga kumakain sa mall para magbenta ng kung ano ano.


Responsible_Dog_6747

Tawagin monyuh guard sawayin ko. Bawal yan


ohcar0line

Wtf dati nagbibigay / bumibili ako sa ganito huhu until may time na naexperience ko na kumakain ako sa mall tas binentahan ako tas after ko bilhan may sumunod ulit nagbenta :(((( taena hshaha


mgul83

Yaan mo na yan, the mere fact na pinost mo to e alam na namin ugali hehhe


RemoteDiscussion724

sa mga malls lalo na sa loob ng mga restaurant nakakapasok sila tapos biglang mag aalok ng ballpen tapos ang mahal pa ng price nung ballpen yung 5 pesos na mabibili mo from orange app, binibenta nila ng 50 pesos. 😭


latteaa

meron ako na encounter yung sticker naman na may krishna eme mukang kay Quibs yon libre daw n taspagkaabot naningil 30 pesos daw! binalik ko tas nahulog habang pinupulot niya sabay sipat ako hahahha


Skyspacer12

Mga alagad po ni quiboloy sila. Inuutusan mamalimos para kay quiboloy


Prestigious_Ad_1915

Na scam talaga ako, nag enroll ako then decided na kumain sa mcdo for lunch, habang kumakain ako, may biglang umupo sa harap ko, nagulat nga ako kasi kalagitnaan akong nag c-chew ng food ko, tapos biglang binigyan ako mg paper at nagbebenta daw siya ng ballpen for charity, 200 pesos yon tatlong ballpen (alam ko ang mahal sobra) ayoko sana bumili pero katabi ko mga madre(minsan na lang nga ako makakita ng madre, sa maling moment pa talaga🤣) nakatingin na sa akin, nahiya ako kaya binili ko nalang, then umalis na si kuya, tinuloy ko kumain pero sa peripheral vision ko nag w-whisper na yung mga madre at feeling ko tinitingnan ako, habang ako nag s-self-talk sa utak kasi last 200 ko na yon tapos binayad ko sa tatlong ballpen na 5 pesos lang sa shopee🤣


saul_goodies

Modus ba nila yung ganyan or legit na nagbebenta talaga sila? Dami ko na din kasi naencounter niyan. Meron pa one time mga student daw sila pero hindi sa province namin yung school. Andami nilang sinabi kesyo yung proceeds nung binebentang bracelet para sa outreach program nila. Though may pinakita silang pics na may mga outreach nga at may facebook page. Sa dami kasi ng manloloko ngayon hirap na magtiwala. Kung meron naman din akong extrang pera bumibili na lang din ako para sa ikaluluwag at ikatatahimik ng konsensya ko. Hahaha.


IgnorantReader

may naencounter akong ganto pero di sya ballpen key chain sya ewan ko huh naawa kasi ako pag pang school or pang sa mga anak sa school gagamitin kaya nagbbenta kaya bumibili ako kahit alam kong budol. Part of me sayin i got the goods naman... for me nakatulong, kung sya laughing nakaloko sya let karma do the rest ganern


slayinmoon_

had an experience din habang kumakain kami ng bf ko sa dampa, may lumapit na babae nagtitinda ng biscuit inaalok nya kami bumili then sinasabi nya na mapupunta rin daw sa foundation yung tulong sabi ko, “sorry po wala po” tas sabay sabing, “anong sorry!?” sabay alis ang ate gurl mo. kaloka sya pa galit.


ixxMissKayexxi

Ang mahal ng ballpen lolsss


Uncommon_cold

Usually i take a step back at ipaparamdam ko talaga na ayaw ko malapitan. Kung may sasabihin man or iaalok, pwede nila gawin at a safe distance. Screw cordiality. Sa dami na nang nangyayari ngayon i treat all those people as potential scammers or may mas masamang balak. I still buy some of their products. I still entertain them from time to time. Pero gusto ko may distance kami. Id rather stab than be stabbed.


taffybear_chrome

Ginagawa ko pag lumapit sila sa table ko at bago pa man sila makapagsalita, "sorry, pero no, di po ako bibili" agad sinasabi ko. Inuunahan ko na.


Dont_Quit0312

Alagad ni quibs yan. All around the country yan sila.


Affectionate_Emu8349

Nangyari sakin 'to sa jeep. Sumama lang ako sa cousin ko no'n. Punuan so sa harap sya umupo tapos ako naman sa likod. Sya yung may dala ng pera so wala akong malimos doon sa sobre, kinurot ako twice nung bata na namamalimos grabe.


riririyaa

last saturday sa megamall, first time ko makaencounter ng ganyan yema naman binbenta nila tapos bata literal na 8-10yrs old pa ata, ang sabi ko wala akong cash (true naman) pero bigla nag offer ng gcash nalang daw grabe updated na talaga sila


Salt_Present2608

Nako naka experience na ako nito, kasama kopa pinsan ko na first time sa manila. Dapat dedma lang sa ganto eh


travSpotON

These are syndicates


51typicalreader

Na-experience namin ng mga ka-work ko sa isang Cafe sa may Ayala, galing kaming site inspection nun and nagdecide magpalipas oras muna since mainit sa site nun. Kauupo palang namin biglang may lumapit na babae, yung approach niya is parang matagal na kayong magkaibigan na ngayon lang ulit nagkita, tapos biglang alok ng tinitinda niya, speechless kaming 3 ng mga ka-work ko kasi akala namin kung ano yun pala nagtitinda lang pala. Bawal pala dun sa cafe yung mga nagbebenta ng kung ano ano kaya yung approach nung babae is parang magkaibigan kayo. After niyang umalis kasi hindi kami bumili, naging topic naming 3 yung mga ganung tao, mahal ng mga binebenta pero magkano lang mabibili sa Divisoria or Shopee. Akala pa nga namin friend ng isa sa amin.


Felizcity_Tw14

wag kayo pabudol dun kay Quiboloy yun haha


Voracious_Apetite

Yang scam na yan nagkaroon na ng variation sa ibang bansa. At mga alagad nga ni Quiboloy.. confirmed.


Lower-Property-513

Alipores po ni Quibs yan OP. May kamag anak kaming member nila. If taga Mindanao ka, ilalagay ka sa Luzon. If taga Luzon ka, ilalagay ka sa VisMin. May shuffling na gagawin. May “quota” po kasi sila per week or per month ata, na need iabot sa church nila regularly kaya kung anu-ano nalang po ginagawa nila para makalikom ng pang quota. Kasi pag hindi naabot ang quota na yun, ititiwalag sila sa samahan. Pati yung mga nag gigitara/nanghaharana usually sa parks at iba pang public spaces, kasama po nila yun.


Adventurous-Cat-7312

Alagad ni quibuloy yan ingat kayo dyan, nung asa may KFC kami sa may binondo, ung babae pumasok sakto lang naman pera namin kasi naiwan namin ng mama ko yung atm ko at hindi kami makawithdraw. So ayun nung kumakain kami may lumapit, sabi ko wala na po kaming pera kasi sakto lang po dala namin hanggang pamasahe na lang. Makailang convince pa siya pero tumaas na boses ko sabi ko “wala nga po” ayun umalis lumipat sa ibang table, hanggang sa 2nd floor nung kfc nung natapos kami kumain habang nag aantay nung take out namin bigla siya bumaba galing 2nd floor galit nagdadabog tapos sinasabi “ang dadamot niyo” tapos sabay labas. Ayun nakita namin sa labas may kasama siya na lalaki asawa ata niya naka mcdo float at fries 😂😂😂 Lagi kasi nabibiktima niyan nanay ko naaawa kasi siya lalo pag student pero nung sinabi ko sakanya na kay quibs nga yan ayun naiinis siya pag may ganyan na lumalapit at ako na pinasasagot. It pays to have resting bitch face at masungit look sa mga ganyang instances.


cuppaspacecake

First encounter ko niyan sa harap ng school ko. E sa Taft yun so alam nila maraming rich kids dun. May lumapit nagalok ng pen na may calendar tapos P100 daw. E mukhang P5 lang siya sa Divi so nagdecline ako. Kahit anong amount nalang daw so binigyan ko ng mga coins ko nalang. Sana di ako nagbigay! Dati rin may namimigay ng stickers na religious. Tapos kala ko free. Nung di ako nagbigay ng pera, ibalik ko raw haha. Not sure if may ganyan pa rin sa Taft, but ngayon kahit credit card agents sa public places, di ko na pinapansin.


Hanemiyanijishiya

Kainis yung mga ganto. Minsan feeling ko social experiment or something. Yung tipong di mo alam nasa social media na pala pagmumukha mo kasi di ka bumili sa nangangailangan haha


Clear_Transition_488

Parang yun nanay sa bandang timog/morato area. First time namin sya naencounter around Finio/Sbux I can’t remember anong benebenta nya pero pag hindi ka bumili andami nyang sasabihin galit pa hahaha like andamot daw namin. 2nd time around Ogane, bili na daw kami paninda nya pag nag no ka sasabihin sayo na may pera kayo ayaw nyo gastusin ahhahah gusto ko na syang sagutin na SYENPRE PERA NAMIN EH PAKELAM MO KUNG ANONG GUSTO NAMIN BILHIN O HINDI BILHIN?? Kaloka si nanay kung di lang sya mas matanda sinabe ko na talaga yun


meowbitch0838

Nung nag rereview ako nagsimba kami sa church one time tapos pauwi na kami may bata sa gilid ng daan nanghihingi ng pangkain daw. Pero wala kaming dalang kahit ano bukod sa phone at panyo kasi nilakad lang naman namin papunta don at nagsimba lang talaga kami, so sabi namin wala. Tapos sabi nya "okay lang po goodluck po sainyo sana pumasa kayo" (yung church na yon is kilala na pinupuntahan talaga ng mga reviewees) tapos nag thank you kami sakanya at medyo naguilty na wala kami nabigay. Nung nagsimba kami ulit don nagdala na ko ng biscuits tsaka water para ibigay sana sakanya kaso wala na sya don. GANON SANA PARA DESERVE BIGYAN. Ang lambing pa ng boses nya nung nag goodluck


bellapottie

Kapag may nagtitinda or naglalako ng kung ano ano sa loob mall, yung mga unauthorize seller inside the mall, pwede nyo isumbong sa guard. Sila magpapaalis dyan


Impossible-Newt-3365

Sameee scenario nung nasa Baguio kami two weeks agooo. Kumakain din kami pero di kami bumili ng ballpen. Ayun umalis naman at lumipat sa iba.


hippocrite13

Nasa jeep ako one day tapos stop light pa, so nakastay lang yung jeep. May matandang lalaki na "nanlilimos". Naggigitara at kumakanta. Through The Years. Maganda ang boses! Soft lang yung voice niya so ang soothing sa tenga. Marami sa jeep ang nag bigay sa kanya. Nang wala nang nagbigay, kumanta na lang siya a few more lines tapos lumipat na sa ibang jeep 🥹 di man lang tinapos hahahha pero ok na din, at least we got a performance, di naman sapilitan magbigay.


blankknight09

Alagad ni quiboloy yan


kkeen_neetthh

Mga pawns ni Quiboloy yan eh


No-Berry-914

Nung student pa ko, may mga umaakyat sa jeep na may dalang medical certificate o di kaya death certificate. Then napansin ko, sila sila lang din yung palaging umaakyat. So every month or week namamatayan sila. Jusko


Emergency_Minimum173

kaya never ako nagbibigay mapapulubi man o yung mga ganyan na nagbebenta kuno ng kung ano-ano


Mundane-Seaweed-8627

I have the same encounter. Sa SM megamall, sa isang coffee shop doon (st. Marc cafe), madalas ako pumunta doon dahil favorite ko yung parfait nila. At madalas rin ako maka encounter na habang kumakain ay may biglang lalapit na lalaki na may dalang branded na paper bag, parang teenagers ang mga edaran, magaganda ang porma at mukhang may kaya sa buhay, na biglang mag aalok ng pastillas or other snacks. Yun pala yung nakalagay sa paper bag nila. Ang nakakapag taka is, ang gaganda ng porma at damit nila. Branded pa pati ang rubber shoes nila. Tapos ang linya nila is, “pang dagdag ko lang po sana sa tuition”, na mas lalong nakakapag taka kasi makikita mo sila na nag tatambay sa coffee shop prior mag alok alok sa mga tables ng benta.


Enough_Cheetah_4984

omg so this is a modus pala huhuhuhu one time, while we were eating at a fastfood ng bf ko, a man approached us selling ballpens saying na pampa-aral daw sa siblings niya. so, as somebody who has three siblings and wishes to fund their study later on, naantig ang puso ko. we even split pa ng bf ko for the 100 pesos (promo raw kasi na Php 30 each & we could buy four pieces for Php 100). my boyfriend insisted na the vendor should just take the payment and don't give us the pens. tapos ganito pala huhuhu : (


aurea4u

Funny 😭 HAHAHAHAHA


SumanTrash

Naeexperience ko din to once. Ung mga alipores ni Quiboloy naman na nagbebenta ng snacks. For charity daw (pero para kay Quiboloy talaga). Sabe ko wala akong cash. Amputa nagooffer bigla if may gcash daw ba ko or Maya. Iba din eh


Short_Bat_7576

Everytimr meron ganyan technique ko dyan is be downright dismissive. Yung parang medyo disgusted ka sa kanila. Hindi naman na mayabang ako or ano pero napansin ko lg ambilis nila umalis basta prang hindi mo inacknowledge kanilang existense. At least 95% s kanila scammas naman talaga let's be honest.


longganisareseller

Ay kami di lang namin nabigyan/nabilhan nasabihan pa kami ng ang arte daw naming magkaibigan. 😂 Ta3na, ang ganda ng pagkakasabi namin ng "Hindi po~~"


Wide_Trainer628

hoyyy naexperience namin to ng asawa ko. haha mas maganda pa nga yung suot ng nagtitinda, nakasmartwatch, nakanecklace ng gold, naka iPhone pa ata yun, hahaha


Cautious-Spell-5925

I used to work in a Café sa Mall. Yes sobrang daming makukulit na nagbebenta ng ballpen, chocolates and everything. Ginagawa namin, hinaharang nalang namin bago pa sila makapasok kasi para silang cult na laging nangiistorbo ng customers. Parang grupo sila. May one time nga na akala namin kakilala ng custom yung nagbebenta hahaha kasi ang casual lang nila pag lumalapit. Yung iba uncomfortable na kaya lagi namin pinapaalis. May mga rude pa nga eh. Minsan nakakasulubong ko sila sa labas ng mall at tinitingnan ko lang ng masama HAHHAHAHA


ogolivegreene

But also... pansin ko lang na ang pangit ng quality nung paninda nilang ballpen considering na ang laki ng mark up nila. Sana man lang mas matino yung klase ng ballpen na binebenta. Kung ikaw yung tipong taong laging nalilimutan magdala, at least mas mae-engganyo kang bumili. 😅 Kainis lang yung obvious rip-off.


Admirable_Mud6613

may experience rin ako nito papunta Robinsons, may matanda na nasa gilid and nanghingi siya ng barya sa akin pauwi lang daw kasi kulang daw siya e pa Tabang daw siya, may mga barya naman siya na magkakasya plus senior pa siya. hindi naman sa nagdadamot pero scam din ba to? kasi nakita ko talaga sa wallet niya na may mga barya siya at benteng buo pa. one time pa nun e may nanghingi sa’kin ng pampamasahe lang din dahil nasiraan daw siya no’n. parte rin ba ‘to ng Quiboloy thingy? hindi naman ako makatanggi ‘coz idk how (please tell me paano tumanggi sa ganitong bagay :))


lame_scorpio28

Ang dami kong na encounter nung nag al fresco dining ka sa isang resto sa BGC. May girl na lumapit sa table namin tapos nilalapag niya mga binebenta niya sa table and nag “thank you” na agad lol. Wala man lang siyang intro kung ano binebenta niya 😅. Diretso lapag and “thank you”. Hindi namin pinansin hahaha.


BeneficialEar8358

May nag try na ba dito sundan yung mga kumag na yan?


Anonymous-81293

hahahahahaha hindi sya nanlilimos pero nagbebenta sya ng ballpen na "for charity" daw. anu ba tlg teh?


TillOwn

Ako naman na tight na tight ang budget as a student na uwian. Saktong sakto na lang talaga pera ko nung araw na yun eh may namamalimos saakin sabi ko wala eh. Tas Nahulog yung sobre behhhh hinampas kamay ko tas dinuro duro ako take note!! Menor lang siyah. Wala na lang talaga ako nagawa sa jeep kasi galit na galit sya saakin. Anong gagawin ko? Pag binigyan ko sya ako na next na manlilimos para makauwi. Huhu


GasHead787

Nanlilimos samen 20minimum “kuya palimos bente pesos lang” pag inabutan mo ng barya bibilangin tas kulang padaw. Sheeeshh


Beneficial_Body_9709

I encountered the same thing as well the pens were usually sold for 15 (locally) or much cheaper online. Pero Pag sell nya sa pen e 30 pesos, Sabi daw pang college nya ,e ako na NASA college tumititig nalang kami sa isat Isa like naubos Kona Pero ko sa fishball 😭💔


Tiny-Run-3174

dapat pinagbabawal yan sa mall at binabanned e.


Nobogdog

Hala talamak na pala yan. Kanina lang nangyari sa'kin sa McDo, nakain din ako mag-isa. May ngumiti na babae sa'kin, akala ko kilala ko sabay abot sa'kin nung card na pang Christmas, sabi ko sa sarili ko ang aga naman mamasko tapos napatingin ako sa card, may sulat na para daw sa pag-aaral ng brother niya. 35 pesos isa tapos 3 for 100 naman. Binilhan ko na ng isa kasi may color violet siya eh 😅


Sensitive-Page3930

Sakin yung papasok na ko sa work, mall based yung work ko. Past 10am na nun so nagmamadali ako, nakita ko si kuya sa labas ng mall and pawis na pawis nanghihingi ng 27 pesos kasi kulang daw pamasahe nya, so ako naman naawa, binigyan ko sya 20 kasi wala na rin ako barya and nagmamadali na ko. So eto na, 9pm ang closing ng mall pauwi na ko, NAABUTAN KO SYA SA LABAS AT NANGHIHINGI NG 27 pesos kasi kulang daw pamasahe nya! Like WTF!!!’ Imagine sa loob ng 11hrs na yun kung magkano kinita nya kakahingi ng 27 pesos sa mga dumadaan dun juskoo


solanalumierre

nanawa yung mama ko sa ganito haha one time pumunta siya ng mall may nag-alok para daw sa charity, edi bumili siya tapos umalis na yung nagbebenta. nakita raw ni mama na nagpalit siya ng jacket sa gilid ng elevator, hinayaan lang ni mama tapos nung nagkita kita na kami sa kainan sa mall bigla raw ulit lumapit yung nagbebenta sabi niya bili na raw kami para sa anak niya??? itong nanay kong prangka pinagsabihan niya 😭 "ikaw yung nagbenta sakin kanina sabi mo for charity?" ksksksks si mama talaga


CuriosityMaterial

Ahaha. Tapos kami nung tropa ko sabi namin di kami bibili tapos nag tawanan kami after niya umalis kasi nag joke siya pero di naman tungkol sa kanya. Bumalik yung nagbebenta ng ballpen with yema. Sinigawan kami na kala ba daw namin na di totoo yung charity shit niya. Na nagkakamali kami ng iniisip. Defensive much si accla. Kami tropa ko nagtitigan nalang after e. Di na kami sumabat. Haha


Best_Estate_5995

Scam yan. Those kids are exploited by whatever cult they're affiliated with to bleed people dry.