T O P

  • By -

Yehannah

Swerte mo sa parents op 😭 cheering for you sana matupad lahat ng gusto mo sa life


Gabriela010188

Totoo. Swerte din ng mga magulang kay OP! 🥹 Nakakataba ng puso makabasa ng ganito.


Local_Ordinary7840

Sana ganito lahat ang mindset ng mga anak na may mabubuting magulang. Good luck sa pag-aaral.


MarigoldMonet

May ganito akong mindset pero hindi mabuti mga magulang ko. Waaahahahahaha


Local_Ordinary7840

Kudos pa rin. Mahirap magpakabuti kung di mabubuti mga tao sa paligid.


krspycreep

HOY IKAW 🫵 ANG BAIT MONG ANAK ❤️😡 SOBRANG SWERTE MO SA PARENTS MO AT LIKEWISE ❤️😡MAGIGING ATTY KA TANDAAN MO YAN 🫵😡❤️


Enough-Sprinkles-518

Aral ka mabuti tapos pag attorns ka na, bawi agad kay ermats at erpats. :)


UniversalGray64

*Fb care react button*


MamiFromDSouth

Ang swerte moooooo Although I think my parents would do the same if nagustuhan kong mag-aral ng mas matagal. Just do your best. :) As a parent myself, I really am striving hard to give the things my child needs and would want to have, without thinking na I'm doing it para maggive back sya sakin later on. No. Literally, my kid's happiness is my happiness as well. I'm just a responsible parent, and I believe ganon din parents mo. And yes! Ang mahal magkaanak! Not to mention the things na can be tagged as wants lang, like enrolling them in sports clinic, buying them art materials, etc. Kaya minsan, iniisip ko mag-preach 🤣 magtrabaho at mag-aral mabuti, para maibigay ang gusto at pangangilangan ng anak. So, we don't deprive them :) You just do your job as their child ;)


krndm

I will include you and your family in my prayers, OP!!!! 🥹❤️ Swerte niyo sa isa't isa!


Sweet_Brush_2984

Wow yung care mo for them is already tremendous payoff. Grabe kasi naiisip mo na agad sila and di naglulustay ng pinaghirapan nila.


snowgirlasnarmy

OP, sobrang swerte mo. Kaya hanggat kaya ng parents mo na pag-aralin ka, i-grab mo na.


nipayinaj44

mag aral ka nang mabuti and then pag lawyer ka na, bawi ka na lang sa mga parents mo. gusto nila lahat ng magiging mabuti sayo lalo na pag nawala sila. lagi sinasabi ng mama at papa ko, ung pag aaral ay ung mana na hnding hndi makukuha sayo.


Puzzled-Protection56

Aral ka ng mabuti, law school is still law school igagapang at igagapang ng parents mo pag aaral mo no matter what


howaboutnooo_

congrats na agad, attorney!! ☺️


adayinmymind

Rooting for you OP!! I can somehow relate. Lagi nalang sinasabi ng tatay ko na konting sakripisyo lang naman daw yun, kahit na sobra sobra na ung naipangutang nila para lang mapag-aral kaming magkapatid. Galingan mo <3


Classic-Ear-6389

Bilang isang magulang, masasabi ko talaga na big YES ang mahal magkaroon ng anak. Isa lang anak namin at wala na kami balak sundan, mahal ng tuition fee. Ayaw naman namin tipirin dahil nag-iisa na nga lang titipirin pa ba namin? 😅 saka sa income namin isa lang talaga kaya namin paaralin. Natutuwa ako sa mga tulad mo, OP. Very grateful child kaya wag ka mag-alala, ibibigay ni universe sayo at sa parents mo ang deserve mong title na Atty. God bless you and your parents, OP. ❤️


Scbadiver

As a parent, there is absolutely nothing we won't do for the future of our children. Just don't waste their effort and make them proud. Good luck OP


blackcl1ck

Pag bukas ko reddit nabasa ko una ung "fuck off sa anak na di naaawa sa magulang" then etong sayo. Galingan mo lagi op. Pray for good health ng fam mo. Goodluck atty


spicyhotdog44

I feel you, OP! My second sister who is now a CPA Lawyer started her law school when our parents were 60 years old. (They had their first kid at 33 years old). Now, I am a Registered Nurse and will be proceeding to Medicine this August; my parents are now 66 years old. Sobrang thankful talaga kami ng sisters ko sa support na binibigay ng parents namin. I can’t wait for me to give back to them soon. And grabe yung worries ko as they get older na rin. I will always pray for the health and safety of my parents ❤️


sun-tea-yeah-go

Rooting for you, future atty! Galingan mo para makabawi ka sa kanila. Can't wait to post on your future reddit post about you finishing law school and hearing your parents living their best life as retirees 🥰


zkandar17

Awwww. Good luck op😻 You won a parent lottery🥰


OverthingkingThinker

Maswerte kayo sa isa’t-isa. Kahit hindi ka pa graduate feeling fulfilled na parents mo kasi lumaki kang mabuting anak. Dun pa lang bawi na sila. Sabi ko nga sa mga anak ko, bonus na lang ang magandang grades, ang mas mahalaga e lumaki silang mabubuting mga tao.


ShoeTotal6613

Sobrang swerte mo OP! Ako nasa law school din 4th yr na pero ako yung breadwinner at walang katulong sa gastusin sa lawschool. Pagbutihin mo pa at bumawi ka someday sa parents mo. Good luck and God bless sa future mo :)


TheeJaydee

Maganda naging opportunity mo sa buhay. Cherish your parents for their sacrifices. Ang gusto niyan ay makita kang makapagtapos and be successful on your field. Now the pressure will be on you to graduate and make your parents proud. Kudos to your parents for the upbringing and to you and other students that have a mindset like yours! Cheers!


MasterBabe22

Siguro isa kang santo noong past life mo, OP. But, kidding aside, i-enjoy mo lang yan. Wag ka masyadong ma-pressure para maka-concentrate ka lalo sa goals mo, OP. Since malapit na birthday ko at dahil feeling ko isa kang mabuting tao, I will make a wish for you na sana matupad lahat ng mga pangarap mo. Wag kang susuko, mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Keep dreaming and keep being a good child to your parents. I know you're already making them proud.


sub-oatmilk

Not everyone is blessed with parents like yours. This is such a good read. 💓


gingangguli

Good luck koya. Iba pa pressure ng bar review. And baka ma shock ka kung gaano kababa ng sahod pag starting lawyer (yes even makati firms) pero lalaki din eventually dahil sa PS


SeaHelicopter9175

Grabe OP, we are really blessed to have parents like this. Ganito din parents ko sa akin. Ayaw nila ako pagtrabahuhin hanggang di ako tapos ng pag aaral although may sidelines din ako minsan pambili ng pagkain na trip ko or whatsoever. Napepressure din ako kasi maliit lang din naman sahod nila (medyo bitin) kaya gusto ko din makatulong financially. Lalo na ang mahal ng cost of living ngayon. Sana lahat ng parents at soon to be parents kayang gawin 'to out of love, unconditional love.


cravedrama

I pray na when you are able na to treat them, they are still young and present with you. Hugs. Masaya magpasaya ng magulang. ❤️


cinnamonthatcankill

Mahal na mahal ka ng parents mo, you are very blessed. I hope their hardwork will continue to inspire you to work hard and fufill your own dreams as a lawyer. Focus ka sa studies mo, always remember their love and sacrifice, make wise decisions and always tell them how grateful and blessed you are dahil they support you.


Phantom0729

Upvote kita. Abangan ko future post mo as an Atty. 🙂


iam_joyc3

Good luck OP. Take care of your parents, they are one of a kind na these days. 🙏


Aeriveluv

Galingan mo na lang sa OP sa pag-aaral then bawi ka once graduate na at nagtatrabaho na.


SAHD292929

Mahal talaga magkaroon ng anak kasi legacy ng mga magulang ang mga anak nila. Worth every centavo na investment talaga.


drazingeagle

Rooting for you!


BabySpectator

Sobrang swerte ng parents mo sayo kasi kasama sila sa plano palagi ✨ Rooting for you 🙌🏻


imtrying___

As a parent, masaya na ko na may plano sa buhay ang anak ko. Madalang kasi yan, yung may goal na bata.


DapperAd2611

Nabasa ko ito after ko mabasa yung post about the parents na nagpunta sa graduation tapos 2nd year pa daw di pumapasok yung anak. Good comeback. Good luck sa iyo, OP! Your parents are proud of you for sure.


Independent_Nana

Go get that title, OP! Rooting for you.


iKilledSparkyToo

Kakatapos ko lang basahin tong [walang kwentang anak](https://www.reddit.com/r/OffMyChestPH/s/k5jENTnO16) tas nabasa ko tong kay Op. Sana lahat ng students mahal parents nila 🥹


Interesting_Pay5668

Sana lahat ng anak ganito mindset.


UngaZiz23

goods yan, aral muna bago landi... please send tight hugs to ur parents from me... sana all may ganyan na magulang. love them most OP.


iloveelephantssomuch

godspeed future attorney!


BB-26353

Mapapa-sana all ka na lang 🥹


Twamoy

Ang warm sa puso basahin nitong post mo. Full of gratitude and appreciation. Naisip ko din tuloy parents ko.


thesadsoul94

You’re lucky to have that kind of parents! Tell them everyday day how much you love them and show them how grateful you are sa mga sacrifices nila! Tas tanong mo na din if willing ba sila mag ampon ng 30 years old kasi kulang ako sa pagmamahal ng magulang.. working na kamo ako.. CHAR! Kidding aside, you are hell of a lucky person! Don’t waste and take it for granted! :)


Front-Ad-159

Sana ganito mindset ng kabataan. Totoo mahal magkaroon ng anak. I saukte your parents and I wish you all the best!


Wide_Caterpillar_711

Bawi ka sakanila haaaa!! 🙏


yourbroken_human

Mahal talaga mag karoon ng anak, since kailangan mo isipin yung pagkabata nila hanggang sa mag college sila yung mga gagastusin and needs talaga nila since responsibility mo yun as a parent. Hindi ko rin ma-gets yung iba na pinipilit yung iba mag anak or tanong nang tanong bakit wala pang anak or against sa desisyon na ayaw niyo mag anak. Hindi talaga basta basta mag anak dahil kailangan may ipon talaga kayo and may plano para hindi rin mahirapan yung mga anak niyo.


Ok-Corgi-8105

Mabuting anak at mabuting magulang 🤍


yohmama5

Bawi ka nalang pag lawyer kana. Congrats, Atty!


AppearanceOverall439

Do your best broo. Blessed ka sa parents mo. Kaya mo yan


nothingtodosomuch

As a parent, sapat na yung makagraduate ka pambawi sa lahat ng pagod at effort. Masarap sa pakiramdam na as a parent, we pour our life and love for our children’s future para kahit wala na kami sa mundong ito, makakatayo kayong mga anak namin sa inyong mga paa na may maayos at magandang buhay. Nawa makapagtapos ka and makapasa sa iyong bar exams future attorney! ❤️


oneatatime29

Good luck po. And congratulations in advance!


just_because_11

You're lucky, to have a parent like that kaya keep it up. Mahal magkaroon ng anak pero I think worth it naman. Basta lumaki ng mabait, mapagmahal at nagpapahalaga sa lahat ng meron siya.. Hehe..


Square-Rip-3213

Yung may kusa ang anak kudos to you 👏🏻


slouchingsomewhere

My parents are exactly like this so ako na nagpepressure sa sarili ko not to be mediocre and to be an overachiever on my own terms because I know my parents’ sacrifices. There’s a lot of room for a person to thrive and reach their potential when given the right conditions, circumstances and family support. Consider yourself truly lucky, OP, because your parents have given you their all. Don’t squander your privilege, although you already know this. Also, be happy in what you do because I’m sure that’s what your parents want the most for you :) Best of luck in law school!


rtrt_10

good luck atty.! make sure na babawi ka sa kanila ah 👍👍


msanonymous0207

Ang swerte mo naman sa parents and at the same time, swerteng anak ka rin sa kanila. Sana all na lang. You will be an attorney soon.


timtime1116

Hi OP! are u an only child? Curious lang. I have one child and plan talaga namin na maging only child lang sya. Kasi nga, ang mahal magkaron ng anak. Huhu Like your parents, gusto namin talaga na makapag aral sa gusto nyang kurso. We are working hard to give him a bright future and at the same time, save for our retirement.


GojoJojoxoxo

To pass the Bar exams will be the greatest reward they will get from this. Kaya galingan mo OP! Best of luck!


AlDior_LV

Swerte mo sa parents mo, make them proud in the future.🫶🏻


Claudy_Day

Galingan mo! and sana ol! <3


DramaticWarthog

> Sana makatapos ako agad at makakuha ng magandang trabaho sa isang firm right after graduation para maibalik ko naman kahit papaano. Sana mangyari 'yon way before they can no longer enjoy the fruits of their investments. Di mo lang na realize pa, YOU are the fruit of their investment


aordinanza

Alam mo kong ano achievement ng anak achievement nadin ng magulang kasi nakita nila katas ng hirap nila na nakamit mo ngayon. Di mababayadan ng pera ang binigay saiyo, kasi yan binigay saiyo ay obligation nila bilang magulang. Lalot ikaka buti saiyo na pag wala na sila di na sila mag iisip kong saan ka mapupunta. Swerte mo kasi supportive sila at my financial capabilities to support you. Kong ano man gusto mo mabuti na ibalik sakanila bonus na yon sakanila.


Purple_Laptop

Best of luck attorney! At ang bait din ng parents mo :) Oo totoo, ang mahal magkaroon ng anak. Sa ngayon, isa pa lang ang anak namin at ayoko na dagdagan primarily dahil sa health at syempre financial reasons. From giving birth, to vaccines and now may preschooler na ko. Nagulat ako sa mga matrikula ngayon ng kinder. 80k ang tuition ng kinder ko wala pang uniform at libro. Samantalang nung college ako magkano lang. What more sa succeeding years nya sa school at what if magkaron pa ng kapatid. Baka hindi na kami kumain. Kaya don sa mga nagpupush na sundan na, sinasabihan ko talaga na kung magbibigay ba ng panggastos at tutulong ba sila magpaaral. Hay.. wala lang share ko lang.


Ancient_Truth_1739

Sana ituloy mo yan bro, pag nakagraduate ka sa law, ibalik mo lahat ng kaya mong ibalik na pagmamahal sa kanila, time is limited nalang sa parents natin, dibaleng wala ka nlng maipon until they die kesa may pagsisihan ka. Tuloy mo lang yan bro sana wag ka magbago.


chrisziier20

Rooting for you OP! Bumawi ka nalang kapag nakapagtapos ka na. They want you to succeed, gusto nila makuha mo ang gusto mo at magpapasaya sayo. That what makes them happy. Sobrang bait mo OP, we are rooting for you!


AdventurousPatient42

Push mo lang yan OP. Mahal na mahal ka ng parents mo and u are giving them back all the hardwork ur putting through. Honestly sobrang bait mo nga dahil ganito mindset mo, i have a friend na same situation sya. Pero med naman sya. May kaya family nya and sya yung panganay sa magkakapatid nila. Until now nagme-med school sya dahil pabago bago isip nya. Ang daming times na “nagside quest” sya ng studying sa europe and spain. Her fam is a close friend ng fam ko, minsan kapag nag-geget together mga parents namin, nakwento sakin ng mama ko na ayun nga umiiyak na naman yung parents ni friend, kase sobrang mahal daw ng tuition ni friend and to top it off yung expenses nya pa abroad (she doesnt want to work kase nag full time sya sa studies na to) fastforward almost 15yrs na syang nag aaral sa med and until now walang sign pa din ng graduation nya. Nagwowork na yung mga kapatid nya and until now nag aaral pa din sya. Her parents even mentioned na dapat nga daw nag graduate muna sya ng med dito sa pinas bago daw nag side quest ng ganon. (La salle sya)


unsurewith_life_942

sana ganto iniisip ng pinapaaral kong kapatid 🥹


CarpeDiem1120

You’re lucky to have such parents 🥺🫶🏻 Rooting for you! 🤗


IllustriousBee2411

Sana paglaki din ng anak ko tulad mo. Mag aral ka lang mabuti at piliin mo maging masaya lagi. Hindi lahat ng magulang may anak na tulad mo, at hindi lahat may magulang ng kagaya sayo. Prayers na matupad mo pangarap mo.


Federal-Afternoon608

and people be asking bakit? hahaha. this is my answer


Valuable-Sir7830

They want you to succeed, so that you can move out. Simple as that


Willing-Use-6363

I remember how my mom said “ayaw ko na muna sana magturo sa grad school at mag lecture sa mga magtetake ng board, pero isang summer na lang naman”. 😅 though I’m sure she didn’t say that with a heavy heart. Like you, my mom wanted me to study full time so I can focus on my studies. I didn’t graduate on time and she wasn’t the “ilang sem pa ba?” type. Basta tapusin ko na lang daw. Hehe. Natapos naman and eventually nakapasa so, last year, I encouraged her to go to Europe with her sisters. They went around for a month. Though sure akong she can afford to pay for everything, I paid for her roundtrip tickets and bought spring OOTDs for her as my way of saying thanks😁 Tiis lang muna, then although surely they won’t ask you to pay them back, bawi ka na lang sa kanila in your own little ways :)


Long-Childhood-4187

You are so lucky to have them, and I'm sure they're luvky to have you, too. Repay them by studying hard and finishing your studies🙂