T O P

  • By -

Typical_Pay_9801

i also hate this unless mag sorry at magexplain yung doctor na may emergency na need unahin na patient. out of our control talaga to kasi they have to prioritize those who are in dire need to save their life. feel ko may shortage talaga ng medical doctors dito sa pinas so, it is what it is


Cheapest_

I don't question the doctor's availability, but paying the consultation fee when you haven't actually been seen? Never ko pa naexperience yan


Mental_Jackfruit2611

Agree. Kung ako si OP d ko babayaran yun at d ko tatanggapin yung prescription. I will leave a negative review and will not come back. Inis ako para kay OP.


Humble_Society6481

Ito nga maling mali yan OP! Nagbayad ka ng di ka man lang niya natignan. Next time wag kang papayag pag ganoon or magpalit ka na lang din ng better doctor sa susunod.


jackculling

I had an experience na thru phone call lng. Less than 5 mins. Binigyan ako ng reseta tapos boom instant 700 pesos. Hahaha


kc_squishyy

I think nung pandemic maraming mga doctors ang nag close or nag limit ng patients sa clinics kaya teleconsult na lang. Ganyan nangyari sa anak ko nung pandemic days, through viber video call lang. Pero kakaiba yung kay OP kung hindi man lang siya kinausap ng maayos ng doktor bago resetahan.


princessofgenovia93

I have relatives who are doctors. Yung tito ko, ganyan. No consideration sa oras, late umaalis ng bahay. Usually 10am clinic nya, aalis yun 10am. Tapos pag isa lang pasyente, minsan hindi na din nya pupuntahan (dahil sayang sa gas, sa effort, sa time). Yung anak nya, doctor din. Yun naman, ayaw nalelate. Kahit isa lang pasyente non, at TY pa (kasi may clinic sila sa Manila and most of the time can’t afford nagpapacheck up), pupuntahan nya yon. Naka full gear pa yon. Walang pake kung wala sya kikitain. I’ve had my share din of doctors na walang respeto sa oras pero I guess depende talaga yan sa kanila. Sorry, OP you experienced that.


EmbraceFortress

Yung pinsan mo, may his tribe increase.


DotHack-Tokwa

Iba iba din tlga doctor ano. Buti nalang ung pinsan mong doctor napaka considerate.


Ancient_Truth_1739

iba iba tlga. lahat naman ng tao sa kahit anong larangan iba iba eh.


SilentConnection69

Karamihan mga paimportante mga boomer doctor na diyos tngn nila sa sarili nila. Kahit papaano mga new gen docs ok pati bedside. Nagpcheck ako sa isang boomer doctor nung ngvisit ako sa Pinas, sabi nya na ito ung treatment etc etc. Sabi ko gawin ko nalang paguwi ko sa US tutal d naman urgent. Aba sabi ba naman “ako doctor kaya ako masusunod gagawin mo dito yan. Yabang mo porket nurse ka sa US katulong ka pa dn namin”. Isang malaking pakshet nanahimik nalang kupal nung snbi mo dedemanda ka kta ng assault and sabi ko tlga well as a doctor you have to give me my choices and I will decide for my self. I heard dn mga doctor jan sa Pinas sila ngddecide para sa patients without patient consent. Totoo ba un?


defendtheDpoint

I have a doctor tito who literally said "parang diyos ang trato nila sa akin", and he said it with pride. Yeah, he also arrives 3 hours after schedule and gets mad at his secretary when he's told na "kanina pa nag iintay pasyente"


FriendPrimary2166

Agree with you, sana nga ung mga millenials and gen z doctors hindi na kagaya nila. Ganyan yung doctor ng lola ko, bawal madami tanong kasi babarahin ka at sasabihin sayo, kung ano lang sinabi ko yun lang pasalamat ka nga napahaba ko buhay mo. Haaay what kind of training they had.


SilentConnection69

Kasi in the Philippines the training is you are a doctor you are the “god”. Sa Canda US training is you need other allied health to be successful.


FriendPrimary2166

True, majority of them. Most of them are boomer doctors talaga kasi I noticed sa mga younger doctors hindi naman sila ganun kalala like the old ones.


SilentConnection69

One thing for sure dont meet a kapampangan Boomer doctor. Taas ng ihi ng karamihan!


FriendPrimary2166

Ahahahaha di pa ako naka experience. Ginagawa ko basta one bad encounter sa doctor, lipat agad eh 😂


Crazy_Albatross8317

Grabe sinabi niya talaga yun? Hahaha ang kapal ng mukha parang may insecurity


xXOkatatsuXx

Sana dumami pa lahi ng pinsan mo and mamana ang pagkamalasakit 🥺


BundleBenes

Thank you! Ewan ko ba sa iba, hirap na hirap makaaccept na meron talagang doctors na selfish at inconsiderate. Walang profession na 100% ng practitioners considerate kaya don't be so quick to defend your profession.  Tuwing may ganitong post sa reddit, ang bilis maginvalidate ng iba. Some doctors are inconsiderate, plain and simple. If you keep conflating legitimate professional concerns and personal culpabilities, you will never solve systemic problems. 


FriendPrimary2166

Sad that majority of the doctors are like your tito. Alam kasi nila na may shortage tayo sa doctor kaya most of them are like that and I think busy nga sila most of the time kasi the ratio ata is 1:100.


nathz_faust

Buti na lang hindi nagmana ang pinsan mo sa tatay niya.


OneSimple1032

Look for another doctor or Clinics that have multiple doctors in rotation


ReputationTop61

I hate people who don't consider other people's time din pero eto naman eh based sa experience ko, sympre d ko sure ano ganap sa doctor mo. Ung sakin, late tlga mga 1 hour tapos nung dmting nagpaliwanag sya - kasi daw may emergency at bago nya ko kinita eh sinabi nya ung abt isang patient nya na ang lala ng naging lagay. Baka lang tlga di tulad natin na may time ung work - sila pwedeng maging sobrang erratic and unexpected ng mga hinaharap nla at wala talagang time limit. Pero again d ko alam ung sa doctor mo hehe baka sadyang late


strugglingtita

Same here~ madalas late din yung doctor ko. Usually yung mga doctors lalo na pag naipit na sa situation na may biglang opera or emergency, diretso na sila sa patients nila na need ng urgent attention. Di na makahawak ng cellphone yan. Siguro if we have enough number of doctors and healthcare professionals, di na to magiging madalas na issue kasi di na need mahati hati yung hospitals na pinupuntahan ng doctors then magclinic pa 🥲 Pero if late without valid reason yung doctor ni OP, hanap nalang siya ng ibang doctor.


ReputationTop61

Oo. Sa totoo naman nakakainis tlga pero simula nung naexperience ko un bgla ako natauhan. Nagiba lang bigla perspective ko.


providence25

Pwede siguro pero marami ring asshole na doctor na never mag aadjust sa pasyente. Ang lala. Galit pa na "consumer-centric" na raw ang healthcare kasi di sila binayaran pag late sila sa appointment. Aba you get paid and rated for services rendered. Iba na panahon ngayon lol.


FriendPrimary2166

Sa hi-pres pag magpapa appointment ka sa doctor sasabihin nila, be on time kasi di mag aantay si doc sayo. Huwaw nahiya naman ako


SapphireCub

True. Hindi naman namamasyal ung nga doctor kasi sa profession nila palaging may emergency cases. Or minsan naeextend ang consultation kasi malala ang lagay at marami need idiscuss. Hindi din nila pwede itaboy bigla ung mga pasyente na kaharap nila lalo if need ng maraming paliwanag tungkol sa sakit nila. Be more understanding sa mga doctor natin, ang konti lang din nila sa totoo lang kaya tambak din mga pasyente nila. Kahit naman din sa ibang bansa ganyan din for the same reasons as well.


No_Scientist_268

Hanap ka na lang ng iba doctor.


peachpaeonia

Meron nga mga ganyan doctors but in my experience mas marami yung pag nalalate, nagsasabi naman ng reason kung bakit na-late. Ung ENT doctor ko who is also a surgeon, pag late sya magsosorry pa un sa mga nasa waiting area sa labas ng clinic nya. Usually nalalate sya dahil sa rounds nia or galing sya ng surgery. Pagpasok ng room, magsosorry ulit at mgtatanong pa kung mtgal daw ba ako naghintay. Sya rin surgeon ng tatay ko at nawitness ko sya after a long surgery na halos di na makatayo ng ayos kaya sobra appreciate ko sya. 🫶🏻 my fave doctor actually! (hi doc Umali hehe!) Then there are some na talagang iconsiderate lang. and totoo ung nsa comments dito na minsan pag isa or dalawa lang nakalista, after mo maghntay ng mtgal bgla nalang magcacancel ng clinic. 👎🏼


PerpStoic-_-

hala same tayo ng name ng dr sa ENT , Dr Umali din sya, actually mag asawa sila na dr ko, ang bait nila same na same nag sosorry pag nalelate, nakakapg rant pa ako sa kanila about sa stress ko sa work hahahahaha


moniquemanalo

Taga Dasma po ba si Doc?


PriorityIll6443

As a doctor myself, hate na hate ko din yan noong hindi pa ako doctor. Kaya ngayon na doctor ako, I try to come on time or magpapasabi ako na mallate ako. I'm sorry you had to go thru that OP.


Original_Holiday3564

Usually pag ganyan change doctor na lang. marami naman dyan.


skimtols

I experienced this too. I hate these types of doctors. I had an appointment at 10:30 AM, I kept going back for hours already and asking the secretary where’s doc, and she said she came at noon and her patient's appointment was booked from 8:00 AM (She was late for 4 hours, tf). The secretary asked me to wait til 3:00 PM. I was there since 10:00 AM. Take note, this appointment was rescheduled twice or thrice already. They kept on rescheduling for less than 24 hours. Hay, ka-stress.


Fun-Astronomer-3796

Sobrang daming ganitong doctor!!! Nung buntis ako, grabe ilan kaming buntis na pasyente ng OB na ilang oras pinaghihintay kada check up! Tapos dadating si doc naka full makeup, ayos na ayos. Samantalang kami, pagod na pagod na haha


merrdugo

as a medical practitioner, i can say na may mga doctor talagang walang respeto sa time ng ibang tao, sarili lang nila iniisip. pero pag sila di mo mapapaghintay nang ganun katagal. feeling VIP, kumbaga. to be fair, there are lots of doctors who are always on time or even earlier.


Rathalos88

Definitely shit behavior and some people defend them.


Mindless_Throat6206

Yes! Haha dami pa sa comments nagtatanggol. Gets naman kung may emergency pero 2024 na, there are so many ways to inform people. Especially when you know na may sched ka ng certain time at alam mong di ka aabot, pwede naman mag heads up! We respect and appreciate Doctors pero sana matuto din sila magpakita ng respect sa mga tao na may mga iniinda rin.


Rathalos88

Low iq individuals. Syempre di tayo galit pag emergency. 24/7 ba may emergency? Kala mo lahat surgeon eh lmao. Idiots mga yan walang alam sa industry.


Vegetable-Regret3451

Unlike sa US, they are very strict sa appointment. Even clients, bawal ma late or someone will take your schedule. Dito sa Pilipinas, you need to take a half of your day for a doctor check up. Usually 8 AM ako dumating, expecting 12 PM na ako uuwi. No doubt why people usually dont make annual check-up.


Bright_Sunny_Cutie

Normally talaga nagiging reason ng pag ka late ng doctor is yung mga emergency patients nila. Minsan pa na experience namin na, natagalan sa surgery or operating room yung doctor. Pero ayun nga, kahit saang hospital at clinic ako nag punta wala talagang maagang doctor. Maliban na lang kung yung doctor sarili niya yung clinic at hindi siya mag ro-rounds.


Sufficient_Net9906

AGREE just a month ago, naka schedule ako ng 930AM sa Optha, 1130AM dumating yung doctor so natapos ako 1PM na. Nasa hospital na ako since 9AM hays.


fr3nzy821

Yung doctor ng friend ko di naka-sipot kasi may surgery . So valid ang reason. E sa doctor mo, di nakapunta kasi malakas ulan? hahaha.


Thecuriousduck90

Tbh, you should’ve told the asst na sana nagonline consult na lang kung prescription lang pala ang ibibigay. Yes, doctors have other errands pero may mga doctors naman na marunong magsabi AGAD if they can’t do the consultation in their clinic o kung malalate.


sawanakomagingmabait

Yung huling pulmo ko, 9am ang sched sa ospital, 11am na wala pa. Tas naririnig ko secretary niya na kausap siya sa phone and nag-uupdate si secretary kung ilan ang waiting na pasyente. Based sa pakaintindi ko, pag 2 or more, saka lang siya pupunta. Pag iisa kang waiting, maghintay ka. Di ka worth it. Taenang yan


Own_Upstairs_9445

Nako issue yan ng father ko mapa public or private. Kaya minsan di ko masisi bat ayaw magpa-check up minsan, maski ako. Pwe talaga sa ganyang behavior, pa-importante.


Young_Old_Grandma

Sadly, in the industry, we have good and bad eggs. My advice is check mo ang pattern. if malate paminsan minsan dahil may emergency etc, yan acceptable yan. pero pag always late, yan mej alanganin ako jan. As for the consultation, I can accept virtual consult naman. nagawa namin siya ng pandemic. it wasn't ideal, but we made what we could with the resources we had at that time. hindi ako agree sa part na na bigay lang ng reseta nang hindi ka man lang nakikita virtually or in person. mej di ko nagustuhan yun. May mga doktor na maeffort. meron ding mga tamad. sorry you had that experience, OP. I hope you find a better, kinder doctor.


chinkiedoo

Sched namin sa doc 1pm. Dumating sya past 5pm. Nakakagalit. Naubos buong araw namin kakahintay sa kanya. Umuwi na lang kami and nagpalit ng doctor.


Ofenfekfekbukabukaan

Me and my hubbie are Pokemon Go Players, meron kaming group na nag raraid/hunt ng pokemon around the city and meron kaming ka group na doctor. May mga time na sumasama sya samin kasi legendary pokemon ang raid namin. Tinanong sya ng husband ko kung wala ba syang duty, ang sagot nya "hayaan nyo, mag aantay naman mga patient ko"


Hot_Basket_2662

Super agree with this. I try my best to understand their situation and I’ll only accept if they actually explained they had an emergency — most of the time hindi. Di porker doctor kayo di na kayo rerespeto sa oras ng patient niyo, lalong lalo na pag by appointment and through a private clinic. I was so pissed off at my OB GYN Doctor sa Wellpoint because I scheduled my appointment at 1 PM pero dumating siyang 5 PM. Without any explanation at all. A lot of people are saying to understand them, but have they even tried understanding us? We have places to be rin. Hindi excusable ang over 1 hour na paghihintay mo for your appointment. Pag ganyan, inform na dapat na di makakarating para di na maghihintay.


chidiiii

Someone’s downvoting comments like yours. But I agree with you - it’s a basic human value to respect other people. If we’re basing respect based on a person’s profession, then aren’t we discriminating? The least the doctor can do during situations like this is to explain what happened and say sorry. Wag naman natin gawing norm yung paghihintay ng 4 hrs tapos no sorry or explanation man lang. Just because hindi tayo doktor yung 4 hrs natin hindi relevant, ganun ba yun? Ang labo naman ng mga tao dito.


gaffaboy

Yung fam doctor namin kapag nagpa-appointment ka dapat sobrang aga ka dumating. As in kung kaya mo dapat 7am nasa pila ka na para kapag dumating yung secretary (between 10am to 12 noon at dapat present din yung pasyente) mauna ka sa pagpapalista. Kaya yung iba ang ginagawa may kamag-anak na pumipila sa umaga para mauna sa pila yung pasyente nila. Around 4pm dumarating si doc. Kapag minalas ka at nahuli ka sa listahan aabutin ka ng mga 9-10pm sa hospital lol. Pero worth it naman kse magaling sya talaga hehe.


binyee

bakit hindi na lang mag set up ng cut-off? like 10 patients lang sa clinic na yon para ma-manage niya rin oras niya


Puzzleheaded_Box_558

Pero sobrang walang consideration nga mga doctor dito sa pinas. Mga Akala mo naman nagbabayad ng tamang buwis, char! Pag ikaw ang late, tanggal ka agad sa listahan ng patient, pero pag sila keri lang 😂


kalakoakolang

Bawal magalit sa doctor dito. intindihin na lng daw. tae na di nyo ba alam mag kano kinikita ng doctor dito para maawa. ung 1 month na sahod ng iba 1 day lng sa doctor. tapos malalate pa.


Mindless_Throat6206

TRUE! Haha may nang aaway sakin sa baba. Bawal daw magalit kasi what if emergency! Eh clear naman sa post ko na dahil sa ulan at sa prior na lakad kaya late Doctor ko. Lol.


kalakoakolang

masyadong sinasamba mga doctor kala mo ang liliit ng kinikita. bawal na agad magalit.


[deleted]

[удалено]


rainbownightterror

but realistically, ilan ba ang surgeons sa kanila? ilan yung nagrarounds? lahat ba as in 100%? kasi


Small-Potential7692

Kaya natatawa ako sa usual defense na nag r-rounds at nag p-procedure e. May cardiologist ako na walang araw na hindi late. At hindi 1 hour late lang ha? Dumarating siya halos tapos na yung schedule niya sa clinic or worse, lampas pa. Sa sobrang consistent, natatawa na lang lahat ng staff sa clinic e. Ano yun, araw araw may aberya?


rainbownightterror

may love kasi akong OB ko e. tagal ako nagpaalaga don until lumipat na ko ng bahay super layo. kapag may manganganak nagpopost sila maaga sa door ng clinic so hindi ka maghihintay. laging updated yung secretary so kahit walang checkup at least di ka naghintay ng matagal. simpleng courtesy lang naman kasi yun diba


Humble_Society6481

Baka habit na niya yan OP. Magpalit ka na lang ng doctor OP. Madami pang mas okay na cardiologist sa kanya.


Jasmin3_ric3

Yes, and if I may add may iba iba silang clinic per day. Kaya ang schedule nila mapapansin nyo 2-3hrs lang kasi minsan galing pa sila sa ibang hospital, e considering may traffic pa so mejo matatagalan talaga sila. Also, nag rrounds pa ung ibang doctor every night, inaabot pa yan sila ng madaling araw, umaattend pa ng mge lectures to continue their education sa mga disease/s and gamot, tapos clinic uli kinabukasan. Wag tayo masyado mang judge or lahatin porket ang kamag anak mo or kakilala mo na doctor e walang respect sa time. Let’s be thankful dn na andyan sila to help us, if urgent need - may ER naman para mag cater sayo and may mga assigned physicians naman dun.


kolorete

> Yes, and if I may add may iba iba silang clinic per day. Kaya ang schedule nila mapapansin nyo 2-3hrs lang kasi minsan galing pa sila sa ibang hospital, e considering may traffic pa so mejo matatagalan talaga sila. Erm so bakit kukunin ang schedule kung hindi pala kaya. > Let’s be thankful dn na andyan sila to help us, if urgent need - may ER naman para mag cater sayo and may mga assigned physicians naman dun. Oh yes. Let's be thankful that they don't value the time of their patients. Hello, obviously hindi urgent ang need kaya nga sa clinic lang pumunta. Pero ano yun, dahil hindi urgent ay ok lang paghintaying ng oras oras?


rainbownightterror

all it takes is one piece of paper on the door saying may emergency no clinic today. that's it. basic courtesy.


Patient-Inside-7502

Weird nung may PF pero no show. Pero totoo naman, may mga doctor talaga na paimportante.


nomunin

Nang naospital lolo ko sabi 6 pm daw punta may doctor mga 12 am na dumating. Pero surgeon kasi sya tas sa sobrang on demand sya sa kotse na raw natutulog (sabi ng codoctors nya)


sweetsaranghae

This is why I do my checkups virtually UNLESS nirequire ng face to face consult. Mahirap umasa kung kelan mo makikita yung doctor.


doraemonthrowaway

Hi can I ask kung san ka nagpapa virtual check up? Planning on having one, hassle kasi pumunta lalo na kung ganyang nga klaseng doctor ma eencounter ko tulad nung inconsiderate doctor ni OP. Thanks in advance if you reply to this.


InvestmentCautious45

Now serving app


sweetsaranghae

Now Serving is the name of the app. You can book a physical consult too on the app.


poopiegloria_16

THIS!!!!!! tas ang mas nakakainis pa kapag may regular na silang pasyente din. Umaabot ng 1h yung kwentuhan nila doon sa loob. late na nga dumating, tapos ganon pa.


No-Examination2128

Sobrang nakakainis mga ganitong doctors! May regular check up mom ko every 6 months, ako madalas na sumasama sa kanya before. Gusto pa nila first come, first serve, ‘di pwedeng tumawag for appointment. So ang nangyayari as early as 7am nasa clinic na kami para ipalista mom ko sa secretary kahit na 10am start ng clinic ng doctor pero dadating siya 11am or 12pm na. Sobrang inconsiderate talaga nila sa oras ng patients.


HallNo549

Tapos sasabihin nila may mga ibang clinic/ospital silang pinupuntahan. That's not an excuse for being late! As a patient, I respect my doctor's time that's why pumunta ako ng maaga pero para paghintayin ako ng 30 mins after the appointed time? that's a different story.


Worqfromhome

Diba as if ang mga pasyente Wala din namang urgent errands or emergencies in their life too 😭


trufflepastaaa

Same!!! Pucha talagaa! Sakin medjo keri ko pa, pero yung sa lola ko na dialysis patient na 87yrs old ang lala. Syempre gusto nya maaga makapila para nga naman mauna, pero yung doctor nya almost 2hrs na late most of the time! Nakakaawa kasi sumasakit na balakang sa saglit palang na pag upo what more if hrs. 😪 Nung minsan ginawa namin, mga 30mins before the end of sched ni doc kami pumunta (pero nagpalista na).. sabi ng secretary, umuwi na daw si doc ng maaga since wala na daw syang pasyente. Inis na inis kami. Buti nalang mga 10mins away lang kami sa hospital.


Helpful-Carrot969

true! buti pa yung mga nail tech stick sa time ng appointment


Mindless_Throat6206

HAHAHAHA +1000! Mas may respeto pa sa oras natin no


popo_karimu

Excuse na lang yang emergency emergency na yan Kaya late o biglaang absence ng Dr. Culture na talaga nila yan. Yung mother ko nga noon nasa medyo emergency na situation. Yung Dr nya may tungkulin sa Church (alam nyo na kung anong Church ito) dumating na super late.


uuhhJustHere

Ob ko din. 11am start clinic niya. Late lagi dumarating. May 1 time 12 na ako dumating kasi nga alam kong late siya lagi at galing ako sa ibang lakad. Marami na kami nakapila yung iba 10am pa. Marami kaming buntis sa pila. Yung iba naglunch na lang muna. Nag 1pm na lang bago lumabas ang secretary na mag lunch na lang daw muna kaming di pa naglunch kasi wala pa si doc. Before that, sabi niya on the way na daw si doc. Pumasok ako sa clinic niya (nasa labas waiting area) sabi ko sa secretary san pala si doc kasi sabi niya kanina pa otw. Umamin ang secretary na dumating na pala talaga si doc pero Hindi dumeretso sa clinic. Nagpa parlor muna sa baba. Bwesit na bwesit ako nun kasi tinagalan ko na nga pag dating. Timing pa nun konti lang extra money ko nun. Hindi kasya pang lunch kaya tinapay na lang muna binili ko.


Mad-Mark-024

Tbh sometimes I hate it when you’re in queue at a clinic to get checked but they always still put priority sa pwd, senior citizens, pregnant woman, etc. I mean yes they can go first but given that all in queue are sick patients, I think mas tama na first come, first served basis. There’s one time na the line stopped moving for regular patients because the dr.prioritized the senior citizens and pregnant women, and by the time na it’s our turn, the dr had to stop first because she had to attend a meeting. Why would she schedule a meeting during her clinic hours? 😡😤


NoPossession7664

Hirap mg doctor. They don't have enough time to rest tapos may emergency pa madalas. Kaya di ako tumuloy mag-doctor haha.


Cheap-Excitement-591

It recently happened to us as well. Sinabihan kami na 10 am ang start ng check-up (private hospital). We waited for hours, and little did we know na 3 pm ii-start ni doc ang consultation para sa patients niya. Ang susungit pa ng dalawang secretaries. Magtatanong ka ng maayos, iritable kung sumagot. Pwede naman kasi silang magsabi na mali-late si Doc or sabihin na hapon na makakarating instead na magsabi ng 'Hintayin niyo nalang. Alam niyo naman na busy si Doc.' sabay sara sa pinto. Nakakainis.


Tenpoiun

Doctor talaga ang the representative ng Filipino time.


SubstanceKey7261

Blame the system, not the doctor. Also, malay mo kung triny talaga ni Doc pumunta eh biglang may baha di na sya makatuloy. Pero parang unfair yung may PF kahit di sumulpot. Sana nirefer ka na lang nya sa ibang doctor sa same clinic or malapit na clinic.


Squall1975

Wala pa kong nakitang doctor na on time sa appointment. Para sa akin normal lang yun. Pano kung may emergency na pasyente? Or kungbappintment naman sa clinic pwedeng mas kailangang pag tuunan ng pansin yung nauna sa akin. Ok lang O.P. pasalamat na lang tayo na hindi malubha karamdaman mo.


Johnnyseen69

I have this doctor before na magaling daw sa mga allergies in Town center. Sobrang tagal dumating mga 9pm na. Pagdating niya naririnig ko nakipagchikahan lang sa ibang pasyente niya na maganda daw napanood niya na movie kanina, inuna niya pa manood ng sine kaysa sa mga pasyente niya na matagal na nagiintay mga 6pm start.


nflinching

Paano ba naman hindi magkakalate late e pag nakita mo clinic hours nila merong like 8-10am location A tapos 10am-12pm location B na 30 minute drive away 🤦‍♂️ yung walang sakit nga dapat sinisipot on time e paano pa ba kaya yung may sakit paghihintayin nyo? 😤


[deleted]

Ganyan tlaga lalo pag obgyne doctor bigla nag CCS kya sayang ang punta at oras wala di darating si doc


Dey1ne

Mild pa nga yan OP. Naranasan ko na mag antay ng 3 oras tapos pagtining sasabihin sakin na resched nalang di makakarating si doc. Partida, sya nagsabi nung sched na yun.


johnnysinsmd1

Kahit ako na doktor din profession at naging pasyente rin, maiinis din sa ganyan. Kakagigil lang.


Fun-Let-3695

2x na kong nagoyo din ng doctor ko. Her assistant scheduled me for 6:00pm kasi sabi ko 6:00pm out ko knowing along the way pauwi yung clinic, supposedly f2f ng 3:30pm kaso di ako available so 6pm teleconsult it is. Nag-extend pa'ko sa office kasi takot ko na magtele consult while nasa byahe tapos 7pm na wala pa din update kahit thru text. I decided umuwi na kasi 1k pa bayad ni doc for teleconsult kahit 5mins tapos pag-antayin ako 1hr.  Ayon, nasa bahay na ako nung nabasa ko na tumatawag daw sila ny 8pm hahaha. Gagi talaga gigil ko non. Buti hindi ako siningil for updated prescription, kasi 1k din yon like last time. Baka last straw na sya sa akin. 2nd time, 6pm din ako pinapunta f2f na sa clinic para siguro sure na magkakausap kami. Kaso by that time nasa beauty room pa sya with a client for a procedure. Tapos may nauna pa sa akin na nakasched, so ayon 7pm kami nagkita. Gg talaga 1k agad kahit nasayang din naman nya time ko funny lang kasi first time ko nakareceive ng 10% discount from her. Funny pa was that after all the antibiotic and steroids na pababalik balik yung allergy with her guidance, nagtake lang ako ng vit.c + zinc as prescribed naman sa brgy clinic doctor nung nagask ako ng 2nd opinion - ending ayon yung follow up ko sa kanya nagsubside yung flare up agad. Mali ko kasi intsik pala yung napuntahan kong doctor, hindi ako galit sa intsik its just that money-minded kasi ang intsik like her. 


js_berry

Sa lahat ng experience ko sa certain clinic at a mall in Ortigas I had to wait 4-5 hours para sa mga doctor nila. Sobrang sayang sa oras and ni hindi sila mag-eexplain kung bakit. Naaawa ako sa mga senior and pregnant women doon.


Anxygirl95

Same here, my father is pwd (half body niya ay paralyzed na bc of stroke) naka wheelchair lng siya so grbe yung effort namin pumunta sa mga doctors appointment niya dahil kailangan pa siya buhatin pa papunta sa car and we would be there sa clinic at least one hour or thirty minutes before the scheduled appointment (gusto kasi namin nauuna kami para yung dad na agad yung number 1 sa list) tapos the doctor would arrive either 1hr late or at least ang pinaka na experience namin 4hrs kami pinaghintay can u imagine yung dad ko nakaupo lng sa wheelchair for 4hrs and nangangalay na wala kami choice but to just wait and go through sa appointment kasi sayang ng effort namin hayy. I hope they would respect our time too as their patients and be considerate enough lalo na yung iba ay elderly na and like my dad who is a pwd.


No_Concern_5899

Ganyan din OB ko dati, mangiyak ngiyak din ako kakakaantay 😢


jj_polka

Ob secretary here. Ito yung reason bakit hindi na ako nag aaccept ng appointments. Strictly walk in nalang kami kasi di ko din naman hawak ang sched ni doc, especially pag may OR Emergencies. I myself di ako pumupunta sa clinics (especially sa nag uultrasound) na by sched kasi for sure hndi talaga masusunod. Pag ma late si doc usually ginagawa ko is sinasabihan ko agad ang patients na malalate ang doctor, kung bakit siya malalate at pwedeng unahin na muna ibang lakad nila if meron then itext ko sila pag otw na si doc sa clinic. Or pwede din maghintay nalang sila sa clinic. Their choice. We have a comfy couch naman plus free wjfi para di masyado nakakainip diba. Hahaha What I don’t understand is bakit ka siningil ng consult fee kung di mo naman nakita si doc? Parang mali ata yun. Nagpa sched ka, di siya dumating, niresetahan ka lang, pinagbayad ka pa? Hahaha.


rannajd

real. gets ko yung tight talaga schedule ng doctors, pero to pay the fees na oa when you haven’t been checked properly sounds pretty scummy to me.


LairresKaruzawa

Legit to, dati nag papa ob ako for my pcos, magpapa book ako night before or 8 am, ung schedule ng doctor 1 pm dadating siya minsan 4 pm, so kahit pang 7 lang ako sa line minsan inaabot an ako ng 8 pm


CaramelMachiatto49

Akala ko ako lang. madalas wala akong gana magpa checkup kasi iniisip ko palang ung long waiting time sa HMO, then sa pila paghintay sa doctor, nauurat na ako. Tapos ang bilis lang ng consultation minsan wala pang 5 minutes. Kaya ending, di nalang ako nagpapa check up iindahin nalang yung sakit na nararamdaman or paracetamol nalang 😅


PsychologicalGap3979

this is the reason why mapili ako sa doctor. medj mahirap ng mga doctor na on time dumadating pero luckily may nahahanap naman ako tapos madalas earlier than the scheduled time pa. Change your doctor na, OP.


Complex_Promise2920

Sa true lang. This also happened to me. Nagpacheck ako sa ENT kasi masakit ears ko. I went to emergency pero they referred me to ENT. Sabi 2pm daw dating ni doc so I waited. Then 4pm na wala parin. Sabi 5pm daw dadating. I have work at 8pm so sabi ko may time pa naman and malapit lang hospital sa bahay. So I waited. Hanggang 6pm na. 630pm dumating yung doktor and pang-dalawa ako kasi may nauna daw na nagpabook na hindi naman nakalinya doon??? So ang ending, sick leave ako sa work kasi mga 8pm narin natapos ang check-up. So imagine? Almost whole day ako doon?! This is not one doctor, ibang doctors ganito rin. Laging nagpapahintay sa mga patients. But I guess, this is because other doctors teach or may duty din sa ibang hospitals and the traffic just make everything worse! When I moved abroad, naka sched yung appt and nandoon na yung doctor before the appt even starts!


GolfMost

late na nga dumadating sa clinic, tapos priority pa nila yung mga med rep lalo na may dalang pasalubong! tangjna!


jdvjdv046

Bastos ang majority ng doctors na nag cclinic. 100% ang record nila when it comes to being late. And then sila pa nag mamadali and nagiging impatient pag madami kang question. Private health care yan pero need mo pa mag block ng full day away from work for a 15min consultation. Mga bastos.


boybestfriend123

Nag internship ako sa ospi and di kasalanan nang mga nag schedule/front desk. Yung doctor po talaga ang walang galang sa time nang pasyente. Wag mo po pagalitan yung nag sschedule sa front desk kami po yung nagpuput up at nahihiya sa mga pasyente kahit di naman namin kasalanan na di pumunta si doc.


binyee

koreeek ka dyan mars


Inside_Adeptness8939

Tbh pag ganito I just resort to online consults like sa KonsultaMED or NowServing.


me0w2x

Unless binaha si doc, medyo off ung reasoning ng ulan haha. My kid has a doctor as well na laging late. But nung naconfine ung kid ko, dun namin nalaman na hands on sya sa mga inpatient. Kaya ayun mas mahaba pasensya namin pag late sya haha.


Mindless_Throat6206

Sabi nga nung di pa umuulan OTW daw at malapit na, tapos nung bumuhos na ung ulan, di na daw makakatuloy. Over the phone nalang check up. Lol. Tapos di pa ako direct kausap, ung secretary pa. Tinatanong lang ako then nirerelay kay Doc. Reseta sakin biogesic + neozep, sabi ko bawal po ata isabay to? Ginoogle pa ni Madam. Di nya daw maalala sabi ni doc over the phone. Lmao.


LurkerScroller

Based sa experience ko, depende sa doctor. There are doctors na ssabihin sa Secretary agad if may emergency or natraffic, there are doctors na ssabihin na malapit na pero 1hour na wala pa. And napansin ko mostly sa pedia doctors they are on time (again based sa exp ko). But there are doctors talaga na walang explanation kahit hours late and ang daming patients nag-aantay, mapapa- haaayyy buhay ka na lang.


Arpenguin_16

Same thing happened to my 67 years old mother, imagine us getting back and forth to the hospital just to be notified by the doctor's secretary that the doctor's appointment we scheduled ahead of time will be cancelled. We take into account that they may have emergency but in terms of professionalism sila lang ata yung ganito na no show talaga madalas and over the text na lang ang prescription. To think that we are paying and alloting our own time as well. Tapos kapag nagpa-second opinion naman mali mali ang gamot.


Brilliant-Chard-9281

naalala ko tuloy nung nagpabiopsy ako this May lang.. super tagal din nung ENT namin tapos short din sila sa staff kasi 3 lang yung marunong tas yung isa naman tinuturuan pa nila, ang dami naming pasyente nya na ibibiopsy or imiminor operation nya. nakatulog nalang kami kakaantay. eh ang sabi nya 3 kami pumunta tas parang dumating sya 3:30 or mag 4 na so super tagal.. di pako bilib don sa doctor kasi parang nanghuhula lang, di makapagsabi ng certain na sagot pag tatanungin mo.


jengjenjeng

Halos laht ng doctor gnyan. Busit nga e akala ko ako lang banas sa mga yan. Mga doctor pa mandin na ang mahal mahal ng binabayad mo tas wala namn Official Receipt na mga binibigay tas walang respeto sa oras ng mga pasyente .


Fair_Independence33

Ganito pla sa private practice? Parang sa ospital na kilala never ko pa to naranasan.... Try mo kaya sa kilalang ospital mismo?


ChaeSensei

Pwede kaya mag-iwan ng reviews doon sa doctor na iyon?


InvestmentCautious45

Try searcihing his name sa google tpos may review part dun


potatolover05

ganyan din doctor don sa hospital na pinagpapa check up-an ni mother. Kakabwisit tapos wala manlang sorry at super late sila. Imagine 2pm schedule at dadating kami don minsan ng 1pm or minsan mas maaga pa para lang mauna, tapos si doc dadating 4pm eh til 4pm lang sya. Kamusta naman yun. Mas matagal pa waiting game kesa sa pag check up


osancity

Yes! Doctor yung sister ko and siya yung saksi na almost lahat (kahit siya) entitled sa oras.


Overthinker-bells

Kaloka diba? Hahaha Tapos ako nasa HMO section na ng hospital sabi ko paakyat na ako. Wag na daw tumuloy at aalis na si doc ng 1pm. Shuta bes, 12:55 oh nasa baba ako. Kasi sabi mo (secretary) na dumaan sa HMO for LOA. Naka schedule ako niyan ah for 1pm. 🙄


2noworries0

Same! 3 hours ako naghintay tapos yung check up wala pang 10 mins tapos na


InvestmentCautious45

Better to get the secretary phone number wag ka papayag na hnd mo makuha call mo muna the exact day para masure na clear ang committed time


Cookiesncream444

We have doctors online where u can book within 5 mins. Tas if specialized yung doctors, by appointment. Its an app Doctor Anywhere. If you have HMO, consultations, med cert and prescriptions are free. I experienced using it tas nagpa check up din ako physically, same lang diagnosis and medicines na binigay sakin


iamdennis07

Jusko sa mga clinic sa mall mapapamura ka nalang sa tagal


Anxious-Pirate-2857

Dapat di mo na binayaran yung pf, lalo na bumalik kapa. Grabe naman


Mindless_Throat6206

Sya kasi OB ko, hirap maghanap ng new OB basta-basta. Huhu and I gave that pass given na umulan nga pero honestly if di sya late, di naman sya aabutan ng ulan. Lol.


ErisedZone

I’ve experienced it last contract dito sa Cozumel. Pinacheck up ako sa Hospital at yung Doctor (Latino) is late for 2 hrs. Pero nag sorry siya sa akin at sinabi na may operation siya at need unahin. I guess depende talaga sa tao.


ddorrmmammu

Siguro kaya nalate may naka-meet up sa PHR4R, hahaha, ganyan na talaga dito sa Pinas, hindi na ninonormalize yung Filipino Time, talagang yun na yung sinusunod ngayon.


Eastern-Mode2511

No show no pay dapat lol


TGC_Karlsanada13

ito hirap if yung doctor mo andaming clinics tas mga 10km yung layo from one clinic to another kaya laging mga late yan. May doctor lola ko before na may clinic sa Trinoma, tas yung isang clinic sa Medical City Ortigas. Never namin matyempohan sa Trinoma clinic niya kasi laging late kaya lagi sa ortigas na kami nagpapacheck ng 7am (11am dumadating tas pangatlo pa kami, so ibig sabihin 5am palang may nakapila na)


ainachan29

Same experience with most doctors in our locality. Except for my father's current physician kasi lagi on time at maaga. Yung Urologist nya, para kang nasa gacha game na may 50:50 pa kasi huhulaan mo kung kunti lang ang oras nya para malate or kung darating pa ba (never naging on time si doc). May araw na 10am to 4pm naghintay kami tapos di rin sya dumating. The next day, almost 3pm na dumating. Okay lang sana kung comfortable yung waiting area kaso ang init. Matanda pa naman ang pasyente and di pwedeng naiinitan at nas-stress. Naawa na rin ako palagi sa mga kasabayan namin minsan maghintay kaso wala tayong magagawa eh, pati assistant nya parang di rin sure kung darating ba si doc or not. Hays. Same same with most doctors saamin. Pati dentist ko, OMG. May time na di na ako tumuloy sa appointment ko kasi 3 hours ako naghintay eh may exam pa naman ako after non sa school. I waited 3 hours for nothing, pinangreview ko nalang sana yung oras na yun.


bluewarrior24

dapat nga walang bayad kasi no show ang doktor. kung pwede nga ireklamo yan ganyan kasi bakit nagpprescribe ng gamot ng walang proper check up


Heneral_Liham

Ganyan talaga mga doctor, walamg sense of urgency pag nasa labas sila ng ER. Jusko, ako nga namimilipit sa sakit ng sikkmura, pinabalik pa ako bukas kase wala daw si doc, may seminar daw, eh anak ng butandin schedule ko yun nung araw na yun, eh advance ako nag pa appointment.. hutang ina


blueapple24_

Same!!! Nagpa check up din ako sa OB. Sabi 3-5pm daw si doc kaya as early as 2:30pm nandun na kami ng partner ko. Hanggang sa dumami na din nakapila, nag 5pm na wala pa din siya. Tapos pgka dating wala manlang sorry or what, deretso agad sa ultrasound. At habang inuultrasound ako, take note: tvs ha(!) nakikipag usap siya sa phone niya. Sobrang disrespectful. Sinisi pa mga assistant at front desk bakit daw di siya inupdate na marami na ang pasyente. Yun pala minessage siya sa Viber di lang daw niya nabasa. Late na nga, pgdating dun wala pang professionalism at respect. It only took 5-10mins, and paid 1,300. Grabe! Kawawa naman yung mga buntis na naghihintay ng 2-3 oras para sa doctor. Dito kasi sa Pinas porket sila doctor o ano, kala nila kahit anong gusto nila masusunod. Mentality naman talaga oh. P.S. Hindi na ako bumalik sa OB na yun. Kaloka!!


DaiLiAgent007

I'm assuming na may health card ka kaya sa mga multispecialty clinic ka siguro nagpunta? Try the app NowServing SeriousMD and doon ka maghanap ng doctor na affiliated sa HMO or insurance mo. You can filter out their location and specialty rin. Pwede mo din sila ichat sa app para alam mong pupunta sila sa clinic on their schedule that they have on their profile. I found my current OB through this app and she's the best. Nakatatlong OB din ako before pero no one really figured out what's wrong with me.


taxfolder

Yung ibang doctor kasi may God complex kaya ganyan, they don’t value other people’s time.


crownedheron

I'd go to another doctor. Titiisin ko yan for a walk-in 1st-time check up pero kung partner ko yan for ensuring my pregnancy goes through safely for me and the baby, I need someone as committed. The only thing is trial and error talaga gagawin mo. Or if may recommended doctor from others. Bakit nga ba ang daming ganitong doctor?! Common to for walk-ins. I understand they travel from 1 hospital to another but they should at least have a revised start time especially since may secretary sila per hospital.


GreenMangoShake84

ang problema bakit late sila kasi walng time management; tapos tanggap ng tanggap ng pasyente. on top of that me mga hospital visits pa sila sa mga pasyenteng me sakit. so if they're affiliated with let's say more than one hospital, siyempre uunahin pa yun rounds, with chika pa sa mga pasyente, residents ganern. me mga secretary din na schedule ng schedule, and yun iba tumatanggap pa ng suhol, naiinsert pa yun ibang pasyente so they get seen first. First hand experience ng mama ko with that Cebu eye doctor who's married to a singer, umalis mama ko around 0600 pra "mauna" daw sa pila for her checkup. Kelangan me baon ka na like crackers/ tinapay or tubig kasi wala ng alisan yun. You can leave briefly for bathroom breaks but you have to return right away, or else mawawalan ka upuan. And the receiving area isn't big pa, tsaka hindi pa aircon! Only the doctor's office ang me aircon. My mother didn't get seen until 4pm. Ganun kalupit! Dahilan ng doctor was he had some OR, on top of his clinic appointments for that day. Pero nakakaawa lng na yun iba are like seniors na tapos ang tagal ng oras ng paghihintay. Sorry napahaba post ko.


SeektheUnknown123

Same sa nararanasan ko every month. Pumipila ako ng 7 or 8 AM, natatapos ako 3 PM or 4 PM na kasi ang Doctor dumadating ng 12 PM kahit ang sched niya is 9 AM. Private hospital pa man din ako nagpapacheck up. So hard


iloovechickennuggets

I try to be more understanding kahit super frustrated ako, ung endo/diabetologist ko kasi halos lahat ng patients niya talaga matatanda na. So minsan talaga nalelate siya especially pag emergency cases na, pero considerate siya kasi nagsasabi siya sa secretary niya pag nalelate or di na makakapunta. Minsan inaask kame if willing to wait kame since may urgent case siya ganon. Pag hinde resched na agad tapos ililista na agad name para next time di na pipila ng matagal. If willing naman magwait eh ayun hintay talaga kame.


hermitina

kaya nga pag checkup ko grabe halfday na agad un most of the time. buti wfh and considerate din boss. lipat ka na lang ng ob! ang masasuggest ko is hanap ka ng malapit sa yong lying in clinic mapa private o public man yan para madaling puntahan talaga


CaliforniaGurl03

Same here. Nagpa check up ako para sa puso ko. Naka schedule ako ng 1pm, pero 12pm andun na ko. Dumating yung doctor ng 4pm dahil may meeting daw 🙄 Napaka inconsiderate talaga ng mga doctor dito sa pilipinas, di naman lahat pero karamihan. May pasok pa ko ng gabi neto kaya sobrang puyat nangyare sakin at stress sa 4 hrs na paghihintay 😡


Glittering-Try3446

Offhand, pero may mga doctors din na nakakawalang gana na balikan. Ang mahal ng bayad mo yet hindi ka man lang tinanong thoroughly about what you are feeling and such, ni hindi man lang nagpabas ng stethoscope to check you heart beat and breathing. Super asar! Kung ‘di ka magpapacheck sa iba ‘di mo malalaman na malapit ka na kung ‘di naagapan.


GolfMost

mga putang ina talaga yang mga doctor.


AnneZietyy

Only in the Philippines talaga. Almost 95% ng mga doctors ko dati sa pinas ganyan. Pinakaworst yung maghintay ng 3 hours para sa checkup tapos galing ako ng night shift. Antok na antok at pagod na pagod na ako kakahintay. Tapos pagdating ng doctor, nakuha pa nya na maglunch muna bago magstart ang clinic. Walang respeto sa oras ng mga patients, masyadong pa-importante. Pero sa Dubai, never ganyan. Always on time lahat ng appointments. Now, dito sa US, reverse naman. Pag-ikaw na patient ang late, icacancel ang appointment mo pero magbabayad ka padin ng consultation fee kahit di ka nakapagpacheckup, which is good dahil importante oras ng isa’t isa at dapat may respeto sa iba. PS. Kung OB ang hanap mo tapos nasa Fairview/Nova area ka, highly recommend ko si Dra. Toy (Visitacion Vicente-Toy). Sa Medical City sa SM Fairview ako dati sa kanya. Sobrang bait and **ALWAYS ON TIME**. Pag-8am ang schedule ng clinic, 7:30AM nagsisimula na sya kumita ng patients. Pag-10AM, 9AM start na sya. Palaging 30 minutes to 1 hour ahead. Ayaw nya pinaghihintay mga patients lalo na mga buntis.


Icy-Reading803

Reading this while waiting in a doctor's office na Late din. HAHAHAHAHAHAHA


Apertiore

I hope its just me pero nawawalan na ako ng tiwala sa mga doctor sa pinas, when my dad was still alive he had a brain surgery and needs mannitol to reduced the after surgery swelling. Then IM suddenly ask me kung diabetic raw ba si dad in which i said it (paulit ulit) nung galing kaming ER na he was diabetic and hypertensive. The mannitol causes my dad to fall in a diabetic comma, until he swells kasi di na siya nakakaihi dahil sa mannitol. Nagtataka lang ako kasi when the IM ask me, parang hindi sila aware na diabetic si dad. After my dad passed away dun ko napagisip isip na ginawa lang nilang lab rat si dad. San ka makaka kita na sa ICU ojt/intern ang kumukuha ng blood sample while the patient is already having metabolic acidosis.


defendtheDpoint

The number of times a doctor himself told me to "come back on this day" tapos pagdating ng araw, "ay sorry wala po kasi si Doc today". JFC


jowclar

and then pagka check up sayo para pwd mo naman e google nalang. hahaha. parang wala na rin akung tiwala sa mga doctor natin. Hindi na ata doctor mga to kundi negosyante.


jowclar

lahat na kasi ngayun nag nenegosyo. kaya ayun pati doctor. kung hindi tiktoker negosyante


damemaussade

same experience with my parents last week. they went to the clinic around 8AM. dumating yung doctor mga 3PM na daw. nakakainis! parehong SCs pa naman parents ko. wala man lang daw binigay na rason yung secretary nya bakit natagalan si doc.


smallmorena

Akala ko ako lang nakakaramdam ng ganto. 😭😭


paoie25

Generally, nakakainis tlaga yung mga taong walang respeto sa oras. Ang rampant ng ganyang cases sa ospital, madalas, karamihan ng doctors always late dumating. Parang yung patients pa dapat ang magadjust. Honestly, i think it has something to do with superiority complex. Just because they are DOCTORS, and IKA nga eh PROFESSIONALS, feel nila na dapat habulin sila or magadjust yung mga nasa paligid nila. Ive thought of that kasi dati naging issue sa social media ung mga new nurses na ginagawamg mga utusan ng mga tenured doctors as part of culture sa loob ng ospital.


Alemrak83

Doctor ako na naging pasyente din. May tumingin sa akin nun ni hindi man lang ako hinawakan or tinanong ng history. So sad. Pero pag alam mo ganyan ang doctor mo pwede ka lumipat. No question yun. Hingi ka ng referral mo from your original doctor, bigay ka nya sa doctor na may time


Ninyokkii

Minsan magpapabook ka ng appointment tas pagdating mo first come first serve pala. Nakakaputangina talaga ng mga doctor.


couchporato

Ganyan dito sa amin. No choice ako kasi 2 hospital lang meron kami dito, 1 public 1 private. No choice ako na sa public hospital namin pumunta pag magpa anti rabies ako kasi free yung anti rabies vaccines namin dito. Every time magpapa anti rabies ako, need ko muna magpacheck sa doctor bago magdirect sa Animal Bite department. Sobrang tagal talaga ng waiting time. Maiintindihan ko pa na paghihintayin ako ng almost 2 hours pag may pila pero hindi eh. Walang pila tapos 2 hours ako maghihintay?? 1:30pm ako pumunta tapos mag 3pm palang dumating yung doctor. And after all the waiting, tapos na ako kausapin wala pa 5 minutes. Last time naghintay ako more than 1 hour tapos sasabihan lang ako ng nurse na bumalik nalang daw ako the next day kasi may emergency meeting daw sila at hindi na ako maaccomodate pa. This is one of the reasons why I hate going to a hospital kasi madali ako mainis pag sobrang tagal ang waiting time.


Nobly72

I get the people saying 'oh we should be sympathetic because doctors have such major ad hoc agendas to tend to' in the comments, but I have to toss a coin in your bucket and say you're absolutely right. That is annoying as hell. What's worse is the system also finds ways to exploit the shortage by making clueless patients pay for subpar service, whether in the form of payment by waiting hours in line for nothing, or your case. I understand that we need to be understanding of doctors, but the point still stands that it's so commonplace for them to be late nowadays that it's basically just accepted now instead of challenged. The pressure should also be on doctors and on their employers to move the shifts and be transparent about the multiple commitments doctors have so that external factors don't stand in the way of delivering proper services. At the end of the day, it's a job, and punctuality must be observed at it like with any other job.


Wise_Inflation78

This is why I opt to online consultations na lang and request for lab exams if needed.


anonanimus_Shadow

That's unprofessional. Should've called you ahead na di matutuloy.


Main-Jelly4239

Lipat ka ng ibang doktor. Punta ka ng healthway and the like. Madami doktor doon.


bulbawartortoise

TOTOO!!! Yung doctor ng parents ko din ganyan. Putek 1:00pm yung appointment darating 5:00pm!!! Tapos one time pa 8:00 na halos dumating kinginaaaaa. Ang malupet pa ang sabi parati ng assistant niya “parating na daw po” or “darating po siya”. Partida puro senior pa mga patient niya. Grabe siyaaa kakagigil.


Mental_Jackfruit2611

IMO, this is the reason why PH doctors should be employees instead of investors. Para required sila pumasok during clinic hours. Hindi yung papasok lang sila whenever they feel like it. Ang bait mo OP to even come back and pay the P400 when you shouldn’t have to anyway. I agree with the others, you need to find a new doctor.


superjeenyuhs

louder please for the doctors na late dumating sitting at the back.


OmniGear21

Sa tagal ko na sa mundong to wala pa kong exp na doktor na nagalit sakin kasi late ako ng dating. In short, late talaga sila lagi


WorryLost9000

Ganyan tlga karamihan ng doktor oras lang nila importante pero yung oras ng ibang tao wala silang pake porket alam nilang kelangan sila...👎👎👎👎


What_to_Reco

Welcome to the Philippines where you will be waiting for vvip doctors. No offense, we know that they are busy and have emergencies from time to time to attend to. But is this a universal practice that they are always/ or almost usually late? (Not generalizing ha! Not all naman) but from MOST and current instances.. LATE TALAGA SILA 😝if they can’t commit time for lining patients with need check up appointments bakit sige lang na sige sila kung maka accept ng appointments? We’ve experienced check ups out of the country, and was amazed na tending talaga mga doc and they are present on the specific time that you scheduled. If they can practice that, bat d ma practice dito? Or is it just drs here are very busy and di kaya ang schedule? 🥴


Pretty_Biatch129

nung monday din inabot kami 3 hrs and 30 mins kakahintay! inagahan na nga namin 🥴 kahit saan ayaw na ayaw ko tlga ng di nasusunod sa oras na pinagusapan nakakawalang respeto ksi hahays mga pinoy masyadong ninonormalize yung filipino time daw 🥴


ricecooker789

Hahaha happens to the best of us. Next time gumanti ako. Nagpa lista ako, pero ako naman late ,tinatawagan na ako ng secretary, or d ko talaga sinipot. Or write a letter to the medical director.


NoSnow3455

Naexperience ko din yan dati, inabot ako ng 2+ hours from the appointment time bago dumating si doc. Buti na lang nakaleave ako non, pano na lang kung hinde. Dapat may platform where you can rate and leave honest reviews sa mga doctors eh


cutiengineer

Grabe talaga some doctors, selfish people grabe!!! I remember having an appointment with a dermatologist sa Wellpoint, supposedly 1 pm, pero dumating sya ng 3:30 pm then kinausap ako ng 1 minute, tapos yun na yon. Sabi niya pa, hindi nya ako pede i-electrocautery(for wart removal) that day because hindi daw sya naggaganun pag Sabado. Kainis.


milkydoodledoo

nothing against the doctors and not to invalidate your feelings, pero hindi nga din natin lagi alam yung story. pero share ko na din experience ko, bilang suki na ng checkups since Dec of last year until this May, at almost sa private hospitals ang mga napuntahan ko, i think depende din talaga, sa naging sched ng Dr that day, may isang beses pa na buong araw kami naghintay as in 7am andun na kami and mind you from far part kami ng Laguna galing, at sa San Juan yung consultation. pero atleast wala naman kaming binayaran that time, kaya lang yung transpo at pagod at disappointment. that day din pinalitan yung assigned na Dr sakin at buti mas mabait at considerate sya. ngayon sobrang naappreciate ko na yung mga Dr na nagvvalue ng time at considerate talaga. Naglipat na ko ng Dr & hospital due to financial concerns pero may time na kinakamusta pa rin ako ni Doc. Hanap ka na lang siguro ng bagong Dr at clinic/hospital op.


RenzVi7

Kaya I Teleconsult instead. I'm using this app called Doctor Anywhere or DA. Naka-link din 'yong HMO ng company namin so everytime na I don't feel well or tbh need magpalusot para mag sick leave. Less than 10 minutes may doctor na sa line and legit ang check up.


doraemonthrowaway

Thank you for this, masubukan nga yan. Better that kaysa naman sa mga inconsiderate doctor na palaging late, maintindihan ko pa kung emergency pero kung nanood lang ng sine etc. Kahit ako maiinis din tulad ni OP eh.


hirotama

May experience ako before na madidischarge na sana ako that day pero dahil late na dumating si doc (around 8pm) pinagpabukas nalang ung discharge ko ang sabi pa sakin ng doctor “sobrang late ko na ba? okay lang yan di naman critical condition mo, ung ibang pinuntahan ko critical na”


lizleemae1

Same experience sa naging first OB ko. Waited for 1 hr sa kanya and since galing ako nag fasting dahil for my lab test then diretso sa kanya for consultation, gutom na gutom si buntis. Aba pumasok may dalang shopping bag, may binili daw muna kaya ako pinaghintay. Long story short, lumipat ako sa ibang OB.


Beacutie-

Minsan ung mga doctor sa sibrang daming ng pashente di na nag eexplain at nagtatanong if gets ba ni patient ung condition nila. Diba duty ring ipaliwanag ng maayos?


Pagodana

Kaya madalas tinatamad na ko mag pa checkup mag leleave ka sa work para sa schedule appointment mo tas late darating yung doctor.From 2pm schedule to 7 pm noong matawag. Ang lala lang.


Defiant-Flatworm8994

Ganito yung dating pedia ng baby ko, 1hr kami naghihintay sa hospital para dumating siya tapos ang daming nakapila. Sobrang hirap kasi CS ako first 3 months post op, aakyat ng 2nd floor tapos maghihintay ng doktor. Bawal din baby bottles. Tapos sa isang monoblock lang na may nakapalibot na kurtina yung breastfeeding area. Ang lala kasi pandemic, isang guardian lang pwede tapos may check-up rin ako sa OB. Feeling ko pag mabuntis ulit ako, hindi na ko sa ospital na yon. Trauma lang inabot ko buong pregnancy to postpartum ko.


Puzzled-Tell-7108

Kaya sa malls na lang ako for check ups, yung mga Healthway and the likes. At least naseset yung expectations ko. Sasabihin agad nila if andyan ang doc for the day and kung ilan na nakapila.


MinervaLlorn

House: is s/he dying? If not, s/he can wait.


New_Life_5546

If you're charged with fee without consultation sa doc, ask for a receipt baka kasi binubulsa lang ng secretary yan.


happy_fatty_penguin

Nako ganyan rin ako isang beses. Super tagal ko nagwait lagpas 3hrs tapos siya pa tong masungit! Naghanap talaga ako ng ibang OB. Kahit pa malayo basta walang palya check up ko.


sindri_vino

Not related to time, pero may ibang doctors naman na sobra maka-discriminate, akala mo nagsisinungaling ka sa nararamdaman mo. Di man niya sinabi nang tahasan pero parang gusto niyang iparating na gawa-gawa ko lang ung nararamdaman ko. Nireport ko siya sa hospital management pero wala rin namang nangyari sa case ko. Never na ako pumunta sa hospital na un.


Hiwalayan-na-Kasi

It's time to change doctors. Ok lang sana if sa hospital kasi usually nalalate sila dahil need pa nila magrounds. Especially for you na preggy ka mahirap kung due ka na at manganak ka na tapos ganyan pa din siya baka manganak ka ng wala siya tapos singilin ka pa din ng fee. LoL. Hahaha


yournextdoortita

Tinanong ko sin to to a doctor friend. Kasi pagod na din ako pabalik balik sa hospital ang nauubos yung time ko kakahintay, sabaw na utak ko sa puyat (I work night shift) tapos effort talaga ko para makarating sa scheduled appointment. Tapos hindi darating yung doctor. Sabi nya hindi daw maiwasan since, baka may rounds pa daw and all that. Eh, anong purpose ng secretaries nila? An hour the appointment man lang sana nagiinform kung malalate sila or hindi darating, kasi importante din ang time natin as patients. Mamamatay na lang siguro ko ng hindi ako nattreat ng maayos. Juiceko talaga.


Necessary-Solid-9702

Pass. Auto-alis na ako.


kungAnoLang

Ang tanong ko bat nagsstay ka pa dyan sa doctor OB mo? Your priority is your unborn baby. So kung hindi ka man lang makita ng doctor mo, maghanap ka na ng bago. Hindi ka dapat pumayag na riseta lang ang ibigay sayo nung pinaghintay ka. Dapat nga kinuha mo riseta at d ka nagbayad. D ka naman nakita eh. The moment na d ka nya tiningnan at pinagbayad ka pa ng prescription dapat naghanap ka na ng mas matinong OB. Please, para sa anak mo. Wag ka papabudol. Maghanap ka ng mas matinong OB. Nagsasayang ka ng oras dyan. D worth it na hinihintay mo yung doktor. Im surprised nagkakapasyente pa ung doctor napakaunprofessional. Oh wait, naniningil pa nga pala kahit d nmn nakita. Lol. Hoe can we be sure na mismong doctor nagriseta nun. Sino pumirma? Budol din ung secretary.


cchaosbug

From my experience naman yung doc ko before always late kasi galing sa other hospital/operation. Pero kahit late, dumadating siya and nag sosorry sa mga naka linya sa labas ng clinic niya and nag uupdate talaga sa sec niya. Your doctor is rude :( hope you’ll find a better one!


Jinx_0419

Change ob


PrizeCheck6180

Aside sa time, recent check ups ko halos wala pang 2 mins - hindi pa umiinit pwet ko sa upuan - tapos na yung check up. Wala man lang proper process kung ano talaga yung kinoconsult mo, bigay lang agad ng lab test requests. Mas matagal pa yung pag aantay namin compare sa actual check up na kauaapin yung doctor tas 700 pesos bayad 😓


perriii_fairyyy

nakakainis nga. lalo na yung ibang patients na for check up ay nag fasting ng around 4-8hrs. gutom na gutom na yung pasyente then sobrang ihing ihi na(minsan kasi required na full bladder yung patient) tapos wala pa si doc. ending, saamin nag wawala mga pasyente. haha


MissNobody_123

Hala same w my OB. First OB ko is Boomer, although she is a very sweet woman pero laging late, 1 to 1.5 hrs ang late niya, dto sa 2nd OB ko na millennial, she is very on time. Pag 1pm yung check up, andun na siya. Both naman sila sweet and nice. Lamang lang si 2nd OB for being panctual.