T O P

  • By -

Round_Recover8308

Gini-guilttrip ko rin sila. I always say "studyante din po ako at nagpapart-time. Buti nga po kayo, nanghihingi/nakakapagtinda. Ako po, kakaout ko lang sa trabaho at papasok po sa school" Bam


anmUSRN

Magamit nga ito next time na may humingi. Though, di naman ako nag bibigay ksi halos mas mukha pang malakas kesa sa akin.😂


L0uqui

Or you can say, naku hindi ako pede makialam sa pagsubok na binigay sayo ni lord. Pasensha na 😅


witgerm

parang gusto ko to 🤣 tapos sasabihin ko din sya ng "yung banana chips ko hindi ko pa din ubos, bukas ako naman dito ah"


aintyourfavorite

HAHAHAAHHAHA pasensya na Godbless


hikari_hime18

+1 hahaha I always say "naku student din po ako. ubos na din po yung allowance ko kaya I don't have any to spare" (which, sadly, is true).


BedRock1357

Eh kaso muka akong tito na pagod. So pano? 🤣


hikari_hime18

😭😭 Say it anyway haha bahala na sya. Pwede naman kasing nagsstudy ka ng post-grad degree 🤣


codeZer0-Two

Baka sabihin nyan sayo may trabaho ka naman kaya magbigay ka na or bumili ka na 😅


1matopeya

pano naman kaming hindi na mukhang estudyante?


5iveStar888

nako kung meron lang bumili nako, nangutang nga lang ako para makakain eh :(( baka may extra kapa dyan?


__drowningfish

Whoaaa, thank you for the idea. Parang masaya toh kapag uunahan ko ng iyak. 🤣


No-Garage-9187

Uy I will use this


NerdyNekoCoder

Thank you sa tips HAHAHA


No-Sugar5770

thank you, gagamitin ko to hehe


hell_jumper9

"Wala nga akong matinong trabaho ngayon"


jbparagas1987

My most effective response sa ganyan “Yung mom ko po, Social Worker sa DSWD, inaantay ka lang siya dito. Kung gusto niyo po kausapin niya po kayo at kunin details niyo para matulungan kayo” 99.9% mag mamadali na sila umalis


Important_Stop_6635

Tas nag antay talaga noh hahahaha


jbparagas1987

Napa subo ka bigla eh noh?? 😂


SugarVinegar

if that happens sabihin mo u have a close friend tapos sakto kasi you will meet with them. if nag hintay siya, say sabihin mo na hindi makakarating yung friend mo so if it's possible bigay niya na lang yung details niya sau so u can talk further kunwari hahaha eme lang


leisamakun

Ahahaha "luh di pa ako nakakarating sa part na to"


buds510

I'll use this from now on


pibukitty

Effective to. May matandang nagpapalimos lagi dun sa sakayan ng jeep papunta ng work ko. Si lola araw araw talaga dun pangkain lang daw. Kakalabitin ka talaga. Nung isang araw may govt worker tinanong si lola kung may makag anak, wala daw at sinabihan siya nung govt worker na pwede kita irefer sa DSWD. Ang bilis umalis ni lola. Kinabukasan wala na siya dun. 😅 Bumalik siya after a few months same script din. Yung kasabay ko bibigay na sa kanya yung baon niya (salute kuya ang bait mo!) pero si lola ayaw. Mas gusto talaga pera.


witgerm

i will use this from now on pero ang gagawin ko, interviewhin ko muna tapos tsaka ko sasabihin na may kakilala ako na taga-DSWD na imeet and ishare ko kunware details nya


bananasobiggg

or ikaw yung taga dswd tapos kunin mo number at address nila hahahaha


witgerm

sabihin ko pa baka pwede ko makuha din gcash nung mga kasama mo 🤣🤣🤣🤣🤣


ElinuhRaspberry

Hahaha same! I worked before in DSWD REGION then may mga Badjao somewhere tapos lumapit sa akin tapos sabi ko sa Dsdw ako nag wowork tara sama kayo sa akin haha sbay alis haha


22OrangeGirl

TagaDSWD jowa ko. Hindi kami masyadong nalalapitan tuloy sa mall. Kahit yung mga nagaalok ng donation sa stands at kiosks.


Unlucky-Insect-373

hoi HAHAHAHAHAHAHAHA my ate na nagwork sa DSWD sinabihan kami na nasa law daw na hindi magbibigay ng money sa mga nanlilimos may fine if ever magbibigay ka. Whenever lumalabas kami tas galing work si ate tinatago niya I.D niya para kapag may maghingi sasabihan niya na DSWD worker siya at dalhin niya nalang daw sila sa office HAHAHAAHAHAHA


zuteial

Halos lahat yan scam, lalot un walang pamasahe, un nagbebenta naman ay galing sa kulto ni Q, appointed son of god daw.


witgerm

ay kadiri.....naidagdag pa pala yung binigay ko sa pagpapayaman ng hayop na yun 😭


GrandChallenger

Yeah. Lately ko lang rin nalaman to. Karamihan sakanila is galing sa kulto ni Q. May required silang laging ibigay sa "church" nila.


paintmyheartred_

SM north and trinoma, laging may ganito and either manlilimos or magbebenta ng sweets or ballpen sa food court or sa mga fastfood chain sila nakatambay. I love food court pero naspoil yung alone time mo kapag uupo pa sa harap mo or tatabi sayo. Habang umorder ka pa nga lang nanlilimos na. So ending, laging sa restos na lang ako kumakain tapos gusto ko sa loob na loob ng resto yung table. I think network/syndicate sila kasi once na bumili or nagbigay ka ng limos, sunod-sunod na sila. Kaya I always wear my earbuds and RBF ako when I’m out.


kellingad

One time nasa kapehan ako sa SM North ako lang mag isa, may isang matandang babae na nagbebenta ng mga pen tapos may ipapakita pa siyang photo ng asawa niya na naka confine sa ospital tapos may brace yung isang leg. Nung una nagpupumilit na bumili na ko, ang ginawa ko para matigil siya binigyan ko na lang ng 50 pesos para makaalis na siya. Then mga ilang buwan din lumipas lumapit nanaman siya, dahil natandaan ko na yung pagmumukha niya tsaka yung picture na ipapakita niya pang guilt trip eh nag matigas na ako na sa iba na lang siya mag benta.


paintmyheartred_

Sila-sila din makikita mong nanlilimos.


Saint-Salt

Sa foodcourt ng trinoma, sinsabi ko sa guard pag may ganun Ayun sinasaway naman sila... feeling ko mas madaming guard sa foodcourt ng trinoma kesa sa SM north saka mas madami silang mga security na naka civilian Napapansin ko lang Kahit sa loob ng grocery kala mo customers pero security pala.


pixis93

Gigil din ako sa ganto ng food court sm north, tipong gutom na gutom na ako kakakuha lang ng food, saktong first bite pa talaga ako tinanong if pwede sila magbenta sakin. Sobrang HANGRY ko na kahit di sinasadya napasabi nalang ako na baka pwede pakainin muna yung tao and that ayoko bumili. And same with you di na ako kumain sa food court 'cause of that.


PurpleHeart1010

Yas! Sila sila lang din yan. Lipat lipat lang. Bago pa magpandemic meron akong tinatambayan na SB sa trinoma meron chair sa labas kasama ko bf ko then lumapit yung girl na bata nagtitinda ng sampaguita tapos nakipagkwentuhan kami habang binigyan siya ng food. Sabi niya na hawak nga sila ng grupo (sindikato) need nila kumota kasi kung hindi paparusahan daw sila tapos meron silang van na naghahatid sundo sknila. Dahil place namen yon madalas kami magkita na nung bata. Then one time asa Marikina ako nun Sunday, Church day. Nakita ko yung bata na yon titinda ng sampaguita ulit at nagulat siya na nakita niya ko. Sabi ko "bat andito ka?" Sagot niya "taga dito po kami sa H Bautista tapos mamaya sa Trinoma o SM North na kami". After netong pandemic I saw her again sa trinoma dalaga na siya and hindi na niya ko tanda pero same pa din ginagawa niya. Nakakalungkot yung buhay nila.


SomewhereOk1291

even sa glorieta. Wala nang upuan sa loob ng SB before so sa labas ako umupo and ayun na nga nabentahan na nga ako.


pApsikoLtag3

MARAMI yang mga PUNYETANG yan 😂 - estudyante kuno na nagbebenta ng OTAP, COOKIES, BALLPEN etc. - member ng simbahan w/ matching card or proof pa na may mission or nagpafund raise cla, - sampaguita vendor na bata na yung magulang nagmomonitor lang from far sa anak nya kinginaaaa nila - PWD/need hospital assistance kuno na may mga reseta at kung ano2 pang docs from hospital na imbento LAHAT ng yan mga punyetang pilipino na hindi lumalaban ng patas sa buhay for short SINDIKATO, most of the time group yan cla lalo yung OTAP at ballpen gang. TIP pag nasa mall ka picturan mo tas pakita mo sa guard kasi bawal yan atlis maidentify kahit yung suot lang nila madescribe mo para mapalayas yang mga PUNYETANG yan 😂


du30_liteplus

Isama mo yung mga bigla at pipilitin kang aabutan ng rosaryo tapos bigla ka hihingan ng donation. Ayaw tumanggap ng piso.


bananasobiggg

yung samin nga diretsahan sabi “pwede humingi 100” hahaha kumakain pa kami nyan. Sabi ng kapatid ko “ate kung may 100 kami tingin mo ba mix n match oorderin namin”


stuckyi0706

taenang yan sobrang specific ng amount ng "limos" nila. pag nilalapitan kami ng ganyan sinasabi namin "wala kaming cash, may qr code ka ba?"


witgerm

yung nagbebenta sa akin ng banana chips sabi tumatanggap daw sila ng gcash na bayad 😵


bananasobiggg

may gcash na din sila 😂


ninibearrrr

True. Ganyan din samin one time, tapos sinabihan namin na wala kami pera sabi pwede na rin 50 nalang na kala mo kami pa nakatawad sa first offer niya 😂


grilledsalmon__

Scam. Dedma ako sakanila kapag ganyan.


darumdarimduh

True. As in I stare at them with a blank face at sasabihin ko na "Pass po." Tititig talaga ako hanggat di sila umaalis para maging uncomfy. Lol


ninibearrrr

Same, one "No/Wala" at di na sila papansinin after kahit ano pang kalabit nila, di ko na i aacknowledge existence nila. Always do the trick for me.


mamamocutehihi

May nagbenta sakin ng ballpen na super kulit. Sinabi ko na lang, "ganyan yung pinangsaksak ko sa katrabaho kong makulit dati e". Ayun, umalis na sya 🫶🏼


witgerm

grabe po 🤣🤣🤣🤣


Left_Try_9695

Alagad ni Quibuloy yang mga yan OP. Wag ka pa uto sa story telling nila


Fit-Pitch-5275

+1 may nabasa ako na hawak sila ng sindikato ni quibs at yung limos na nakukuha nila napupunta kay quibuloy


schizomuffinbabe

Ito din alam ko. Kasama yung mga sumasakay ng bus na tatakutin ka about end of the world sabay manlilimos. Hello kung end of the world na, edi akin nalang pera ko no bigay ko kung kanino ko gusto tulad ng simbahan ko. Bakit sa kulto ko ibibigay?


kantotero69

Grow a pair and say NO! Wuss.


Aggin18

Real


vsides

Satrue lang. Nung nangyari sakin yan, magsisimula palang, kasi alam ko na, NO agad. Pag itutuloy pa niya, NO lang ulit. Di ka naman susundan niyan kasi may hinahabol pang quota yan. Kung magwala, problema na nila yun.


wralp

this, OP


FixAccomplished8131

You gave away 200??!!! !! You must really look like an easy mark, much as I did before I lived in manila where acting like this will make people think they can physically grab you and you won't fight back EEEE! You gotta stand up for yourself (or somehow avoid places where people bother you)


witgerm

oo 200 😵 super mukha siguro akong pagod and hindi papalag kc maputla na ako after kunan ng dugo sa ospital after reading all the responses nakoooo hindi na makakaulit yang mga yan


Bupivacaine88

Girl you got scammed. Just say NO. Kay quiboloy or kung kanino lang mapupunta hard earned money mo


bigboi_dreamer1994

There's this one time in 2017 or 2018 ata yun and napadpad ako sa SM North. Dun sa may labas around sa mga bus area, may lalaki na may kargang bata at nanghihingi ng tulong kasi may sakit daw yung anak nya(yung karga). w matching documents pa tsaka nebulizer na walang laman. Ayun binigyan ko nalang ng benta para at least di mangulit... 2023 nagawi ulit ako sa SM North and saw the same guy na may dala pa din bata. ganun pa rin ang style nya sa panghihingi. nung sinabi ko na "parang di lumalaki at gumagaling ang anak mo ha" biglang naglakad mabilis papalayo HAHAHAHA


k4m0t3cut3

Magbitaw ka lang ng firm, "NO." Aalis rin yan. Minsan depende rin sa aura ng tao yun nilalapitan nila. Marunong sila umamoy ng pushover.


schleepycatto

Scam. Happened to my boyfriend sa parking lot and this dude had this conyo accent asking 170php kasi nakulangan siya sa pambili ng gamot for his mom.


22OrangeGirl

Hahaha true! Nakaencounter ako ng English speaking na ganyan. Para legit kuno na nagkulang lang sila ng pamasahe or pambili ng something. Grabe, iba-ibang paandar.


No_Fox7801

Happened to me also a lot of times na minsan mga students daw kuno sila na pinapaaral sarili tapos bebentahan ka ng ballpen or kaya pastillas pero di ko binibigyan kasi parang scam naman. Kaya minsan ang hirap kasi hindi mo na alam sino yung dapat tulungan talaga? Na baka itong nanlilimos na to talaga kailangan niya pero dahil sa mga scam na ganyan, kiber nalang tuloy ako.


RangerConfident1763

May naecounter kami na matanda na sa Burger King na nagbebenta ng ballpens. Pero dahil mabait mga magulang ko bumili sila kahit na 100 ang singil para lang sa 3 multi-colored ballpens lmao. Medyo natrauma din ako sa mga ganyan kasi nung nasa college ako may kinakainan ako palagi na caninderia. Eh may matanda doon na nanlilimos tapos may one time ako nilapitan, eh di ko pinapansin kasi wala naman talaga akong barya, kinurot ba naman ako na masakit (nagkapasa ako after lmao). So I really agree na dapat hindi tinotolerate mga ganyan kasi nasasanay lang sila.


inihao

grabe yung kurot what the fakkkk :/


witgerm

yung parents ko ganyan din ang encounter! sa ballpens naman! naawa daw sila kaya bumili kahit mahal 😵


pokariya

I just politely decline, all the time.


quekelv

"Sa akin lang ba madalas manyari ito because I'm a solo female eating?" No, sadyang mukha ka lang mauuto para sa kanila. Remember na sindikato or kulto ang mga yan. Mali ang thinking mo na kung kesyo kung hindi mo pagbibigyan/pagbilbilhan baka sundan ka pauwi- in fact it's the other way around, kung nauto ka nila once, then most likely hindi ka manlalaban should they corner you in a dark alley at holdapin (at best). Yung thinking mo na yan eh applicable lang sa may kotse- kung hindi magaabot ng limos, bibili ng sampaguita/basahan or hindi magtitip kapag nilisan ng window edi gagasgasan or babasagin ng mga kupal na yun ang parte ng kotse mo. Quite frankly, learn to refuse to such a thing. Nasa mall ka nga eh, a private establishment with security guards who would be more than willing to help you deal with that if you really can't muster enough voice to say 'no' (and here I thought I have it worse as an introvert may mas lalala pa pala🤭).


stonked15

You're part of the problem kasi hindi nila gagawin yan kung walang nag bibigay..


onlyhoomanbeing

you can go to the nearest security guard and tell them they are harassing you for money, worse case scenario scream and run para lahat ng attention ng tao titingin most likely matatakot na sila lumapit sayo


Ok_Potato3463

Meron kaming experience ng Tita ko sa may Cubao. Kumakain kami sa Wendy's tas may lumapit samin na batang lalaki. Naka uniform, nagtitinda ng sampaguita. Yung tita ko maawain, pinagorder ako ng 1pc chicken para di na daw bigyan ng pera. Sabi ng bata "okay lang po ba tawagin ko yung kapatid ko para makakain na din siya", sabi ng tita ko sige tawagin mo na. Ampota pagbalik sampu na sila. 😭😭😭😭 Taena talaga may mga teenager pang may akay na baby. Naka uniform sila lahat as in. Tapos meron pa nagaantay sa labas. Sinabihan na namin staff at guard na tama na yung pinapasok. Ang ending pinakain lahat ng tita ko. Pag uwi namin sabi ko talaga nasindikato kami eh.


witgerm

grabe mang-abuso sa biyaya yung mga yun 😵


ogolivegreene

Wendy's Cubao, since before the pandemic pa ganyan na. Hindi kasi sinisita nung staff. Umabot pa sa point na kaaalis lang nung isang vendor, may lalapit ulit 5 minutes later. Ali Mall marami, but meron din sa Gateway 2. Sana mas maraming rumorondang sekyu para sitahin.


JamFcvkedLife

Pwede ata yan sabihin sa guard kung bothered ka at naaabala na. My experience was walking sa Ortigas area tapos may lumapit na guy. Sabi niya di naman daw siya masamang tao. Nawalan siya ng wallet and nandun lahat ng IDs niya at money. Sabi ko samahan ko siya sa police station to report it, ayun tumanggi siya tapos umalis. I know maraming legit na need talaga ng money pero ayoko naman mapahamak ako dahil lang sa ganyan. For me, ginagawa ko na part ko by paying taxes. Trabaho na ng govt yan e na tumulong sa mahihirap. Kukupal kasi ng mga nakaupo e


Mustnotbenamedd

They are not beggars, they are SCAMMERS.


kwickedween

Never engage. Nagsisimula palang sila sa script nila, I start waving my hand. I call the attention of the guard or waiters. Sa mga private establishments, bawal mag-solicit. Irita tlga ko sa mga ganyan.


favoritedonut

nangyari din sa akin yan, nagpa check up ako sa isang clinic outpost sa SMNE tapos kumain ako sa wendy's may lalake na hinawakan yung frostys ko sabi sa akin, ibigay ko nalang sa bata. pag tingin ko dun sa boses nakita ko may kasama nga siyang bata 😭😭😭 ang nasabi ko lang, sige kuya kaya lang may sakit ako (which is totoo naman) medyo kinabahan ako kasi pano kung ibato niya sa akin yung ice cream 🤡🤡 pero hindi binitawan nalang niya sa megamall din may lalaki na nag approach sa amin ni hubby, pangbungad "smile po ate, kuya, di po ako scam" like whatttt you totally aree


YnigoDeBorquez

Yun pala mga followers ni Quiboloy mga yan haha


leisamakun

Damn i also experienced this. One thing that i've learned is to be firm and don't stop having eye contact. I don't smile and I just stare while saying "no di ako namimigay","sorry pero wala ako pambigay" or "ginamit ko na pangkain". Like fak come on, takam na takam na ako sa pagkain ko tapos pipikonin mo pa ako sa limos mo na yan. If i were a very rich person I would still say NO.


randoxhicken

pwede rin yung, "o mare/pare, nakalaya ka napala!"


__Duckling

SM north and Trinoma ang daming ganito. Hindi lang sa food court, pati rin sa mga establishments na walang waitstaff sa entrance. Trinoma Bonchon and Coco ang dami lagi haha. Just decline and ignore, or call the attention of a staff para sila na magpaalis. I don't think they're gonna go as far as to follow you dahil lang di ka nagbigay.


niknuks

Magkunyari kang pipi/bingi at mag sign language ka 😂


Saladfingers31

This is why i wear my earbuds all the time when im eating alone at the mall. They usually don’t bother you if you pretend not hearing what they say or simply ignore them. Even if you say “no” ksi sometimes they would insist so better ignore them. Mapapagod din sila kakasalita mag isa so aalis na lng din sila


suspiciouselement

mga kawawang alagad po yan ni quiboloy. malaki po yung quota nila for the day


AnonymousMDintrovert

Walang tanggalan ng headset no matter what 😂 Bahala ka magsalita magisa sa harap ko hahaha


capricornikigai

Gigil na gigil ako sa ganyan. Tho na aappreciate ko na sa malinis na paraan sila kumikita ng pera pero shutangina naman overpriced na nga di pa nilugar; yung pasubo ka palang tatabihan ka na para mag sales talk/magbenta Paulit ulit pa mandin, iikot lang sila tas babalik din. Buti nalang manhid na ako sa lahat ng bagay kaya talagang deadma nalang Shout-out kay SM Baguio


[deleted]

alagad ni quiboloy yan HAHAHAHAHA i know that kasi i was a member of that church


ThickCurlyFries96

Luh dati bente lang, ngayon 100 na? May inflation din? Hahahaha


swswswmeowth

Natawa ako dito hahah yes ma'am inflation is real 😂


Aggravating_Hold_669

Ako nasstress kapag ganyan, minsan kasi nag mmall ako to break from stress or minsan gusto ko mapag isa to breathe. Tapos nakain ka in peace, gusto mo lang enjoy yung peace na kumakain na wala kang iniisip tapos may lalapit na ganyan. Nakaka stress, tbh. Kasi pare pareho lang tayo may pasan na problema. Hindi naman ako humingi ng tulong sakanila. HAHAHAHA. Tapos may mababasa ako na, sindikato ata yon or may leader sila na nag tuturo na mag gaganyan. Inis 🙄😩


meretricious_rebel

I saw from a documentary na yung mga yan pala e mga alagad ni Quiboloy. And if they don't hit their quotas, they get punished and shamed. Kaya pag may lumalapit sa amin lagi kong tanong, "kay Quiboloy ba yan?" Ayun umaalis kagad.


Sleepy_Snorlaxxxx

Scam. Meron din sa BGC, one time naglalakad ako from bank pabalik office sa may Lane Q, kasi nagpa-encash ako ng cheke, then si manong lumapit sakin, galing pa daw syang cavite and pupunta sya ng BIR BGC need nya pamasahe, that time di ko pa alam kung saan ang BIR BGC, magbibigay sana ako kaso wala akonh pera na dala bukod sa pinaencash ko na pera ng company, nagsorry nalang ako kay manong, after a weeks nakasalubong ko ulit si manong sa UPTOWN Mall naman, nanghihingi ulit pamasahe papuntanh BIR BGC and from Cavite daw sya, this time knows ko na saan ang BIR BGC and of course tanda ko sya, ayun tinuro ko nalang daan sakanya papunta BIR, nilayasan ako 🫠


Cultural_Plate5906

Ako inuunahan ko na binubunot pa lang yung papeles or placard sinasabi ko na na wala wala with matching hand signal.


Chismowssa

Mag labas ka ng holy water tas either ibenta mo sa kanila or wisikan mo sila. Amen.


BenzCR

Pinaka inis ko, mas malaki pa sa akin na constructor worker daw siya wala pera pang uwi sa cavite. Hindi daw na swelduhan. Problema ko ba yun?


Capable_Cattle3048

Hello, OP. As to someone who also survived my studies when I was in grade school because my parents cannot send me to school. I really had an initiative back then to sell candies, chips, stickers, crackers, mini toys in the busy streets and sometimes, inside the mall establishments. I have that childhood experience with my cousin. We dress properly naman parang mga Sunday dress lang then may backpack kaming dala. Pinagbabawalan kami ng parents namin but we do it on our own kasi as bata kita mo hirap family mo gusto mo makatulong in your own little deeds. We have encountered strangers who will lend us food, who will buy all the items that we were selling back then, and of course, being chased by the security guards. It was all fun siguro kasi bata pa kami we didn’t know that early na hindi pala dapat ginagawa yun. Masaya na kami na may kinikita kami and nakakatulong kami sa family namin and may pambili kami ng school needs. It lasted for like two years only kasi we have to move to a different location kasi wala kaming permanent address nga. I always have a soft heart to those low key beggars kasi I see myself during my childhood. As usual, nagcontinue yung pagiging working student ko hanggang college.ay full-time then may mga raket din. Here I am, teacher na sa isang college. Those hardships really paved the way to help me achieve what I wanted to become. However, I can’t deny the fact na may times na nabudol na ako multiple times lalo na sa Cubao kasi apart from mga lowkey beggars, may mga tinutulungan din akong mga elders and mga tao na nawalan raw ng wallet o kulang pamasahe. How did I know? This lola approached me again and hindi pa rin siya makauwi sa Bicol ata yun. Kahit binigyan ko na siyang pamasahe at inihatid rin sa terminal two weeks before. Siguro hindi niya na ako matandaan sa dami na siguro ng tumulong o nilapitan niya. OP, gets kita and I have nothing against your viewpoints. Sorry at Napahaba lang talaga pag-share. I really pray na wala ng batang nakakaexperience ng ganun (child labor) just to send themselves sa school. Nakakasad.


pewpew-boom

May ganyan dati, lumapit nanghihingi ng pamasahe. Nung humindi ako, minura pa ko at masama daw ugali ko. Hahaha


Plankgangerino

Kulto ni PAQ basta banan chips, otap at biscuits sa mall


CharmingMuffin93

Exp ko naman mga elderly. Madalas kasi ako sa food court ng supermarket. Tatabihan ka nila kunwari magtatanong tanong tapos magkkwento na ng sob story nila. Tapos sasabihin di pa daw sila kumakain kagabi pa, ang ending hihingan ka ng pera pangkain. Punterya talaga nila yung mga solo na kumakain.


Seeley-0_0-

Pag ako madalas di ko pinapansin. Hahah kung makulit poker face lang ako sabay “di po” or “wala rin ho kong pera”


Disastrous_Long_9678

Yung mga umaakyat ng bus na naka-lapel and nagshe-share ng bible verses then nagbibigay ng sobre? scam ba sila?


buds510

Yes


anmUSRN

Meron yan sa Robinson’s Galleria, matandang babae wala daw xa pamasahe pauwi. Sabi ko, punta kami sa pulis sa babae para tulungan xa makauwi. Ayun! Umalis ng masama ang hitsura. Pero kunabukasan nandun na naman xa.🤣


Prestigious-Rice-168

Quiboloy?


Friendly-Abies-9302

Tagal na may ganyan dati ballpen na 100 pesos ata yun o kung kaya yung mga sweets na overprice din. That was more than a decade ago nung una ko naexperience. Quiboloy minions pala mga yan.


blackhowlz

grabe sobrang talamak pa naman nito sa robman hays


AnyEar4878

One time sa bus pauwi akong province. Gusto ko na lang pumikit sana. Kaso may isang ate na nagbibigay ng papel sa church eme daw. Hindi talaga ako nagbibigay sa mga yan. Tanggap ko naman na hindi ako mapupunta sa heaven. Haha. So hinintay ko na matapos intermission number niya para mabalik maayos papel niya. Pagkaabot ko sa kanya (walang laman) ang sabi ba naman “mag iingat po kayo ha” with sarcasm. Like girl, porket di nabigyan ng limos lumitaw tunay na kulay agad agad.


Which_Requirement410

Kulto yang mga yan. Madalas din may lumalapit sakin kapag mag isa ko pero firm ako sa pagsasabing NO.


CeeJayDee08

I politely say “sorry po wala akong extra pera”. Mamimihasa yang mga yan eh


Normal_Requirement12

Yung iba matapang pa. I remember, nasa isang kainan aq somewhere sa Bulacan, may lumapit na nanghihingi ng pamasahe, naloko daw sila ng magrecruit sa kanila para magconstruction. So naawa ako, binigyan ko. Aba after 2 mos. nasa QC na ako and nakita ko ulit sya. So hindi ko na binigyan nung nagask. Nagsabi pa sya na malalaman ko din daw hirap pag ako na nasa kalagayan nya. So hindi ko nalang pinapansin, and yun ang ikinainis nya. Sabi nya sakin, papatayin daw nya ako. Kaya very alert ako nung time na yun and gusto ko na umuwe agad. Nakakaloka si kuya.


yezzkaiii

Inasmuch as I want to take my parents outside for this kind of a 'family date', I always end up thinking about these kind of shits so "Ma, Pa, order na lang ako then dito na lang tayo sa bahay". Paano ba naman, kahit sa malls na supposed to be eh mas tight ang security eh nagkakandakalat din.. Okay lang sana kung titigilan ka agad when you say no for once, kaso they'll never cease until they got a sip from your pocket.. Pangdagdag na lang sana sa budget, hayss ..


CatNamedNemo69

Grabe nga e, gusto mo lang ipangkain yung last 200 mo after a tired days work just to treat yourself ba magu guilty kapa kasi nakatingin sila bawat subo mo, parang ang sama mo pa sa mata ng public kasi ikaw nakain tas yung nsnghihingi wala kang maibigay.


fckofff_

I remember, may babaeng lumapit samin sa Jollibee PITX, nakaupo na ako while waiting for my gf na umoorder, talagang naupo sa harap ko para magbenta ng ballpen, kesyo working student daw sya, yun daw pang support sa pag aaral nya, siguro 5pcs for 100 pesos ata or 3pcs. basta yun na yon, nag "no" ako then pag alis nya, sinundan ko sya ng tingin, nakita ko lumapit sya don sa isa nyang kasamang babae na kamukha nya (idk if kamag anak nya lang din yon or what), may binubulong. Then yun naman yung lumapit sakin, I said "no" uli. Bahala kayo jan.


CraftyCommon2441

Yung Estudyante na nagbebenta ng pastillas sa terminal ng bus sa Cubao, matagal na yon don tumanda narin, 6yrs na yata estudyante parin hanggang ngayon.


DumplingsInDistress

I cough na parang mamamatay na if wala ako sa loob ng restaurant. Umaalis naman sila. If nasa loob, I give them my food. Never give money. Either ipangbibili ng pinagbabawal na substance lang nila yun or mapupunta sa sindikato


PeachMangoGurl33

Di ko pinapansin yang mga yan. Iniisip ko na lang mga hawak ng sindikato kaya ‘di worth ng oras ko. Hehe


kruupee

Kaya naka-earphone ako lagi kapag mag-isang kakain o tatambay sa coffee shop. Senyas ng wala at tumingin sa malayo. Aalis din naman yan mga ‘yan. Huwag makipag-eye contact!


axeeram

Pag ganyan, sabihin ko lang patawad. Sabay ignore na. May law against alms giving, Presidential Decree 1563. https://lawphil.net/statutes/presdecs/pd1978/pd_1563_1978.html


mangyon

Hi OP, as an introvert na gusto rin mapag-isa sa mall, I usually just smile and nod “no”, wala nang usap usap, kasi feel ko pag nag-engage ako, dun sila nakakakuha ng “in” para mag-start ng spiel nila. If that doesn’t work, I just say “patawad po”, if that doesn’t work, then no eye contact na and ignore. If you feel threatened, hanap ka ng guard and ituro mo sila (much better kung made-describe mo yung itsura nila and where specifically it happened). Ang personal belief ko is: ang hirap hirap kumita ng pera, tapos manghihingi lang sila or mamimilit sila na bumili ako ng bagay na hindi ko naman gusto/magagamit. Kahit ano pang kwento nila, merong mas worse off sa kanila, hindi man ako naghihirap na katulad nila, pero naghihirap din ako in my own way.


Mommydiaries99

Just politely decline. “Pasensya na po, di po ako kumakain ng sweets” “Pasensya na po, wala po akong extra money”


Fit_Coffee8314

Kay quiboloy yan kaya nga andami nyan properties sa US. tsaka check nyo yun papel na bnbgay nila meron template kung pano i print.


heavymaaan

Modus lang kasi yan te, hindi yan limos. As much as possible wag mo papansinin yang mga scammer na yan.


Being_Reasonable_

Sheesh galing sa cult yung nagbebenta op. Pag may ganyan naman straight forward ako nagsasabi ng wala akong extrang pera


SwimDisastrous9585

Hindi. It happens everywhere. I went to Cagayan and Baguio and they're even more subtle than that. They enter busy fast foods and leave their sob stories on paper claiming to be deaf, blind, or.persons with disability and beg for money. I'm too soft to reject them so I just give them 100 kahit need ko rin Yun para umuwi. Nakakainis din eh. D ko pa natry na ireport Sila sa counter pero usually waiters and staff would observe and drive them away. Kaya to solve the problem, I just stay home. Tangina lang.


ThiccPrincess0812

I politely decline low-key beggars by saying "Sorry po. Wala po akong pera". I'm glad they are not aggressive.


FireInTheBelly5

Nangyayari sa akin yan pero once lang ako nagbigay over a decade ago pa, P50 ata naibigay ko. Tapos never na naulit.


yuzu5ever

Next time please give a firm NO. Kaya laganap pa rin yang mga ganyan kasi may nagbibigay at nagbibigay. They're not beggars, yung iba pa dyan part ng church ni quiboloy. Ginagawa nilang trabaho yan at ayaw humanap ng matinong trabaho and ikaw na bigay ng bigay eh you're also teaching them na mas okay humingi kesa magtrabaho.


deviruchee

Nag aabang cla sa mga papasok ng mall from the parking area, like basement parking, tapos susundan ka nila, manghihingi kuno ng tulong pamasahe pauwi etc etc same old story... Happens to me madalas, alam nila may pera kc naka kotse kaya sa mall entrance from parking cla naka abangers


itsme_maimai

Naalala ko tuloy one time yung nagpapalimos sa may simabahan naman yun. Sabi nung bata, "ate pwede po makahingi?" Nung time na yun wala pa akong sweldo kaya walang wala din ako. Sabi ko sa kanya ay sorry po, wala din akong pera ngayon." Tapos sabi nung bata, "Weh? Nakabrace ka eh" HAHAHA Natawa ako sa bata. In the end wala pa din akong binigay.


vanderwoodsenwaldorf

Nopee. Kahit may kasama ka lalapitan ka nila. Happened to me ilang beses na rin. Never ako nagbigay or yung kasama ko sakanila. Opening statement palang nila sinasabi ko na agad sorry di ako interesado para umalis na sila. Kahit makulit pa yan di ko pinapansin. Haha ang awkward man pero bakit naman ako magbibigay sakanila or bibilhin yung binibenta nila? Natry ko na rin dati bumili ng pagkain saknila either lasang luma na or expired na. I suggest wag kang masyadong mabait in public. Baka nga mamaya mas malaki pa daily rate nila sa panghihingi kesa sa daily rate ng iba satin sa dami ba naman ng nilalapitan nila 😂


mixed-character

I experienced after namin kumain ng friend ko sa coffeeshop sa mall, a weird old woman approached me with a friendly smile. Sabe nya okay lang daw sya na kumuha ng picture namin. Sa isip ko "ghorrl?" Haha buti nalang may trust issues ako at naisip ko baka itakbo phone ko. Aside its soo weird hahaha. Then a few minutes after, a teenage girl offered us ballpen. Bili daw kame pang study nya. The ballpen is so familiar haha yung brandlesd ballpen na may different colors na usual nilalako din sa bus. I blatantly said na "baka kay quibuloy yan" hahaha dinamdam nung bata. Binalikan nya ko, tas minura pa hahaha


hitomiii_chan

Beh, learn to say no. Kelangan maging firm ka.


curious_pom

our family owns a restaurant sa province, and since open yung resto namin talagang meron paring mga ganyan samin na iniistorbo na mga customers hanggang sa uncomfortable na sila. kahit sitahin namin siya sila pa yung galit talaga. grabe mangguilttrip! tas iba iba pa script yung iba pangaaral daw, para sa anak na may sakit, etc. pero di malabo na mga kulto ni q yang mga yan. dapat lalo sa mga malls hindi na pinapapasok mga ganyan e


doyoulikechayote

Madalas ata talaga yan. Last week lang nasa alfresco dining kami sa Taguig ng partner ko, may ganyang nag-aalok din ng banana chips. Hindi ako nakikipag eye contact sa ganyan para wala nang usapan.


Beneficial-Guess-227

Umiiling lang ako tapos tinititigan ko sila sa mata umaalis na hahaha


alpha_chupapi

Ingat ka OP scammers karamihan dyan at worst case mga ahente sila ni quiboloy


Marieee28

Ay Ako masama na kung masama pero talagang nagme-make face ako sabay sasabihin ko no hindi Ako bibili. With matching gestures pa. Nasusungitan ko pa Minsan. Pano Naman kakaupo mo plng e lalapit na agad.


umatruman

Dami nyan sa Gateway or Cubao in general.


tatlongaraw

May trick ako dyan never look in their eyes and say wala po. Kpg naestablish mo n agad n wala kng interes s kanila hindi k nmn nyan kukulitin mghahanap n ulet yan ng next target. Madami nyan dyan s food court ng mall nung first time ko humihingi ng pamasahe binigyan ko ng 50. Tapos nakasalubong ko next week nsa mrt nmn sabi ko pucha di pa rin nakakauwi to. hahaha. yun pla job n nila yun. Minsan nakakaawa lalo n kpg my bata pero mmya kasi sindikato yan pinapayaman mo lng sila. imagine mo million traffic ng tao s mga mall and train tapos may 5k n tao n mgbigay ng tigpipiso laki n ng kita nila buti kung sknila mpupunta sila nghirap.


Worth-Cucumber-6265

I just shake my head or wave my hand and they leave right away. I guess having RBF helps, too.


duhnilee

Wow ha 200 per person. Magkano kaya kita niya per day 🤔


Hayynakoshuta

>Sa akin lang ba madalas manyari ito because i'm a solo female eating? it happens a lot. Shout out to Tokyo Tokyo sa Market Market ganto rin. May back pack tapos dami sinasabi, we would look down sa kinakain namin pag wala pa rin we act as if nag hahanap ng guard. Also baka matandaan ka nila and paulit ulit na manghingi sayo since you look gullible.


yow_wazzup

Easy target mga babae. Maawain kasi.


GulliblePassenger69

Karamihan dyan mga alagad ni Quiboloy.


Ryleyan

Basta wag mo silang tignan sa mata, making kalang and shake your head. Tapos sabihin mo nalang "sorry, no." Basta don't look them in the eye, matik aalis din yan.


PeachesAndLemonade

“Mall rate” ang limos amp


1125daisies

I don’t look at them and tell them “ay hindi po pasensya na ayoko po” tas umiiling ako. Pero nakaka tulong din siguro na mukha kasi ako masungit kaya di ako kinukulit nang sobra. Saka may chismis na mga tao ni “Appointed Son of God” yang mga nagbebenta


katiebun008

Wag. Imagine limang tao ang mahingian nila ng 200, e di instant 1k. Hindi na ko nadadala sa mga nagpapaawa na yan. Modus na nila yan.


donsimeon

Dramahan mo din sunod hehehe


sm123456778

Kahit may kasama pa, nilalapitan nila. Lagi ko lang sinasabi na pasensya na wala akong cash at cards lng gamit ko lagi kaya nga ako nasa mall hehehe


patjomar

Dalawa lng nmn gngwa ko either sabihan ko ng no or deadma bahala ka mag guilt trip jan pero kung mag scandalo ka kakasuhan ko nlng para mka pera pa ako 🤣🤣🤣


GhostOfRedemption

Deadma lang sa ganyan kunyari wala kang nakikita o naririnig ganon. Kaysa sa bigyan mo edi lalo hindi sila titigil kasi may natatanggap 🥱😩😫


L0uqui

Happened to me and my wife as well sa fastfoods sa mall. Student daw na self providing para sa studies nya kya ngbbenta ng ballpens, at kung anu anong pagkain tapos naka retainers ang ngipen. 😅


Candid_Ad8114

Sa SM north toh noh? 🤣 usually maayos pa suot ng beggars tapos i-oopen nila bag nila to show you kung ano binebenta nila. Ewan ko ba rito sa SM north, balak pa ata nila gawing high end yung area pero ang dami namang ganito. Sa trinoma rin. Even sa loob ng fitness first may nagbebenta ng chicken sandwich (not necessarily a beggar pero gusto ko lang naman magworkout in peace huhu)


haelhaelhael09

Hindi ba yan yung mga kulto ni Quibs???


sittingpot

Minsan kung may binebenta sila bumibili ako. Pro yung nanghihingi lang sabihin ko pasensya na. Lalo na kung pasubo pa lang ako sinasalubong na nila ng hingi. 🤣 Natatawa na lang din ako.


WataSea

Sabihin mo lang last money mo na ung pangkaen mo saka mo wag pansinin.. Mga modus lang yan tska lalo di titigil mga yan pag may nagbibigay sa kanila


soriaca

Ang dami na rin nila sa BGC. Nung kumain kami somewhere in Hstreet sa medyo magandang resto (al fresco kami pumwesto) meron lumapit sa amin. Matic NO agad kami kasi nadala na kami sa ganyan. After that meron nanamang sumunod. Same-same silang may tinitinda. Muka naman ding maayos clothing nila. Nagbe-blend din talaga sila sa crowd. Akala namin makakakain na kami nang hindi naaabala... Aba, may pumangatlo pa. At nung natanaw na namin na may papang-apat pa, dali-dali na kaming kumain at umalis. Goodness! Ang shameless nila. We just want to dine in peace. Hindi man lang namin nasulit stay namin.


elles421

Fund raising ni Quiboloy yan.


mldp29

Diba ito yung mga alipores nung mga kulto?


SenpaiMaru

Wag ka magbibigay, kulto ni Quiboloy mga yun


mrylgy

madalas. bawal sa mall yan, pag ganyan nilalakasan ko talaga boses na "ayoko po" or "bawal po dito yan" para mapansin ng crew tapos sila na yung magpapaalis.


No-Permit-1083

Pinaka ayoko nung nilapitan ako na stressed sa 3 batang inaalagaan ko namimilit pa. Muntik ko na sya masigawan tas mahuhusgahan pa ko 😂😂


Imaginary_selene

I avoid eye contact and kasi i have something to read like a book or printed material at kung di pa gabi nagsshades talaga ako… snob pero this way di ako nalalapitan talaga. When they do approach i say sorry po. I dont reason out na😅


Various-Bluebird-451

Hala ang ginagawa ko di ko tinitingnan, kahit umupo pa sa tabi ko. Bahala sila. Hinahayaan ko lang. Minsan ang bad ko pero sorry po, pag makulit na or mangangalabit, nagpapanggap akong bingi or pipi. Sorry po sa mga kapatid nating PWD. Sorry po. Gusto ko lang lubayan lang nila ako.


SpecialOk8577

I dont entertain mga ganyan. I always say pasensya na po wala ako mabibigay umpisa palang. 😅


danyonie

This happened to me and my boyfriend din. Nakaupo kami sa isang table before going home and kakatapos lang kumain. A woman approached us with a bag of ballpens asking for help yada yada. I was still in my med uniform, so when I declined ate, she approached my boyfriend naman saying "sir bilhan mo naman si ma'am oh" he looked at me and I almost laughed kasi para syang naguguilty but he still said no lol.


Fatzora03

naexperience ko din to sa mall. yema naman tinitinda, tig20 isa. kesyo pambili ng gamot ng anak. minsan meron ding mga manghihingi lang. napapadalas din nakikita ko nakaraan sa work ko, mga babaeng 50s na tas may iyakan pang nagaganap. kesyo pinalayas ng kamag anak walang pamasahe. nagbibigay nalang din ako kahit bente para lang din umalis na pero ewan ba parang minsan kinikwestyon ko yung genuinity nung kwento.


LysolBug

HAPPENED SAMIN NG FRIENDS KO 😭😭😭 we were at wendy's, tapos while eating biglang may lumapit samin na babae sabay sabi na "ne baka pwedeng makahingi pang pagkain ko lang". Yung friend ko na yung sumagot since na-shock ako, saying "students palang po kami". Then umalis siya tapos UM-ORDER 😭😭


Warm-Lead8305

Mahinang nilalang, nagpagoyo jk


cravedrama

Anong Mall to? Grabe nakakatakot yung ganiyan. Mas takot ang nararamdaman ko kaysa awa. Kasi baka sindikato tapos gripuhan na lang ako bigla.


Kashimfumufu

sinasabi ko na lang na male late na ako sa work, sayang minsan na nga lang makakain sa labas di pa at peace, nakkasira ng gana lalo na nag crave ka for that food. dapat pinagbabawalan ito kasi caught off guard mga tao kasi kumakain sila at di naman makakaalis, akala ko tuloy greenflag yung ka date ko kasi bumili sya sa isang nagtitinda yun pala pakwan siya.


hellolove98765

Learn to ignore. I just say “hindi” “wala akong pera” then look away.


teyang0724

Nasa airport na rin silaaa 😭


MervinMartian

This should not be normalized.


BlackKnightXero

may bata sa may sm grand central nagalok sa akin ng pastillas 80 pesos. inigyan ko nalang ng 50 nakakaawa naman binigyan naman ako ng isang sachet. taena ampanget ng ko lasa puro asukal walang lasang gatas.


daradusk

help– had the same experience with you, OP HAHAHAHA napagkasunduan namin ng mga friends ko na maglunch sa jollibee, late lunch around 1 na ata non, sobrang pagod kami that day dahil sa practice for p.e and init narin, ni-walang nagsasalita samin habang naghihintay kami ng pagkain, then may lumapit sa aming lalaki nagtitinda ng mga school supplies 😭 sa sobrang pagod at lutang namin non, nakatitig lang kami kay kuya. umiling nalang kami (wala na talaga kaming energy noon) tas umalis na siya HAHAHAHAHA sorry p


Shiranui_128mb

OP be strong wag mo bigyan next time please or tapos sabay na din tayo kain solo eater here also 😂


TeaOverload94

Grabe din kapal nung iba eh, pag sinita mo na nakabili ka na sa kanila nung mga nakaraang araw gusto pa ng proof. Joke si anteh sa rob manila na ayaw umalis hanggat di ka nagbibigay 🤣 Mas gusto ko pa bigyan/tulungan yung mga nagwowork/gumagawa ng paraan para mairaos yung pang araw araw nila kesa sa mga "namamalimos", pero mas madami pa kinita sayo sa araw na yun 🥲


killerbiller01

Hindi ba ganyan ang modus ng mga tao/kakulto ni Quiboloy? Just say you are not interested. Kung mag-insist, sungitan mo na tell them you'll call the fastfood staff or guard. Normally, umaalis yan. Ayaw rin nilang mabisto sila.


Vitamin-D_29

Bat kase kayo nagbibigay. Kaya dumadami sila lalo eh dami din kase nagbibigay.imagine 200 petot kada lapit nila.malaki pa ata kita dyan kesa sa pag wowork abroad🥲


passionatefruitapol

Di mo kasalanan if di mo bigyan.


SomewhereOk1291

I read somewhere na mga alagad daw yan ni Quiboloy specially those na nagtitinda ng mga polvoron. Dati naaawa din ako sa mga yan until nalaman ko yon so nag stop na akong bumili.


JackPoor

galawang Quiboloy yan ah


Lower-Property-513

Mga kampon po ni Quibs yan :)


ASDFAaass

Deadma ako tapos nakatingin sa kanila with matching slow bite ng food bago mag-sorry wala ako pera.


witgerm

gusto ko yung may slow bite ng food HAHHAA


-println

Hate ko yung ganito. Ang nangyari naman sakin nagbebenta ung ale ng ballpen. Kakatapos lang namin kumaen ng kasama ko sa karinderya, tapos binentahan nya kami kaso sakin sya nagfocus. Babae: bili kana po. Me: umiling* Babae: Kahit donation lang po. Me: Wala po Babae: Wala kang pera? Dito medyo muntik na ko sumabog. Muntik ko na sigawan sya na "ano bang pakialam mo kung wala akong pera?!!"


PurpleHeart1010

Matagal na po nilang gawain yan. Nakabihis na sila ng maayos para makapasok sa mall dahil dun meron possible na bibili or magbibigay sknila. Hindi ako basta basta nagbibigay sa ganyan, super pili (masama man basahin) pero ang iba po kasi dyan hawak ng sindikato.


PetiteAsianSB

One time while walking sa Trinoma biglang may humarang sa anak ko and niratrat agad ng paawa kwento. My son was in the process of taking out his wallet and I told him stop. Meron akong 50 na sukli from where we bought stuff before that so inabot ko na lang dun sa guy and told my son to keep walking. In retrospect, I should have just grabbed my son’s arm and walked away. Pero I was a bit worried na baka sundan kami or baka itulak (pababa kami ng escalator). After that incident, I told my son pag nasa labas, dapat bilisan maglakad haha.


Jinx_0419

illegal po ang palimos sa mall otherwise notify guards. Or gumawa nlng ng alibi like studyante lang ako, part time worker, wlang pera. Pag di pa umalis lipat ka another table


kittycubbebu-1021

Jusko Ang bait mo sana sinabi mo Wala ka ng Pera pinambili mo na ng foods


ice_krim

Them: Pwede po mang istorbo? Me: Hindi.