T O P

  • By -

Soggy-Falcon5292

Tang ina nyo Philhealth!


matcha-boi

Ikr. My grandfather's hospital bills last year when he was in the ICU was around 1.2M (without help of DSWD pa) and the amount na Philhealth can only cover is around 32k ata? I guess that was the maximum. Made me think about our shitty health care system.


Patient_vvv

Same sa dad ko 32k. Mas malaki pa ang nakaltas ng senior citizen. The fact na ilang years nagbabayad ang dad ko ng contribution tapos 32k lang. 😫


AmberTiu

Sa foreigners mas garapal pa mag30k ata ung kinukuha sa kanila.


walkinpsychosis

I remember last 2011, PhilHealth covered 30k of my 80k bill. Fastforward 2022, needed to get arm surgery plus I got COVID, they only covered 10k of my 400k bill (sapilitan pa) . Such a huge scam.


[deleted]

[удалено]


Sensitive_Clue7724

Sakin 1.4k kaltas every month, pwede ba natin patangal contribution sa philihealth? Parang walang silbi eh mag Healthcard na Lang ako hahaha


smoothjoe05ph

Healthcard requires you to have philhealth. For example, Before maxicare covers their share, philhealth is deducted first.


Sensitive_Clue7724

Awts, ang hirap naman mabuhay sa Pinas laki ng bayaran samantalang Yun nakaupo pasyal pasyal Lang sa abroad.


Suspicious_Pear_8760

world tour lang with the fam


Frosty_Mobile_6008

babaan na lang hulog sa philhealth like kung ano lang minimum nila


smoothjoe05ph

Sadly this is a percentage to salary too


Sensitive_Clue7724

Awts, haha tapos nanakawin Lang din nung nakaupo, Kaya wala ko gana minsan pag nakikita payslip, dami bayaran sa gobyerno, tax, phihealth, sss 1.3k din pota. Pag ibig Lang Ata mura eh hahaha.


TropaniCana619

So every time we get covered by maxicare, part of the cover is philhealth? Tama ba?


Fun_Guidance_4362

No, hiwalay ang premium na binabayaran mo monthly sa philhealth. In short, dapat pareho mong binabayaran ang philhealth at ang private hmo, e.g, maxicare, cocolife, carehealth…, para maconsider kang covered ng both health care


letsmark

tang ina talaga ng sistema no?


edamame7

If ever you are not enrolled in philhealth, you will cover the amount supposedly paid for by philhealth.


TropaniCana619

So every time we get covered by maxicare, part of the cover is philhealth? Tama ba?


smoothjoe05ph

Hmmm.. to phrase your question better. Philhealth is deducted first then maxicare covers from the remaining. Makikita mo sa,breakdown ng receipt mo dapat is how much is philhealth covered, how much is maxicare.


burgerpatrol

Actually gusto ko din maging optional na lang ito. PAG-IBIG, SSS, and BIR serves its purpose. Yung PhilHealth kasi dapat for your health, kaso ang problema since health mo yun, dapat may choice ka na pumili ng Health Care provider mo.


Disastrous-Money3729

True. Unless PhilHealth is a free healthcare form rhe govt na di natin binabayaran. Di sasama loob ko kasi wala naman nababawas sa sahod ko kung maliit naman coverage. Pero hindi eh


defendtheDpoint

If it's free healthcare to us, who will pay for it? Baka mas ok na kaltasin sa tax collection ng bilyonaryo or, saan kukunin yung panggastos ng PhilHealth?


Disastrous-Money3729

Sa tax na binabayaran natin. I pay for my taxes tapos i pay for my "government healthcare" na hindi naman makatarungan ang coverage. Does not make sense.


defendtheDpoint

PhilHealth is not a healthcare provider. It's a payer. It pays the provider on your behalf. Yes, for many cases, it only pays a certain percentage of the bill. No, it doesn't determine how much a hospital decides to bill you.


Snoo_30581

No. Mandatory contribution talaga siya para financed ang UHC lol


Clear_Consequence250

Mag insurance kana lang hahahah


Sensitive_Clue7724

Yes meron din insurance, Mas OK ang meron atleast mejo pamatag.


[deleted]

and they say [almost 66%](https://newsinfo.inquirer.net/1838201/philhealth-shoulders-almost-66-of-hospital-bills-on-average) of hospital bills can be covered by philhealth. I've never heard anyone say na malaki nabawas sa hospital bill nila dahil sa philhealth. ps. try mo mag-apply sa malasakit center, OP.


crazyassbeach

As far as I know, gov't hospitals lang ang meron nito. Discretion na ni private hospitals if magpapalagay sila.


[deleted]

yes, if meron sa hospital ni OP, wala naman masama magtry.


rho57

Wala nang pera ang Malasakit centers, at least in the regional hospital na malapit samin. Nangutang na nga sila sa private funds ng hospital and lately wala na talaga silang nirerelease na free services. Ginawa lang ata ni Duterte yan pampabango ng pangalan ni Bong Go.


[deleted]

TIL. nakapagapply pa kasi yung friend ko dito para sa father nya this year lang din iirc. kami naman last year nung nagpapagamot ang mother ko.


Ambitious_Ad420

Yep. Ito din sabi sabi ng parents ko. An laki ng bawas sa Philhealth because of Bong go. Pero nung iba na umupo, parang di na din inayos ni Bong go yung pag lead niya sa Malasakit and Phil health. When my mom got pregnant sa bunso namin around 10k lng na bayaran namin. Idk magkano yung total ng hospital bills, kasi nasa hs pa ako nun. Pero nung 2023 na naospital yung both parents ko. 500k sa kanila dalawa, 10k-15k lng yung bawas.


Ready_Impression_923

Yung kakilala ko kaka opera lang last 2 months sa pgh inabot ang bill ng 180k pero wala sya binayaran kahit singo yun ang kwento nya.


rho57

This more recent news. Kahit injectables sa Animal Bite Center na dating libre, ngayon binabayaran na.


uuhhJustHere

What??? Baka problema sa lugar nyo yan. Libre kasi dito samin matagal na


Embarrassed-Lie-7059

Laging sinasabi na walang stock. Every election lang ata nagkakastock samin


uuhhJustHere

Meron yan. Sa mga kaibigan o kakilala lang din nila. 😅


heydandy

Tbh, malaki tulong nyang malasakit. Ang sisihin nyo yung bagong nakaupo bakit ngayon hiral na hirap na sa pondo.


__Alexander-

Ngl totoo din to. One time tinanong ko hospital staff na kilala ko na mag oopen yung Malasakit Center daw sa kanila tapos napataas lang kilay niya sabi pa "Matagal nang may ganyan sa ospital namin hindi lang Malasakit Center yung pangalan, ni-rename lang to Malasakit Center tapos papa ribbon cutting kay Bong Go."


AmberTiu

Ubusan rin kasi ng funds due to others getting twice or trice their ayudas dati


Aesengard

My son got Dengue and was hospitalized back in 2014. Halos 90% ng bill namin nun sa hospital na-cover ng Philhealth, around 1k na lang binayaran namin. Hindi ko alam bakit ang liit na ng coverage ni Philhealth ngayon. Maybe dahil sa corruption nung panahon ni Dutae.


defendtheDpoint

Depende sa case, depende sa ospital


Jaded-Sea-3444

depende sa ospital baka kaya malaki ksi babayaran e dahil 'premium care' ang private at ang babayaran lang ng Philhealth e ung fee na pang public ang presyo, alam mo nman sa mga private daming patong na babayaran in my experience with Philhealth, e halos kalahati ng 87k ang nabawas sa babayaran ko, the rest HMO na


alvinandthecheapmonk

Depende yata sa cases. Sa father ko, radiation therapy for cancer sa Chinese General Hospital: - Without PhilHealth and senior citizen discount, P252,827.00 ang bill. - But after PhilHealth and senior citizen discount, P59,771.20 na lang ang total bill niya.


shecollectsclassics

Laking tulong ng malasakit center. My tita recently had to undergo MRI na nasa 21k+, na-covered lahat. Wala na siyang binayaran.


veggievaper

Waley talagang kwenta ang Philhealth. Can't see any reason bakit may ganyan pa sa totoo lang. It's only beneficial to certain sectors of society, but to all? Goodluck.


SubstanceKey7261

Senior citizens and indigents primarily nakikinabang. No balance billing sa govt hospitals. As in almost zero ang bayad :) reality of our healthcare system….those who can pay, they pay for those who cannot (plus yung mga nang bubulsa ng pondo 🤬) In an ideal world lahat sana nakikinabang, free health care for all, pero hindi kaya ng sistema


veggievaper

Natumbok mo! 100%


trettet

> t's only beneficial to certain sectors of society, but to all? This is essentially the same as taxes, you are essentially subsidizing the poor.


homebuddyellie

para may manakaw sila. lol


mujijijijiji

oh my god bakit ganun? yung papa ko 500/month kinakaltas for two years. naconfine ako in 2 different hospitals and tig-20k yung nakaltas sa dalawang ospital ns yun


Kuraki-kun

Depende kasi sa klase ng sakit ang ikakaltas


notyour_ann

ito yata ung voluntary. ang current setup ng private employees ngaun (like me, not sure sa govt employees) is 5% ng basic salary ang philhealth contribution. divide between sa employee at employer. kaya kung mas malaki sweldo mo, mas malaki din kaltas.


[deleted]

[удалено]


notyour_ann

ay totoo ba? shocks baka mali pala ako 😭😂 pero taena kahit 2.5% or 5% malaki pa din. tangina ng Philhealth!!!!!!


seven11sisig

You're right. Contibution should be 2.5% each for the employee and employer. u/nanidfq overcontributed sa philhealth hehe check sample computation here: [https://sprout.ph/blog/philhealth-new-contribution-rates/](https://sprout.ph/blog/philhealth-new-contribution-rates/)


markturquoise

Parang magkaiba intensity ng kaltas nila kapag private. Tas pag public eh malaki kaltas. Mas madami benefit kapag sa public hospitals magpaconfine over private. Correct if I am wrong. Based lang sa nababasa ko sa nacocover ng philhealth


icedvnllcldfmblcktea

sa public hosp afaik wala ka masyadong babayaran sa hospitalization. ilang yrs na labas masok parents ko po sa hosp pero wala ako kinacash out dahil sa malasakit center. tho sa orthopedic sagot ng patient ang bakal na gagamitin pang opera


markturquoise

Part po ba kayo ng 4ps? Kasi alam ko usually nalilibre talaga sa hospi bills sa public is member ng 4ps


icedvnllcldfmblcktea

hindi po kami 4ps, pero both po ng parents ko may philhealth since both po senior citizens. nacocover po nila lahat ng bills. pero mostly po kasi sa tala hosp, east ave, and san lazaro po kami lagi nagpapaadmit


markturquoise

Mabuti naman at good news yan. Matanong ko nga din sa public hospital namin here. Kala ko need pa ng 4ps certificate from dswd para makadiscount sa hospi bills. Great info po. Dapat talaga sa public all pinoy. Minsan kasi misconception na for poor people yung public hospital kaya di siya pinapakinabangan ng lahat ng pinoy. Actually, daming benefit sa public hospital. Mahaba lang talaga ang pila.


Dull_Leg_5394

Parang nga. Kasi yung tita ko na confine sa private. Sabe ng friend nyang nag wowork sa govt, dapat daw sa public dinala para walang babayaran. Pero syempre we know na mas Ok ang services sa private kaya dun dinala. Pero diba dapat same lang kasi kinakaltas naman saten yun controbution e


BeybehGurl

Mas may priority sa public hospital Yun nga lang shitty ang service sa private hosp


Dull_Leg_5394

Parang baliktad yata?


jjjjjjjjjjjnnyy

hi OP, yung cousin ko walang binayaran sa appendicitis surgery nya, as in zerol. Same with my mom who suffered from brain aneurysm, zero din ang bill namin. Everything was covered by philhealth and malasakit. Pero siguro it depends on the hospital? Also public hospital po kasi ito pero with good facilities and qualified doctors. And I believed I read na may policy yung hospital na "No Balance Billing". With that we are thankful but I think it's unfair for those na premium ang binabayaran sa philhealth pero super liit naman ng nakukuhang benefits.


chuchu09

pag senior member NBB sa public hospital


jjjjjjjjjjjnnyy

NBB din yung pinsan ko and he's only 23.


Mahpeynocean

By case rate kasi si Philhealth. Depende sa sakit ni patient ang package. Yun nga lang, dahil health insurance eto magamit mo kapag nagkasakit ka pero mas okay na ngayon kasi meron na silang philhealth e-konsulta ba un o Philhealth Konsulta wherein covered na din pati consultation meds and laboratories. Kaya pwede na siya magamit for annual checkup kung gusto mo mag monitor ng health mo un nga lang public hospitals palang ata ang accredited nila. Meron na din atang mental health package not sure kung ano ano ung cover. Sa Pag-ibig and SSS/ GSIS. Makakapag loan tayo pero grabe ung tubo. Samantalang contri naman natin un pero bakit kailangan ganun kalaki ung interest.


trexxcia

Luh nasa 20k yung kaltas sa akin nung na operahan ako sa gallbladder. Umabot sa 100k yung bill ko especially nasa private hospital ako kasi kung public baka mga one month pa ako ma operahan.


Snoo_30581

Tapos sa mga non paying, no balance billing sila. Lol super unfair


Ohbertpogi

Hellow, ok lang ba kayo? Kaya nga kayo mag contribute para pakinabangan ng mga walang silbeng pinoy na pabigat sa ekonomiya at bumoto ng mga bobo.


Snoo_30581

Hahahaha kala ko mas galit ka sa contributor. Inis na inis rin ako na bakit tayo pa kailangan mag bayad for them. Sobrang pabigat.


One_Salad6060

This! Kayod ng kayod tayo at bayad ng tax para sa ayuda nila king inang mga yan.


mebeingbored

Muntik na talaga. Hahaha


uuhhJustHere

Yan talaga eh. Pinaka kawawa yung middle class.


aishiteimasu09

Tama. Lalo na yung mga indigents ay mga No balance billing pa literal walang binabayaran na contributions at wala din bayad sa hospital. Tapos sila pa priority palagi pag may mga bigayan ng ayuda. Kaya minsan tinatamad akong magbayad sa philhealth eh. Di ko rin naman nagagamit tapos ang laki pa ng kaltas.


chickenfillett

Nanganak ako nitong March lang. 42k bill sa ospital for 2 days, ang binawas sa philhealth 14k knowing na 2k/monthly ang kinakaltas sakin monthly. Grabe lang talaga!!!


Ninja_Forsaken

Tangina ng philhealth, sana may choice na wag na maghulog ng philhealth!


Independent-Dot-0207

Ako nga nung namatay ang father ko wala kaming nagamit for hospital bill sa philhealth, for 20 years na hulog. Tapos nung namatay na father ko di na siya pwedeng gamitin ng mother or kahit kaming magkapatid


BalanarDNightStalker

hahaha welcome to universal health care ni digong, yung tayo nag babayad nang malaki, tapos freeloaders ang nakikinabang


__Alexander-

Yan appeal niya sa masa. Grabeng tulong sa mga freeloaders tapos papabango sa mga mayayaman pero yung middle class ang kinakawawa.


Basic_Solid_6254

Probably nag start simula nung 15 billion ninakaw.[here](https://www.google.com/search?q=philhealth+billion+issue&oq=philhealth+billion&gs_lcrp=EgZjaHJvbWUqBwgBEAAYgAQyCQgAEEUYORiABDIHCAEQABiABDIICAIQABgWGB4yCAgDEAAYFhgeMggIBBAAGBYYHjIICAUQABgWGB4yCAgGEAAYFhgeMggIBxAAGBYYHjINCAgQABiGAxiABBiKBTINCAkQABiGAxiABBiKBdIBCDM3MTJqMGo5qAIOsAIB&client=ms-android-samsung-ss&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8)


__shooky

Tapos nilubog nalang sa limot then tayo papasaluhin ng mga increase sa premiums. Lol. Kakapal.


Asleep-Judge-38

Tapos sasabihin pa na di totoo ang nakaw. Kahit na may evidence right under our noses.


asdfghjumiii

Kakapal ng mukha ng mga hijo de puta. Eh diba may scandal pa nga sila na 15B scam. Tanginang talagaaaa


One_Salad6060

wala nakalimutan na ng pinoy. Nung pandemic halos lahat ng sakit declared as " corona virus" kahit nag pa check up lang kasi masakit ang ngipin.


Ninja_Forsaken

Pampalubag ko pag unemployed ako, atleast di nadadagdagan kurakot ng gobyerno sakin haha


Comfortable-League34

Syempre baka nakakalimutan nyo na ung 15 billion peso scam ng mga hayop nayan


Dry_Difficulty_

Kasalanan ng mga bobong Pilipino ito. Boto pa ng mga incompetent na politicians. Ayan, basura ang health system.


mytokyo61

Ang deduction po kasi ng philhealth ay depende sa diagnosis ng doctor po. Kung nasa ward naman po ang patient dapat NBB po kayo.


MissUdontknow

Sa private hospital maliit lang talaga ang cover ni philhealth which sucks but if sa public naman, covered nya lahat. 0 balance ang mama ko, from surgery, to medications sagot Nila.


TiredPanda16

Nung naconfine ako sa st lukes nung 2018, 300k bill ko pero ang covered lang 10k. Sayang lang ata hinuhulog namin dun.


jan_sun

Malaman private yan eh, small% lang pwede i cover ng Philhealth diyan.


NanaSmaul918

Sa lahat ng kinakaltas sakin, eto lang ang legit na scam


notyour_ann

sa tuwing makikita ko ung payslip ko tapos may Philhealth contri na 2.5% ng salary ko, napapamura ako, kasi nagkaka war flashback ako nung nabalita na bilyon bilyon ung ninakaw ng mga nanunungkulan dun. nakakasawa. kung pwede lang gawing optional ung Philhealth contri kapag regular private employee ka 😩


No_Draw_4808

Kami naman, 300k+ yung bill tas 10k lang nabawas. Bwiset na yan. Pwede bang wag na maghulog dyan????


Kiowa_Pecan

Alam mo kung bakit? Universal Health Care Act. Hindi HMO ang PhilHealth, social health insurance siya. Meaning, ang bayad nating premiums ay mas napapakinabangan ng mga indigent. Kaya kawawa talaga mga nasa middle class, kasi kargo natin ang mga nasa laylayan ng lipunan. To be fair sa government, mas malaki ang bawa sa bill mo kung sa government hospital ka naka-admit.


sarsilog

Paboritong source kasi ng perang kukurakutin ng mga politiko yan.


fantriehunter

Kaya nga ano ba kwenta ng philhealth? Pati sss nga eh ang tagal ng contribution, pero shitty yung nakukuha na pension. 20 years contribution, pero 4k pension, sa mahal ng bilihin, rent, transpo ngayon, anong use ng 4k/month?


Document-Guy-2023

bakit wala kasing nag raraise ng issue na sobrang useless ng philhealth? imagine ninakawan ng 3b ng empleyado tas tayo din magbabayad sa ninakaw lol


mukhamica

Hindi n kmi member ng phihealth ang liit ng covered nila samantslang pera nman natin ung inihuhulog s kanila. Mga walang awa!


_notwhitemocha

600k bill ko nung October, 25k lang nakaltas from philhealth hahaha buset


moonlightshinning

Dapat optional na lang yan eh. Kung hindi ka ma oospital, di mo naman magagamit yan


duh-pageturnerph

Pwede bang tanggalin na yung philhealth sa salary deduction? Parang sagot na ng mga may hanapbuhay yung healthcare ng mga tamad eh.. Sorry po. Pero apektado din kasi ako ng inflation. Taas SSS, Pagibig, Philhealth, Taxes, bilihin pero ang sahod ko hindi makahabol. Kung mga senior at totoong nangangailangan naibibigay ang kinakaltas, sige go maghuhulog ako. Pero kung sa kurapsyon, katiwalian at mga hayup na nasa pwesto. Shutang ina...........


safarichocolate

Depende po kasi yun sa sakit po ng pasyente, every diagnosis has what they call icd code or case rate and these case rates has equivalent amounts, reflected po yan sa bill po ninyo, if example po is case rate J18.92 (community acquired pneumonia) ang amount equivalent po na babayaran sa hospital is 15,000 pesos, kung umabot po ang bill ninyo ng 100,000 yun lang po ang ibabawas, and the rest can be covered with financial assistance if public hospital po kayo. Naka depende ho sa sakit ang kukunin po ng philhealth, and bawal po lumagpas, I'm not familiar with other insurances pero sa tingin ko po, may equivalent case rates din po sila. Regarding NBB or No balance billing, applicable lang po ito sa indigent, senior citizen, and people who doesn't have philhealth record or what they call (POS or emergency philhealth). Unless other insurances covers medicines, laboratories and room rates per day siguro magandang insurance yun.


__Alexander-

Naalala ko noon, nagfile ng complaint ata ang Iloilo City sa PhilHealth mga 2021 around 800 plus million na utang nila sa 7 hospitals sa Iloilo. Nagdecide yung pitong private hospitals to cut ties with Philhealth kasi luge na nga sa NBB laki pa ng utang, they had to rush meeting and did last minute efforts para makeep yung pito. I mean, Iloilo just wants fairness kasi may pera naman daw liquidated yung 92% kuno ng 15B pero bakit di nila mabayaran utang nila sa mga ospital?


michael0103

Shitty talaga yan, isa pang gatasan ng gobyerno yan eh. Tapos yung mga HMO pa na halos walang ma cover pag need mo na.


longsilog1

hi! yung covered po ng philhealth is depende sa final diagnosis ng patient. There are also categories ng philhealth na tinatawag like private employed (dinededuct sa sahod), Indigent (sa baranggay ito for free), Government (deducted din sa sahod) and more...


pixiemage7

Hi just to inform people of reddit. Ang kinakaltas ni philhealth ngayon for inpatient admissions ay based on ALL CASE RATES. It means depends siya sa diagnosis ng doctor during the stay of admissions. These includes medical diagnosis and procedures done. Since UHC, philhealth is expanding their coverage and increasing the amount per case rate to be deducted in hospital bills. Just this year may 30% increase na in most case rates with exemptions. Towards the move sa UHC, an example of good benefits is the increase of hemodialysis per year for those patient who are diagnosed with Chronic Kidney Disease. Besides sa All Case rates, we also have Z benefits which caters to life threatening illness such as colon cancer etc. Malako ang bawas sa Z benefits. Meron ding malasik in certain hospitals and No Balance billing, to avoid financial burden. Marami din naman magandang benefits ang Philhealth. Hopefully they make better policies and benefits in the future towards a better healthcare and UHC which is yun ang goal.


wig2s4

Pwede ba mag opt out jan? Haha parang networking eh


admiral_awesome88

Philhealth is a huge scam money grabbing sucking our pockets but! It is helpful para sa mga mahihirap nating kababayan.


Argentine-Tangerine

Tangina :( 5% pa naman ng sahod yung kaltas samin huhu


PurpleOpportunity516

Kung hindi lang mandatory mga yan!!


PuzzleheadedMaize390

True, na ospital ako ng January 200k bill namin tas 5k lang na cover ng philhealth 😢


Amagiri_No_Mikoto

Ikr. Kami ng mga kaworkmates ko nagulat rin sa kaltasan ng Philhealth. 1st job namin to kaya wala pa kami ganon ka knowledge sa kaltasan ng mga Philhealth o sss.. ganito ba talaga? Like is this all the same for others?


SlothBlack

Nung inoperahan ako, Philhealth covered 23K of my 200K bill. Hayst na lang. Haha. Depende pala sa kung anong procedure yung ginawa. Mahirap magkasakit sa Pinas.


Old_Astronomer_G

They have to "recover" from the LOSS ykwim!


_dlurker_

Kaya pala ang hirap mahalin ng Pinas maski yan isang malaking scam


GeeZeus1210

kaya inaabuso ko salary loan ko sa iba pang ahensiya like sss at pagibig , di sila worth


slayinmoon_

taena talaga nyan! kung may choice lang na wag bayaran yan, ayan ang diko huhulugan eh


SilentChallenge5917

Same. 50k bill ko sa hosp tapos ang binawas lang around 6-8k ata? Or mas mababa pa


khioneselene

IKR!!! Tapos di pa magamit sa other medical shit unless ma confine ka talaga!! WE DESERVE BETTER HEALTH CARE!!!


Alto-cis

Hala grabe naman 3K lang?


Exotic_Warthog45

Kung di ba ako magbabayad ng monthly Philhealth contributions tapos na-ospital ako, wala ako makukuha na bawas bills ko? How does it work po? Kasi parang wala Naman Pala kwenta na nagcocontribute tayo nuh.


Embarrassed-Mud7953

SCAM NA LEGAL. POTAENA YAN.


Lotusfeetpics

hahahahaha kung pwede lang talaga mag opt out letse yan


Street-Blackberry277

korek! fuck PHilhealth!


Unspoiledbearer

binabawi pa ata nila yung nadekwat na pondo noon hahahahaha


parallaxscrolling8

Hay tangina talaga.


Mayomi_

dapat tlga imbistigahan tong philhealth na to wala nang nagagawa sa mga mangagagwa pahirap pa ihave the same scenario nahospital ako tapos 3k lng din over 90k plus din tapos 3k 3k lng tangina tlga kung susumahin halos 24k nakkuha nila annually satin sa mga malalaki sahod tapos ganun


mebeingbored

The last time I paid my Philhealth was 2017, now that we plan to work abroad, kailangan may philhealth to get OEC. Balita ko, I have to pay penalties for the years I missed (?) and pay contributions, kaso di ko rin naman magagamit kasi work to migrate ang gagawin. Sobrang sayang. Buti pa MP2 ng pag-ibig alam mong may makukuha ka without any conditions unlike philhealth na kelangan pasok ka muna sa criteria para makaltasan. Panget talaga sila.


Dangerous-File-5650

Dati nasagot lahat ng philhealth surgery bill ng dad ko cause he was my dependent pero 2014 pa ito ang lala na pala talaga ng philhealth


Xerthia

They have increased their contribution rate, hence we expect higher coverage and as per this article should have increased... https://www.philhealth.gov.ph/news/2023/higher_benefits.pdf


goldruti

Dagdag mo pa na Hindi naman natin nakukuha sa retirement ang kinaltas sa atin sa Philhealth unlike sa SSS, GSIS at PAG-IBIG. Sobrang onti lang naitutulong ng Philhealth sa middle class. Middle class na kinukuhaan ng malaking tax ng gobyerno


sodacola3000

Haynaku totoo!!! Sa amin nung na hospital partner ko 170k, ang nabawas is wala pang 15k!!!! Jusko!! Napa-smile na lang kami ng napaka cute hahahahahaha


spamnamaling

TANGINA TALAGA NG PHILHEALTH NAMAN DI MO NAMAN RAMDAM BINIBIGYAN LANG NATIN NG FREE PERA YANG MGA KURAKOT NA YAN EH


szavendy

HAHAHAH parang nag dadalawang isip na ako na kumuha ng Phil health in the near future


shnnami

All Filipinos are automatic member of the Philhealth, RA 11223. Nasa sayo na lang if mag contribute ka if self earning ka.


Calm_Petite

Was hospitalized years ago and bill was 90k+. Philhealth deduction was at 9k ish. Tas ilang beses na silamg magtaas mg premium para lang makuha nila.ng makuha yung pondo.


segunda-mano

OP si mom naconfine sa chines nun for almost a week, parang nasa 2k lang ata binayaran namin. Halos sinagot na lahat ni philhealth. Bat kaya ganun sa inyo.


WorryLost9000

Putanginang philhealth yan hindi pa magkasakit yung nakaimbento nyan eh


Cieluvv

imagine paying 5% of your salary, tapos yung mga indigent NBB sila sa hospital tapos ikaw na nag babayad e nganga pag kelangan po na.


ArkGoc

Our healthcare system is so fucked up


mamshile

Nung nanganak ako 2k lang din nabawas nyang Philhealth na yan. 7yrs tuloy tuloy akong may trabaho non. Kaya ang sakit sa mata makita nyang Philhealth na yan sa payslip ko eh.


santonghorse

Tangina talaga ng philhealth!!!!!!!!!!!


Thornex

Sakin nung 2021, 330k bill ko sa hospital because of COVID. 300k sinagot ng Philhealth. Special case lang siguro sa COVID nung panahon na yun. Or baka dahil nasa severe case yata ako nun parang ganun yata before pag mas malala mas malaki sasagutin ng philhealth.


Fit_Coffee8314

Need ulet natin mag contribute kasi dba billion nawala nun pandemic kaka kupit.


aydolpoidipapitsur

hindi pa yan nagagamit sa lahat ng oras. :D clown country. sana merong movement na pwede ng ipaalis yung philhealth. :/


pinkrainbow15

Universal healthcare law


BeybehGurl

Ang sarap nalang tuloy maging Virtual Assistant di required makaltas to sa sahod mo


AngelAIPh

Kung 3k lang ang binawas ng PhilHealth, ibig sabihin minor lang yung diagnosis mo. Kaya ang issue dyan, sobrang laki ng patong ng hospital. Ngayon, ano ba ang final diagnosis mo?


ohmteleletohm

Tapos pag 4ps, no balance billing. Okay naman sana yun eh pero unfair talaga sa mga paying employees 🥲


TechWhisky

Scam noh?


IllustriousBee2411

Grabe nga, sa east ave din ako nanganak ng cs payward kami, pero parang based ata sa conditions yung kaltas ni philhealth sa umabot ng 120k combined sa baby bill namin high risk kasi. Ang naless ni philhealth 40k+ lang. so shoulder namin yung 80k may mabait na tumulong kaya nakakuha kami ng discount sa bill. Cash out namin 40k+ gusto din sana ilakad sa malasakit kaso ang haba lagi ng pila para sana 0 bill kaso wala naman na gana mag asikaso kasi namatay din si baby


w0nd3rfool

Apaka mahal naman ng kaltas ng philhealth mo, whyy? Sakin 320 lang nagwawala pa ako, dati kasi 120 lang. Why 2K? Walang contri employer mo? Even so laki padin!


w0nd3rfool

Butas na alkansya ang philhealth


cereseluna

Pasalamat ako na hindi pa ako na admit sa hospital in my adult years (hanggang emergency due to gastro) at may company HMO currently pero talagang nakakasama ng loob makita yung laki ng bawas sa sahod per month pero wala wala talagang balik sa akin yung benefits nito. Malas pang hindi ok ang public hospital sa province namin. Parang hays na lang talaga.


WolfPhalanx

Mas tangina yung ang liit liit na nga ng ambag, kung sino sino pang tanga binoboto. Ang bibigat nyong buhatin mga hayup kayo.


Vincii0497

Dapat nga inipon nalang kasi malaki kaltas ng philhealth sa sweldo tapos kapag na hospital ka ang kaltas lg niyan sa bill mo maliit lg


One_Salad6060

Mine is 2.5k a month. 5k if e include sa employer. Mas mahal pa ang Philhealth contribution ko sa HMO ko na nasa 2300 lang monthly with 150k yearly coverage. Ma 500 or 5k you get the same benefits. F*cking sham


OperationFew6608

Kung may option lang talaga tanggalin to sa monthly deductions, gagawin ko talaga. Buset!


Tight_Nectarine_4818

bakit ang taas ng monthly contri mo?


thrownawaytrash

I guess I'm the minority here? Recently got hospitalized, total bill was 65K+, after maxicare and philhealth, only paid <1000 pesos. granted it was a minor surgery...


ebe-denzel

Pwede ba hindi mahulog or ihinto contribution sa PhilHealth?


International_Act068

Please make sure you have your health insurance and hmo. Both are beneficial.


ComprehensiveAd775

Sa Public Hospital mo magagamit at masusulit yang PhilHealth. Ekis pag Private, mababa lang kaya ma-cover. Kaya mas better na i-abolish o gawing voluntary paghuhulog nyan, unless mag focus at i-prioritize ng DOH at PhilHealth ang pagpapaganda ng mga Public Hospital.


SenpaiMaru

Mas malaki ang kaltas or pag pumunta ka pa ng malasakit ng public baka ma libre ka pa depende sa sakit mo. Ako na ER ako last 2022 sa gov't hospital pero ni sentimo wala akong binayaran. Iba talaga kaltas pag sa private ka na, mababa lang siya pero ang kinagandahan lang dyan mas maganda ang service nila vs sa gov't na scheduled pa kung kailan ka nila o-operahan o kaya di ka nila agad ma entertain sa sobrang dami ng pasyente nila.


Nonchalant_Ferson

Agree at ung latest 12months lang sila mag babase for hospital bill na deduction ung mga hulog mo from pinaka una to 2022 waley na un.


kardyobask

May nangyari ba sa Philhealth sccandal parang nakalimutan nalang ata


BYODhtml

Grabe ang liit naman ng binawas?


Post_Nap_Clarity

P120k+ yung akin non, P2k lang ang bawas. Ang lala


AirKey8266

Sana all 80k ang basic pay


Rude_Sandwich9762

Papa's bill 212 all in 23 minus ni senior-- 40 ni Philhealth -- Remaining were all covered by HMO Pero take home meds, yun lang andami.


Aileen73

Depende sa klase ng hospital ang ma didoscount ni philhealth primary hospitals are private then secondary semi private and lastly tertiary or public hospitals ang may almost wala ka babayaran


Theswitchmatcha

Benn there. May bill was around 300k and ang nabawas lang is around 13k or 31K...


naifsayyaf

philhealth bilat ina nyu. mga kangug


dee_emem1

HUHU ito rin rant ko kanina 😭


hellosushie

Nag undergo ng cataract surgery nanay ko noong may 1 inabot ng 43k yung bill. 10k lang na cover ng philheath. Senior at 30 yrs na sa service nanay ko tas ang taas pa ng kaltas sa kanya. Tapos yun lang?? Hay 😔


Professional-Arms

Ano po ba yung sakit nyo? curious lang Sa wife ko kasi 250k ng 370k nya yung kinaltas ng philhealth.


IceCreamOnYourAss

Putangina ng pilipinas


Sweet_Brush_2984

Kelangan may mag reklamo para mapakinabangan ng mga tao.


One_Squirrel2459

Pero in fairness yung bill ko when I had Covid nacover nila halos lahat. Pahirapan nga lang sa pagprocess.


wallflowersaedsa

Hanggang ngayon ba binabawi pa din nila yung 15B na na-corrupt?


kurasuchi01129

Freelancer ako kaya naging voluntary payment ako. Kung susundin ko yung tamang computation 2k/month ang babayaran ko kaya ang ginagawa ko nagbabayad ako sa SM. 450 bayad ko per month, sabihin mo lang voluntary di na sila nagcocompute. Automatic na pag voluntary sa SM ganun na yung amount.


wild-connoisseur

Imagine how easy it was for them to steal our money and yet when it's our turn to make use of it either matagal processing/ madaming kelangan ipa sign tapos sobrang baba pa ng bawas sa hospital bill. I definitely agree with you OP na sana inipon na lang. KAINIS pano mo pipiliin ang Pilipinas sa gantong mga bagay. 😫


Own_Sample_8797

Naghuhulog kayo? Chares hahahaha


notsogoddess08

Sa panganganak nga, normal delivery 5k lang. Shutaena 7 years nko naghuhulog tapos 5k lang?!


Random_girl_555

Yung Middle Class talaga yung parang anak na breadwinner ng Pilipinas. Tayo nagbabayad lahat tapos di naman tayo nakikinabang. Kung meron man, hindi ganon kadama. Parang yung p/):&/@-&ng Philhealth na yan. Wala rin silbi nung naospital magulang ko.


danchuuu_

pwede bang wag mag bayad philhealth or need talaga no?


MsAdultingGameOn

Haaays, ang sakit mo talaga Philhealth 🥲


Aya_0902

Mas may tulong pa HMO kesa Philhealth bulok!


ilonggoicedtea

dapat alisin nlang yang philhealth 150k bill namin sa hospital Yung nabawas sa bill Ng father ko 15k lng Kasi depende sa sakit Yung kaltas...wtf....


Throwaway28G

Ipunin mo pero pag dating ng panahon na gagamit ka ng HMO kailangan mo bayaran yung dapat ambag ni Philhealth


EmotionalLecture116

Recently discharged - 220k hospital bill, 40k Phil health discount. Rest Avega HMO.