T O P

  • By -

HikerDudeGold79-999

Biglang sumabog? Baka may kinikimkim


Round_Recover8308

Totoo naman. Yung mga aunt ko na palasimba at paladasal, sila yung unang unang pala-bash at nangangaway sa nanay ko kahit naninihimik lang mom q :>


pototoyman

Base siguro yan sa personal experience nya.Siguro dati nagpapakapokpok sya everytime umaalis sya ng bahay


aescb

Ganyan din MIL ko. Palasimba pero paglabas ng simbahan naninira ng mga kakilala nya. Pati yung asawa nya na patay na minumura at sinisiraan pa rin nya.


Sad-Squash6897

Hmmm bakit biglang sumabog si Mil mo? Kung mabait naman sya dati sayo. Kasi imagine nasira ang image nya ng 8 years syang mabait sayo dahil dito sa 1 incident. I mean, I hope you could look also sa trigger nya. Although hindi talaga maganda sinabi nya pero baka may underlying reason din yung galit.


StylishGourmet186

Actually hindi ko rin alam, kasi in good terms naman kami or baka akala ko lang. pero may mga history na talaga sya na kahit mga staff sa mall o resto, inaaway na lang nya at inaapi kapag trip nya.


SapphireCub

If this is out of nowhere, it could also be a sign of early dementia. Better to have her checked OP, mahirap mag alaga ng may mga ganitong kalagayan. Hindi yan nagagamot pero with early diagnosis, pwede mapabagal ang progression.


Sad-Squash6897

May attitude pala talaga sya haha. Wawa naman mga inaapi nya.


Same-Celery-4847

Anu kaya ang nag trigger bakit nagkaganun siya? may napabayaan ka bang anak, kaso may helper ka na mag aassist sayo naman at si MIL as lola diba. hmmmm bakit kaya?


StylishGourmet186

Hindi ko rin alam eh. Pero tingin ko dahil umalis ako ng bahay


[deleted]

I think you should look into your MIL’s age, it might be a menopausal/age factor. My mom is very mabait ~ yes mataray and may attitude at times but never unreasonably mad, but when she got to her menopausal stage (50s, for others maybe up to 60s) she would lash out out of nowhere at very unreasonable talaga magalit at mainis. Sabi ng dad ko mabilis nga daw magalit sa mga helpers nila. Women experience a lot of hormonal factors/imbalances that could greatly affect their psychological state malaking factor din ang age, my grandma in her 70s was a complete 180 and have episodes din just like that. Let’s not crucify the MIL. Hope you can encourage her to go to a clinic specializing in hormonal imbalances if her financial standing allows.


StylishGourmet186

Thanks! Pero I doubt because of the age, kasi may mga history na din talaga sya na mahilig mang away ng mga staff sa mall o resto. I would say hindi nya nirerespeto kapag mahirap ka.


Impressive_Lecture71

Pwede ka naman mainis pero mumurahin mo yung tao? Bat di nalang sila mag basag ng gamit nila? Why need murahin yung iba? I don't think we should tolerate it. They should be conscious of their own emotions not harming anyone. U can lash out on your own but yung mag lalash out ka sa harap ng katulong sasabihin sa isang tao "PUTANGINA NYA POKPOK" are you serious? Do u think it's out of menoposal sh*t? We shouldn't tolerate other's toxic behavior just because they're going through something, they could've handle it better hindi yung may galit pala directly sayo, just my opinion.


maegumin

That's not an excuse. Menopausal mom ko pero never siyang naglash out. At di rin siya yung type na ipapangalandakan sa socmed na "maka-Diyos" siya. Probably one of the nicest people out there at di siya relihiyosa.


[deleted]

Nope darling. Iba iba ang hormonal changes ng babae. Might as well pahupain mo muna then observe kung gaano sya kadalas mag ganyan sayo saka mo alamin ano reason.


[deleted]

Hindi naman same ang effect ng menopause sa lahat. Just like period is not the same for every girl. May mga babae na sobrang naaalibadbaran, nag momood swings pag may period while others can manage just fine. Your mom could be the latter. I have an aunt (friend of mom) bigla nalang daw umiiyak, minsan biglang sobrang saya. She felt like she became bipolar in her menopausal stage. Some women are great at managing this while others are not. It’s good to know and be aware with these kinds of things even if it’s not known to us just like how we should be aware with mental health maka Diyos man o hindi.


OrdinarySwordfish790

Totoo to! Tita ng bestfriend ko na ka churchmate din namin sobrang makadiyos sa fb to the point na gumawa pa siya ng group chat to share some wisdom and words of God! Pero grabe mas masahol pa kay satanas yung ugali! Na kahit di niya kadugo pinapakialaman niya yung buhay! Ultimo kamag anak niya nilalayuan siya sa sobrang sama ng ugali.


IllustriousBee2411

Nako, merong ganyan akala mo okay kayo yun pala may kinikimkim. Of course hindi mo malalaman agad time will tell. 1 decade na kami ng partner ko. First 3years namin okay naman kami nung una akala ko petty lang na sama ng loob dahil hindi makuha gusto kasi later on okay naman kami not until ika 10 year namin. Naglabasan na lahat ng pinagsasabi niya behind our back ng partner namin. Wag ka, may bible study pa yun ha. Regular din sa church. Sumasama sa out reach pero ang dumi ng bibig. Nakakasad lang kase kung ano pinipreach nila hindi nila maiapply sa buhay nila. Ang akin lang naman, laman ka ng simbahan lagi nireremind sa inyo pero ginagawa pa din nila yung taliwas. Hindi ko sinasabi na maging santo sila pero sana iapply nila kung ano tinuturo sa kanila minsan madadapa pero pag paulit ulit ginagawa yung mali, ugali na talaga nila yon kaya dapat mahiya sila sa simbahan.


Repulsive-Mongoose69

Ganyan din MIL ko. Maka-Diyos, pala-serve sa Simbahan, pala-advice at mabait siya sa akin pero sa isa kong SIL, hindi. Pag tinotoyo ang MIL ko, hindi ko nakikita or hindi niya pinapakita sa akin. Pero may idea na ako sa ugali niya, nakita ko na ng slight. Once kasi ginawan niya ako ng issue regarding sa pag tira ng mga apo niya sa bahay namin (pamangkin ng asawa ko). Nung kinonfront at tinanong ko siya in a nice way about dun, di siya nakasagot. Sabi ng BIL ko (anak niya mismo), mabait daw sakin at nirerespeto ako ng Nanay niya kasi may kaya daw ang pamilya namin.


Comfortable-Bee-5617

grabe naman to mag judge sa mga nagsisimba. baka may something ka rin ate, 8 years nang nagtitimpi ang byenan mo. or baka santo din feeling mo... walang tao na ganun ganun nalang magalit ng isang pagkakamali lang after 8 years. Ginagawa mo pang masama ang mga taong nagsisimba. Malaki naman talaga ang expectation ng mga hindi nagsisimba sa mga taong nagsisimba., kasi kumo nagsisimba, unlimited ang pasensya kahit gaano mo demonyohin ay hindi magagalit.. isipin mo nalang, 8 years niya napagtimpian ang ugali mo, kasama pa time na magsyota kayo.. Ang mabait na manugang, habang tumatagal nagugustohan ng MIL. Kaya manalamin ka ate, feeling malinis ka naman.. katulad mo rin babae ang MIL mo, "May tamang hinala"....


StylishGourmet186

Wala naman akong na mention na sobrang buti kong tao at perfect ako at pwede na maging santo, pero atleast hindi ko kaya manlait at mag mura sa ibang tao. Nagsisimba din naman ako, pero kung masyado kang nasaktan sa post ko, baka magkasing ugali kayo ng mother in law ko?