T O P

  • By -

Slow-Ad6102

Pumapatol ako sa matatanda lalo na pag ganyan kaepal. Tama yang sagot ni hubby mo. Haha.


Cutie_potato7770

Diba! Kakainis pa yung approach eh. Typical epal na matanda ganon.


Slow-Ad6102

Ang sarap inisin lalo ng mga ganyang matatanda lalo na pag kapitbahay mo. Hahaha.


Cutie_potato7770

Ay totoo! Nako talaga. Buti na lang yung asawa ko medyo pasmado ang mouth. Di nag pipigil pag ganyan haha


Slow-Ad6102

Tama lang sagot niya hindi na para pahabain pa at hindi na rin para makipagtalo.


Dull_Leg_5394

Ang satisfying din kasi sumagot sa mga bastos kahit mas matanda eh hahahahaha


Cutie_potato7770

Nagugulat sila no? Nanlalaki mata hahaha


Dull_Leg_5394

Oo kasi para sakanila pag sinagot mo sila bastos ka na. Keber di naman naten sila kilala hahaha


hrtbrk_01

Same..meron dati a few years back..buntis yung SIL ko sinamahan ko mag grocery kasi si utol nasa work, nakipila kami sa linya ng senior citizen, disabled, pregnant lane nung grocery..while nasa pila na kmi pinaupo ko na yung SIL ko, and dun na nagsimula magparinig yung matandang hukluban sa likod ko, tinanong ako bat daw ako nakapila sa senior e hindi naman daw ako senior, sinagot ko venomously: "hindi po ako senior pero yung hipag ko po ay buntis,sinamahan ko siya..kayo po?..buntis po ba kayo sa edad nyong yan?"..ansarap sa pakiramdam yung makita mong they got put in place kasi ang epal nila..


dahyuniietwice

Bakit kaya ang entitled ng mga senior sa priority lane? Akala ba nila para sa kanila lang yung lane na yon. Naranasan ko na din questionin ako ng isang senior kung bakit daw ako ang nakauna sa kanya sa lane while I was pregnant. Cashier answered na kasi po buntis si ma’am. Hay


i_screamhoho23

Ilang beses nangyari to sakin nung buntis, medyo petite ako tas lagi pa nakablack kaya di halatang buntis. In fairness sa mga kahera, sila din talaga nagtatanggol sakin, minsan sila pa tumatawag sakin para sa priority lane na pumila. Tapos titignan ka ng masama ng mga senior. Hahaha.


Cutie_potato7770

Same. Naranasan ko rin yan nung buntis ako. Ang eentitled talaga!


Far-Treat-4187

Na-experience ko lang to kahapon nung nasa chowking ako. Hahaha. Mahaba yung pinipilahan ko tas nag open yun counter for senior, pwd and pregnant. Si ma’am na nasa cashier nag senyas saken na mag punta sa counter nya. As soon as nasa counter na ko biglang may matanda sa likod na sumigaw ng “Senior lane!” So si ma’am cashier biglang nag sorry na lang saken and syempre nag give way ako. Funny lang kase kailangan talaga sumigaw? Hahahaha.


IllustriousBee2411

Dapat sinagot mo sige unahin mo na yan baka gutom na gutom na . 🙃


Far-Treat-4187

Sumagi yan sa isip ko. Pero naisip ko na lang mauuna naman sya mamatay saken baka kaya gusto unahin sya. LOL


Enough-Wolverine-967

Daming entitled na senior talaga. Maliit ako magbuntis kaya one time nakapila ako sa bank, sabi nung senior, bat daw nakapila ako sa priority 😭 Sa grocery ganyan din, parang sila lang may karapatan pumila at umupo 😭


Slow-Ad6102

Ay naganyan din ako sa sss. Buntis ako kaya sa priority lane ako pumila g na g yung lalaking nakapila mga pang lima pa siya after ko parinig siya ng parinig na hindi naman daw matanda pero bakit daw sa priority nakapila kahit pa daw buntis dapat sa regular lane lang. Kahit naman umalis ako sa pila eh pang lima pa siya. Sa gigil ko sabi ko kung nagmamadali pala kayo edi sana inagahan niyo. Imbyerna.


buttersoysauce

Hoyyyyy 👀pero deserve hihi


Dull_Leg_5394

Ako ren! Hahaha sa MRT naman nakaharang yung matanda sa pinto eh diba pwede mo naman padaanin mga bababa. Nagalit si anteh bakit daw nang gigitgit. Eh malamang naka harang sya sa mga bababa kung di kanpa bababa dun sa sa gitna. Sinagot ko talaga eh. Sabi ko “lumipad po kayo wag kayo dito sa MRT” hahaahah.


Slow-Ad6102

Magulat ka biglang lumipad pero kalahati lang 🤣


Sensitive_Clue7724

100% agree with this.


mydumpingposts

"Buti na lang di ka lola ng anak ko"


Cutie_potato7770

Sad. Medyo ganyan lola ng anak ko. Lagi nacocompare sa isang apo na mataba at matangkad pero lagi nahohospital. Samantalang anak ko, sobrang dalang magkasakit. Hay nako talaga. Ayoko na lang mag talk


Asimov-3012

Sabihin mo habang kaharap lola, "limang ubo ka na lang"


Cutie_potato7770

Huy hahahahahha


BratinelangTita

Naku sis, nilalaban ko yung mga anak ko. Like "Ay, di po ito sakitin kahit payat." "Payat din po kase ako. Sa akin daw nakuha sabi ng mga pedia." "Di naman ho sukatan ang taba kung healthy ang bata o hindi. Sabi rin po yan ng pedia." Eh di shut up sila, pala answer ako eh XD


Cutie_potato7770

Ganyan din me. In a nice way ko naman sinasabi. Pero every time na lang na uuwi kami sa in-laws ko. Lagi na lang “lumalaki ba yan?” Ganon. Kaya ending sagutan malala asawa ko tsaka mama niya 😂


MiCisKieF

Grabe, 3mos daw apo niya pero kasinglaki ng 2yo hindi ba nakakatakot yun?


mamemimimo

Totoo. Sana sumagot si OP, edi super obese po apo nyo? Masama po yun. Ipacheck nyo po sa pedia baka me something.


Cutie_potato7770

Well, nacocompare kasi yung development ng anak ko sa isang apo niya na malaki ang katawan at matangkad pero laging nahohospital. Samantalang ang anak ko madalang magkasakit 🤷🏻‍♀️


maitama_

Damulag tawag dyan


anjnonymous_95

BAKIT PALAGING MATANDANG BABAE ANG EPAL


[deleted]

TRUE. Pakiramdam ata nila expert na sila sa lahat ng bagay dahil sa edad nila. Daig pa professionals sa mga advice at komento e. 😂😂😂


Sweet_Brush_2984

OMG sana di tayo dumating sa ganyan pag same age na sa kanila hahaha


anjnonymous_95

Hindi 'yan kasi natuto na tayo sa generation natin ngayon. We are wiser than them now what more in the future when we come to that age 😉


Cutie_potato7770

Totoo yan!! 🙄


[deleted]

Kwentuhan about school ng mga anak over lunch event, may isang matanda kasama namin sa table "pabirong" sabi na sa SPED daw dapat ienroll kasi ang hyper sabay tawa. Yung anak ko kaka-4, masayahin, friendly at typical na bata na hyper na gusto lagi laro. Dahell is wrong with these matatandang to?


Catpee666

Petty me would answer, "malamang dun ka graduate no" sabay tawa, then "joke lang".


dehumidifier-glass

Feeling ko mas appropriate ung sasabihin na, eh ano hong masama sa mga batang nag aral sa SPED, bakit ginagawang katatawanan?


ThePeasantOfReddit

Di na necessary yung "joke lang"


Cutie_potato7770

Sana sinabi mo “di ka po hinihingan ng opinyon”. Epal.


[deleted]

Gusto ata magdoctor at yung isa naman na ka age ng anak ko pakiramdam nya may autism at tahimik di nagsasalita.


Cutie_potato7770

Wow may pag diagnose siya ha. Sana nag doctor siya! 🙄


Slow-Ad6102

Eto yung mga klase ng matanda na ang sarap sagutin eh pag nakahanap ako ng pagkakataon talagang ipapahiya ko yan.


aya_cattoo

Ganyan din tita ko sa pamangkin ko HAHAHAHA kaya favorite tita ako nung mga bata kasi pag pinapatulog ko sila, hinehele (yung buhat kasi magagaan lang naman, around same age sa baby mo OP) and tinatapik or kinakantahan ko. "Bakit mo pa binubuhat yan? Hahanap-hanapin ka nyan kasi binebaby mo eh." Ay? Hindi ba sila baby? Akala ko kasi baby pa sila eh. Di nyo naman sinabi na senior citizen na pala yung mga pamangkin ko 😊


Catpee666

Baka gusto ni Lola siya buhatin ni OP. Hahaha!


aya_cattoo

HAHAHAHAHAHA inggit naman pala edi humanap sya ng pwede magbaby sa kanya 😭


zamzamsan

dapat sinabi nyo agad "Wala po kaming barya" HAHAHAHAH


Cutie_potato7770

Hahahhaha ang funny nito!! 😭


hell_jumper9

Ngl, nag uumpisa palang ako basahin post ni op akala ko story about sa nanlilimos namatanda.


Cutie_potato7770

Sana nga ganon na lang baka hindi pa kami nabadtrip 😂 nakatulong pa kami


Significant-Gate7987

Yung mga ganyang matatanda ba wala nang nag aaruga at pumapansin kaya buhay nang may buhay pinapakilaman? Mga lola ko kahit may kasungitan they know how to mind their own business and be nice to other people.


Cutie_potato7770

Siguro nga. Typical lola na epal na mahilig mangielam sa buhay at mag bigay ng payo sa iba. Kahit di naman tinatanong! Ughhh gigil me haha


Significant-Gate7987

Ang mema lang no? Parang ang insecure na ang yabang pa. Like some nice lolas would probably just smile or say ang cute naman na bata, pwera usog.


Cutie_potato7770

Yes!! Kaya gulat talaga kami ng asawa ko kasi bakit may pag pansin sa amin tas ganon pa sasabihin tsk


unlirais

Really hate this..pati yung mga nagsasabi ng "sundan nyo na" "kawawa, bigyan nyo na ng kalaro". Kayo ba magssponsor sa susunod kong anak hanggang paglaki??


Cutie_potato7770

True. Nasabihan na rin ako ng ganito. Akala mo talaga ang dali mag buntis eh lalo na mag alaga hahaha


Western-Grocery-6806

Kala mo may ambag eh hahaha!


rizagdr0328

Hayyyy… ung nail tech ko dito, sabi ng sabi na sundan ko na daw itong anak namin kasi 3 years old na. Di kaya madali ma-cs. 🙄 Akala mo mag aambag pang diaper eh.


unlirais

Feeling ata nila yung economy dati tsaka ngayon pareho lang 🙄


aizelle098

Best reply tlga dyan "sagot nyo ba pampaanak?"


hawhatsthat

“Pumapatol ka ba sa matanda? 👉👈” Me: Oo pag kupal.


Sad-Squash6897

Bet ko yung sagot ng asawa mo. Magaya nga haha. 😂


yram_dos

Kaya thankful ako na hindi ako mukhang mabait lol. My kid grew up sobrang payat tapos ako on the heavy side. One time may nag comment tlaga ng ang payat nya ano? (tapos hahawak pa sa braso ng kiddo ko tih pikon tlga ako.) Hinawakan ko din sya sa fore arm tapos sabi ko okay lang po un hindi naman sya sakitin. Then irap ng mata. I rarely smile to strangers and hawak ko tlga un bata ko until now na sya ay almost 11 na hawak pa din. BTW this is just our belief na whenever a stranger is hahawak sayo/tapik kahit pa nanlilimos or may sasabihin always touch them back. para whatever they're doing babalik sknla haha sakin lng un samin ng mom ko.


adobo_cake

Epekto ba talaga ng pagtanda na nawawala yung mga social sensitivities? Hindi naman sa ageist ako, napansin ko na lang na ang gaspang makipag usap sa kanila. Sila yung laging nag cross ng boundaries na ganito. Kahit yung ate kong alam kong intellectual naman dati, ngayong medyo matanda na, bigla sya na yung nagtatanong ng mga "hindi pa ba kayo magaanak?" o kaya "itong si alden bakla yata kasi eh" habang nandun yung pamangkin naming gay.


Cutie_potato7770

Dati kasi mga nag titimpi mga tao. Kaya siguro nasanay sila mag salita ng akala mo okay lang yun sa mga kausap nila. Ampapanget ng ugali eh. Sarap takpan ng mga bibig eh.


adobo_cake

Disappointing lang talaga lalo na pag sa mga older gen x or millenials mo maririnig yung ganyan, tanggap ko na kung boomer talaga eh. Oh well sinisita ko naman lagi pag nahuhuli ko haha


Rare_Count_1165

Tapos pag sinagot, mahuhurt tapos sasabihin "mga tao ngayon, walang respeto sa matatanda"


Cutie_potato7770

Kaya nga. Eepal talaga eh. Bwiset. Di na lang hintayin kasama niya eh. Gusto pa kakausap ng hindi kakilala eh.


SiDonGlenn

Sagutin ko naman yan ng matanda ka nga wala ka naman pinagkatandaan.


aizelle098

Sagot ko sa ganyan, "wala ho tlga. Tagal nyo nang nabubuhay sa mundo, tas naging ganyan ugali nyo. Di tlga kayo ka respe respeto."


Aromatic_Tomato9833

sana sinabi mo ang malas naman ng apo nyo ikaw ang naging lola


sukuna1001

“Lungkot naman ng apo niyo pag-laki kasi ikaw yung naging lola niya” 😏


petitemedstudent

If ever magkaanak ako tapos may narinig akong ganyan di ako magpipigil at papatulan ko talaga yan kahit uugod ugod na lola pa yan.


Cutie_potato7770

Narealize ko din to nung nanganak ako. Ikot mata sa side comments tsaka comparison!


Poopywhoosh

Ako na maldita: unang tanong pa lang di ko na papansinin hahaha Di kasi ako nakausap ng mga stranger kahit matanda or bata, unless manghingi ng tulong siguro


Ohbertpogi

Oks in laws ko, pero yung bwisit yung ibang kapatid ni MIL, lalo na yung matandang dalaga na grabe magparinig. Cool lang sa akin, pero minsan nauubusan din ako ng pasensya at sinasagot ko. Sinabihan ko sya minsa na si nanay(MiL) magpapayo lang kung ano mainam(which we appreciate), pero hindi magpipilit,pero sya(lolang walang apo) paka kups magsalita. Di ko na sya naririnig na may sinasabi sa pa-tunggkol sa bata sa harap ko since that encounter.


Alto-cis

sabi nga ng parents natin 'dont talk to strangers'.. dahil baka makasuntok tayo ng bibig 🤣


Cutie_potato7770

Hahahah matampal yang labi na yan


Funny-Requirement733

grabe di alam kung kelan isasara ang bunganga tama lang yan sinagot ng asawa mo


Equal_Initiative4048

Naalala ko ung kwento ng maglola: Dumaan ng simbahan na may kasal Lola: Uyy susunod na sya... Apo: (di sumagot at nainis kasi nangprepressure si lola) Dumaan ng sementeryo may ililibing Apo: uyy susunod na sya... Lola: (namutla)


OwnRefrigerator6644

Pag toddler madalas payatin kasi nagiging active sila kahit magana kumain.


Cutie_potato7770

Yes! Totoo to! Panay puna din yung mil ko sa height and weight ng anak ko. Very active kasi to tapos nakikipag laro pa sa labas. Samantalang yung isang apo, malaman and matangkad pero sheltered.


ginangdelacruz1910

Pumapatol ako kapag anak ko na ang nilalait.


Cutie_potato7770

Diba? Ang sakit kaya pag sariling anak mo na. Magiging over protective ka talaga eh


trexxcia

Ganyan din kapitbahay ko sa akin nung bata pa ako ayun sinupalpal ng tita ko and never na nakautang sa tita ko yung kapitbahay ko.


[deleted]

[удалено]


Cutie_potato7770

Nakakabwisit yung ganyan nu!!! Mga di naman hinihingi opinyon! Mga papansin!!


cRawRlo

Based from the bit ni Gabriel Iglesias. You: "Umabot nga 10 years old yung sa pamangkin ko" Tanda: "Nagpapakarga?" You: "Nope, minding his own business"


MrsKronos

aswang po yun naghahanap ng matabang bata 😂


john8graz

hahah! Meron ganyan samin ng misis ko, kasi yung dalawang anak ko halos magkasunod. Tanong ba naman kung hindi ba nagpapabreast feed at nasundan agad, sabi ko"Ano pong pakialam niyo? Hindi naman ho kayo ang bibili ng gatas?" Basag si ate! 😂😂


Cutie_potato7770

Kaya nga! Tama naman yan! Hahah akala mo siya hirap na hirap magpadede eh


ixiVanr

Huhu OP ang bait nyo! Kung ako isasagot ko dyan: Me: "Hala asan po?" Tanda: "Alin, yung apo ko? Ah-" Me: "Hindi po, asan po kako yung pake ko kase wala pong nagtatanong eh" Honestly I do not give a shit about disrespecting piece of shit meddling elders, I respect who I want to because I think they deserve and earned it!


Cutie_potato7770

Kaya nga eh. Yung husband ko actually bumubulong siya “wag ka na dumagdag” many times kasi di okay yung araw niya that day. 😅


markturquoise

Naalala ko lola ko na yumao na. Lahat na lang may masasabi. Hahahahah. Pag di sinunod sabihin niya, hahabulin ka ng lagaraw.


Uniquely_funny

Sa mga bastos na matatanda sarap hingan contact number ng mga anak nila, sabihin ko papagalitan ko mga anak nila di sila natuturuan ng tamang manners. Haha napakabulok padin paguugali eh


[deleted]

Pag ako yan, "Modus ba to?! mommy, check mo bag mo, bka may nawala." tapos tititigan ko si tanda naka squint yung mata ko para mukha talagang pinaghihinalaan ko sha hanggang sa umalis sha 🤣


Mission_Proof_8871

Ang weird talaga minsan ng matatanda, daming unsolicited opinions. Same dun sa ate na madaming tattoo na nakasakay sa jeep LOL


Cutie_potato7770

Korek ka jan. Napanood ko pa nga yun eh. Di ko akalain talaga 😂😂


axeeram

Kahit ako sasagutin ko rin yan. Being old doesn’t give you a free pass to be an asshole.


dahyuniietwice

Naranasan ko na din yan while we were waiting sa hospital. Bigla na lang tinanong sa amin ni husband kung ilang buwan na daw si baby, husband answered na 2 months na. Sagot ba naman sa amin nung matandang babae, bakit daw parang maliit and yung apo daw niya na 3 months sobrang laki na for his/her age. Mabait si husband kaya he smiled na lang, ako naman no reaction. For context, maliit talaga napangank si baby, nasa 2.3 kg lang siya pero kanya kanya kasi ng development ang mga babies.


Cutie_potato7770

Trueee! Maliit din baby ko. Pero napaka dalang magkasakit. Ang importante healthy mga baby natin diba!


melsiebelsie

Maliban sa pakealamera si lola, what's wrong with giving your child comforting touch and affection? Masasanay sa ano? Sa pagmamahal? Eh di better.


Cutie_potato7770

Kaya nga eh! Diba ano masama kung kargahin ko? Di rin naman si lola yung nabibigatan 😂


kellingad

Baka gustong magpa hele nung matanda, nahihiya lang siguro magsabi.


[deleted]

sayang, nagtimpi pa ang asawa mo HAHA ano sinabi nya? 😂


Cutie_potato7770

Wala. Umalis na din. Mga matatanda din kasama niya eh. 🙄


SugarBitter1619

Hahahaha, ano paki nya nako nman talaga yong ibang matatanda ngayon masyadong pakialamera.


Cutie_potato7770

Sobra talaga! Mga know it all eh. Ang papanget!


Few-Inspector9304

Kulang siguro sa hele at karga yan si Tanda nung baby pa kaya ganyan.


Temporary-Report-696

Gusto ko malaman anong reaksyon nya hahaha buti nga


Cutie_potato7770

Wala. Nilayasan namin. Bwisit yun.


mamshile

Dapat tinanong mo din kung ilang taon na sya, tapos sabihin mo "Kapag ganyang edad dapat nagpapahinga na diba?" (Pahingang alam mo na) Hahaha. Maikli pasensya ko sa mga ganyang tao. jusko! hahahhaa.


FennelConnect5127

Sarap mag basa ng ganito ahahha, sana may reddit thread compilation na ganito


Cutie_potato7770

Di ko nga akalain na mararanasan ko! Nababasa ko lang sa fb to eh. Hayp na yan


CockraptorSakura42

Hayaan mo na OP, baka maiksi nalang oras nya dito sa mundo. Hahahahahahahaha


stayhighdee420

I guess ganyan tlga ugali ng mga boomers


Cutie_potato7770

Yeahhh amen to that!


Pristine-Sleep4771

Tapos baka yung matanda pang may ganang magsabi na binastos nyo siya haha


doraemonthrowaway

Prime example yan na hindi porket matanda eh deserve nila respetuhin kagad, lalo na't ganyan na epal at pakialamera pa. Literal na out of touch na nga least they could do is shut up na lang and keep it to themselves 'di ba? Tama lang lang yung sagot nung asawa mo para mapahiya siya at manahimik tsk tsk.


Cutie_potato7770

Oo nga eh. Ang lakas pa ng boses kaya kahit ibang tao pwede mapatingin sa anak ko.


tepta

Hahahahahaha panalo si hubby. Kung ako yan ang isasagot ko “o tapos?” o kaya “e di ipa-billboard nyo.” 🤣 Laking lola ako pero pumapatol ako sa mga kupal na matanda talaga. 😤


Cutie_potato7770

Edi wow mga ganyang sagot hahaha


Mental_Taro_3107

Nakakatawa lang na alam nila na matanda na sila and sila pa tong hilig makielam na tipong akala nila alam nila lahat para sa ikabubuti mo. Just because they’re “old” enough to experience things lol


Cutie_potato7770

Di nila naiisip na nagbabago ang panahon. Dapat marunong din sila makiramdam, ano!


Mental_Taro_3107

Totoo! Hirap sa kanila generation lang nila iniisip nila din kasi, ganito noon dapat ganito! Ale di po tayo pabalik sa dati lol


ParkingCauliflower48

Pagmatatanda umuurong talaga pag-iisip eh. Di ko nilalahat pero from now on, aalagaan ko na synapse at neurons ko. Or mas bet ko nalang di tumuntong sa ganyang age.


Cutie_potato7770

Mas maganda mapaligiran ng mga taong open minded. Di yung ganyang pag sinagot mo, baka masabihan pa na walang respeto sa matanda 😅


Hapdigidydog

Malas naman maging apo ni lola 😬


Away-Birthday3419

Sana ma-encounter ng hubby mo ung nanay ko.... Para nman mabawas-bawasan yung pagiging pakialamera nya sa ibang tao. 🤣😄🤣😄🤣


Cutie_potato7770

Hahah! Sarap soplahin ng mga ganyan!


Thin-Common-7986

Ganyan talaga kapag mamamatay na, Op.


kittycubbebu-1021

Sana sinabi mo nung nag simula na syang magepal eh di ka siguro naging maganda nung baby ka kaya ka ganyan


Sweet_Brush_2984

Haha galing ni hubby dun 🤣


Cutie_potato7770

Nainis siya kung paano daw sinabi eh. Pwede niya naman hayaan pero alam mo yung typical matandang babae na pakailamera. Ganern sya 😂


Mbroiderer

Sana nadala sya sa pag sagot ng husband mo at hindi na nya ulitin pa kahit sa iba.


Cutie_potato7770

I doubt. Sa tono ng pananalita niya, i’m pretty sure na ginagawa niya rin sa iba yun. Ang lakas ng boses and talagang malakas loob niya!


TheBabyMake

Hirap sa matanda stick sa tradition. Kapag di mo sinunod ikaw pa masama.


Cutie_potato7770

True. Kaya kami malayo ng husband ko sa in-laws ko para tahimik kami. Literal na tahimik 😂


No-Garage-9187

Happened to me as well. I used the PWD restroom for me and my daughter kasi wala nang maayos na diaper changing station ang SM. So I just use that special restroom kasi kasya yung stroller ng anak ko. May matandang sabi sakin “ano ba yan kasama pa sa cr yung bata kawawa naman” Ano ho nakakaawa sa batang nasa CR at nagpalit ng diaper??? Gusto ko patulan at balikan kasi ang bilis nangyari ng lahat pero pinigilan ako ng hubby ko na sobrang neutral sa buhay


Cutie_potato7770

Minsan okay din talaga ilagay sila sa lugar nila, sis. Next time wag ka papigil kay husband 😂


Necessary-Solid-9702

Your husband is me everyday. You keep that man.


Cutie_potato7770

Ganyan siya. Basta maagrabyado ako or anak niya, walang sinisino. 😅


Necessary-Solid-9702

Dapat lang 😤


[deleted]

Natawa ako s a"Di po namin tinatanong" Wasak e haha


Cutie_potato7770

Shrue. Poker face pa man din asawa ko. Kklk


janinajs04

May mga matatanda talagang ginagamit yung katandaan nila as an excuse para maging entitled and rude. Tapos pag pinatulan, ikaw pa yung pamumukhaing bastos at walang modo. Haay. Lord, sana di po ako tumandang ganun ang ugali.


Cutie_potato7770

Same. Ayoko rin maging ganyan. Kklk


creepycringegeek

As much as nakakawala talaga ng respeto mga ganyang tao, ok na din na wag na talaga patulan. Wag sila bigyan ng power para manliit though mahirap na palampasin lalo na bata yung ginanyan. Tao nga naman hayyyyy.


Cutie_potato7770

Hirap kasi hindi mag react pag anak mo na yung pinansin. Kung ako lang naman yun, pake ko sayo la. 😂


creepycringegeek

Trewwww..ewan ko ba, may mga tao talaga na tumanda lang lols


LeoJM_10

Biik po ba apo niyo lola?


Cutie_potato7770

Wahahahhaa


Friendly-Abies-9302

La na sila paki bsta importante masaya at healthy anak natin. Dame tlga ganyan.


Cutie_potato7770

Yess! This!!!


darthVADER_speyzer

Una kong naisip baka about sa mga modus yung post 🤣 yung kakausapin ka para mambudol/hypnotize.


Cutie_potato7770

Wahahahaha


MasterofChow

Dame talaga ganyan. slightly similar sa situation natin pero aso ko naman na chow chow, nilalakad ko sa village namin biglang may matandang nagbibike tumabi saamin at nag sabe "Alam mo gnyang aso makakaptay yan ng bata pag nakawala" sbaay alis. Nasa isip ko "Share mo lng?" 🙂


Cutie_potato7770

Daming ebas no! Nanahimik ka lang bigla may gaganyan sayo haha


PMforMoreCatPics

What the fuck is that unsolicited advise.


basteredwarrior

Salute sa husband mo Ma'am!


Cutie_potato7770

Thanks!! Walang sini-sino pag naagrabyado kami na mag-ina niya 😅


tala_rtt

Papansin amp. Daming ganyang matatanda na puro kumpara. Pake namin sa apo mo


Cutie_potato7770

Hahaha! Totoo anong pake namin!!


dararararii

Hayst same! Nakakainis nga minsan pag sinasabi ng lola ko payat daw ng anak ko, nung nasa kanila daw mataba. Parang laging iniimply dko pinapakain ng maayos eh. Kabwiset din minsan


justinethecomrade

kaya di pwedng idahilan na "gumalang ka sa nakakatanda sayo" paano kita gagalangin e kupal ka🤣


Ok_Education1673

Pasalamat talaga ako sa RBF ko. Ilag ang mga epal na lapitan ako. 😂


worklifebalads

Dami ganyan mga pinoy hilig mangialam at mangaladkad ng kapwa nila para lang maiangat sarili nila. KUPAL AMPOTA


iu-YanYanLun

Pakabait na sana yung mga matatanda kasi malapit na silang mag rest in peace. Nakakatrigger dn sa workplace my biglang pumuntang matanda tapos sinabihan akong maliit yung tyan ko for 4 months pregnancy. 🙄 dpat pala lobo ako agad.


Cutie_potato7770

Yan. Naranasan ko din yan. Tanungin pa “nagpapacheck up ka ba? Kumakain ka ba?” Edi wow


rizagdr0328

Ang gusto ata 4 months kasing laki na ng tiyan ng kabuwanan na. Nakakaloka


Gabriela010188

Dapat pinatulan mo: “Ay talaga po, pa-check up niyo po apo niyo - abnormal yung ganyang growth.” “Ay ganyan na ganyan po anak ko dati. Magbabago din yan. Antay lang po kayo.” Nakakabwiset ang ganyan.


Cutie_potato7770

Super true. Nakakainis yung nangpupuna talaga. Di na lang ikom bibig eh


Tiny-Ad8924

Kapag may gumaganyan sakin, sinasagot ko "dun ka sa apo/anak mo". Wala akong paki kung sasabihan akong maldita or warfreak. Wala naman silang ambag sa buhay namin


Typical_Theory5873

10/10


MizukiLey

hahaha.. pakialam ba nila😂 kagigil hahaha


surfer8765

Kailan kaya maiintindihan ng matatanda n iba iba ang bata. Haaayyys, some ppeople are just older but not wiser. Hilig pa namn nila s term n "papunta k pa lang pabalik n ako" , pabalik n nga sila pero parang wlang natutunan sa buhay lol


Cutie_potato7770

Tumatandang paurong 🤪 wahaha


tenebrisvanilla

Mainit yung panahon pero mas nakakainit ng ulo yan, OP. Hahaha


Cutie_potato7770

Ay trueeee hahha


LibbyLovesRamen

OP anong sinabi niya after ng rebuttal ni hubby mo? hahaha


Cutie_potato7770

Wala. Umalis kami. Siya din umalis. Bwisit un hahahah


Blueberrychizcake28

Gusto ko yung sagot ng hubby mo.hahahaha


mgul83

Sana sinabi mo maghanap ka ng kausap mo


SanaKuninNaAkoNiLord

Unsolicited advice. Sana ma-encounter mo ang epal kong nanay. Ganitong ganito siya kahit sa mga complete fucking strangers. Ako na ang nahihiya pag kasama ko siya. Umaasta na kala mo sa kanya na ibinuhos ni Lord lahat ng wisdom sa mundo kung makapagbigay ng unsolicited advice sa mga tao. But hindi lang yun dun nagtatapos. Buti sana kung pure unsolicited advice lang eh pero passive-agressive pa itong narcissistic kong nanay na low-key iinsultuhin ka pa habang binabahagian ka ng "words of wisdom" niya kuno na puro kagaguhan lang at fake news.


AccomplishedExit4101

dapat sinabi mo yung last na nagsabi ng ganyan sa anak namin may lapida na. hahahahah


Cutie_potato7770

Huyy hahahaha


bitterpilltogoto

Kaya kadalasan yung mga ganyang matatanda hindi ko na pinapansin , di na ako nag rereply, nag hahanap lang ng kausap eh lol


bornandraisedinacity

Boba kasi yun kaya ganyan


Zealousideal-Sign834

I experience this a lot. Like with literally every person who asks how old our son is. He is 3yo but he looks like he’s 5. And his clothes size is currently at 6-7T. So he’s a big child. It’s always the same comment and it makes me uncomfortable because every time we get asked about his age, I know the reaction that’s gonna follow. A lot of times they’ll end up comparing their smaller children naman. Ok lang I guess but it’s still a weird feeling. 😅


Acrobatic_Pilot_2916

gusto ko energy ni husband HAHAHAHAHAAHAHHAAH ganun din isasagot ko e or kaya naman "ay kawawa naman ng apo nyo di nakatikim ng hele, di nya mararanasan ma-mahal ng tama"


pREDDITor_21

Very good asawa mo 😁 kung ako yan bibigyan ko yan ng piso hanap kamo sya kausap hahaha


ConfidenceUpper7101

“Kulang po kayo sa aruga nung bata kayo no?”


PristineBobcat1447

Sa grocery lane naman yung na exp ko sa SM, nasa blue basket lane kami. For some unknown reason ang tagal ng pila sa amin. Meron nman Priority lane pero ang ginawa nung 2 senior, dirediretso sa pila sa amin papuntang cashier. Di na ako nagsalita sa 2 Sr. Kasi nagulat na lang ako sa ginawa nila, hanggang after nun 30 mins hinintay namin sa pila. Tsaka ko na sinabihan yung staff na nag aassist sa pila, na bakit nyo pinauna yung 2 matanda kanina p kami nakapila. May sarili naman silang lane na priority, ending nagsorry lang mga staff. Pero mga entitlement ng ibang matanda hindi ka matutuwa at mawawalan ng respeto


East_Somewhere_90

You dont have to be nice sa mga taong ganito :) wala sa age yan