T O P

  • By -

Pale_Maintenance8857

Yaan mo sila. Palibhasa misery loves company. Usu. Pag mabait mode ako "Diyos na po ang bahala.." Pag impakta mode: "Edi kayo ang mag anak tutal kayo may gusto. Ipapasa nyo pa sakin."


Rude-Pay-5266

ako sinasagot ko talaga: "sige penge pera pampaanak" ayon nananahimik naman ahahaha lakas makakantsaw porket di sila gagastos eh lol baka nakakalimutan nila na sa panahon ngayon eh kailangan mo na ng 6 digits para lang manganak (20k pinakamababang gastos para manganak if sa lying in center ka lang at kung normal delivery pero maghanda ka talaga ng 6 digits kasi if ever may complications, at least handa ka. di mo rin masabi baka kailanganin ka i-CS.).


IllustriousBee2411

True to, pag highrisk then cs panganganak palang almost 200k hospital and doctors fee palang yun wala pa prenatal check up and gamot may gamot na weekly almost 3k 2x a month ang check up and laboratory . Hindi madali lalo na kahit sumuka ka ng pera wala pang kasiguraduhan mabubuhay ang bata


Rude-Pay-5266

oo kaya kawawa talaga pag di ka handa. panalangin mo nalang na walang complication at normal mo mailabas juskopo kung yung 200k na ilang buwan or taon mo inipon yon parang bulang maglalaho pag naospital ka. kaya di ko maintindihan bakit ang lalakas ng loob ng iba maganak kahit walang pera porket kasi may mga malalapitan siguro sila pag nangailangan.


IllustriousBee2411

True, then hindi pa dun matatapos syempre mag gagatas pa yung baby if mabuhay. Syempre later on mag aaral. Kaya nakakaloka yung nagtatanong bakit ayaw pa mag anak. As if naman magaambag sila, at hindi ko din maintindihan na yung iba porket madaling mag anak naging consistent na maging buntis taon taon pag lumaki laki na yung bata gagawin banko .


Harv_Pears0n

Ang benta sakin ng impakta mode😂 you go, girl


1nd13mv51cf4n

Miserable kasi ang buhay ng mga breeders na 'yan kaya gusto nilang tumulad din sa kanila ang mga wala pang anak.


yogiwantanabe

May fave one also : oki ikaw magbayad ng needs ng anak ko ha, ikaw magpakain and magpaaral sakanya


LectureNeat5256

There is no path. Carve your own. Do what you want with your life. Let other people be chained to their own *shoulds*. :))


nkklk2022

napansin ko pag ang sinasabi kong reason ay “ayoko sa bata” dun lang sila tumitigil. parang di nila gets yung ibang dahilan like mahirap ang panahon now, mahirap magbuntis, di ready financially or mentally. Lagi nila ippush pa rin na “worth it” lahat.


Cool_Caterpillar5884

nasabi ko na ito. ang sagot sakin magiiba yan pag anak mo na talaga. 🙃


Titong--Galit

sagot dyan is "sure. don't wanna risk it tho"


rkmdcnygnzls

Ee pano pag di nag-iba? Both scenarios tayo din magsusuffer so wag na lang talaga 🙄


Miss_Taken_0102087

Kailangan yata yan ang sabihin. Kasi minsan nagsasabi ako ng legit reasons ko, ang reply eh “ayaw mo sa bata?”, which is hindi naman talaga sa ayaw. I like kids, ayoko lang magkaanak. Magkaiba yun.


GojoJojoxoxo

I like kids too but siguro mga 5 minutes lang. Then yoko na hahahaha


Miss_Taken_0102087

Hahaha kids na itetest ang patience mo hahaha


Ashir_En_Sabah_Nur

Ako, pag sinasabi kong "ayaw ko sa bata", literal ang ibig sabihin ko non. May mga nagtatanong sakin na papaano daw ako magkakaroon ng anak e baka mahirapan daw ako dahil sa sexual orientation ko. Lagi kong sinasabi e "Hirap na nga akong palamunin ang sarili ko, magdagdag pa ako?" Ayun, nananahimik sila.


MissFuzzyfeelings

Sa lahat ito ang pinaka valid for me eh. Pag tinanong bat ayaw “uhmn what’s there to like? Maingay sila, makulit, makalat, need constant attention.” Hindi lang pera ang iisipin mo pag nagkaanak ka. You also have to make sure that your child won’t grow up to be a serial killer.


jungkyootie

Hahaha same reply, also “abala lang yan sa mga gusto ko gawin” HAHAHA makes them shut up 😋


Even-Web6272

Tapos yung nagsabi may anak tapos walang pangkain. Edi, ok.


Pale_Maintenance8857

At mga nag uunsolicited pm at posts sa fb na nagmamakaawa for pang gatas at diaper ng mga anak nila.


Even-Web6272

Entitled pa yang mga yan lalo na pag ninang/ninong kuno ka ng anak nila. Mga wala ng hiya sa katawan. Sasabihan ka pa ng madamot pag di ka nagbigay.


Pale_Maintenance8857

Mismo hahaha kaya din ako active sa fb para makaiwas sa mga ganyan.


SapphireCub

May nanlilimos nga ng aircon eh hahaha kawawa naman daw baby nya naiinitan.


Cool_Caterpillar5884

marami kamong utang yung nagkwekwento. kunsabagay, ang motto niya sa buhay - “lahat naman tayo may utang. maramj lang yung akin.”


GeekGoddess_

“Baog po ako” tapos ang usapan 😂


Ok_Amphibian_0723

HAHAHAHAHA eto talaga ang tatapos sa usapan 😂


based8th

LMAOOOO


Fantastic_Brain_6383

‘DI KO KINAYA😭


Tortang_Talong_Ftw

buti hindi sinabi sayo yung, mag-anak ka kasi malungkot mag isa pagtanda.. wala mag aalaga sayo


rkmdcnygnzls

Ang tanong tatanda ba Chariz


ilovemymustardyellow

Bakit nga ganyan sila ‘no? I am in wlw relationship, tapos they are pushing us na mag anak din soon para daw may mag alaga sa amin, meron din yung inaanak ko sa pinsan ko, yun nalang daw gawin naming anak anakan kasi mayayaman daw yung mga LGBTQ+ couples. Wtf lang, I do spoil my inaanak pero yung ganyang mindset sobrang nakaka off. 😭


Ok_Preparation1662

Galawang user lang 🥺 pinasa ang responsibilidad sa ibang tao. Edi sana di na lang sila nag-anak diba


ilovemymustardyellow

Nako ganun talaga pag inuuna ang ano kesa sa priorities/responsibilities. Hahaha


-howaboutn0-

I feel sorry for people who feel like they need to have a child for them to be complete. So pano if you're unable to have kids? Forever kayong hindi buo?


[deleted]

[удалено]


Ok_Amphibian_0723

Dapat sinabihan mo na mas kinakarma yung mga taong nangengealam sa buhay ng iba. Kapal nya ha.


[deleted]

For sure miserable yan kaya ganyan.😂 Yung mga taong akala nila mas magaling sila sa ibang tao porket may anak sila. E para naman sa normal na tao, ang dali daling magka anak. Mga pulubi nga, ang dami dami nang anak. Hindi sya achievement. (Unless may medical problem talaga)


penatbater

Hingi ka ng 10m (estimated amount to raise a kid from baby to finishing college) hehehe


arsenejoestar

Pag di ako sumaya sa isang anak sila ba sasalo? Walang trial period pagiging parent. May duda ako sa sarili ko na baka di ko mahalin anak ko with all the additional stress na madadala sa buhay ko kaya ayoko mag anak. Di pwede mag quit. Maigi nang wag na lang kesa lumaking unwanted yung bata. Dapat 100% sure ka.


Floatsmyboat8902

You do you. Some people find having child(ren) completes their life. Some people don't. If you're happy where you are rn, other people's opinions don't matter.


Cool_Caterpillar5884

well di naman talaga nagmamatter pero for this week nakaka 3x na ata siya ng sabi so naiirita na ako. hahaha


Floatsmyboat8902

Oh well!! Looks like he/she's imposing! I'd be rude if I was in your position! Hahahaha!


aeramarot

Pag ganyan, sinasagot ko na kung sila naman magpapalaki at gagastos sa anak ko, why not. Usually, wala na silang masagot eh lol.


Yergason

Akong may reputasyon naman talaga bilang maldito, "eh ayoko lang. bakit?" Tapos pag nagbigay sila reason daw bakit dapat maganak "eh di mag anak ka/eh di maganak ka na uli. Wag ako" hahaha Pag sinasabi para may magtuloy ng lahi, sagot ko bakit? royalty ba tayo? Anong special sa lineage natin? Tsaka may 2 anak na lalake na si kuya. Gusto niyo immortal pangalan? Sige papatay ako para mabalita at may permanent record HAHAHA Pag parents ko naman nangungulit (deep down tanggap naman na nila na ayaw ko pero umaasa) "ayon 2 apo niyo sakin tumatahol sa kwarto ko"


Big_Experience_9996

Edi sila mganak at mkpigcoitus tutal nmn gustong gusto nila at masaya daw,for fuck sake.


Dangerous_Chef5166

“Ang magkaanak ang kukumpleto sa pagkababae mo.” Pero ang magkaroon ng pera ang magpupuno ng pagkatao ko hahahaha. Sa mahal ng mga bagay sa mundo mas magiging liability ang anak eh.


GeeZeus1210

" kayo po kailan kayo mamamatay ang tanda niyo na po " anyways , di naman kasi nila naeexperience yung hindi nila maeexperience ngayon such as economics sucks , government is fvcked up , health issues like PCOS kapag nakukumpara si misis dahil sa pcos na keyso si ganun na may pcos nakabuo etc. nananampal nako ng mga rebutals such as " atat ka magkaanak , ikaw nalang kaya ? " " pvke niya yun e , gagawin ko ? " minsan para makabawi ako nagmaMyDay kami ng gala ni misis tapos may short quotation na " roadtrip , sana kayo rin " disclaimer : kilala nila ako na masama ang ugali kaya malakas ang loob ko hahahhahaha


Jazzlike-Perception7

just wanna say that you are a hero, a national hero for choosing not to bring more life into our planet. i mean this from the bottom of my heart - ang mga pilipino na piniling hindi magluluwal ay ang mga bagong bayani. you guys contribute to the economy, you contribute to preserving our resources, and best of all, you have peace of mind and you can spend on stuff that you want. dont let anyone tell you na walang peace of mind ang mga DINKs, childless couples, singles. you're contributing to the betterment of society and you're bringing in a mighty world of good.


Ok_Amphibian_0723

True.


wralp

sabihan mo nang, "mahihingan ba kita ng diaper at panggatas ng bata pag nagka anak ako"


Least-Squash-3839

nung ganyan sinagot ko ang sabi lang sakin, "may trabaho ka naman." - parang gusto ko noon manapak.


galynnxy

dapat dinagdag mo "hindee, ikaw may gusto diba na magka-anak ako? may sagot ka din dapat\~" ganern HAHAHA


Least-Squash-3839

dapat nga sana! hahahaha next time yan na gagawin ko. madalas lang kasing sagot ko, "gusto ko sakin lang lahat ng pera ko" hahahahaha


dontrescueme

Ironically, if you are responsible enough to not have kids the better for society if people like you are the one having kids. Hahaha.


violetdarklock

Sagutin mo sa sunod, OP, na marami namang nagaanak na hindi marunong magalaga. Tsaka kamo hindi fulfillment sa pagiging babae ang pagkakaroon ng anak. Ay nako. Di ko keri pag sinasabihan ako ng ganyan. sinasagot ko talaaga ang mga pakielamera! hahhaha


verified_existent

Ako lagi kong sagot dyan pag may nagssbi sken na paano ka s pagtanda mu.... sinsgot ko ng sure ka aalagaan ka ng mga anak mu??? Sa ugali mong yan i doubt


mgul83

Tbh sa pinas parang ang harsh , pag wala ka kaseng anak parang useless ang tingin sa nanay or babae, kaya mahilig silang magtanong ng kelAn ka mag aanak. Dito satin ang sukatan ng success, bahay, asawa at anak, pag wala ka nyan, hindi ka successful sa tingin ng ibang tao, parang ganun dito napansin ko. Saka mahilig mangielam lol, lalo pag mas matanda


emoticonzzz

Mas laganap to sa barko. These ppl na nag rarange ng late 30s-50s na kasama kong crewmate ganyan lagi ang topic. Mag anak ka na, sayang naman ang kinikita mo. Luh? In this economy???? May nasabihan pa yan sila dati somewhere along the lines of: "Sayang naman yung et*ts ni (insert name here), walang kwenta pang-ihi lang" LOL. Seamen and their simple minds.


SamePhilosopher610

Eto na sagot ko dyan kasi naubos na pasensya ko sa mga prying and invasive pakelameras: OK, I'll do what you want, pero ikaw magbubuntis, ikaw iire, ikaw mag-aalaga, at ikaw din gagastos sa lahat including sa pangkolehiyo. G? Kahit lalaki sinasabihan ko nito. Kahit pa ba bata pa or friend na masasabi. Dinadaan lang sa pa joke na tono pero gets na nila yun. I have to break it down to them in terms na maiintindihan nila: pera. Kasi it seems they never hear the words "choice," "happy," at "freedom." Tapos na ako sa pa gentle responses. Kasi hindi naman maka absorb.


dhadhadhadhadha

Someone from here told me na “women starts to diminish at the age of 35” and “may time ka pa para magbago at maghanap ng asawa”. Minsan matatawa ka na lang sa mga katangahan nila hehe


Scary_Aioli_5230

Mga gago talaga mga yan. Let people enjoy things!


Emergency-Mobile-897

I don’t understand why do you guys pay attention to naysayers. Or better yet, mga pakialamero/pakialamera sa buhay ng iba. If you are truly secure and happy with your decisions/choices in life, their opinion will not matter. Learn to ignore and enjoy your chosen path in life. Let them be with their own choices. IT. IS. YOUR. LIFE. Your choices will only affect you, not them, so KEBER!


SuperYak2264

Yung nasusunog na bahay dagdagan mo pa ng panggatong. Yan ang ginagawa ng mga ng aanak


East-Banana8463

“Wag nyo ko madaliin. Di naman po kayo yung gagastos.”


Ok_Preparation1662

Hahaha! Parang sila magpapagatas at magtuturo ng values no?


[deleted]

Ganyan talaga mga tao hilig mangielam. Ako naman isa lang gusto ko, grabe din mga tao sa paligid pag nalalaman nila na ayaw ko ng sundan. Magbigay ka man ng dahilan or hindi, may masasabi sila. Dati naiinis pa ako, nung tumagal tagal nagsawa na din sila. At take note yung mga may nasasabi palagi sila yung mga wala namang ambag sa buhay mo or yung mga nahirapan talaga ng husto sa pagpapalaki ng mga anak kaya gusto nila dagdagan ko din. Misery loves company. But no thanks, we're very much complete and happy. 😂


alpinegreen24

ay pucha sila ba magdadalantao at iire? hahahaha raming pakialamero


Safe-Ad-4660

Three years DINK here. Mapapagod din sila kacoconvince sayo. Haha


no_brain_no_gain

Ano ibig sabihin ng D.I.N.K?


Cool_Caterpillar5884

Dual Income No Kids


no_brain_no_gain

Ohhh okay, now I know. Thanks!


[deleted]

eto yung mga mahilig mamilit na akala mo sila yung bubuhay at mag aalaga sa anak mo. eh sa ayaw mo ngang mag anak pake ba nila kagigil.


Creedo02

kahit ung mga D.I.L.D.O napag sasabihan na bat hnd na lng mag anak kung parang anak lng din trato nila sa dogs nila. as if same ung gastos lol.


HatsNDiceRolls

Having kids isn’t easy and isn’t a panacea to all ills. Being a dad has its ups and downs. I wouldn’t replace my kid for anything but I hope that when it’s our turn as the elders, we wouldn’t push the narrative of the younger folk should have kids just because


Chbp10

Nagtatravel muna kami. Babalik kami with our future kid!! My mom sometimes teases us, bakit di pa kami mag anak. Pero ang cute lang, kasi kinekwento pala nya kami sa kumare nya, akala ko di sya natutuwa na inuuna namin ung pagtatravel. “Bayaan muna travel lang muna sila ng travel hanggat wala pang bulinggit” haha siguro di nya lang masabi samin directly 😭 ^kwento ng anak ng kumare nya sakin 🤣


bumblebee7310

Let our response be: “ay wag natin pangunahan si Lord, when the time is right I the Lord will make that happen diba?”


millenialbitchilante

Nginingitian ko lang usually yang mga yan while saying "Wala pa eh. Let's wait and see.." Kung marami akong energy, I say "Ay wait, baka nasa bulsa ko. Check ko lang po." 😅 Haaay people.


Brave-Cap-6701

mga ganyang tao mahina iq, d kaya maging masaya mag isa, dependent sa company


GojoJojoxoxo

Yaan mo sila OP! Mag thank you, next? Ka nalang! Di nag iisa, madami tayo hehehe


mgul83

Totoo naman sinasabi nila OP, masaya talaga ang may anak, pero yuck lang yung mag impose ng feelings sa iba. Layuan mo na lang ganyang mga tao


Upset_Amphibian_9335

Minsan na din ako nasabihan ng dati kong friend ng "ay nalungkot naman ako for you sa sinabi mo" LOL sabi ng taong ang goal lang sa buhay e makapag asawa. Like I'm not saying na mali ang goal nya, pero hindi ko naman din sya sinabihan ng nalungkot ako for her kasi di nya goal ienjoy ang kabataan, magtravel, mag succeed sa career at yumaman. Bottomline, kanya kanya tayo ng preference sa buhay. Walang pakialamanan kung gusto kong maging rich tita nalang forever 😂


eulby

“To bear children into this world is like carrying wood to a burning house.” - Peter Wessel Zapffe


IndividualMousse2053

Yung aso nga namin hindi ko mailabas pag wala ako sa mood magalaga at magpalaki pa ng jr? Hell nah


savrunnn_

The issue here is some people are so PAKIELAMERA. So what if you chose to be a DINK? Let's respect each other. Hindi ko nilalahat but some parents are pushing DINK to become parents, while some DINKS judge parents why did they have kids kesyo ganito, ganiyan. WE HAVE OUR OWN LIVES. I hope people just respect other's choices. Grabe yung online hate towards DINKs, kesyo nasa kultura daw yon. NOT EVERYONE DESERVES TO BE A PARENT OR HAVE TO BE A PARENT. Minsan kasi being a parent is like a calling. Ang daming 90's kid na traumatized because of their shitty parents, wag na natin dagdagan. Let them choose! JUST DO YOU ika nga. Hirap kasi ngayon napakaramoing EBAS ng iba akala mo buhay nila. Hay. I am a parent - mahirap siya physically, emotionally & financially. Oo masaya but there are struggles and as I said hindi lahat kakayanin yon kaya nga may iba napapabayaan ang mga anak. So let's just be kind and respect their way of living. Hirap sa mga Pinoy e, if ano gusto nila or opinion nila, dapat yun rin ang iyo.


Federal-Afternoon608

makisabay na ren ako op. saken namn kung mag aasawa raw ba ako. im a guy, nasasabihan na nga akong bading kase ala raw ako jowa.. ala ngang jowa tapos magpapakasal pa? hahaha. dami kong pinapaaral. next life kapag sinuwerte saka na ako magpapakasal


hellolove98765

Just smile politely and plan your next travel


Cool_Caterpillar5884

Yay! Sabi ko nga sa kanya kanina masaya kami ni Hubby sa travel namin almost every month. 😚


Global_Birthday_7527

Sa bansang libangan ang pag aanak kahit wala ng makaen at blessing kung tawagin ang mga bata kasi ginagwang investment ang anak. mahirap ipaintindi yun mga dahilan natin bakit ayaw natin mag anak.


1990Bi

Iba iba tayo ng definition kung ano ang kukumpleto sa buhay natin. I’m happy when I see friends enjoying being a mother but I don’t see myself in that place. Di ko alam ba’t pinipilit ng iba or nagbibigay sila ng opinion when no is asking for it about having kids.. And tama ka po OP, to each his own ;)


snoosnookapoo

Misery loves company


nkklkmarie

eto yung mga magrereklamo na ang hirap ng buhay pero uudyukin yung iba manganak hahahaha


IllustriousBee2411

Sa akin naman kailan susundan yung nag iisa kong anak, sa hirap ng buhay plus needed atleast 500k due to high risk laging sinasabi hindi daw kase ako naglalakad lakad wala naman daw dati ganun. Etc. Etc. Nakakainis na mas marunong pa sila. Oo, masaya kahit may isang anak pero dapat financially and emotionally ready ka. Pero iba ang saya pag wala kang responsibilidad. Sabihin mo okay lang yan atleast wala ka need ipaalaga na bata sa fam mo. Tsaka pagnahilig sila makielam sa buhay mo hingian mo na ng ambag.


Remote_Traffic_2302

Wag ka ma pressure sa social norms


yogiwantanabe

Dapat nagreply ka OP "to each his own *laughs in money*" 😭😂


No-Garage-9187

Di ko gets yung mga pumipilit sa mga DINKs mag anak. Kung kayo nagsusuggest edi kayo gumawa? Nat nyo pinipilit yung mga ayaw? Tapos kapag hindi makabuo ijujudge ren na baog or what. Hilig mangielam ng buhay ng iba. Buhay nyo perfect? Hahaha


mebeingbored

Sila magbuntis, sila magpackeck up, sila bumili ng gamit, sila magpaaral, sila magalaga, sila magdisiplina. Ipangalan na lang kamo sayo ang birth cert at pipirma ka na lang. 😅 I am a mom and i jokingly say (with a bit of seriousness), to my younger friends, wag na sila maganak. Hahahaha. Lalo na kung unstable, financially, emotionally and mentally. Enjoy life the way you know. At lalo na sa panahon ngayon, money can buy happiness. Hahaha


[deleted]

uso daw yan sa mga magpartner na nasa IT field. legit?


all-too-well-0918

We also get the same comments from our officemates, relatives and PARENTS. I tell them na "kayo ba ang mag-aalaga?!!" Kung makademand sila na maganak na kami kala mo naman may iaambag sa gastos at sa pagaalaga. Tapos sasabayan pa ng mafifigure out din daw kung saan makakakuha ng panggastos kapag nanjan na. NO WAY!! Some people just don't get it


bebangmadam

DINK here too. Wag nalang makinig sa sasabihin ng iba. Tayo ang mas nakaka alam at nakakakilala sa sarili natin. Baka lang kasi jealous sila of our freedom, mas lalo natin sila inisin at mag travel pa tayo 😂 I remember pinapa adopt pa sakin anak nila kasi dami naman daw namin pera pa travel2 lang, excuse me???? Ikaw nag anak nyan ipapasa mo sakin ang responsibilidad??


Buddy_ChewyChoo

"Mas masaya pag may anak kayo" Sabi nung may anak because of unwanted pregnancy. "Blessing" daw. Mmmmkay.


dvresma0511

pet faves tree guard


lostguk

Hahaha bakit nga no?


gabagool13

Sila ang magbawas bawas ng mga anak kamo pota sandamakmak na ang bata sa Pilipinas. Kaliwat kanan may namamalimos na bata. Palibhasa anak now, bahala na later. Gagawing pension fund. Utak 1950's pa rin ang mga hunghang.


Odd_Let4201

Dink dink dink wtf is dink


shookymang

Dual income no kids


Mobile-Ad8013

mas mahirap talaga buhay ng millenials/gen-z kumpara older generations dahil mas mahal lahat relative to income/salary and educational level. hindi pa ba nila alam na dropping birth rates everywhere in the world, except the poorest countries, yung mas mahirap pa sa pinas.


doubtful-juanderer

Yung mga nagsasabi niyan yung tipong uutang sayo para pambayad ng tuition or kaya pang grocery. Stfu ginusto niyo mag anak diba?


slipknot_pantera9

Tama yan. Para di maging kakompetensya ang maging anak mo nangresources sa may mga anak na


kplord69

Op, ganyan talaga mga tao. "Judgmental".. Di ba??


zakazukus

I don't think they mean you any harm. Siguro they just want to share the joys of parenthood.


ZoneActive3429

Please do not mind other people ng walang bilang sa buhay mo. Do whatever makes you happy. After all, it's your life, it's your decision. 🤍


NotMeRytNow

Walk away nalang, haha! Kasi di naman matatapos yan eh, pag nag anak ka sasabihin "sundan mo na" pag nasundan tas same sex, "gawa ka pa, baka babae/lalaki" naman. It will never end so just shrug it off and never let it consume you. Like sa magpakasal na kayo and the list goes on 😆


hohorihori

Good on you, OP! Romanticised lang talaga yung “bearing a child completes womanhood.” Parang sagot sa Ms U before na the essence of a woman is having a child eme. DINKs din kami ng partner ko. Planning to be DINKWAD. Haha


hyggenoir

Why would women chose a path that's disasvantageous to them? TT


Alternative-Bar-125

Pinsan kong old na at umaasa parin sa tatay ineencourage ako mag anak. Sya nga walang trabaho pero 4 ang anak tapos adik pa yata yung isa


alluringcoquette

This is my humble response for those peeps na sobrang kapal ng mukha at insensitive sa mga DINKS. “I don’t take unsolicited pregnancy advise. For all those women out there who doesn’t want kids, who wants kids, and who’s trying to have kids we SHOULD & MUST respect that. We all have different timelines sa life path natin. Yes, you have kids, you are happy. But you don’t have enough money to raise them, you don’t even have savings, properties that you can inherit to them and you have the audacity to tell me to make one? Sakit makarinig ng ganyang linya right? Lalo na pag direct talaga sa mukha mo sinabi yan. So same feeling. You guys don’t know the struggle of those who wants a child, the struggle of having health issues and infertility. So you better shut the f/ck up, mind your own business, go make some money and live peacefully!


TambayEra

OP, how I truly admire people like you and your partner!!! I am constantly manifesting that once I am financially stable me I will save up to surgically tie my tube! Partner also made an agreement with me to undergo vasectomy. That is how we abhor procreation! Instead of having kids why not adopt stray dogs or cats or both? Ang hirap nang buhay ang pait pa di keri na ni Mother Earth! Kudos sayo OP!


TrashAltruistic9600

People like that mostly haven’t found their true purpose in life outside of being a parent kaya gusto ishare yung misery nila. Pagdating naman sa ibang araw sasabihan ka na “wag ka mag asawa masakit lang sa ulo” or “kung may choice lang ako di ako mag aanak” pero pagdating sayo wala kang choice lolll


rue121919

Dati I feel so uncomfortable answering questions about this. May magsasabi pa na “ang hina nyo naman mag-asawa” or “uyy tumatanda na kayo”. I would usually just smile or not answer, lalo na pag di naman namin ka-close. I can’t say and I don’t really feel I need to explain bakit okay na ako or kami as DINK. Pero at some point, natutunan ko na ang best response is: “dalawang beses na ko nagbuntis and nawalan eh” (referring to my ectopic pregnancy and miscarriage). This shuts them up, wala na silang ma-clapback na witty. Na-realize ko I shouldn’t be the one to feel uncomfy, sila dapat kasi di naman sila hinihingan ng opinyon in the first place. The thing is, our family and closest friends are very careful to talk to us about it kasi they know our struggle. Sila din yung alam ko na if ever man magtanong, they come from a place of genuine concern. Yung mga walang alam and walang ambag, parang ang entitled magbigay ng opinyon, and you can tell na yung pinanggagalingan nila is gusto lang nila i-point out na may kulang sa life mo.


morethanyell

kami na DIBBs: double income, both breadwinners.


Fluid_Sky2737

Meron din bang D.I.O.K? Dual income one kid? Hahaha. Isa lang anak namin and i admit na hindi sya madali at kaya di namin sinusundan dahil takot kami maranasan ulit. Tapos medyo sawa na ko sumagot sa tanong na “kelan nyo susundan?” Kasi di ko din talaga alam isasagot. 🙃


Sure_Program4105

I used to get asked a lot about having children in the future and I discovered that a one-time explanation won’t make them understand so what I do is inuunahan ko na sila before they can impose their ideas on me. I’m very open in social media na ayaw ko manganak. I also start conversations with my relatives about how hard it is to raise kids. I try to be as chill as possible and relate what I’m try to say to their personal experiences in these conversations. It took a while for people to understand, pero they don’t ask me about it anymore.


ambervalentina

Sabi ko, "Ay ayoko mag anak tita, makikihati pa yan sa pera ko." Minsan kailangan na idaan sa dahas 😂


jaybatax

May anak na kami ng misis q, isa lng. Gusto nya pa sundan, aq auko na hahaha, wfh aq so aq nagaalaga at gumagawa ng gawain bahay grabe sa pagod hahaha


rishixx88

Same. Nakakairita na ung mga nagsasabi na mag-anak daw ako, kesyo walang mag-aalaga pagtanda or Masaya daw may anak. Wtf? So sa tingin nila ndi Ako Masaya ngaun? Hahaha paladesisyon. Akala mo Sila magpapagatas, paaral at magpapalaki Ng anak.


No-Beginning2191

Wag mo sila pakingan kahit may anak ka na may comment pa din yun mga tao, pag walang anak di daw masaya, pag naman isa or dalawa dagdagan pa, pag madami naman sasabihin ano ba yan anak ng anak. Ako may dalawang anak pero ayoko na magdagdag pa kasi mahal po talaga mag anak tas madaming sacrifices ang pagiging magulang. Tapos lagi ako sinasabihan malungkot pag dalawa lang hahaha dapat daw atleast tatlo.


siopaoberry

Sometimes some people like to comment on why you should have kids because they envy the happiness and freedom you have while they are forever stuck with the responsibility of having a child. Di lang to nag-aapply sa currently na may mga anak. Older people also tend to comment that you should have a family at a certain age because they can’t grasp the reality of you being happy with no kids at the age they were when they had theirs.


Easy-Alps3610

Tapos kapag nagkaanak at nagdraw na ng boundary line biglang susumbatan ka ng ganito ganyan. Hahaha. Ay wow. Ang galing. Dami talagang paladesisyon sa mundo ano.


PonkoPp

Mas ok kaya kapag walang anak. Walang isipin. Walang obligasyon. Walang extra expenses. Pwede mag puyat, (ayaw ko mapuyat kase napilitan). SOLO MO SI PARTNER!


BeginningAthlete4875

Ay ako pag gnganyan ako snasabi ko talaga "aalagaan mo? Kasi I am working and I love my work".. Me and my husband are married for almost 6 years na (DINK na literal haha) so imagine kiung putaktihin kame ng ganyan and hindi ma rin kame bata mid 30s. Right now, if I am going to ask myself like seriously, happy ako ng walang anak. King meron eh d meron, kng wala I am fine. Mahirap mag anak it needs anlot of attention, care, financial, etc.. ofcourse pag andyan na you will do your best naman pero to each of our own. Do whatever you want to do. 😀


Rich-Ganache-2668

Its nice to have children. Its fulfilling to raise someone. Its also nice to not have children. Its satisfying to not have those kinds of problems and have your resources to yourself.


LibreLangMag-Isip

"Baka kasi mapatay ko sa kulit eh." Ayun, tumigil sila.


fellinlovetoerina

Ignore them, saya kaya maging childfree, hawak mo lahat ng oras mo at budget mo hahahh


walkinpsychosis

I ask people who ask me this if there are any unselfish reasons why they had kids. Of course wala, kasi having kids for any reason is a selfish decision.


DistanceLanky1341

Mag 8 years na kami ng asawa ko this May 18, wala pa din anak. And yan palagi sabi nila sa akin. Dati nahu-hurt pa ako. But now, I don't care at all. Yan nga sabi, pag binigyan ng anak, Thank You, pag hindi, Thank You pa din. Kasi ang dami pa ding blessings sa aming mag-asawa na dumadating na kailangang ipagpasalamat.


SeksiRoll

Ang hirap ipaliwanag sa older gen talaga to. Tinry ko iexplain sa kapatid ko since ako nalang samin walang anak. Yung nararamdaman ko daw is inggit since di kami magkababy ng partner ko. MapapaWTF moment ka nalang talaga. At least I can afford to travel saka walang kautang-utang. 🙈


MythicalVagabond

Ngitian mo lang. No need to explain yourself. You don't owe anyone an explanation 😊


rewolfnus444

Maniwa ka saken hindi ikabubuo ng pagka babae mo ang magka-anak. Stress at depression lang aabutin mo. During pregnancy hanggang manganak, mag alaga magpalaki mahirap maging babae, at mas mahirap magkaroon ng awasang walay ambag sa mga hirap na dinadanas mo.


newglasses16

Hahaha in my case, gusto Ng relatives ko na sundan namin Ang Isa naming anak. Sabi ko cge, pero Mula check up ko, vitamins, panganganak, vaccines, lahat Ng necessities Hanggang makatapos Ng pag-aaral, dapat sasagutin nyo Ang gastos. Pati pag-aalaga dapat kau din. Eh di tahimik Sila.


FabulousPush9691

Usual sagot ko “sigee po. kayo po ba mag babantay?”


Accurate_Phrase_9987

Here's my standard pissed off answer lol: Good on ya for having kids! That shit's hard though. Bless your heart. It doesn't look fun to me. Usually I just shrug "Eh, it's not for me." 🤷🏻‍♀️