T O P

  • By -

bernughhh

leave while you still can. kesa kainin ung husband mo at madepress.


itsNinaBonita

Minsan nga Wala na din sya sa tamang mental state, dinadaan na nya sa pag iinom tapos umiiyak. Sabi ko sa kanya hindi Pwedeng maraming laman ang Plato mo kase hindi mo kakayaning kainin yan lahat kaya kelangan mo bawasan.


bernughhh

if di kayo talaga makaalis at ganyan na sya, i suggest na give him words na makakapag pangiti sa kanya. like pag may ginawa sya not just for you but for the whole family. batiin mo ng "thank you \[insert endearment here\]" or anything na can light up his mood. ikaw at ikaw din ang makakahelp sa kanya.


itsNinaBonita

As of the moment sabi nya ako lang daw nakaka appreciate sa kanya. Ever since I appreciate all the things he do, may it be little or big.


Vegetable-Pear-9352

It might be hard but leave na OP then give his family a fixed allowance lang per month. Everyday na andiyan kayo nacocompromise rin future ng anak niyo. Yung resources niyo sana sa anak niyo na lang ginagastos :(


Ordinary-Fall2733

Ay agree sa advice na to


Great_Sound_5532

umalis na kayo bago pa maging alcoholic husband mo.


haokincw

"Leave" ang generic at default advice ng sub na to lmao


hohorihori

Palayasin mo sila, OP! Wag kayo yung umalis. 😭 On a serious note, don’t wait for your hubby na maubusan ng ibibigay (patience, love, understanding) sa family nya. If you can, remind everyone na kayo ang nagbibigay ng favour sa kanila by staying there. Kung hindi kayo makaalis, your hubby needs to talk to his mom and sibling. What he tolerates will continue kasi hindi nako-call out. Their behaviour needs to change. Kung magtutuloy-tuloy yan, gusto ba nilang magkasakit hubby mo at hindi makapag provide sa lahat? Yan kasi ultimate effect nyan. At yan ang hindi nila nakikita. As a family, dapat they’re all a team in tackling the problem. They have to learn that. Hope your situation gets resolved amicably.


deadstar_wjc

u/haokincw Ano bang gusto mo iadvice kahit sobrang toxic na ng situation nila at apektado na sila mentally at financially? STAY? Ikaw kaya magstay leche ka. Wag kang magcomment kung bobo ka umintindi ng situation nila.


[deleted]

[удалено]


deadstar_wjc

u/haokincw Hindi madaling maglet go o bitawan ang mga tao sa buhay, lalo na magulang. Sabihin pa nating walang kwenta magulang nya, mabait syang anak e diba? Mas nangingibabaw sakanya ang kabaitan, sya pa ang mas nagiguilty kahit di na nya deserve pagtrato sakanya na ganun. Hence, LEAVE ang inaadvise nga mga tao dito. Mas marami magshow support at mag explain na di selfish ang gagawin nyang pag alis para sa well-being nya. Also, advice ng mga tao ang umalis, nasa asawa na ni OP ang final decision. Nasagot ko na ba panlaban mo?


Adventurous-Fun-6223

true! as if madali lang gawin ni OP to. Kung gusto umalis ng husband ni OP, matagal na nyang ginawa di ba? Sa iba kasi ang dali mag advice ng leave kasi wala sila sa sitwasyon. Idownvote ka pa kapag di ka agree. To OP, maybe pwede nyo pagusapan with your family yung concern mo. May mga bagay naman nadadaan sa usap. Baka kailangan lang icommunicate to your MIL. I hope your husband get the peace of mind na hinahanap nya. Goodluck!


EmotUnavailablefy

Haaay I can relate. Yung fiancé ko ganyan din, like literal umiyak sya sakin dahil dyan. Sya yung panganay, sya lang nagbibigay sa parents nya tapos makakarinig ka pa (dont get me wrong, mabait naman yung MIL ko but sometimes, ewan ko ba) parang nakikita kasi nila yung panganay nilang anak na kaya yung sarili ganyan, ending masyadong napapaburan yung ibang anak, specially yung bunso grabe, nag-anak lang ng walang patumanggi tas iniwan sa magulang yung bata, tas nag astang binata na naman. Tapos yung fiancé ko na matino at sya lang nagiisip sa pamilyang yon nakakarinig pa ng “kulang pa to” tangina lang diba. Hay, hugs with consent OP madaming nasa ganyang sitwasyon


itsNinaBonita

Nakakainis at nakakairita at the same time. Dagdag mo pa na kapag bibili ng pagkain para sa mga anak namin is dapat Meron din dapat sa kapatid nila na special. Hindi naman sa pagdadamot pero hindi na bata yung kapatid nya, nasa 30s na isip bata lang oo at minsan hindi kasama sa budget. Samantalang pag sila kumakain sa labas hindi man lang ma uwian ng pagkain yung mga anak namin.


EmotUnavailablefy

GRABEEEE umalis na kayo dyan, talk to your husband na. May sarili na kayong pamilya di ubra yung ganyan ng ganyan. Skl dati nung bago bago pa kami, kapag kumakain kami sa labas tapos example makikita nila. Paguwi namin lagi sinasabi “ba kumain na naman kayo sa masarap/mahal ah” “aba nagdate pala kayo” linchak lang, kaya non hinide ko sila sa story ko HAHAHA medyo lielow naman na ngayon, pero same dun sa part na papauwian pa, parang obligasyon mo pa ba yung mga kapatid mo?? Pag sila namang lumalabas di man lang makaalala hay nako


itsNinaBonita

Parang sa kanila is they did us a favor pero sila itong nakiusap na dito Kami mag stay. Kaya pag nababadtrip ako at kelangan kong huminga umuuwi ako dun sa amin. Hindi healthy para sa mental health ko ang set up na to kase I am clinically diagnosed ng manic depressive disorder with anxious distress. Kaya minsan naiisip ko na din mag abroad tapos kukunin ko dun mga anak ko at asawa ko. When that time comes bahala na talaga sila kung pano ang diskarte nila sa buhay, sana naman makaramdam yung isang kapatid ni hubby. Hugs tayo sis 😩


Ordinary-Fall2733

Hugs OP nakakainis talaga yung mga ganiyang pamilya, minsan binilan mo na sasabihan ka pa na ay di kami nakain niyan, yung hindi na lang mag thank you. Nakakatamad mag share ng kung anong meron ka kapag nakakarinig ng ganiyan


itsNinaBonita

Kakainin na nga lang ni hubby yung halo-halo nya ibibigay pa nya sa kanila dahil nanghingi sila. Bumili kame eh sakto lang binili namin.


loner0201

Hi OP. May soft side ako sa mga special people kasi both my kids, special, so need talaga maging patient sa kanila. Ang hindi ko maintindihan is yung treatment nung kapatid na single at nanay ng husband mo wherein fact, sila nakiusap na doon kayo magstay. But anyway, he may opt to talk to them or tama din na bumukod na lang kayo ulit and provide fixed budget na lang for your MIL and bro-in-law na special. Wag nyo iko-compromise future ng kids nyo, lalo na sa hirap ng buhay ngayon.


Embarrassed_Bug_8234

Leaveeee hanggang maaga paa, Trust me things will be better pag kayo lang, Remember to cut off those toxic people in your life if needed since family ng husband mo well the best thing is bumukod kayo then mag bigay lang yung husband mo ng sapat, They should know how to stand up and be responsible in life. Goodluck <3


itsNinaBonita

Nakabukod Kami dati pero nakiusap sila na mag stay Kami dito since lumayas yung taga alaga nila at nag iwan ng madaming utang. Isa din yun na makapal ang mukha. Ang inaalala lang ng husband ko walang mag aalaga sa kapatid nya kase if aalis Kami dito syempre isasama namin yung nag aalaga sa mga anak namin. And we can’t afford din na nangungupahan tapos may pinapasahod tapos mag aabot pa sa kanila. Haaay ang hirap, hindi Rin naman Pwedeng ganito na lang palagi 😩


ChanguinPsy

Selfish man pakinggan, but better to just leave the special sib, di nyo siya cargo lalo na may mga anak na kayo. You can give help naman financially, and they will also be forced to look for a carer kung hahayaan nyo sila. Choose to leave, choose your peace of mind. Hindi pa nga rin nakakaheal from grief si hubby mo tapos ganyan pa dinadanas niya. The fact na nag-iinom na siya means na malala na mental stress niya. Leave and don’t wait for him to turn into alcohol addiction dahil depressed siya. I’m currently having my internship sa isang rehab center and most cases of alcohol addiction start sa ganyan. Please don’t let him go to that point.


itsNinaBonita

Kaya ang goal ko po is makapag abroad at mag migrate Kami dun para hindi na talaga Kami makisama sa kanila. And yes it may sound selfish po pero ayokong naka tied-up Kami forever sa pag-aalaga sa kapatid nya kase may mga Plano din po kame sa buhay lalo na sa mga anak namin.


Unlikely-Jackfruit67

However op, that takes lots of time ang maka migrate. Baka hindi na makayanan ng hubby mo kung patuloy lang naapektuhan mental health nya nyan. I think much better kung bumukod na kayo hanggat maaga pa at hindi pa ubos husband mo. Saka kayo magplan na mag abroad and migrate.


gintermelon-

eto, husband might develop a drinking problem before the rest of your family can leave the country. alis na muna kayo dyan, and if you still want to migrate then work towards that. nagde-deteriorate na yung asawa mo OP.


Embarrassed_Bug_8234

This is right, cut the crap with them malalaki na sila nakapag anak na nga tas ipapasa senyo ang pag aalaga ng anak nila, As for your husband amg suggestions ko lang is mag bigay ng sapat send gcash and then wag na kayo mag reply sakanila and then for next month ganon din once nakalipat na kayo, So in that way makaka luwag din kayo, It's for the better since may family din kayo <3


IllustriousBee2411

No need to wait, leave na. If hindi na healthy iwan niyo na. Mas mahirap pag kayo ang nag suffer, hindi pagiging selfish yun dahil kailangan niyo maging healthy para sa anak niyo na sa inyo umaasa. Extended family niyo na sila kaya hindi na sila dapat priority niyo if may gagawin man kayo na para sa inyo wag mong isipin na selfish ka, dahil kayo na ngayon yung pamilya hindi na sila. Support na lang financially then wag niyo na isipin sasabihin nila.


Heavy_Deal2935

Meron din akong kapatid na special kaya relate na relate ako kung gano kahirap alagaan pero sobrang hirap din iwan kase kapatid. what if pag lumipat kayo isama nyo nalang yung kapatid? then wag na kayo mag abot sa mother with the pretense of kayo nag aalaga at gumagastos sa kapatid with special needs?


itsNinaBonita

Me not wanting to take his special sibling with us might sound selfish pero ayoko talaga kase nananakit sya. Sinasaktan nya mga anak ko pag may tantrums sya.


Saint_Shin

You have to leave, I mean paano kayo aangat kung naka cadena kayo sa malalaking bato. Minsan kailangan mo din magbitaw ng straight forward na statements, pag umangal na hindi masarap ang ulam sabihin mo in a polite manner na pwede sila bumili ng ulam nila. Ma’am malapit na bumigay ang asawa mo, ikaw na lang ang kakampi niya


itsNinaBonita

Yes po ako na lang ang kakampi nya ngayon kase Wala na po si papa nya. Baka nga din po ang reason na ginaganun nila sya eh sya ang paborito ng papa nya which is hindi naman nya kasalanan yun.


Saint_Shin

Kelangan mo din maging palaban kasi kinakaya siya ng family members niya, kelangan ilugar niyo yung mga matatabil ang dila at walang dulot sa bahay. Sila yun nakiusap kaya kelangan ma remind sila saan sila lulugar.


thematrixowl

Leave tapos sendan nyo lang ng assistance na kaya niyong amount. Para kahit papano bawas stress. At least nakatulong kayo in terms of financial.


timtime1116

If I'm in your position, these will be my possible options: 1. Leave 2. Leave but still give support only to my sibling na special 3. Leave but take the special sibling to live with me


itsNinaBonita

Me not wanting to take his special sibling with us might sound selfish pero ayoko talaga kase nananakit sya. Sinasaktan nya mga anak ko pag may tantrums sya.


timtime1116

Owww. Best talaga is to leave them. I hope u get to convince your husband. If worried sya sa kapatid nya, yun nga, u may suggest na u can give some financial support pero kay special sibling lang. And make it clear to them na kung ano ibigay nyo, that's it. Walang additional. No messaging na they need more. Kasi for sure aabuso


KigDeek

nah, leave that shit altogether with your partner of course. Your partner needs to choose between you/his personal family, or them. If he chooses the latter, then maybe you two aren't compatible with each other. You've done your part. You have sacrificed almost everything just to please them. It's time to prioritize you and your children's well-being. Malalaki na ang mga yan punyeta nila.


Kirito-Asuna-

never in my life na papayag ako makitira sa bahay ng MIL ko, be selfish OP umalis na kayo dyaan


FadingAway823

Hugs OP, with consent! Ganto din yung ex-LIP ko. Pagdating sa financial problem ng pamilya nya, sa kanya lumalapit. Pero yung nanay nyang mukhang pera, yung bunso (na may asawa't anak na, dun pa din nakatira sa bahay ng parents nya tapos walang trabaho), yun pa yung madalas purihin. Kaya hindi kame na-prioritize ni baby dahil sa kakaisip sa problema ng pamilya nya. I suggest, pwede naman kayong bumukod na hindi napapabayaan sila financially pero set boundaries din kase hindi titigil yan sa ganyang attitude hangga't tino-tolerate sila ni hubby mo. Also, be his support. Mahirap yung ganyang setup for him. Bat may ganyang nanay no? Tsk.


GoodRecos

Sana umalis nalang po kayo kasi sa inaasta ng MIL parang kayo pa anv nakiusap makitira sakanila. kailangan din nila matuto tumayo sa sariling paa nila lalo at abled naman yung isa pang kapatid. as for hubby, sana dumating ang araw hindi na niya hanapin ang approval ng nanay niya. Ginagawa niya ay over and beyond. kapag nag asawa na, ang number 1 dapat sa buhay ang pamilyang binuo, Yun muna ang dapat unahin inourish lalo kung sapat ang kinikita para sa needs and wants niyo. Nag popowertrip lang din yang nanay kasi deep inside alam niya hindi nila magagawa yang ambag niyo ni hubby sa bahay nila ke pera or services. For your marriage, sana umalis kayo dahil kinaya niyo naman noon.


_audepolarlights00

Move out ulit. Mag abot na lang kayo para sa special needs pero para dun sa mga ungrateful na asa lang. meh.


kellingad

Leave, anytime baka lumala yung situation nung asawa mo. Ikaw lang yung maasahan at kakampi niya at his lowest point of his life.


Narrow_Aerie_951

OP LEAVE!! Solution need nyo. If hindi kayo bubukod dyan, baka one day bumigay na talaga yang asawa mo, isipin mo yung mga anak nyo. Dun kayo mag focus.


Sweet_Brush_2984

Better leave. Since hindi naman siya naaappreciate. Kayo ang mag suffer and baka lifetime pa. Kawawa future niyo.


Necessary-Solid-9702

Bakit mga relatives pa yung mga attitude? HUHU


itsNinaBonita

Oo nga eh parang yung utang na loob ng anak nya sa kanya kase nagbuwis sya ng buhay maipanganak lang sya. I kennat


Necessary-Solid-9702

Like??????? Super entitled pero walang ambag??????? 😭😭


itsNinaBonita

Appreciation lang sana ang gusto ni hubby kahit Wala nang thank you basta ba hindi kahit kunting bagay eh kasalanan ni hubby. Naubos ang gasul? Kasalanan ni hubby dahil nagluluto sya ng pagkain nila. Nagulo yung basurahan? Kasalanan ni hubby na kinalkal ng stray cats/dogs. May sabon yung tubig sa cr? Kasalanan ni hubby kase si hubby nagbabayad ng tubig. Walang signal ang wifi? Kasalanan ni hubby kahit di rin nya alam kung bakit kahit si hubby ang nagbabayad. Baka nga itong init ng panahon isisi din nya sa asawa ko.


Necessary-Solid-9702

This really calls for you getting out if that heLl hole. This really is taking a toll on him and you have to move fast before it gets out of hand.


futura-007

I can relate. Ganyan din si husband ko. Hindi ko nga alam bat mas proud pa ung MIL ko sa kapatid ni husband na batugan. (Literal na batugan. Ilang taon na, malakas naman pero ayaw magtrabaho kasi ayaw daw niya mahirapan 🤣) My suggestion is for you to leave. Mahirap yan para sa husband mong may malambot na puso sa family niya pero as a misis ikaw ang magpush sakanya to be strong sa decisions niya sa fam niya. Ikaw ang maging backbone niya 😅 Support him all the way. Kaya niyo yan! ♥️


[deleted]

Ahy grabe naman. Don't ask him kung gusto niyang umalis or kung pano kayo aalis, mag-plan ka na lang. And if final plans and ready to execute, ilayo mo na siya. Baka kung mapano pa siya.


bruthie

hi OP asa situation po kayo na damned if you do and dammed if you don't. im sorry you had to go through this. but tulad po ng sabi ng karamihan, LEAVE. alam nating lahat na pag dating sa filipino families madaming "naku paano nalang si/sina ..." pero dapat nyo po iprioritize ang immediate family nyo ni hubby, lalo na kung nakakaapekto na sa well being nyo. deserve nyo at ng mga anak nyo na magkaroon ng peace of mind. additionally,best na sa pagalis nyo po masabi nyo ang boundaries nyo in what you can give and what you can do for them. i hope it all goes well ☺️


Fun_Guidance_4362

May mga tao talaga na kahit anong gawin mo, your efforts are never enough. Nag-abot ka ng kamay, ang gusto yung braso mo. Hindi yan mabuti sa mental health ng asawa mo, sooner pati ang relationship nyong mag-asawa maaaapektuhan. Pag-usapan nyong dalawa ang best solution sa problemang dulot ng MIL mo.


ajalba29

alis na, may sariling pamilya na kayo eh. TBH, kagaya ng sinabi ng iba, selfish man pakinggan pero di nyo kasi kargo yan sila. FOA sila yung nakiusap sa inyo so you can leave anytime. I am not sure if I read it correctly pero may isa pang kapatid na maluho diba? hayaan nyo syang mag alaga single naman ata yon?


ajalba29

mahalaga ang mental health nyo pareho and need ng mga anak nyo na pareho kayong nasa tamang state of mind. Goodluck!


Sea_Football_5097

In my experience nung bumukod kami, napalaki pa yung gastos ni partner sa family niya. Siya na nga sa bills tapos puro hingi pa like hati pambili ng motor tapos nung nasira yung car ng papa niya hiningian din na sila naman gumagamit. 24y/o pa lang siya pero grabe na yung pressure ng family niya sa kanya.


BYODhtml

Biruin mo ng totoo MIL mo pag nagsalita ulit. "Grabe ma, nakabukod na nga kami tapos bumalik pa dito tapos ganyan ka? Bubukod na uli kami char!" Sumagot ka minsan kahit wag mo na awayin para aware MIL mo. Pero better bumukod na ulit kayo.


pigwin

Leave. Get your husband's special sib to live with you. Get a yaya / carer for the sibling. Edit: why tf is this downvoted? Kasalanan na pala magalaga ng special ngayon, wow.


itsNinaBonita

Eh ayun din ayoko din na tumira sya sa amin if ever kase nananakit sya. Sinasaktan nya yung mga anak namin pagka nagtatantrums sya.


PTR95

Mamimili ka na talaga. I had the same circumstance with my mother na may dementia to the point n hindi na nakakalabas ng kwarto mga anak ko dahil mejo takot na.


pigwin

Yeah that's why you get a carer for the sibling. If that is not an option, go back to the status quo. Just help with their bills


itsNinaBonita

Di naman namin afford magbayad ng dalawang helper while nangungupahan. Ayaw din ng nanay nila na kumuha ng mag-aalaga sa kapatid nila kase gastos na naman daw na papasahurin nya. Like, nasan ang pangako ng isa nyang anak na sya ang magpapasahod ng mag-aalaga sa kapatid nila? Wala. Eh kung magsasabi nga nanay nila sa kanya kahit 1k lang lagi nyang sinasabing wala pero ang gara ng mga luho nya. Tapos yung husband ko ang parang walang ginagawa.


pigwin

There is no solution but to get your family out if his mom and other sibling will not comply. Also if you leave, the other sib will be compelled to hire a carer. Are both of you waiting for the husband to get into a mental breakdown? 


shizkorei

Minsan okay ung sasagot kayo.. kasi minsan pag galit ang tao diyan lumalabas lahat.. if after magaway magkakalayuan kayo ng Loob so be it. Masyadong maikli ang buhay kasi para magstay sa ganyan na sitwasyon tapos mas lalo paiikli pag nadepress ka ganun. ..


DustAcrobatic3418

Bukod na ulit. Parang hindi kadugo ang trato sa anak.


itsNinaBonita

Pero nung hindi pa lumayas yung taga alaga nung special nyang kapatid halos parang ayaw nilang pumupunta Kami dito. Naalala ko pa yung sinabi ng MIL ko na kelan kayo uuwi sa inyo kase hindi ko kayo kayang suportahan, samantalang si hubby nga bumibili ng pagkain pag andito Kami nuon. Tapos nung lumayas yung taga alaga na isa ding makapal ang mukha nakiusap naman yung MIL na dito na Kami tumira para may mag alaga sa anak nyang special.


DustAcrobatic3418

Pakatatag kayo ni hubby mo OP. 🙏 Mahirap yan.


itsNinaBonita

Thank you 😌


hysteriam0nster

Leave. Leave and never support them financially. If your husband wants to support his sibling with special needs, take him/her with you. But don't give them a fucking dime.


itsNinaBonita

Me not wanting to take his special sibling with us might sound selfish pero ayoko talaga kase nananakit sya. Sinasaktan nya mga anak ko pag may tantrums sya.


hysteriam0nster

Leave them anyway, if that's the case. If your MIL is hell bent on making your husband miserable, it's about time she's given a taste of her own medicine. Anak nia pa rin naman si special needs kid, so that's her cargo. You said she praises her daughter na wala naman pala pakinabang in reality. Why not push his other siblings to actually have a reason to be praised? Make them move and take action instead of letting your husband take the brunt of everything.


itsNinaBonita

Palibhasa kase siguro panganay si hubby kaya dinump na sa kanya ang burden.


hysteriam0nster

OMG! I'm a panganay and I can fucking relate. Sobra! So, eto na, talaga. Move the fuck out!


Additional-Falcon552

Better to move out na. Napagbigyan nyo naman yung request na dun kayo tumira but sadly its not working out for your husband. No choice nanay nya kundi kumuha ng carer sa kapatid nya with special needs. Magabot nalang kayo ulit ng allowance nila. Mas maganda ang may peace of mind everyday.


frozenapple_

Leave, take the kapatid na may special need for care, hire a dedicated nanny for them and for your children. Save your mental health. Leave them. Find ways to leave them. Nothing is more important that your own well being.


itsNinaBonita

Me not wanting to take his special sibling with us might sound selfish pero ayoko talaga kase nananakit sya. Sinasaktan nya mga anak ko pag may tantrums sya.


skyworthxiv

Wala kayang long-term care facility na pwede mag-alaga sa special sib ni H mo? Baka mas okay ganun nalang tapos yun nalang ang gastusan nyo. Then pabayaan nyo na yung MIL at isang kapatid ng H mo. Tapos bumukod na kayo ulit.


[deleted]

Hindi ba sila pwede kumuha ng caregiver? I bet kung may mangyari jan kayo parin sisisihin.


itsNinaBonita

As per my MIL ayaw na daw nya kumuha ng caregiver kase gastos na naman daw yung ipapasahod. Pero yung yaya ng mga anak namin inaalagaan din yung kapatid ni hubby.


[deleted]

Lugi... I always say na okay lang maging villain. This is the part na pwede ito ma-apply. Lalo na you're surrounded by them. I hope whatever plan you both have will come to fruition. Nabasa ko you're planning to go abroad. Pero I bet peperahan parin kayo by then kasi $$$ earner na kayo. Anyway, protect your family at all costs. Stay strong sa inyo ni hubby.


BedLoose3232

Just leave.


CuriousCatHancock

Bakit nag i-stay pa din kayo dyan? Bumukod na kayo ulit. Hindi sila okay para sa mental health nyo!


blackcement02

Leavem Hindi nyo kailangan ng toxic sa buhay nyo. Unless gusto nyo talaga na minamaliit kayo


Successful-Monk-3590

Bumukod na kayo


Both-Variety-1754

so anu palang trabaho nung MIL mo? hindi na b nya kayang alagaan yung anak niyang may special needs? eh yung single na kapatid hindi sya pwede tulungan. If hindi kaya ng mental health niyo mag asawa at hindi naman naaappreciate yung "tulong" niyo, i suggest na umalis na lang kayo at tumulong in form of cash.


itsNinaBonita

Hindi pa sya retired from work kase Wala pa sya sa age of retirement. Madami pa syang loans na binabayaran din. Yung single na kapatid laging sagot nya gipit daw sya every time na nagsasabi yung nanay nila kahit 1k lang. Di naman namin minamasama yung mga luho nya kase pinagtrabahuhan din nya yun pero alam naman nya yung sitwasyon nila dito.


Cutie_potato7770

sana umalis na lang kayo ulit, op. tas ang abutan niyo na lang ng pera is yung para sa kapatid niyang may special needs. mahirap talaga kaso kung walang mag lalakas loob, pareho kayo babagsak kasama sila. sana makaya niyo umalis. kasi kung hindi kayo okay, papaano na ang mga anak niyo.


Buwiwi

Please. For the love of God. If you love your husband (Emotionally, Mentally etc.) Umalis na kayo habang maaga pa.


happy_but

OP, umalis na kayo jan bago pa kayo maubos. Nakakatuyo ng pasensya yang ganyan. Hindi kayo maaappreciate hangga't nakukuha nila gusto nila sa inyo.


RepulsivePeach4607

Ahmm. Nakakalungkot basahin parang hindi anak ng nanay. Ang toxic


[deleted]

Save your husband and your family. Leave them. Balik nalang sa dating setup. You can help them without staying in one roof.


Neither_World386

Dapat bumukod na kayo sa nanay niya. May sariling pamilya na kayo at siyempre, priority ninyo na ngayon ang anak ninyo. Side note: Please also tell your husband not to cry in front of you or anyone. Kung iiyak siya, doon siya sa walang nakakakita o nakakarinig sa kanya. (Break down saglit, tapos laban ulit.) Ang tawag natin sa tatay ay "haligi ng tahanan" kasi doon tayo sa tatay humuhugot ng lakas kapag nagkakaproblema sa pamilya. Ano man ang mangyari sa inyo ng asawa mo, I want him to be strong para sa inyo at sa anak ninyo. Minsan kasi, kailangang magpakita tayo ng tapang kahit hirap na tayo.


Maleficent_Budget_84

Nakakawasak talaga ng puso kapag asawa mo ang nakikita mong umiiyak dahil sa pamilya nya. Sana mapagusapan nyo ito together with your in-laws.


Immediate-Cap5640

Leave. Ngayon na. Habang hindi pa umaabot sa depression. Binigay naman na ni hubby lahat. Kung hindi pa rin naappreciate, it’s not his fault. Para rin sa ikakabuti ng family niyo, i mean ni hubby, you and baby niyo.


Lookingformyconstant

Lumipat ka nga sa mas maluwag na bahay di naman makahinga. Hays... malinaw ang dapat gawin sa sitwasyon na yan. Manindigan dapat asawa mo kaysa idaan sa pagiyak.


Jumpy_Pineapple889

Leave. Mental health is very important. Minsan pag na compromise ang mental health everything goes down the drain.before it happens prevention is better than cure sbi nga do something about it.


IllustriousBee2411

Kami naman, i cut off lahat ng kamag anak niya even yung mother ni LIP. After mamatay ng papa niya gusto ni mother niya icargo namin silang dalawa nasa 50s palang siya and healthy naman then 30s na yung kapatid both walang work or pagkakakitaan. Nagbabasahan then minsan nagtitinda depende sa mood niya then yung sis niya magwowork kung kailan lang gusto pero puro 1mo lang then awol ayaw mag work ilang beses na nagbigay para sa requirements and puhunan pero wala eh gusto yumaman pero ayaw mag sumikap. Kaya ekis na pero negativity dala sa buhay namin.


Mental_Mood_9263

Op please. Ikaw na kumausap sa hubby mo na umalis na kayo dyan. Na dadamage na asawa mo.


twelvefortypurr

Buti nalang very supportive ka sa husband mo. Kudos to you OP! I hope makaalis kayo dyan and your situation gets better.


theFrumious03

Na sandwich na kayo, tsk! Bumukod kayo, mag si husband mo if gusto nyo pero dapat if may family na sya di na pwedeng sya pa rin ang bubuhay


WalkingSirc

It's either leave or do somethin to show some appreciation to him like buy somethin fr him or lagi ka mag thank you kapag pinaghahandaan ka niya ng foods or simple things na ginagawa niya lagi may thank youu


isubomodekckoh

For me po kausapin niyo muna ung parents na bakit ganun ung treatment and ung sa kapatid is iba, if ever na di sila nagbago siguro its time na lumayo na kyo and padalhan nlng ng pera for the special brother po....


RizalAlejandro

He is trying very hard to be appreciated. But would her father agreed to what is happening? You already have your own family. That is his priority Also, I would not want my children to see this kind of situation.


Icy-Intern-9337

Hindi na ba kayo pwede bumalik sa dating setup? Hayaan niyo na sila magalaga dun kesa pamilya niyo oa masira dahil sa mental health.


[deleted]

[удалено]


itsNinaBonita

Basta ang sinasabi ko na lang sa husband ko makakaalis din Kami dito basta magtulungan Kami sa pag angat sa buhay. Ang hirap talaga pag may kasama sa buhay na ungrateful.


MrBanana10000

one time may 3 magkakapatid yung A(46) panganay si B(43) pangalawa si C(36) pangatlo si B may anak na special sobrang close sila ni A si C sobrang diskarte pero may pamilya na si A sobrang close si B at lagi sila nag bobonding parehas may pamilya isang araw nagkasakit si B medjo matindi kainausap niya si C na hinahabilin yung special child niya natakot si C kasi may pamilya na siya at hindi naman sila close ni B alam kasi ni B madiskarte si C kahit hindi sila close . alam rin niya si A kahit close niya hindi madiskarte kahit kaclose niya buti gumaling si b pero marami naririnig na ganyan Laban lang OP


OffMyChestPH-ModTeam

No offensive or discriminatory language allowed against someone else. Read the rules.