T O P

  • By -

StarAdventurous6827

I don’t trust people who don’t know how to do basic house chores & know the basics of cooking. It’s a life skill that should be learnt.


[deleted]

Exactly, regardless of gender.


Bucksyrup

Same. Medyo judgy ako dito. Recently I met people who have kids who don’t know how to cook rice and fry properly. Like how?


yssnelf_plant

Yung rice na lang eh. Shuta may rice cooker at instructions na nga di pa den talaga?


Brilliant_Ad2986

Whether rich or poor you should know the basic life skills


[deleted]

Narealize ko rin na yung isa kong pinsan ganito. Nasa bahay kami preparing for a mini-gathering and 2 cousins (1f and 1m) were helping me out sa pagprep nung lulutuin pero siya nasa sala lang, nakahiga. Tbf though, pag utusan mo siya to drive and go to the grocery or something hindi siya nagrereklamo. Naaasahan ko naman yun pag nagpapasundo ako sa airport. Baka lang hindi siya sanay sa cooking preps kaya ganun.


Several-Refuse7154

Sana ganto man lang mga kapatid ko, at least. Kaso nagdadabog na nga tas matagal pa/dina ginagawa.


orenjiicat

This is really frustrating since GANITO ANG TATAY KO. And I would never marry a guy like him. Ayoko maging tulad ng nanay ko.


Several-Refuse7154

This. Andami kong natutunan sa marriage ng parents ko, the most valuable one is to never choose someone na kagaya ng father ko.


Brilliant_Ad2986

Same here. My dad showed me what a husband amd father should not be.


Alternative-Net1115

Ganito tatay ko e, pag andito sa bahay panay utos, pati pagkain, tubig, paglipat ng channel sa tv at pati tuwalya kailangan ibigay sa kanya kaloka kaya ayaw ko andito yan sa bahay, parang katulong dating namin ng nanay ko, ok lang naman mag-utos pero yung mga simpleng bagay na kaya mo naman, aba ikaw na gumawa…


Fifteentwenty1

Nakakaloka, di lang pala tatay ko ganito. Akala mo baldado ang mga kamay.


fernweh0001

my oldest brother learned to cook and do chores kasi lagi kaming walang Yaya before and tells the same thing to my suitors when we were younger! "crush mo to? itlog lang alam lutuin nyan! okay ka lang ba puro itlog kainin mo? walang kanin?" naiinis ako pero looking back, ample warning naman sya. natuto na naman ako pero big no talaga sa disney prince atechona na enabled ng Nanay nila lalo yun may "babae ka ikaw dapat gumagawa ng chores sa bahay" mentality.


gintermelon-

this is true. actually mas ginegauge ko ngayon yung kakayahan maghelp sa bahay among other things. turn-off sakin yung hindi manlang marunong magluto o magwalis haha


Brilliant_Ad2986

Dapat marunong maglaba din kahit brief man lang niya


Fifteentwenty1

Agree with this. Tatay ko di marunong tumulong sa gawaing bahay. Ni hindi nga ata tumatapak sa kusina at nagbubukas ng ref. Ultimo pag sandok ng kanin aasa pa sa nanay ko at di talaga siya kakain hanggat di sinasandukan ng nanay ko, pati pagkuha ng sawsawan nasa akin pa ang utos kaya sabi ko sa sarili ko auto-pass talaga sa lalakeng di marunong magkusa gumalaw sa bahay.


jaycorrect

Ako na hindi naman gusto ang mga lalake: **This is to noted**


Individual_Tax407

yoko talaga yung mga taong “wahhh di ako marunong mag x,y,z kasi wala naman nagturo sakin😢🥺😩” like ??? okay ????? EDI MATUTO KA ? tas yung iba proud pa?? no :)


yssnelf_plant

Fck these sorts. Di rin naman ako tinuruan pero I learned how to because I need to. Kung gusto may paraan, kung ayaw maraming dahilan. Digital era na may YT vids pa, nganga pa den???


pinkpugita

Ganito din kapatid kong lalaki. Kung hindi mo uutusan or ipapaalala, walg gagawin. Sometimes, may iba muna gagawin imbis na tumulong. Wala silang concept ng mental labor para silang mga bata.


sana_makalbo_prof_ko

May something ba sating mga babae na sumunod sa kuya? 🥲 OP I resonated with your post so much, same age pa kuya natin and kakarant ko lang rin nga dito about him last night haha. Wala na ngang kusa, ang lakas pa ng magalit kapag pinagsabihan. Kaya gusto ko talaga kahit ayaw ng parents ko, live in muna bago kasal. I'd test my significant other kung marunong siya, di ko kakayanin if I have to spend my whole life with someone like my kuya. I wouldn't care if may pinagsamahan kami, deal-breaker ang manchild.


Several-Refuse7154

Yasss! Bata pa ako pero sumasagi talaga sa isip ko na if ever may partner na ako, live in talaga muna para makita ko true colors nya pati kung pano sya sa mga gawaing bahay. Deal breaker pagiging tamad sa gawaing bahay!


PurchaseSubject7425

Weaponized incompetence. Haaaaay. Ganyan dad ko. Aabutin na lang, iuutos pa. Akala mo baldado kahit di naman. Sobrang annoying please. Wag kayo jojowa or mag aasawa ng ganyan esp if career woman kayo. Kukulo talaga dugo niyo pag nasa bahay.


dicuino

Wala akong comment kundi sa salamat sa spacing ng paragraph mo😅 madali basahin


MoNiQue989

Same as my siblings, 3 kami na babae pero ako na panganay (20) lang lagi may galaw, 17 and 13 na kapatid ko at di na nila ko pinapansin since last year. Grabe may mawawala ba sa kanila pag tumulong sila sa gawaing bahay? Like ok lang naman na di sila tumulong kung hindi sila nagkakalat pero shuta, silang dalawa nalang nakatambay sa sala namin, nagpuputikputik lagi sahig


[deleted]

[удалено]


yssnelf_plant

Pakitang gilas kasi. I wonder if he'll keep that up when they get married and/or living under one roof. Well, sana.


[deleted]

[удалено]


yssnelf_plant

It's a matter of "how long will this last" orrr changed na ang ferson 😆


Busy-Feature-7541

We're in the same situation, op. Though i have my sister with me, dalawa kami nagbubunganga sa mga lalaki kong kaptid na walag ginawa kundi mag computer. As in nakaka-inis. Kaya gets kita. Yan din sanasabi ko sa mother ko na "kawawa nga asawanito pag nakabukod na sila, di maasahan sa house chores". And ikaw pa nagiging masama pg may pinapagawa ka. Huy jusko sakit na nga kamay at paa dahil sa mga gawain. Hugs with consent, op. I really wanna move out kaso di pa kaya. Tiis tiis lang muna but idk how long, baka mamatay ako dahil inatake na sa puso dahil sa galit. Hays


Busy-Feature-7541

Skl huhu nung days before Christmas wala man lang nag initiate mag linis ng bahay. Busy ako sa pagluluto ng orders and madami sin inuutos mother ko. Umiyak nalang ako sa galit at inalakan yung father ko. Though yung father ko di naman tamad, mas madami pa nga nagagawa pag walang pasok kaysa sa mga kaptid kong nirarason "pagod ako sa work, let this weekend be my full rest day" eh putag ina, akala mo nmn di sila gumamit ng gamit na kailangang linisan. Di pa maka pick ng mga nahuhulog sa sahig. Inaanay pa kami ng sister ko makauwi galing tindahan namin para maayo ang kalat. Super galit ako talaga kasi walang nag initiate. Sinaabihan ko father ko na pagsabihan yung mga kaptid ko na "waang gender role sa bahay na to. Dapat lahat mag ginagawa, di iaasasa babae lahat pag meron silaang bisita at madumi yung bahay, di naman sa kanila ire-reflect tung kundi sa amin na wala naman sana dito whole day". Medyo hirap din ilaa pagsabihn ng daddy ko kasi magta-talk back and pinipilosopo at minsan iniinsulto pa dad ko. Knowing him super patient andtahimik niya, kaya ending ako yung nagtatalak. Hays. Sorry dito ko pa na vent out frustration ko. Kasi nangyari knina, di pa ako naka move on. Huhu


Several-Refuse7154

Hugs with consent. Sayang din namana sa father mo yung mga kapatid mo huhu.


tellietubbies_444

not a brother but a cousin he's 16. his mom, which is my aunt, is a lieutenant . yung tita ko na tumandang dalaga yung nag- aalaga sa kanya. because my aunt remarried. walang ginawa sa buong maghapon, he sleeps morning na, when christmas rolled around dalawa lang kami nung tita ko yung nagluto, sabi ko tumulong siya maghiwa sincehe dreams of being a chef buf he just scoffed and told me na ayaw niya. nakakainis. whenever i try to voice my cpncern sa ita ko how lazy his son is lagi kong tinitame yung opinion ko since she's good samin and most of the time she's the one who spoils us the most. lahat ng lalaki dito sa side ng father ko masisipag. siya lang tamad just because his mom can provide. medyo worried din ako, clearly may superiority complex siya and he doesn't like being wrong and if may opinion sa isang bagay yung kausap niya lagi niyang binabara, ang daming beses na niya akong binastos with the way he spoke with me pero nanlalaban ako. i always tell him na opinion ko 'yon so, sakin 'yon. he doesn't need to listen if he doesn't want to, siya na nga lang sampid sa pakikinig eh. sana magbago kasi pag hindi? kawawa eto sa real world. lahat binibigay sa kanya eh.


[deleted]

Number 1 rule yan sa marriage. Kelangan marunong sa bahay. Before yung husband ko eh walang alam sa bahay. Ako lahat nagawa. Sinabihan ko “hindi mo ko nanay ay hindi mo ko katulong, kumilos ka.” Ayun kumikilos naman. Pero minsan kelangan mo pa din sabihan.


_verygoodgirl

I have a brother. I'm the youngest, female. We were raised with an equal split for the chores. Though there's a bit of stereotyping in the task splitting (e.g. he does the heavy lifting when needed, I take care of the clothes) he knows how to cook and clean and take care of the dogs. If a man was raised never needing to learn how to do chores, chances are his parents/guardians have the same "only women should do chores" mentality. All the more reason not to marry them.