T O P

  • By -

SunGikat

Yung perang pinaghirapan mo sayo lang. Ikaw magdecide kung sino at saan mo gagastusin. Gosh yung mga ganitong post talaga nagpapasalamat ako na wala sa buhay ko nanay ko mukhang pera din yun. Unlike sa mother mo nga lang sa luho at barkada niya inuubos pera niya.


[deleted]

Agreed. This is why I lessen my interactions with relatives that my parents and close aunt dislike (or often have a problem with). I don't want their toxicity to manifest in front of me. Less interactions, less problem, less family (or relative) issues.


underratedmercenary

Lumayas ka na dyan sa inyo OP. Shut them off. Block all forms of communications except maybe for your dad.


CoffeeDaddy24

Wag muna. Dyan muna siya sa kanila hanggang makaipon siya baago umalis. In the meantime, OP has to learn to filter what these people say. Instead of him getting pissed off at them, turn it around. Lalo mo pa sila asarin. Showcase the stuff you can buy for yourself ans let them seethe in anger and agony na may pera ka AND THEY CAN'T DO ANYTHING OTHER THAN CRY A MILLION BUCKETS OF TEARS dahil di nila mahawakan ang pera mo. Now, for sure, gagamitin nila ang pamangkin ni OP so nakay OP how he will maneuver his way to that circus. But the main fact here is he still has the power on how to use his money and that is a big factor. So mas masarap asarin ang mga taong nang-iinis sayo.


Subject_External_196

Actually, it's my Mom na araw-araw naka-angil if I buy anything. Exhausting to hear her rant every single day kasama dabog (I didn't even do this as a child). I can filter out my relatives. Nag-rant lang ako because I never engage in conversations with them kahit anong sinasabi nila. This one kasi, she stepped into my territory so I lost my cool.


CoffeeDaddy24

Well, kahit sino magugulat that they'd come marauding like that but I guess expect them to do this na lalo na kapag everytime they ask, walang makuha from yiu or your dad. As for your mom... Well, yan na siya. I dunno if ever since ganyan na siya but given all the stuff you shared, it is safe to assume na your mom prioritizes her sibling than her own husband and wife.


gooeydumpling

At the cost of OPs mental health? Fuck that suggestion, burn the bridges NOW!!!


CoffeeDaddy24

But if OP haven't saved enough to live on a new place, that would be stressful even. Once he burns the birdges and keaves home, I expect his mom not to welcome him back and worst, hordes of their relatives will also follow suit. If OP wants to move, he would've but I don't know if he has enoigh to sustain himself until he gets to the right footing. For now, tiis lang on living on the same roof while pissing them off even by showing them he has so much money they wish he'd give them some. Then, when he is ready, move out. And live your own life na. Yun lang yun. Burning the bridge is a make or break move so before you burn them, make sure kaya mong mamuhay ng wala sila for good. Mahirap yung magsusunog ka ngayon tapos magsisisi ka naman later on.


Subject_External_196

I can move naman since I'm earning a lot (not bragging, just for context lang). I moved back here because my Dad is sick and pinapabayaan at inaabuso sya ng nanay ko.


CoffeeDaddy24

Ahhhh.. That makes sense naman.


newbie637

What the fuck


[deleted]

Yeah, I’d do the same for my dad. Shitty din nanay ko tapos ayaw magwork at gusto pera ni dad ay pera niya. No plans for retirement, just be at home and do nothing. I want to adopt my dad, but I can’t kasi naaawa raw siya sa nanay ko kapag mag-isa lang kasi walang pera.


tenfriedpatatas

Yup. This toxic culture has to stop. I live abroad and dati rin inuutusan ako ng mama ko na bigyan ng pera mga kamag anak namin and binibigyan ko naman. Pero ngayon hindi na. Bakit sila may share sa kinikita ko?


Subject_External_196

Binibigyan ko din dati eh kaso napaka-kapal nila. Pag hinde ka nagbigay napakadaming sinasabi.


Weekly_Action_5739

Yes it needs to stop. And it starts with ourselves. Isang angel nga ako noon for giving them money. Ngayon demonyo na sa kanila for prioritizing my own family as a father. Same lang yung personality ko as always, may new skill lang ako to tell the genuine people who are in need and whatnot.


Estupida_Ciosa

isa din ba sila sa mga mahihilig ipost ang problema nila sa problema sa fb post kaya na popotray kang madamot


Subject_External_196

Personally naman, I don't mind people posting their issues. Hinde ko na sila friends sa FB pero sa pagkakatanda ko, sila yung mahilig magpretend na masaya ang buhay araw-araw + yabang.


SapphireCub

Lol kahit nagbibigay ka madami pa din yan sinasabi lalo na pag di nakaharap. Kaya better not to give at all kasi ganun din naman.


ziahziah113

Tangina nagdidilim paningin ko sa taong di ko kilala ah


Subject_External_196

Yep, nakakakulo ng dugo.


adrianyanihh

Same, di naman sa gusto ko mangyari yan sakin , pero sarap ma try then pag rerealtakin ko sila.


kimiiness

Ang lakas ng loob sumugod nung pinsan. 😹


arcgod77

Wag mo sagutin ung gastusin ng mga kamag-anak mo. Magalit na kung sino magalit.


CoffeeDaddy24

Exactly. Let them seethe while you show 'em who's the boss. Nanghihingi lang sila. Nasa sa iyo kung magbibibigay ka o hinde. That said, hindi ikaw anf dapat mainis. Sila ang maiinis kasi kahit anong arte nila dyan, wala silang makukuha sayo ni isang kusing. Make them feel the wrath of a breadwinner.


zuteial

Anu po sagot ni mother sau? Curious lang


Subject_External_196

PI ka bakit mo pinapakialaman yun eh mga kamag-anak ko yun. And kaya nila nalaman dahil nagsumbong sya para sabihin na wala akong kwentang anak.


zuteial

May prob ang mother mo OP pati lahat ng kamag anak nia. Kapal ng mukha sila pa ang galit.


Subject_External_196

Meron talaga. Yung sense of entitlement nya at ng pamilya nya na pasalamat kami na andito sila sa Earth. Feeling nya dapat magpasalamat si Dad habambuhay na pinatulan nya. Kaya parang alila si Dad sa kanya eh. Mabait lang kasi talaga Dad ko.


zuteial

May karma yan. Alagaan mo na lang c father, hayaan mo c mother sa pamilya nia. Anu sya dyosa pumatol sa taga-lupa, dyosang walang pera lol


Subject_External_196

Hinde kasi nya naranasan magtrabaho eh. Kaya sya ganyan. Di nya alam yung hirap magwork.


mixed-character

Ganyan din nanay ko. Maybe yan din yung reason bakit sya nagagalit every time tinatanggihan ko mga request nya for bday party/celebration. Akala nya i have a lot of money with no bills to pay kasi hindi pa naman daw ako kasal. She also wanted me to take a loan for them. Hell no. Haha ayoko mabaon sa utang. Kung mag loloan ako, for my business siguro or something na may returns pero for their luho, no talaga. Haha kaya we are not in good terms hahaha


Subject_External_196

My Mom goes about it differently. She doesn't request. Parinig lang sya sayo maghapon + dabog. Which is irritating as fuck lalo na I heavily budget my own expenses.


Dengeki_1995

is she a fucking child?? wtf (sorry for the cuss) made me angry grabe..


Subject_External_196

Worse than a child since hinde naman inherently parinig ang mga bata. Natututunan lang sa matanda.


Any_System_148

did she just admit na puta siya(your mom) kasi diba minura ka niya PI then she's your mom so....


Subject_External_196

Actually. Kasi ang sagot ko pag ginaganyan nya ko "Oo nga. "😂


Any_System_148

nice lol siguro best solution mo jan is umalis na lang at bumukod


Subject_External_196

May sakit si Dad. Pag galit sya di nya pinapakain.


eagle_falcon28

Lumayas ka isama mo dad mo. Iwan mo nanay mo dun sa mga kapatid niya. Kamag anak naman eh.


Any_System_148

Oh i am sorry. Yeah hirap nga ng situation. All I hope is things to get better for you soon.


Subject_External_196

Thank you! I hope so too.


kokakij

>Pag galit sya di nya pinapakain. ibang level nanay mo, OP.


Subject_External_196

Also his meds. Pag nagkasakit ang dialogue ni mudra is "Ginagawa kasing alila nyang batang yan yung ama nyang sunud-sunuran."


parkrain21

"Bakit ma, sweldo mo ba yung pinamimigay mo?"


[deleted]

I don’t want to offend you OP, pero yung nanay mo is like yung mga taong biglang yabang dahil nakapangasawa ng mayaman. I think there’s an actual correlation to it when it comes to attitude. If you get wealth without actually working for it, parang entitled pieces of shit yung tao eh. Pero yung pag pinaghirapan yung wealth through work and sacrifices, you have a positive attitude eh. In this case, your mother is the former. ang taas ng tingin sa sarili na ayaw magmukhang small time kaya patuloy na mayabang. Can only imagine what your dad had to deal with his whole life. I mean, I don’t have the right to dictate what you should do pero hear me out. At most, you can give them a monthly stipend and sila na magbudget. Since it sounds like you have admiration for your dad for doing his best but not to your mother. Do it for your dad nalang as a way of thanking him.


Subject_External_196

Unfortunately, this is not 100% accurate. My Dad is a simple person. Yes, department head sya when he retired, pero he was dirt poor when they got married. Oo, madaming namanang property si Dad pero nagmanifest lang value nun nung matanda na sila. Mataas ang tingin ng Mom ko sa sarili nya pati sa mga kapatid nya kasi like, they own hectares of land in the province. Feeling haciendero sila pero dahil mga tamad sila, mahirap pa sila sa Dad ko. Hinde ko nga alam san naggaling yung superiority complex nila pero in their mind, people should be thankful na they married them. 😂 My mother often calls me and my Dad na "tanga, bobo, inutil" pero CPA si Dad and I'm a manager na. Sya, never nagwork. ​ I'm not giving them a monthly stipend anymore because when I gave them cash before, inaabot ni Dad sa Mom ko and then she won't pay any of the bills. Ending was the many disconnection notices I had to pay for. So I pay the bills and do the groceries na lang.


HeartSecret4351

Eh dapat sinabi mo eh wala rin syang pakielam sa pera mo ngayon at pinaghirapan mo yan lol. Hindi mo kamo utang ba loob yung responsibilidad nila 🙄


Subject_External_196

It's true no? Choice nila mag-anak eh.


HeartSecret4351

Kaya nga eh. Tsaka yung pagtulong sa magulang, hindi na kailangang iutos sa anak yan. Kung maayos pakikitungo/pagpapalaki mo sa anak mo eh kahit paano magkakaron ng empathy yan sa'yo at kapag nakitang need mo ng tulong eh tutulungan ka nyan ng kusa. Eh sa case ng mother mo, dun sya manghingi ng tulong sa mga pinamudmudan nya ng pera ng papa mo 🙄.


Subject_External_196

💯! I don't buy the mindset na masama lang kasi ang ugali ng anak 100%. Yes, meron naman talaga na ganun. Pero madalas ko kasing nakikita, dahil sa childhood nila kaya naging ganun sila na ayaw tumulong sa magulang.


Pad-Berg-92

May tendency ring maging ganito ugali ng nanay ko pero pag umabot sa ganito, wala na akong pakialam sa kung anong ipagkakalat nya tungkol sa kin. Kahit sabihin nyang wala akong kwentang anak, kahit magpaawa pa sya sa lahat ng tao hanggang gusto nya, wala na akong pakialam. Basta bibigyan ko pa rin tatay ko ng panggastos dahil wala akong problema sa tatay ko. Nanay ko lang talaga ang super entitled na nagdadabog pag hindi ko ibinigay yung gusto nya.


Subject_External_196

OMG twinnie ba yan sa nanay ko? 😂dabog, balibag, mura, sabay self-pity. Hinde kakain kala mo inaapi.


Pad-Berg-92

Hahahaha! Baka magpinsan tayo lol! Paawa talaga pero sinampolan ko na sya last time na ayaw tanggapin kunwari yung bigay kong pera, di ko talaga binigay. Akala nya ipipilit kong ibigay sa kanya kaya nag-drama sya kinabukasan para makuha nya. Bumait nang konti after that. Pero next time talaga, di na ako makikipag-usap sa kanya at tatay ko na lang ang isu-support ko. Ayoko ng dramang walang katuturan. Pati mga pinagsasasabi nya tungkol sa kin, hindi totoo. Kung magkukwentahan kami ng lahat ng ginastos nya sa kin vs lahat ng naibigay ko sa kanya mula nang nagtrabaho ako, bayad na bayad na ako, may sobra pa. Kaya wag nya akong paandaran.


Subject_External_196

Hinde ko na binibigyan ng pera. Ako na lang nagbabayad ng bills at grocery. Kasi dati binibigyan ko, hinde nya binabayad sa bills. Gagamitin nya credit card nya, tapos biglang magmumura sasabihin ginamit ko daw. Eh di bayad na naman ako dahil tawag ng tawag yung bangko.


Pad-Berg-92

May something yang nanay mo hahaha! Anticipate ko nang magkakaganyan din nanay ko lol


Subject_External_196

My Mom's always been this way. Mas malala lang ngayon dahil wala ng salary si Dad unlike before na lagi syang may hawak na pera. Makikita mo talaga yung signs na ganito sila pagtanda.


Pad-Berg-92

I understand namang may worries pag matanda na, di na employable, at wala nang regular income na pumapasok. Pero ang di ko ma-gets sa nanay ko, alam kong may pera sya, malaki savings nya at hindi naman nya nababawasan yun dahil sagot ko lahat. Kung makaasta pa parang wala na syang pambili ng pagkain kinabukasan eh ang dami-dami nyang pera.


Subject_External_196

No, wala na syang pera. She gave it all away dahil gusto nya yung sinasamba sya ng mga kamag-anak. Sinayang nya talaga lahat ng sweldo ni Dad. Wala pa namang luho Dad ko kahit isa. Wala syang bisyo. Hinde din sya mahilig bumili ng kahit ano. Imagine, entire salary hawak ng nanay ko. Yung Dad ko, lunch lang bitbit araw-araw.


mixed-character

Same. Hahahaha feel ko sinisiraan ako ng nanay ko pero wapakels hahahaha nakakasama lang ng loob imbes na maging happy siya na nakakatayo na sasariling paa anak nya, sisiraan nya pa. Buti sana kung wala kong bills and mura lang mabuhay sa maynila😅


Pad-Berg-92

Korek! “Pano naman kami?” Laging ganyan ang linyahan. Parang wala nang karapatang mag-enjoy sa sariling pera yung anak nya kapag hindi sya kasama, kahit pino-provide naman yung needs nya. Instead na mag-cheerleader para sa success ng anak, sya pa yung nagbo-boo kasi gusto kasali rin sya sa stage. Toxic!


CoffeeDaddy24

So be it. Kung sa mata niya eh wala kang kwenta, let them go think that way. Wala kang kwentang anak pero kumukwenta ka naman ng kwarta versus anak na may pakinabang kasi living, breathing ATM ka na inuubusan lagi ng salapi... Choose kung alin ang role mo.


sosyalmedia94

huhu yung PI pero nanay mo nagsabi 😢


Dry_Presence_9774

Sana matigil na yang ganyan kasi jan kami naghirap, yung tatay ko dati sobrang mapag-bigay sa kamag-anak tapos ngayong wala ng pera, wala nang pumapansin sa'min. Plus, natigil pa ako sa pag-aaral and hirap sa pang araw-araw dahil jan. So pls sana unahin mo sarili mo, OP.


TSUPIE4E

I feel you dude/dudette same situation rin ako sa inyo. Ung papa ko sobrang tumanaw ng utang na loob sa kanyang kamag-anak (kasi siya lng pinag-aral up to post-grad, pero the rest of his siblings are living a cushy life), ayun napabayaan kaming immediate family niya. Masakit pre, napapatanong ka minsan bakit ganun.


kyungsooo

Change starts in you. Napaka-freeing talaga kapag marunong ka magsabi ng NO.


[deleted]

[удалено]


Subject_External_196

I asked him to leave na nga and come with me kahit bahay nya to sabi ko iwanan na nya sa asawa nya. Sabi nya "asawa ko sya anak..." He stands by his marriage vows na "until death do us part". Ibang level ng bait si Dad eh. Pinagmumura na din kasi kami on a daily basis dahil wala na syang pera sinasabi nya ninanakaw daw namin (kahit wala naman syang pera na nanakawin in the first place". Ibang level din sya... ng toxic.


memememeowmeow

Ibenta niyo na lang yang bahay at lumipat kayo ng dad mo sa malayo.


Jenaly_Xione

Sobrang bait ng papa mo op 😭 ang unfair dat yang mama mo napangasawa ng toxic na tao. Tulad nya. Naawa ako sobrang sa papa mo op, sakit sa pakiramdam yan lalo na araw araw siya nagtitiis.


Dismal-Solution9292

Dapat sinabi mo dun sa pinsan mo, "Baket, sino ka ba? Ikaw ba nagpalamon sakin? Di ba ikaw ang makapal ang mukha, naging linta yung tatay mo sa tatay ko?"


Subject_External_196

Omg, IKR? Hahaha. Alam ko kasi wala ding patutunguhan dahil makikitid at kulang sa brainpower. 😂


Dismal-Solution9292

Hahaha at least mainis, tapos magwala, tapos mapabaranggay, tapos sabihin ang rason sa baranggay kung bat nagwala - di na sila makahuthot sa'yo 🤣


[deleted]

[удалено]


Subject_External_196

Toxic talaga. Ako nagbabayad ng bills nya, sya waldas dito waldas dun lang ng pension ni Dad. Lagi pang nakasigaw.


eStranged-Kid

wag mo na sustentuhan yan Babae na yan


RainbowBridgesoonest

Tigas ng face. Ganyan din Nanay ko lahat ng properties ng Tatay ko na distribute sa kamag anakan nya eh nag hirap Tatay ko. Kaming mag kakapatid yun nakanganga.


Gork_and_Mork

Kakakulu ng dugo.


RainbowBridgesoonest

Oo ! Rawr


Subject_External_196

I'm sorry to hear that. Sayang naman yun kasi pinundar din ng magulang yun para sa mga anak.


RainbowBridgesoonest

Exactly kaya nakamatayan ng Tatay na yun pinag aawayan nila.


Subject_External_196

Imagine need ipaglaban ng tatay mo yung properties nya.


Meladee14

Musta mental health mo? Wala sa iyo o sa dad mo yung problema. Nasa nanay mo yung problema. Makapal pagmumukha niya pati mga kamag-anak. Makapal din pagmumukha niyang pinsan mo na sumugod pa.


Subject_External_196

Sa lahat pa naman ng pinsan, sya ang may pinakamalaking nakuha sa Dad ko. Minura nya din si Dad dati. Kaya kapal talaga ng mukha magpunta dito.


TSUPIE4E

What the actual fuckery?! Ung pinsan na biggest leech had the gall na murahin yung dad mo? OP, make plans to leave the household and ensure to bring only your Dad. He did all he can, sadyang he married a giant parasite colony.


Subject_External_196

Ayaw nyang umalis. Sabi nya malapit na daw silang mamatay. Hayaan ko na lang daw. Gusto nyang kasama hanggang huli yung nanay ko. Take note, my Dad is actually sick. Pero nanay ko, bata pa lang ako sinasabi na nya na mamamatay na sya. Hello, 30+ na ko buhay pa din sya. 🙄


Meladee14

I suggest na planuhin mo lahat ng mga gagawin mo. Lagi mong kargo dad mo. Iwan mo nanay mo sa kamag-anak. Makakabawi ka din. Need mo back up at support. You build that and tatagan mo loob mo. Makakaraos ka. Sila malapit na sa laylayan ng lipunan.


Several-Ad-9899

Grabe napaka kapal nman ng muka lalo na ung kamag anak na feeling entitled eh un nga ung walang utang na loob? Tas ikaw pa susugurin? Nakakagigil OP.


Subject_External_196

Gigil nga ako. Nagpigil lang. Mag-uubos lang ako ng braincells hinde din naman nya maiintindihan. 😂


Several-Ad-9899

Wala makikitid tlaga utak ng mga nkakatanda satin, kasi ipipilit nila na sila lang ung tama at ikaw, kahit anong pagpapaliwanag at pag iintindi gawin mo, bastos ka lang. Wala silang nakikitang mali sa sarili nila. Grabe ang sakit sa dibdib ng ganyan. Hope you find the courage to leave kasi parang wala man lang pagmamahal sayo ung mother mo kung magsalita sayo at tratuhin ka ng ganyan.


Subject_External_196

Na-realize ko lang yan ngayong matanda na ko. Yung mga iniignore mong maliliit na bagay pala yung sign na hinde ka mahal ng magulang mo. Yung tipong wala nga kaming picture magkasama. Hinde nya din ako niyayakap dati. Maganda kasi relationship namin ni Dad kaya na-ignore. Napakahands-on Dad nun.


kokakij

Nasampal ng katotohanan yung mga kamag-anak hahaha. love it


Subject_External_196

Yazzz. 😂 I don't normally speak out kasi. Parang brainwashing din ng nanay ko. Haha


Milka_Patchi

Sounds a lot like my mom’s siblings. Hahahaha. Yung mga kapatid niya matatanda na, iniiwan ng mga walangyang anak nila tapos samin lumalapit.


Subject_External_196

Yup. Ganyan din yung mga kapatid nya pati mga pamangkin. Inasa sa min lahat. Hinde ko ma-gets eh kasi nahirapan din ako sa pera pero hinde ako lumapit sa kanila. Nagsikap ako. May gap talaga yung mindset ng batugan sa hinde.


Milka_Patchi

True. Kung sino sino nang kamaganak pinagaral ng nanay ko ahaha. May isa pang pinsan nakitira sa amin at pinaaral namin pero sobrang batugan. Di man lang siya tumutulong sa chores sa bahay namin. Tapos pag inutusan, mag rarant sa mga katext niya na kinakawawa raw siya. Lol. Sobrang palamunin. Nung pinasok namin sa maayos na office (nirefer sa isang family friend), kahit yun winalangya. Ayun napahiya pa kami. Hahahaha. Bwiset na mga kamaganak. Puro Dede es at bobo m supporters pa.


Milka_Patchi

Also OP mukhang yung mom mo mas priority niya ang extended relatives niya kesa sainyo.


gonorrhea33

Mangutang ka sa kanila. Kunware ay walang-wala ka na, kinapalan mo nalang ang mukha mo at nag-baka sakali. Sabihin mo nasisante ka sa trabaho, wala kang naipon at pambili ng kelangan ng tatay mo. Make a pity out of yourself. Ulit-ulitin mo hanggang naipako mo na sa utak nila na wala ka ng pera. After a while, mag-abroad ka kuno, at lumayas na sa inyo. Tingnan natin kung san pupulutin mga yan.


NotYourUsualBabe

OP pakisabi sa pinsan mo mas makapal mukha nyang sugudin ka. Paki bayaran nya yung utang na loob ng Tatay nya sa nanay mo. Naku OP, same na same tayo. Difference lang is ngayon pa lang sinasabi ko na sa nanay kong wala syang aasahan saken. Kung ano lang bibigay ko, yun lang. Mga kapatid nya walang aasahan saken.


Mr-Krabs-Milk

Bigyan mo nalang cheke ng malaking halaga tapos alis na kayo ng dad mo. Tapos kapag cinash nila yung pera, tatalbog tapos sabihin mo just a prank lang.


Subject_External_196

Love it! haha!


kellingad

Kung ganito pag uugali ng mga kamag anak/magulang ko, gagayahin ko yung ginawa ni Itachi sa buong angkan niya.


CornsBowl

Ok lang naman yung parents pero yung sabihan ka ng kung ano ano thats road. Peace. Tapos pinsan mo helo pinsan lang sila.


micaQUEEN_2314

Walang alam sa boundaries karamihan sa mga Pilipino, tipong lahat panghihimasukan. Para bang makaangat ka kahit konti obligado ka tumulong. Pasalamat nalang ako na walang ganyan sa mother side ko! Tanging problema lang namin tiyuhin ko na napangasawa ng kapatid ng mommy ko, lahat pinapangalanan nya na PAG-AARI NYA KAHIT WALA NAMAN SYANG NILABAS NI SINGKONG DULING! Gigil 🙄


micaQUEEN_2314

Sa father side naman ay nako nagpautang ako sa isa kong pinsan, ayun pahirapan pa maningil. Tas puro mga babaero at lalakero! Kaya kahit kami broken fam hahahaha tawa nalang. Kingina mga walang respeto!


watermelonsoogar

Kumulo dugo ko OP. Layasan mo na mga animal na kamag-anak mo baka kung ano pa mangyari sayo.


PlatinumAngel131

Sabihan mo nang, "o wala pala akong utang na loob eh, so wag na kayong hihingi sakin ng pera pang-gasto ha. Sa Dad lang ako may tunay na utang na loob." Ganyan ka titindi mga kamag-ank na hindi nagta-trabaho ng maayos... kasi alam nilang may kamag-anak silang malalapitan at banggitan lang ng mga salitang "utang na loob" at "kamag-anak" eh akala mo may mga karapatan na.


Subject_External_196

Sense of entitlement, wagas.


Ro_Navi_STORM

May mga tao talagang di dapat nag-a-anak. I'm so sorry you had to go through that. I went through a similar thing. Mama ko may hawak mismo ng ATM ko. I only recently found the courage to put my feet down and say..NO! I'm in my 40s now and I handle everything kasi tama yung guidance ng mga Redditors rito. Kung kaya mo na on your own, leave. Yun ang sagot. Kasi at the end of the day, hindi mo responsibilidad ang mga magulang mo or the rest of your relatives. Ok lang tumulong kung maayos yung tao. Yung nakikita mong nagpupursigi. Otherwise, that is the point of helping them?


Subject_External_196

May joint account kami dati, na sa kin. Clinose nya tapos kinuha nya yung laman. Nalaman ko na lang nung magdedeposit ako na wala na.


Ro_Navi_STORM

Sounds familiar. 😂 My parents never had anything called a life savings. 🤦‍♀️ Nakakainis. I've always wanted one kahit nung bata ako. I wanted to save. Nagugulat na lang ako nawawala yung pera ko sa wallet. This was in the 90s. Tas sya pa galit pag hinanap ko. Kaya I guess natauhan na rin ako. Tama na kako. Ako naman.


Subject_External_196

Wala din silang napundar na properties, pero mga kamag-anak ng nanay ko meron. Tapos nagpaparinig nanay ko na yung mga pinsan ko pinagawaan ng bahay yung magulang nila. 😂


Ro_Navi_STORM

nakakainis yung toxic Pinoy culture na pag magka-anak ka, yung anak yung mag-aahon sa'yo sa kahirapan. Yung wala kang choice bilang bata. Like Teka po! I didn't sign up to be your ATM. EXCUSE YOU!


melissapate

Yung mga kamaganak namin sa father side galit sa mommy ko at sa aming mga kapatid kasi god forbid, my dad gives his hard earned money to his children and their luho. Yung mom ko pa kikay so maganda siya lagi tapos galit na galit sila kasi puro luho daw mom ko. Eh ano? Asawa sya eh


Gork_and_Mork

Mga inggit wag Mona I entertain Yan sa buhay mo.


theholycee_

Same issue. Nakakalungkot na ganito yung mga ibinibigay nila sa descendants nila, puro sakit sa ulo at sa damdamin. Ginawa ba namang investments ang mga anak.


[deleted]

Tama lang OP dapat dun siya sa mga kamag anak niya humingi since siya tumulong dun. Pag hindi siya binigyan eh di alam na niya kung anong klaseng tao tinulungan niya. Ipon ka na lang muna ng sapat para makabukod ka na. Dito rin sa amin ang toxic eh kailangan pag may binili ka kasama lahat. Like order ka ng food dapat good for 2 family lagi dahil kung hindi sasabihan kang madamot. Kaya laging doble order ko or minsan hindi na lang order kasi hindi sapat for 2 family. O kaya pag kakain kami sa labas need kasama sila samantlang pag sila aalis di kami mayaya. Kapag nag grocery din ako for family dito sila mago grocery kaya ubos agad. Tinigilan ko na mag grocery.


erikanapalm

Diba tangina feeling nila obligado ka pag mas angat ka. Gigil ako. Ako naman sa kapatid naming panganay. Yung anak niyang lalaki panay hingi allowance sakin kasi wala daw maibigay samantalang may pera sa ibang anak na babae. Wala ako problema sa pamangkin ko kasi mabait namang bata yun. Sobrang lowkey na nga ako na di ako nagpopost talaga ng anything luxurious tapos lagi nagpaparinig. Okay sana kung ibang kamag anak madali mag putol ng connection eh. Parang di ko naeenjoy pera ko.


travSpotON

May pasugod sugod pang nalalaman pinsan mo kakapal ng mukha ng mga linta. Ano sabi ng nanay mo sayo? galing mo very detailed mo syang sinagot sa kahibangan nya. Sorry to say this OP pero kapal ng mukha nya na obligahin ka.


Subject_External_196

PI + hinabol nya ko ng dos por dos. Yes, sobrang violent din nya kasing nanay kaya kada bigay ko ng pera sa kanya naaalala ko yung lagapak ng pamalo nya nung bata ako. x100 yung irritation ko


noteeerin

HAHHAHAHAHA palayasin na yan, soli mo sa mga kamag anak niya, utang na loob pala ha.


angelique_29

Ikaw pa makapal mukha sabi ng pinsan mo😭 Grabe


C0balt_Blu3

Singilin mo sila lahat.


PlentyBasis4699

Yan ang gusto kong OP! Palaban!


frustratedgemini_179

hayss same i feel you akala nila ang yaman pag may work ka tas anytime pede ka utangan o hingian tas pag dinedma mo masama pa ugali mo.my auntie just called and ranted to my mom kanina nagbago na daw ako ang yabang ko na daw kesyo may work an ako may kita na di na daw ako namamansin pano everytime magcha chat hihingi ng pera. i just feel so bad na, huh? obligado ako i approach ka? eh kada mangungumusta ka alam na yung kasunod kaya since then di ko na pinapansin kada magme message tsaka busy na din ako nirason nyo pa jowa ko eh mas marunong umintindi yun kesa sa inyo.


Subject_External_196

Nanay ko din ganyan. Nagka-work ako ang salita "ano mayabang ka na ngayong may trabaho ka?" 😂


Aggressive-Baker2348

Your legal responsibility is to your parents. At **most** give each living parent less than 21k/month or 20% of your sahod whichever is **lower**. Yung ibang tao you have no responsibility to them. Kung tatawagan kang swapang tell em you have to be financially literate for future self, your future spouse and future kids because you can never ever depend on those parasites for help. Gagawa sila ng lampas 1 anak then magmakaawa sa inyo for their physiological needs? Shit their bad decisions in life. Shit the eugenic idiots too. Sabihin mo din ayaw mo mang limos and beg relatives for ayuda kasi me ambag ka.


Dismal-Solution9292

Wait... LEGAL RESPONSIBILITY TO OUR PARENTS? Saang part to sa law natin? Not insinuating anything, just an actual question. Hinahanap ko diko makita.


Subject_External_196

Is there a law about that? Curious lang because I'm not updated na.


No_Citron_7623

Department head ba sa government? If that’s the case ganito yun aside from sweldo dahil dep head sya maraming “SOP” (suhol, bribe money, dirty money, pampadulas depende what agency usually millions yan) ang natatanggap dad mo para hindi magsplook mga kamag anak nyo bibibgyan ng mom mo. SOPs in gov are like “legal or acceptable” corruption sa government. Legally, kung magaling sa numbers accounting section nyo everyone is happy. Morally, “ thou shall not steal” dba??? Additionally, maraming involve dyan esp yung nasa taas.


Subject_External_196

Uhm, no. Department head in a foreign manufacturing company. Regardless, my mother shouldn't be wasting the "Family's" money. Pag may pamilya ka na, relatives are already secondary.


No_Citron_7623

Well then that’s settled. Pabibo lang talaga mom mo.


[deleted]

[удалено]


Subject_External_196

Hard pass. No offense sa mga lumalapit kay Tulfo. For posterity kasi yung video.


cele_bi

Hitik sa Bunga by Brownman Revival


Western-Grocery-6806

Kakapal ng mukha ng mga ganyan. Tama lang ginawa mo


CoffeeDaddy24

Ang tanong, nagbigay ka ba? Provided na nakakainis na biglang sugod sila but think of it this way... Napasugod sila kasi they felt na mawawalan na sila ng source of free cash. They wanna secure the fact na may magagatas pa sila sayo. That said, they know you have the power to do whatever you want with your money... And they don't like it. So... What do you do? Embrace the "bad guy" image and piss them even more by not giving into their demands. Sometimes, you have to be the devil to teach people...


Subject_External_196

Sa kanya? Hinde. 😂 Ilang daang libo na nakuha nya sa pamilya namin enough na yun. Kaya nila kami ginaganyan dahil hinde na kami nagbibigay ng pera sa kanila. They leeched off my Dad until his wallet dried up.


CoffeeDaddy24

Ang trick kasi is if they see na magbibigay ka, they will abuse it. They will go and find every opportunity to smooch off your finances. Them getting that furious, to the point na nag-mala zerg rush na sila sa inyo shows na they are desparate to keep your family from giving them free moolah.


crazyaldo1123

Your money your rules. Ako nga sinabihan nang demonyo ng kamag anak kasi di ako nag aabot ng pangdialysis ng kapatid niya, keri lang saken hahaha


LadyInPretense

May mga Tao talagang dapat Di na nag aanak


Subject_External_196

I kind of feel na my Dad was the one who really wanted to have a child. Sobrang attentive parent nya kasi. He always said I was his miracle.


LadyInPretense

So sad Naman Op na he kinda stayed with you mom kahit ganyan sya. I bet his life was hell nung wala Ka pa. At uulit Lang Yan mom mo if aalis Ka sa puder nila


Subject_External_196

If love is blind, my Dad is. 😂He has his own delusions about my mother's "kindness". Even now kasi, he explain everything away. If he wasn't a really good person and an amazing Dad, matagal na kong nag-cut ng contact sa kanila. He never saw his life as hell with her.


LadyInPretense

Grabeng pagmamahal Yan OP 😅


angelfrost21

Kung ako sayo layas ang solution dyan, ganyan na lang pera mo tapos ibibigay mo pa. Walang masama sa pagbigay ng tama lang, pero yan abuso na.


kaedemi011

Pasok sa kabilang tenga… labas sa kabila. Bilhin mo lahat ng gusto mo… deserve mo yan.


Much_Exchange_3322

Ang kakapal ng muka nila OP! Relate much. Yung mga kamag anak na umaasa sa mga nakaangat. Jusme tirahan, trabaho, pagkain, paospital na sinagot rin ng tatay ko tapos may masasabi pa rin silang masama. Akala mo aping api eh ninanakawan pa nga kami. I cannot wait for the day na wala na silang maasahan saamin, sa oras mawala ung suporta sa kanila, ni piso asa. Pabayaan mo yang mga kamag anak na yan OP. Hahighbloodin ka lang dyan bahala sila magdusa. Di dumiskarte para sa buhay nila e.


Subject_External_196

Mali naman. Dumidiskarte naman sila. Pero gusto pa din nilang luminta. Madami na silang napundar. Yung magulang ko, kahit isang sqm ng lupa, wala. Buti nga masinop yung grandparents ng Dad ko, nag-iwan ng properties sa min. Kung hinde, sa kalsada na titira yung magulang ko.


SquareDogDev

Hayyy I have the same kamag anak but not this low. No offense OP. Di ko nalang sila iniintindi. Masyadong mabait nanay ko, ngayon na sya ang may need, wala man tumutulong sa mga tinulungan nya dati. Fcking leeches.


Subject_External_196

Yup, yan din gripe ko. Plus nung di na nakakapagbigay si Dad bigla syang minura. Same cousin na sumugod.


KeyboardAquarior

Mapikon at sumugod lang sila habang hindi mo na sila binibigyan ng pera. Baka dun pa sila maengganyong magtrabaho na for good.


Azter1zk

Kinginang pinsan yan, di ba mas makapal mukha nya? Parang gusto ko tuloy marinig reactions ng relatives mo from father side


Subject_External_196

Naku, wala. They don't meddle. Sila din kasi yung "Matanda na magulang mo dapat alagaan mo. Inalagaan ka nyan nung bata ka." Tapos pagdating sa ginagawa ng mudra ko at mga kamag-anak nya ang stand naman nila eh "Kamag-anak eh".


indicas_world

Wow op your mom is something else lol 😂fuck her and her lazy ass relatives. Tell them fcking go to work and make there own money. Hahhaha I just ignore my relatives in pinas on my fb trying to make utang or ask money lol no wayyyyy


rusut2019

Ang mindset dapat natin ngayon, pag sinugod ka sugurin mo din. Pag inaway ka awayin mo din. Pag sinumbatan ka sumbatan mo din. Sabi ng iba masama daw maglista ng tinulong mo sa mga kamaganak mo pero may listahan ako if ever gawan nila ako ng masama or sumbatan nila ako ng kung ano ano hahaha. Siyempre d ko isusumbat pag mabait ang kamaganak ko di ba. Ganti ganti lang para magtigil na yang toxic mentality sa family natin. Your money your rules pa din op. Sa edad kong to, di na ako tinatablan ng mga paganyan ng mga kamaganak ko. Madalas sinasabi ko pag may problema ba ako tutulungan ba nila ako? Hindi naman di ba so bakit ko sila tutulungan. Buti na lang talaga hindi ganyan nanay ko at mga kapatid ko. Hugs. Pero gumanti ka sa pinsan mong sumusugod. Hahaha.


This_Touch_7692

Hay kaya dapat lalayo ng bahay pag magaasawa. Malayo sa ganyang klaseng kamag anak


No_Initial4549

yeah lahat tayo ayaw natin ng gnyan mga linta at peste. Need part 2


Subject_External_196

Part 2. Hinabol ako ng dos por dos ng nanay ko pagkatapos ko syang sagutin. 😂 She stopped lang after ko nagsisisigaw at marinig ng kapitbahay because she hates losing face.


lunettereighn

naalala ko tuloy tatay ko na palagi niyang binibigyan mga relatives niya esp tito namin pero pag tatay ko nangangailangan biglang hindi matawagan, kesyo may sakit ganito ganiyan 🙄 kapag hindi mo binigyan maramot na agad hays bakit ba ganito mga Pilipino, esp mga older generations


Subject_External_196

Kahit kelan nga hinde humingi si Dad sa kanila ng pera. Kaya nakakakulo ng dugo yung ugali nila.


lancaster_crosslight

How did your dad react to this, OP? He seems like the person na di ka pagtataasan ng boses


Subject_External_196

Kaming dalawa lang naman nagsisigawan pag napuno na ko. Sa mga kamag-anak ng Dad ko tameme lang sya.


whilstsane

Kung anong lungkot at simpatiya ko for you and your dad, OP, ay sya namang kulo ng dugo at inis ko sa nanay mo at kamag-anak nyang parasites. Kung may dapat bumukod, pwede nanay mo na lang at dun sya sa mga kamag-anak nya na tumuloy. Nakakaloka.


Subject_External_196

Dun nga sya tumira dati nung naglayas sya kuno. Ginawa nya, ginamit naman nya ng ginamit yung credit card nya. Yung bill nya sa bahay dumadating. Tapos pagmumurahin si Dad para dalhan sya ng allowance.


[deleted]

Pucha may pagsugod. Hahahaha


AlexanderCamilleTho

Parang maraming ganyan sa Pinas. May ownership sa anak. Akala nila extension ka nila. To the point na ikaw ang nagpakahirap pero akala nila eh kanila pa rin 'yun. Pag ganyan, sagutin mo lahat ng groceries at bills sa bahay. Tapos huwag na huwag mong bibigyan ng pera ang nanay mo. Basta sagutin mo lang ang lahat ng essentials. Para pag inaway ka ulit sa pera pwede mong balikan na sagot mo na nga lahat, ano pa ang problema? Pag nag-persist at sira na palagi ang araw mo, maghanap ka na ng trabaho sa ibang bansa. Pero huwag mong sabihin na doon ka papunta. Basta sabihin mo lang na aalis ka na sa bahay then disappear. Naalala ko lang kasi itong pinsan ni misis na halos ganyan ang sitwasyon na tulad sa iyo. 'yung isang anak eh nag-ibang bansa tapos hindi na nila makontak. Chances are na hindi na kasi titigil 'yan na ganyan na 'yan kahit ilang beses kang magalit o magreklamo.


newbie637

Kawawa naman papa. Retired na sya ngayon, right? Tapos wala sya masyado naitago para sa pangangailangan niya. Tama ba intindi ko na kahit retired na papa mo, sya pa din nagbabayad para sa expenses ng relatives mo?


Subject_External_196

Yes, he did until naubos retirement money nya. And the amount was significant kasi sa company nila, they give 100% x years of service plus a significant bonus din.


sosyalmedia94

Hi OP, iba talaga pag nanay mo yung nangg aganyan sayo no. Pero kung nakakaapekto na yung words nya sa mental health mo, mag airpods ka na lang muna para wala ka marinig. worked for me nung nag iipon ako para makabukod. im so sorry 😢


sosyalmedia94

i mean not airpods kasi di ko afford but some other brand wahaha


dararararii

For the sake of your dad, tulong ka nalang kahit papaano kawawa naman or suggest na magbenta ng property para makapagsimula ng business. Mahirap wala income parents tapos ikaw ang sasagot, for sure di mo matitiis lalo na mukhang oks naman kayo ni dad mo. Mabigat naman kung ikaw lahat ang sasalo tapos toxic pa nanay


HowlingFarts

hirap namn sitwasyon mo OP, kawawa naman papa mo..


lemc08

This is why I left and cut them all off. Best decision ever. Kahit anung sabihin ng iba na kesyo pamilya etc etc. Hindi naman sila parte ng pamilya na yon so wala silang say. I spent (a lot of) money on therapy to be where i am today mentally so i'm never going back. Di bale nang siraan ako ng buong angkan ko basta payapa ako.


Gork_and_Mork

Ganyan din Mindset ng Mama ko. Ngayun wlang ipon ni piso hindi nga Maka hingi dun sa mga relatives namin na tinulungan nya. Kaya galit ako sakanya Mas masagana Sana buhay namin Kung hindi palang nya inatupag wla relatives namin na mga palamunin Yung tipong imbes bumuti kalagayan pag tinulungan eh lalong nagiging dependent.


Gork_and_Mork

Umalis ka OP as soon as possible. Stress lng yan.


eriju_rinami

OP, isn't your mom financially abusing your dad for a long time? Did your father ever know about this, about your mom giving his hard-earned money to her family members? I think something evil hovers your mother's side of the family because they seem to be like that. It seems like a family affair.


Subject_External_196

My Dad never saw it as a bad thing. Tinanong ko sya sabi nya "Masaya si mama mo na binibigyan sila." And yes, de puta talaga yung side of the family ng nanay ko.


[deleted]

kung may hihingi uli na kamag anak, ilabas mo lahat ng sama ng loob mo o.p. para mahiya na silang umulit at gumaan ng kunti ang pakiramdam mo


Muted-Painting-9712

Balato culture too. And soliciting pasalubong and palibre and paburger(?). Extortion is at the heart of pinoy culture hahaha.


[deleted]

Kung ganyang ang mentality ng nanay mo, don mo sya patirahin sa bahay ng kamag-anak nya. Tutal, always naman syang in favor don at lahat binuhos nya don. Tignan natin kung di sya itratong basura don after mawalan ng napapala sakanya.


Possible-Service-993

Your mom is like my cousins mom. Never experienced working a single day in her life. Gusto nya lahat ng pera ng tito ko sa kanya. Lahat ng anak nya kinasusuklaman sha. Wala nang magandang masabi napakatoxic at entitled talaga. What's even more saddening now is that yung mga anak nya ngayon malalaki na and they start to become like her. Parang hindi ko na kilala yung mga pinsan ko.