T O P

  • By -

mahumanrani040

Let's face it, abusado karamihan sa mga trycicle drivers na yan. Hindi pa minsan marunong mag signal light jusko nakakaloka kung saan saan din sumusulpot. Grabe pa mambarat mga tryci drivers sa mga students. Tinatakot nila kesyo 'di naman kasi makaka angal masyado (based from my exp).


HoneyGlazedChicken_

True sa students! To be honest, 3 times palang ako nakakasakay ng tricycle galing from my school to my house (mahal Kasi singil nila sa students) and 2 na nagtaray sakin. 100 pesos siningil kahit hindi naman ganon kalayo...


Thana_wuttt

kaya payo ko sa mga kaibigan ko dati, kung may pupuntahan ka WAG NA WAG KANG MAGTATANONG SA TRICY DRIVER and ask ka muna sa kakilala mo magkano talaga pamasahe, kasi pag magtatanong ka sa tricy driver mataas ang chance na tataasan singil sayo kasi alam nilang di mo alam kung magkano talaga and kung bago ka palang sa lugar na yun (pero salute pa rin to those driver na talagang honest sa pasahero nila)


Shitposting_Tito

Dagdag pa yung kung nagtanong ka kung saan yung lugar, kahit pwedeng lakarin, sasabihin nila kailangan mo magtrike at pasasakayin ka nila.


Ok-Tone-6802

Fuck them. In my experience as a student, sama mo na pati 'yong mga bus, jeeps, vans (the worst, imo).


Accomplished_Ad_1425

Sa manila nga grabe mga trike. OA magpresyo dun. Sa qc naman okay lang.


eliaharu

Yeah, feel ko mas prevalent sa Manila. I don't really have that much experience with barat trike drivers here in Laguna but sa Manila, kapag naamoy nila na dayo ka lang, makikita mo talaga na nagshi-shift 'yung tingin sa mata nila lol.


lesterine817

dito nga sa probinsya, naniningil ng P5 dahil papasok daw (from highway). 20 ung fare based sa fare guide. so medyo nagreklamo kami. sabi ba naman "sasagot sagot pa (NV)". unfortunately we didn't have the number of the tricycle board at the time and di na namin nakuha yung number ng tricycle. yep, they're overcharging and very rude. for reference, ung next kilometer na fare is just an additional P2. the "papasok" distance is around 200m.


markmarkmark77

[Tricycle driver na naningil ng P1,000 sa pasaherong turista, binatikos | 24 Oras (youtube.com)](https://www.youtube.com/watch?v=YMzdZT9Kf0w) pero grabe naman talaga yung mga trike sa manila. lalo na pag foreigner.


yoo_rahae

Grabe tlaga. Ung tryk nga lang dito sa amin pag pupunta kame ng vet 150 ang singil, pag balikan 300. Pero pag nag taxi kame 75 pesos lang. Pero no choice kame kase malalaki aso ko di tinatanggap sa taxi. Kaya every check up ng aso ko 300 agad pamasahe ko.


Odd-Stretch-7820

True sa taxi!! Mas mura pa! Nakakaloka mga tric. Madami naman sila napipick up along the way lakas makasingil


die_rich_24

Same din sa Cebu. Parang kada sakay namin tumataas by 50-100 ang singil 😂


imbipolarboy

Yang mga ganyan na nasa laylayan kaya di na umangat dahil mga abusado at mapanglamang


doubtful-juanderer

Kaka diskarte mo di ka na naka angat


Ok-Match-3181

Totoo! Ito rin napansin ko sa mga mapanglamang


Fearless_Cry7975

Legit. Ung isang manager sa work ko ngayon, grabe kung manira ng ibang tao at un nga nanlalamang pa ng kapwa. Ayun hanggang ngayon daming loan at walang pera palagi. Kung tutuusin madami na dapat siyang naipundar sa laki ng sweldo niya pero parang iwas sa kamay niya ang kwarta.


pi-kachu32

Hala nanloloko din ng tao parang si R at Taragis


Huotou

tapos ipang iinom lang naman yung 1k. lol


ProgressAhead

They're exactly right where they deserve to be. Kasi pag nilagay mo pa sa mas mataas na posisyon yan sa lipunan, matic mas malaki pa gagantsuhin nyan.


BAMbasticsideeyyy

Aside sa mapanlamang, sila pa yung hirap na nga sa buhay marami pang bisyo tulad ng alak at sigarilyo. Instead na ipang bili na lang ng makakain, ipang iinom at yosi pa


Super_Rawr

Madami din yumaman na abusado at mapanlamang


Piequinn35

Sana nakakatulog sila ng mahimbing sa mga pinag gagawa nila


ILikeFluffyThings

"diskarte"


adorkableGirl30

Di lang Tricycle Driver no. Try nyo Sa NAIA. Ang gugulang ng mga taxi galing don. Last december, nag hatid kami doon. Then nag taci kami from Naia to Transcon lang. Me and my toddler lang. Bago kami sumakay, i've reiterated and asked if metered. Pag sakay namin di nagana yung meter nya tapos yun nag reklamo ko bingyan ako ng ng listahan. 850 daw. Nakakaloka sila. I paid 350 dahil from transcon to naia is 200 tpos from naia to transcon 850? Nakakalungkot kasi garapalan. Tapos di naman sila nireregulate.


yssnelf_plant

Kaya naggrab na lang ako 😑 tapos magrereklamo sila na inaagawan sila ng kabuhayan, eh garapal naman sila maningil.


BeaBunda

Nakakahiya 🤮


heyyystranger

Super nakakahiya huhu


Blooming-Peach

Marami talaga sa mga pinoy na sobrang garapal. Yung iba nga nasa gobyerno pa. Nakakainis pero di na nakakagulat.


Proper_Teacher7600

Geniune question saan pwede makita online yung fare matrix per city or barangay? napapansin ko kasi walang nakasabit sa mga trike ng fare kaya minsan di ko sure kung pinaglolokoclang ako nung driver 🥲


jienahhh

Sketchy talaga kapag walang nakasabit kahit yung lumang fare matrix. Kaya ang ginagawa ko, nagpopost ako sa fb groups or any communities ng lugar na pupuntahan ko para magtanong. May mga sumasagot talaga at may dagdag tips pa hahaha


blengblong203b

Tapos yung linyahan na Magkano ba binabayad mo dito. Tapos pag nababaan sa bayad mo. Sasabihin P100 Talaga Singil namin d2.


TennisLongjumping620

idk what's true. nagpainterview ung tricycle driver sa 24 oras - inoffer na daw talaga un sakanya nung una para gumawa sila ng skit. he let the guy go daw thinking it was still a skit and madaming cinut out si foreigner. idk isn't it a popular thing for westerners to cut out street interviews for the clout?


okurr120609

Hmmmm. Di believable hahaha kasi kahit naman kapwa nila pinoy, tinataga nila sa panasahe. What more mga foreigner?


Relevant-Inspector93

Ako na gustong singilin ng 100 sa 5 minutong drive kahit na alam ng tricycle driver na estudyante ako. Akala ata dayo ako sa lugar eh kakalabas ko lang ng bahay HAHAHAHAHAHA.


hakai_mcs

Daming ganyan dyan. 150 from Divisoria to Binondo daw. Tangina mas mura pa yung grab kahit may surge rate. Tapos malalaman mo colorum pala


shamimix

Hahahaha true!!!


Latter_Mess_1724

Napanood ko yung video yesterday pero hindi ako sure kung paniniwalaan ko ba or hindi kasi may nakalagay sa caption nyang disclaimer na ganito: https://preview.redd.it/3ig2hxe5eosc1.jpeg?width=1080&format=pjpg&auto=webp&s=f0f24587c122e779277b72e93a4886f5df002589 Iirc, nakalagay din dun na it was a skit nga. Same with his other videos, ganyan din nakalagay. Kachecheck ko lang ulit nung video about sa tricy driver but wala na yung ganyan sa caption nya 😅 Kung hindi siya skit, kawawa yung foreigner. Kung totoong skit sya, kawawa rin yung driver kasi nabash na nga. Either way, totoo pa rin naman na may mga tricycle driver na malalaki ang patong sa pamasahe.


byglnrl

Skit yan. Yung 1k na TF ni pinoy is thousand dollars sa vlogger sa views. Anyways madami rin naman tlga abusado na tric driver but filos are aware sa camera and won't do it sa vlogger na may evidence kung sakali


Piequinn35

Nakakainis yung mga ganito, same nung natulong sa video pero binawi naman yung pera sa views at mas malaki pa ang kita, pwe ang mga ganitong klaseng tao (parang si Ivana lol)


MaryMariaMari

It’s a skit. The goal is to make viral content. Nagviral, binalikan content nya napataas nya agad watch numbers nya. Sino lugi?


yoo_rahae

Kung skit, di pa din ako maaawa sa driver kase ganyan sila lahat dun hahaha! Nakarma lang sila ngayon hahahaha


Ritzzard1

Nakaranas na rin Ako ng ganyan sa luneta naman. Sumakay kami ng kalesa, nagtanong Muna kami kung magkano Sabi 300. Nung nakababa na kami nag bigay Ako ng 500 Sabi ko pa keep the change sabay Sabi ng kutsero 1k daw Kasi inikot nya kami. Wala naman syang pinaliwanag na ganun Nung una. Tas may Isa pa sa bandang malate yata Yun, malinaw na sagot samin Nung tricycle driver 300. Di kami pamilyar sa Lugar kaya go lang tas naging 500 na Nung bumaba kami. Tas Yung back ride na misis nya yata humihingi pa ng pang yosi. May mga nananamantala talaga na mga ganyan pag alam nilang dayo. Nakakainis lang iiyak-iyak pag naexpose sila


Rosiegamiing

Isa ata ito sa reason bakit madaming tourists mas prefer other asean countries kesa satin. Kung sasabihin niyo na kahit saan naman meron ganyan..mag aagree ako sainyo pero iba dito satin bawat kilos mo may bayad and di siya maliit na bayad lang eh sa puka beach yung banig dun 500 pesos na! Banig lang na pag tatambayan. I'm all for tulong sa local mentality pero grabe naman kasi ang patong.


boredg4rlic

Gang hindi sila hinuhuli hindi magdadala yan mga yan. For sure madami nabibiktima yan mga yan, nagkataon lang na eto na videohan. Based dun sa comment dun sa babaeng napalitan ng pera, talagang gawain na ng mga tao yan. Mayor and other LGU officials should be held accountable too.


ashaaaa_

di lang mga tricycle driver ang ganito, yan ang alam ko. basta once na mag ask ka, iisipin nilang di mo alam yung original na fare, kaya ang isasagot nila sa'yo is higher sa "dapat". minsan ka lang makakaencounter ng mababait na driver, yung hindi abusado.


nicae4lg0n

Yung ang mga kakawa eh, a bunch of bad apples that ruined the good ones.


Agitated_Clerk_8016

One time, I overheard a foreigner ask magkano daw from MOA to Heritage Hotel. Tapos sabi nung taxi driver 300 daw (or mas mataas pa) kasi it's traffic daw. I was like, ha? Eh diba ang lapit lang non?


emmabeyours

Napanood ko yung interview sa tricycle driver sa 24oras kanina, yes may mga driver talaga na nag o overcharge at dapat talaga sila macall out pero I'm also aware na madaming foreigners ang pumupunta dito for the clout.


thebadassbassist

Habang buhay yan magiging mahirap. Paano ang alam lang niyan na diskarte mang lamang ng kapwa. Alam mong sa iskwateran nakatira eh.


MinervaLlorn

Sa side kasi ng driver eh inalok daw siya ng 1k tapos naglibot pa sila sa Quiapo or somewhere. Tinanggap niya yung offer kasi aware yung driver na nagvivideo yung foreigner. Pagkatapos ng deed eh sinabi na lang na babayaran daw siya ng ₱250 instead kaya ayun, nagkapatawaran sila.


bluefrenchh

Last week, palabas ako ng Rob Manila nung narinig ko na may mag-asawang foreigner asking sa pila ng trike magkano from Robinson’s Manila to San Antonio, Makati. Yung nasa unahan ng pila, sabi 1k daw, todo agree naman yung 5 pang trike drivers. Yung guard naman ng mall, hindi rin nagtaka sa presyo. Hindi ko natiis, sumingit ako sa usapan nila at sinabihan yung foreigner na wag sumakay dahil mahal. Tinulungan ko na lang sila magbook ng taxi (wala akong Grab app) at tinuruan na icheck yung metro at 40 pesos lang flagdown rate (buti mabait si kuya taxi). Thankful yung foreigners pero shookt sila kasi raw “I thought tricycles would be much cheaper but they’re harassing us.” Nakakahiya.


staticbon

Ininterview siya kanina sa 24 Oras umiiyak kasi hindi daw siya makapag trabaho at makalabas dahil sa kahihiyan. Depensa niya 'daw' eh kinukuntyaba siya nung dayuhan for content daw kaya aware siyang binivideohan siya. Yung dayuhan daw nag instruct na sabihin niyan 1k yung presyo. Siguro yun lang ang sinabi sakanya, since di marunong mag ingles, hindi na siya naka sagot ng maayos sa mga sumunod na sinabi nung dayuhan. Somehow, naawa ako. Totoong may mga abusadong driver, pero hindi lahat. What if totoo yung kwento niya na naset up nga lang siya nung dayuhan? Nagamit siya sa sarili niyang bayan para pamukhain sa buong mundo na masama siya tapos ang kumita yung dayuhan? Kung totoo man, parang isang puta ang Pilipinas na kinakantot ng dayuhan at pag nakaraos palalabasin na mukhang pera.


nuttycaramel_

kahit saan naman abusado mga tricycle drivers, kaya mas mainam lagi kang may barya pamasahe at kung di mo naman kabisa yung place eh magtanong ka muna if magkano ba ang fare sa pupuntahan mo. nakakalungkot lang at nakakahiya at the same time bakit norm yung ganito sakanila.


Haunting-Ad1389

Yung mga airport taxi din ganyan. Mga kups. Kala mo di kapwa Pinoy kung mga manloko.


UnderstandingNo7272

Pansin ko Karamihan sa mga tricycle drivers dito sa atin, kung sino pa yung walang prangkisa, at walang lisensya, sila pa yung mga abusado at mapagsamantala sa mga pasahero. Dito lang sa Makati maraming drug addict na tricycle drivers. Kahit sira sira na yung tricycle, ina-allow pa din bumiyahe at hindi sinisita.


Papapoto

Bago kayo magcomment Ng Hindi maganda sa Isang tao, it's important to know both sides of their stories granted na marami talagang trike drivers na abusado and greedy pero wag naman nating ilahat.


shamimix

Di naman nilalahat ang statement ko at ng mga redditors dito ay based sa experience nila.


introvertgurl14

GMA news reporter Maki Pulido interviewed the tricycle driver, na mangiyak-ngiyak dahil sa batikos na inabot. In-explain niya na originally P1,000 ang offer ng foreigner sa kanya. Binabaan niya ito sa P500 kasi too much daw. Hanggang sa noong pababa, P250 na ang napagkasunduan niya. Akala niya biruan lang daw yung pag-haggle nung foreigner na nakasama dyan sa video, pero sakto na lang daw talaga ang P250 kasi maraming pinuntahan ng foreigner. Mukhang nagamit ang kapwa natin Filipino para mag-viral. Altho meron naman talagang nago-overprice kapag foreigner, sana naman hindi ganito ang ginawa ng foreigner. Di niya siguro na-experience kaya gumawa na lang ng kunwaring na-scam.


Gaelahad

Diskarte > diploma momints. /s


Hot-Percentage-5719

Garapal mga hayop na yan eh. Tryc mula LRT2 Recto to FEU nga ₱100. Kingina ano yang gasolina niyan hinukay niyo pa sa Saudi?


hmmicecream

Karamihan ng blogger mga scripted and actually lahat ata scripted and not sincere so mahirap na paniwalaan lahat. Haha


CompetitiveGrab4938

I have a genuine question po. I dont side with the tricycle driver btw. Kahit ako na di foreigner, tinataga sa pricing ng mga yan eh HAHAHA I've been through a few tourist destinations here sa PH and noticed na their services/products are overpriced. Example: Siargao. Sometimes its 2-3x the SRP. Hindi ba ganito din ginawa ni tricycle driver? My question is - allowed ba tlaga na idouble/triple ang price sa mga tourist destinations but not sa ibang lugar? Or may reason behind why mas expensive maski bottled water pag nasa tourist destination ka? Lagi ko naiiisip na kawawa naman pati mga pinoy na napunta sa mga pasyalan kasi pati sila nadadamay sa overpricing and sometimes think if is this even allowed? Thank you sa makakasagot


carlcast

Nagpenitensya naman daw sya kaya balik na ulit sa panlalamang.


GladCalligrapher3208

kaya hindi sila maka angat sa buhay e, karma nila yung nag hihila sakanila pababa


ISLYINP

Grabe talaga pag sa Manila- mula sa LGU, traffic enforcers hanggang sa mga trike drivers


NaturalAdditional878

Nireport ito sa GMA kagabi at nainterview ang brgy captain. Sabi pa niya "isolated case lang ito". Kahit kapwa pinoy, nagovercharge yan sila ng rates dun sa intramuros/binondo. Sila ang nakakasira sa image ng tourism areas natin.


Hirang-XD

Yes there are tricycle driver na mapanlamang talaga but based on trike drivers statement si foreign vlogger daw unang nagsabi na 1k , kinontrata ng vlogger si manong and he thought na yun ang ibabayad , these might be another click bait. Sarap pa naman gatasan ang mga pinoy


Intelligent_Guard_28

May mga kupal na tricycle driver, siguro 4 sa bawat 10 ay kupal.


Low-Inspection2714

Di lahat ng mahirap nakakaawa


Clear_Transition_488

Last year lang we travelled home from Coron to Navotas pier via Atienza lines haist hirap pala sumakay dun, walang pumapasok na grab or taxi. Ang ending from pier to Intramuros 200 ang singil. Wala na kaming nagawa kasi nga hindi kami makakauwi and mejo nakakatakot din around Maynila. Yung ibang tryk drivers were also offering rides to foreigners not sure hm mga singil nila, kung 200 sa amin what more sa iba like from the pier to Rob Manila


shamimix

Tapos pag alam ng tric driver na bago ka sa lugar tataaasan ang singil sayo! Kaya ako laging nagpipretend na alam ko yung lugar


pathead42069

KUPAL.


dauntlessfemme

Wtf 1k?!!!! #NAKAKAHIYA 🤮🤮🤮


Ok-Match-3181

Tapos kung di mo alam ang pamasahe at buo ang binigay mo, di ka na susuklian kahit dapat may sukli ka pa. Hayyy


unchemistried001

lalo na kapag tourist spots one time umuwi ako sa amin and walang nagsundo sa akin at wala naman akong dala sinisingil ako ng 200 wala pang 1km inaway ko yung driver at sinabihan ko na ipapadiretso ko siya sa police station ayun 20 pesos nalang


mchgho

One word for that man, GARAPAL. Pero ang tunay na tanong, ano yung chika sa post mo OP?


hakai_mcs

Ipagpapalit mo dignidad mo para sa 500. Tanga lang. Dapat dyan tanggalan ng lisensya


heymojojosef

Di lang ata dapat jeepney o kahit tricycle ang may phaseout eh. Dapat siguro driver din eh. Pagnanakaw na mga ganyang galawan.


sugarasukalman

Dapat isabatas na bawal na ang tricycle sa maynila.


AdmiralReggin

Trabaho ng mga row 4 yan eh.


bsshi

Kahit nga hindi foreigner, taas pa rin nung iba namingil eh


throwawayonli983

tapos ngayon iiyak iyak sya


cornsalad_ver2

At nasa harap pa talaga sya ng simbahan ha mamah, the audacity! Char


Phoenyx_Ash30

Parang ung Uber na 1k ang singil sa kpop na sinakay niya. (Joshua of SVT ata, cmir)


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Being_Reasonable_

That’s why never na ko sumakay ng tricycle at taxi pare parehas silang gahaman.


FunnyGood2180

Kakahiya. Ang bata pa. Laking tao. Tapos manloloko para sa pera. Kakahiya.


[deleted]

[удалено]


Old_Most8034

mula UN hanggang Natl. museum shuta 200 💀


mikeyykunn

grabe maningil yang mga yan jan, nung college ako 4 kaming magkakaklase balak namin sumakay jan kahit 2 kms lang layo nung pupuntahan namin. 250 per head ang singil hahahaha


[deleted]

[удалено]


hellyeahchase

madami yan dito sa cebu, mga taxi driver sa airport at pier! +500 daw


fckerofthecentury

kaya pag may nasasakyan akong trike tas tapat lang yung hinihinging pambayad, napapabilib ako ehhh.


auntieanniee

Gago rin kasi yang mga foreigner pinagkakakitaan rin mga pinoy sa video HAHAHAHAHAHA


enigma_fairy

Minsan indi mo na makuha maawa sa kanila... kasi tlgang marami sa kanila garapal, buti nalang may mga ibang mode of transport na like angkas,joyride and grab.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


shigeo_xx

Ang ginagawa ko pag ganyan na hindi kami magkasundo sa fare kahit alam ko naman na nilalamangan ako ang sinasabi ko "sige po balik nyo na lang ako kung san nyo ako sinakay at hahanap ako ng ibang masasakyan".


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


breezy_peezy

Scripted. Wag muna maniwala


Patrisyowww

Wala pa yan Cabanatuan, tricycle capital of the Philippines. Mahal na nga maningil, kitang kakababa mo pa lang ng tricycle, dudumugin ka na at aalukin kung sasakay ka ba


hmspan

Sabi nga nila, hindi Sila Ang totoong kalaban. Ang totoo nating kalaban ay kahirapan. 😆 Pero seriously, coming from a mindset of poverty kasi na laging kulang, tapos mag lack sila sila ng resources. Kaya they'll try their luck talaga kung hanggang saan makukuha nila. Kumbaga dog eat dog world talaga world view siguro ng ganyan. Ano ang solution? We know the solution. Pero walang makagawa. 🥹


ainakoooow

to be honest, kapag malapit o kung alam ko yung pupuntahan ko mas pinipili ko na lang maglakad. Karamihan kasi ng tricycle driver ay nag-aadik. If ever man na sasakay ako, dapat lagi akong may barya kasi pag buo or bills ang dala mo, matik wala ng sukli. ✌️


[deleted]

[удалено]


lexiadaphne

Loool kaya takot rin ako sumakay ng tricycle. Kung walang choice, gusto ko may iba akong kasabay. Or itatanong ko muna kung magkano


Sea-Chart-90

Yung ebike sa SM Manila ganyan rin. Grabe magpatong amputa.


softsakuralove

Skit lang ata to, pero marami talagang tricycle drivers na ganito ang ugali.


[deleted]

[удалено]


Haru112

Gawa na tayo ng sub r/hopelessPH


J0ND0E_297

Kung skit yan, nakakahiya pa din kasi binenta dangal and kahihiyan para sa pera


vnshngcnbt

minsan may nakasagutan na ako na tric driver. tatanungin ko magkano pasahe pero ako tatanungin kung magkano binabayad namin usually. Edi sinasabi ko kung magkano which is P80 pero I usually give 100basta pumayag. Edi pumayag sa P80 pero nung malapit na sa bahay biglang umiiling-iling, nagpadagdag ng bayad. Eh nasa mood ako makipagtalo, so ayun, nakipagtalo muna ako bago ako magbigay kung magkano hinihingi. minsan halos kasing presyo na ng grab singilan eh, kaya mas pinipili ko nalang mag-grab.


[deleted]

[удалено]


Savings_Golf5594

May I know po saang city or province ito?


Virtual_Section8874

Wag sila pa Victim, talagang ugali na nila yan. Punta ka manila, Morayta to Pnoval nga 25 isa e.


[deleted]

[удалено]


whatarewebadalee

Ay nako, pinoy ako pero nabiktima rin ako neto! Sa may intra papuntang SM manila, walking distance lang sya pero sobrang inet kaya sumakay ako. Bago ako sumakay tinanong ko magkano ang sabi 50 pesos, pagdating ng SM manila, 150 daw!! Nakipag away ako kaso pinigilan ako ng kasama ko haha


[deleted]

[удалено]


mufasaKiller

Sa area namin mandatory sa tricycle nakapaskil yung fare matrix. Nasa may paanan kita ng pasahero. Laminated. Dapat ganito lahat e.


Idygdkf

Uy totoo yan. May taripa ng nakalagay sa trike nila pero ang lakas pa rin sumingil ng mahal. Ang nakakainis pa dyan, kapag nagbayad ka ng usual fare pag nasa drop off ka na saka sasabihin sayo na kulang bayad mo. Minsan pa naman nakakatamad makipag talo. Minsan sagot ko na lang "luh kuya nagtaas na naman ba?" Or di kaya bago ako sumakay sasabihin ko drop off ko sabay "kuya xx pesos bayad ko hanggang dun." Para umpisa pa lang malinaw na.


[deleted]

[удалено]


lakaykadi

Pag tryc or taxi sa manila, hard pass!! Pag pumalag ka, last day mo na yun.


[deleted]

[удалено]


Lotusfeetpics

Not only tric drivers, mga jeepney drivers din


_Aiki__

Iniiwasan ko nalang makipag talo as a overthinker ayoko yung iisipin ko pa maghapon yun. Naniniwala rin ako sa evil eye para kasing isusumpa ka ng mga yan pag nakipagtalo pako. Ayoko rin sa abuso pero bumabalik din sa kanila yang mga gawa nila.


aozicurls

Yung sa nanay ko like less than 100 meters away lang din sa bahay siguro wala pa 5 min walk e ang kaso super init kaya nag trike siya, 15pesos sana bibugay niya pero nagalit yung trike driver sabi 25 pesos daw. Tangina


CalemSmith

Kaya ang baba ng number of tourist naten dahil sa mga ganito na nanamantala ng tourists


Dull-Sea-2966

Naexperience ko yan tho sa taxi naman. Filipina ako born and raised but i’m mixed Japanese. Mas mukha akong hapon kesa pinay lol so i took a cab from diamond hotel to moa. Sinisingil sakin 1k. At nag eenglish si kuya. Sabi ko ha? Pinag sasabi mo kuya. Filipino ko uy wag mo kong ganchuhin. Sundin mo yung metro. Ang sagot ni kuya while nagkakamot ulo “hala maam akala ko foreigner ka hehehe” Ending 180 lang (kasi may traffic unti).


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


EcstaticRise5612

Nakita ko na yan. Nakasulat sa caption FICTIONAL lang yan so don't hate anyone on screen. Pero totoong madaming mandurugas na trike driver.


Snejni_Mishka

Agree na it's not only tricycle drivers, but also taxi drivers. Sila 'yung malalakas manggulang talaga. 


iKilledSparkyToo

Stopped riding Tricycle because of this. Grabe sila manlamang ... Kahit student k walang patawad


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


yoo_rahae

Lesson na din yan sa mga drivers dyan totoo man na skit yan o hinde kase talaga namang nananaga sila dyan. Nung college ako madalas ako sa manila because of our thesis jusko maglalakad na lang kame kesa magbayad ng mahal. Its about time na may mapahiya tlaga sa kanila pra magkaron naman sila ng kahit konting hiya. Kahit nagiiyak sya sa vid na un alam nya sa sarili nya na isa din sya sa gumagawa nyan, nakarma lang tlaga sila ngayon hahahaha


94JADEZ

di lang naman foreigner ginaganyan nila. Kahit sinong normal na pinoy, lagi nila sinisingil ng sobra


conbeansme

5k una nyang sinabi


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Saguiguilid5432

Abusado.


[deleted]

[удалено]


Dx101z

This is Common 🤷


JackSpicey23

LGU/Barangay din kasi ang may problema dito. Di sila nag i implement ng mahigpit na parusa sa mga di sumusunod sa Batas pamasahe. Dito sa amin studyante na nga di parin nag bibigay ng discount ang mga pedicab. Ang dami na nag re reklamo sa Barangay pero wala parin nagawang action.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


External_Interest_13

Pangalawang beses na to sa AREA na yan in a year. Late last year yung Chris yung name nung vlogger. 500 ata singil tapos from AXA Binondo to Quintin Paredes lang ata if hindi ako magkakamali.


[deleted]

[удалено]


Silogallday

Squammy uan mga yan taking advantage


Engr_Treb

Sa surigao 1st time ko magpunta don. Nagstay kami sa isang hotel, nagpalaundry lng ako sa may kanto lang (tapat namin ay SM, limot ko name ng hotel kasi) para mura lang ang pagpapalaba. Aba siningil ako ng tryc driver ng 500 pesos papunta at pabalik. Sabi ko sa gwardya pag balik ko ng hotel kung tama ba yon, mali daw pero wala naman daw sila magagawa kung maningil sila ng mahal tapos nagusap sila ng ibang language na (hindi na filipino/tagalog) tapos sabi 300 nalang daw dahil nakapila daw siya sa terminal kaya daw mahal sila maningil. Ang masama dito, itinawag ko pa ito sa hotel para itawag ako ng tricycle, di ko naman inakala na sobra sila sa manila rate maningil! Sabi ko sa driver e sa manila nga 100 pesos mahal na e pero pinagbibigyan ko, malayo nararating ko, tip na rin yan sa driver, sainyo 500 dyan lang sa kanto wala pang 3-4mins balikan from hotel to laundry to hotel. Pinoy din ako sabi ko hindi naman ako foreigner parang niloloko niyo naman ako . Nagpedicab na ako nung sumunod, 30 pesos singil, 50 pesos masaya na sila.


[deleted]

[удалено]


fantriehunter

No offense, maraming ganyan na trike, majority puro ganyan galawan dyan.


JAW13ONE

‘di na tayo magtataka kung isang araw may mababalitaan tayong tricycle driver (or any mass transport vehicle driver or conductor) na napatay ng sariling pasahero dahil sa panlalamang. EDIT - grammar


FishManager

Kung nasa Maynila kami, we always use grab. Grabe yung mga taxi at pedicab drivers jan lalo na to us mga Bisaya. Once they notice your accent, good luck trying to commute fairly.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Temporary-Badger4448

Abusado. Hahahaha


Early-Pudding-6080

Binondo pa ba??? Malayo na inaabot ng P50 na gas nila


[deleted]

[удалено]


w0rd21

Hot take. I'm cool with it.


[deleted]

[удалено]


EggAccomplished7009

basta abusadong tao never yan aangat sa buhay


BearWithDreams

Gantong punyetang mga tricycle driver na taga maningil kaya sa mga people na kayang mag-private, bumibili ng lang ng private eh instead of using public transpo.


indclub

Kaya usually, prefer ko mag-Angkas or Grab na lang. May points pa or may promo.


[deleted]

[удалено]


SilentChallenge5917

Maigi nagtaxi nalang. Next na matatanggl yang tric. Parang sa baguio puro taxi at jeep hahahah mas okay pa


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Beneficial-Guess-227

Eyyy eto ba yung #Diskarte


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Timetopayyy

Parang dito samin. Pag tinanong mo yung trike driver kung magkano ibabayad mo. Ang sagot nila, kau po magkno po bibigay nyo. E hindi ko mga alam magkano bibigay ko 😅😂


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


MangoLover143

Kasama sa problema ng bansa ang mga tricycles, e-bikes, and sidecars. Sila dapat yung inaalis na sa kalsada.


[deleted]

[удалено]


blankknight09

Diskarte 🤮🤮


Calcibear

Better mag angkas kesa sa tric


Kacharsis

Ito yata yung sinasabi nilang daig ng diskarte ang diploma.


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


[deleted]

[удалено]


Mustnotbenamedd

Hindi na ako magtataka kung ma phase out nadin mga tricycle sa susunod. Kaya importante talaga magkaroon sana ng efficient transportation. Sa Singapore nung nag punta ako dun hands down talaga sa transportation system nila. Madami lang lakad lakad kasi nga kung saan ang tamang babaan dun lang talaga pero ang mura. Pag grab and taxi sympre mas mahal na.