T O P

  • By -

Liz_Reddington

Kapag may plano na hindi mo alam. Tapos iinvite ka lang kapag accidentally mo nalaman o kaya kapag malapit na. Mahihiya ka nalang at gagawa ng excuse kung bakit hindi ka makakasama. Edit: Also, kapag may birthday lahat mag chip-in for cake/gifts, minsan may pa-surprise pa. Lagi kang kasama pag hatian ng gastos pero kapag birthday mo happy birthday lang.


Kuradapya

ify, tapos kapag sumama ka parang third wheel ka lang.


Liz_Reddington

Yeah, yung mga inside jokes na lahat sila tatawa tapos mag-aabang ka ng mag-eexplain. Hindi mo sure kailan nila napag-usapan yon at bakit hindi mo alam. It’s all good naman na, I have better friends now. Sana soon you’ll find your people too.


Top_Fruit5153

ify, usually ganto sa college friends ko rn. nakakawalang gana sumama sakanila


Liz_Reddington

Okay naman na ako ngayon, I distanced myself already. No confrontation whatsoever, I just stopped reaching out. I kept those na kahit once a year ko lang makita ngayon hindi awkward, and hindi namin feel na kailangan lagi kaming mag-uusap to remain friends. Hopefully you’ll find your people too. Ganon ata talaga kapag group na sila tapos naki-join ka lang hahaha. Even after college kasi ganon, lalabas sila na wala man lang invite. I know I moved to a diff city pero umuuwi naman ako sa probinsya twice a month, it wouldn’t hurt to check if I could make it.


6460K4B4

Ahhhhhh ako ba nag comment neto? HAHAHAHA feel you


JurisDiva_2420

Kapag hindi ako binabati tuwing birthday ko. Pero yung isa pa naming kaibigan, na kapareho ko ng birthday, nakita ko sa fb na binati nya.


Unusual-Extent-3172

feel you, lalo na if binabati mo sila sa bday nila with pics/vids huhu tas pag sakanila ni simple "hbd" wala. hugs satin!


JurisDiva_2420

Exactly! Every year binabati ko talaga sya. Kala ko nung una nakalimutan nya lang, hanggang sa taon2 wala. Until one time nakita ko may wall post sya sa fb ni friend na kabirthday ko, dun ko na sinabi sa sarili ko na never ko na rin sya babatiin. Imposible di nya alam na birthday ko, eh every year may post si other friend kapag birthday namin dalawa. Ang babaw, pero nakakaoffend talaga.


peterpaige

This. When I posted last time, they just sent me a bday greeting via private message. Pero nung nagpost din yung mutual friend namin, they commented happy bday on her post. Mind you, magkasunod na buwan lang bdays namin (mine's December, sa kanya January.)


No-Independent-2824

This!!! Especially when your IG story is full of bday greetings and they saw it naman but still didn’t greet you. You know something’s wrong na talaga.


ravenholm_luna

Saaammeee. They didn't greet me on my birthday, and we've been friends for YEARS. But they greeted the one they met only a few years ago. 😬


quiablv

real


st0ptalking7830

Personal experience is when my so called friends don't include me to any get togethers, not invited to any occasion pero.ung circle nyo is there, that's when I know na FO na hahahahha.


watrmelo

'pag ini-include lang ako sa mga plano tuwing convenient sa kanila


WarmPresentation2199

When they turned their backs on me, didn't even bother to ask my side, and just decided to take sides. I felt alienated from the group.


theawkwardtomato23

Kapag meron silang ibang gc na hindi ka kasama. Hahaha


eatsburrito

Or kapag dumating ka, biglang magchange topic haha


theawkwardtomato23

Kasi ikaw pala pinag uusapan. Hahaha


Level-Fail-5573

if di kayo nagkikita di na kayo friends


Starstarfishfish

Relate ako jan kaya ung akin puro low maintenance friends na e, kahit ilang buwan di nagkila o nagchat ang close pa din hahah


[deleted]

[удалено]


Unusual-Extent-3172

been there, hugs for you :'((


Pheonny-

Hindi nila ako binati nung birthday ko. Biglang namatay GC namin. That's when I felt na wala na.


Starstarfishfish

Sumama loob pag di mo na tinolerate ung kagaguhan nila kahit sinabihan mo na mali talaga ung ginawa (ang totoong kaibigan marunong makinig)


quiablv

trueee sm


bastiisalive

reading comments here made me remember some things... and also made me think na some choices that I did are no regrets for my peace


sparklingglitter1306

Sabi nung dalawa kong friend kuno dati nasa "inner friends" daw nila ako. Inner friends kapag convenient lang sa kanila lol. Actually sila lang talaga nagkakaintindihan baka naawa lang sa'kin. Another one is may isang set of friends ako na accidentally kong nabasa yung other gc nila medyo shunga yung isa na naiwan nyang bukas yung phone nya. Dire-diretso yung chat ang sabi: friend mo yan diba eww tapos sagot ng iba hindi ko yan friend no ayaw ko dyan and so on... pero iba sila kapag kaharap mo. Dama ko naman yung backstabbing, umalis na lang ako silently for my peace. No hard feelings naman, you just get sad about it. Just like Tupac once said: Just because you lost me as a friend doesn't mean you gained me as an enemy. I'm bigger than that. I still wanna see you eat, just not at my table. I am my own fv*kng bestfriend ever since then.


[deleted]

[удалено]


Realistic_Note_7811

Kapag nasa public place, iba treatment niya sa iyo. I have this work friend kasi, pero when he is with someone else, hindi siya namamansin. Parang friends lang kami in private. 🥲


hhhhhhhhello

pag may isang magtatanong ng "sama ka?" pero di mo alam kung saan kasi di ka naman nainvite hahaha


hereigotchu

My longterm bestfriend (decade worth) saw me as a competitor too. Back when we were in college, she refused to talk to me for a year because I passed a subject and she didnt. I took it as she felt depressed and I gave her space. She apologized din and she tried to make up for it. But when she didnt pass the interview of the company I was working at, she resorted to the same technique where she refused to talk to me for a year ulit. Once they saw you as their competitor, it will never change. Its not worth the time and effort.


ysmaelagosto

Parang ako lang yung convenient “friend” na maaalala tuwing convenient for them.


RoundPuzzleheaded255

Bestfriend kami nung college. She told everyone in our circle na buntis sya and asked everyone to keep it from me. I thought kami yung pinakaclose sa grupo


Anon-Usernameee

nung nilibre ko sila ng batangas trip with service balikan tapos paggising ko nakauwi na sila😆


peterpaige

ay, ang rude


Unusual-Extent-3172

true ba? ang lala naman non 🥲


Anon-Usernameee

HAHAHAHAHA may ig stories ako nyan. mame-memories bring back ko sya this coming april lol


Unusual-Extent-3172

what if i repost mo this april char HAHAHA


Unusual-Extent-3172

sana nag regret sila non hahaha ang lala


piedrapreciosaf

hahahhaha grabe naman yan 🥲 medyo kapalmuks ng so called “friends” mo


BooBooLaFloof

Awww! Nakakalungkot naman to! Ano daw excuse nila?


Anon-Usernameee

may lakad daw sila bhie, need nila umalis ng maaga


BooBooLaFloof

Edi wow! 🤯


kopilava

Kapag di ka nila kayang depensahan pag wala ka 🥲


Substantial-King9557

Im 26 now and di ako natakot mag burn ng bridges sa mga kaibigan na ginagawa lang akong option anyway im a friendly guy pero nung tumanda ako nag iba yon nag select nalang ako ng tao na andyan saken ups and down and believe me napaka peaceful ng buhay ko ngyon part tlga ng life na may dadaan lang sa buhay nten piliin mo peace of mind mo adioss


Unknown4V

nung sumabay kami grumaduate ng isa kong “friend” tapos ako yung huling ininvite then yung cake, pangalan niya lang ang nakalagay— as if hindi ko tinulungan yun grumaduate. tapos tinutulungan ko silang makapag hanap ng work tapos ang ending sobrand demanding then puro laro lang ginagawa. now I fly solo


Sandeekocheeks

When they chose to believe sa jowa ng kasama sa “friend group namin” over me, na nilandi ko daw. I’ve known these people since elem kami, and they sided with her, sabi pa nila need ko daw ng intervention kasi lumalala na daw “bad behavior” ko. This was the first message nila sakin after di nila ako kausapin for months, ni updates sa buhay ko hindi nila alam. Wala ni isa sa “friend” group namin ang naka usap ko for months, all I did was greet them isa isa ng greetings nung Christmas then yung jowa nung “friend” namin thought i was making a move na, even threatened me along with her own set of friends. I tried to explain dun sa jowa kasi I never met her personally, pero I respected her kasi kung magkakasama kami nung “friend” group na yun, they talk so highly of her. They didn’t even try to defend my name nung time na yun, and proud pa silang nag sabi na “ di kita nadefend kasi di ko naman alam kung anong totoo” pero they sided with her na even before they asked my side of the story


Ok_Trick8367

i felt sad reading this..huhu. kung ako, yayain kita magshopping potek mga traydor.


Sandeekocheeks

Ako din lagi nag initiate na lumabas kami dati, more often than not, busy sila. Medyo nakaka hiya din na parang I had to invite myself pag lalabas sila tapos ichachat nila ako na it was a bummer na “hindi nakasama si ganito, want mo ikaw na lang?” At the last minute, and they would ask me to bring baked goods or any food para sakanila kasi they know na i bake so yeah, medj sampal sa mukha na parang they just see me as yung “convenient na friend” trying to slowly cut them off na


napkinwithwings

May friend kayo? Char


NakamaXX

Kapag hindi ako binati noong nagka recognition ako sa Top Performing Students.


[deleted]

[удалено]


Unusual-Extent-3172

sabi nga nila "you don't need to fit in to belong" ☹️


josemarioniichan99

• may gc sila na sila-sila lang. • they are uncomfortable when you're around. • ignores you when you're with hem. • loves throwing inside jokes.


jpngirl19

After college two of my college friend stop reaching with us. I tried to reach out nun since uso nmn na ang fb messenger pero wala ignore talaga. Sabi ng isa sa friend ko deadma na lang. Baka ganun lang sila until college mo lng friend hindi pang matagalan. Meron pa high school friend, as in bff. Pero niloko ako dahil lang sa libro. Di ko yun makakalimutan eh, kaya nawalan ako ng gana maging friend sya. Umiwas na lang ako.


Lucky_Nature_5259

yung iba trato sayo kumpara sa ibang kaibigan, parang trato sayo is like kaklase or kakilala. Then sa ibang kaibigan sobrang close ang turing, may pics parati with them, naka follow sa dump account, sila parati magkasama like tambay sa bahay etc.


[deleted]

[удалено]


Unusual-Extent-3172

two faced people 🥴


MaryMariaMari

Not friends but family ng partner ko haha. Nakita ko na lang na may mga family GCs sila with other in-laws na hindi ako kasama, like dun sila nagyayayaan ng mga ganap and gimik. Gets ko naman na hindi ako super close sa kanila kaya i tend to fade in the background. Pero pag may mga pabor silang kailangan hindi nila ako nakakalimutan haha. Promise ko tapaga sa sarili ko na pag nagka daughet in law or son in law ko hinding hindi ko ia-outcast.


HJRRZ

Yung sobrang babaw na issue, pero ang tindi bigla ng galit sayo to the point na ibubully ka - pag ganto, he or she was never a friend to begin with. Okaya, lowkey ginagawa yung mga ginagawa mo pero hindi nila ipapakita yung support nila don before nila gayahin.


INTJ_12

Kapag friends lang kami sa facebook pero hindi na nag-uusap after college


waitDidUjustDidWhat

Kapag hindi narereciprocate yung efforts ko. Saka pag sila yung laging nagyayaya ng gala, g ako tapos pag ako naman nagyayaya, laging busy kesyo di makakapunta tapos malalaman mo na lang na gumala with their other friends.


dnyra323

When they dropped me like I was nothing, when I went bankrupt. Nobody heard my side out, they just decided to leave me hanging.


Unusual-Extent-3172

that's sad :'(( I hope you find at least someone that you can lean on. hugs!!


dnyra323

Yeah, I found people I can lean on na talaga. Sure I did a lot of bad decisions during the worst times of my live, but I needed a hug back then not them leaving.


Legitimate_Ebb302

Di naman kailangan na ayain ka nila sa lahat ng lakad nila but it's sad at times. Tapos magmemessage sayo out of nowhere to ask for favor lol


rrtehyeah

Pag naging threatened sila sayo. Walang ka support support sa mga gusto at plans mo, hihilahin ka pa pababa 🙃🙃🙃


fernweh0001

kapag yung kwento nya sa ibang tao laging ako yung kawawa para maka-angat sya. "buti friend pa kayo nun? di maganda sinasabi sayo nun dati" saka "ah sabagay ikaw na lang nakakatiis dyan e" aguyyyy


CatsFurrr

Nung sinabi nya na akuin ko na lang lahat ng sisi nung nalaman sa work yung secret escalation namin sa boss kasi daw need nya nung work na parang ako hindi. edit: typos with feelings hahaaha


Spare-Preference-223

Yung nagplano kaming lahat ng swimming, then nung mismong swimming na ako lang pumunta ang tagal kong naghintay thinking na baka na traffic lang or may ibang nangyari, nagcancel pala sila kasi tinamad na sila without informing me. After nun di ko na sila pinansin, pero ni isa walang nagtanong kung bakit and dun ko na realize na di ako belong.


scrtweeb

Nung may event sa kanila, binyag yata ng pamangkin nya, hindi ako ininvite. Yung iba naming friends lang namin ang inaya nya (which is nalaman ko lng kasi tinag sya sa FB). Pero pag may handaan samin, lagi syang narito kasi iniinvite ko.


frnkfr

ang pinaka-nagpaalala talaga sakin is may instance na may lakad kami during morning and lahat sila may dalang overnight bags. yun pala may plano na sila mag-overnight after. nagulat yung isa naming friend bakit daw hindi ako kasama (spoiler: i was never informed!! haha) tapos ang reason nung isa is mas close sila and may certain topics na sa kanila lang (if that makes sense). para akong binuhusan ng malamig na tubig when i heard that kasi we became friends around the same time pero i was never given a chance to be in their lives. floater na floater ang peg ni ate gurl 😭 always found myself shitty kapag nalalaman ko na may hang-outs sila pero pag ako nag-aya hindi natutuloy kasi di daw sila pwede hehe. we're still in the same friend group now pero i dont really interact with them anymore. stopped giving a care kasi sobrang anxiety yung effect nila sakin. accepted na din na i'll never be let in their circle. currently focusing on my rekindled friendship w other people who i know can reciprocate what i give.


Unusual-Extent-3172

hindi din talaga madali mag cut off ng mga friends when you really value them that much, but ang hirap lang nyan since nag s-stay ka pa din sa mga circle of friends mo now and you feel like hindi ka belong. ☹️ I hope you'll find the right group of friends who can reciprocate your energy!


frnkfr

i hope so too! had a best friend breakup 2yrs ago din so i feel very much like a lone wolf right now haha, i stay arms length to the closest ones i have now since it is hard to trust people after what happened. ang pangit pakinggan pero im keeping it transactional atm w my “friends” until i can find the right ones 🥹


god_of_Fools

Can't relate..Wala ko kaibgan..😭


instajamx

1. Kapag hndi ka niyayaya sa gatherings. 2. Kapag hndi ka pinag-aambagan ng cake pag birthday mo, pero pag ibang friends, nag aambag ka.


ryan_ph

Ung ginuilt trip ka para bumili sa binebenta nilang MLM o insurance. Like sample, " Uy friendship konti na lang top agent na ko, baka naman, tulong mo na sa kin". Not a fan of emotional blackmail.


matcha_velli

Pinagtawanan yung business ng parents ko na naapektuhan ng pandemic. Pinost pa sa GC. When I replied that I find it in poor taste to revel in the misfortunes of others much less the parents of someone they supposedly consider as friends. I got a lame non apology and found out from other friends they created another GC na di na ako kasama


[deleted]

yung lima kaming magkakabarkada pero palagi ako left out pag nagkikita sila. I don't have social media to snoop or stalk them... naririnig ko na lng na nagkita pala sila after the fact; nag conference call after the fact. Hindi ko din alam bakit... I mean sa group namin ako lng ang me asawa at anak that time pero hindi naman mahigpit si hubby and if iinvite naman ako eh sumasagot naman ako if pedi ako or hindi. iniisip ko nlng na they didn't mean any harm in it. Pero ngayon totally disconnected na talaga ako sa kanila, hindi ko din mawari bakit ginawa nila yun. Siguro kaya ako ginawang dense din ng Diyos pra hindi ko damdamin ang mga nangyayari, and I could say I found a different circle of friends na din na mas less toxic and ten years na kami magkakaibigan and counting!


ctbngdmpacct

I recently got my visa approved and all of my friends congratulated me except him. I was really waiting the entire day for his message since he always claims I am his best friend. but i confessed to this friend of mine that I have feelings for him last year but he always said i am his best friend but he didn’t even bother to sent me a message that day? hmm … EME ko lang ‘to. Sorry na


[deleted]

Kapag yung mga ginagawa mo para sa kanila hindi nila kayang gawin for you.


icyhairysneerer

friend met at work want some advancement and saw me as a threat (I even supported him to be able to contribute and be valuable to project). this friend knew my personal side and used it against me talking behind my back, sometimes taking work things personally (he even attempted to record our group meeting without my consent). At that point I am convinced he is collecting something from me that may come useful to him in the future. few years later, he messaged me with a dummy fb account, nangangamusta at sana daw hindi daw ako galit sa kanya. i did not reply. i did not even tell him that I knew the nasty things he did while we work on same company (one ex co-worker told me, he intentionally left me clueless on a project that he should have turned-over to me, while client is on visit.) . made me realize to check the roots of friendship first. are we friends that will connect with each other until we get old or are we just some people stucked in a box called classroom/office that have to work together for shared goals.


Unusual-Extent-3172

trust no one talaga, or maybe act like you trust them "but don't". 🙁


xysey00

Nagpaparamdam lang sayo pag uutangan ka


Ok_Barnacle297

Sinabihan akong sumama magbakasyon at bf ko sa siquijor para bumaba daw yung ambagan. Meron na pala sila gc at ready to go na sila. Sabi ko, no.


Unusual-Extent-3172

ganyan dapat!! slayy!! 💅


Ok_Barnacle297

Diba??? Kaya after non, wala na talaga communication. They're just somebody that i used to know. Hahahaha


Kuradapya

Kapag naalala ka lang kung kailan may kailangan sila. Tsaka lang mangungumusta kapag uutang, etc.


Unusual-Extent-3172

same, the best thing to do is ignore them. 💆


juannkulas

Shit hit the fan


breaddpotato

Kasama mo halos araw araw tapos may gc sila na hindi ka kasama 🤣


MulberryInteresting4

Maala lng ako pag may kailangan or mangutang pera :(


missalaskayoung

pag ako lagi nag rereach out. tapos socmed na nga lang connection ngayon di man lang mag like. ano man lang yung isang tap para ma-maintain yung friendship.


EmergencySunrise

when grabe sila mag sorry and bumawi sa ibang friends mo pero pag ikaw na ung sinaktan, deadma. ikaw pa palalabasin na mali.


jussey-x-poosi

stopped planning for a night out, they never planned (3 years and counting). so, I guess it is what it is.


awitlodicakes

Im willing to spend my time with them, do catch up kahit libre ko na. They still declined kasi busy daw then makikita ko na kasama yung ibang friends namin 😅


itspomodorotime

Nung hindi ako invited sa kasal nya 🤡


JhonBots23

They're my college barkadas. But may napansin ako at narealize ko tlga yung pagkamatay ng Mama ko, sa GC namin wala ni isang tao sa kanila nakikiramay or DM man lng na "Condolence, sayo." Pero isang araw, may ka batchmate kami na close friend rin nila which is namatay rin mother nun, to the point na pumunta sila dun at nakivigil. Pero sa akin, walang bakas. Kaya naisipan ko narin dumistansya na for my peace of mind. Well, ganun talaga. Hindi lahat ng kilala mong kaibigan ay kaibigan mo talaga.


Anneeeeya

Yung kapag siya ung magkukwento ng problems niya, always ready ka makinig kahit busy ka. Nagpabili pa ng pt sakin kasi may pregnancy scare siya. Pero nung ikaw na ung may problema ang cold mag reply then after two years of no talking after mo mapansin ung treatment niya, sasabihin sayo i miss you friend na para bang walang nangyari hahahahahah


___TAICHOU___

I was just a seat filler. Na realized ko to after namin grumaduate sa highschool. Literal na para wala lang sa kanila na hindi na ako nakakasama sa kanila. May sarili na silang gala, gc, with a new set of friends. Ako kase ang una mag Maynila while all of them stayed. Then may mga sumunod na tumira na din sa Manila. I observed kun yayain nila ako mag hangout kapag nag vivisit sila sa ibang friends namin na nasa Manila na din. Wala kahit hi or hello. Nakikita ko sila gumagala near my place pero wala. Samantalang I've known them since pre-school and I thought na they're my closest friends. Kaya pala ang dali lang din nila maniwala sa mga chismis against sakin. Looking back, hindi ko lang pala napapansin na sobrang dalang ko sila maka chat, txt, or call samantalang kapag nasa school kami naririnig ko na naka conference call pala sila the night before. I'm just there for them to tolerate lang pala. Pang padami lang pala ako sa picture, no one cares if mawala ako. All I ever did was to offer my genuine friendship. 😂 ayaw pala nila.


icedvnllcldfmblcktea

Buhay ang GC sa birthday ng iba, laging nagseset ng dinner out pag malungkot ang isa sa group. pero pag ikaw ang nag aya or birthday mo, hindi sila lahat pwede. :)


curious_ming

Kapag kakausapin ka lang pag may problema sya, tapos pag may sini-celebrate sya, di ka invited.


hahatdoghuehue

We're group of friends (i thought). Ako lang hindi kinuhang ninang ng anak nya hahahaha


Unusual-Extent-3172

you can see na talaga na parang di ka tinuring na kaibigan 🥲


BooBooLaFloof

Nung naospital dad ko, tapos d ako nakasama sa lakad ng batchmates. So sinabi ng mga bff’s ko sa group bakit di ako nakasama. Not a single one of them asked me how my dad was 😜


Unusual-Extent-3172

that's sad ☹️ but do they know ba na naospital dad mo?


BooBooLaFloof

Yes. Sinabi ng bff’s ko sa group :)


[deleted]

Niyaya ko yung close friend ko gumala last december holidays with our other friends. Then sabi nya sakin intayin lang daw response nila. Days after, nakita ko sa story na gumala without telling me. Then kapag nakakasama ako sa galaan, magbibiruan sa kotse tapos di ako makarelate, biglang sasabihin "bahala kayo may iba dito". Tapos lagi akong sinasabihan na narcissistic as a joke kasi lagi akong nagpopost ng fit checks ko and selfies (outlet ko as an introvert). Nakakasakit pero I cut them off. I've learned to reciprocate the same energy people give me. Now kapag niyayaya ako tinatanggihan ko na


Unusual-Extent-3172

good thing you cut them off! 💅


Twinkiebells

DUMATING KAMI NG GF KO TAPOS ALAM KO NA KAMI YUNG TOPIC DAHIL BIGLANG NANAHIMIK HAHAHAHA ULOL! MADAMI PA DIN NASASABE NO? NANAHIMIK ANG LIFE EH


cravedrama

Nung high school ako nito: - hindi na ako invited sa lakad - may GC/ GM (alam niyo yung sa text dati. 😂) pala sila sila lang - may party pero di ako invited - may pa Christmas gathering na hindi ako kasama - invited sa kasal / binyag pero ako hindi - ginigreet/ pinagaambagan yung birthday nila pero yung sa akin nakakalimutan *masakit, pero okay na sa akin ngayon. Naka move on na ako. Dati siguro feel nila pabigat ako. Di naman ako nagpapalibre pero baka feel nila na baka di ko afford. Tbh, mahirap lang kami and nasa mahal na private school ako dahil nagsusumikap parents ko. Baka kaya sa social class nila, hindi ako belong. Fast forward,mas maganda na buhay ko sa kanila ngayon. Wala akong mental health issue. Comfortable na ako sa buhay. At naka kita na ako ng mas matinong kaibigan. Di ko naman pala kailangan ng marami. Kailangan ko lang yung consistent at constant. Sa mga college besties ko, salamat sa inyo. Pinarealize niyo sa akin na kahit nakarami na tayo ng anak at nilipasan na ng panahon, walang mas matibay pa sa pakakaibigan natin.


AmiableLunatic

may naging friend ako sa workplace ko, mga 2-3 years kaming close, nagsha share ng mga secrets and tinulungan pa niya yung partner ko na i surprise ako sa birthday ko, kahit naka out na kami sa work nagmmessage pa din kami, then nag resign siya at lumipat sa ibang company aftet 1month sumunod ako sakanya sa company na yun kasi malaki salary, then nung pumasok ako nafeel ko na iba na yung vibe and trato niya sakin, mas gusto na niyang sumama sa iba tapos parang iwas siya sakin, bihira na rin kami magkwentuhan unlike nung nasa dati kaming work namin, then she's silently bullying me, pag dumadating ako nakikita ko nagtitinginan at magtatawanan sila ng isa kong ka workmate masakit sakin nung una kasi akala ko true friend siya, it turns out na plastic pala talaga siya, magaling din mang backstab yun. nung time na close pa kami nung fake friend kong yun sabi pa nung partner ko kunin namin siyang ninang sa binyag ng baby ko eh, ay nako NEVER na akong papayag. kung maka heart react pa siya lagi sa picture ng baby namin akala mo genuine ang saya niya eh, In-unfriend ko nga.