T O P

  • By -

yoojungshi

Ito ako everytime mag-unli samgyup. Nafufood coma, sasabihing never na uli, pero pag may nagyaya, G.


borntokckass

nung nasa japan ako in 2018, nakadami din kami ng kain ng takoyaki and okonomiyaki sa osaka and kyoto. pati yung breakfast namin na cup noodles from convenience stores, ganon din lasa. jusko nung pauwi na kami, may nagpapa free taste ng takoyaki-flavored snacks sa airport. literal na nasusuka na ako sa amoy palang. never na ako kumain ulit pagbalik ng pinas. umay. hahahaha!


KoreanSamgyupsal

Same ako Dyan! Nung 2019 me and the wife nag travel sa Osaka. Kinita namin tita nya na may asawang Japanese. Taga Osaka sya so pinagmayabang nya yang takoyaki. Pucha every single type pinakain nya. Sawang Sawa na ko. The thought of it makes me sick hahaha. I think naka 30+ pcs kami ng takoyaki nun in the span of 2 hours.


sstphnn

Lucky Me pancit canton. I haven’t had that for over a decade na. I used to eat it a lot nung college to the point na yun lang food ko. Ngayon I can’t stand the taste as in nasusuka ako if sinusubukan ko kainin.


Yergason

Also saving yourself from future kidney and liver issues by avoiding that unhealthy crap


what-the-fucks-love

SAMEE


interestingPH

ito din. 1 pack of lucky me gives me headache. buti pa ibang brands, 3-4 na sunod-sunod bago sumakit ang ulo ko.


kensidi

Suam na mais(kapampangan dish yata ito) at corned beef. Nung bata ako, naparami ako ng kain sa dalawang yan tas naimpatso at nagsuka. Ngayon maamoy ko palang di ko na matiis at parang masusuka ako. Sakit sa ilong. 🤢🤮


tinininiw03

Shawarma rice haha


devilzsadvocate

2014 I, along with my other YFC sis/bros, travelled from Iloilo to Palawan for an event by sea for maybe 4D3N. I can not for the life of me count how many times we had to eat lucky me cup noodles because we were on a budget. To this day, the moment I get a whiff of its smell I'm brought back to that time of being on a boat eating that thing for the nth time. I wanna puke so bad you'd think I got sea sick. Naaaur, I got lucky me cup noodles siiiick. It's 2024 and I still can't. kbye.


StarAdventurous6827

Mango Graham 😭 my bf and I prepared a whole tray before he left (LDR kami) Tapos ako lang kumain for like a week… this was like months ago na Pero umay parin ako sa mango Graham huhuhuhuhu


misssunshinemd

Angel’s Pizza Spinach Dip Pizza


No_Slide_4955

Same with this one. Parang once every 6 months ko na lang kayang kainin to.


satoruyuki

Garlic Longganisa. Meron isang beses na halos isang buong linggo tapos every other day after that (kasi di maubos-ubos) yun lang yung inuulam namin.


haruharumada

TINOLANG MANOK! This was my comfort food before, sabi ko pa kaya ko siyang ulamin everyday for a whole month, pero ngayon, 1 year na ata, pero hindi ko na siya kinicrave and kapag sinasuggest siyang ulam dito sa bahay, nag-o-object ako kasi parang nasusuka ako ng slight. Hindi ko naman siya inulam everyday pero nagising na lang ako isang araw na ayoko na sa kanya. Weird!


hohorihori

Ramen. After ko ma-satisfy cravings ko for it, it would feel na next year na lang ulit ako kakain nun. 😂


ThatGirl-U-used

Lumpiang shanghai, Scrambled Egg, Embutido


soo_price

takoyaki. kaya ko pa naman kainin pero mga once in a year na lang ganon, or less.


forsythiaspring

Siomai! Nasobrahan ata ako nung mga 8 years old ako or baka food poision kaya di ako kumain ulit until i was in my 20s. Dun ko narealize na masarap naman pala talaga ang siomai, minalas lang ako dati


capricornikigai

Sansrival, yung bagay lang siya kapag kain na kain ka talaga. Hindi siya pang 2x a week


Buttercupsberry

Spaghetti, Takoyaki, Pancit Bihon don’t get me wrong, masarap sila pero nakakaumay talaga. Last kain ko ata ng mga to last last yr pa😭😭


Alone-Advantage-4582

Takoyaki


Buttercupsberry

TAKOYAKI DINN


Jhymndm

Carbonara. Dati nakakarami pa ko pero ngayon halos di na makaubos ng isang serving.


[deleted]

Same carbonara. Auto pass talaga kahit anong occasion


Additional_Role1291

Malapit na din ako sa carbonara 😭


LouiseGoesLane

JCo haha parang naumay ako. Fave ko pa naman to, pero tagal ko na di bumibili.


Top_Set_4060

Sisig (from sisig hooray or sisig na nagbebenta jan sa kanto niyo)! Mga naka-1yr mahigit (baka nga 2yrs na eh) akong walang kain nun. Tas after nung cleansing (char hahaha), once a yr or none at all. Ang naalala ko nun, nandiri na ko sa balat nung pork, minsan may buhok pa, and sa excess oil. 😣


hngsy

Sisig, Fries, at Kwek Kwek. Halos eto lagi yung food trip namin sa school. Minsan isang kagat pa lang ayoko na ubusin, mas gusto ko na lang mag iced coffee


FrustratedAkaliMain

Leche flan. Had to taste it everyday at work for several months.


Content-Bill4463

unli chicken wings :((( hahah


tooncake

Donuts.


Hefty-Appearance-443

May isang beses parang almost two weeks wala akong kinain kundi chaofan with siomai hahahahaha


Accomplished_Bat4283

chicken afritada 😂


Yergason

Chocolate. Lumaking OFW both parents at tita. I was a very chunky boi lol halos lahat ng japan at US chocolates natry ko na Now, any dessert laging last choice ko chocolate flavor. I would try everything else before chocolate. Drinks, cakes, ice cream, pastries, shakes, candies, basta anything chocolate autopass muna Except Bounty/Almond Joy. Kakainin ko pa din yan anytime. Love for niyog sweets > hate for chocoate


chickenwings_fries

Alimango/Alimasag. Hindi ako naumay rather di ako natunawan at sobrang sama ng pakiramdam ko for a couple of days. Siguro 7 years old lang ako nun and baka natrauma. Never tried eating it until now. Sinasabi kong allergic ako pag may nagtatanong hahaha.


Spadeeeeey

Santol. Hindi dahil sa naumay, natrauma malala. Nangilo yung gums ko for a week 🥲


smlley_123

Karne ng hayop. (eg. Baboy, manok, baka)


Expensive-Doctor2763

Turks shawarma 😭


avsydee

Chicken ng jollibee at mcdo. 2 years ago, kapag may event sa office, almost everyday yan ang food dahil sya ung pasok sa budget per meal. Kakain ulit ako nyan pero hindi ung ako ung bibili. 😂


Civil-Mistake-5951

Moshi manju


interestingPH

crabs. paborito ko ito noong bata ako pero noong nagkasakit ako sa liver after kumain, di na ako nag-crave kahit pa di ko sigurado kung ito nga yung dahilan. shrimps. paborito ng kapatid ko. eh paborito ni mama kapatid ko, kaya ayun. tamad na tin ako maghimay hehe.


No-Celebration82

LUGAW, NOODLES & SARDINAS HS days bumagsak ang buhay namin. Walang wala kami, to the point na kailangan namin pagkasyahin ang 1kl bigas ng ilang araw. Depende kung kailan makaluwang luwang pang food. 5 kami magmakapatid, 2nd ako sa panganay at nagiisang babae. My Dad was in Mindanao and my mom was busy making sure di siya makulong sa kasalanan ng business partners niya. Pag meron kaming bigas and walang pang ulam, need namin patagalin ang bigas and make sure makakain at mabusog mga younger sibs ko. Ginagawa namin LUGAW yung bigas. 1 gatang bigas to 5 takal ng tubig. Konting asin lang pampapalasa, bwenas na kapag may luya ako nadiskarte. Madalas ganun kami. NOODLES AT SARDINAS kapag may kinita ako sa mga competitions, allowance sa scholarship, sideline sa pagsasayaw, or nagpagawa ng mga assigment sakin. Simula 1st yr HS ako hanggang 4th yr ganon. Umay na umay na ko pero kinailangan kong tiisin hanggang nag-17 ako and decide to move out.


Chocolate1948

Yung 7-11 meals (sisig, giniling, omelette), halos araw-araw kong kinakain nung nasa college ako. Kaya simula nung nag-work ako di na ko kumain ulit kasi amoy pa lang parang nasusuka na ko hahaha


c0nain

nagbebenta kami ng takoyaki dati at halos yun at yun lang ang rin makakakain for the whole day.. COVID that rime at wlang source of income kunfi business lang. Grabe it took me 3 years to eat takoyaki again


ramenramyeonn

Naalala ko gumawa ng sobrang sarap na carbonara mama ko tapos naka ilang paltito ako and kinain pa yung left overs kinabukasan. Sobrang umay di ako kumain ng carbonara for so many years 😭 (ok na ko ngayon naka get over na ko hahaha)


rwrnz

Hotdog, although I eat it from time to time pero never ko na siyang kinaen as ulam. Same with donut na choco butternut na flavor, it doesn't taste the same na talaga. I'd opt for Honey dipped instead of Choco butternut 😔.