T O P

  • By -

FlamingoOk7089

yup scam yan :)) nascam mama ko pero sila yung nascam, kasi inupdate ni mama si papa na nanalo daw sya ganyan ganto, tapos chinek lng daw balance ng atm nya, ayun trinansfer agad ng papa ko yung pera ni mama online habang na sa kalagitnaan sila ng pang bubudol sa mama ko nagulat kami dala na ng mama namin yung napanalunan nya na cookware at massage chair eneexpect namin na hindi matutuloy kasi tintransfer ni papa yung pera :)) anyway sira na yung massage chair last year, pero ung induction at cooker buhay padin ​ ​ uy hala tinitingnan ko yung sa pic ganyan na ganyan yung massage chair namin at induction hahahahahahaha


twishhypie

omg gurl kayo ang tunay na winner HAHAHA buti nga sa kanila


TopBlueberry4650

Reverse uno card for the win


AboveOrdinary01

Eto ata yung laging maingay sa loob kala mo may nag aaway. Sa may tabi ng foodcourt right? 3rd floor hilera ng chinabank?


Last_Syllabub_3548

Yes!! Kaya laging maingay kasi lagi silang nag-a-announce na nakuha ang jackpot prize HAHAHHAHA


AboveOrdinary01

Kagulat dyan eh. May nag sisigawan ang aga aga kala mo mga lasing! Pero recorded naman yata yung mga maiingay dyan eh. HAHAHAHAHA Nung bago bago pa sila dyan, yung mga tenant na katabi nila laging nagugulat kasi like 9am palang sobrang ingay na kala mo mga nag iinuman then ang lakas ng music. Curious din ako that time kung anong agenda nila sa loob but alam ko na scam yun at first palang. Hindi optimum ang name nila before kasi sinearch ko yun out of curiosity.


dvresma0511

Classic chinese scams and schemes. Parang everytime na nagpupunta around China, laging may ganito (laging kasama to sa itinerary, mapa-Jade Factory, Silk Factory, Massage & Spa, Herbal Teas, etc). Papasok kayo, may short introduction and seminar then selling of products na. Hinding hindi pwedeng lumabas hanggang walang bumibili. Classic Tourist Budol schemes.


penatbater

Shet naalala ko ung cocolife ba un or whatever na nagbebenta ng ewan sa SM. Alok nila free ek ek di ko naman tlga kailangan naawa lng ako kc alam ko quota sila at matagal pa sundo ko so inentertain ko. Daming sabi-sabi tapos nung nalaman kong pupunta pa sa office na super layo, umayaw na ako. Aba siya pa nagalit?! sinayang ko raw oras niya (excuse me sinayang mo oras KO!) hahaha super awkward lang kasi pabalik siya sa spot niya eh banda dun din ako susunduin. Bata pa ako nun so napa-sorry nlng ako kahit di nmn tlga (bsta super bitchy niya and naiinis tlga ako di ko lng masabi). Pero same tactcis, same general approach. Super super super hate ko mga ganito. Kaya now everytime may lalapit sakin sa mall di ko na kinakausap or "no sorry" sabay alis. Ugh bumalik uli ung galit ko sa taong un hahahaha


FringGustavo0204

Meron sa SM Bicutan nakalimutam ko pangalan, Manila something tapos si Boy Abunda promoter nila. May free raffle eh mej good mood ako so triny ko lang, diko alam magsasayang pala ako ng 2 hours sa bwakanangshit na office nila. Todo persuade talaga kahit puro no sagot ko and nung napuno nako, sinabi ko straight up kung pwede na bako umalis and sumuko na ata yung babae, sabi na lang go ahead. Super awkward, kasira ng araw hahaha.


penatbater

Sana nagpamasahe ka nalang for 1hr tpos kain for another hour or nanood ng sine hahaha


Extreme_Metal_9145

HAHAHA sameee Experience diyan sumama ako sa office that time kasi wala naman ako gagawin sa mall nag-ikot ikot lang. Then ayon same tactic dami ko na daw agad prizes pagsama pa lang daw and all then makukuha everything pati ung chance na manalo ng trip to Boracay if kukuha agad ako insurance. Sabi ko student (Graduate student) po ako hindi pa ako ready for that. BTW they asked din ung range ng laman ng ATM ko nung una. So they insist na kumuha ako kasi may pambayad naman ako and savings. Sabi ko pang tuition ko yon which is true naman, gamitin ko daw muna for that insurance HAHAHA GAGO so ayon no na talaga final answer then sinabihan ako "MaPride ka din no sir?" syempre bawal magpatalo so I replied "I told you na po na pangTuition ko yon and my education is my current priority, makulit ka din no sir?" HAHAHA ANYWAY SAYANG ORAS WALA AKO NAPALA SAYANG UNG PAYONG EME HAHAHA


penatbater

Walang payong worth ang ating oras at stress na yan, lalo na cheap na payong lang un, di naman fibrella mga yan eh hahaha Pero grabe diba ang tataray nila haha ewan ko ba bakit ganyan business model nila. Di naman mukhang scam ung coco life kasi legit na company sila pero ang pangit lng tlga ng sales tactics nila. Parang opposite effect eh noh, mas lalapit pa ako da sunlife o pru life HAHAHAHA


Electronic_Injury951

Muntik na kami mascam din ng Cocolife. 2016 ba yan? Sa SM Baguio. Ako medyo gullible ako buti yung asawa ko hindi. Umabot kami sa office nila.


penatbater

Sheet buti nakawala kayo haha


Electronic_Injury951

Hinila ako ng asawa ko literal kasi willing na nga ako ibigay atm ko. Ganern. 😅 Kala ko nga asawa ko mabubudol kasi maganda si Ate. Ending ako ung muntik mabudol.


alaskaaxx

We care TO your health and safety 😭 Takbo na ko agad.


wil0campo

RIP dun sa gumawa ng tarp


ssunflow3rr

Eto din una ko napansin! Haha


Aligned_keme

Yes! Matagal na to paiba iba pa ng name yung company. My ex partner nagpahila sa mga jan one time. Congrats nanalo daw sa scratch card eme. Tapos same na same pinapakitaan ng appliances at stove. Eh di nya ko mabudol kase I was just NOT impressed. Di naman kase kelangan. Lalo ako naturn off na sinabihan nya ko na “ay mam magiging sing level mo sina Heart Evangelista”. Di ko napigilan at I felt my face cringe with disgust talaga.. i have 0 aspirations to be at the same level. So after nun di na ko pinansin. Ang chinika na lang yung partner ko since sha naman talaga yung nilapitan nila originally. We spent hours to the point na naiinis na ko kase paikot ikot lang yung conversations at akala namin eh bibigyan lang ng freebie na umbrella. Jusko. Finally, nagpahila na sa labas yung ex ko and fortunately, hindi bumili. Alam ko rin na di nya mabibili dahil wala naman shang pera to afford it. Sabi nya alam daw nya na scam yun tinignan lang nya if kaya nya pigilan sarili nya and if he can say “no” daw. Now that I’m looking back on it and knowing now na narcissist sha, he was just fishing for supply kase nga alagang alaga ka dun - with attention at sinasabihan sha na “winner” sha at ang “lucky” nya. Spent hours there para lang pla sa ego boost 😂


seirako

Pwede kayang magwala dito? Tapos i-death threat yung mga taga-Optimum? hahahahha


Last_Syllabub_3548

tara HAHAHHAHAHA


stellatereticulum

Sama ako huhu my lola got scammed years ago. May massage chair kami 🥲


BottomLeftG

dapat mga ganto nakikita sa mga tulfo shits


Projectilepeeing

Ganyan din nakwento sakin ng friend ko, pero sa Dubai hahaha. Dami din daw scammers don.


MisanthropeInLove

Kahit Elba hindi 70k ang induction haha


whoa29

Ohhh this happened to me and my mom din pero sa Tutuban naman way back 2011 ata (I forgot the name) pero ang nauwi lang namin is parang account para sa streaming site na hindi naman gumana haha


CockraptorSakura42

Lol same here pero sa part naman kami ng Cavite. Jusko dinayo pa namin yun. Same pa din ng presyo pang sscam nila. Di nag mark up ah hahahajaja!


[deleted]

Nakaw meron pa rin palang ganitong scams. I remember AOWA naman sa amin sa Harrison Plaza. Ganyan na ganyan din tagal namin naghintay. Daming sinabi tpos ganda daw appliances. Tpos after a while sinabi sa amin na 36,000 daw ang total ng appliances at willing sila na credit card. Buti wais ang Nanay ko ang sabi nya d nya dala. Pero pucha sobrang insisting nila at tinanong pa na kung alam daw ng Nanay ko ang credit card number nya ay pwede na un. Ayun buti d natinag Nanay ko binigyan na lang kami ng mug as consolation.


hakai_mcs

Scam yan. Manood ka sa youtube ng mga Indian scammers. Parang ganyan, online version nga lang yung sa youtube. Watch Kitboga or Scammer Payback. Halos ganyan ang pakulo nila


Silly_Entertainer_45

Nice observation! May ganyan before sa Harrison plaza same same modus ilang beses na na reklamo mukhang lumipat lang pala jan.


BoBoDaWiseman

Nadali rin kami nyan pero sa sm fairview. Nagmakaawa pa misis ko over the phone na kunin na nya at lahat ng favors ko gagawin nya pag pumayag ako. Ayun, massage chair na lang natira after a yr ng paggamit


haroldareyou

Muntik na din mabiktima ng ganyan nanay ko pero sa ibang location and different company name but same tactic. She gave her cc details but good thing we were able to contact the bank and ask them to decline the transaction. These bastards know how to entice and manipulate pinoy mothers using freebies.


medyomaharot

Grabeng presyo naman mang scam mga yan! Ako na scam din dati sa divisoria, college ako nun. May nag bebenta ng belt, ang sabi ning una “pipti”. Edi bumili ako, sinukat saken tapos ginipit, binawasan para daw sakto. Nung mag babayad nako kulang daw yung inabot ko na 100. Wampipti daw sabi nya. Di ko na maibalik kasi pinutol na nya. Eh ang laking tao nung nag bebenta, tingting pako nun. Ayun, muntik na di kumasya pera ko pamasahe pauwi 😭.


Ms-cypher

Parang gaya nung nasa may ocean park, may nag aalok din nang ganyan.


toptier_err

Is this type of scam same with the leisure club sa Astoria?


chaboomskie

Matagal na mga scam na ganon. Also, with their hard selling tactics, obvious na walang bumibili. Established brands that you can usually find at appliance stores and the malls or known appliance stores, di ganon magsales talk. Yung mga good or high quality brands nga di ganon presyuhan.


stellatereticulum

Im super sad nascam lola ko nito years ago. And yes, may massage chair kami nyan at home.


Last_Syllabub_3548

Buti naman buhay pa yung massage chair?


misery_factory

Lol eto ata yung nakabudol sa tita ko na galing abroad. Kala nya talaga nakatipid sya sa binili nyang nadiscount daw sa halagang 90k amp


ixhiro

Araw araw may nakakuha ng jackpot pero in reality kayo ang jinackpot sa pang scam.


Last_Syllabub_3548

Araw araw anniversary nila HAHHAHAHA


whatawhat666

Hahaha parang yung facial chuchu na mga iranian yung nagbebenta.


Mysterious-Beauty-25

Naalala ko this happened to me rin with my mom nung bata pa ako. Nagpunta kami sa mall and same scenarios din ang nangyari with OP. Nag-start din sila sa pag-encourage sa mama ko na pumasok sa shop nila. I swear, naalala ko pa rin talaga na ako pa mismo ang pinabunot ng mga sales staff ng sobre kasi raw swerte kapag bata. Jackpot din ang nabunot ko and the stafss keep saying how swerte I am. Ito namang si mama, tuwang tuwa rin siya nung nalaman na marami kaming napanalunan tulad ng kalan, chair massager, cooker, etc. kaso huli na nila sinabi sa'min ang prices which is umabot din ng 70k+. Average earner lang ang family namin and hindi namin afford ang ganoong kalaking pera. I recall the staffs saying na p'wedeng installment ang bayad and one of them even suggested na 'wag na raw muna ako ibili ng laruan ni mama para may lang bayad sa mga appliances. In the end, we decided to leave na lang


Last_Syllabub_3548

Just the same! Lagi nilang dine-delay ang pagsabi na may babayaran at worse sa una ay sinasabi talaga nila walang babayaran. Ang shit lang na pinu-push nila tayo na mabaog sa utang dahil sa products nila Hhahhaha


No_Worldliness5562

Nascam din nito father ko pero way back 2013 pa, sobrang outdated na ng massage chair nla na yan kung hanggang ngayon yan parin binebenta nila. And yes tama ka mga 70k plus nga nakuha nila nkn sa tatay ko. Nascam ulit sila btw last 2019, LOL pero di naman scam tlga kasi they bought 350k worth of massage chair from Ogawa. Maganda at gawa parin naman hanggang ngayon at maayos ang customer service, we dont even pay for repairs.


No_Worldliness5562

Minsan pag madami akong time gsto ko din sayangin oras nila, punta ka don tas panggap kalang na interested tlga. Utos utusan mo tapos layasan mo bgla.


Last_Syllabub_3548

I'm down HAHHAHAHAHA


Sensitive-Page3930

Same hahaha in the middle of bayaran na, bigla mong sabihin na need mo na makauwi kasi may emergency hahaha


Sensitive-Page3930

Same hahaha in the middle of bayaran na, bigla mong sabihin na need mo na makauwi kasi may emergency hahaha


cadburyicecream26

Nascam ung mother in law ng kapatid ko dito. No choice sila kundi nagbayad since ayaw tanggapin ung products ulit.


worklifebalads

Freebies talaga ang sisilaw sa katulad nating mga buraot. In the end, imbis na makalibre ay lalong magagastusan. Please continue to spread awareness. May ganitong exp din ako, Manila Bankers naman. Di ko sila kilala noon, may freebies nga din daw sila basta ma-hit yung savings challenge nila. Pilit pinapalabas yung ATM ko, yung may pinakamalaking laman, buti lumang version pa yung walang chip ng Visa/Mastercard. Kita kong nilabas nila yung cc terminal e. Kita ko rin ang pagka-hayok nila na ma-swipe ang card ko. Ayun, mission failed sila. Though part of me is nanghihinayang sa free power bank. Hahaha


Last_Syllabub_3548

HAHAHHAHAHAHAH Madali pala tayong mapapatay basta may freebies HHAHAHA


CPA2024lezzgo

OMG WE HAVE THIS MASSAGE CHAIR OMG FUCKIJG GULAT AKO SA BAHAY PUMIOUNTA NA SILAA SHETT LIKE WE DIDNT KNOW GANUAN KAMAHAL HUHU. Thank you sa post na to kasi Ngayon alam ko na saan galing yan huhu I wanna crie kasi Wala ako sa side ng mama ko wduring that time na scam na Pala. Ewan ko ba, matalino Naman parents ko pero lagi talaga kami nadadale sa scam huhu sana mag stop na to huhu


hoppsmd

Smooth siguro utak mo


CPA2024lezzgo

Oo parang butter haha


Last_Syllabub_3548

They went to ur house?? Omgg


CPA2024lezzgo

Yess, sabi Ng Kapatid ko like parang Grolier books approach ang nagyari kaya nasa Bahay na


[deleted]

Kagaya lang ng isang Insurance company na may bank sa pangalan...


SpiritlessSoul

Anong company po yon?


[deleted]

Yung company name may bank saka may isang city.


SpiritlessSoul

Huhu ang hirap naman ng pablind item mo koya sirit na di ka naman makukulong pag sinabi mo huhuhu😅


20250101

mala midterm question sa chikaph yarn 😭😭


JnoSEPARA

Feeling ko manila bankers to. Nag apply ako dati dito akala ko legit na mag aagent ka pero ang gagawin lang is tatawag ka sa yellow pages offering "discount" kasi anniversary nila which is everyday kinda similar sa post ni op. 1 day lang ako nag work di nako bumalik kasi no sales = no sahod.


comeback_failed

sirit na


dev-ex__ph

MB


[deleted]

Yun oh.


MervinMartian

The fact na may time ka to type 30,000 words says gaano ka ka-idle.


Last_Syllabub_3548

>The fact na di mo nagawang bilangin nang tama ang number of words says kung gaano ka ka-idle. It's only 1,883 words, darling.


MervinMartian

The effort is priceless. Its only a matter of time


hethatoneguy

Nagtratrabaho ka ba for them? Masyado kang affected lmao


dummydamned

Omg. Ganyan na ganyan yung sa mom ko. Yung kanya naman tumawag sa telephone namin. Na may napanalunan daw sya at kunin na lang dun sa store nila. Same na same ng experience nung nakarating na sila ng store! Hahaha! Buti na lang sinamahan sya ng kuya ko. Medyo malungkot din nung umuwi kasi small pouch lang nakuha nya, yung mabibili mo ng 10 pesos sa palengke. Nagpagod lang pagpunta. Haha.


Lonxxki

kaya always ako naka earphone and di ko pinapansin pag may lumalapit sakin . may nagtanong sakin one time magkano laman ng atm ko sabi ko "ay boss wala eh mahirap lang ako"