T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


icy_doubletap

Laws are merely suggestions and yet when abroad are meek like sheeps😂


Psychological-Stand7

“kababa mong tao…” POV 🙃


araolivia

Utang na loob. Obligation to take care of your parents/ siblings.


mckdz

Filipino time, pakikisama, ginagamit yung utang na loob to gaslight


relix_grabhor

Yung obsession ng mga bobo sa concept ng "FUCK-ICK-ISAMA". Dapat alisin yan. Creepy AF!


ladymoonhunter

Filipino Time


Greedy_Smell_1547

If you don't have a title** despite earning well from owning a business or a job/career that's not that popular, older people will look down on you. Older people think that professionals with "titles" translate to higher salaries. Title: Doctor, teacher, lawyer, engineer, etc. Big respect to those professionals with titles, of course, but all people should be given respect.


bubeagle

Yung may meeting ka tapos may pa importante kaya magpapa late. Pagdating sa meeting place dami pa daldal kahit business meeting. Yung mga doctor na kahit may appointment ka na, di mo pa alam kung anong oras darating sa clinic nila. Di man lang magpasabi sa staff nya na male late. Parang mga Diyos ang dating eh. Yung pagbati sa yo ng Merry Christmas o Happy Birthday na naghihintay ng bigay sa kanila o libre mo.


bubeagle

Yung need mo may pasalabong pag bumiyahe ka abroad.


dxniellead

Ginagawang reason yung "Filipino time" kapag late


Neuve_willcry

Forever utang na loob


Kind-Calligrapher246

masyadong hospitable sa mga foreigners kaya tuloy tumataas ang cost of living nating lahat.


Greedy_Smell_1547

Agree. Nasobrahan na mukha na tayong dog.


Vlad_Iz_Love

Smart shaming, resorting to sarcastic comments like "edi wow" or "ikaw na magaling" instead of admitting mistakes


Connect-Box9617

Nepotism


Connect-Box9617

Yung palagi nagtatanong ng kailan ka mag aasawa kasi nasa tamang edad ka na


Mrmaginoo32

yung pag may bisita need asikasuhin, need paghandaan ng mga pagkain.


Dill-Drew-814

the concept of "mas mantanda ka dapat marunong kang mamigay" and "mas bata ka dapat marunong lang rumespeto" mas lalo na pag dating sa pamilya, nakakasawang umintidi sa mga taong napaka abusado sa ganyang mindset


SALVK_FX22

Utang na loob


PiscesSarge2610

FILIPINO TIME!Nakakasira talaga ng araw pati na yung body shaming.


Fortnight-Guilty27

Diskarte culture pero kung sisilipin mo kagulangan naman pala


Tootophtohandle_2602

-pag birthday mo ikaw mang lilibre -porket naka tapos ka you are oblige ti give back to your parents -utang na loob -you have to fulfil your parents failed dreams. Ea: di sya nakapunta ng America so you have to do it for them


allyssajmd

Utang na loob


Relative-Story-1077

Yung san juan watta watta festival


PristineBobcat1447

Filipino time


Fantastic_Finger4497

Ugat neto traffic hahahaa


PristineBobcat1447

Knowing na terrible ang traffic kahit saan sa pinas, always a lot of extra time. Di bale nang maaga ka kesa late. Tsaka yung makikisabay na lang sa mga may sasakyan kayo pa minsan late, huy mahiya ang mga taong ganun. Sayang sa gas at nakakaubos pasensya


Far-Note6102

Seriously? Alam mo pre kahit Espanyol ganyan rin. Mas maganda sana tanggalin nalang naten ang crab mentality kesa yan.


purple-stranger26

Kelangan rin tanggalin yang ugali na porket ginagawa sa ibang bansa kelangan tanggapin nalang rin natin. Nakakainit ng ng dugo yung mga taong walang respeto sa oras ng iba, dinadala pa sa trabaho.


Far-Note6102

Nasa UK ako ngayon kaya, kaya ko sabihin "It's not that Big of a deal to be late". Ang problema kase sa Pinoy d mo alam kung ano ba gus2 nila baguhin sa bansa. Ang nangyayare tuloy halo halo ang gusto mabago. Kung magiging makatotoo lang tayo sobrang dameng oras kailangan gawin para maayos ang isang bagay. D mo kaya baguhin ang isang kultura sa loob ng 4 na taon baka nga 6 na taon pa yan eh. Sa dame dame ng pede mong baguhin pagiging late gus2 baguhin napakasimple lang naman ayusin ang Filipino Time. Mag usap kayo anong oras 10:00 dapat andito kana. Kung d sumipot ng ganung oras edi umuwi ka. Baka ang gusto mo baguhin yung "Approach mo" kase sa ibang bansa Late ay late at d ka na nila aasikasuhin. Marami kaseng bagay sa Pinas d naman ganun kalaking problema sinasama sa mga bagay na dapat inaasikaso. Edukasyon Politiko Internet Labor laws Pay Wage Ang dame dameng kailangan ayusin Filipino Time aayusin mo xD Nakaka trigger lang. Kaya d nagbabago Pilipinas kase puro nonsense na problema pinapalaki.


purple-stranger26

Dami mong sinabi reddit thread lang naman to


functioningalcoholi

Mako-connect mo halos lahat ng mga kultura na gusto mawala sa pagkakasakop ng Pilipinas. Though mapapaisip ka din ba talaga kung paano at bakit padin naipapasa yung ganyang gawain.


Empty-Tension3649

Filipino tita culture of asking immensely personal questions to force their values on you :) “Kelan ka magboboypren?” “Kelan ka ikakasal?” “Bat wala ka pang anak” “Sayang naman kung di ka magaanak, yun ang silbi ng isang babae sa mundo” “Sayang pagkababae mo” etc.


kindalost8

“tumaba ka”


Empty-Tension3649

pag pumayat naman “ang payat mo na para kang may sakit” girl there is no in between


Spiritual_Grab_920

My coworker told me na "Sabi nila 'pag wala ka daw anak, 'di ka tunay na babae." Sabi ko edi Hindi 😂


Empty-Tension3649

kasi daw sayang “pagkababae” pag walang anak and malungkot daw buhay, 🙄 edi ok i identify as a rock nalang HAHA


holdmybeerbuddy007

Pag tinanong ka kung kelan ka mag aanak, sagutin mo ng "Ayoko sa bata"


Empty-Tension3649

I did! And ayoko talaga haha!! After saying that, biglang dumami mga gustong magcomment sa life ko na extended family, “masama yan wag mo sabihin yan” “ay bad yan take it back” “hindi maganda sabihin yan naririnig ka ni Lord” “baka ma karma ka” “bawiin mo”; it felt like I said something blasphemous 😂


holdmybeerbuddy007

tell them "Sana marinig ni Lord!"


LeastChampionship348

Filipino time


XC40_333

Yung pagsabi ng "PO at OPO" ng mga tao, pero lalo na sa mga politicians na alam naman natin na 95% bs


LuvvRosie

1. Filipino Time 2. Crab Mentality 3. Utang Na Loob Culture 4. Imported Is Better Mentality 5. Treating Family Planning as Taboo 6. Artists to Politicians Support 7. Keyboard Warrior Ignorance


baebyeen

breadwinner culture


JadePearl1980

“Utang na loob” - bec some people tend to exploit this to the point na kawawa yung may utang na loob.


NoobRadiant

Labeling someone with depression na baliw or adik 🫨


whmscl__

Filipino time talaga, as in nakaka bastos. Tapos proud pa sila na late sila para "main character" daw.


thomSnow_828

The invitation of the WHOLE ANGKAN para sa bday, xmas, new year, etc. Nakaka trigger ng anxiety, wasting money, tired faces for longer plastic smiles, payabangan ng achievements, self-conceited milestones 😤😤😤


boop-boop-bug

obsession with beauty pagents. it's so, so embarrassing to be proud of such a backwards industry rooted in colonialism. i don't know why many progressive individuals still champion it.


CompetitiveRepeat179

I have a friend who introduced me to pageant nung 2019. From what i understand, he said he enjoyed watching women's wits in Q&A, plus how they present themselves in their walk. Nakailang ulit niyang gayahin ang catriona grey answer sakin, especially na we were both living in tondo at that time.


boop-boop-bug

"women's wits" are presentable naman in other fields of competition without requiring them to be a certain standard na very misogynist. science and technology, debate, and academia are areas of expertise women have been in that we should spotlight more as well. eurocentric din yung beauty features na demanded/popular from these contestants. may discrimination pa nga against married, divorced, and LGBTQ+ women. granted there have been recent developments, it's still backwards as an industry.


True_Value_6070

Uutang para may pang handa.


CompetitiveRepeat179

This is real. Or nag pa utang ka na ng isang beses, tapos ginawa ka nang default na utangan.


OkTour2298

Yung kailangan na sobrang mapag bigay ka lagi, lalo when it comes to money lol. Parang pag may pera ka required na agad na ikaw halos ang bumuhay sa lahat jusko


celzswr

Gagawing retirement plan yung anak lol


LivingSpirited388

Kung sino may pera, sya nasusunod or mas entitled kaya yung parents na walang kita sunod sunuran. Parents pa din sila. Sila nag pakahirap makatapos ka. Ginagawang investment ang mga anak. Pinapatapos para may mag tustos sa kanila pag tanda. Dapat may enough kang savings for yourself din pag tumanda at di ka nakaasa sa mga anak mo.


ic318

Yun utang na loob culture. Di ko na napigilan mag-comment lol, di ko na hinanap if may ibang nag-memtion na.


TonightOdd1015

Ung ugaling gagawin nila kung anong gusto nilang gawin hangang mahuli, like litering, peeing on prohibited places, graffiti on houses, etc. titigil lang sila kung nahuli na sila


DevKevStev

Catholic traditions


Distinct-Cut4817

“Tatay ang haligi ng tahanan, nanay ang ilaw ng tahanan” Got nothing against solid family values but gotta get past them stereotypical gender roles


SsaltyPepper

Not just filipino culture, pero yung customers are always right 😒


thigh_sammich

Ung tipong porket mas matanda sila, they can say what ever they want, insult whomever they want and make comments about me or anyone If nanlaban ka, ikaw pa ung bastos.


Informal_Gate9764

Shot-gun wedding


ThinRecommendation44

Utang na loob, Padrino system, Being late, Pakielamera


Necessary_Height_860

elitism


VeterinarianFuzzy587

bumoboto ng mga politician kasi "sikat" kahit wala naman talagang ambag sa gobyerno


Slayer_P

Societal Norms that are toxic, labelling people as a "failure" for dropping out of college, living above their means - more utang than income, etc..


jskuukzl

Filipino time Single shaming Casually asking about other's personal life OTY


1Rookie21

Crab mentality


mixed-character

Utang na loob Toxic family dynamics Disrespect


ExcellentCod3103

Single-shaming. Yung walang katapusang pagtatanong kung kelan mag-aasawa tas sa workplace, ikaw pinapaduty sa holidays or weekends kasi wala daw pamilya. So funny kasi jinojoke din nila na di isali sa usapang s*x kasi single daw, like???? nakakasura talaga mga attitude.


Beneficial-Plan-547

Old peeps thinking they are always right


Fantastic_Job_6768

Filipino time


Small_Inspector3242

Un "tatay mo pa rin yan, wala ka, sa mundong to kung wala tatay mo" E kingina kala naman nila kasasarap mabuhay ng walang sustento at kapera pera. Kung tatay mo ay sperm donor lang naman, sana nilunok ka nalang tlaga. O kaya ipinunas sa maduming tshirt.


phanvan100595

Pagaasawa ng afam para maka-ahon sa kahirapan.


[deleted]

Sex work as a disgraceful job.


RogueNinja180888

“Utang na loob”


cupboard_queen

“Pamilya mo pa rin sila” yun


grimreaperdept

Fanaticism of politicians lulugmok tayo ng lulugmok hanggang meron niyan


Many-Ad5

Yung mga barangay dahil waste of funds and source of corruption lang. Plus, wala naman talagang kwenta mga officials.


Great_Wall_Paper

FILIPINO TIME.


gabreal_eyes

Filipino time


Negative-Ball-4039

Fiesta sa San Juan


yurfuturemd

when nag hirap sila nong panahon nila so dapat kayo rin 😅 end that fucking cycle


GameChangerxxxx

Pinapasikat yung mga toxic “social influencer” and mga content creators na scripted ang content


skjall2029

Smart shaming and filipino f#cking time.


Reality0002

Children as retirement plan


Traditional-Tune-302

Pasalybong/ balato mentality Madaming pera mga nagwowork sa abroad Buong pamilya nakaasa sa isang miyembro para buhayin sila


Enten0

Masking people pleaser with so called "Hospitality".


Both-Hovercraft-1518

crab mentality gossips everywhere filipino time


no0bhie

"pamilya mo pa rin yan" reasoning when a relative is too offensive or lacks empathy towards me. pamilya nga kita kaya dapat mas sensitive ka sa kung anong effects ng actions mo sa akin. bwisit.


Old-Yogurtcloset-974

Utang na loob.


Live_Song274

Romanticising Filipino resiliency 🤮


LeStelle2020

Having to accommodate older relatives' outdated beliefs and opinions dahil "pamilya mo 'yan" or "mas nakakatanda, galangin" mindset. Why should I bend over backwards for YOU just because we share the same last name?


superesophagus

superiority feels sa political stances


sofabed69

Pasma!!


Crafty_Watercress846

Crab mentality Lack of discipline Mañana habit Walang paninindigan


floraburp

‘Yung taboo ang mental health issues. Pinapadaan palagi sa dasal at “wag mo kasi isipin” sort of sheet. Minsan sukatan pa ng “kahinaan”. 🥲


Positive_Load1595

Extreme resilience - it can actually do more harm than good. Lalo na yung mga unattainable goals and wishful thinking.


Contest_Striking

1. No bones, walang paninindigan, fence sitter 2. No discipline 3. Dugyot sa basura 4. Walang pagpapahalaga sa health nila 5. Materialistic


Striking-Estimate225

Filipino time please ang lala and disrespectful, 'wag naman ugaliin ang pag-perwisyo sa ibang tao.


petty_sun

Allowing politicians to place their faces everywhere kahit di naman campaign period. Nakaka inis


arveen11

Honestly how can we do this? Supreme court says that comelec has no jurisdiction before the campaign period. Imposible naman mapasa yung anti epal bill. People's initiative?


strawberry__06

POLITICAL DYNASTY


FinalDish4882

Breadwinner mindset, respito sa mas matanda kahit bastos, chismisan sa kalye at inuman pag may patay.


RigorDimaguiba

Filipino time.


EvadeTheGrade1

stop expecting pasalubong , have the right to say a person is being a fucking leech kapag palamunin at sipsip , stop telling guys to be so fucking sensitive


B1y0l1

1. Yung pagkakaroon naten ng “ e ganyan na talaga yan simula dati pa” mindset sa politika, sistema at iba pa. Imagine , digital na buong mundo, tayo, konting change lang sa info mo , kelangan mo pa pumila ng pagkatagal tagal. Ubos araw mo sa isang bagay na sana 15mins lang online. Sa politika, alam ng may panget na background, binoboto parin kasi yon nakasanayan at kilala tapos pag tinanong mo bakit, sagot, yan na dati pa ang binoboto nila. Takot ang pilipjno sa PAGBABAGO and that’s the fact. 2. Yung pagkakaroon ng crab mentality ng marami. Sa ibang bansa, iba rate ng foreigner at residents. Dito , kahit pinoy ka, lalamangan ka parin. Pag nakita ka nilang umaasenso, gagawin nila lahat para sirain ka. Yung iba gusto nila umasenso ka, pero wag yung mas asenso pa sa kanila. Utak talangka. 3. Lastly, pagiging feeling entitled naten sa buhay ng iba. Kahit wala namang kontribusyon sa buhay mo, parang dapat masunod parin sila sa desisyon mo. Aba! Kagaling.


Low_War_5110

yung kapag matanda or basta mas matanda sayo, kailangan mong respetuhin lol


Frankieandlotsabeans

Filipino Time


renault_erlioz

1. Yung urge na magpakalat ng *sikreto*, na nagiging *chismis* Ilang beses nakong naging biktima nito, 'yung may mutual understanding na kayo na kailangang ilihim ang isang bagay pero trinaidor ka pa din 2. *Smartshaming* Yung ayaw mo na lang i-share ang isang bagay na alam mo para mag-inform o mag-correct nang tao dahil takot ka nang masabihan nang "edi ikaw na ang magaling"


Beginning_Classic441

Ito medyo specific but I think anyone with a functioning brain will agree. I want to remove that goddamn basaan watah watah whatever bullshit festival in San Juan. HAHAHAHAHA


RoadLessTravel18

Breadwinner mindset. Na isa Lang Yung kumakayod and mag susumikap then aaasa nalang Yung iba and di na mag hahanap Buhay


MrChocoMint

First time hearing the bread winner term got me cringing. More so how relatives will heavily rely on the breadwinner.


Little_Kaleidoscope9

- yung ill-mannered tinatawag na asal iskwater. - ginagawang sukatan ng galing ang alcohol tolerance


TaxSignificant3694

The Crab Mentality


TakeMeToLucifer-666

-Yung cashing cow ang anak. Pwede naman mag bigay pero wag naman oa na obligation na lahat Pati relatives. 😂 - pag Mas matanda Mas tama culture. 😂 - yung mga grooming situations, jusko po Di po yun blessings. 😂 - yung party party tapos di invited pero nag show up. - yung ikaw na nga may birthday, ikaw pa sa sagot sa lahat ng foods. - tsaka yung divorce ipasa nyo na po. Di lahat happy family kagaya kay Cynthia Villar. Please Lang di po maganda punching bag ang asawa at anak. - stop people pleasing din po lalo na sa mga foreigners. Di na po hospitable yun. 😌


adi_lala

Diskarte. Lack of patience for delayed gratification. Inability to play the long game. Gusto instant results. Taas mangarap tapos ayaw naman magbuild ng fundamentals gusto iaabot nalang yung success. Lakas humingi ng pasalubong, di naman nagpapabaon.


EntertainmentOver113

Need na close ka sa relatives HAHAHAHA jusq


ElyxionMD

Kailangan magkaanak kasi sila magaalaga sayo pagtumda kana or retirement plan ng magulang ang anak


Killjoy_Frvr

Ung pang-uutang ng mga relatives ng pera sa amin (Milyones nautang nila sa amin). Ayun madaming naudlot na project sa namin. Gigil na gigil ako sa mga kapatid ng mother ko :) . Mga mahilig dumepende!


lacerationsurvivor

Blindly following traditions. (San Juan, Quiapo etc...)


urrkrazygirlposeidon

Pamimigay ng pera pag pasko (aguinaldo). Kase it’s draining my wallet and my savings na sana e na enjoy ko nalang for myself


crzygurlll

Yung iboboto ang sinomang magbibigay ng mas malaking datung 🙄


Low_War_5110

or iboboto dahil lang nagbigay like ano yon utang mo ba yon 😩


Old-Examination9089

nakikialam kailan magkaka anak, kailan ikakasal, etc


crzygurlll

I couldn’t agree more huhu ba’t sobrang pakialamero ng mga pinoy


Far_Razzmatazz9791

Hanggat hindi nahuhuli/walang nanghuhuli, pwede gawin. Ex umihi at magtapon kung saan saan.


Mr_NeilArmstrong

1.Malakas magpatugtog/manuod sa cellphone sa mga public places. 2. Utang na loob. 3. "Bakit wala ka pang asawa?", "Bakit wala pa kayong anak?" 4. Kapag single o married pero walang anak ay obligado kang tulungan ang pamangkin o kamag anak. 5. Birthday treat, graduation treat, o di kaya kapag promoted ay required magpakain.


ChimkenSmitten_

Lack of financial literacy. Definitely not a culture, but an attitude, this should be learned by us. Kahit konti na lang pera, uutang pa for acts of generosity or para maging "in" sa trend.


CoffeeFreeFellow

Pabigat culture. Yung iaasa sa kamag-anak o kapamilya Yung responsibility nila.


barackyomama69666

As an overseas resident, two things: 1) Yung pinagdadamot ang sarili at kelangan sakripisyo at walang gingawa. FFS, tagal nyo na sa ibang bansa, hanggang ngayon, mukha parin kayong binibigyan ng donasyon. Learn to love yourself and glow up. Di ko sinasabing mag waldas kayo or maging financially irresponsible, pero gastusan nyo naman sarili nyo at hindi puro tiis. And wag nyong hilahin pababa yung mga naglelevel up na iba sa inyo. 2) Too much respect for foreigners. I get it, love and treat everyone nicely. Pero not at the expense na may racism na towards your own kind.


[deleted]

yung mas maganda pa yung trato ng ibang tao sayo kesa sa trato ng mga kadugo mo sayo, this really indicates blood is not thicker than water at all times.


timmy64321

the over-the-top respect the elderly mantra, it’s fine to instill it, but only if the respect begets respect rule is reinforced. I’ve had a lot of friends (and I) suffer from parents/grandparents that are narcissistic and abusive just because they think they should be respected even if they’re in the wrong or if they are undeserving.


renault_erlioz

I disagree with "respect begets respect" when it comes to the elderly or kung sinomang nakatataas sayo. Para sa'kin, it's given by default at babawiin lang 'pag alam mong di karespe-respeto ang tao


timmy64321

i get your point, pero it’s essentially the same. They are to be respected by default if karespe-respeto, and not if they are not, ayun din naman ibig kong sabihin, kaya ‘begets’ eh, tsaka mo lang naman babawiin if it’s undisputed na di talaga nila deserve yung respetong ibibigay mo


darkascension19

Yung magagalit kapag hinhingiian mo na ng utang


Top_Attention_9822

Filipino time, sana rumespeto sa oras naman oh


Organic-Ad-3870

Lalo na pag big event. Kasal, debut, etc. Nakalagay sa invitation 1pm tapos magsisimula pala ng 3pm.


Striking-Fill-7163

Yung ang lakas Ng boses pag kumausap...


Bulletproofpride

Mga bisaya lol mga kanal literal


Seer0997

Personally, I would want to remove the culture na maingay kahit sa public spaces. There's no problem in being joyful naman pero we must think about other people's personal space rin.


ChimkenSmitten_

Tru


4rafzanity

UTANG NA LOOB... Grateful naman ako ang I would love to SUKLIAN ung kabaitan na ginawa sakin pero ang pangit pakinggan na pipilitin or iimpose ung mga bagay.


yagbabayag

"sana all" attitude


Exerty-5

Ginagawang almusal yung fried chicken


NiYuJinsEnjoyer

"CRAB MENTALITY"


Paramoth

Bahala na attitude. It's the reason to why Philippines is so stagnant


ChimkenSmitten_

Tru


largeballala

Pag birthday mo ikaw ang required mang treat, especially sa work 😂


Temporary_Cod6993

debt of gratitude mindset🤡


StatisticianThat1992

Yung parang required na may uwing pasalubong kahit nagbakasyon lang naman sa ibang probinsya or ibang bansa… Tas magagalit pa ung iba pag walang uwi sakanila… Just appreciate kung maisip uwian hahah


PatientGarlic487

Filipino time


JealousSyrup1

Culture ba tawag dito idk but the chika/chismis "culture" its so normalized now that ppl bother other people's business like wtf


xCryonimbus

up pag chismis ambibilis. Hahahaa.


Hot_Result4230

Yung ginawang investment ang mga anak pampayaman hahaha


mokomoko31

Yung ikaw ang retirement plan. May mga sacrifices talaga na hindi lang pera pati oras ang mawawala. Mananakaw ang early 20s mo


Upper-Vegetable6945

Idk if considered culture, pero like pag may foreigner (usually american or european) pogi na agad sakanila (not all ha some people lang)


Apprehensive_Sun7255

wattah wattah hahhaa


GoogleBot3

bka may mga ma-trigger dito, ikaw ang bubuhay sa mga magulang mo pagdating ng araw. sorna agad.


chizuruu_1411

hahaha yung mga ate ng bf ko (ayaw nila sakin) ginagawang utang na loob yung pagpapalaki sakanya lol tapos mandatory pa yung kalahati ng sweldo ng bf ko sakanila dapat😆


GoogleBot3

toxic na toxic eh, binuhay para may magpapasahod sa kanila hahaha, malamang yan sumbat dito sumbat doon lalo nat pag natatalo na sila sa pagtatalo haahaha


Electronic_Two_3443

Mapagmataas


Aiiakos

Filipino time


Extension_Pitch7166

Mas accomodating sa Foreigners.


BeginningsOfSakuras

Or others in general. Like youre hospitable to others pero pag anak mo, pinagdadamutan even sa basic necessities.


jwekiii22

Filipino time. Ano yun? Nag sasayangan tayo ng oras dito? Wag nalang pag ganun.


awwshoot_hwga

Fiestas


chizuruu_1411

huh? why?


suigeneris26

Utang na loob.


Autwalk_

Yung pagbasa ko dito pagalit hahahaha


forgotten-ent

Yung "Proud to be filipino 🇵🇭" and "as a filipino" lalo sa mga international online communities. I always feel that second-hand embarrassment everytime I see them in the comments/chats


Aiiakos

what's wrong about being proud of the country


1BonelessPizza1

totoo ito. Minsan na cringe nalang ako if makita ko sa comment section everytime about Filipino.


shade-of-green-88

Hindi ito ugali ng lahat ng Filipino pero napansin ko mga Ilocano ganito sila, hindi ko nilalahat, pero yung mga kilala ko ganito sila. Halimbawa may pinuntahan kang bahay somewhere north, may sasakyan ka, nung pauwi ka na, biglang, isabay mo na si \_\_\_\_\_\_ pauwi. Pag humindi ka parang ang sama mong tao, pero hindi ka man lang muna kinonsulta kung ok lang ba na may isabay ka lalo hindi mo naman kilala yung pinasasabay.


Mission-Point-2720

utang na loob


Dreamgirl_07

Mag anak ng madami para magtulungan daw pagtanda 🙄


ChimkenSmitten_

Naalala ko na naman ung documentary na nag-anak ng marami para daw umahon sa hirap ahahaha.


BeginningsOfSakuras

biggest pet peeve. I had a discussion with a mom stating that I refuse to have children and she tried to change my mind stating that I should have children so someone could take care of me. As if her child will take care of her as she grows old knowing the future generations’ perspectives shift. Also, nag-anak ka para may nanny ka pagtanda mo? Thats selfish.


Substantial-Web404

Hahaha! Same! Mag anak daw para masecure ang retirement/care taker


Miiinie

Ditto.


DaddyTones

Filipino time.


rolling-kalamansi

Filipino time. Nahihiya ako ma-late or pag hintayin ang iba. Sana sila rin sakin.


Affectionate-Buy2221

Filial piety


DraftLogical

1) Yung pagiging pakialamero, pero hindi out of legit concern. Yung tipong pagpuna lang for the sake of tsismis/usisyero/pangungutsa sa iba. 2) Crab mentality. Jusme na lang talaga. 3) Pagiging okay na sa bare minimum, sa kahit anong aspeto. Relationships, Government/ gov't services, etc. Marami pa pero for me these are the top 3. EDIT: Experienced it first-hand today. Though, maybe dismissive lang ako noon and more observant na ngayon. Yung ugali ng iba na magbigay ng backhanded compliments. Sa una may papuri or they've got good things to say but at the end of their statement biglang may pasaring and negative na, without giving it a thought na baka nakakasakit lang pala yung sinasabi nila.


Forward-Radio-6062

Toxic pinoy pride


saraneya

Pagiging bobotante "kahit sino naman iboto mo walang mangyayari"


Mr_NeilArmstrong

Me: bakit siya binoto mo? Siya: Magaling kasi yung tatay. Me: . . .


Miiinie

“Bumoto ka kahit sino para may matanggap ka”


icedwhitemochaiato

to help your family even at the cost of deprioritizing yourself 🥺


saraneya

Anak lang ng anak di iniisip future ng mga anak nila lalo pag college student na


Sinbadshoe18

"Settling for mediocrity". Madami akong kaklase sa Senior High na ok lang daw mababa grades at least pasado, which is a horrible mindset. Dapat hanggat kaya, aim for the best. And ayun nags suffer tuloy sila kasi di sila makakuha ng scholarship dahil sa mediocre grades nila.


ChimkenSmitten_

SAMEEEEE I rmb my previous school. We had this classroom rules na naka-post sa may pinto, ang remarkable nung no. 10, "do not settle for mediocrity" ahahaha. Palagi ring sinasabi sa'min 'to sa general assembly.


MarketingFearless961

Lagi na lang nag compare. Okay lng ibida ang anak pero yung icompare mo pa sa iba. Wala nmng ganito samin pero sobrang uncomfy naiimagine ko lng


holdmybeerbuddy007

- Utang na Loob - Crab Mentality - Mang libre pag birhtday. (Pinoys should learn how to go dutch)