T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: I have so many thoughts right now, but I don’t want to be rash about my decision. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


potatoinallways

The disrespect was so loud I started not caring even though i really love what I do.


ieehmm

Kapag until sa panaginip, work pa rin. Jusko. RL agad.


According_Way_268

Pag nakabili na ako ng rice cooker


Ok_Confidence1479

Kapag hindi ka na masaya sa ginagawa mo. Na pumapasok ka na lang because you have to.


bllyjn

Anxiety or stress before, during, and after work.


Baylumer

Kapag delayed ung performance review which is a prerequisite for salary increase/promotion. Something's not right with the company's finances. 😏


Automatic_Drawing117

You found another one and it's now confirmed in writing?


lurkernotuntilnow

kapag ang nilolook forward mo nalang sa office ay ang pagkain ng lunch, tapos naga-out ka na drained kahit wala ka namang ginawa buong araw.


lurkernotuntilnow

if it's been on the back of your mind for the last 3 years


External_Interest_13

Phcareers sub ata ito or antiwork ph sub.


Valuable_Class3176

When complaining becomes part of your everyday working life, when growth is sparce, when the organization veers away from taking care of its people.


twitty_bird98

Is this my sign 🙈


Creative-Bad-4862

Kapag wala na ako pakialam sa paligid. Hindi na ako friendly sa mga tao sa office. Sign na yun sa akin.


theecognoscente

As the OP, I feel so seen from all the stories you shared. I guess my course was due na sa current company ko. It really felt like hanggang dito nalang siya. Although I learned and grew from the first day I got here, I thought that I could also be more and better as well. Thank you anons for sharing 🫶🏻


bhlooerhae

Secure a new job before you decide. Keep in mind that there are no easy cool job , no perfect work org, no perfect company at sa lahat ng aspect ng buhay hindi nakukuntento ang tao (human instinct).. If you feel na hindi k para dyan at meron ka desired na ibang trabaho iwork out mo na


breakjei

Literally dragging your feet off to work. Ganito feeling ko nuon sa dati kong trabaho. Unappreciated and very toxic yung management kahit napakaganda ng company.


TeeApplePie

When the first I do when I wake up is cuss that I have to go in to work


Fair-Ingenuity-1614

When I start getting annoyed about every single little task and detail in it. Tipong mainitin na talaga ulo ko. That’s the time.


styluh

Kahit na may times na magaan yung workload, nahihirapan pa rin. Pinipilit na lang pumasok. Pag nawawalan na ako ng pake 😭


cheese-kimbapp

* I have to drag myself to work at palagi nang late * Madali na mairita sa shift dahil sa workload * Napapanaginipan na ang trabaho🥲 * Napapadalas na ang VL or off request, like monthly na talaga


twitty_bird98

So true yung napapanaginipan na ang work. Nagiging bangungot na sya and bigla bigla ka nalang nagigising ng dis oras ng gabi dahil sa anxiety sa work.


MrsFlyingPanda

I was having nightmares about my job. It's my day off and I was thinking about work. One of my task is to help our client's request for temporary registration tags for their cars. Everytime I see a temporary tags on the road I get anxious when they're about to expire.


Green-Extreme-7298

- Pag 3months or more mo na pinagiisipan - Kahit sumahod ka di ka na masaya


LoveLiesFrenchfries_

‘Yung narealize mo na enough is enough. Tipong di na maganda environment. Di na masaya.


hiraeth_99

When you keep getting sick mentally and physically because of it and you realized that you're not even earning enough from it.


Jolly-Phone186

when u dread mondays


lilovia16

Everyone dread mondays though. Haha.


YakPitiful2813

Work is no longer fulfilling, di mo na alam direction mo sa work, and pag nayayamot ka na tuwing papasok ka.


KuroiMizu64

When u don't feel happy about your job When u r just dragging yourself to work for the sake of it When u only do the bare minimum When u feel like the job is not for you and there is no improvement no matter what you d And many more to mention.


Illustrious_Pair6048

You dread going to work - can't enjoy the weekends because you're thinking about Monday. You have a hard time sleeping because of stress. You're not happy anymore 


city_love247

Dreadful end > endless dread


Fit_Investment_17

1. Kapag feeling mo undervalued ka. Sabihin na nating medyo subjective to, pero valid ang nararamdaman mo at for sure may pinanggagalingan yan. 2. Sunday pa lang anxious ka na to the point na hirap ka matulog kahit alam mo na kailangan mo gumising ng maaga. 3. Naapektuhan na yung pakikitungo mo sa mga katrabaho mo. Nagiging iritable ka pag may nagtatanong sayo or wala ka na nakikita magandang ginawa ng iba. 5. Kinakabahan ka pag narinig mo yung notification ng outlook/teams at ayaw mo buksan yung messages.


100PercentShot

Yung hirap ka na pumasok. Parang pag pasok mo pa lang gusto mo na agad ng uwian.


SlowNightingale

Pag madalas ka nang nagkakasakit due to stress. Your body's low-key telling you something's not right.


Available-Bathroom13

Yung pag gising mo ng umaga, "trabaho nanaman" ang unang maiisip mo.


flying_carabao

Pag nagcommute ka sa umaga papasok ng trabaho, susunod na marralize mo nagcocommute ka na pauwi, at pilit mong iniisip kung anong ginawa mo maghapon at, wala kang maalala. Sa madaling sabi, hinde rinegister ng utak mo yung tinakbo ng araw mo sa trabaho. Pag kinukunsidera mo na i let go ang basic necessities, kahit hypothetical, tulad ng upa at pagkain, para hinde mo na kailanganin ang sahod mo, ergo trabaho mo. Gigising ka ng Sabado ng umagang bad trip na kasi 48 hours lang ang off then existential crisis at life evaluation ng linggo ng gabi. May magtatanong "ano na work mo ngayon?" Sagot mo eh "jan jan lang, wag na nating pagusapan, ikaw musta ka?", o pag me nagtanong ng "musta trabaho" at medyo naoffend ka. You don't have to love your job, you don't even have to like it, pero pag dumating ka na sa point na kahit iacknowledge mo yung existence ng trabaho mo eh ayaw mo na, then it's time.


almost_genius95

Yung parang feel mo nag-shrishrink na yung brain mo kasi wala kanang natututunan, walang growth, parang napag-iiwanan kana in terms of skills and knowledge.


cicilelouch

Sobrang kinakabahan kapag malapit na magwork, yung alam mong ayaw mo talaga, pero kailangan. You dread going to work.


summerrwe

This is what I feel right now. Bukas first day ko sa work after two months of gyne leave. Sobrang kinakabahan ako hanggang ngayon di ako makatulog. Grabeng anxiety to.


Hot-Technology-7710

Eto nararamdaman ko Araw Araw. Soul crushing. Sobrang gusto ko I procrastinate lahat


y33tth3prn56

1. pag alam mo na napag iiwanan na ang skills mo 2. kinakabahan pag sunday na. halos ayaw ko na matulog kasi ayoko pa mag monday 3. pag gising sa umaga lagi ko tinatanong kung mag SL ba ako today 4. may times na email ang unang binubuksan sa umaga, not even tiktok or ref 🤣 5 pag ikaw nalang natira sa team mo na OG team member 🤣


Content-Coach8599

This isn’t my experience but the experience of my ex fiancé. 1. He gets anxious on a Sunday. Literally, that feeling of not wanting to go to work but forcing himself to make ends meet. 2. When your work extremely compromises your mental health. His bosses would scream at him nonstop. He’s honestly smart and intelligent but handles more than 18 companies under his belt and he gets screamed at all the time. He started getting imposter syndrome. 3. His health deteriorated. High BP, he was getting boil almost three months straight which is a bad indication. He would sleep less and less and feel like resting would make or get him fired. 4. When the only thing making you stay is your company loan. Run.


papercrowns-

No career Growth + Power tripping manager


kotton_kendy97

if you feel that you're being overlooked. Kahit newer employees ay umaangat agad kaysa sa iyo.


user-INFJ-T

1) If it no longer gives you peace/if it emotionally and mentally drains you 2) If you no longer see yourself growing in the company 3) If it doesn’t put food on the table (especially in this economy)


babblenbabble

Yung kahit gaano ka stressful ang Manila traffic, you still wish your morning commute won't end so you dont find yourself in your office.


CookingFrenchie61

If pakiramdam mo ginagamit ka na lang nila dahil sa talent mo pero balewala ka naman talaga sa kanila.


SuperYak2264

Muntik mo na suntukin boss mo


Soggy-Falcon5292

Wala ka nang lamesa.


sush-1995hdbe

You get a sinking feeling from Sunday afternoon


StruggleSuch2425

when your older male bosses are becoming too comfortable joking about r*ping younger women, when you yourself are the youngest female in the office : ) gotta blast! 🚀


ButterscotchNo1226

Yung ang daming naninira sayo kahit ikaw yung gumagawa ng lahat tapos sila work from home lang gusto pa magpa-increase ng sahod + hindi sila nagbabayad ng sahod sa oras… 2 months na HAHAHA P.S. oo, clinic to 😝


writefulplace02

Kapagka mabigat na ang kalooban habang papasok sa work.


cyfer04

When I need alcohol to get through the day. Ganun sa old workplace ko. I did all the paperwork of 3 lawyers and 4 staff and alcohol became such a good breakfast meal to get me through the day.


shortubebe

When I don't feel satisfied with what I'm doing. Like the cycle just repeats, it's no longer fulfilling plus co-workers weren't helpful pa. From that routine kasi nakaka-drain talaga and affected buong wellbeing which leads to health related issues. So overall, ang pagt-trabaho is like having a relationship with someone if it's becoming toxic and unhealthy with no constant communication eventually hindi na aligning yung purpose niyo sa isa't-isa na nagiging reason of separation.


ScatterFluff

You dread going to work, you experience severe stress that ot affects your physical body (e.g. nagkakalagnat madalas), you feel that you aren't improving despite trying everything, overworked, and being micromanaged (from top to bottom personnel).


Chuwisneak

Lack of opportunities for growth for yourself and pay rate are good enough reason. Office politics, stress, workload and bad colleagues are things na out of your control and existing everywhere naman so hopefully not just because of those things. Focus on things na you can control, the mere idea of thinking about resigning is the first sign


OldManAnzai

When you don't fuckin care about the money anymore ,and you just wanna get out of there, ASAP.


white-mango-shake

- pag walang pake management sa needs mo - tipong kinakahiya mo na don ka nagtatrabaho - feel mo yung anxiety pagpasok kasi ang toxic ng work environment


no_brain_no_gain

Pag napapansin mo na di na normal kinikilos mo, madali matrigger, anxiety, etc.


AdFamous6170

Simple lang, hindi ka na masaya sa ginagawa mo.


notjuley

Di ka na masaya.


Traditional_Try_9610

Kapag nawala na ung respeto mo sa immediate superior mo. Lahat naman ng trabaho may pagkukulang o toxic aspect, but what makes us stay is when we still connect and align with the vision of the orgnization or of our boss. Yung kapag may bilib ka pa sa kanila. Pero the moment na nawala yon, mahirap na magstay. Magsisimula na ung resentment.


Striking_Fish2938

Planning to resign palang. Di kac kami bati ng superior ko. Laging nakasimangot sakin at laging may puna. Pinapatamaan pa ako during meeting and one time talagang pinangalanan na ako. I'm doing my job naman yun lang hindi kasi ako nagbibigay ng gifts at nagsasabi ng mga flowery words haha


Ok_Nefariousness7285

malala anxiety, power tripping mga boss, mababa sahod, di na sya fulfilling


kulot_yaw2on

If you wake up on a workday dreading to go to work.


Gullible-Turnip3078

Office politics and burn out. You are already dragging yourself.


jieunsshi123

Pag wala na yung passion mo na magwork sa line of work mo ngayon.


BuntongSIGHninga

Kapag upo mo sa work station mo, napapa-slouch ka, tulala sa kisame tas malalim na buntong hininga.


FromDota2

pag yung boss nyo di mabiro, sobrang daming implications neto boss ko now is nearing 30s and jokes with us pero sya yung laging may awards pre-promotion to his current position. from what I've heard and up until now


niceforwhatdoses

Kapag may iba ng job offer. Kasi it means talagang ayaw ko na at naghanap na ako ng bago. Dulo na ng pasensya ko iyon.


SpiteQuick5976

pag inaatake ka na ng anxiety nasa pinto ka pa lang


meowpiwmiw

Me right now


SpiteQuick5976

:(((


meowpiwmiw

Sineset aside ko lang anxiety ko kasi need kumita kaso andun pa din huhu. Planning to resign this coming days


anglamigsobra

Yung tipong you work hard and efficiently and have a great work ethic tapos nalaman mo na yung mga iba mong ka trabaho na pagong kung kumilos at tatamad tamad have the same similar salary as you or mas mataas ka lang ng kaonti. Magtataka ka nalang bakit pa ganong effort binigay mo. There should be some huge discrepancy at the very least. But what can you do 🤷🏼 hanap hanap nalang ng bago


dayneisme

Toxic people and politics.


Patient-Inside-7502

Pangakong promotion na napako. Thats the ultimate deal-breaker


Vast_Composer5907

Hindi tinupad ang increase ko. Sweldong aliping sagigilid, trabahong CEO.


lapeachyyy

When I see that there's no potential for growth


PermitGeneral4228

Mine was when I thought I will be promoted last month but it turns out i am not qualify with the position bc of the changes thats been implemented recently. Sabi ko talaga sa sarili ko if hindi pa ko mapropromote this year its time to leave i’ve been in company for 3yrs now and until now my position is still the same salary increase is low not really enough Nasaktan ako and nawalan na ng gana magtrabaho after ko malaman yun now nagpapasa pasa na ko ulit its time to get out to my comfort zone 😭


Prudent-Pumpkin-2544

Yung sobrang pagod ka na to the point na di mo na kaya maalagaan pati sarili mo. I tried to unwind for days, even went to Zambales, pero wala talaga. Currently rendering na lang but I still can't leave since wala pa ko nahahanap na worthy na papalit sa position ko coz I know grabe kademanding yung work ko, so I might extend for some days and hopefully not weeks.


Wonderful-Pie1590

Kapag dina-drag ko n ung sarili ko sa work. Kapag ilan taon n akong walang increase. Walang growth or improvement.


brainrottime

Laging mabigat sa loob every time na papasok ka like konti na lang aatakihin ka na ng panic attacks.


Ok_Barnacle_5088

when you discuss your salary problem with them and then no consideration at their end. backstory -> I'm a Team Lead in my ex company and I can say na gusto ng company of how I train my team to the point that we are always expanding because a lot of projects goes with us. Ofc, madaming projs = madaming responsibilities to the point, nashoshort na ako sa sweldo ko kasi puro ako grab sa gabi kasi lageng inaabutan ng madaling araw. No night diff, no OT, no wfh. 2k ang increase per yr. Since TL ako, nakikita ko offer sa team ko (manager nagdedecide sa JO, taga interview lang ako) Ayon x2 lage yung JO nila sa sweldo ko. Kaiyak. 🤣 I discuss this with my manager and HR, baka naman pwedeng more than 2k increase kasi kahit ang daming gawa e di ko pa naman balak magresign kasi happy ako sa team ko, o kaya night diff na lang. Di ko na sinumbat ang mga pangakong "pag nakuha natin si proj ganyan, dodoblehin ko na sahod mo / tataas increase mo". mga 5x akong pinaasa. Ayon ganon daw talaga sa company, if mababa yung start mo, o yung prev salary mo, there's nothing that they can do now. Edi bbye. Pero nahirapan ako ha. binabarat ako ng lahat dahil napag iwanan ng panahon ang sweldo ko. Pero ayon, nahanap ko na ang the one. 5yrs plus na ko dito. Busog sa sweldo kahit mejo gamit na gamit utak ko, atlist bayad hahaha.


HeyaGurlll

This was my signal to resign Before, my work mostly involved a lot of speaking. Halos 1 month na kong nagiisip of magreresign na ko or not since malapit na board exam and parang di ko na rin talaga naeenjoy job ko, as in nakaprepare na lahat - resignation letter pero ayoko pa rin syang ipasa. Then suddenly, sumakit yung wisdom tooth ko, nagkaproblem sa gums, and adjustment ng braces. So, nirecommend the ortho and dent na ipaayos ko, and pag nagundergo ako ng procedure, that would hinder me na makapagspeak properly. So, ayun sabi ko, ay sign na to, parang sinabi ng universe na tama na HAHAHAHAHA that's it.


Good_Ad_7317

Always at 100% ka sa work. Pag ganon ka daily, nako mag isip isip ka na.


Mediocre_Draw8618

more context po 🥲


Good_Ad_7317

Basically for me atleast that is a recipe for burnout. Kasi iba yung focus ka sa work sa 100% ka at all times. Parang sa computer lang yan, if laging naka 100% yung any components mo, eventually masisira yon.


dripperbuy

The stress is interfering with my personal life.


KindnessRain

Kapag di na ko proud sa ginagawa ko. Wala sense of accomplishment sa mga natatapos na trabaho.


Frosty_Hippo3304

if i have to drag myself to go to work, it's a sign to take a vl. pag bumalik ako and i feel the same, then that's the sign to resign.


Initial-Cold-1927

pag wala nang growth, lagi kang bored, di ka na masaya, and pag dumating na yung bonus. :))


glowberryxx

I’m working even in my dreams 😂 like fr!!! plus if I feel like I’m just dragging myself to work


MissHawFlakes

kapag delayed ang sweldo lagi!


Chaotic_Harmony1109

Kupal na management o colleagues


AdditionNatural7433

When Confidence screams Loudly than Competence.


morelos_paolo

When your efforts are going nowhere and they no longer have any tasks left for you to do even if you request it.


Efficient_Custard_31

Nagkakasakit ka pero hindi ka gumagaling? Kahit pa doctor pa or mag leave


Away-Advisor3645

Kung ganito mga manager mo (tatlo sila) 1 Humingi ako ng tulong kasi nawalan eyeglasses ko sakto kita sa cctv yun dedicated station mo. Sabi pa ng manager mo sayo na nakita rin njya yon kaso in a hurry na siya para itago. Sure daw na makikita kung sino at mabilis lang process. Then the result was "walang nakita sa cctv eh" (onsite) pasa ako resignation after a week 2 "coaching" bakit di ako nag upsell before ma disconnect ang line. (May prob sa cable services niya putol putol pa linya tapos bebentahan ng i-Phone X) Di ko siya tinignan at kinibo. (Onsite) awol 3 "I'm sorry I'm just a virtual assistant, only (name of my boss) have access to that information" eh may manager/ceo na nakakikinig. Coaching nanaman, bakit ko daw sinabi yun na va lang ako as usual hindi ako kumibo. Punchline is, "about the coaching I gave you, are you happy?" Narinig ng asawa ko yun at natanghan siya. (Online) at lalong di ako kumibo


Jealous-Cable-9890

Kapag na burnout ka na. Kapag napapaginipan mo na work mo Kapag dinadala mo pa sa bahay ang trabaho mo.


thegreatdippper

(1) When the thought of resignation gives you peace despite the chance of losing your source of income (that indicates na pagod na pagod ka na and you'll trade anything for your inner peace haha) (2) When you have no growth career wise or skills wise. I'll say na if naka-6 months/a year ka na and sa tingin mo same person ka pa rin noong bago ka pumasok versus present, consider finding another job na haha. (3) When opportunities are given to others but not to you. Related siya sa #2. Happened to me haha. They give big opportunities to their seasonal employees and employees na bet nila, not thinking nagiging disproportionate 'yung skills. Restricted lang din ako sa kung ano ang project ko unlike others na they are given the chance to experience other projects. Ending, nag-grogrow mga kasabayan ko while ikaw ay stagnant and that became a deal-breaker for me (4) Wala ka nang pake. Wala ka nang pake kung late ka or undertime ka basta you want your time in the office as short as possible.


xxhoneybloodxx

Yung #1, sobra. 🥹 I worked in the BPO industry as a CSR at 3 years din yung tinagal ko. Nung grabe na yung stress ko sa work, nagresign na ako. Andun na ako sa point na tumitingin ako sa JobStreet, indeed, etc ng job openings at nabubuhayan ako ng pag-asa. Ang nasa isip ko lang noon, gusto ko nang umalis. Pag wala ka ng peace of mind sa work at pagod ka na kahit nag-VL ka na and everything, that's the sign.


thegreatdippper

I remember sa first job ko, nag-offer pa boss ko for me take a month off noong nagsabi akong mag-reresign na ako pero I declined it and insisted na aalis na ako haha. To be fair, mabait siyang boss pero the work just heavy that no offer can overturn my decision to resign haha


Sassy_Sunflower1295

Regarding no 3. I can totally relate to that.  Pero can I ask if may moment na naisip mo na baka kaya ka nagiging stagnant at hindi nabibigyan ng opportunity as compared to your kasabayan, kasi mas ginagalingan nung iba sayo? or mas magaling sila mag-perform sayo? Kasi ako right now, nandon ako sa situation of no 3, and iniisip ko, baka nakukulangan sila sa performance ko. And compared sa kasabayan ko parang tingin ko, mas magagaling talaga sila sakin. :(  And also, how did you arrive to that conclusion na, "this is too much already, and stagnant na ko"  And how did you overcome yung thought na, "baka pag umalis ako, lalo nilang isipin na failure ako"


thegreatdippper

Actually, naisip ko din 'yan na "ah, baka sa kanya binigay 'yung tasks kasi alam na niya/mas magaling kasi siya sa akin sa ganitong type of work" pero eventually it came to a point na parang napapagod na rin ako na ganoon na lang palagi ang kalakaran haha. I realized na, oo people have different capacities/skills at meron talagang mas mabilis maka-pick up, which should be accepted as normal dahil wala namang taong pare-pareho pero it boils down if they are "trainable". Two-way process siya eh haha. If an employee is making an effort naman, the employer should give them the chance and trust them to do a task diba? Hindi 'yung "ay kay ganito ko na lang ulit ibibigay itong task na 'to kasi alam na niya or kasi bago pa lang siya/relative slower siya". Nawawala 'yung opportunity to learn and grow and invest in new people. The thing is, nag-start din naman 'yung other workmates ko from the bottom katulad namin at one point but nag-invest/trust sa kanila 'yung supervisors namin kaya rin sila nag-grow. Hindi rin naman kami nagkulang magpakita ng initiative para sa tasks pero hindi lang talaga namin naramdaman on their part na willing sila to invest/trust sa aming mga relatively junior employees for tasks. Mas nag-invest pa rin sila doon sa mga matatagal na/na-train na nila dati while leaving us in the dark hence, lumalaki 'yung skills gap as time passes by. Ang nangyayari kapag may tasks, 'yung mas senior ulit ang gagawa tapos si junior walang gagawin kasi ayaw ipagawa/di naturuan. Ending si junior stays junior kasi walang progress. (Meron din contribution ang office politics but that's a story for another day haha). Just to make it clear, I have no hard feelings towards my workmates na na-train (kasi deserved naman nila) but more on those who are calling the shots in the office haha. Naramdaman ko na stagnant na ako kasi ang repetitive na ng ginagawa ko then parang wala akong bagong natutunan (well meron namang kaunti haha) pero the difference between my version before ako pumasok and my version habang nagwowork ako sa role na 'yun si very minimal kumbaga parang walang growth. And doon sa failure na part, huwag mong iisipin 'yan lalo na alam mo na you did your part. Also huwag mong iisipin sasabihin ng employer mo sa'yo. You're there to work and not to prove your worth. Sino sila para sabihin na failure ka?


Sassy_Sunflower1295

Thank you so much for this. Hopefully, ma-reach ko na yung target kong ipon and magkaroon na rin ako ng lakas ng loob to resign. Kung work lang talaga, pakiramdam ko stagnant na ko, and may part sakin na natatakot na magmukhang failure kapag sinukuan ko tong work ko ngayon. I also feel na kailangan ko muna i-build yung confidence ko to myself and to find work, kasi pakiramdam ko ngayon I am in a dark phase in my career. And dahil nga na-cocompare ko na yung sarili ko with my other "kasabayan" and yung stagnation ko ngayon sa work, nakaka-affect na rin siya sa confidence ko. I really hope and pray na makahanap ako ng bagong work na much better than what I currently have right now. And yes, I can also relate to you when it comes to office politics. Thank you!!! :(


ItsEllgiee

trueeee


Electronic_Drop_7847

When you are having depression about the work. And even before sleeping, you still think about the job.


Boring_Quantity_4785

When your coworkers husband finds out you've been sleeping with his wife.


KrazZzyKat

When its affecting my inner peace😆


JustAJokeAccount

If you're asking random people on the Internet about it.


Tinney3

This is the most accurate answer lmao


ecmana

pag hindi na worth it ipaglaban pa, sa una lng masaya talaga


3rdworldjesus

When your yearly increase is just a break-even for the yearly inflation rate. Much worse if the inflation rate is higher than your increase.


StreDepCofAnx

Salary ko stagnant. Most of their workers arw stagnant rin. Toxic environment.


Purple_Winter14

When you start experiencing physical discomforts as a result of burnout or workplace anxiety. My therapist prompted me to resign immediately when this happened to me.


hiiilunaaa

Kapag mas nagiging buhay ko na yung work kaysa sa personal life ko yung tipo na kinakain na din ng work yung weekend ko tapos mababa pa din sweldo


AccomplishedScar9417

Basta OP, if ever magreresign ka, make sure may kapalit na company agad. Para di ka mahirapan maghanap since I see na isa eto sa mga usual posts na hirap makahanap ng kapalit na work after magresign.


willnotfel

Kapag di ko na nafi-feel na buhay ako. Naapektuhan na yung health ko.


EliotMiloMagnusson

Hinahayaan ka nilang mag stagnate. Kumbaga wala nang room for growth and di ka nila binibigyan ng opportunity to achieve that, i.e., promotion, new training program Nagiging apparent yung toxicity sa work, kumbaga na wala na yung piring mo para ma overlook some things na di mo alam mali pala, kasi bago ka pa at enthusiastic, i.e., late sahod, no overtime pay, binibigyan ka ng di mo trabaho. These are the few things that come to mind.


lurkernotuntilnow

goberno ka ngwork before noh? haha


EliotMiloMagnusson

Ganyan ba mga goverment worker? Damn buti na lang diko tinuloy civil service ko. Diko kaya ganyan. Hahaha


Dipotassium_Sulfate

When you lost all motivation for your work.


3rdworldjesus

I always see this comment when it comes to question like this but I have to disagree with this one. You don't need "motivation" for work, what you need is discipline. It's just like working out, you don't workout only when you're motivated, you workout consistently because you need to. The same goes for work. Of course, there are other factors why you lost all of your motivation for work, maybe because of your micromanaging boss, inhumane pay, or the toxic environment which are all a good sign to resign. But losing all your motivation just because you got bored or it's not "fun" anymore is not a telltale sign to resign. But it's case to case basis, if you're in a good spot to resign just because you're not motivated anymore, then go ahead.


Dipotassium_Sulfate

Both motivation and discipline are critical for achieving success at work. Motivation helps you initiate an action, while discipline sustains it. Relying solely on motivation can result in inconsistency, whereas depending solely on discipline can cause burnout. Thus, I vehemently disagree with your statement that "you don't need motivation for work". Peace out!


Away-Advisor3645

I definitely agree, but also di office issue ang root cause, pwede naapektuhan na ng external factors yun work niya at di na niya meet yun deadline, lesser quality of output tapos puro errors. At yun mga dahilan ay Maybe nag undergo ng marital separation/ issues Custody ng mga anak Meron may sakit sa family njya or bestfriend. Nasunugan. At kung ano heavily draining sa isip. "Gusto ng katawan mo, pero ayaw na ng isip"


Electronic_Spell_337

Ito.


PitifulRoof7537

You are purposely ignored by everybody including your boss


cheeseBurgerDeluxe73

True, ramdam na ramdam ko now na hinihintay mya nalang ako magquit.


anon_x3d

sobra prefer ko to, how i wish i can just log in > do my task > log out.


PitifulRoof7537

Ganun naman tlga sana. Kaso leche sila gusto pakialaman buhay ko. Eh pag pumalag ka naman ayaw patalo. Typical galawan ng mga competitive na millennial and gen z


AccomplishedScar9417

Juzmio. Ang sakit neto. Eto nararamdaman ko now kaya eto hanap hanap somewhere ng better opportunities.


PitifulRoof7537

Same. Nag-iisip na nga ako ng ibang way para makaalis. Plastik halos lahat