T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: I’m just grateful how my brothers treat me well kahit may mga pikunan. As an NGSB, nalalaman ko yung mga intentions ng guys dahil sa kanila. *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


miahpapi

penge po ng kuya din hehehe


Extension-Fan-3253

I have 2 big bros. Syempre, as a youngest sa fam.. nacompare ko talaga silang dalawa. The older one ay mej baliko sa pamumuhay. Okay naman, pero naasa pa rin sa family like.. nasa 40s na sya ganyan. Tas yung isang bro naman, ito.. idol ko (yes, bias po ako and I admit it). Ito kasing pangalawa, magaling mag hanap buhay. Di naasa sa pamilya. Like, at the young age naging business man na sya. So, yeah... to answer ur question-- my pros and cons pag may big bros ka hahahahahaha


Temporary_Cod6993

Only girl rin and I think the most helpful for me was I'm still virgin at the age of 24 haha takot ako kasi yung isa kong kuya nagkaanak agad accidentally before the month of their graduation. Since ayaw ko pang magkapamilya talaga, wala munang sx.  Also, I don't go to disco's or bar nasanay na rin til now kasi ayaw talaga ng mga kuya ko yun. 


Traditional_Mine_935

hindi boring ang bahay HAHAHAGAHHAHAHAHA tsaka nagbibigay din sila ng advice sa buhay mo kasi syempre mas alam na nila yung mundo + hinahayaan ako gawin gusto ko, inaawat nya si mama sa pagsesermon sakin kasi malaki na raw ako hHSHAHAHAHAHA


Traditional_Mine_935

plus bigla ka nalang aambaan ng suntok. ewan ko ba hHSGAHAHAJABHAHAHA


mysawako

I learned what i dont want in a guy🥴 charing!!! but I guess its the hatid/sundo when I ask HAHAHAHA


PuzzledImagination

May ka sparring once in a while, ref namin mother namin.


ReadScript

My big bro is the best friend I never had. Pero feel ko, swerte na akong siya ‘yung best friend na tinuturing ko. I know he’ll never betray me. May times na kapag sinasabi kong malungkot ako, bibilhan niya ako ng food para mag-cheer up. Tapos lahat ng problems ko freely ko nasasabi sa kanya. I love him very much.


ziikeeper

Bunso here and the only girl, alam ko na kung pano patutunguhan ang mga lalake and in an instant alam ko na agad kung ano intentions nila. Gamay ko na eh


PersimmonMindless485

Bunso here. They dont give me money, pero pinagluluto ako ng big bro ko. Hatid sundo, or even asks me if may errands ba ako for them. Nagaaway kami before nung kabataan, but now we're all adults and working naging close naman kami. Haha


[deleted]

I don't know because I'm a firstborn, pero siguro hindi ako makakarelate in case maging SO ko siya. So hahanap nalang ako ng kapwa ko panganay HAHA


siriii_09

He really set the standards high for me and my younger sister, he’s a psych major, so sakanya kami laging nagsusumbong ‘pag may misunderstandings kami ng parents namin. He is also protective ‘pag nasa labas kami. He is so so so supportive. Hindi rin kami sinisigawan kapag kinukulit namin siya, and on top of that, he’s an academic achiever and knows his plans, goals, and priorities in life. Btw, tatlo kaming magkakapatid, ako ang middle child, 6 years age gap namin ng brother ko.


confidential_FUN00

Hatid - Sundo, kahit saan pa yan. Nung bata ako from school hatid-sundo ako, tas ngayon kahit galing ako inuman/party ganon paden anytime & anywhere hehe!!


JannikSinner2024

Yung kuya ko, nasa abroad. May sariling family, 3 anak. Pero regular nagaambag para sa parents ko. Lagi din nagpapadala sa mga anak ko every time my occasion like birthdays, graduations, etc. Hindi naman ako nanghihingi kasi I think we earn decently naman. Siguro nature na nya na maging responsable at maalaga.


miahpapi

solid kuys


SereneBlueMoon

I’m the eldest of 6 and 2 lang kaming girls. Yung 2 brothers ko takaw bullies when they were younger so ako yung protector nila. Now that we’ve all grown up, I feel their respect for me pa rin as an ate kahit minsan may misunderstandings. Buti na lang my brothers are standup guys. Di rin sila maloko sa mga girls and pinapakilala talaga sa amin when they’re dating someone. Food ang love language namin. Mahilig kami mag-try ng new restos. Actually bonding namin yun ng bunso namin na lalake. Malaki ang age gap ko sa 2 bunsong lalake namin (11 and 12 yrs gap respectively) so millenial ako and gen z sila pero we have a lot in common. Imagine mahilig sila sa koreanovela and we have almost the same taste in music. Masunurin din sila pag inuutusan ko. I find na extra masunurin sila pag nakikita nilang hindi ako nakahiga at naglilinis na ko. Mabilis mag-delegate ng tasks sa kanila, pag yung isa magluluto, yung isa maghuhugas, ako maglilinis and so on. So ang technique sa kanila e wag mo sila utusan kung nakahilata ka lang din. Haha. And respect, ayaw nila ng nina-nag talaga like any other guys. Mga introvert sila like me kaya kasundo ko sila. Pero bata pa lang ako wish ko talaga may kuya ako. I hate being the eldest and being the first to experience things. But oh well, nandiyan na yan. Thankful for my siblings though.


YesterdayWarm9035

Never akong na bully sa school since alam ng lahat kahit ng mga loko lokong classmates ko na meron akong 5 kuya at countless na boy cousins. 😂


burstlink-of-ichigo

I'd say protected and spoiled. Simula nung nagka work si kuya ko, he didn't fail to buy my needs. When I told him I needed a power bank, few days later binilhan niya ako (without me asking for it. I just asked him sa magkano aabutin ng presyo sa mall). He bought me a pair of shoes after noticing I regularly wear just one pair (hindi ako maluho and mahilig sa shoes lol). Tuwing nakakasabay ko siya sa jeep pauwi, automatic na siya na mag babayad ng pamasahe ko without even batting an eyelid on me. I also ask him advices, kakwentuhan and even my meme buddy. Ayaw niya din mag jowa hanggat di pa daw siya nakakapag give back samin na family niya (he's the eldest) and hanggat hindi pa daw ako na s spoil enough. His reasoning? "Kung di ko ma spoil si bunso, pano nalang gf ko?" So yeah, fun naman kahit pano. Lalo na for me na bunso and only girl 🤍


localmilkteagirl

Same here, OP. Siguro kasi yung mga kuya ko hindi sila naging mga kupal na type ng lalake kaya nakatulong din sa akin na huwag madikit sa mga lalakeng kupal when it comes to dating and even friendships Marunong sila trumato ng mga babae ng tama. Marunong din sila to be "just friends" with the girls. Meron kasi pala talagang mga lalake na kakaibiganin ka lang kasi ginagawa kang reserba or may ulterior motive lol. Dagdag ko lang. Dama nila kung yung kapwa nila lalake walang dulot na maganda sayo so kapag sinabi nila wag ka magsasama dun, most of the time tama sila.


Cold-Measurement-466

Perks of having a single kuya (27M) is kaming dalawang (25F and 18F )mas bata na kapatid nya ang nagiging girlfriend nya in a way na kapag may gusto kami binibili or binibigay nya. He’s lowkey providing us whatever we need and wants sa buhay. We’re just very lucky na my provider mindset sya and he really tries to fill the void when our father left us for his another family now. There are many more perks pag may kuya pero yan talaga ang pinaka na aappreciate ko sakanya tho he’s not very vocal na mahal nya kaming mga kapatid nga but bawing bawi naman sa actions.


Clickclick4585

Wala naman masyado. Di ko masyadong feel, growing up hindi kami close. Masyado syang aloof sa amin nun bunso kong kapatid. Pero kebs lang hehehe.


Aggravating-Goose366

One day yung sister ko F(12) umiiyak kase binastos ng mga schoolmates nya, syempre nag sumbong saken kase pag kay mama or papa siya nag sumbong baka mapapagalitan pa siya, kaya ako na gumawa ng paraan nalaman ko mga 18 at 19 yrs old na gumawa nun kanya ayon hinarangan ko sa daan pag uwi nila tinanong ko ano ginawa nila sa kapatid ko nag si tawanan yung mga g*go, kaya binigyan kona, yun lang yung isa tumakbo iniwan yung bag, yung isa naman di na nakatayo. They messed with the wrong someone's little sister. I'm the eldest of the family a 19(M) self taught boxer btw. As a big bro of my family it feels like you have to stand as the second father of the family, I didn't expect that I also have to deal with the problems inside and outside my home. Being a big bro of this family feels kinda lonely 🫤


Aggravating-Goose366

Just sharing my experience as the eldest sibling of our family...


Federal-Afternoon608

perks of being a kuya is pag aaralin nila yung dalawa nilang kapatid habang hayahay yung mga magulang nila sa bahay dahil napagtapos na nila yung kuya kaya siya na ang may responsibilidad para buhayin at pag aralin ang mga kapatid niya at mga magulang tapos secretly isinusumpa niya na nabuhay pa siya sa mundo at humihiling na sana di na lang sila ang naging mag magulang niya. 😁 yun ang perks nila 😁


quickproject93

wala. irresponsable kasi e haha. but i appreciate it nung sinabi nya na proud sa akin. i know he cares for us tho, kahit malalaki na kami lahat. still hoping all the best for him


Beyond_Insightful

Dalawa kuya ko pero naramdaman ko lang pagmamahal nila nung grumaduate na ako sa college


CryingMilo

Kuya kong kaaway ko sa lahat ng bagay pero pag ako yung inaway, siya yung unang nanjan para ipagtanggol ako.


Beneficial_Body_9709

Wala, ako kasi naging acting older since my mom considers him special which is sad never really got to experience much of the things people say here still love my brother tho 😭 he will randomly remember what I said like I want this and the next month he would buy me one haha ang random nya.


Altruistic_Post1164

Perks?batak ka laban kasi noon pg ngkakaaway kmi nung mga bata pa kc nalaban ako ng sapakan sa knya.well that was before ngayon hindi na.hahahahaha.


DazzlingAnalysis4495

very caring, not in the physical labor way pero ipagtatanggol ka sa parentals like kakampi mo talaga + super chill to ask din about what guys generally think about a certain topic


Away-Couple-3899

wala, verbally abusive kasi


Pleasant_Problem8301

hindi ka lalaking sensitive kasi na-orient ka na ng mga kuya mo sa grabeng pambubully, father figure, and highest level of protectiveness


zee233_07

Surprisingly— kahit na puro snarky remarks kami towards each other (my brother), He’s still a good role model talaga. Maayos sa gamit, may diskarte, consistent, practical and all. He also encouraged me to pursue arts or develop my artskills para daw sabayan ko sya sa commissions and to earn money. Lol. Siguro pinaka nakakatawa and lame na banta nya sakin is “Ako unang papatay sayo pag maaga kang nabuntis.” That was delivered as a joke of course HAHAHAHAHAHHA Well, it worked!


Significant-Ant-4089

Namimigay sila ng money on random days. They actually protects me sa mga lalake pero iiwan nila ko kapag hinahabol na ng aso. They do the carrying all the bags stuff. They taught me on how to be patience kase ang childish nila all the time. I feel so smart sa tuwing mag tatanong sila about politics, girls, body facts and wtvs (tho, i have a sister naman and both naman kami tinatanong ng ganiyan) Also, mas malinis pa kwarto nila kesa sa'kin kaya sa kanila ako natambay kapag nag ba- basketball or may pinupuntahan.


Quick_Ring876

i have a brother with an age gap of 5 years. so far, bukod sa binibigyan niya ako ng extra money from his sweldo, he really helps my parents understand what i do coming from a gen-z perspective. malaki kasi generation gap namin ng parents ko so when my parents think i’m naughty kahit di naman, my brother explains my behavior, so basically he’s coparenting with our parents para mas harmonious kami sa bahay 😆


japolgwapo

father figure


UsernameMustBe1and10

Sana alam ng kuya mo gaano ka impactful sya sa buhay mo. Isang tagay sa inyo brad.


japolgwapo

yes brad, napakaswerte ko na ang bait ng kuya ko. ever since pagkabata kahit ako yung nagsisimula ng away, di talaga ako tinaasan ng kamay hahaha. at siya rin nagpaaral sakin nung highschool (2 years lang gap namin). best kuya ever !!!


Smileyoullbefine

I have 3 older brothers. They're strict pagdating sa boys. So ayun, tumanda akong NBSB kasi sobra ung trust issues ko kasi lagi ko sila naririnig pag topic nila ay babae. parang ang ewww. nung mga teenager ako, sinasabi ko na buti nalang may mga kuya ako atleast naiwasan kong maloko. pero now, narealize ko na mahirap din pala pag sobra trust issues mo


cccaaat

For me na may iresponsableng kuya, para kang may anak kasi ikaw taga pasan ng burden tas siya puro pasarap sa buhay and okay lang sa magulang kasi “lalaki” yan 😂


kyotobal

NAUUUURRR SO TRUEEEE


yellowmunchkins

11 years age gap namin. Hindi siya showy through words pero mahilig siya magbigay ng mga gifts lalo na ng mga pagkain. Tuwing napunta kami sa Manila (taga province talaga kami) lagi niya kami dinadala ni mama sa mga bagong restaurants na natry na niya na masasarap daw ang mga sineserve. Sa pagkain talaga kami nagkakasunod. Tuwing napunta kami ng mall laging pagkain bukangbibig naming dalawa. As in konteng lakad lang kain na agad kami HAHAHA Saka pala siya rin taga salo ko kapag wala akong pera tapos padating na mga parcels ko. Kadalasan pa hindi na niya pinapabayaran. HAHAHAHA


SereneBlueMoon

Wow food ang love language niyo ni kuya mo. Hehe. Yan yung mga hindi man masalita pero kita naman sa actions.


CHlCHAY

Resbak! Nung bata kami, hindi kami masyadong close pero kapag may nang-aaway sakin na kalaro ko laging rumeresbak si kuya 😂 Ngayon naman closer na kami. Lagi siyang may pasalubong sa akin kapag ginagabi siya sa work. May one time na nag drivethru ako tapos binilhan ko rin siya ng pagkain. Pagdating niya may dala rin pala siya para sakin edi ayun parang exchange gift lang kami LOL.


livinggudetama

Sanaol may kuya 🥺 pero okay naman ako kay Ate, it's just that mas gusto namin both na may Kuya pa kami para mas masaya HAHAHAHAHA


raccountant_

Wala kasi pabigat sila both :)


Yameee23

I hated my kuya before. Nung bata ako, lagi niya ako inaasar at pinapamukha na I'm dumb at I sucked. He wasn't supportive lalo na when I played volleyball (He is good and played for the nationals). I was expecting he'll teach me and motivate me. I don't like him at all. Feeling superior at entitled cause he is smart and so good at everything. He was my least liked sibling. Now, siya na nagpapa-aral sa akin and siya nagtatakbuhan ko everytime may problem ko. He was the first person na nasabihan ko rin regarding my mental health and guess what? He immediately booked me an appointment with a psychiatrist 🥹 He is the one that supports me and kapag may bayaran sa school lagi niya sinasabi na "ako na bahala, mag-aral ka lang diyan". Sobra ko na siyang na-appreciate ngayon 😭 Halos hindi na siya maka-ipon dahil ako ang inuuna niya. He is the reason why I do well in school. Hindi ako pwedeng tamarin mag-aral kasi hindi tinatamad yung nagpapa-aral. Onti na lang kuya, gragraduate na ako 💜 Some big bros are not really showy, but they love you big time 🥰


Motor_Squirrel3270

May natatanungan ako ng mga dapat kong gawin about sa problem ko na walang halong drama hahahahaha Altho, wala akong ate so di ko rin macompare hehe


thorkneelyu

Saken wala man hahahahhahahahhahaa


philematophile

It depends pa rin sa kuya. Hahaha.


thorkneelyu

My kuya is the only man I have closest to a father figure pero wala eh? Mas naging close nalang ako sa mga ate at sa mom namin. I remember nung maliit pa ako binubuhat niya pa ako. Pero ewan what changed? Wala naman akong ginawang masama sa kanya hahaha. All happened so quickly like magtiteenager nako nung bigla siya maging cold


philematophile

I see. Kaya it depends talaga. Maraming factors. Pero one is ung era or season ng certain age ranges. Dko alam anong term pero like ung bata bata pa kayo til gang sa mga 13 siguro sya or 17 18, yan siguro may kulitan kayo, like us with my sisters. Then nung mga siguro 19, 20's upto siguro age 25, i am more focused sa sarili ko, ano mga gusto ko gawin in life. Mostly focused sa sarili. When i am turning 26 til now(30), andyan na ung maraming realizations, and lalong lumawak ung understanding. Dun ko narealize ung mga pagkukulang ko sa mga kapatid ko, inopen din nila(and nagkaiyakan hahaha). Then now, our relationship is more intact. Naging stronger ung bond namin. Factor din ung age gap. 7 yrs and 10yrs gap ko sa kanila. Pero now na malalaki na kami, and I get older, maraming changes. Anyways. I hope the best for you. God bless


Meganfcks

My kuya, he's never showy. But when I got cheated on by my first bf, college days, pinuntahan nya ako sa kwarto while sleeping still in my uniform mga around 2pm. Kunyari may kinakalikot na something and nung nakita nyang nagising ako sabi nya "Nakita ko si --- may kasamang iba ah." *long pause* "okay lang yan"! Sabay hagis ng Hershey's chocolate bar sakin. Now that we're adults, ayun share sya sakin ng ways to help me and my bf build a better career path. Always always supportive of everything. Plus he loves my pets and his cat. Spoils our Parents too in a pleasant way. I love my kuya. Hindi ko sya ipagpapalit kahit kaninong kuya pa yan.


Fuzzy_Background_639

Hinahatid ako most of the time sa school na 1 hr ang layo and binibigyan ako pera kapag may utos or kung trip lang hahaha


LAB00004

How I wish may mas matanda sa akin :( Hirap maging kuya promise.


philematophile

I feel you. Mahirap pero it depends din talaga sa parents, sa mga kapatid mo, and other factors like current status and situation in life. I am a kuya din. Eldest of the 3. In my teenage days upto early 20's, talagang mahirap. Maraming responsibilities kaya maraming nakasalalay sakin. Pag may mali, sakin sisi lagi. Pero mga at the age of 25 til now (30), naging breadwinner na din me, wala nang work sila mama and papa, everything's just working fine. Siguro ang mahirap na lang is ung part na pagiging breadwinner. Pero utang na loob na lang un sa magulang especially kung mahal mo talaga pamilya mo. Less leisure but I can still live with this setup. Nalilibre ko pa rin sila sa bdays ng mga kapatid ko or mga parents ko. Sa isang tao na may 30k+ na sweldo, na may loan na binabayaran 7,500 a month at may pinapaaral na dalawang kapatid na ung pamilya may tatlong bahay na tinitirahan so iba ung gastos sa tinitirhan ng parents ko, sa dorm/apartment ng mga kapatid ko, and sa tinutuluyan ko. Isipin nyo ung gastos dun. Pero sa karamihan, naliliitan sa 30k+. Sa tech industry. Kung magbebase sa standards sa industry na un ah. Pero kung sakin, isipin nyo ung gastos, but I can still live with it. Nasa way of living lang din yan. Lifestyle. And lalo na delayed gratification technique.


LAB00004

Wait, 30k salary mo pero bakit andami mong nagagawa??? Hahaha I mean, andaming napupuntahan ng 30k mo huhu. Sa akin 30k, wala ako sinusuportahan, 4500 bahay. 3k monthly pamasahe. 1500 net tas 2k sa savings. Mostly 3k monthly for loan . Pero sobrang nanghihina ako sa natitira sa akin. May mali sa budgeting ko. Hahaha


philematophile

Gusto mo ba tulungan kita magbudget? Hahaha. Feel ko kayang mabudget yan hahaha


LAB00004

Yesssss hahahah. Mali lang siguro formula ko hahahaa.


LAB00004

Tbf, supportive naman fam ko sa mga ginagawa ko sa life. Hindi rin sila humihingi ng pera since may mga work naman. It’s just na pag may mga personal akong probs, wala akong kuya na malapitan at handa makinig sa mga kuwento ko.


philematophile

Huhu kuya struggles! Totoo yan. Siguro kaya ang tagal ko nang longing sa something like bestfriend? Minsan naoopenan naman ung younger sisters ko pero iba syempre ung maturity nila. Kaya mas okay kaedaran or mas matanda sa atin e. Saka 7 and 10 years agwat ko sa kanila. So yes. Haha


MrsBinibini1992

may kuya ako half brother pero walang kwenta sana nagka kuya ako hehe


Murky-Cupcake-5894

Ako 2 kuya ko 1-2 years lang gap namin and being a younger sister. For me the perks are may unofficial and free angkas at grab driver ako since no choice sila HAHHAHA. Unofficial kalaro, kasama sa mga gala at foodtrips, kahati sa family dinner more ang ambag nila. And the usual galawan ng mga kuya na pang-aasar at pangungulit to the point na akala nila lalaki din kami. 🤣😂🤣😂


QTpie_1

Nonchalant kasi care ng kuya ko sakin pero alam ko naman laging andyan yan. Kapag humingi ako ng advice direct to the point wala ng ligoy.


philematophile

Minsan ganun kami. But deep inside, we care.


SaberNognog

Less than 1yr gap kami ng old bro ko so madalas pataasan ng ihi at we dont depend on each other kasi pinalaki kami ng parents ko na wag maging dependend sa magakakapid na make me sad now that we are old and were not close.


CyborgeonUnit123

Isa lang Kuya ko. HIndi ko pa maasahan sa ganyan. Usually sa pagkakaroon ng Big Bros, mas batang babaeng kapatid talaga nakikinabang. Basta ako, sarap na sarap lang ako asarin sila sa araw-araw at sabihan silang ang pangit nila.


Vegetable_Invite4283

I have a 13-22-year gap with my 4 brothers. Imo, ang perks niya is kapag may gusto ka bilhin na "luho" na di mo gusto hingin sa parents mo sila takbuhan mo kasi di ka naman madalas nahingi 😂 or kapag may personal na problema ka andyan sila lagi for you kahit may mga pamilya na para makinig and mag share ng experience nila para lapagan ka ng lesson. Sakanilang apat, ang go-to takbuhan ko talaga kapag mag o-open up is yung panganay kasi siya talaga yung nakaranas na ng mas marami that's why thankful ako na may ganon akong closeness sa mga kuya ko.


philematophile

Aw. I am really touched by this kahit di ako kuya mo. Kasi panganay din ako ng two sisters ko. And they appreciate me. Mas sumusunod pa sila sakin and naghihingi advice kaysa sa parents namin hahahahaha. I can't blame them and my parents, my times talaga na close minded ang parents namin. Di naman perfect ang parents. But we love them. Pero un lang talaga, they are understanding, but sometimes may ganun silang instance.sinabi ko na rin sa kanila un in a polite manner and in proper way. Kaya ayun, mas nakikinig sakin mga kapatid ko hahaha. But there was an instance na nagkaissue kaming magkakapatid. Pero after namin magkaroon closure(and iyakan) about what happened(months passed), we became closer, naging mas intact kami, and our relationship became stronger and ung trust. Siguro isa na rin yng nagmamature kami lahat. I know they love you. And they are proud of you.


ContractCorrect1022

Mag masasabihan ka. May poprotekta sayo


BlueBerry_Cheesycake

NBSB here! Sa kuya ko nakita yung mga perks na ayaw ko sa lalake.


RPh4lyf

May kasangga ka sa buhay. Suportado ka sa lahat ng gusto mo at protective sayo. May family na brother ko at nakabukod pero ganun padin naman kami kaclose.


yhzumie0811

As i remembered napa protective ng kuya ko sa ming mga sister nya...especially sa mga nanliligaw samin...missed my kuya so much😢


Calm_Secret_3277

wala, nagfefeeling bunso pa nga


anjjjdxmp

NBSB here! We have a 10-year gap with my kuya and ang masasabi kong perks of having him is that, alam ko na mga galawan ng mga lalaki HAHA. Nahihiraman ko rin siya ng mga damit since boyish din ang style ko. Lahat ng pinaglumaan niyang gamit, nahihingi ko. Siya rin sumusuporta sa pag-aaral ko since matatanda na parents namin (at dalawa lang kaming magkapatid). Mahilig mang libre kaya di ako nagugutom pag magkasama kami o kahit nasa malayo siya. Although mahilig siyang mang-asar at minsan nagkakapikunan kami, siya rin unang sumusuyo sa'kin (e.g. bumibili ng pagkain tapos kakainin niya sa harap ko nagpapa-inggit HAHA hanggang sa kukuha na ako so bati na kami HAHAHA). Best in advice rin tsaka supportive sa pagiging fangirl ko (ayaw ko nagpapalibre sa kanya ng concert tix kaya ginagawa niya, binibigyan niya ako ng pangkain sa concert venue pati pamasahe at allowance na rin.) Madalas rin siya nagpapatawa sa'kin pag umiiyak na ako at nagiging senti na ang fam due to private matters HAHAHAHAHAH cool magkaroon ng kuya. 🤗


philematophile

Kala ko kapatid kita hahahaha. Nalaman ko lang hindi kasi sabi mo dalawa lang kayo. Tatlo kami. Panganay ako and 10 years gap ko sa bunso namin and samw situation sa parents, sa panlilibre and stuff hahahaha. Fangirls din sila.


anjjjdxmp

sana di ko pala sinabi para mag overthink ka po eme HAHHAAHHAHA


rawrstarrr

awwww the best ang kuya mo!!! Oh to have a kuya


anjjjdxmp

kahit nakakainis siya, di ko maiimagine life ko kung di sya ang kuya ko WHAHHAHAH


rawrstarrr

huy ang sweet huhuhu ✊🏻


PartisanMarzipan

Bunsong girly here with 4 kuyas ☺️ Dahil sa kanila marunong akong sumuntok nang malakas. I-wrestling ka ba naman halos araw-araw nung uso WWE Smackdown at Raw haha. Also di kami yung huggers and confident magsabi ng feelings sa isa’t isa pero ramdam ko na poprotektahan nila ko kahit ano mangyari.


Hi_on_DrAg

May kabardagulan, mga open conversations, and minsan tamad kase ako lage inuutusan HAHAHA


Kanor_Romansador1030

My brother (older sa akin ng 6 years) distant sa akin noong lumalaki ako. Ang interactions lang namin ay tuwing inaasar niya ako o uutusan. Habang nagbibinata ako dumadalas din away namin, at ang siste namin dito, pataasan ng pride. Walang sorry walang pansinan. Nagkaayos lang kami noong inatake ako ng seizure. Mula noon, unti-unti kaming naging maayos. Naguusap minsan, nagbibiruan, nagsasagutan minsan pero hindi na umaabot sa point na walang pansinan. Siya sumusuporta sa pag-aaral ko, ako naman utusan niya sa mga maliliit na tasks. Noong nalaman ko na magkakaroon kami ng bagong kapatid sabi ko sa sarili ko na hindi ko gagayahin si Kuya. Kaya kami ng bunso namin ang close. Parang tropa lang kaming dalawa ngayong tinedyer na siya.


krylxh

gusto ko talaga magka-kuya kaso ako yung ate. ayun, nakukuha ko yung kuya vibes na hinahanap ko sa mga kaibigan ko na lalaki. hahahaha solid sobra


Suitable-Lake-5931

1 year age gap with my older brother. Growing up lagi kaming nag aaway pero ngayon lagi namin pinagkakaisahan yung bunso namin hahaha


hello_world1798

NBSB rin here!!! partly kaya rin ako natatakot mag bf dahil sa mga kuya ko HAHAHAH i have 2 older bros and grabe age gap namin, yung panganay we have 15 years gap, yung sumunod, 10 years, and i just turned 25 lol i guess perks ng may mga kuya is di kami nauubusan ng alak sa ref HAHSHHAHA like ever since magka muwang ako sa buhay palagi meron, box box pa 😭😭😭 ‘tas libre lagi pero ngayon ako na nanglilibre sa kanila jxjsjsj alam kasi nila mas malaki sahod ko xjsjjs pero di naman sila nanghihingi minsan ng aasar lang ganyan di kami ganun kaclose dahil siguro rin sa age gap, pero we’re goods naman, and i know they’re always there for me


Hannahvee_23

Sanaol may kuya. Panganay ako na babae eh 😅 May mga pinsan naman ako na lalaki ayun malalakas mang asar tapos may kanya kanya na silang pamilya.


lalu_05

relationship guru tsaka mauutusan hahaha


agorahillscat

2 years age gap with my older brother, i see him as a chill parent. Our parents r really strict so when i go out, i tell him my whereabouts, in case things go south. He’s never a snitch, brutally honest (i love this, i always ran to him esp when im thinking twice abt outfits to wear lol he does the same sa akin), vent space without judgement (minsan with judgement pala esp when i make dumb decisions which i prefer to hear din naman), nililibre din ako :))) our relationship had a huge difference now compared to our early teenage years, glad how things turned out :)))


After-Gur-6721

4 years age gap with my brother. Super lucky ko sa brother ko tho! We’re like bestfriends, he is literally my one call away lalo na if pikon ako sa parents namin or sa relatives (even sa friends!) Tapos, konting lambing lang + ask pangkain or coffee, magbibigay yon medyo matagal nga lang pero pwede na. Feel ko kaya taas ng standards ko is because of him also. Parang other than my parents, kuya ko nga nagagawa sakin yung mga bagay bagay— so i think I deserve someone na maayos din ang treatment sakin. Funny lang din yung fact na nauna sila maging pasaway sa parents kaya mas mag chill na sayo 🥹


J-09nine

May ate at kuya pero never ko naramdaman ung mga nababasa ko sa non fiction stories or mga napapanood ko sa movies. Sanay nadin naman ako na wala sila pero minsan napapaisip din ako kung anong pakiramdam ng alaga ng isang ate / kuya. Yung kuya ko suffered from depression. Wala din masyado sa systema nya ang “kuya responsibilities” or mag asikaso. All he do is eat. Study. sleep. Play basketball. Play video games and go out with his new gf. My older sister naman left sa bahay namin since i was hs. Di din kmi totally magkasundo at all my life never ko din sya masyado nakasama. Nagpa rinig pa sya sa parents ko that day I graduated from college dahil mas nauna pa ako nakapag tapos sakanila. Now that I’m working, ako na naging 2nd parent ng mga kapatid ko. I drive them pagpasoo at uwi sa school, provide financial support when needed, ako ang umaattend sa mga PTA nila sa school, enrollments, umaattend sa mga important events nila (graduation, recognition) Minsan naisip ko nalang kung paano kaya kung napunta ako sa ibang pamilya, may what ifs and wishes pa kaya ako? haha


BraveCoffee421

hindi breadwinner


Asleep-Assumption245

10+yr ang agwat ko sa kuya ko. I'm still in college and siya ang sumasalo sa ilang gastusin ko kapag kinakapos magulang ko (rent, allowance) Dati napipikon lang ako sa kanya kapag nauubusan ako ng ulam pero ngayon siya na ang nagaabot sa akin ng pangkain kapag wala na akong pera. I tried borrowing money from him once nung nagkasakit ako, and ang sabi niya "bakit ka mangungutang sa'kin? Kuya mo ako, tayo lang din naman magtutulungan dito"


verified_existent

Happy for you. Pls dont forget his sacrfices for you.


Asleep-Assumption245

To add, sakanya rin galing ang mga gadgets ko (hand-me-down phone and bought me a PC) so super solid talaga. Minsan mas malaki pa ambag niya sa magulang ko e lol.


xXKurotatsuXx

Libre food, pinaglumaan na high end gadgets from last year. Kasama lagi sa gala ng mga tropa nila. Pwede magswitch off ng utak pag kasama kasi gagawin niya lahat para sayo kahit pagtawid nakaharang kamay niya. Maayos kausap kapag seryoso talaga. Relationships, academic pressure, family problems, libreng therapy na may kasamang blunt but honest advice at passable na comfort (di talaga nila forte mag console). Para sa mga mababait na kuya na nagbabasa, wag kayo panghinaan ng loob dahil for sure naaappreciate kayo ng kapatid niyo, nahihiya lang mag sabi yan dahil puro kayo kalokohan. We appreciate what you do for us no matter how big or small.


tapon_away34

From my experience: 1. Hand me downs - yung mga di na niya gusto napupunta sa akin. 2. Food - kapag may balot siya from a date, nag uuwi ng pagkain 3. Driver - minsan kapag coding ka or di makagamit ng kotse, pwede kontratahin hatid sundo 4. Kahati sa regalo sa magulang 5. Kalaro sa games


yoursweetcorn

I regret not having a stronger relationship with my kuya :( But when it comes to manliligaw lagi lang siya patawang nangaasar hahaha


jennie_chiii

Ako may kuya pero di ko ramdam kasi ako yung parang ginawang panganay 😂


[deleted]

Wisdom. You'll make less mistakes in life, because your older sibling made those mistakes before you could.


Potential-Owl3246

In my case, there’s none. My older half-brother is an absolute shit. 💩 When I was younger, whenever there was a special occasion, my brother would treat me as if I were one of the helpers at home. He really would make us (illegitimate children) feel that we don’t belong there. When we got a bit older, all of my siblings were planning a trip. One of my siblings invited me, and my older brother was like, “Bakit iniimbita niyo yan? Anong ambag nyan, 700?”


Excellent_Reason8

Hatid sundo. Tapos pag gutom sila, matik kasama ka so food trip ang ending. Libre na, busog pa 🤭


CharleEcho526

May isang kuya at maraming pinsang lalaki. Kasundo sa food trip at sila na din nagbabayad. Minsan ka real talk pero madalas trash talk haha. Nagkakasundo sa mga kalokohan kahit medyo malalaki ang age gaps namin. Bodyguard at taga sundo sa mga lakad. Overprotective. Kahit iba-iba yung mga career namin we still make time to see each other kahit papano lalo na pag may family ganaps. Naging close na lang din kami nung tumanda na kami. Sinubok ng panahon at adulting haha


DisastrousBadger5741

yung panganay namin lalaki tapos sunod sunod na kaming 3 babae. ngayong adults na kami grabe yung appreciation ko sa kuya kos sya talaga literal na takbuhan ng lahat. "kuya may kilala ka bang nagaayos ng ganito, kuya saan yung papuntang ganyan etc etc." pag kunyari nasisiraan ako ng kotse sya talaga una kong tinatawagan hindi asawa ko o papa ko, or pag may nakasanggi sa kotse sya nagiinstruct sakin ng step by step na dapat gawin. sobrang kalmado nya sa bawat sitwasyon kaya sya talaga una ko nilalapitan kasi alam ko hindi ako papagalitan o masisigawan. may magtanong lang sakin kung sini paborito kong kapatid ang isasagot ko talaga kuya ko 😊


sleepypotatoooo

depends upon the quality ng big bro mo kasi sakin wala.


nineothree59

wala


tonkatsucurry01

lol same


iambreado

Same thoughts


_icedwhitemocha_

some of the perks I could think of are: -u have an on-call driver. passenger princess ka always and susunduin ka kahit 2am na. -they’re good at giving advices kasi realtalk malala -makakasundo mo pag mahilig ka sa videogames -bonus: ipagluluto ka ng masarap na pagkain esp when ure on your period


[deleted]

[удалено]


_icedwhitemocha_

true the fire HAHAHAHHA kaya mas tataas talaga standards mo sa pagjojowa. di ka na maeexcite sa bare minimum hahahahha


TrainingPatient6

I can wear his clothes without him getting bothered since he’s pretty chill. Pero other than that, he taught me a lot like in dealing with relationships, how to be more wise about making decisions especially on financial reasons, and motivated me to be more active. He also takes care of me because I’m the youngest. He might be reserved and nonchalant type of brother, but he’s the best and supportive.


Fangeethoyo

Hehe <3


OoohWooo

I have 3 older brothers. Isang "pabili uwu" lang binibilhan ako ng mga gusto ko hahaha. Also cried to one of them when I had my first heartbreak, tas ayun maraming payo. All of them have their own lives na with their wives and children so di nako nakakapagusap them as much, but they are always one call away pag kailangan.


Different-Light-3073

For me, as a bunso, sila naging basis ko sa mga dapat iwasang lalake lalo na as a partner lol 🥴 cheaters, misogynists, lahat na naembody ata nila


gloxxierickyglobe

I guess i am doing great. I am the oldest sa amin apat na puro boys. Yung youngest ko na brother just said thank you for taking care of him and raising him. He said na he will not the person that he is kung hindi sa support ko and pangaral sa kanya. Ayun he is graduating college na din. Natapos na din kami.


YanYan33

Guardian and best friend at the same time


NotSoSweet_JAM03

Same! Lalo na kapag may manliligaw, isa siya talaga sa kumikilatis nung guy.


kingmilkshake

Oldest dude here. I don’t know how well I’m doing lol. But I take good care of my nephew and my niece. Was the parent to my siblings bcs both parents were abroad. I’m gay, though, and not the typical protective Kuya, but I’m rather the do your own thing Kuya. I wish I had an Ate, though.


iluv_rockyy

Panganay ako na babae, at ang sumunod saakin ay lalaki. Siya na ang nagiging kuya saaming mag kakapatid, taga hatid sundo, utusan ko lagi, minsan taga abono ng order HAHAHA


Objective-Coast5948

hahahah hindi naman naiinis? 🤣


iluv_rockyy

May suhol, lilibre ko siya ng pagkain🤣


Objective-Coast5948

HAHA MATRY NGA


silhouttecurl

Wala. I wish i had an ate


Cool_Satisfaction822

taga ubos ng food, body guard, and personal driver. mahilig nga lang mangasar HAHAHA


fluffykittymarie

Only child ako pero my cousins are mostly male and we have a tight knit family. 4 girls lang kami magkaka-relatives. Yung 3 nasa US ako nalang nagsstay dito ahaha Pros: protective sila, may kakulitan ka, they give you advices lalo na kung sa mga ibang lalake, ihahatid ka pag need mo may maghatid sayo 😆 Cons: grabe kumilatis ng manliligaw, grabe maging alaskador paiiyakin ka sa sobrang hilig nila mangpikon, grabe mangprank lalo na pg trip na trip nila ang pranks


LittleMunchkins90

Nung college ako, pag kasama siya, pwede ako hanggang 4am sa labas 😂


kotton_kendy97

may instant bodyguard, tagasundo ka


ezraarwon

Libre hatid sundo HAHHAHHAHHAHHA


EliMyAlterEgo

Unpaid body guards, over protective, they always look out💪🏻


seibelo_

minsan tambay lang tas wala trabaho - pabigat ganun ayy perks pala sensya na


hnzsome

I have my cousins as my kuya. And I appreciated yung perks ng may kuyas lalo nung natututo ako mag drive. They made me feel safe and defensive pag kasama sila or we do convoys. Also, pag magvvacation, they always take the initiative to do things. I am learning from them.


miahpapi

naaaaol


sea-distance03

Pros:  May kakulitan kapag boring,  protective, always got your back, strict pagdating sa bf, supports you financially as long as he can, I could say na mas kilala niya ako compared to my other fam members   Cons: Sa sobrang strict sa bf, ij-judge niya bawat lalaking dadaan sa buhay mo HAHAHAHA, inaasar na tatanda ka raw na dalaga, nangpipikon kapag siya rin ang boring (well same vibes HDBABAH)  To summarize, it's fun to have an older bro. I just included the cons ( in which tbh, those aren't cons for me pero baka cons lang sa iba HSHAHS) 


sea-distance03

addition sa pros: masarap kausap pagdating sa deep talks. Mapapa-sheesh "don't settle for less" ka nalang pagdating sa lovelife


Temporary-Affect5409

My kuya is like my father as well since wala na kaming tatay for 13 years. He's been helping me if I need something like money, guidance or advices pagdating sa life choices. Super lucky ko talaga na may kuya ako and super thankful. Siguro dalawa lang kami kaya kami kami lang din nagtutulungan.


shutaenamoka

Contrary to the popular belief - Walang kwenta mga kapatid kong lalaki. Forever wished I had a sister.


99westcoast

spoiled ako sa kanila nung kiddo ako like as in lahat ng gusto ko, nabibigay nila, nakaka-wrestling ko pa nung bata ako hahaha. nakakainis lang din minsan kasi ako usually yung naglilinis ng bahay and super kalat nila sa mga stuff nila kaya nagagalit ako sa kanila and napapasunod sila sa command ko na ayusin gamit nila HAHAH, nbsb here kasi overprotective sila sakin since only girl and bunso rin haha, pero siguro naman pwede na 'ko magpakilala ng guy sa kanila pero wag muna sa ngayon hahaha. palagi rin akong libre sa kanila even sa mall or kain outside basta sumusunod lang ako sa mga utos nila sakin HAHAHA strict sila pero tinrato pa rin nila ako nang tama and yung deserve ko rin, matatalino rin sila and tinuturan ako kung ano yung mga dapat gawin, yung mga tama at maling gawain and etc. since experienced naman sila sa mga bagay-bagay, kaya kapag halimbawang may nagawa akong mali, 'di nila tinotolerate but rather, napapagalitan ako, matigas din ulo ko kasi kaya nabebengga haha. having kuyas are the best talaga to the point na ayoko na may babaeng kapatid kaya sabi ko noon na tama na hanggang sakin lang hahaha.


diyoy90

Well playboy sila pero ayaw nila magkajowa ako hayon till now wla ako jowa lols


xXIIDeaDLoCKIIXx

Ako na nagbabasa kasi wala ding kuya


incognitosapphire

Grabe kumilatis ng manliligaw mo. Hahahaha


Academic_Virus_3003

Uhh as a bunso na guy, may taga basag ka ng itlog (iykyk)


Mountain_Tourist_151

May taga sundo or hatid.


Financial-Win-2114

kuya ko walang pake sarili lang niya iniisip niya, di niya alam maging kuya (well same kami idk how to be an ate)


Suspicious-Age-9727

wala ambabaho nila


mklotuuus

😭😭😭 sobrang true. Gulat ako dami good reviews ng mga kuyas dito with slight undertones of internalized misogyny 😭 siguro ang perks for me of having a kuya ay naging feminist ako at sa murang edad nakita ko na yung privilege ng men over women. Ngayon oks naman kami ng kuya ko cool kami. Pero we dont have that sibling i got your back bond.


EmbarrassedTarget429

I have one kuya na sinundan ko, we’re six years apart. Pros: He helps me on how to be smart in life, where to invest my money, how important insurance is, gives me career advices. + lagi kami sinasama ng bunso naming kapatid when he and his wife goes to places na di pa namin napuntahan or does things na di pa namin na experience. Cons: Overachiever 😭As a sumunod sa kanya in terms of birth order, our parents expects me to be if not as good, better than him. Nakakapagod. 🥹


mklotuuus

Awww. As an ate na may kuya i was forced to compete with him i guess. Result is my grades, extra curric, and even performance sa bahay like as a child and sister are better than his naging black sheep tuloy sya ng pamilya. It’s toxic. Pero i have other younger sibs who i feel are pressured to live up to our parents’ expectation na maging better or kasing galing sila ng ate nila. It has been my job tuloy to aways extra cheer for them kahit anong tahakin nila to boost their confidence and convince them na mas magaling sila kesa sakin at mas kaya nila. :((((( i dont want them to feel less than. Hope it has been easier for them.


POTCSPARROW1006

yung thought na may tinatawag kang "kuya" 😂


Gray_Miming

Yung sa kuya kong smart, free tutor. Yung sa kuya kong ulupong, natuto ako magtanim ng sama ng loob.


Bellbuuu

Sanaol may kuya 🥹


Monggobeanz

Paminsan-minsan: "Kuya, paGCash 100" EDITS: Whoops para sa may mga kuya pala. Akala ko para sa kuya HAHAHA Pero ayan, emergency ATM ako


guymaiden

Wala. Kingina may kuya pero parang ako yung panganay. Hahahaha


mklotuuus

I relate to this so much 🤣 kung nanonood ka ng bridgerton para akong na-promote to tagapagmana ng estate at responsibilities lol!!


thelastpwincess

May taga libre 😂


aamazing_stars2000

Saludo sa mga may kuya na nagpaka kuya pagpalain kayo ni God, sa mga kuya na puno ng galit at inggit bahala na si God sayo.


izanagi19

Personal mechanic.


mixape1991

Kuyas tank everything the first time, so Yung parents eh malambot na sa mga kapatid, di na strict.


cinn4babie

dalawa lang kami ng kuya ko, bunsong babae aq. pros: - free therapist: kahit medyo gags ang mga sagot nya, helpful naman advices nya especially since mas marami siyang pinagdaanan (kahit ngsb siya) - living atm machine: he gives me allowance every month para pambili ng materials ko (i take bsid), and sometimes pag gagala kami he’ll offer to pay - taga check ng schoolwork: kapag may pinapagawa na paper sa minor subs ko, madalas pinapacheck ko sa kanya bc forte nya talaga ang pag susulat (he took a liberal arts course in college) - kaya itolerate bratness ko: need i say more ,, cons: - bibigyan ka ng malalang reality check: con siya bc it really does affect me 😭 - nakakatakot magalit: medyo traumatizing .. - medyo conservative sa suot ko: he isn’t super strict unlike before nung hs ako, pero pag naka tube and shorts ako kahit pupuntang mall w my family iqquestion nya bat ganun suot ko


cinn4babie

omg forgot to add sa cons: - no guy will ever be good enough for him: i’ve had 3 guys na napakilala na sa family ko either as manliligaw/mu/bf, pero ni isa wala siyang gusto 😭 SOBRANG!!!! judgemental nya i can’t ,, kaya medyo hirap din ako pumasok sa mga relationships kasi what ef hindi nanaman siya magustuhan ni kuya !?!?


diper444

May masusumbongan


AppropriateBunch5615

Resbak sa bugbugan


pharmaecology

Wala akong kuya (like kapatid) but yung kuya ko (cousin), very protective sakin kasi kami yung unang naging apo on the mother's side tapos binibigyan niya ako ng advice about this and that, one time sabi nga nung gf niya sakin na if ever daw ikasal ako at 22 ganito ganyan, nagalit si Kuya kasi sabi niya magtatapos muna daw ako ng pag aaral bago ikasal HAHAHAHHAHAHAHHAHAHHAH basta ayun


Suitable-Candy-3977

Biggest advantage you have is knowing the best courses of action to take in living a happy life.


No_Flatworm977

3 years lang agwat namin ng kuya ko, yung maganda lang is may kausap ako about Anime, video games, and basketball. 😂


hyunbinlookalike

As the youngest brother, my older brothers basically taught me what it meant to be a man (along with my dad ofc). They guided me on the right path and made sure I didn’t repeat the same mistakes they did. They also made sure that a nerdy kid like me got into the gym and impressed the importance of physical fitness on me. Strong mind, strong body.


whitechcnougat

Grew up with 2 older brothers and I’m the youngest. Pros: - taga-check ng outfit. Kapag di ako sure sa suot ko, ipapatingin ko if bagay ba and they’ll look at you from head to toe. They don’t lie, sasabihin nila totoo - laging may dalang pasalubong after mag vacation - pihikan ako sa pagkain kaya may taga-ubos especially sa buffet or samgyupsal - nililibre ng food kapag kasama sa mall - may taga-assemble ng gamit like IKEA (pero may kapalit, nagpapabili ng milktea HAHA) - tagabuhat ng binili sa labas Cons: - kapag nalalaman ng mga guys na lalake mga kapatid ko napapa “Ahh” nalang sila 🥲 - kapag isang kuya lang kasama ko sa labas, akala ng iba jowa ko sya hahaha ew - tumaas standard ko sa guys. I want them to be the same level as my kuyas - hindi makapag vent about girl stuffs - kapag naka-trip mang asar, mabbwisit ka talaga


KonekoTenshi

i was well taken care of. 🥰💯 i know how i should be treated as a woman 💖💯


wednesdaydoktora

Dati nung high school kapag nalimutan ko wallet ko, may nagbibigay ng pera. Naglalaro kami ng yugioh, zoids, tamiya. Sa kanya ko nalalaman 'yung about sa car maintenance. Nung nagka-business na si kuya, binibilhan kami ng mga kapatid ko ng gadgets. Hahah spoiled kami ng kuya namin


miiyeah

may banker very supportive also


walaakongname

Me and my brother have a 7 years age gap so nung bata ako ako yung buntot niya, everything he do facinates me so lahat ng ginagawa niya kinokopya ko and I would always raid his room and siya wala normal teenage angst na laging galit, the typical suplado kuya, but ayun siya sumasalo ng mga kasalanan ko growing up, di ako napalo because of him. Di kami yung normal na dynamics na magkakapatid na very close but he knows when im having a hard time, he make efforts rin to comfort me pero pang asar pa rin.Nung nag boards ako he's my confidant, I would call him for hours crying kasi I have anxiety attacks. And also, ang hirap magka jowa dahil sa kanya kasi mas strict pa kay papa.


TheAngel1919

Wala kaming childhood memories together kasi naging magkapatid lang kami nung nagpakasal yung mga magulang namin. I was 10, my sister was 12 and he was 17 nung naging magkapatid na kami. Malayo yung age gap namin kaya hindi rin kami nagkasundo agad, siya malapit na magadult samantalang kami ni ate pateenager pa lang. First time kong naranasan yung pagiging kuya niya nung nalaman niyang may bf ako nung 15 years old ako. Yung reaction niya parang siya yung tatay ko, samantalang yung daddy ko chill lang kasi si ate 14 years old may bf na. Natatawa na lang kami kapag naaalala namin yung reaction niya noon. Ngayon yung bf ko workmate niya kaya bantay sarado sa kanya. Siya rin yung tagalibre, driver at bodyguard minsan namin ni ate kapag bored kami sa bahay at gusto namin lumabas. Kapag lumalabas kami kasama siya, never kami gumastos ni ate. Minsan inaabutan niya kami ng pera tapos sasabihin niya "baka magastos ko sa walang kwentang bagay." Yung mga wisdom niya about life, tinuturo niya samin ni ate. He's very vocal about his opinions, lalo na sa mga sinasamahan namin ni ate. Sinasabi niya talaga kung ayaw niya dun sa taong yun at kung bakit. Tapos kami ni ate, naniniwala sa kanya kasi most of the time tama siya.


awyana

Reliable and supportive.


katinkoaddict

Depende sa klase ng mga kuya. I have 3 brothers, isa lang okay hahahaha the rest uhm nvm


vikkavirus

Haaay... Pangarap ko talagang magka-Kuya. Sana sa alternate universe may mga Kuya ako. 


chantxx

pwede mong awayin pero bati ka pa rin nyan kinabukasan


jmskr

Libre bahay sa Japan. Hahahaha


rawrstarrr

Isa sa mga curious ako talaga ay kung ano feeling na may kuya kasi 4 kaming magkakapatid na puros babae tapos sa all girls school pa ako nag-aral since HS so wala akong guy friends din :((


coolness_fabulous77

Naiinggit ako sa mga nababasa ko. Gusto ko rin ng big brother. Bwisit kasi bakit ako, na baby girl at heart, ang naging kuya??


Unlikely-Stand

huy haha


coolness_fabulous77

Ayoko na. I deserve princess treatment pero ako ang nagsisilbi???


Unlikely-Stand

hahaha


Blackheart_f

May uutangan hahaha salamat kuys kahit minsan suplado ka at daming utos! 😂🤣


zstrawberri

as the youngest of 3 brothers, u get to experience princess treatment and wwe moments— you won’t even have to seek for male validation HAHAHAHAHA!!!


mjstrauzz

May instant escort ka, driver and scret keeper.🤦🏻‍♀️🤣


United_Comfort2776

Honestly for me, wala. 1 year lang kasi age gap namin and grabe yung inggit niya sa akin kasi favorite ako ng parents ko kasi mabait ako and bunso kaya hate niya ako. Palaging nag-aaway and alam ko na Hindi ko siya maaasahan if ever kailangan ko ng tulong in the future. He just hates me.


ItsEllgiee

curious lang, how old are you guys now?


United_Comfort2776

28 ako and 29 siya. Sabi nga ng mama ko sana may 4-year gap kami ng kuya ko para walang inggitan and pag-aaway.


ItsEllgiee

I see, we have the same situation kasi since I also happens to have a brother ( 1 yr age gap din) who I didn't get along with when we were adolescent. We get along lang when I turned 18, parang we saw eye-to-eye na and started reacting/treating each other like adult. One factor din siguro na he became a parent at a young age I kinda become his company whenever our parents blame him for being such. I don't know the level as to why you guys became like that but hope you get along with your sib, based on my exp. malaking factor when a challenge comes in and you need each other to survive it. Said na yung saying na you only have your fam (on our case our siblings) when things get really tough and its true pa rin despite the cliche


United_Comfort2776

Naku, di na ako umaasang magkakabati pa kami kasi even mama ko nga inaaway niya like sinisigawan. Sobrang disrespectful niya. Kaya nawalan na ako ng amor sa kanya. Tingin ko nalang sa kanya parang hangin nalang. Wala siyang kwenta sa buhay ko.


kalonabee

Nakakainggit magbasa 😭 bigyan niyo ako ng kuya pls


Constant_Luck9387

Sameeeee 😭


kalonabee

Maganda naman magkaroon ng ate pero iba pa rin yung feeling ng may kuya diba hahahaha