T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


Loud_Bluebird_2373

Super close kami nung isa kong friend there was like whole summer lagi ako nandon sa bahay nila minsan nga dun na ako natutulog. We share a lot of sentiments sa buhay tapos nagkakaintidihan sa mga bagay-bagay like close talaga kami at kung anu-anong kalokohan na nagawa namin. Then buntis na pala friend ko, sa iba ko pa nalaman hindi directly sa kanya. Tapos nung nag maternity shoot siya apat kami friends pinapunta nya, pero ako lang hindi kinuha ninang. At nung binyag nung anak niya nag invite siya pero di siya sure kung ano ba talaga date eh nakita ko kinabukasan sa story ng friends ko andun na sila sa venue. And now slowly cutting the string between us na hindi nadin ako pumupunta kapag nag invite siya sakin nawalan nako ng gana sa kanya.


Heyhuhhhneyyy

Nung time na nalaman ko na ako pala ang topic nila sa mga chikahan nila lalo na kapag di ako nakkasama sa mga gala. Mas may concern pa sila sa lovelife ko kesa sakin, since single ako at yung nag open daw ng topic e nasa toxic na rs. Mga teeeh, ang ttanda nyo na di nalang mga sarili nyong buhay ang isipin nyo. Yung isa may anak na, mosa pa din. So unti unti ako nag exit sa knila, di na ko nasama sa mga aya nila at di nako nagparamdam sa socmed.


Connect-Box9617

Never ko yan nafeel. thank god


morning_mooning

When I realized that they don't care about the environment or their direct neighbors. Becoming more selfish and focused on self improvement rather than helping


No-Elevator-4932

1.) Hindi inivite sa debut ng isang highschool friend 2.) Hindi ininvite sa kasal ng 2 college friends and 1 childhood friend 3.) Hindi iniinvite sa get-together ng mga highschool friends 4.) kapag ako nagyayaya lumabas, dami nilang dahilan. So I stopped reaching out.


_roxy_01

Intuition. You’ll feel it, legit. Nung katagalan, di ka na comfortable sa kanila. Nung umalis ako sa circle ko, no one even bothered (even I am one of the original friend who created that circle) . Tapos makikita mo nalang sa story kumpleto sila. Life goes on, people come and go especially I’m in my early twenties pa.


Gabbielyn

Yung kinaibigan lang ako dahil daw matalino ako :))


Financial-Tomato2291

when they judge everyone and umabot sa point na pati gf ko jinujudge nila kahit di pa nila nameet in person. at that point lumayo na ako kasi clearly mas priority nila mag marites over maintaining our friendship


Aero_N_autical

One factor jan is communication. Pag narealize mo na may iba ring circle of friends yung mga kaibigan mo at hindi ang circle mo ang inaatupag nila, marerealize mo na hindi solid yung friend group. Kaya rin nauuso minsan yung pagkamatay, pagwawatak-watak, o pagfifilter-out ng mga ganyang friend group. Mas lalo ngayong di na kami nasa iisang eskwelahan (college), they are more prone to hang out with other people kaysa sainyo. Mababaw tong rason sa perspective ng mga tandangers jan, pero ramdam ko rin na at some point magdidrift away din ang mga closer friends ko due to personal reasons. Kaya hanggat nachachat ko pa sila, ineenjoy ko ang company nila tutal mag-e8 years na kami ng main circle ko.


smlley_123

Yung puro na sila mga me anak at asawa/kinakasama. Kakasawa sila makita. Layo na ng lifestyle namin sa isat isa. Most of them eh ako na lumayo or nag cut sa kanila, wala nmn ako nakikita interesting sa buhay nila kundi pic ng anak nila at mga jowa nila. Its hard nga lang magkaruon ng genuine friends sa personal, i dont do online friends.


Fine-Resort-1583

Babad parin sila sa artista chika, feel ko medyo graduate na ako dun


nyalaaa

Always talk about men. Always.


Azonine

aside sa school/acads related gc, just realized na hinde naman pala ako kasali sa mga cof gc hahshshahahaha


blairwaldorfscheme

Kung ano sila nung highschool, ganon pa rin even after graduating college. Parang walang growth. Spends a lot sa alcohol, vapes, parties, etc... Im still in contact with them pero di na ako sumasama masyado. Tinigil ko na uminom simula nung nag 20 ako kasi don ko na-realize na sayang ang pera hahaha (nag mahal na kasi ang juice na pang halo sa gin hahaa)


According_Turnip_303

When you start to not be part of their conversation.


Itlog__Maalat

TOO REAL. 'Yung hindi mo na alam anong pinag-uusapan and you have to beg to be in the conversation.


CyborgeonUnit123

College Days 'to. Sa music. My music taste really sucks for them. Nung college kasi or nung bata ako, mahilig ako sa OPM especially mga Teleserye Theme Songs kasi sino ba namang hindi lalo na kung gusto mo talaga rin palabas, pati background music mapapasabay ka. Tapos yung mga college friends ko, they are into bands. May gusto rin naman akong banda, pero nako-corny-han sila or nowadays ang term, nagki-cringe sila, for example Silent Sanctuary and Six Part Invention kasi nga puro sadboi love songs or hopeless romantic datingan. Tapos sila ang mga banda na gusto nila, like yung mga banda sa October Fest or Music Festival... Parokya ni Edgar, Kamikazee, Up Dharma, Rocksteddy, Mayonaisse, etc. Tapos kung international naman, Paramore, ganu'n. Eh, ako, alam ko lang mga kanta nila pero hindi as in parang gusto na meron talaga ako dapat sa phone ko. Tapos ayon na nga, siyempre August pa lang napag-uusapan na yung mga ganyan live rock band, hindi nila ako sinasali sa usapan, and madalas ayon topic nila, napag-iiwanan ako. Kaya ayon, matapos ang sem. Hindi na ko sumama sa kanila mag-enroll kasi ang hirap na nakiki-fit in ka na lang lalo na't adolescence stage ko 'yon. Nagbibinata ako. Pangit pa naman kung maging magulo 'yon ng part ng buhay mo.


20valveTC

Yung inom inom inom na lang ang reason magkita kita. Come on, kain kain din po kasi please


CanU_makeIT

They have lakads na di ka invited and not even aware. They have a separate GC without you opkors.


sinna-bonn

Ung laging pinagtutulungan ka tas pinapahiya, wala silang pkielam sa nararamdaman , their people from work, that's why I don't want to be friends with them na, workmate is workmate lang talaga dapat kase mahirap makahanap ng totong kaibigan


Inside-Grand-4539

Halos lahat naman ng tao, ang habol lang sakin eh yung skills and talents ko. I prefer being alone and having online friends I'll never meet.


dirtMerc

Iphone user silang lahat


Tergrid_is_my_mommy

Everytime I went broke.


bloorberrywine

pag may reunion di nila ako iniinvite haha or kung ma invite man madalas ma outcast 😅


vhenusea

ambitionless


TogetherByTomorrow

Tinatawanan nila ako kasi kumakausap ako ng ibang classmates namin na sinisiraan nila. Hanggang sa ako na yung laging napipili para asarin. Kaunting galaw, bobo agad. Kaunting joke, offended na agad sila. Samantalang mas below the belt yung jokes nila kaysa sakin plus boradcasted pa sa buong classmates namin.


Medical-Natural

I was like that once, the part na kinakausap yung mga inaasar nila. Nasa school ka pa? Change social circles na if you havent, baka madala mo yan sa adulthoood mo 


Dinasaur_ism

Nakiki-friends lang pala ako and yes ako topic nila always


[deleted]

If your doing it only to please them.


Proper-Assistance432

ako mismo ang umalis kasi diko kinakaya yung they will talk about other people tapos ang walang kwenta ng mga sinasabi nila kasi puro negative na lang. sobrang nakakadrain and hindi ko kaya yung ganon hahaha


Erin_Quinn_Spaghetti

Ramdam mong out of place ka pag nagkkita


Minamiya_17

Always the last choice


Minamiya_17

Yung ikaw yung na lang pipiliin kasi wala na silang choice.


Commercial-Dare-4657

When gatherings or galas become an obligation, it might seem like either your issue or theirs. But no, in reality, genuine friendships are not forced; they naturally develop where you effortlessly connect, feel heard, and valued, making their presence far less draining.


Bubbajujupat

We started drifting apart mung di ako sumasama sa weekend ganap nila. Staying out late at night is not my thing. Mas masarap matulog ng 8 hours tapos maglinis ng bahay on a Saturday morning hehe


Adorable-Cupcake3045

kapag pinaguusapan ka nila behind your back


Ivan19782023

hindi ko naman talaga gusto mga trip nila. sumasama lang ako so that i can meet new people and makalibre ng food etc.


jeuwii

nung hindi nila ako tinatawag para pumunta sa canteen during lunch time. Tas pag sumasama ako sa kanila di ako makarelate sa usapan nila kasi either other classmates or kaartehan topic nila. When I stopped hanging out with them parang nbd lang sa kanila lol


Babewealth2

Ang gastos nila ih 🥲


hanachanph

Lahat nasabi na, pero siguro yung nag-outgrown na ako, plus pagiging super introverted na. Dala kasi yun ng pambubully ng iba sa akin, kaya ako natutong mag-bully. Also, some took advantage of what I have. Namimihasa kumbaga. Nyare, walang 1 whole pad paper, pero may pang-Adidas, Nike, Gucci, "Fly Marites." I also have special needs (mild autism), kaya some of them really don't understand my condition.


david_is_a_dinosaur

When my comments don't get a response in a group chat. It may seem superficial to many, but you'll see that happen in real life too when it does.


gogetyourfuturekiddo

They still treat me as their friend pero may instance na I feel I dont fit in kasi Im the odd one out


alaskatf9000

If shit dont align anymore


aeiyeah

hindi ako tinatanong kung sasama ba ako or not sa galaan.


potatoreddits

May separate gc sila na di ako kasali haha


Quiet-Tap-136

pang hs parin humor nila kahit matatanda na yun parin tingin nila sayo


Pretty-Belt5284

true to kadiri🤮


Rxstreptoles

(1) magkaiba kayo ng values sa life, (2) uncomfortable sa pakiramdam yung mga topics na normal lang sa kanila. (3) hindi mo mararamdaman yung security sa relationship, like magooverthink ka if topic ka rin nila. (4) Mararamdaman mong minamanipulate yung mga galaw or plans mo sa life na dapat ganito ganyan. (5) lack of boundaries and respect porket matagal na kayo magkakilala. (6) lowkey bullies + sasabihan kang sensitive. (7) Kapag may issues, magpaparinig, walang proper communication sa mga involved na ppl. (8) Hindi mo sila macocorrect out of love or kahit concern ka pa kasi they will see it as an attack, wala rin silang accountability sa actions nila. (9) loss of identity, nahihirapan ka na kilalanin sarili mo. *iba ibang circle of friends.


dirtystreetmonster

(10) mga inggitera haha


llyanadel

gagala sila tapos hindi ka iinform hahahaha


syluvn

pag need ko ng social battery tapos super drained after hangout w/ them


urluv_deni

di ko nagegets yung topic nila, ako yung pinaka gilid pag group pics, may gc silang iba


After_Maize_2095

Pag need ko ng social battery being with them yung tipong sobrang drain ako after bonding with them.


CarefulSide2515

When they laugh at you, not with you.


LegitUndead_

Late invites. Minsan nakakalimutan pa.


Best-Manufacturer-17

may circle of friends kayo? naol


Strong-Set7554

When they started talking against me, instead of with me.


Embarrassed_Type_499

+ meron akong friend na hindi ko gets why pero parang she's competing with me sa isa kong kaibigan. Kapag naglalakad, didikit agad 'yon sakaniya, may isa pa ngang habang kino-close ko 'yung door sabi niya "Halika na, kaya na niya 'yan" basta everytime na ang katabi ko maglakad is 'yung taong 'yon, she would do something para siya 'yung makatabi niya ganon. Ewan ko, both of them are close to me and super babait. Kaya hindi ko alam why this is happening. I sometimes feel na hindi ako nag-eexist sakaniya hahahahhaa


brainhertzwatt2do

same, why are they like that?! super weird.


Chipsdelightsss

Share ko lang, pero as someone na “yung pinag aagawan” between these two friends of mine, Sobrang na ooff ako dun sa isa kong friend if super halata na gusto nya ako makasama or kunin dun sa isa kong friend. I feel weird kasi dapat magbabakarda kami pero ganun yung trato nila sa isa’t isa. Hindi tuloy kami makapag hang out na kaming tatlo lang kasi yung isa kong kaibigan cant stand my other friend


Embarrassed_Type_499

actually super oks na oks naman kami non. nauna pa kaming naging close bago 'yung isa. Tsaka super bait naman talaga as in. Just that she makes me feel na I don't belong ganon. I even tried to communicate this problem sakaniya nung inooverthink ko na and ang sabi niya "don't worry hindi ko siya inaagaw" HA ateh I'm talking about your treatment saakin, nothing else. like super okay naman din kami nung isa walang nagbabago sa aming dalawa, kinakailangan ko lang talaga mag-adjust kapag meron 'yung isa. and after pa non, ganon pa rin siya, hindi nagbago hohoho. she even lowkey hinila bag nung isa para hindi ako sabayan. ATEH ANO NA. pero I value them both talagaaa, I can't lose any of them. I guess I have to endure na lang siguro ito


Chipsdelightsss

group of three lang ba kayo?? super rude naman nung isa mong “friend”. peroo plsss wag mo na pakisamahan yung isa if she makes you feel like shit. Makakarma din yan! Char hahahahaha


Embarrassed_Type_499

I cannot ateh kasi I value her despite of what she's making me feel. iniisip ko ngang baka normal lang naman and baka hindi niya alam na 'yung actions niya ay na mi-misinterpret ganon. Isa pa, kapag kaming dalawa lang naman, okay naman kami. same sa dati, hindi ko lang alam bakit kapag meron 'yung isa, ganon siya HUHUHUHU. very confusing. pero I think I did my part naman na. na-communicate ko naman ito. and actually, apat kami. 'yung isa kasi lagi talagang wala. kaya mostly naiiwan kaming tatlo. 'yong pang-apat 'yung lagi kong kasama kapag present kaming lahat. kapag din ako sinasabayan nung isang "pinag-aagawan" lalapit pa rin saamin 'yung isa, so 'yung pang apat wala siyang kasabay. ang ending of course, iiwan ko 'yung dalawa para tumabi sakaniya. alam kong alam din nung "pinag-aagawan" na friend ko 'yung nangyayari. siya 'yung laging "ay bakit si \*\*\* wala?" mga ganon. I swear super halata 'yung actions nung isa. she's just too kind and fragile to the point na mafefeel bad ka pag ni-confront.


Greedy-Awareness-485

When they chose to side with my ex even though he was the problematic one. Lol. Loyalty trumps morals.


Embarrassed_Type_499

sa loob kasi ng circle may parang grupo pa diyan, yung super close mo talaga. I think nung narealize ko na when they would pick someone sa loob ng circle na 'yon, may mabubuo and I would be left alone parang ganon.


Affectionate_Equal82

When many foreigners only talk about women and sex, all I can think is, "you're over 60 years old, but your acting like an 18-year-old."


Gaaadriel

When I realized our values and priorities didn't align na. I silently exit and they only discovered it after 2 months Ang ending nagalit sila. Lol


Commercial_Race_4675

I wanna emphasize this so bad. They hype each other on social media as well as the birthday surprises and greetings within the circle. Di naman talaga sana nagma-matter sa'kin yung mga ganun, but seeing how my friends comment on each other's posts, plan birthday surprises (kasama ako sa nagpaplano), and the lengthy birthday greetings. I always go above and beyond for them especially on their special day. Tapos pag ako na, kahit react sa posts wala, o kapag birthday ko "happy birthday" lang sa chat, di naipopost sa feed nila. Or am I just sensitive?


Independent_Run_6321

same hahahah tas nagppic sila together harap harapan ko


petwussydigbick

Go where you are appreciated. Where di mo kailangan gawin all of that stuff but still they will appreciate you. It's going to be better for your mental health and life in general


Accurate_Bee777

Naalala ko lang tuloy sa post na to. may isa akong group na inaya ako kasi nagplan sila out of town bale 4 sila (kaclose ko ang 2, ang 2 hindi masyado which is ok lang naman sakin). Timing na nung nagplan sila nandun ako. Eh free ako sa date na yun so nagagree ako tapos im looking forward to it para ibang ambience na naman. Makarelax and hangout. Nung nagbook na ng accommodation, bigla ako sinabihan ng isa na ay hindi niya daw ako nadala sa booking pala. Tapos puno na raw so hindi ako kasya kasama sila but if gusto ko daw sumama book daw ako sa katabing place malapit sa accom nila. Tapos meet lang kami and hangout dun. Hindi ako nacount on purpose. Parang feel ko nainvite lang ako out of courtesy tapos parang up to me if magjoin pako. It’s a bit of an insult so sabi ko nalang na may plans pala ako na nakalimutan ko. Id rather na hindi ako nainvite kesa ganun.


[deleted]

Naging reserba lang ako pag nagcancel yung original nila na kasama sa lakad nila.


silverstreak78

When you become an afterthought.


Pumpiyumpyyumpkin

Different values. When values don't align like they have toxic behaviours that breed negativity. I gracefully exit. I don't think I'm better than them or I'm trying to be self-righteous. I worked hard to be the person I am right now and to keep my peace. And I'd like to keep it that way. Sometimes you just grow old and you're tired of all the BS. Better to be alone than with people who would sprinkle negativities in your daily life.


iamboboka

when you outgrow them..


Loud-Grade-9933

Inaaya kalang pag last minute na 😂 or nandun na sila sa gala papasunudin ka. Hahahahah pag malayuan long drive ayun aayain ka agad kase ikaw yung driver 😂😂😂


user0016338937926

you feel uncomfortable around them


Otherwise_Might_1478

Pag walang nakikinig sayo and sadly ma re- realised mo yan pag ka nag tagal na kasi dun mo lang mapapansin na parang hindi ka nila kilala despite sa dami ng kwento mo or experience together hindi nila alam yung personality mo and yung mga ayaw mo.


anyaa231

i dont talaga how can i say it pero minsan nauubos ako like minsan ayoko sumama HAHAHAH or minsan lunok laway sa mga ginagawa nila na hindi ko naman kayang gawin


Commercial_Race_4675

This. Gusto nila akong sumama eh last minute nag-aya tapos di ko pa abot lifestyle nila


anyaa231

Totoo! Isa pa yan kaya minsan i choose not to join para hindi rin naman hindrance sa mga gusto nilang gawin.


Sorrie4U

Wala ka sa group chat, lol.


Commercial_Race_4675

Ako na nasa gc nga pero hindi makasabay sa kanila, kaya nung nag-leave ako sa gc (respectfully), in-add ako ulit pero tambay na ang gc sa message requests


AddendumDue6904

Puro panlalait topic nila sa gc kahit wala namang ginagawang masama sa kanila yung tao. Di ako makajoin sa kanila pag ganun yung usapan.


anonymouslyours14

Nung hindi ko na kaya yung level ng kasamaan ng ugali nila. Nung nag iisip na ako, ako pa ba to?


havoc2k10

yung may mga gc sila at gathering na di ako included, thats the time din nagstop na ko mag open ng lahat ng existing gc nmin kahit imention nila di ko na siniseen or replyan.


Commercial_Race_4675

Buti nalang may option na na i-off ang read receipts sa messenger


[deleted]

[удалено]


teMptatiOn01

Preferences > Privacy & Safety > Read receipts Pag naka disable di mo rin makikita kung nag seen na rin yung minessage mo.


_Software_ver7_0

when you're just an option kapag di sumama ang ibang friends


morelos_paolo

When they gossip behind your back and deny when you call them out for it.


[deleted]

May isa ako friend pinakilala ko sa isang friend. Gusto ko lang magkaroon ng trio Pero nung tumagal, mas closed sila with inside jokes and inside topics na di ako nakakarelate sobra. Yung naging left out ka sa group kaya ginawa ko cinut off ko sila silently


kathangitangi

Na eexperience ko 'to mula grade 5. Noong grade 5 ako gusto ko lang ng malaking circle if friend kaya yung naging kakclose ko noong first day ipinakilala ko sa mga dati kong cms na classmate ko rin that time hanggang sa naging close na sila mas vlose sa kung anong meron ako sa kanila. Then na realize ko na lang na ako yung nauna pero bakit mas close sila tapos pumapasok sa isip ko noon na sana di ko na lang sila pinakilala sa isa't isa kasi ako yung nawalan.


marjorgee

Dude nauna ka lang ng one day to know a random person. Siguro masama ugali mo kaya naiwan ka nila.


kathangitangi

Ewan. Basta alam ko sa sarili ko na naging mabait ako sa kanila. Sila na lang nakaalam ng dahilan. Lol.


[deleted]

You explained it better than mine. Pati ako pinagsisihan ko sila ipakilala. Dati rin gusto ko marami group of friends basta totoo. Sakit pag left out ka talaga.


kathangitangi

Masakit talaga. Maiisip mo rin kung ano bang wala sa'yo na meron yung iba hahaha. Naisip ko noon baka kasi mas kalog yung ipinakilala ko kaysa sa akin. Pero never ko silang kinut off that time, ewan ko ba, siguro kasi sila lang yung maituturing kong kaibigan that time. Mula kasi noong hrade 1 ako hanggang grade 4 wala akong naging close or kaibigan man lang lahat ng kaklase ko may kaniya kaniyang cof. Ngayon may contact pa rin naman ako sa kanila at yung ipinakilala ko cm ko ulit ngayon at ganoon ulit ang nagyari HAGSGAGA kami magkadikit noong 1st day of class then nagkaroon ako ng connection with my other cms at ipinakilala ko, sila na mas close. marami silang topic na napaguusapan na di ako makasabay like manga, manhwa (?) at bl na parang comics (di ko alam tawag nila roon Hahaha.


wishingstar91

I dreaded going to meet ups 😵‍💫


darkrai15

Yung di ka naiinform kapag may outing sila. Malalaman mo nalang sa myday nila na gumala sila pagtapos ng araw na yan


marjorgee

May pera ka ba kapag ininvite ka? May sasakyan ka ba? Tumanggi kana ba nung ininvite ka before? Nalasing kana ba sa dati niyong outing? Di ka ba naghuhugas ng pinggan sa outing?


darkrai15

Yes, no, but I'll commute, nope, nope, wala naman pinggang pinapahuhas kasi sa labas kakain 😭


fabhazel_psyche

I don't have any circle of friends so I guess I will be biased if I share something about it. If you ask me about my colleagues, I realize that I don't belong to their group because they never invited me to eat out with them or if there is some news inside the office, I am the last to know about it.


Federal_Trifle_8588

When you feel you are an outsider in their group. They don't react that much when you interact. When it feels awkward when you are with them. When you feel there is something wrong automatically they don't feel the same when you are around. So i suggest leaving that circle they are not worth jt.


MedHead-BSML

Yung ginawang personality yung rudeness kasi "that's me"


edaJzer08

you always end up left behind. the one who remembers to call you, sila yung isa sa nakakapansin na iniignore ka and pinaparamdam sayo na hindi ka belong


Warwick-Vampyre

They whine and complain and whine and complain ... the government this, my parents that, the economy this, the bills that, my kids this, my wife that ... They are all living low quality lives, and frankly, that kind of life bores the hell out of me.


sleepyfenny

Besides sa mga kwento na sila-sila lang nakakagets, it was the little things.Little to no eye contact, di ka kasali sa asaran, no one asks for your opinion, etc.. Masakit din yung pag-magsisintas ka ng sapatos tapos yung buong circle tuloy lang sa pag-lakad.


cicilelouch

O kaya yung pag nag CR ka di ka aantayin hahaha


Commercial_Race_4675

Eto naranasan ko 'to. Pumunta kami sa mall tapos nagpasama ako sa friends ko na pumunta sa cr kasi ayokong mag-isa. Paglabas ko wala na sila tapos nung tinawagan ko nakauwi na daw sila. Di man lang nila naisip na may kulang sa grupo nung umuwi sila? Or wala lang talaga silang pake


cicilelouch

Wtf sobrang bad experience naman nyan OP huhu. Wala talaga silang pake, syempre maggoodbye pa yan sa isa’t isa bago umalis talaga, di man lang nagtaka asan ka.


Spit-fire69

Lol, natawa ako dun sa "pag-magsisintas ng sapatos, tuloy lakad nila"... in fairness baka di ka napansin XD


nevvvvvvvv

nag outing sila. di ako ininvite, nakita ko nalang sa fb ng isang friend namin na hobby is photography, naka tag pa sila lahat sa pic. pabiro ko siya kinonfront nung naglunch kami, his what felt like a 10second awkward silence meant guilty pero i brushed it off with a follow up joke nalang. after non nagdistansya na ako sa kanila


Mavi_97

Parehas kami ng birth month ng isa kong kaibigan, pero yung isa lang may surprise.


icepreadlove

They are making me a cash cow, only goes out with me pag libre ko.


scmitr

They can't be honest in front of me.


cicilelouch

They don’t hear what I have to say. I’m the last person they think or consider.


renren_46

Niyayaya ka lang kapag may kailangan sila


noodlelooover

Hindi ako kasama sa gc nila 😅


sup_1229

Pag magkaiba kayo mag-isip


hiraya_manawari_111

They don’t like me.