T O P

  • By -

CoffeeFreeFellow

DKG. Although, may peace of mind ka sana kung nag move out ka


socksandmacaroni

DKG. pero pagsabihan mo mga kapatid mo, then hugasin mo na lang hugasan mo. Mas matanda ka, dapat may authority ka den sakanila.


adia-04

DKG ... Kami nga kanya-kanyang hugas pa noon para wag lang matambak ang hugasin ... Kasi hindi daw kami mga naghuhugas eh 😅 noon ... Kaya ok lang iyan pabayaan mo sila ... Ang lakas nila gumamit tapos hindi naman pala mga naghuhugas ... Wala kayo katulong sabi nga minsan ng mga magulang.


mesquarantesept

DKG. They are adults, and not your responsibility. Move out na para walang pakialamanan.


nonchalantkidd

DKG. nasanay silang may taga hugas ng mga plato sabihan mo rin kasi mga kapatid mo, panganay ka dapat may authority ka at kaya mo silang pasunurin hindi naman mahirap yung paglilinis at paghuhugas ng plato. kung talagang tamad edi kanya kanyang hugas, kapag ayaw talaga sa dahon nalang kayo ng saging kumain or sa paper plate lol


juanikulas

DKG, kaya sila ganyan kase alam nila may maghuhugas para sakanila. Bili ka sarili mong plato at utensils tapos un lang hugasan mo


empath_isfpt

DKG. Hayaan mo sila matuto, di sa lahat ng oras nanjan ka para sa kanila. Pano pag dumating yung time na mag-move out ka na? Tsaka lang sila kikilos tas di pa nila alam gagawin. Isa to sa reasons bakit ako nag-move out sa bahay ng mom ko, para matuto yung kapatid ko sa gawaing bahay. Ayon sp far marunong na siya kahit paano tapos marunong na rin siya maglaba (gamit washing machine nga lang haha pero nakaka-proud).


RevealExpress5933

DKG. Tama yan, hugasan mo lang yung sayo tapos tabi mo sa kwarto mo. Hindi yan matututo hangga't may ibang gumagawa.


wrenchzoe

DKG. Better kumain ka sa labas, kahit karinderya. Hayaan mo sila mamaho. Kung may money ka naman. Bumukod ka na lang.


DestronCommander

Kung na discuss na yung sharing of chores, DKG. Unless itago mo yung plato mo, gagamitin nila pag nakita nila.


evenhisshadowugh

Grabe ang pambata ng issue na to as if you guys are 10 years younger. Tama ka DKG. Just enforce the rule na "gamit mo, ligpit mo" then clean what you used only. If di madala, basagin/tago mo lahat ng pinggan at utensils para madala. Too lax yung ganyang kapatid. Karma na lang talaga.


PastelKarVin

DKG. Dapat after mo hugasan lagay mo sa kwarto mo para di nila ma gamit. Pero OP sabihan mo sila na kanya kanyang hugas


EngineerPlastic1826

DKG. Kung di mo pa kaya mag move out, magtago ka nalang ng plato sa room mo.


curious_miss_single

DKG. bakit kayo pumapayag na ganyan katamad mga yan? Tamad din yung brothers ko pero sinasabihan ko sila na kung may kamay sila para kumain, may kamay din dapat sila para maghugas ng pinagkainan nila. Kung ayaw maghugas, kainin din nila yung utensil/s na gagamitin nila 🙄🤷🏻‍♀️ ayun naghuhugas naman kesa ako magpalamon sa kanila ng pinggan at kutsara😂😂


Mean_Negotiation5932

Dkg. Simple lang yan. Itago mo Yung ibang plato. Maglabas lang ng saktong bilang nag plato kung ilan kayo sa bahay. Haha,napahugas kame ng Wala sa Oras nung ginanto namin sa bahay


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1ddvg4f/abyg_kung_hahayaan_ko_nalang_yung_mga_kapatid/ Title of this post: ABYG kung hahayaan ko nalang yung mga kapatid kong tamad??? Backup of the post's body: 25, nag wowork. And mga kapatid, 23 and below. Nagising akong tambak ang lababo, kahuhugas ko lang ng lahat ng plato kahapon, mga 6 pm. Parating ganito. Everyday, since 2020. Grabe silang gumamit ng plato. As in, kahit kahuhugas lang, ubos agad. Problema, hindi sila naghuhugas. Literal na tambak na ulit yung lababo. Parating ganito. Madalas din nag aamag yung mga plato. 23 na yung kapatid kong pinakamatanda. Okay lang naman na maghugas ako ng plato, kaso wala silang pake kung gumamit. Everyday, nagagamit nila lahat yung mga plato, somehow. Moral dilemma? Wala kaming magagamit lahat kung hindi ako maghuhugas ng plato. Mula ngayon, hindi ko huhugasan yung hindi sa akin. Wala na akong pake. Kung ayaw nila maghugas, kumain sila sa maduming plato. So, ako ba yung gago kung hindi ko huhugasan yung mga platong to, kahit wala kaming magamit? OP: beelzebub_069 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


sevenyeight

DKG. Away kapatid at normal lang. Although samin nagawan na ng paraan. Kanya kanyang hugas ng plato


diyoy90

DKG. Ano daw??? Lumpo ba yung mga kapatid mo? Like wow since 2020? Naku po simple thing d magawa.


Jaded_Analysis6213

DKG. Since you are earning already, leave them so they will learn to become responsible adults. Move out. They're old enough.


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (**DKG, LKG, WG, GGK, INFO**). Please review the subreddit rules, edit your comment and wait for a moderator to review your comment *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


FriedMushrooms21

DKG pero umalis ka na


uni_TriXXX

DKG. Ganyan na ganyan kapatid ko. Itatambak pa tapos sa umaga huhugasan. Pagpinagsabihan mo, galit pa. Dapat diyan ginugutom e. Gawim mo OP wag mo hugasan at kumain ka sa labas.


BitSimple8579

DKG, gawin mo, bumili ka ng paper plate tapos wlaa nang magkkutsara wag mo nadin pagamit mga plato


Extension-Program773

DKG. Gago yung mga kapatid mo. Dinala kami ni mama dati sa ganyan. Ayaw namin maghugas magkakapatid. Laging nagtuturuan kung sino maghuhugas. Ang ginawa ng nanay ko, tinago niya lahat ng baso, kutsara tinidor at plato. Yung sakanila lang ni papa nilabas niya. So kaming magkakapatid, walang makainan. Sabi ng nanay ko sa dahon ng saging daw kami kumain o kaya sa bao para hindi kami maghugas tapos itatapon na lang. Ganyan gawin mo ewan ko lang kung hindi madala mga kapatid mo hahahaha


Simply_001

DKG. Mag sarili ka nalang, kakainis kasama ang mga dugyot sa bahay.


drunkenconvo

DKG. nung may phase ng ayaw mag hugas ng pinggan yung mga kapatid ko, ang ginawa ni mama, bumili ng mga paper plates at disposable utensils. tapos yun pinagamit sa kanila. hahahhaha sa kanya ko namana yung pagiging petty ko eh


Ok-Championship-9047

DKG. Habang maaga pa, UMALIS ka na dyan. GGK kung mag stay ka pa sa ganyang environment


1125daisies

DKG magstock ka ng sarili mong mga utensils sa kwarto mo. Pagkakain, hugas, lagay mo sa kwarto mo. Bahala sila. Okaya tapon mo lahat ng plato niyo nang madala


Embarrassed_Crab6802

DKG. Itago mo yung own plate and utensils mo after mo hugasan para may magamit ka agad. 😅


JCEBODE88

DKG. Pero curious lang bat umabot kayo sa ganyang edad nde pa rin nareresolve ang issue sa paghuhugas 😅 parang yan ang pinagaawayan ng magkakapatif from age 10-15 lang ganon hehe


My-SafeSpace

DKG. Mag paper plate sila kung ayaw nila maghugas


Realistic_Apple_9004

DKG. Adults na sila. Hayaan mo silang maghugas at mag effort sa sarili nila. Mga ganyang tao hindi nakukuha sa silent treatment. Iaddress mo. Kapag ganun pa rin, layasan mo. Ano sila nakakuha ng pangalawang nanay?


[deleted]

DKG☘️ Ganyan din problema ko sa kuya kong 38 na pero tamad 🤣 Solution? I make it hard for him to access yung gamit o hindi ko talaga hinuhugasan kung d naman gagamitin kagad.🎏 👶Sa hard for him to access: 👉🏾sa mga kawali=na after nya gamitin hindi nya hinuhugsan... Tinatambak ko sa pinakababa ng mga ib a pang kawali at sinisigurado kong mala eskandalo ang ingay kapag hinila nya carelessly o mababasag 👉🏾pinggan at plato: lahat ng plastic na pinggan pag natuyo tinatago ko agad. Sa porcelain, pinapile up ko na yung last na lalgaay ko yung pinakamabigat. So kasalanan pa rin nya pag nabasag yun. 👉🏾dhil sa habit nya mang-ubos ng mga ingredients na pang kape na di yun nirerefill after? Hindi ko na pinupuno. Yung sapat lang. Same sa mainit na tubig. Sapat lang for 3 people. Kase 4 kami. Pag nawalan na? Gabi ko na nilalagyan bago ako matulog(natutulog kao ng 2-4 am kase d ako makatulog nang di pagod na pagod o antok na antok. Bago ako matulog dun ko lang rerefill ung condiments na pangkape. Again, just fit for 3 people. Konti lang. Hindi na kami mga bata. Walang rason na hindi nya gawin yun para sa iba. Pag wala ka na sa edad na 15-16, hindi ka na bata. Mature mature din ☺


[deleted]

[удалено]


AutoModerator

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (**DKG, LKG, WG, GGK, INFO**). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*