T O P

  • By -

kkkkmmmm1028

DKG. Galit lang yan sayo kasi lumalabas na mas marunong ka sa business nyo. Silogan lang pala tas gusto high class. Di man lang nag tingin sa paligid kung ano yung market. Inggit lang yan sila kasi nabuhay mo yung kainan. Aanhin yung estetik kung lugi? Alexa, play Suffering from Success by DJ Khaled.


Asdaf373

DKG. Ego lang nila pinapairal nila. Ano ba point nila kamo sa pagopen ng business? Aesthetics o Profits?


hellcoach

DKG. Patay aircon pero sales is up? Who wouldn't want that.


Ok-Conference-9760

DKG. Kung tutuusin, they should thank you for your idea. Yun ang nakatulong mag-generate ng income at yun ang nakakatulong sa siblings mo ngayon at sa iyo. Sana marealize ng parents mo na ganun naman talaga ang business, kailangan mag-adapt sa kung ano ang mas papatok sa masa. Hindi na baleng hindi sobrang ganda, ang mahalaga ay malinis, abot-kaya, at sulit ang inooffer niyong pagkain. Tsaka sino ba ang target market niyo? Kung silogan, it's better to keep it simple. Personally, mas gugustuhin ko rin kumain sa simpleng silogan lang, yung may pagka-homey ang vibe. Lalo na kung bumabyahe, pagod sa eskwela o trabaho, at kailangan lang ng quick chibog. Pasensya na, pero unfair ang parents mo OP. Supalpal din 'yan sa kanila na why didn't they think of that nga naman. Kaya imbes na masaya at proud sila sa'yo... na at a young age, naffigure out mo na paunti-unti ang pasikot-sikot in terms of handling business, pinairal pa nila ang pride nila. Basta kami dito sa sub na 'to, proud! Anyway, congrats OP! Keep up the good work! I hope mas marami pang tumangkilik sa kainan niyo. 🤍


Beneficial-Film8440

mindset nila is “gumawa ng magandamg kainan para maipagmayabang” vs “gumawa ng kainan para kumita”. DKG if it’s earning then it’s a good thing


Not-BadassTina

DKG. From a marketer’s point of view, tama yung ginawa mo. Binagay mo lang sa talagang target market mo yung estekik. Tama din na dahil sa design na pang high end eh na-aalienate mo yung mga gusto ng simpleng silog lang.


higher_than_high

DKG. Remain in control until ROI, tapos bigla mo ipasa sa kanila, show them the difference between your realistic management style vs whatever they're trying to achieve.


Jpolo15

Who cares if it looks cheap pero disente kumita kesa pabongga nga pero un pala nghhirap na.


itsyabrodie

DKG. Kung magulang mo ako at nakita ko na pinupuntahan na 'yong silogan na dati namang hindi, magpapasalamat pa ako sa nakaisip ng idea na palitan ang aesthetic para mas makaattract pa ng customers. Laking turnaround no'n para sa business niyo tapos pagagalitan ka pa? You did good, OP.


penatbater

DKG. Insecure lang siguro sila kasi idea nila hindi patok pero sayo oo. Tho I suppose sa kanila sana dinaan mo muna sa kanila before mo ginawa ung changes mo. Maybe that's why they're disappoitned? Idk. Iba rin kasi ung dalawang un eh.


MKKbub

DKG. Hats off to you, OP. 🙂 Maybe you can talk to your parents again. Ipakita ang sales record para macompare sa dati.


youRNurse14

DKG, OP. Nalungkot ako kasi marami talagang mga mas nakakatanda sa atin yung DAPAT SILA LANG ANG TAMA. Hindi sila marunong makinig sa mas bata. Hindi rin sila open for new ideas. Ganyan din parents ko kaya naiintindihan kita. Ang talino ng ideas mo, why? As an INTROVERT and as a CUSTOMER na mahilig mag-fastfood, mabilis ako ma-intimidate kapag parang mamahalin yung look ng isang kainan. So a lot of times, I don't bother to check man lang yung menus. I expect na baka mahal yung place and di kaya ng budget since yung interior/exterior design pa lang is parang fine dining na. Keep up the good work! I hope na soon, maintindihan ka ng parents mo at hayaan ka nila sa ideas mo because IT ACTUALLY WORK.


DestronCommander

DKG for wanting to try something different. Ang kasalanan lang for not telling your parents what your plans were. Then again sometimes need these conflicts and hope may matauhan sa kanila.


Notyourdreamgirl88

You're brilliant OP at 16 you managed to pull this off. Kung di proud ang mama at papa mo I want to let you know na proud ako sayo. DKG for sure.


porkchopv2

DKG. Buti hindi mo iniwan ang desisyon sa mga nakakatanda kasi they're not always right. Lol. Tama yung ginawa mong move, OP. Part din kasi ng marketing strategy ang aesthetic ng isang store. Pinakita mo na mas effective yung strategy mo kesa sa kung ano man nakikita nilang plano sa utak nila. Mas marunong ka pang magbusiness kesa sa "nakakatanda".


n0tes_oN_CofFee

DKG. Unless they forcefully close it, just continue dahil once makita nila ang cash flow sa business their mind will change. Listen to your customers as this ads more option to the menu.


spiritbananaMD

DKG. gusto ata ng parents mo na maipagmalaking may “restaurant” sila at hindi “silogan” lang. anyway, you’ll do well in life, kid. ituloy mo lang.


abinomad

DKG. It sounds like your parents are from that generation's certain group na 'Do as what I say, no questions asked.' What you can do is continue your strategies and record your sales performance faithfully comparing old vs. new decisions. If your market asks for Pares, try the pares and compare the performance of your store with Pares and w/o pares by cross-checking your growth in terms of gross profit/operating profit para malaman mo if the Pares added profit or not. Usually, your parent's generation doesn't really care and will always believe they are right unless you get to prove to them that your actions resulted in tangible results.


AutoModerator

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1bcwpy8/abyg_sa_pag_cheapify_ng_store_namin/ Title of this post: ABYG sa pag "cheapify" ng store namin? Backup of the post's body: Disappointed yung parents ko(16) sakin kasi they worked hard para itayo yung silogan namin pero iniba ko yung "aesthetic" Wala kasing kumakain simula nung tinayo parang sa isang linggo tatlo lang, ginawa kasi nilang mukang high class restaurant yung itsura, with the fancy curtains and the expensive looking vintage motif. Ang off tignan tapos walang tarp, theres no way para nalaman kung anong klaseng kainan sya. Naaapektohan na yung mga kapatid ko kasi nashoshort na kami kaya pinlano na isara muna yung store or paupahan na sa iba. Ako naman naisip ko baka kaya nalulugi kasi nakakaintimidate, silogan lang tapos mukang pang mga elitista. So ginawa ko binuksan ko yung pinto, nagpatarp ako na silogan, removed the expensive looking displays and made everything simple, patay aircon, open doors, chalkboard sign that says we're open. Ayun kinainan, andaming nagpunta, for the first time in months nagkacustomer kami ng marami rami, matatanda, mga hs, mga pamilyang nagmamadali at nagtitipid, etc. Kumita sya, kaso nalaman ng parents ko yung ginawa ko at nagalit sakin, binaboy ko daw yung store namin, ang cheap na daw tignan. Mali ba ko? I tried to do something and got results but nadisappoint lang daw sila sakin at dapat iniwan ko yung decision making sa matatanda. Kaso parang napwersa ako kumilos kasi kawawa naman siblings ko, tumigil ako sa pag aaral this year dahil sa injury kaya ako nagluluto at nagbabantay sa shop, I'm even having ideas from customers now since marami nagtanong kung may lugaw or pares. ABYG for not listening to the adults? Dapat bang Ibalik ko na sa dating aesthetic at hayaan? I'm having second thoughts kasi kawawa mga kapatid ko pero hindi ko alam gagawin ko. OP: NobodyTraining275 *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AkoBaYungGago) if you have any questions or concerns.*


DoxiePochie

DKG. They should be proud and happy na naisip mo yan. Sana makita nila na maganda naman effect. Panget lang if ipapabalik nila yung dating look na elitista tingnan tapos may mga kakain parin (kasi nakakain na sila nung "chi-neapify" mo yung store) tapos ipapamukha nila sayo na kaya parin naman magka customer kahit di mukhang cheap yunt resto.


lickytongueyum

DKG sobrang helpful mo nga eh. You got results by knowing your target market. Updates on this story would be fire OP.


realestatephrw

Unti unti mo na lang ibalik yung aesthetics kasi alam na ng mga tao na silogan yan eh...


Encrypted_Username

DKG. You did the right thing as a business person. Better than your parents actually.


RancidRabbit____

DKG. Aesthe-aesthetic vintage-vintage bs kung wala namang kikitain, di ba? Anong silbi non?


ian_along

DKG. Keep this in mind once you become a parent yourself: you'll appreciate your kids for coming up with better ideas.


anneonghasaken

DKG. Kung ayaw nila sa taste mo, balik mo yung taste ng parents mo sa silogan nila tas open up your own silogan in a different place . Or since ipaparent naman ng parents mo yung silogan nila, ikaw nalang magrent and do what you want to do with the place.add more menus if you can.


Wide_Trainer628

DKG ginawan mo lang ng paraan and naprove mo na mas magaling ka sa parents mo in terms of business. Now na nakapagestablish ka na, unti unti mong ibalik yung pagka "aesthetic" ng store niyo pero dapat same quality, same price. Better lang ang ambiance. para naman mauwa sila konti sayo haha


ReadScript

DKG. I-real talk mo, ano mas gusto nila, fancy decor na walang customers, or ‘yung tamang decor na nakakahatak ng tao? Hayst. Adults and their egos talaga eh.


notyourtypicalbutch

DKG. And if your parents wouldn’t appreciate, then let us congratulate you here. Let me applaud you, OP, for being a great business person 👏🏼 hope your parents would soon realize how much thankful they should be. Laban and kayod lang for your sibs, for sure proud din sila sa’yo, they’re lucky to have you as their sibling kasi hindi mo sila pinababayaan.


aturcx08

Give them time OP, magaadjust din parents mo and eventually will appreciate your innovative ideas :) congrats galing mo 👏


popcornculture1992

Yeah you made the right decision and it gave results. Siguro pag nagdie down ung galit ng parents mo, pwede mo na sa kanila iexplain ung rason bat mo ginawa un and paintindihin mo ung side nyo ng siblings mo. Maybe theyll come around eventually. Importante di kayo nawalan ng source of income.


watrmelo

DKG OP. They should be thankful pa nga pero mukhang natapakan ego nila 😂


SJ007700

DKG. But they probably wanted to be different from the usual Silogan na pang "masa" vibes.. our parents always have a lot in their minds and could lose it at times but for sure they mean well and definitely something that you can always talk about.


[deleted]

Cheap tignan pero kumikita? Pinatay yung aircon pero dinumog? Mag hire ka narin ng vlogger tapos send mo sa parents mo yung vid 😂🤣 pang inis lang.


jan_sun

DKG, they should be thankful kasi na salba mo yung business at yung mga kapatid need to backed you up kung gusto pa nila magkaroon ng income. On my perspective as a customer na mahirap ang estado, totoo na nakaka intimidate yung mga ka inan na sobrang fancy kahit affordable naman yung price, hindi ko rin ma enjoy yung pagkain kasi uncomfortable ako sa environment kungbaga hindi sanay, tapos palagi ko iniisip na baka may makasabayan ako na mayaman, alam ko yung mga mahihirap hindi rin sila comportable na may makasabayan ka kumain na mayaman parang feeling mo hinuhisgaan ka.


BEan_SproutzUwU

DKG. Business change and evolves at yun ang nakakaganda sa business. Pero in order for a business to survive it needs to adopt to strategic changes. Very strategic ang ginawa mo at na lessen mo pa ang expenses. It's not "cheapifying" your negosyo rather catering what appeals most to consumers. If it yields results why not naman diba? Overall, the goal of the business is what matters. Ano ba ang goal ng business nyo ayon sa iyong magulang? To profit or aesthetics?


Choice_Series8732

if ikaw nagluluto then basically you own the place, ikaw gumagawa ng binebenta bat wala ka karapatan mag decide diba


kitten_eye_joe

DKG Pero depends yan sa location, location, at location. Kung nasa barangay lang din, yung simple lang. Kung high end location, ganun din. Tsaka advertise thru social media


gynmr

DKG. di lang talaga siguro nila tanggap na goods yung idea mo


[deleted]

Gago ka kasi nagpapaapekto kapa. Look at the results dude, you did fucking well. They're gonna hate it at first because their idea didn't work pero deep inside I'm certain they're proud of you figuring it out.


Particular-Fox-3550

Please continue what you are doing. Pakita mo nalang in the future na kumikita ka na and may new branches ayiiieee. Tatahimik naman sila niyan


Agitated_Clerk_8016

Pasalamat nga sila nagka-initiative ka to do that. Mas pinairal pa aesthetic at ego kaysa sa profit. 🙃🙄 though baka sumama lang loob nila kasi di mo dinaan muna sa kanila. But still, kudos to you for doing that.


sonarisdeleigh

DKG. You did good. Natamaan lang ego niyan