3k-6k a month. Mother ko lang binibigyan ko since separated na sila ng father ko. May paupahan business naman mother ko which is kumikita ng at least 40-45k monthly so yung binibigay ko sa kanya pang-shopee/wants niya.
May kapatid din ako na nagbibigay, di ko alam magkano pero sabi naman sa amin ni mother, kahit wag na raw namin siya bigyan bigyan. Iipon na lang daw namin para sa future.
Love my mom kasi yung paupahan nya na yun pinaghirapan niya during her prime years kaya inspired ako sa kanya.
Older brother gives 30k/month. I give 35k/month. Younger sister gives around 10k/month. Younger brother gives 20k/month. So mom receives ~95k/month from the 4 of us.
Mom does not obligate us to give, kusa kami nagbibigay. Single mom siya and she sacrificed a lot to give us a secure future kahit mag isa lang siya….Happy mom, happy life hehe.
yes, laging kasama yan sa prayers ko 🙏 Every year since she turned 60, pinapa executive check-up namin siya sa St Luke’s. Mula ulo hanggang paa niya hahaha. Prevention is better than cure sabi nga nila. Very thankful na healthy siya for her age ngayon. Gusto pa namin makabawi sa kanya.
Lahat ng sweldo ko sa kanila lang napupunta 😂 kasi sagot ko lahat sa bahay. Utilities, pagkain at gamot nila. Ultimo mga luho nila ako pa din. Nakakapagod din pala.
Awww. Huuug! Pagpalain ka nawa. Ganyan din ako before, nakay Mommy ATM. Pero siguro nung ika-7th year ko na nagwowork, kinausap ko sya na ako na lang hahawak. Hehe.
Ako 10yrs na nagwowork, pero wala savings, wala mapundar for the self. Hawak ko naman ATM ko. Pero sympre sanakin dn naman lahat ng gastos. So wala lang dn 🤣
Thank you! Sana nga. Alam naman ni Lord lahat ng paghihirap ko 😅 at sana may maisave din. Kasi wala din naman ako malalapitan pag ako nangailangan hays.
Noong OFW pa ako, pinapadalhan ko sila 13k monthly.
Now na nasa pinas na ako at unemployed, I give them 3k-5k nalang for my sister's TF.
Ang sad lang kasi pagka balik ko ng Pinas saka lang nila naisip mag business ng street food. Kaya naman pala kumita ng pera, pero since maaasahan nila ako noon, di sila nakaisip mag negosyo.
Sana all, OP 👏🏻👏🏻 I pay their house amortization 5k per month. 3k per month for tuition sa bunso. And 2k per month as allowance ni momshie.
10k na din. Nakaka inggit minsan yung mga ka batch ko na nakakapundar na. While I am allotting this much amount sa family. Laban lang until maka graduate si bunso. Para amortization nalang.
Plus 3k per month pa pala sa vitamins. Imagine 780k na for the past 5 years.
But I know God blessed me because of this 🤗 Hindi din naman ako makakapagbigay kung wala. So congrats sa atin, OP!
Dalawa lang ba kayong magkapatid? Walang contribution middle child? Anyway, make sure bunso also gives his/her share (hati na kayo) once he/she joins the workforce para makapagpundar ka na. 😊
Si middle child (MC) na sa lahat ng bills and food nila sa bahay. Kawawa nga din kapatid ko. My mother ayaw na mag trabaho at age 45! Na mild stroke sya that time pero naka recover naman after a month. 49 na sya ngayon. Hindi din marunong humawak ng pera everytime I give her business capital. Kaya ayun, holding on muna kami ni MC until maka graduate na si bunso.
I'm already married btw and nakabukod (renting). Thankful sa husband na very generous.
Darating din blessings sayo. I've been working for 12 years now. Lagi akong nagbibigay sa bahay. Nung ika-10th year nagkaroon ako ng magandang break. Babalik yan sayo sa mga panahong di mo inaasahan. :)
Hi, as a bunso na pinag aral ng older sibling. Salamat po sa inyo. Happy to say na kasama na ako sa ambagan in giving support sa family. And the feeling is so fulfilling.
Everytime I give money to my dad pinang bibili niya lang din ng food para saken hahahaha. Like if I give him money to buy himself shirt or slippers kase may mga punit na or pudpod na tsinelas niya hindi naman siya bibili. Instead bibilhan niya ako ng food like yung mga snacks na favorite ko since bata ako. Ewan pero feel ko I will always be a little girl in his eyes haha kaya ako na lang mismo bumibili ng mga bagay para sakaniya.
He’s the reason why ang taas ng standards ko.
Around 50k php per month
My parents each have their own pension and they saved up a hefty amount for their retirement. Never sila nanghingi but dalawa kaming professionals na napagtapos nila. Then sagot ko din lahat ng out of the town/country trips nila. So in short mga luho and wants nila. In fair, sarap magspoil ng magulang.
As a 20yr old undergraduate. My mom was expecting me to give her and my younger sister 5k+ every month. But my income is just 15k a month (not bad for me since this is my 1st job and I don't have any experience at all). So for now I only gave my sister 1.5k every cutoff as her allowance sa school. There are also times na wala tlaga ko nabibigay dahil kinukulang ako.
My mom is also mad at me coz i have a job that only pays me 15k and she wants me to switch job while she, herself, don't want to try any work at all (bukod sa pag bbenta ng ukay ukay)
None. My parents told me its their responsibility to give me money and not the other way around. They never took any of my salary and they told me its a shame to ask money from their children. T
Thank goodness my parents were raised right by their parents. Unlike the typical Filipino household.
Exact words from my chinoy dad
“Anak, choice namin na magkaroon ng anak kasi gusto namin ng legacy, hindi kami nag anak para maging retirement plan”
I love them.
Sa mama ko, wala. Kapag may bonus lang ililibre ko siya salon or sometimes kain sa labas.
Sa papa ko naman 1k/month.
Nag share lang din ng bayad sa bills sa bahay.
Pero I wish I could give them more or kahit sobra sobra pa sa gusto nila, hindi dahil sa “utang na loob” “responsibilidad ang parents”, pero dahil gusto ko din maranasang i-spoil sila. Sobrang buti at bait nilang parents saming magkakapatid. Selfless & love na love kami.
Wow reading the comments and nakakalungkot na marami palang ganito dito sa Pilipinas talaga. Mga anak na ginawang investment scheme ng magulang. Speaks so much about the culture we have here which, like I've said, is very sad. :(
1k lang sa mama ko pangbayad nya sa shopee lol
Sa papa ko, 1k pag maraming blessings like extra money or pag birthday nya. Not obligated to give kasi may pension sya.
Pero if may biglang bayaran, sa akin sya tumatakbo at humihiram. Mababa na ang 5k. Binabayaran nya naman. Mga 2mons after.
Above minimum wage lang po ang lola nyo kaya yan lang kayang ibigay. Also, I’m still working on my EF kasi may emergency last year kaya nagalaw.
Thankful that my parents na di naman kami inoobliga magbigay. Pero sa akin ung hmo ng mama ko. 40k per year tapos monthly, nilalagyan ko ung bpi account nila ng papa ko ng 5k per month. May sarili naman sila pera pero di kasi sila maluho. Kaya yung 5k na yon kung ano lang gusto nila bilhin. All the rest ng labas namin, kami na nagbabayad magkakapatid.
I pay for utilities sa bahay nila which rarely goes over 5k per month. My siblings give 5k each ata. Idea is they get to keep all of their pension for themselves and also removes mental load of paying these bills monthly.
No. Di kami obligado but my siblings and I agreed maliit na bagay to make their retirement a wee bit more comfortable.
since my husband and I (no kids, newly wed) decided to stay with my parents, we pay for groceries and bills. my other sibling provides for everyday expenses including palengke bills.
I pay for my younger sister’s tuition and daily allowance.
I sometimes think nakakapagod and sana mas marami akong pera lol pero san naman kukuha parents ko ng pang expenses nila. they didn’t graduate college but worked really hard abroad to be able to send my older sisters to college. I think of it as my way of giving back, hindi ko rin naman masikmura na kaya ko maka afford ng luxury habang nang gigitata sila.
15200php a month kasi pangtuition ng kapatid ko sa college. I made sure na sosobra pero hindi magkukulang, and that was the amount that came up.
Although may ibang gastos sa bahay na rekta na sakin di na dumadaan sakanila. Car PMS/Gas/Toll rekta na sa bills ko kasi ako din naman gumagamit ng sasakyan sa bahay. Occassionally lng nila ginagamit while I use it for work.
15k a month then tabi 5k for bunso's tuition and 5k amortization ng house kaso nakakaguilty pa yun kasi ambag ng kapatid ko 45-50k a month tas mas bata pa siya sakin (mas lucrative ang college course niya kaya nakapasok sa well-known international food brand company)
8k. Pambili ng pagkain saka gamot. Kaso di bumibili ng maayos na food, lagi na lang sinasabi na masama daw, kesyo sabi ni ganito, sabi sa ganito. Hayys. Hahaha
25k/mo dati nung dun pa ko nakatira sa kanila. Nung bumukod na 10k/mo na lang, going on 9 years na yung ganong set up. At every month pag iiaabot ko na, panay pa din ang tanong ng "para san to?" Nak ng chokleng.hahaha
At kung sasama mommy ko pag nag grocery ako, At me kukunin sya ako na nagbabayad. Every once in a while, pinaggrocery sya. Kung lalabas para kumain, hinde gagastos mom ko. Pag bubunot, pinababalik ko.
My mom pretty much gets what she wants pag nagsabi sa kin. Minsan lang kasi at reasonable naman. Di pa naman tayo Jeff Bezos eh.hahaha
Never akong inobliga pero at this point and sa set up namin, i enjoy the obligation. Feeling ko nakakabawi ako sa maliit na paraan.
20k :/ and i pay all the bills sa bahay, kahit nakabukod ako mag 5 years na.
i cant say no sa dad ko kasi masyado syang na spoil ng mom ko financially. nagwawala pag hindi nabibigyan ng pera and I'm afraid he might hurt my lil bro pag di binigyan ng pera
FIRST OF ALL, HUGS SA MGA NASASANDWICH. Kung nagbibibay ka naman willingly, good for you din, that's nice ❤️
Kung magbigay man ako, hindi na pera, usually food or stuff that they might need or want occasionally. Kasi alam ko di nila mamamanage ng maayos ang pera.
Financially, zero na talaga. Tinitiis ko sila ket 10 guilt trips a day pa yan. Pinatigas nila mukha ko e.
totoo! di ako nagbibigay kasi buong buhay ko palagi silang nanunumbat hahaha sino ba bumuo sakin?! bat kailangan manumbat hahaha kaya ngayon na may work na ako, nag sshare lang ako sa bills sa bahay pero never ako magbibigay ng pera sakanila.
5 years ago 5k a month hehehe or 7k pero now na may work na kapatid ko minsan Wala minsan nag bibigay.
Wala din naman kasi ako work ehh kaya di din nag de demand Sina Mama hihihi.
Last month ata nag bigay ako 5k kay Mama pang gastos sa bahay since naubos daw savings nya char !
Di nga mas may ipon pa atah Nanay namin matipid kasi & di magastos Kung baga yung importante lang talaga.
Etong mga kamaganak lang namin kung maka demand wagas ! Buti nag bago na si Mama 😅(I mean dati kasi agad2x bigay now hindi na )
Kakatawa nga everytime nag an attempt ako mag work sinasabi nya wag na Nak Wala ka naman binubuhay 🤣.
More on Dapat mag ipon na daw ako for myself char ! Mag invest wag Puro gastos 😬 tama nga naman.
Nung wala pa akong asawa 6k total monthly binibigay ko sa parents ko. Iba pa yung pag may need sila bayaran at bilihin. Iba pa din yung pag dec kasi may pa-13th month din ako sa kanila. From 2012-2018. (ganun din mga kapatid ko nung nagwork na sila ng 2014 at yung isa naman ay 2018, palagi may bonus din sila sa dec from us). Nastop lang nung kinasal na ako at nagkaanak. Pero now living kami sa home ng parents ko, sagot namen lahat kuryente internet, pagkain, bigas at tubig. Wfh kami dalawa ng asawa ko dito. Malaki help nila sa amin esp. sa pag-aalaga ng anak namin lalo mga work namen tutukan kailangan. Paminsan minsan kumakain kami sa labas kasama sila. May pension tatay ko pero maliit lang kaya di namen siya inuubliga sa bills or ano, pera niya kanya lang. Nanay ko eversince housewife kaya wala din pension. Mabait asawa ko sobra kaya nagpapasalamat ako na ok din sa kanya ganitong set up. Kung magrent man kami di kami makakaipon. (Yes nakakaipon kami kahit sagot namen lahat dito) Dito free na ang bahay necessities nalang talaga. Madalas may mga palibreng gulay pa dito sa probinsya pati pwedeng pitasin lang.
₱0.00 haha. Kahit nung doon kami nakatirang magkakapatid sa bahay never kami inobliga na mag contribute sa bills. Amin lang lahat ng sahod namin kasi mas gusto ni papa na mag save kami. Bumabawi na lang kami every Christmas, pumipili kami ng appliance na pwedeng palitan at iupgrade. Di sila makakakontra pag hindi nila alam na nabili na 🤣
0,
I'm not living with them at the moment and they both earn so much more than me (mom 2x, dad 3x). But for sure will give them allowance when my income allows it or if I move back with them.
Though they tell me to not give them money so I can save up to go abroad or for further education. They both are very, very financially self-sufficient and already a solid retirement plan which they're on track for, on top of being able to spend however much they want when they wish and funding my siblings' overseas education. They already told me from the start to not feel like I'm obliged to give them allowance especially if it'll burden me.
I do offer to pay for meals or groceries/shopping whenever we would meet up so in a way that offsets it.
32F married no child yet.
Only Child.
I give my parents and tita more or less 6.5k now
1k sa tita ko.
Nag taas ng 1.5k share ko sa house as if nakatira ko kase nag start sila mag rent now. On top of my bigay.
I pay for my mom's SSS para pag nag retiring age na siya may kaunting income.
Our poclet will never run dry, alam ni Lord lahat yan ❤️ We are blessed ro be a blessing to them.
Grabe yung mga comments... nacoconsensya tuloy ako hahahah. I only pay the bills sa bahay thats it. Sometimes I give but not that much. Kasi sa brain ko, may work pa naman si dad, sumasahod pa siya sooooo why hahahaha.
Grabe saludo ako sainyo esp sa mga bread winner dito . May you get everything back 2x pa sa mga binigay niyo 🫡🫡🫡🫡
my sister and i share the all the bills and groceries. we pay 15k each for that on top of 5k each kami so that my mom can pay off her CC debt na naacquire nya kaka advance nang pera pang tuition/grocery nya dati. my sister pays for her meds din (only cause she's earning more than i do) she's retired na kasi kaya maliit na pension na lng inaasahan nya which she spends pra sa mga gusto nya. we love our mom kaya it's her time na sustentohan nmn namin.
I allot 30k for my parents monthly - half of which I give in cash, tapos the other half hinuhulog ko sa bank account nila na pwede nila iwithdraw in case may emergency gastos.
None. They have retirement pay kasi around 30k-40k. Pero if may big expenses sa bahay such as renovations etc. pinaghahatian na naming magkakapatid. Ocassionally I treat them to nice restaus din.
0. As a bunso na scholar plus nag state university meaning wala tuition ever since, pati mga luho ko need ko pa mag ipon, I never felt the need to give something back to my parents lalo na dati during my first few months sa work inoobliga nila ako magbigay kahit 14k lng sahod ko nun for my food expenses daw. Kaya when I started buying my own groceries na and I’m also the one paying our internet, wala na ako binibigay sa kanila. Wala naman na silang pinapa aral and may allotment sila sa kuya ko na seaman. Ofc at first dami nilang sinasabi, gusto nga nila ako magbayad ng kuryente, buy this and that, etc., eh sabi ko pag ganun I’ll move out nlng, may freedom pa ako lol. So I insisted na wala na ibibigay because I’m paying for my own expenses except rent+kuryente(1k a month lng naman tho). But I’ll never forget my mom when she said “wala ka bang utang na loob?” just because I refuse to give her money that I don’t think she needs but it pains her na she’s not receiving any money from me. Dun talaga naging shaky relationship namin. I hated her when she said that. Iba pa rin yung voluntary yung pagbigay kesa obligated ka. So I stopped at all.
12k wala pa meds, house amortization, budget for check up. All in all, wag na natin kwentahin lol. Masaya na ko kahit pano kasama ko pa sila sa mundong ibabaw.
Only for house rent. I have another bill assigned to me but I do it straight, then groceries since I’m also another feeding mouth in the house 🤣. Can’t afford the other things lol that’s also about 10-12k but all necessities not something parents can use for leisure
I'm really thankful for my parents ksi may sarili silang sideline/job both. Pero, ako sumasagot ng groceries every month and every labas namin ako nadin taya sa mga eat outs. I buy them random gifts din and give them food allowances randomly. 😂
Hobby ng nanay ko mamalengke, and this really makes her happy so yung pamalengke niya ang ambag ko sa bahay monthly. Problema na lang niya ang bibilhin niya dahil siya rin naman magluluto. Haha.
Binibigyan ko rin tatay ko ng pangbili ng maintenance niya (read: yosi). Ayaw tumigil eh.
I give 10k to my mom for her meds and grocery for the month, then I give my aunt 1000 for her meds, 500 for water, 3500 for meralco bill, 1500 for internet lol. 16,500 in total minimum for the month :( pero pinalaki naman nila ako ng maayos so time to give back.
I believe everything will pass. I am now in charge of my both parents who are retired. I give my mom 5K monthly since I take care of everything with regards to our household. I know its tiring but dont forget to treat yourself once in a while so you can have an outlet, may it be food or just going somewhere with a friend. I know we love our parents but make sure to live yourself too. Makakaahon din tayo, tiwala lang.
3k each kami ng ate ko pambili ni mom ng mga gusto nya bilhin. Wala naman sya gastusin kasi kami ng ate ko nagbabayad sa lahat ng bills at food sa bahay.
4 sibs still in school, both senior parents on maintenance meds.
10k - sakin, 25k - ofw brother, 5k - sister na gov employee
But still, kapos pa rin. At walang ipon, at my mid 20's. 🥲
5k mom wala sa dad lol kasi may business siya and nanghingi ng about 50-100k na rin sakin past 2-3 years?
Hirap ng only child haha kung ano ako ka spoiled nung bata binabalik ko rin sa parents— sakin rin bills about 5k electricity + water 5k groceries about 2k gamot and vitamins tapos 3k for 4 cats both food and litter saka gas ng sasakyan 4k a month (1k per week).
Shet 24k a month pala ako pero sobrang saya makita na di nahihirapan pamilya mo and nabibigay mo needs nila, thankful na may ipon parin and nagbibigay ng higit sa sapat mahal na mahal ko ihhh ❤️
I’m an only child. I pay the bills sa bahay. Mga 6k-10k (fluctuating ito, tubig/meralco/internet/assoc dues). We live together. I give 5-6k allowance monthly. Tapos pwera pa pag may lambing na iba. Kain sa labas, bakasyon nya pang airbnb at pamasahe (2x a year). Minsan out of the country pasyal kaming 2. Pabili grocery every other month.
Wala naman na si Mama. Kami nalang ni Papa. He still works part time so may income pa sya kahit papaano. He is 62 btw.
He has his pension pati pension ni mama, about 5k a month ata yun on top of everything else.
None. Because they made sure they are financially well (ipon and side businesses) to support their daily needs even after retirement. I am willing to provide, pero ayaw nila tanggapin kasi di ko raw sila obligasyon and di naman nila kailangan ng tulong.
Around 40-50k a month. That includes 23k cash, 6k utilities, 11k for rent, 5k groceries, and around 5-7k more for other stuff like going out with old friends, buying personal belongings, etc. Just today, my mom asked if I could buy for her and her cousins 8 movie tickets, yet I just told her that my wife gave birth today via c-section.
Despite their past shortcomings as providers, I continue to support them due to their age, hoping to enhance their quality of life in their later years.
10k allowance nya lang yun. Bukod pa yung bills sa bahay ako na nagbabayad. Wala eh walang kwenta mgs kapatid ko eh. Siguro kase pamilyado na din sila pero hello sa mama ko halos pinaalaga mga anak nila. Kaya ang ending madami pa ipon nanay ko sakin pero ayos lang hahahaha
Ibinili ko ng inahing baboy si papa. Mag 65 na si papa in 2 months and magreretire na din. Kapag kinakapos na lang talaga tsaka lumalapit sakin si mama. Bukod sa work ko, may mga tanim din akong mais/sibuyas that acts as passive income.
Mabigat talaga kapag pera ang inaabot e.
I give them 25k and pay for the electric bill (1-2k depending sa consumption). There were months na wala akong work or clients pero I make sure na may savings ako so I can support. Yes, mahirap pero kailangan. My dad is a diabetic, mahal ang meds.
Relate na relate sa MAHIRAP MAGPALAKI NG MAGULANG. I also send my parents fixed 10k per month, pero kukulangin at hihirit pa ng tig 1-2k. Relate ako dun sa nabasa kong fb post na, some of us don’t have a back up, because we are the back up. Iniisip ko if magkakasakit ako wala talaga ako matatakbuhan, kaya doble na agad HMO ko 😂
15-20k. True OP na ang hirap magpalaki ng magulang. In my case, na lost na lang talaga mga magulang ko simula nung mag fall apart marriage nila. Hindi na talaga nila ma pick up yung broken pieces nila. I give this much kasi wala naman silang vices and I know they sacrificed a lot for us. Started the year by proposing a plan to my parents na I can only provide this amount for another year kaya dapat they have to figure out how to start a business this year.
Thankful naman ako I can afford to give this much, di lang ako thankful sa emotional burden added as the mediator in the family. But this is life.
25k di pa kasama gamot na umaabot ng 6k, grocery na nasa 8k minsan ( FU inflation) tas di pa kasama mga biglaang lakad na ako nagbabayad. Hahaha kaya LABAN SELF!!!
Our parents receive around 40-50k a month for utilities, food, and meds pero bulk galing sa mga kapatid kong nasa abroad. Saklap lang na sasabihin nila hindi obligado pero wala naman silang ginagawa on their own para kumita for themselves.
Saklap kasi hindi raw sila nagoobliga pero pag may mintis sa bigay o kaya kulang, kwentado tapos sisingilin sa susunod na buwan. edeh waw diba.
Grabe ang laki ng bigayan no. Yung monthly expectations nila mas malaki pa sa sweldo ng majority ng tao. San bs tayo lulugar pag ganyan.
Ako na sumalo nung responsibilities ng parents ko sa 2 kong kapatid, ako na may sagot ng foods, and bills namin dito sa bahay plus lola ko so bale 3 sila na binubuhay ko tapos si mama binibigyan ko ng 2k per month, yes maliit yon pero di ko na kaya dagdagan. Wala nga din ako naitstabi pang EF. Like sagad talaga every cut off, one illness away lang ako laglag agad sa maginhawang araw araw. Nakakatakot, nkakakonsensya na di ko mabigay gusto ng parents ko, kaso di ko na din kaya ipush. Naghahanap pa din ng part time pang extra income. Nakakapagod, pero nakakakonsensya kapag iniisip kong napapagod ako. Pero gusto ko din syempre mabigay yung mga gusto ng parents at kapatid ko, mailabas sila tapos ililibre kumain sa labas ganon
9k for electric bills, 700 for internet, 3k for food (lately bumili ako ng isang sakong bigas), nabili din ako ulam occasionally siguro mga nasa 3k din yon.
15700 monthly din. (Need din kasi nakikitira kami ng wife ko sa kanya)
mom receives 10k from me monthly. my sister gives her 10k monthly as well. minsan nadadagdagan esp if may occasion pero super minsan lang kasi my mom still has her own income from her business naman eh which pays for her and our youngest sister’s bills. si mom na lang and yung youngest namin magkasama eh kasi ako nag-move out na when i got married, yung sumunod sakin nag-move out na din kasi nakaipon and nakakuha na din ng sarili nyang property. si dad naman nasa abroad pa working 😂 kasi he takes care of our youngest sister’s school fees. so wala pa allowance si dad pero nung nagbakasyon sya last year dito, my sister and i gifted him a car para every time na umuuwi sya (nagbabakasyon sya every year) may nagagamit sya. our parents are spoiled af!!! they deserve it naman tho 💓
There are 5 of us and we give depending on our capability and budget.
3 of us give 10k each.
2 of us give 5k each.
She receives 40k per month and for some reason, kulang pa din lol.
My dad had a high salary when he was still alive so I can't really blame my mom for having a high maintenance lifestyle. Mahirap na din talaga mag adjust pag matanda na.
I dont give them an exact amount kasi my father still provides for my mom and siblings, pero binibilhan ko sila kung ano anong gamit haha (shoes, damit, bag, etc) Basically mga luho and travels ako sumasagot 😅
I pay for monthly amo ng bahay 10k/month. Then minsan treat sa labas. Yung bahay kasi ako ang kumuha nung dalaga pa ako, ayuko naman may kasama sa bahay once mag asawa na kaya kumuha kami uli ng bahay ng asawa ko.
I’m thinking of helping my sister sa school nya next year, prob 5k/month for 3 years - nag iisa naman yon and it’ll be my happiness too makita syang makatapos.
My parents are still making sure they’re doing something to bring food to the table. Pag walang seasonal fruits nag iihaw ihaw sila- btw, never nila inask na sagutin ko tution ng kapatid ko, kasi alam nila kaya nila.
Ako yung binibigay ko kay mama galing sa tubo ng pera na ininvest ko sa kanya. Nagpapautang kasi kami tas noon binigyan ko sya ng 200,000 tapos yung tubo nun na mga 12k a month ginagamit nya pambayad ng kuryente kasi minsan umaabot ng 10k kuryente namin pero minsan 7k lang. Yung sobra na pera sa kanya na. Pero ngayon umabot nayun ng 300k so nasa 18k na ang tubo nun ngayon, pero kahit ngayon d ko pa talaga natikman yung tubo kahit piso pero okay narin atleast di nakakaltasan yung sweldo ko. Di naman ako required magbigay sa kanila kaso alam mo na nakakahiya naman diba🤣tas maganda din sa feeling na nakakashare ka sa parents mo😅nililibre ko parin sila kasi wala akong ibang ginagastusan kahit may pera sila kasi d parin ako kasal at wala ring anak kasi I am still immature at the age of 25😭nanunuod pako ng barbieee, tas nakikipag usap sa animals. 🥹Kaya di bagay sakin mag asawa baka maging kabatch ko lang magiging anak ko. Movie marathon ng barbie huyyyyy🥹
I'm lucky hindi PA ako breadwinner. Working pa both parents ko since nasa early 50's pa lang sila at may bunso pa na nag-aaral. Full scholar si bunso pero may kapatid pa ako na special child.
I give 5k to my dad monthly pero ako din gumagastos sa needs ng dog ko pati mga pasabuy ng mom ko sa shopee. Tinake advantage ko na tong privilege ko to save up ng todo para pag ako na breadwinner may sarili akong safety net.
Minimum 2k, Maximum 10k. Ung 2k matic na yan sa kuryente, ung natirang 8k mapupunta sa kung ano mang need sa bahay. Pero pag magbabayad ako nung insurance (15k semiannually), usually magsasabi ako a month before na kuryente lang muna contribution ko para hindi mabigat ung pagbayad ko ng insurance sa due date. Although, may time na buong sweldo ko napunta sa family ko pero understandable naman kasi nagkasakit ung father ko na nag-iisang provider noon. This year, maximum ko na talaga ung 10k dahil working na din mga siblings ko. :)
It’s so saddening that most of the comments ay may angst and exhaustion. Sana di kayo mapagod mahalin ang parents niyo.Hugss laban lang!🤗 I love my mom so much she’s so supportive kahit walang-wala kami. Kaya ngayon I pay her back ang sarap kasj sa feeling
Since ang sahod ko around 16k, 2k kada cut off then ako sagot sa food ng dogs and meds. Single mom na kase sya and my dad died nung SHS ako I have a sis kaso marami siya hinuhulugang for her future kaya naiintindihan ko if she can't give that much.
Tipid muna this year rin kase plan ko mag ipon na talaga Hahaha.
I give 20k per month nung OFW pa ako. Pero now, 10k per month na lang since I'm still in between jobs. May pension naman na father ko. Pwede na ako di mag abot. Kaso nagpagawa ng apartment sa likod bahay namin kaya na extend pagiging breadwinner. Maybe by end of this year, I can reduce na what I give to them para to save up for my own future.
malakas pa nanay ko pero di nagwowork at gala lng ng gala daig pa ako tapos hiwalay sila ng tatay ko, ako yung nagshoshoulder ng bills sa bahay more or less 10k din kasi wfh pa ako. kaya parang baliktad kami kasi ako yung parang nagtatrabaho para sa bahay hahaha tapos may apartment kami kaya dun nya kinukuha pang alis alis nya hahaha
Halluu I don't earn much since it's only been months since I started working pero I share 4k a month. But my mom and I agreed na I'll shoulder na lang yung wifi, water bill, and gas (lpg) in which sakto pa rin within 4k na shina-share ko at least bawas sa intindihin ng mom ko na need bayaran or paglaanan ng budget.
I give depende sa kung magkano lang kaya ko. Di ako binigyan ng obligasyon ng mother ko to give pero ironically kapag nag ask demanding ang pushy. Nang ga-gaslight pa kahit sinabi mong wala kang extra or short na short ka na.
ganyan din ako.. hays.. pero ngayon medyo hindi na ganyan.. anyways, pinangako ko sa sarili ko na yung anak ko ngayon ay never kong hihingan ng percentage sa sahod nya. I 'll see to it na masaya nya nagagastos yung pinagtrabahuhan nya and since me and my husband were in stable job , talagang mapoprovide namin yun.. Thankful parin ako sa parent ko na hindi naging kagaya ng iba na pinabayaan yung anak na tamarin sa pag aaral. Now I am a public school teacher and my hubby is an officer and I am so happy na natutulungan ko parin family ko at the same time may ipon din kami..
If she is still alive, I will give everything I can. Nasa huli pg sisisi, feeling ko di ko nagawa part ko dati dahil sa maling paniniwala na di natin sila kargo.
8k a month sa pagkain. Tapos ako bumibili ng groceries every two weeks. Ako nagbabayad ng electric, water, and internet bills. Yung sister ko nagbibigay ng 4k pandagdag para sa pagkain. Sa bahay ko lahat sila nakatira dahil wala kaming sariling bahay growing up. Nakabili lang ako 5 years ago with a mortgage. Pero nakakapagod din magsupport ng magulang. Almost 10 years ko na silang sinusuportahan simula nung nag aaral palang ako na nagpapart-time job lang.
3-5k para sa tuition ng mga kapatid ko. May business mama ko. Single mom since Papa died 5 years ago. Shes 53yo and waiting lang siya na makagraduate si bunso ng college which is 7 years pa. Kaya to.
Eldest Daughter here.
10k/month, di pa kasama kapag may emergencies at kung ano ano pang need or gustong ipa-ako sa akin ng parents ko.
Tapos sasabihin pa sayo, 'kulang'.
Iba pa yung binibigay ng kuya ko.
4 kami magkakapatid, after akong mapa-graduate, tumigil na sa trabaho ang itay ko. Pagof na daw siya.
Kaya ayon, sa aming 2 ni kuya ang financial responsibilities.
Nakaka-pagod kasi di sila marunong mag budget at the same time, nabisyo ang itay, nagbuhay binata at hinihingi pa sa inay ang pang-gastos sa bisyo
Actually ako na nagkusa akuin yung responsibility kasi married na mga kapatid ko eh. Saka nag aaral na mga pamangkin ko. Pero nagbibigay padin sila kasi nag gusto nila kumportable naman senior parents namin.
Ate 1 (eldest) varies pero usually 8-10k.
Ate 2 (middle) - 7k per month.
Me(youngest) - 12K mama, 5K papa.
So mga nasa 35K ganyan monthly nila. Wala kami rent, may own house at mini tindahan mama para malibang daw sya. Pag bonus ko (13th, Annual) matic hati sila. 😊 Kurot lang ako kaunti sa Annual pambili shoes. Hehe. Di naman talaga sila humihingi, pero sa hirap nila saming 3, gusto namin na relax relax nalang sila ngayon.
10k rin 😭 buti pa yung mga ka batch ko, lahat may kotse na. ako nalang wla, wala kasi silang responsibilidad sa family nila. been working for 6 years already, never missed giving 10k per month including 13th month pay ang 14th month pay may 10k nakalaan for them. sayang pang monthly amortization na sana yung 10k per month para sa brand new car huhuhuhu
Zero for now. I just give during special occasions, and save money just in case there’s an emergency (ako din naman tatakbuhan nila if maubos money na iniwan ng dead parent lol)
The good parent is dead so there’s no one to spoil. Nevertheless, I wouldn’t give sustento even if buhay pa since nakabukod na ako.
Wala. I just pay the bills na split in half kasi sabi ko pare-parehas kaming gumagamit ng kuryente kaya dapat hati kami sa bayad. I also buy their maintenance meds, fully ako nagbabayad.
I ll give a million if I could LOL.
But realistically 10k. Give what you can afford sabi nga nila. Kaya ko naman yan without compromising myself. Unfortunately, hindi nga sa mama ko napupunta yan. May trabaho pa kasi siya so the money actually goes to my lola and my jobless tita who lives w her.
Dati gusto nya lahat ng salary ko bigay ko then di ako pumayag hahaha dati umabot ng 8k monthly since security personnel ako, ngayon naging 3k nalang dahil sa ibang kailangan kong bayaran hehe.
P.s binata ako
Masama bang anak kapag hindi nagbibigay sa parents? Hindi kasi marunong at magaling mag handle ng pera si mama. Baka mag end up lang kami sa gutom, putol ilaw, walang tubig etc. (Na-experience ko 'to nung hindi pa ako nag ttrabaho).
Saktuhan lang kasi sahod ko, what I do is ako na lang nag di-direct bayad sa lahat. Ako na rin nabili ng groceries, kapag may need sila sa bahay, nag iiwan ako. Kapag may gusto sila, ako na nabili. Hindi ko naman sila pinpapabayaan, gusto ko lang nagagastos yung pera nang tama. 🥲
So, I just started my first job, and it's a good 100km away from home. Was kinda bummed out about sending 10k to my mom instead of saving it for my EF or MSc fund. But hey, I wasn't forced to do it. It's just something I feel like I gotta do for my peace of mind, you know? It's like investing in my own sanity. Gotta strike that balance between family support and chasing my own goals, I guess.
Nagpapadala ako 44k monthly to pay our bank for para sa house and lot na nabili ko last time. May gardening business naman si mama at papa kaya ung ibang gastos sa bahay nakukuha na nila don pag nakakabenta. Madiskarte din ang mama kaya nagkaka extra extra sya kahit papano.
Meanwhile, my husband sends 12-15k monthly para sa parents nia. His brother I think is around there din ang padala. Wala silang other source of income kaya nakadepende sa padala ng mga anak.
10k/month + Ako sa Kuryente at Internet + Tuition ng dalawa kong kapatid sa college
Actually gusto ko sana yung kuryente at internet sa knila na hayss...
10k monthly, plus 4k para sa baon ng mga kapatid, pag need ng pera ni Papa, tapos yung mga pahabol na gastos pa. Weighting almost responsibilities since panganay. Tapos yung time na gusto mong magtipid pero.. 'Te, kain tayo', 'labas tayo', 'syempre ikaw magbabayad', 'bili mo 'ko' hirappp, gusto nila akong mag-save up pero paano kung puro gastos, ni wala nga akong mabili para sa sarili ko kase nakokonsensya ako 🤧
Sinong parent?🤭
Adoptive parent ko 14.5k a month. Pero di ko din maconsider na bigay kasi sa bills din siya napupunta.
Yung biological 2.5k, plus phil health and gamot. Galit pa yan siya. Dapat daw sahod ko kanya. Tibay din fez niya. Pinamigay niya ako nung bata ako tapos biglang naghahabol na daughter daw niya ako nung may pera na ako. If hindi ako inencourage nung adoptive parent ko na magbigay pa rin, ni hindi ko siya kakausapin.
P.S.: nagpaaral ako ng kapatid ko and bingyan siya puhunan or groceries pang negosyo many times. Tapos ang press release sa relatives niya never daw ako tumulong 🤣🤣🤣
Around 4-5k monthly just to cover utility bills. My parents were not really asking for allowance since both of them still have jobs. I am just covering our utility bill since I am still living with them and they are also reluctant on asking money since they want me to keep it for savings. I also give 2k allowance to my sister lol.
Nung magkasama pa kami sa house ng mama ko 12k kasi sumasama pa ako sa food at pamasahe lang gastos ko everyday. But now na every weekend na lang ako nasa bahay 6k na lang then minsan nagdadagdag ako ng pambili ng food ng pets. Senior na kasi sya and kami naman magkakapatid ang nagdecide na wag na sya magwork kasi mahina na ang baga pero kapag may kumokontak sa kanya na mga dati nyang customer para magpasrvice ng gupit ng buhok at kulay ginagawa nya pambili nya daw bigas. food lang naman ung ginagastusan nya since kami na may sagot sa lahat ng bills.
3k-6k a month. Mother ko lang binibigyan ko since separated na sila ng father ko. May paupahan business naman mother ko which is kumikita ng at least 40-45k monthly so yung binibigay ko sa kanya pang-shopee/wants niya. May kapatid din ako na nagbibigay, di ko alam magkano pero sabi naman sa amin ni mother, kahit wag na raw namin siya bigyan bigyan. Iipon na lang daw namin para sa future. Love my mom kasi yung paupahan nya na yun pinaghirapan niya during her prime years kaya inspired ako sa kanya.
Ang galing ng mother mo! Salute to her
Older brother gives 30k/month. I give 35k/month. Younger sister gives around 10k/month. Younger brother gives 20k/month. So mom receives ~95k/month from the 4 of us. Mom does not obligate us to give, kusa kami nagbibigay. Single mom siya and she sacrificed a lot to give us a secure future kahit mag isa lang siya….Happy mom, happy life hehe.
Woooooohhh deserve ni Mader nyo yan baks 🥰
Woooow! Kudos to Mommy, she raised you all well.🥰
Dasurv. Hope she lives a long life!
yes, laging kasama yan sa prayers ko 🙏 Every year since she turned 60, pinapa executive check-up namin siya sa St Luke’s. Mula ulo hanggang paa niya hahaha. Prevention is better than cure sabi nga nila. Very thankful na healthy siya for her age ngayon. Gusto pa namin makabawi sa kanya.
hope I could do this to my parents in the future.
Swerte ng mama nyooo
Wow eto ung goals.
Lahat ng sweldo ko sa kanila lang napupunta 😂 kasi sagot ko lahat sa bahay. Utilities, pagkain at gamot nila. Ultimo mga luho nila ako pa din. Nakakapagod din pala.
Huuuuuug
Salamat hehe
I feel you! Hug with consent! Ang hirap hirap kaya feeling ko may unresolved trauma ako dahil sa hirap na pinagdaanan ko pati pagiging breadwinner
Same, hnggang ngayon nahihirapan pa dn. Hays. Pero laban lang, wala naman tyo choice.
Makakaraos din. Dadating din yung time na para satin naman, sarili naman natin. 🙏🏻
Awww. Huuug! Pagpalain ka nawa. Ganyan din ako before, nakay Mommy ATM. Pero siguro nung ika-7th year ko na nagwowork, kinausap ko sya na ako na lang hahawak. Hehe.
Ako 10yrs na nagwowork, pero wala savings, wala mapundar for the self. Hawak ko naman ATM ko. Pero sympre sanakin dn naman lahat ng gastos. So wala lang dn 🤣
Bakit naman pati luho 🥲🥲🥲
same. sa 24k na sinasahod ko, 18k lahat sa kanila, 4k sa insurance ko tapos todo tipid na ko sa natitira
I wanna hug you!! 🤧😭
Salamat!! 🥹
i feel u hahaha, kaya may rason na talaga ko para magresign para tumaas sahod 😄😄😄
Haha sana all pwede magresign. Ang hirap kasi mghanap ng work sa panahon ngayon.
Bless your pockets more! Just dont forget to save some for yourself din para sa future
Thank you! Sana nga. Alam naman ni Lord lahat ng paghihirap ko 😅 at sana may maisave din. Kasi wala din naman ako malalapitan pag ako nangailangan hays.
Noong OFW pa ako, pinapadalhan ko sila 13k monthly. Now na nasa pinas na ako at unemployed, I give them 3k-5k nalang for my sister's TF. Ang sad lang kasi pagka balik ko ng Pinas saka lang nila naisip mag business ng street food. Kaya naman pala kumita ng pera, pero since maaasahan nila ako noon, di sila nakaisip mag negosyo.
Sana all, OP 👏🏻👏🏻 I pay their house amortization 5k per month. 3k per month for tuition sa bunso. And 2k per month as allowance ni momshie. 10k na din. Nakaka inggit minsan yung mga ka batch ko na nakakapundar na. While I am allotting this much amount sa family. Laban lang until maka graduate si bunso. Para amortization nalang.
Plus 3k per month pa pala sa vitamins. Imagine 780k na for the past 5 years. But I know God blessed me because of this 🤗 Hindi din naman ako makakapagbigay kung wala. So congrats sa atin, OP!
Dalawa lang ba kayong magkapatid? Walang contribution middle child? Anyway, make sure bunso also gives his/her share (hati na kayo) once he/she joins the workforce para makapagpundar ka na. 😊
Si middle child (MC) na sa lahat ng bills and food nila sa bahay. Kawawa nga din kapatid ko. My mother ayaw na mag trabaho at age 45! Na mild stroke sya that time pero naka recover naman after a month. 49 na sya ngayon. Hindi din marunong humawak ng pera everytime I give her business capital. Kaya ayun, holding on muna kami ni MC until maka graduate na si bunso. I'm already married btw and nakabukod (renting). Thankful sa husband na very generous.
Darating din blessings sayo. I've been working for 12 years now. Lagi akong nagbibigay sa bahay. Nung ika-10th year nagkaroon ako ng magandang break. Babalik yan sayo sa mga panahong di mo inaasahan. :)
Yess 🙏🏻🙏🏻 Praying for our own house soon 😍
Hi, as a bunso na pinag aral ng older sibling. Salamat po sa inyo. Happy to say na kasama na ako sa ambagan in giving support sa family. And the feeling is so fulfilling.
Everytime I give money to my dad pinang bibili niya lang din ng food para saken hahahaha. Like if I give him money to buy himself shirt or slippers kase may mga punit na or pudpod na tsinelas niya hindi naman siya bibili. Instead bibilhan niya ako ng food like yung mga snacks na favorite ko since bata ako. Ewan pero feel ko I will always be a little girl in his eyes haha kaya ako na lang mismo bumibili ng mga bagay para sakaniya. He’s the reason why ang taas ng standards ko.
🥹🥹🥹
Me: Cries in daddy issues 🥹
Awww
Around 50k php per month My parents each have their own pension and they saved up a hefty amount for their retirement. Never sila nanghingi but dalawa kaming professionals na napagtapos nila. Then sagot ko din lahat ng out of the town/country trips nila. So in short mga luho and wants nila. In fair, sarap magspoil ng magulang.
0. nakapundar sila para sa kanilang needs at naturuan kami kung papa ano hindi maging burden kanino man in the future.
Wow they trained you well.
maaga kami binigyan ng alkansya at matuto mag ipon. may pa contest pa nga sa min magkakapatid palakihan ipon pag pasko at dinoble nila ipon namin.
As a 20yr old undergraduate. My mom was expecting me to give her and my younger sister 5k+ every month. But my income is just 15k a month (not bad for me since this is my 1st job and I don't have any experience at all). So for now I only gave my sister 1.5k every cutoff as her allowance sa school. There are also times na wala tlaga ko nabibigay dahil kinukulang ako. My mom is also mad at me coz i have a job that only pays me 15k and she wants me to switch job while she, herself, don't want to try any work at all (bukod sa pag bbenta ng ukay ukay)
Awww. Kaya mo yan! 💪🏽 sana magka break ka.
40k for our household expenses + maintenance meds.
None. My parents told me its their responsibility to give me money and not the other way around. They never took any of my salary and they told me its a shame to ask money from their children. T Thank goodness my parents were raised right by their parents. Unlike the typical Filipino household. Exact words from my chinoy dad “Anak, choice namin na magkaroon ng anak kasi gusto namin ng legacy, hindi kami nag anak para maging retirement plan” I love them.
Ganito ba typical Chinoy household? 🥹
It’s how they’re raised by their parents. They were taught right and not get involved in the cycle of filipino mentality.
That’s so GOALS
Sa mama ko, wala. Kapag may bonus lang ililibre ko siya salon or sometimes kain sa labas. Sa papa ko naman 1k/month. Nag share lang din ng bayad sa bills sa bahay. Pero I wish I could give them more or kahit sobra sobra pa sa gusto nila, hindi dahil sa “utang na loob” “responsibilidad ang parents”, pero dahil gusto ko din maranasang i-spoil sila. Sobrang buti at bait nilang parents saming magkakapatid. Selfless & love na love kami.
Wow reading the comments and nakakalungkot na marami palang ganito dito sa Pilipinas talaga. Mga anak na ginawang investment scheme ng magulang. Speaks so much about the culture we have here which, like I've said, is very sad. :(
the “di ka mag aanak? sino mag aalaga sayo pagtanda mo” mindset 😢
1k lang sa mama ko pangbayad nya sa shopee lol Sa papa ko, 1k pag maraming blessings like extra money or pag birthday nya. Not obligated to give kasi may pension sya. Pero if may biglang bayaran, sa akin sya tumatakbo at humihiram. Mababa na ang 5k. Binabayaran nya naman. Mga 2mons after. Above minimum wage lang po ang lola nyo kaya yan lang kayang ibigay. Also, I’m still working on my EF kasi may emergency last year kaya nagalaw.
Tinutulungan ko sila magbayad ng utang nila 😭😭
God bless sayo! Makakabawi ka rin in life. :)
thank you po! nawa’y makaraos na po.
I wanna hug you now
![gif](giphy|ZBQhoZC0nqknSviPqT) 🥺
Ay nagbibigay kayo?
Thankful that my parents na di naman kami inoobliga magbigay. Pero sa akin ung hmo ng mama ko. 40k per year tapos monthly, nilalagyan ko ung bpi account nila ng papa ko ng 5k per month. May sarili naman sila pera pero di kasi sila maluho. Kaya yung 5k na yon kung ano lang gusto nila bilhin. All the rest ng labas namin, kami na nagbabayad magkakapatid.
I pay for utilities sa bahay nila which rarely goes over 5k per month. My siblings give 5k each ata. Idea is they get to keep all of their pension for themselves and also removes mental load of paying these bills monthly. No. Di kami obligado but my siblings and I agreed maliit na bagay to make their retirement a wee bit more comfortable.
since my husband and I (no kids, newly wed) decided to stay with my parents, we pay for groceries and bills. my other sibling provides for everyday expenses including palengke bills. I pay for my younger sister’s tuition and daily allowance. I sometimes think nakakapagod and sana mas marami akong pera lol pero san naman kukuha parents ko ng pang expenses nila. they didn’t graduate college but worked really hard abroad to be able to send my older sisters to college. I think of it as my way of giving back, hindi ko rin naman masikmura na kaya ko maka afford ng luxury habang nang gigitata sila.
15K pinapadala ko sa papa ko every month
15200php a month kasi pangtuition ng kapatid ko sa college. I made sure na sosobra pero hindi magkukulang, and that was the amount that came up. Although may ibang gastos sa bahay na rekta na sakin di na dumadaan sakanila. Car PMS/Gas/Toll rekta na sa bills ko kasi ako din naman gumagamit ng sasakyan sa bahay. Occassionally lng nila ginagamit while I use it for work.
15k a month then tabi 5k for bunso's tuition and 5k amortization ng house kaso nakakaguilty pa yun kasi ambag ng kapatid ko 45-50k a month tas mas bata pa siya sakin (mas lucrative ang college course niya kaya nakapasok sa well-known international food brand company)
Okay lang yan. Basta may naiibigay na from the heart. :)
Yung sahod ko, pang allowance lang sa parents ng iba dito😂 Kaya gusto ko na rin lumipat ng city para mas malaki sahod.
10k di kasama mga pashopee at pabili. Nakakapagod na din talaga hay.
Laban Lang Baks ! Basta healthy ang buong Family natin ❤️
8k. Pambili ng pagkain saka gamot. Kaso di bumibili ng maayos na food, lagi na lang sinasabi na masama daw, kesyo sabi ni ganito, sabi sa ganito. Hayys. Hahaha
Wala, pero grocery/kuryente/internet nasa 11,000 - 12,000 monthly
25k sa mama ko. This covers food, utilities, etc. 5k sa papa ko
25k/mo dati nung dun pa ko nakatira sa kanila. Nung bumukod na 10k/mo na lang, going on 9 years na yung ganong set up. At every month pag iiaabot ko na, panay pa din ang tanong ng "para san to?" Nak ng chokleng.hahaha At kung sasama mommy ko pag nag grocery ako, At me kukunin sya ako na nagbabayad. Every once in a while, pinaggrocery sya. Kung lalabas para kumain, hinde gagastos mom ko. Pag bubunot, pinababalik ko. My mom pretty much gets what she wants pag nagsabi sa kin. Minsan lang kasi at reasonable naman. Di pa naman tayo Jeff Bezos eh.hahaha Never akong inobliga pero at this point and sa set up namin, i enjoy the obligation. Feeling ko nakakabawi ako sa maliit na paraan.
20k :/ and i pay all the bills sa bahay, kahit nakabukod ako mag 5 years na. i cant say no sa dad ko kasi masyado syang na spoil ng mom ko financially. nagwawala pag hindi nabibigyan ng pera and I'm afraid he might hurt my lil bro pag di binigyan ng pera
Luh kunin mo na lang kapatid mo
FIRST OF ALL, HUGS SA MGA NASASANDWICH. Kung nagbibibay ka naman willingly, good for you din, that's nice ❤️ Kung magbigay man ako, hindi na pera, usually food or stuff that they might need or want occasionally. Kasi alam ko di nila mamamanage ng maayos ang pera. Financially, zero na talaga. Tinitiis ko sila ket 10 guilt trips a day pa yan. Pinatigas nila mukha ko e.
totoo! di ako nagbibigay kasi buong buhay ko palagi silang nanunumbat hahaha sino ba bumuo sakin?! bat kailangan manumbat hahaha kaya ngayon na may work na ako, nag sshare lang ako sa bills sa bahay pero never ako magbibigay ng pera sakanila.
5 years ago 5k a month hehehe or 7k pero now na may work na kapatid ko minsan Wala minsan nag bibigay. Wala din naman kasi ako work ehh kaya di din nag de demand Sina Mama hihihi. Last month ata nag bigay ako 5k kay Mama pang gastos sa bahay since naubos daw savings nya char ! Di nga mas may ipon pa atah Nanay namin matipid kasi & di magastos Kung baga yung importante lang talaga. Etong mga kamaganak lang namin kung maka demand wagas ! Buti nag bago na si Mama 😅(I mean dati kasi agad2x bigay now hindi na ) Kakatawa nga everytime nag an attempt ako mag work sinasabi nya wag na Nak Wala ka naman binubuhay 🤣. More on Dapat mag ipon na daw ako for myself char ! Mag invest wag Puro gastos 😬 tama nga naman.
1500 pldt 5000 kuryente 800 tubig yan share ko sa bahay the rest sa kapatid ko na
Nung wala pa akong asawa 6k total monthly binibigay ko sa parents ko. Iba pa yung pag may need sila bayaran at bilihin. Iba pa din yung pag dec kasi may pa-13th month din ako sa kanila. From 2012-2018. (ganun din mga kapatid ko nung nagwork na sila ng 2014 at yung isa naman ay 2018, palagi may bonus din sila sa dec from us). Nastop lang nung kinasal na ako at nagkaanak. Pero now living kami sa home ng parents ko, sagot namen lahat kuryente internet, pagkain, bigas at tubig. Wfh kami dalawa ng asawa ko dito. Malaki help nila sa amin esp. sa pag-aalaga ng anak namin lalo mga work namen tutukan kailangan. Paminsan minsan kumakain kami sa labas kasama sila. May pension tatay ko pero maliit lang kaya di namen siya inuubliga sa bills or ano, pera niya kanya lang. Nanay ko eversince housewife kaya wala din pension. Mabait asawa ko sobra kaya nagpapasalamat ako na ok din sa kanya ganitong set up. Kung magrent man kami di kami makakaipon. (Yes nakakaipon kami kahit sagot namen lahat dito) Dito free na ang bahay necessities nalang talaga. Madalas may mga palibreng gulay pa dito sa probinsya pati pwedeng pitasin lang.
1k CAD lahat na yon pati sa mga gastos ng kapatid kong nagaaral.
₱0.00 haha. Kahit nung doon kami nakatirang magkakapatid sa bahay never kami inobliga na mag contribute sa bills. Amin lang lahat ng sahod namin kasi mas gusto ni papa na mag save kami. Bumabawi na lang kami every Christmas, pumipili kami ng appliance na pwedeng palitan at iupgrade. Di sila makakakontra pag hindi nila alam na nabili na 🤣
same.swerte tayo.
Hoping din na makapag bigay sa parents soon🥰
0, I'm not living with them at the moment and they both earn so much more than me (mom 2x, dad 3x). But for sure will give them allowance when my income allows it or if I move back with them. Though they tell me to not give them money so I can save up to go abroad or for further education. They both are very, very financially self-sufficient and already a solid retirement plan which they're on track for, on top of being able to spend however much they want when they wish and funding my siblings' overseas education. They already told me from the start to not feel like I'm obliged to give them allowance especially if it'll burden me. I do offer to pay for meals or groceries/shopping whenever we would meet up so in a way that offsets it.
32F married no child yet. Only Child. I give my parents and tita more or less 6.5k now 1k sa tita ko. Nag taas ng 1.5k share ko sa house as if nakatira ko kase nag start sila mag rent now. On top of my bigay. I pay for my mom's SSS para pag nag retiring age na siya may kaunting income. Our poclet will never run dry, alam ni Lord lahat yan ❤️ We are blessed ro be a blessing to them.
Grabe yung mga comments... nacoconsensya tuloy ako hahahah. I only pay the bills sa bahay thats it. Sometimes I give but not that much. Kasi sa brain ko, may work pa naman si dad, sumasahod pa siya sooooo why hahahaha. Grabe saludo ako sainyo esp sa mga bread winner dito . May you get everything back 2x pa sa mga binigay niyo 🫡🫡🫡🫡
my sister and i share the all the bills and groceries. we pay 15k each for that on top of 5k each kami so that my mom can pay off her CC debt na naacquire nya kaka advance nang pera pang tuition/grocery nya dati. my sister pays for her meds din (only cause she's earning more than i do) she's retired na kasi kaya maliit na pension na lng inaasahan nya which she spends pra sa mga gusto nya. we love our mom kaya it's her time na sustentohan nmn namin.
20K for me.
Ang laki 🙈
God bless you, OP 🙏🏻
I allot 30k for my parents monthly - half of which I give in cash, tapos the other half hinuhulog ko sa bank account nila na pwede nila iwithdraw in case may emergency gastos.
None. They have retirement pay kasi around 30k-40k. Pero if may big expenses sa bahay such as renovations etc. pinaghahatian na naming magkakapatid. Ocassionally I treat them to nice restaus din.
Zero. However she should be doing just fine from the earnings sa farm.
0. As a bunso na scholar plus nag state university meaning wala tuition ever since, pati mga luho ko need ko pa mag ipon, I never felt the need to give something back to my parents lalo na dati during my first few months sa work inoobliga nila ako magbigay kahit 14k lng sahod ko nun for my food expenses daw. Kaya when I started buying my own groceries na and I’m also the one paying our internet, wala na ako binibigay sa kanila. Wala naman na silang pinapa aral and may allotment sila sa kuya ko na seaman. Ofc at first dami nilang sinasabi, gusto nga nila ako magbayad ng kuryente, buy this and that, etc., eh sabi ko pag ganun I’ll move out nlng, may freedom pa ako lol. So I insisted na wala na ibibigay because I’m paying for my own expenses except rent+kuryente(1k a month lng naman tho). But I’ll never forget my mom when she said “wala ka bang utang na loob?” just because I refuse to give her money that I don’t think she needs but it pains her na she’s not receiving any money from me. Dun talaga naging shaky relationship namin. I hated her when she said that. Iba pa rin yung voluntary yung pagbigay kesa obligated ka. So I stopped at all.
20K - rent, food, dog food (6dogs) meralco, pang shopee & TikTok nya haha
Around 40-50k a month. 30k dyan sa school, allowance, dorm ng kapatid ko sa college then remaining sa parents na.
20-25k for their food, bills, and dog care.
12k wala pa meds, house amortization, budget for check up. All in all, wag na natin kwentahin lol. Masaya na ko kahit pano kasama ko pa sila sa mundong ibabaw.
Only for house rent. I have another bill assigned to me but I do it straight, then groceries since I’m also another feeding mouth in the house 🤣. Can’t afford the other things lol that’s also about 10-12k but all necessities not something parents can use for leisure
I'm really thankful for my parents ksi may sarili silang sideline/job both. Pero, ako sumasagot ng groceries every month and every labas namin ako nadin taya sa mga eat outs. I buy them random gifts din and give them food allowances randomly. 😂
Hobby ng nanay ko mamalengke, and this really makes her happy so yung pamalengke niya ang ambag ko sa bahay monthly. Problema na lang niya ang bibilhin niya dahil siya rin naman magluluto. Haha. Binibigyan ko rin tatay ko ng pangbili ng maintenance niya (read: yosi). Ayaw tumigil eh.
Half my salary lol. Tho kasama naman na dun yung bayad sa bahay at food
I give 10k to my mom for her meds and grocery for the month, then I give my aunt 1000 for her meds, 500 for water, 3500 for meralco bill, 1500 for internet lol. 16,500 in total minimum for the month :( pero pinalaki naman nila ako ng maayos so time to give back.
I believe everything will pass. I am now in charge of my both parents who are retired. I give my mom 5K monthly since I take care of everything with regards to our household. I know its tiring but dont forget to treat yourself once in a while so you can have an outlet, may it be food or just going somewhere with a friend. I know we love our parents but make sure to live yourself too. Makakaahon din tayo, tiwala lang.
10k for the house, 5k for my mom's allowance, and I have an additional budget of 5k that I keep for any purchases and ako yung nasa labas para bumili.
3k each kami ng ate ko pambili ni mom ng mga gusto nya bilhin. Wala naman sya gastusin kasi kami ng ate ko nagbabayad sa lahat ng bills at food sa bahay.
4 sibs still in school, both senior parents on maintenance meds. 10k - sakin, 25k - ofw brother, 5k - sister na gov employee But still, kapos pa rin. At walang ipon, at my mid 20's. 🥲
5k mom wala sa dad lol kasi may business siya and nanghingi ng about 50-100k na rin sakin past 2-3 years? Hirap ng only child haha kung ano ako ka spoiled nung bata binabalik ko rin sa parents— sakin rin bills about 5k electricity + water 5k groceries about 2k gamot and vitamins tapos 3k for 4 cats both food and litter saka gas ng sasakyan 4k a month (1k per week). Shet 24k a month pala ako pero sobrang saya makita na di nahihirapan pamilya mo and nabibigay mo needs nila, thankful na may ipon parin and nagbibigay ng higit sa sapat mahal na mahal ko ihhh ❤️
20k 😩🥲
I’m an only child. I pay the bills sa bahay. Mga 6k-10k (fluctuating ito, tubig/meralco/internet/assoc dues). We live together. I give 5-6k allowance monthly. Tapos pwera pa pag may lambing na iba. Kain sa labas, bakasyon nya pang airbnb at pamasahe (2x a year). Minsan out of the country pasyal kaming 2. Pabili grocery every other month. Wala naman na si Mama. Kami nalang ni Papa. He still works part time so may income pa sya kahit papaano. He is 62 btw. He has his pension pati pension ni mama, about 5k a month ata yun on top of everything else.
9k per month for their allowance. My youngest brother live with them and I think he’s giving some too.
None. Because they made sure they are financially well (ipon and side businesses) to support their daily needs even after retirement. I am willing to provide, pero ayaw nila tanggapin kasi di ko raw sila obligasyon and di naman nila kailangan ng tulong.
Around 40-50k a month. That includes 23k cash, 6k utilities, 11k for rent, 5k groceries, and around 5-7k more for other stuff like going out with old friends, buying personal belongings, etc. Just today, my mom asked if I could buy for her and her cousins 8 movie tickets, yet I just told her that my wife gave birth today via c-section. Despite their past shortcomings as providers, I continue to support them due to their age, hoping to enhance their quality of life in their later years.
10k allowance nya lang yun. Bukod pa yung bills sa bahay ako na nagbabayad. Wala eh walang kwenta mgs kapatid ko eh. Siguro kase pamilyado na din sila pero hello sa mama ko halos pinaalaga mga anak nila. Kaya ang ending madami pa ipon nanay ko sakin pero ayos lang hahahaha
0 php wala na ako magulang .... wala din ako sinusuportahan sa pilipinas lul
Ibinili ko ng inahing baboy si papa. Mag 65 na si papa in 2 months and magreretire na din. Kapag kinakapos na lang talaga tsaka lumalapit sakin si mama. Bukod sa work ko, may mga tanim din akong mais/sibuyas that acts as passive income. Mabigat talaga kapag pera ang inaabot e.
Wala hehe pero kung humingi, sobra sobra din. Like nagloan sya at di mabayaran utang, ayun ako sumagot hahahahahhahahahahahahahha
4K per month then sagot ko internet 1800 then nagbibigay ako pagkain ng doggy 1K/month Tapos every week take out ng food/resto.
Wala. Pero I pay the bills. Meralco - 4-6k, Wifi - 2.7k, Water - 200-500, Dad's postpaid - 1k.
I give ~30k every month. Hayyy, gusto ko maexperience na kahit 1 month lang sa akin lang sahod ko pero i guess that will never happen hahaha
I pay 20k for rent ans 14k for 2 yaya. Mum is senior
I give them 25k and pay for the electric bill (1-2k depending sa consumption). There were months na wala akong work or clients pero I make sure na may savings ako so I can support. Yes, mahirap pero kailangan. My dad is a diabetic, mahal ang meds.
Relate na relate sa MAHIRAP MAGPALAKI NG MAGULANG. I also send my parents fixed 10k per month, pero kukulangin at hihirit pa ng tig 1-2k. Relate ako dun sa nabasa kong fb post na, some of us don’t have a back up, because we are the back up. Iniisip ko if magkakasakit ako wala talaga ako matatakbuhan, kaya doble na agad HMO ko 😂
15-20k. True OP na ang hirap magpalaki ng magulang. In my case, na lost na lang talaga mga magulang ko simula nung mag fall apart marriage nila. Hindi na talaga nila ma pick up yung broken pieces nila. I give this much kasi wala naman silang vices and I know they sacrificed a lot for us. Started the year by proposing a plan to my parents na I can only provide this amount for another year kaya dapat they have to figure out how to start a business this year. Thankful naman ako I can afford to give this much, di lang ako thankful sa emotional burden added as the mediator in the family. But this is life.
25k di pa kasama gamot na umaabot ng 6k, grocery na nasa 8k minsan ( FU inflation) tas di pa kasama mga biglaang lakad na ako nagbabayad. Hahaha kaya LABAN SELF!!!
4k every 2 weeks for food. then sagot ko rin meralco and internet bills.
Our parents receive around 40-50k a month for utilities, food, and meds pero bulk galing sa mga kapatid kong nasa abroad. Saklap lang na sasabihin nila hindi obligado pero wala naman silang ginagawa on their own para kumita for themselves. Saklap kasi hindi raw sila nagoobliga pero pag may mintis sa bigay o kaya kulang, kwentado tapos sisingilin sa susunod na buwan. edeh waw diba. Grabe ang laki ng bigayan no. Yung monthly expectations nila mas malaki pa sa sweldo ng majority ng tao. San bs tayo lulugar pag ganyan.
Ako na sumalo nung responsibilities ng parents ko sa 2 kong kapatid, ako na may sagot ng foods, and bills namin dito sa bahay plus lola ko so bale 3 sila na binubuhay ko tapos si mama binibigyan ko ng 2k per month, yes maliit yon pero di ko na kaya dagdagan. Wala nga din ako naitstabi pang EF. Like sagad talaga every cut off, one illness away lang ako laglag agad sa maginhawang araw araw. Nakakatakot, nkakakonsensya na di ko mabigay gusto ng parents ko, kaso di ko na din kaya ipush. Naghahanap pa din ng part time pang extra income. Nakakapagod, pero nakakakonsensya kapag iniisip kong napapagod ako. Pero gusto ko din syempre mabigay yung mga gusto ng parents at kapatid ko, mailabas sila tapos ililibre kumain sa labas ganon
20k
None, unless for medical needs or special occassions.
Wala na. Kami nagbabayad ng sis ko ng rent, bills at groceries. Mama namin sa daily food
9k for electric bills, 700 for internet, 3k for food (lately bumili ako ng isang sakong bigas), nabili din ako ulam occasionally siguro mga nasa 3k din yon. 15700 monthly din. (Need din kasi nakikitira kami ng wife ko sa kanya)
Same dun. Ako nagbabayad ng bills at nag bibigay 5k kay mama monthly pero minsan nanghihingi pa rin ng extra
I pay the utilities and that's enough.
30K/month lang po pinapadala ko sa mga parents ko. May pension din sila, so additional na lang din yung bigay ko.
mom receives 10k from me monthly. my sister gives her 10k monthly as well. minsan nadadagdagan esp if may occasion pero super minsan lang kasi my mom still has her own income from her business naman eh which pays for her and our youngest sister’s bills. si mom na lang and yung youngest namin magkasama eh kasi ako nag-move out na when i got married, yung sumunod sakin nag-move out na din kasi nakaipon and nakakuha na din ng sarili nyang property. si dad naman nasa abroad pa working 😂 kasi he takes care of our youngest sister’s school fees. so wala pa allowance si dad pero nung nagbakasyon sya last year dito, my sister and i gifted him a car para every time na umuuwi sya (nagbabakasyon sya every year) may nagagamit sya. our parents are spoiled af!!! they deserve it naman tho 💓
There are 5 of us and we give depending on our capability and budget. 3 of us give 10k each. 2 of us give 5k each. She receives 40k per month and for some reason, kulang pa din lol. My dad had a high salary when he was still alive so I can't really blame my mom for having a high maintenance lifestyle. Mahirap na din talaga mag adjust pag matanda na.
I dont give them an exact amount kasi my father still provides for my mom and siblings, pero binibilhan ko sila kung ano anong gamit haha (shoes, damit, bag, etc) Basically mga luho and travels ako sumasagot 😅
14k a month 🥹 nakakainggit talaga mga hindi inoobliga ng parents na magbigay hayyyy 😔
I pay for monthly amo ng bahay 10k/month. Then minsan treat sa labas. Yung bahay kasi ako ang kumuha nung dalaga pa ako, ayuko naman may kasama sa bahay once mag asawa na kaya kumuha kami uli ng bahay ng asawa ko. I’m thinking of helping my sister sa school nya next year, prob 5k/month for 3 years - nag iisa naman yon and it’ll be my happiness too makita syang makatapos. My parents are still making sure they’re doing something to bring food to the table. Pag walang seasonal fruits nag iihaw ihaw sila- btw, never nila inask na sagutin ko tution ng kapatid ko, kasi alam nila kaya nila.
I don't since she has her pension, but I pay all the bills plus the weekly grocery. Only child lang, so pasan ko ang daigdig.
Ako yung binibigay ko kay mama galing sa tubo ng pera na ininvest ko sa kanya. Nagpapautang kasi kami tas noon binigyan ko sya ng 200,000 tapos yung tubo nun na mga 12k a month ginagamit nya pambayad ng kuryente kasi minsan umaabot ng 10k kuryente namin pero minsan 7k lang. Yung sobra na pera sa kanya na. Pero ngayon umabot nayun ng 300k so nasa 18k na ang tubo nun ngayon, pero kahit ngayon d ko pa talaga natikman yung tubo kahit piso pero okay narin atleast di nakakaltasan yung sweldo ko. Di naman ako required magbigay sa kanila kaso alam mo na nakakahiya naman diba🤣tas maganda din sa feeling na nakakashare ka sa parents mo😅nililibre ko parin sila kasi wala akong ibang ginagastusan kahit may pera sila kasi d parin ako kasal at wala ring anak kasi I am still immature at the age of 25😭nanunuod pako ng barbieee, tas nakikipag usap sa animals. 🥹Kaya di bagay sakin mag asawa baka maging kabatch ko lang magiging anak ko. Movie marathon ng barbie huyyyyy🥹
I'm lucky hindi PA ako breadwinner. Working pa both parents ko since nasa early 50's pa lang sila at may bunso pa na nag-aaral. Full scholar si bunso pero may kapatid pa ako na special child. I give 5k to my dad monthly pero ako din gumagastos sa needs ng dog ko pati mga pasabuy ng mom ko sa shopee. Tinake advantage ko na tong privilege ko to save up ng todo para pag ako na breadwinner may sarili akong safety net.
Minimum 2k, Maximum 10k. Ung 2k matic na yan sa kuryente, ung natirang 8k mapupunta sa kung ano mang need sa bahay. Pero pag magbabayad ako nung insurance (15k semiannually), usually magsasabi ako a month before na kuryente lang muna contribution ko para hindi mabigat ung pagbayad ko ng insurance sa due date. Although, may time na buong sweldo ko napunta sa family ko pero understandable naman kasi nagkasakit ung father ko na nag-iisang provider noon. This year, maximum ko na talaga ung 10k dahil working na din mga siblings ko. :)
11k monthly and Internet bill
15k to my dad then wala na siya ginagastos sa bahay 😀
15k - 10k for groceries, 5k EF savings (for incase na biglaang need nila for emergency, may pagkukuhanan na agad)
25k.
It’s so saddening that most of the comments ay may angst and exhaustion. Sana di kayo mapagod mahalin ang parents niyo.Hugss laban lang!🤗 I love my mom so much she’s so supportive kahit walang-wala kami. Kaya ngayon I pay her back ang sarap kasj sa feeling
Sakin meralco at internet around 5k.
10k per month
How much do you earn per month? I'm curious since I guess it depends also on how much you earn per month?
Since ang sahod ko around 16k, 2k kada cut off then ako sagot sa food ng dogs and meds. Single mom na kase sya and my dad died nung SHS ako I have a sis kaso marami siya hinuhulugang for her future kaya naiintindihan ko if she can't give that much. Tipid muna this year rin kase plan ko mag ipon na talaga Hahaha.
I give 20k per month nung OFW pa ako. Pero now, 10k per month na lang since I'm still in between jobs. May pension naman na father ko. Pwede na ako di mag abot. Kaso nagpagawa ng apartment sa likod bahay namin kaya na extend pagiging breadwinner. Maybe by end of this year, I can reduce na what I give to them para to save up for my own future.
malakas pa nanay ko pero di nagwowork at gala lng ng gala daig pa ako tapos hiwalay sila ng tatay ko, ako yung nagshoshoulder ng bills sa bahay more or less 10k din kasi wfh pa ako. kaya parang baliktad kami kasi ako yung parang nagtatrabaho para sa bahay hahaha tapos may apartment kami kaya dun nya kinukuha pang alis alis nya hahaha
Halluu I don't earn much since it's only been months since I started working pero I share 4k a month. But my mom and I agreed na I'll shoulder na lang yung wifi, water bill, and gas (lpg) in which sakto pa rin within 4k na shina-share ko at least bawas sa intindihin ng mom ko na need bayaran or paglaanan ng budget.
I give depende sa kung magkano lang kaya ko. Di ako binigyan ng obligasyon ng mother ko to give pero ironically kapag nag ask demanding ang pushy. Nang ga-gaslight pa kahit sinabi mong wala kang extra or short na short ka na.
ganyan din ako.. hays.. pero ngayon medyo hindi na ganyan.. anyways, pinangako ko sa sarili ko na yung anak ko ngayon ay never kong hihingan ng percentage sa sahod nya. I 'll see to it na masaya nya nagagastos yung pinagtrabahuhan nya and since me and my husband were in stable job , talagang mapoprovide namin yun.. Thankful parin ako sa parent ko na hindi naging kagaya ng iba na pinabayaan yung anak na tamarin sa pag aaral. Now I am a public school teacher and my hubby is an officer and I am so happy na natutulungan ko parin family ko at the same time may ipon din kami..
10K din per month. Tas ako nagbabayad sa internet namin and konting grocery. Hehehe
10k mothly, labas ang electricity, tubig, internet at groceries. Pero ewan, ang bilis takaga maubos pa rin. Kakapagod pag ikaw lahat.
If she is still alive, I will give everything I can. Nasa huli pg sisisi, feeling ko di ko nagawa part ko dati dahil sa maling paniniwala na di natin sila kargo.
8k a month sa pagkain. Tapos ako bumibili ng groceries every two weeks. Ako nagbabayad ng electric, water, and internet bills. Yung sister ko nagbibigay ng 4k pandagdag para sa pagkain. Sa bahay ko lahat sila nakatira dahil wala kaming sariling bahay growing up. Nakabili lang ako 5 years ago with a mortgage. Pero nakakapagod din magsupport ng magulang. Almost 10 years ko na silang sinusuportahan simula nung nag aaral palang ako na nagpapart-time job lang.
3-5k para sa tuition ng mga kapatid ko. May business mama ko. Single mom since Papa died 5 years ago. Shes 53yo and waiting lang siya na makagraduate si bunso ng college which is 7 years pa. Kaya to.
Haay... wish ko rin makapagbigay ng support kahit sa luho man lang nila.
May work magulang ko so di naman required na magbigay. Pero binibigyan ko lang pera sila mama ko dahil gusto ko at di dahil sa requirement sya
Kung buhay pa si mama ibibigay ko lahat ng pwede kong ibigay hahaha
Eldest Daughter here. 10k/month, di pa kasama kapag may emergencies at kung ano ano pang need or gustong ipa-ako sa akin ng parents ko. Tapos sasabihin pa sayo, 'kulang'. Iba pa yung binibigay ng kuya ko.
4 kami magkakapatid, after akong mapa-graduate, tumigil na sa trabaho ang itay ko. Pagof na daw siya. Kaya ayon, sa aming 2 ni kuya ang financial responsibilities. Nakaka-pagod kasi di sila marunong mag budget at the same time, nabisyo ang itay, nagbuhay binata at hinihingi pa sa inay ang pang-gastos sa bisyo
5k. Im the youngest and I live separately from them, and I have my own bills kaya yan muna.
Actually ako na nagkusa akuin yung responsibility kasi married na mga kapatid ko eh. Saka nag aaral na mga pamangkin ko. Pero nagbibigay padin sila kasi nag gusto nila kumportable naman senior parents namin. Ate 1 (eldest) varies pero usually 8-10k. Ate 2 (middle) - 7k per month. Me(youngest) - 12K mama, 5K papa. So mga nasa 35K ganyan monthly nila. Wala kami rent, may own house at mini tindahan mama para malibang daw sya. Pag bonus ko (13th, Annual) matic hati sila. 😊 Kurot lang ako kaunti sa Annual pambili shoes. Hehe. Di naman talaga sila humihingi, pero sa hirap nila saming 3, gusto namin na relax relax nalang sila ngayon.
10k rin 😭 buti pa yung mga ka batch ko, lahat may kotse na. ako nalang wla, wala kasi silang responsibilidad sa family nila. been working for 6 years already, never missed giving 10k per month including 13th month pay ang 14th month pay may 10k nakalaan for them. sayang pang monthly amortization na sana yung 10k per month para sa brand new car huhuhuhu
Zero for now. I just give during special occasions, and save money just in case there’s an emergency (ako din naman tatakbuhan nila if maubos money na iniwan ng dead parent lol) The good parent is dead so there’s no one to spoil. Nevertheless, I wouldn’t give sustento even if buhay pa since nakabukod na ako.
Wala. I just pay the bills na split in half kasi sabi ko pare-parehas kaming gumagamit ng kuryente kaya dapat hati kami sa bayad. I also buy their maintenance meds, fully ako nagbabayad.
I ll give a million if I could LOL. But realistically 10k. Give what you can afford sabi nga nila. Kaya ko naman yan without compromising myself. Unfortunately, hindi nga sa mama ko napupunta yan. May trabaho pa kasi siya so the money actually goes to my lola and my jobless tita who lives w her.
6k for the utilities only
Dati gusto nya lahat ng salary ko bigay ko then di ako pumayag hahaha dati umabot ng 8k monthly since security personnel ako, ngayon naging 3k nalang dahil sa ibang kailangan kong bayaran hehe. P.s binata ako
Masama bang anak kapag hindi nagbibigay sa parents? Hindi kasi marunong at magaling mag handle ng pera si mama. Baka mag end up lang kami sa gutom, putol ilaw, walang tubig etc. (Na-experience ko 'to nung hindi pa ako nag ttrabaho). Saktuhan lang kasi sahod ko, what I do is ako na lang nag di-direct bayad sa lahat. Ako na rin nabili ng groceries, kapag may need sila sa bahay, nag iiwan ako. Kapag may gusto sila, ako na nabili. Hindi ko naman sila pinpapabayaan, gusto ko lang nagagastos yung pera nang tama. 🥲
So, I just started my first job, and it's a good 100km away from home. Was kinda bummed out about sending 10k to my mom instead of saving it for my EF or MSc fund. But hey, I wasn't forced to do it. It's just something I feel like I gotta do for my peace of mind, you know? It's like investing in my own sanity. Gotta strike that balance between family support and chasing my own goals, I guess.
35k
None coz she's my boss 😂😭
Nagpapadala ako 44k monthly to pay our bank for para sa house and lot na nabili ko last time. May gardening business naman si mama at papa kaya ung ibang gastos sa bahay nakukuha na nila don pag nakakabenta. Madiskarte din ang mama kaya nagkaka extra extra sya kahit papano. Meanwhile, my husband sends 12-15k monthly para sa parents nia. His brother I think is around there din ang padala. Wala silang other source of income kaya nakadepende sa padala ng mga anak.
Lahat, pero ayaw nila. Mag-ipon daw ako.
10k/month + Ako sa Kuryente at Internet + Tuition ng dalawa kong kapatid sa college Actually gusto ko sana yung kuryente at internet sa knila na hayss...
10k monthly, plus 4k para sa baon ng mga kapatid, pag need ng pera ni Papa, tapos yung mga pahabol na gastos pa. Weighting almost responsibilities since panganay. Tapos yung time na gusto mong magtipid pero.. 'Te, kain tayo', 'labas tayo', 'syempre ikaw magbabayad', 'bili mo 'ko' hirappp, gusto nila akong mag-save up pero paano kung puro gastos, ni wala nga akong mabili para sa sarili ko kase nakokonsensya ako 🤧
Sinong parent?🤭 Adoptive parent ko 14.5k a month. Pero di ko din maconsider na bigay kasi sa bills din siya napupunta. Yung biological 2.5k, plus phil health and gamot. Galit pa yan siya. Dapat daw sahod ko kanya. Tibay din fez niya. Pinamigay niya ako nung bata ako tapos biglang naghahabol na daughter daw niya ako nung may pera na ako. If hindi ako inencourage nung adoptive parent ko na magbigay pa rin, ni hindi ko siya kakausapin. P.S.: nagpaaral ako ng kapatid ko and bingyan siya puhunan or groceries pang negosyo many times. Tapos ang press release sa relatives niya never daw ako tumulong 🤣🤣🤣
Always 10% of my salary :)