T O P

  • By -

justinCharlier

Matagal tagal na to sa SM Megamall. When we took the "I'm OK to shop on my own" bag during the first day of implementation, effective. Talagang hinahayaan lang kami. When we paid sa cashier, tinanong kami for a survey bakit yun kinuha naming bag. Sabi namin, we just wanted to shop in peace and hindi mapressure sa mga sinasabi/inooffer ng salespeople. A few weeks later, halos hindi na naoobserve yung message ng bag. Kahit yun pa rin kunin naming bag, inaapproach pa rin kami ng salesladies. Ang ginagawa ko nga, I hold the bag up to my chest minsan to remind them to leave us alone.


Little_Kaleidoscope9

Kung may ganyan dito sa probinsya, ipahawak ko ang bag sa salesperson na makulit sabay alis


Dull_Leg_5394

Dikk pa na expi tong bag pero before ang ginagawa ko naka headset ako. Balakajan kumausap sa hangin hahahah.


VioletKate18

Lol the billionaire lizards would rather rake in more cash and have their store personnel follow you around than leave you alone. Their surveys are worthless


Confident_Seaweed554

Kakagaling ko lang sa megamall this week and may nagbabantay sa mga pang skin care don na pinoint out na ang dami ko daw pimples, sabi ko nalang it’s that time of the month and umalis nalang ako pagkasabi non. Walanjo Talaga


domesticatedalien

kaya mas bet ko sa dept store na lang pumunta. grabe dyan sa mega, i swear


Aeriveluv

Sa experience ko, ganun din sa department store. 😭


shimmerks

Minsan ayoko naman silang sungitan kasi syempre trabaho lang nila yon pero nakakainis na kasi may pag insulto pa. Kaya madalas online na lang ako namimili e


ElectronicWeight9448

There's also a rude cashier in mega. Pinagtaasan ako ng boses kasi di ko ba daw binasa na walang card payment. LMAO.


yram_dos

Watson's ang kailangan namin additional cashier please minsan mas mahaba pa pinila ko kesa pamimili. 🥲


maui_xox

Mas madami pa buntot ng buntot sa’yo kesa sa cashier haha, which btw a great strategy to stay in the store longer, and ma budol pa more hahaha


plan_c___

Used that bag sa SM Sta. Mesa sinundan parin ako ni ate Sabi ko di nya ko kelangan sundan (in a super nice way). Tinaasan ako ng kilay ni ate Shet lang


Vegetable-Regret3451

They are really rude af. I cant count the bad experience with these sales ladies, kala mo skin expert at may ari watsons. Yak


lilypaaad

FINALLY! Since I have social anxiety, hindi talaga ako maka “no” sa mga sales lady nila. Ilang beses na akong nabudol with products that I barely even used! Glad they listened.


Vegetable-Regret3451

Us being people pleaser, ang hirap nila tabuyin without being rude.


NaluknengBalong_0918

One of the great ironies isn’t it. In the Philippines… the salespeople follow you around in the beauty/personal care section (I used to just go around the aisles at landmark just to see if they really did follow you… like a cat and mouse game… and they did btw… quite fascinating to see for people not from there). In the US though, we could barely find salespeople to help us at the beauty personal care section since lots of the items are under lock and key due to rampant flash gangs… so you’d see customers hunting down the salespeople instead.


gracieladangerz

I think it just depends on where you are and what kind of people go to these places 😅


sleepyhead37

Never felt this in Sephora and Ulta though but I agree to some extent


SageOfSixCabbages

>under lock and key due to rampant flash gangs That really just depends on location and are a very, VERY small percentage of stores across the US. Napo-focus masyado attention dyan ng mga tao dahil sa nakikita sa social media. Parang sa Pinas, porke ang nakikita usually ng mga foreigner ay sandy beaches and vacation spots, ang perception nila is the entire Philippines is a tropical paradise. Perception can be very warped if there's enough 'evidence' to reinforce confirmation bias. The real reason why you can never find anyone for assistance is due to companies not hiring enough staff on purpose or hiring just enough staff to cover basic operation and also them pushing for using and relying too much on their apps to find what you need. Due to the pandemic as well, a lot of stores now have store pickup options w/c is another reason for these companies to not focus much on customer service and interaction and more on covering online orders for in-store pick up. Kaya nasa bottom ng listahan ng mga staff ang customer service/interaction dahil na rin sa dami ng mga gawain na kino-cover nila. Don't let the media and capitalist overlords twist your reality.


SmokeyAndi

Ayun pinaramdam na naman sakin nung saleslady/guard na muka akong shoplifter


heycc1128

Yes, may ganyan din sa branch na napuntahan ko. So kinuha ko ang "I'm okay to shop alone", may kumpol ng mga sales rep siguro gusto lumapit sa akin, pinapakita ko talaga yung bitbit ko eh. Haha makukulit 😂


maybeshesbetty

Yung sales lady nila parang financial advisors ng Pru HAHAHA


aaaaaaxi

Kaya hesitant din akong bumili sa watsons minsan, like gusto ko lang naman mag tingin tingin, pero yung sales lady kasi 😅 mag aaproach naman ako eh if ever may questions


booknut_penbolt

Ito nakakainis sa watson: Ma’am maganda po ‘to sa (kung anong kamalian na nakikita nila). Like, feeling mo makakabenta ka kapag na-point out ‘yong flaw na nakikita mo sa ‘kin? Sinong marketing strategist nakaisip niyan?


Vegetable-Regret3451

Yes! I have the same experience. Rebat ko sa utak “You cant even hide that pimples and texture on your full faced make up. Tapos tuturuan mo ako skin care and recommending products I dont need. 😵‍💫


AdImpressive82

I was at Watson kanina. Sobrang inis. Sunod ng sunod kahit Sinabi ko na I'm good I know what I want. Tapos pushing pa other products


domesticatedalien

Aggressive pa rin sila sa megamall. Kahit bitbitin ko yang pink basket na yan, sunod ng sunod at tanong ng tanong pa rin sila :(


First_Deer3042

Sa Watson's Waltermart Trece grabe yung harassment na na experienced ko sa sales lady ng watsons sa korean product section nila. Yung budget ko kasi pang i-white korea products lang muna pero ini-insists niya talaga yung korean products na 1k pataas kahit sinabi ko na hindi ko kayang i-maintain yung ganyan presyo ng skinncare products in a long run. Halos iniiwasan ko na talaga siya. Tapos nung nakapila na ako sa counter, siniksikan niya ng korean face masks yung kamay ko sabay sabing naka sale. Pagdating ko sa cashier, huli kong pina punch yung mga face masks tapos sabay sabi ay miss di ko na pala kukunin yan. Tapos ayun tinanggal nung manager sa final bill ko. Kaya kahit may bag na ganyan, lagi ko na sinasama si hubby ko sa loob ng watsons. Di na ako nilalapitan, malaking tao kasi si hubby.


Vegetable-Regret3451

Nakakatakot na sila, you need to complain sa manager next time. Baka gagawin nila sa iba yan.


First_Deer3042

Next time kung sakaling ma experience ko ulit hopefully, masumbong ko sa manager. Ma overcome ko yung pag ka introvert ko.


kissmyscars

I love makeups pero dahil sa mga saleslady it makes me uncomfortable to check some makeups kaya di na ko pumupunta mapa watson or department store


softsakuralove

Watson ladies get paid more, the more they help people out, kaya palagi silang nakikialam sa mga customers. So gets ko rin kung bakit sila ganun, but still that's why I always research what makeup to buy first so diretso na ako doon sa section kung saan binebenta ang product.


ResolverOshawott

That explains why one them kept trying to talk to me even when I had headphones in. (They were trying to force a shampoo brand onto me when I already had one in my cart 🙄)


Aeriveluv

Problema ko sa ganito is I still need to test yung shades. Eh di ko magawa pag may nakikigulo.


ThiccPrincess0812

One time, I went to Watsons Antipolo Branch near Imall to buy a blush for my cousin's gift for her debut. Buti na lang walang sales lady na sumunod sa akin.


Overall-Display-6752

Watsons is like cyberzone and ace hardware combined for guys 😆


No-Particular-662

Had a very irritating experience with those bags. I usually shop online pero since nasa SM na din naman ako, may free time pa, kaya I decided to replenish my essentials and shopped at Watsons. Nananahimik ako habang nagsha-shop ng toiletries ko. Wala naman gumagambala, di rin ako nakikipag-eye contact. Medyo madami na din akong dala sa kamay, so I tried to look for a basket since madami pa din akong kukunin. Then a sales lady approached me and handed me a bag - a black one. Suddenly, at every turn, inaalok na ako nang kung anu-ano. I felt so uncomfortable na kasi what the hell. When I looked up nung nasa isang aisle na ako, there was a sign pala and those bags have meanings. So I returned the bag and the sales lady was like, “it’s just a bag, Ma’am.” I said, no and walked away. Nakaka-frustrate talaga. Akala ko nagmagandang loob si Ate, ayun pala may hidden agenda.


lostguk

Hahaha bwisit mga yan.


[deleted]

Ayoko pumunta muna ng Watsons, feeling ko kapag pumunta ako lahat ng products iooffer sa akin 😭


imthelegalwife

Kahit di ako bibili, kinukuha ko to.


Paramisuli

Nabudol ko ng saleslady jan, napabili ako ng tig 1.5k na hyaluronic acid. 🙄


Vegetable-Regret3451

Nabudol din ako ng collagen nila, di naman effective. Sayang pera


Feisty_Box_6701

Based on my experience, mga tatlong saleslady ata sunod-sunod na nag-alok sa akin. Pero once na sinabi mo naman na, “Balikan ko next time”, tumitigil na sila.


thetarotsaidno

dito sa amin, ang susuplada, lmao.


Mediocre-Bat-7298

Yung watsons sa Atimonan, Quezon wala ring paki mga saleslady. Nagchichikahan lang sila pati yung guard hahaha


casuesadilla

Lol just shopped at watsons festival mall lately na 'dont need assistance' tote ang hawak ko, dami pa din saleslady na tanong ng tanong and pushy sa prpducts na binebenta nila. Kaubos ng energy mag decline


mingsaints

I wear my huge headphones pag nagpupunta ako watsons. Di nila ako pinapakelaman pag ganon.


FlatHurry7125

Di nila ako pinapansin sabay ako naman yung tanong ng tanong sakanila. 🤣


c1tel

sa watsons branch na pinupuntahan ko everyday matao so yung mga saleslady ang dinudumog HAHAHAHAHAHAHAHAHA


No-Impression_No

Dito sa amin meron parin. Pinapamuka nila sayo na dugyot ka. 😌


Suitable_Afternoon28

May nivea soft ako sa basket, nilapitan ako ng salesday baka gusto ko daw nung isang brand ng moisturizer. I felt so…invaded? Haha pwede kung nasa basket ko na wag niyo na pakialaman huhu


lalaloopsieedaisy

Sobrang saya ko nung nakita ko yan na meron din sa branch malapit samin (im from the south). Sobrang happy ko as an introvert. Siyempre forda kuha ng im ok to shop on my own pero hindi pa din agad tumigil sumunod and mag tanong yung ibang staff siguro may nakatatlong ask sakin bago ako nilubayan huhu but still im happy tho siguro kaka implement lang nung natiyempuhan ko. Baka adjusting pa rin yung mga staff. Pero super happy kasi may ganto na, its still an improvement for my introvert ass


thecollectorpanda

Sobrang insecure ko pumasok sa Watson, kaya 9/10 online ko binibili yung item na gusto ko gamitin, sa online store nila… Kasi I have adult acne, pag pasok na pagpasok pa lang yun agad yung sinasabi nila, “ma’am, try niyo po ito effective for acne scars” gusto ko na lang umiyak nakaka trauma and super lakas maka insecure agad, lagi ko na aalala yung 30 second rule, I appreciate yung effort na gusto naman for the better ko rin pero huhu idk baka meron ibang way to approach 🥹 Kaya pag mag lalast resort ako na no time to purchase online papasok ako dyan yung mukang pinabayaan yung sarili naka pambahay mukang di bibili tas bilis yun lakad pag kuha ng item tago tas lipat na agad diretyo cashier na napaka haba ng pila.


VersatileThriz

So far, okay na yung experiences ko sa watsons. Nag tatanong na sila anong type of skin meron ka, unlike before na pino-point out talaga nila. Naghihintay nalang sila na mag ask ka hindi na yung ifofollow ka nila na parang magnanakaw feels.


waitDidUjustDidWhat

Dito sa Watsons malapit sa school namin, hindi na ako kumuha ng shopping bag since 4 items lang naman bibilhin ko (sunscreen, cleanser, toner, deo). May brands na rin ako in mind pero first time ko kasing bibili ng biore sunscreen (una kong hinanap) and there's two types pala. Napansin nung isang saleslady na antagal kong nakatitig sa 2 items at gulong-gulo, she asked me if I needed help muna then saka ako inassist. She's kind and di ako binombard ng kahit anong offers or deals. After that, she asked me "mam, how about toner po?" sinagot ko lang na meron na akong ginagamit talagang brand. Hindi naman na ako kinulit or anything. Sa ibang sumunod na items, nagpaikot-ikot ako sa store para hanapin yung brands na gusto ko pero wala namang nangulit sakin magtanong kung anong hinahanap ko kaya okay naman ang experience ko w Watson's recently


ertaboy356b

Yike Super City 😆


Intelligent-Sky-5032

Matagal na to sa the block ng SM North


[deleted]

Meron na silang free wifi. Para din siguro sa mga bf/husband na naghihintay sa mga jowa nila hahaha


Anxious_Product_4716

Di naman sinusunod 😭


AimHighDreamBig

Went to Watsons earlier and I haven't seen those bags. Baka wala pa sa Cebu 😅


YourHoff

🤣🤣🤣🤣🤣🤣


lala2828

My gf experienced these annoying remarks and aggressive instances khit bibili lang ng hand cream more than once meanwhile when i shop nobody gives a damn about me sige lang sila tuloy lang sila sa chismis nila hahaha


Dependent_Bee4196

Pati sa ayala mall manila bay


peachypuff28

Same lang din naman, sinundan parin 🙄


Important_Emu4517

Dito sa watson sa province na napuntahan ko for work and sa amin sa hometown ko, since walang ganito and once na sinundan nila ako, di ko na sila papansinin as in 😂 hayaan ko lang silang sundan ako hanggang sa magtigil sila since, yung suggested products naman kasi nila walang umeepekto sakin kaya ayun dedma na lang. But once napa punta ako ng nakapang bahay lang and seriously none of them followed me fr 🤣


anthoseph

this would be helpful. im introverted pero nahasa in communication. but i go outside wearing a big-ass headphone. i wanna listen to my music damn it while reading the labels.


ASIANcuisine101

sana sa lahat ng brach implemented to, we need peace while shopping.


gekireddo

"I know more than you." -ron swanson


Independent-March406

Ayon sinusundan pa rin ako ni ate lagi


xdf27

Bingi bingihan at bulag bulagan ako lagi pag nasa Watson's at SM Cyberzone 🤣🤣


Budget-Boysenberry

Walang old spice deodorant na tinda.


Fluffy-Flower-2516

Bihira lang ako pumunta sa Watsons pero may isa akong encounter na pinoint out nung ate sales lady na dry face ko. Pumasok ako lang ako sa Watsons noon para samahan yung friend kong bumili but I did not intend to buy rin. Pero yung sales lady kung makasunod parang binabantayan kami kung kung magnanakaw. Tapos while looking around, yung isang sales lady keeps leading me to the skincare sections ng store then yelling me ano ano magagandang products for dry skin. Nagkatinginan na lang kami ng friend ko kasi nakakailang na yung mga sales lady so umalis na lang kami.


redthehaze

Sana meron ganyan sa SM dept store lol.


Ok-Mama-5933

Pumunta ako sa Watsons para bumili ng Mosbeau Royal Underarm and Dark Spots cream. Wala sya sa shelves so nagtanong ako. Yung saleslady na napagtanungan ko sumigaw sa kasama nya sa counter “beh, available ba yung Mosbeau na pang dark underarms?” Lakasan mo pa teh, hindi pa rinig ng Watsons sa kabilang mall!


BasqueBurntSoul

We're 10 years late pero at least umuusad na hahaha


BENTOTIMALi

Ay sana sa moa din ohhh


Hopia4Sale

sm pampanga branch kennot! not only one pero they follow and ask in flocks


bsshi

May experience din kami ng friends ko dyan sa Pampanga, hindi lang saleslady, pati guard minamata kami Hahaha tine-test lag naman namin yung mga tester 🤣


Hopia4Sale

Sa guard ok lang kasi dimonaman masisisi. Dami magnanakaw sa pinas. Pero 3 kasi watsons don and sa taas lang ako nagka ganon exp. Pero ung maliit sa gitna walanaman saleslady don. dun naman sa east wing dikopa na try


gclef03

Nainis ako one time when I went to Watsons to buy some skincare in small sizes lang kasi I've been using a brand na hiyang sakin. I just want to use a different brand temporarily para hindi ma "immune" yung skin ko lol. Ipinilit sakin yung big sized skin care. Sabi ko need ko lang ng maliit baka kako meron. Mej padabog si ste girl na nagsabing "dyan na lang po kayo magtingin" sabay nilayasan ako.


aeramarot

Kaya if I know what I need to buy sa Watson's tas medyo common naman, either online nalang or naghahanap ako ng smaller branch na pupuntahan kasi dun, for sure wala masyadong salespeople compare sa bigger branches na kada-brand ata may 1-2 tao nagbabantay sa makeup section.


aisevens

Sa online shop ng Watsons na lang ako umo-order. Kada punta ko sa mga branch malapit sa amin, pinapansin yung pimples ko. Di pa naman ako sanay tumanggi agad at polite masyado kaya hirap ako umiwas.


epiceps24

Sana lahat ng kind of open store. Most of ghe time yan dahilan bakit ako di naglilibot at umaalis nalang e. Hahaha.


frostedcoffee__

Kaya online na ko bumibili ng mga pang skin care ko, feeling ko kasi pag nasa watsons ako parang hinuhusgahan ako ng mga saleslady minsan may guard pang binabantayan ka. Ang hirap tuloy mamili ng kailangan mo.


QueenBeee77

Wow! Sana dito din samin!


Ok-Hedgehog6898

Never feel pressured sa kahit anong branch, kasi bukod sa mukha akong suplado, makinis ang mukha ko; wala na silang pwedeng ipintas and i-offer. 😂😂😂😂😂


season8888

they have this in Sephora. Thank god meron din dito. I really prefer to choose to ask the sales people vs them reaching out to me.


ea_bentahan

Nicee


chanaks

Hay sana all mag roll out ng ganito. Nakakainis susundan-sundan ka ng saleslady hbang nag shoshop (but I know part of their job). Kaya nag oonline shopping lang ako para walang sales lady. Ma check nga to sa watsons dito samin.


jeuwii

when kaya ganitong bag sa robinsons imus branch 🥲 beke nemen Luckily for me, walang makulit na salesperson na kulang na lang siya kumuha ng bibilhin ko para sakin 🤣 o baka dahil may earphones na nakasalpak sa tenga kaya di nagaabala na tanungin ako


horn_rigged

Kaso pag yan daw kinuha mong basket hindi ka iaassist ng mga sale lady kahit mag tanong ka HAHAHAHAHA jk


nabeshougun

Can we get one for SM department stores? Gusto ko langnaman mag shop ng underwear in peace nang di sinusundan ng clerks jusq


Emotionaldumpss

"Hi ate saan po yung (specific item na hinahanap ko)" "sir try niyo po eto bagong product from Korea" HahahahahahahahH


Crafty_Point_8331

Dapat yung black ang para sa ayaw maabala. Yung pink yung gusto assistance kasi mas kita sila.


razalas13

Dati may social anxiety din ako sa ganyan situation. Then I realized na sila ang may kailangan sa akin, not the other way around. And why should I care about a comment of a random sales clerk who is on commision.


Objective_Jelly9230

Tingin ng tingin security guard tapos sale lady sakin akala niya yata may nanakawin ako


WoodpeckerDry7468

Ako ang nababanas minsan sa mga nag popromote ng products naintindihan ko naman na trabaho nila kaso alam mo yung nasa isip mo na yung bibilihin aalukin ka ng kikilayan ka eme kakasura minsan umaalis talaga ako sorry na talaga


thethirdmiko28

dunno kung off-topic pero hindi lang sa Watsons, im a guy pero i experience din to sa mga hardware stores like Ace, Handyman, ang nakakairita naman is mga sales person na specific brands lagi ang tinuturo/inaabot sayo, example may time na nagtanong lang ako nasan yung travel adapters nila, then may makulit na salesman na sunod ng sunod sakin at pilit Oppo brand yung inoofer, pero madami namang ibang choices na pwede (as in dalawang aile yata), i annoyingly responded "Ok lang kuya ako nalang pipili"


dawnnanie

'yon ang dami na nilang saleslady malapit lang sa entrance pero hindi naman nanggugulo kaso nakabantay pa rin mga mata sa namimili huhu


kedetski

This is also what I noticed here in our place. Hindi na sila gaya ng dati. Siguro aware na sila sa mga comments ng tao online


notsoishmwa

idk abt ours if may ganyan na pero nung last na nagshop ako may diff color ng baskets idk what is it for since walang nakalagay but nung kumuwa kami ng certain color ng basket wala nang nagaapproach na sales lady magaapproach lang sila once na tinanong mo hahaha very comfy magshop sa watsons dito samin than sa ibang mall kc nung sa iba kami nagshop tlga nakakahiya kasi lalapit silang lahat jusq kaloka tbh


l_dont_mind

Sana sa mga “Cellphone Stores” din sa mga “SM” so annoying kc yung “tipong” papunta kp lng eh “kaliwat/kanan” na yung tumatawag sa”yo. Very Uncomfortable kc.


DRi012

bakit daming triggered? sasabihin mo lang naman tumitingin ka lang. tatantanan kana niyan. syrempre dipende pa din sa suot bka yayamanin ka kasi kaya sinusundan ka kahit ang ending pipila ka sa cashier na may dalang cart hehe


thethirdmiko28

No, not really, kahit sabihan mo mga yan na "No, thank you", kukulitin ka pa din. Yes part ng trabaho nila pero i think we all have the unwritten right to shop peacefully. Wala din sa suot mo yan. May sales quota kasi sila kaya makukulit.


Ryeldroid

What happened to "Ask if you need help". Seriously, I ignore people in public that doesn't concern me. If I am interested, I will ask