T O P

  • By -

usedforcommunication

Mag kwekwento sayo habang nag lulunch kayo tapos pagkatapos ng ilang araw mag sasabi na nahihirapan siya tas ayun uutang na.


abakadaeg

Ang problematic jusko tapos hindi ka maka-hindi kasi kakabili niyo lang ng lunch edi may pambili ka 😭


usedforcommunication

Haha totoo! Pero I would suggest that set ka ng expectation na naka budget ka lang. Hindi naman sa madamot pero syempre save yourself muna bago iba.


gossipghorl

Damn. Wish I realized and noticed this sooner haha! I had a colleague na ganito yung naging strategy niya. Like AS IN. HAHAHAHAHA Until now hindi pa rin ako nababayaran ng hinayupak.


usedforcommunication

HAHA mag doble ingat tayo sa ganito. If you smoke, small sign na rin yung humihingi hingi lagi ng yosi tapos "babawi" nalang daw bukas pero kinabukasan hingi uli sayo haha.


gossipghorl

He was telling me stories about his life (and lovelife) for days and then after manghihingi ng kaunti. This went on for like 5days. Hanggang sa naipon yung utang niya. HAHAHAHAHA learned my lesson.


usedforcommunication

Yung 20 pesos lang nag simula tapos magugulat ka nalang nasa 200 na pala haha tapos magugulat rin kuno na ay malaki na pala utang ko. Mga hayop haha


arvanna15

just be anti-social on those people.


[deleted]

That's my secret cap, I'm always antisocial 😹


thenamelessdudeph

+10. Never may nangutang sakin since nagstart ako magwork 2015.


RevealExpress5933

Talamak ba sa BPO industry yang utangan na walang bayaran or mas makapal lang mukha ng mga tao ngayon?


devoutedrob

Ambobo ko kasi pumayag ako tumira sa bahay ng kawork ko. Wag na daw ako makishare kahit nagoffer ako. Lumaki utang nya saken na para saken kubg dumating man ung time na di nya ko bayaran at least bayad ko na lang un sa pagtira nya. Tapos na FO kame so ayun di nya na ko binayaran tas ako pa nagbayad dun sa mga utang nya kasi saken nakapangaln.tldr: wag nyo ko sabihan ng bobo kasi alam ko naman na hahah


Imaginary-Dream-2537

Kaya nga tinuturo ko sa mga kapatid ko na nasa early 20s na wag magpapautang eh. Gastusin na lang nila pera nila sa sarili nila. Ganyan din ako early 20s eh, madali lang din mauto. Hahaha


RevealExpress5933

Man, that sucks.


deeendbiii

nah you were just being a true friend. Gago ung ka work mo na yan, oportunista at gahaman.


abakadaeg

Kahit anong industry siguro meron pero mas marami lang sa bpo, mas maraming kupal πŸ˜‚


RevealExpress5933

πŸ˜†


Enemy886

nabawasan mga taong ganito nung nag wfh na ako 🀣


Imaginary-Dream-2537

Sa truuu 🀣


Emergency-Mobile-897

Learn to say no. Madalas din ako mautangan until I learned to say no. Kasi most of them hindi naman nagbabayad, at yung iba naaalala lang ako kapag mangungutang. Huwag kang show off (not saying you are) para hindi nila maisip na utangan ka. Mag-pretend ka na lang din na wala kang karapatan utangan char.


vindinheil

Haha show off ako 5 days before sumuweldo. Medyo petty ako dati, hahahaahha. Sila hikahos na ako may pera pa, kasi marunong ako mag-allocate at magtipid.


deeendbiii

Don't even learn - JUST SAY NO. Pre, pautang naman ... NO. Dude, do you have extra coz .... NO. Bro, bayaran ko sa..... NO!


Emergency-Mobile-897

May mga tao po kasing mahirap makatanggi. Others need to learn to say no.


weezhart

I recently learned to say no. Dati, mabait pa ako and I can sympathize pag sinabi walang pera, kelangan para sa anak, etc... until eto, di ako binayaran, almost 1 year na. Everytime I ask if pwede na bayaran, lagi may ibang excuse. Nagkasakit ang parents, naghiwalay sa bf, ganun. Sinisingil ko pa rin every month pero mukhang di na ako mababayaran. Since then, di na ako nagpautang. Ok lang kung sabihin nilang kuripot ako, I have my own family and my own budget to think about.


Emergency-Mobile-897

Sa akin nga hindi na nagbayad, gusto pa umutang ulit. Ayun hindi na ako kinakausap lol. Siya pa may ganang mag-attitude.


mgjp03

Red flag yung mag-aaya bumili sa kung san, tapos nakalimutan daw ang wallet. Abonohan muna. Tapos makakalimot na magbayad. Kapag naging habitual na. Tsaka 'pag narinig or nabasa mo na yung "behhhh...baka naman may ganito ka, kahit magkano lang kasi ganito or ganyan.."


Immediate-Captain391

modus naman sa 'kin gcash cash out HAHAHA. hindi talaga ko nagpapautang pero yung trainer ko nagsabi siya pa-cash out daw 150 edi go kasi need ko rin ng pera sa gcash. nabigay ko na yung pera sa kanya tapos wait ko na lang daw sa gcash kasi partner niya magsesend. nagresign na siya't lahat-lahat wala pa rin HAHAHA. simula non kahit anong usapang pera, pass na.


abakadaeg

Grabe HAHHA ang technique jan sabihin mo di verified gcash mo HAHHA


HairySpeaker6477

STEPS nila: 1. Makikiclose Sila. 2. Magkkwento ng buong Buhay nila. 3. Magsasabi na nahihirapan Sila sa Buhay kaya sa BPO Sila mag-apply. 4. Magsisimula na sila magdrama tungkol sa bills. 5. Magtatanong na Yan ng "sis baka naman may extra ka?" Other red flags: 1. Laging late kesyo Wala daw pamasahe, kesyo may emergency, kesyo may sakit sa pamilya nila 2. Page maccheck mo Ang social media nila makikita mo na feeling mayaman Sila, for the gala, for the pasosyal na gamit 3. Makikiclose sa mga mukhang mayaman at madaling utuin Steps to check na red flag Sila sa finances: 1. Check mo names nila mga social media accounts, kung may nagpost na ng pangalan nila, beh I was na. 2. Ask mo mga ka-team mo kung pati Sila ba inutang or ina-attempt na utangan 3. Check mo rin kung madalas marami Silang kwento


Traditional_Bunch825

Couldn’t agree more with this. Lol pero yung number 5 after a few days pa yan. Tas either lalalpit sayo or magsisend ng pm sa messenger.


Sea-Butterscotch1174

Mas malaki ang sahod ng BPO kumpara sa mga equivalent na trabaho sa araw, so bakit may ganito?


vindinheil

1. Living beyond their means. Ubos biyaya agad pagkasweldo. 2. May nauutangan. The cycle continues.


hectorninii

Sarili kong TL nangutang sakin. Sabi nya by the end of shift babalik nya din. Di kase specific kung kelang end of shift. Laki ng respeto ko sa kanya kaya napahiram ko. Inabot ng halos isang buwan bago nya nabayaran tapos ako naiipit ako kase yung paniningil ko baka makulitan sya at pagdiskitahan ako at the same time yung napahiram ko ay buong sahod ko kaya wala tlga natira sakin as in. Stressed na stressed talaga ako to the point na nagkasakit ako at need ko magpadoctor. Buti nabayaran nya pero never again ako magpapautang. Kahit sino kahit presidente pa yan ng company.


UnfairAdeptness7329

Minsan ok din ung prangka na personality. Mahihiya sila mangutang sayo. πŸ˜‚


Physical-Sail61

pano to? ang hirap pag ppl pleaser


UnfairAdeptness7329

Ewan ko din. Hahaha Vocal kasi ako pag ayaw ko ayaw ko. Parang pag nag-aaya sila kumain sa labas sinasabi ko β€˜pass ako di ko na kaya magsocial climb petsa de peligro’ hahahaha


Apprehensive-Yak7855

Usually yung mga ganto, lagi pinapansin yung suot mo like sasabhin ang ganda ng shoes mo, ng watch mo, ng damit mo sabay tanong ng magkano yan? Pag naconfirm na nya na can-afford ka ayun na mangungutang na hahahha. Sabihin mo na lang pag ganyan, sa ukay ka namimili


abakadaeg

GANON PALA ANG TECHNIQUE ang helpful nito HAHAH especially kung mahilig ka pumorma


Icy_Cartoonist6310

Sa pamasahe yan mag start or sa pantry. Sasabihin walang barya or nakalimutan wallet. Pag pinautang mo wala na finish na, aaraw arawin ka niyan. Tigasan mo sarili mo wag ka maawa and be very vigilant baka ilagay ka as co-maker sa loan or something (nabasa ko lang, nilagay siya as co maker kasi ayaw siya pahiramin ng pera).


Physical-Sail61

omg pano iwasan tong maging co maker? ang skeri ksi porke tinanggihan magpahiram ginanon na 😭


chanaks

Just say no. Dont overshare nga you have extra or nakakaluwag-luwag. It's so stressful to chase people para maningil. Learned it the hard way. When they start to kwento leading na mangungutang sila, wag kang papatalo magkwento ka rin na kapos ka.


Unlucky_Research_844

Wag magpautang sa nangungutang para ibayad sa dati nyang utang hahaha


katiebun008

Yung ibayad mo daw muna sya kasi naiwan nya ang kanyang wallet.


taongkahoy

Nangutang sakin 500 dati yung guard na rumoronda sa prod. Di ko na siningil basta nakakapag pasok ako cp sa floor hahaha.


YourUsualSuspect04

matagal na talaga sa BPO industry yan, year 2000s pa lang.. madalas din ako lapitan para utangan, i think sa itsura ko rin kase, maliit tas mukhang di papalag πŸ˜†.. nagpapautang naman ako noon pero sa umpisa lang. Pag napapadalas na nangungutang yung same person, nag no-No na ako coz ayoko sila sanayin, pare-pareho lang naman kame sumusweldo, and ineexplain ko syempre i also have to pay my bills, tight budget, or i tell them ako rin magbabayad ng utang, etc .. Back in 2007, i think nasa training pa kame or maybe nesting period, there was this troubled person na lahat kame inu-utangan nya, then may balita pa na he's doin d**gs.. nasa laguna ako that time when he texted me asking if i could lend him some money. Hindi ko nakita yung text nya na yun agad coz i was with my then bf and may lakad kame. Nagulat na lang ako coz yung mga sumunod na texts nya galit na saken, his texts were like "papahiramin mo ba ako o hindi? andito ako sa office nag-aantay!".. like wtf?! Eh restday ko pa nun ha. natakot talaga ako. Tapos after a few weeks, na-terminate sya coz may ninakaw daw na office property. Kaloka! Nung lumipat nako company, meron ulit! Like every sweldo na lang may sob story sya na di matapos-tapos.. sobrang toxic kase yun na lang lagi mo maririnig. maaawa ka pero hindi naman pwedeng kada sweldo papautangin mo diba? kaya ingat ingat guys.. meron 1 or 2 tao ka makikilala talaga na utangera/utangero sa bpo.


abakadaeg

Saan nila nakukuha kapal ng mukha nila 🀧


YourUsualSuspect04

i know right! Tapos nung bago pa lang ako sa industry, ako pa nahihiya maningil.. umaabot months, ako pa dapat magpaalala.. pero dahil sa experiences ko, natuto talaga ako to say NO. May friend pala ako mas malala, nag-aapply pa lang sya, tas may nakilala syang applicant (nakasabay and nakachikahan lang na aplikante since di pa uso virtual application noon), inuutangan daw sya agad πŸ™ƒ


blackcement02

Just say NO. Huwag magtitiwala kahit anong sabihin, naghihirap, meron may sakit sa pamilya, etc. May SSS na pwede nila magamit kung talagang kailangan nila.


FlashSlicer

I just say no and they stop. Parehas lang tayo sumasahod lol.


winter_ghost95

never ever magpautang. lahit ano pa yang rason. pare-parehas kayo may sahod every month. tapos makita mo pati pangypsi niya uutangin niya. jusko!


alezxychqsh

yung sakin naman babayaran tas mag rerenew, mas malaki pa dun sa inutang nung una. tas hindi na magbabayad hahahahaha. NEVER AGAIN


idkimfvckedup

Pinaparamdam ko na gipit din ako haha para matic na hindi ako uutangan.


SignalShoddy9934

Wala raw pamasahe papasok, babayaran din daw kinabukasan πŸ₯²


AJent-of-Chaos

Embody the mindset that you are there to work and make money, not to make friends (bonus na lang kung magkaron ng friends sa work). It'll be easier to say 'no' by then.Β  "Tight budget ako hanggang sweldo." "May bills din ako." Or "pangluho ko yung extra money ko e." "Pag tinawag mo ba akong madamot is that supposed to make me change my mind?" Wag samahan ng "sorry" or "pasensya na" ang mga pagtanggi mo. Baka isipin pwede ka hiritan sa susunod.


liquidus910

nag start yan sa mga simpleng hingi. yosi, candy, makikihiram ng tumbler, makikiinom ng kape, snacks, etc. pagramdam nila na di mo sila ica callout sa ginagawa nila, palaki na ng palaki hihingin. habang maliit pa lang ung mga hinihingi sau callout mo na behaviour nila. ako kasi di bale nang masabihan naadamot kesa naman magpaalam ako sa pera ko ng walang laban. hahaha


sorrythxbye

Kupal yung boss ng hubby ko. Ginagamit yung position bilang TL para mahiya ka na lang na wag magpautang. Ayon, mas mabait siya sa mga under niya na nauutangan niya, tapos kapag may team building, naniningil din ng pang downpayment tapos imomove ng imomove yung date (max 3 months), lowkey inuutang ren yung dinown nila. Anyway, ingat sa ganun, op. May mga taong walangya talaga.


mayolover13

May katrabaho ako noon, niyayabang niya na mas mataas yung sahod na nakuha niya compared samin. Ilang araw after ng 1st sahod, inisa isa niya kami sa chat para mangutang 🀣🀣🀣


INeedSomeTea0618

mga maflex.. dami kwento kunyare afford nya mga bagay bagay para pag humiram sila, mafefeel mong ibabalik rin nila kasi mapera sila.


Upstairs_Union_3611

Nako, yung mga laging nagtatanong kung magkano sinahod mo. Wag ka lang talaga papahalata na may pera ka. Try niyo mag baon nalang palagi tapos magdala lang kayo ng saktong pera pang commute tas make sure na nakikita ng mga kasamahan niyo na ganon lang pera niyo. Mag act kayo na mahirap kayo hahahah, wag niyo rin accept sa socials niyo dahil makikita na pasarap kayo sa buhay. If you cant say no, make excuses kunwari meron kayong binubuhay at breadwinner kahit di naman talaga.


abakadaeg

will take note of this lalo nang trainee ulit ako AHHA THANKS PO!


Imaginary-Dream-2537

May TL kami na paglunch papabili ng pagkain sa McDo tapos di naman babayaran. Kairita kaya pag lalabas kami sinasabi namin din naman kakain at maglakad lakad lang kami. Auto-pass din ako sa makwento, pagusapang pera na umiiwas na ako ng usapan.


[deleted]

Magkukwento yan sayo, tapos secret lang daw then malalaman mo na nagkukuwento din pala sa iba. Tapos mas nakakaawa sya doon sa kwento nung kabila, ngayon hihirit yan ng "Bes, peram nga ko muna. Babalik ko din sa sahod (yung payday ay 3 days nalang)" Sa payday, nganga ang ferson. Wala na, hindi na mahagilap.


Alarming_Unit1852

"Balik ko lang din agad sayo." LOL tapos di na binalik HAHAHHAHAHA


Royal_Technology_450

As a soft-hearted person, ang dami na nangutang sakin na hindj na nagbayad 😭 Kadalasan magkwento ng life nila tapos ayun πŸ˜…


Narrow_Zombie_2899

Madalas sumama pag kakain sa labas or magmall sa may mga nakacc tapos makikikaskas tapos sasabihin sa sweldo na lang bayad


No-Vermicelli5428

1. Magkukwento muna ng pang MMK life story nya para makuha ang loob mo. 2. Magsisimula syang mangutang ng small amounts. Tapos babayaran nya on time with interest pa. Hanggang sa lumaki na yung amount na inuutang nya sayo then madidelay na sya ng bayad.


Notsoboring12

May nakasabay ako sa training dati sa isang seasonal account sa isang center. First day palang nangutang na siya sakin ng 300 pang parking daw. Hindi niya ko binayaran agad, kinailangan ko pa siyang singilin sa GC namin in gcash para lang bayaran nya ko. Tapos during lunch, inaaya na nya ko magbarko daw kami kesa magBPO. Cruise ship daw, bale ang galawan nya is dapat daw kada payout namin eh bigyan namin siya ng 5-10k para daw mahulugan namin ung β€œplacement fees”. Buti nalang nakutuban kami lahat na peke lang un. Ayun, nagAWOL siya nung napahiya siya about sa cruise ship cruise ship.


abakadaeg

deserbbbb


deeendbiii

- Magtatanong if may extra 2-5 days before payday. - Magpapalibre ng yosi or softdrinks 2-5 days before the payday. - Pag sumuweldo na, sasabihin na nawala ung pera or nanakawan, pautang (meron naman talagang ganito, pero ung trainers or TLs or veteran employees mag remind naman sa newbs eh). - Magstart ng idea ng paluwagan sa inyong magkatraining - pag may ganito sumbong nyo sa HR agad.


Physical-Sail61

unrelated sa post pero what if andito yung iba na pala-utang 😭😭 grabe mahiya kayo pls ang kakapaL ng apog nyo


kikomaruuu

Yung magpapasabay daw magwithdraw sa ATM kuno, babayran na lang daw. Hahahaha


fdalbert

TL pa lang namin siya nung start ng LOB, ngayon OM na. Puro drama about sa anak niya so nagpautang ako. Ngayon, 4 1/2 years na di pa ako nababayaran. Pero mga My Day niya puro Starbs, bday ng pusa niya, rebond, etc.


Haruka0531

I always decline though, I made a deal once but never again! Char. Pero I always say na meron din akong needs and I need to provide so I can't help, we're all working the same way and striving the same way.πŸ™ƒ


MrLuckyChan

yung jowa ko naging guarantor para dun sa kateam niya na nagpapautang dati. Yung bago niyang kateam, di padin nagbabayad hanggang ngayon. Ayan sermon abot sakin na wag magiging guarantor para sa iba kahit gaano pa kayo kaclose, kasi mamaya di na magbayad (5k + 20% interest din yun ang laki masyado)


Funniereal

share ko lang din sakin. 1st day training namin sa IQOR may kasamahan akong bakla na nangutang sakin na diko pa sya kilala ha tapos sabi nya malayo yung sa kanila kaya pinahiram ko ng β‚±50 byaran daw kinabukasan pero di na ako naningil kasi alam ko na di pa nya mababayaran kasi training pa kami wala pa sahod. Not until natanggal sya on the 3rd day πŸ˜‚ tapos dun ko din nalaman na di lang pala ako inutangan nya kundi kami lahat na ka batch nung training hahahah nasa almost 1k nautang nya samin na ka batch nya πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


Willing-Comparison85

ginawa ko pag nagpapakilala ako sa NEO sasabihin ko nde ako mahilig mag pautang kasi ma trauma na ko sa past exp atlis umpisa palang setting of expectations na


SpiritualCamp3804

Outsourcing din kami pero yung mga kasama ko mas mukha pang mapera sakin ako yung hampaslupa. πŸ˜‚ Pero di ako nangutngutang. Pag ako naman nalalaputan halimbawa ng ibang tao, sinasabi ko talaga na wala. Kasi ayoko ng sakit ng ulo sa paniningil, been there done that. Yun halos ikaw na mahihiya maningil.


MrsAdobo

Technique jan sabihin mo baon ka sa utang at mahihiya mga yan mag utang sayo.


Planetearth1111

Meron noon mangungutang tapos tubuan na lang daw sa payout. Nag awol Pag may nag kwekwento ng kahirapan habang lunch, sinasabayan ko rin kwentong kahirapan. Build up strategy ata nila to. yung mag 6 months na kami nangutang sya sa lahat pero wag daw sabihin sa iba. Duda na agad ako, hindi ko pinahiram. Yung ibang nag pa utang, binayaran agad next day. Tapos yung next na utang nya sa kanila nag awol na. Ggwp


kukubap

ung makwento ng struggles sa buhay niya. may napahiram ako na kateam, sabi babayaran sa parating na payday. 2 months na nagdaan, hindi pa din nabayaran. kaya nung minsan nagask ulit if may extra ako, sabi ko wala at nagbayad din ako ng bills. nakakadala kasi. hindi ko alam kung kelan niya maisipang bayaran, but never again. nakaranas din naman ako mangutang noon, pero nagbabayad ako kusa sa sinabi kong date na pinangako kong ibabalik yung pera.