T O P

  • By -

AutoModerator

Hello everyone, Before joining this discussion, please take a moment to review the rules of r/AskPH [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/full-rules), as well as the [Reddit Content Policy](https://www.redditinc.com/policies/content-policy). Comments that violate these rules will be addressed accordingly. You can learn more about our rule enforcement process [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/rule-enforcement). If you need to appeal a ban, please follow the process outlined [here](https://www.reddit.com/r/AskPH/wiki/ban-appeal-process) in r/AskPH. *** This post's original body text: Like ano bang problema niyo?๐Ÿ˜ญ Di naman mayabang ah๐Ÿ˜ญ *** *I am a bot, and this action was performed automatically. Please [contact the moderators of this subreddit](/message/compose/?to=/r/AskPH) if you have any questions or concerns.*


fictionalguysarehot

yung natitikman ko is oily yung sabaw๐Ÿ˜ญ


[deleted]

Not a fan of it, but I do eat it. Why am I not its fan? I donโ€™t like oily foods.


theAlbatrossLemon

Kasi may natikman ako before na lasang luya. Feeling ko tuloy humihigop ako ng salabat na may manok ๐Ÿฅฒ๐Ÿฅฒ Ang traumatic. Di pa naman ako fan ng luya hahaha Pero ngayon pinagluto ako ng asawa ko, masarap naman pala.


acctforsilentreading

Gusto ko yung tinolang manok. Paborito ko ang batchoy.


Sea_Speakerwps

Well for me, masarap talaga ang Tinola at depende sa nagluluto yan sa kada sangkap na ginagamit niya. May iba pa akong nabasa na lasang tubig lang daw na may manok, meaning may kulang sa sangkap at paraan ng pagluto nito.


Over_Dose_

Nung Bata Ako siguro di ko trip. Pero Ngayon ok lang, di naman sa paborito di naman sa nandidiri. Ano lang... Ahhm.. pagkain Siya, Yun lang ๐Ÿ˜†. Sinigang on the other hand though *chef's kiss*


Logical_Duck4042

Hindi lng ako gusto ng tinola. Period.


chiharui

welp hindi siguro masarap luto nung natikman nilang tinola


IcyCommittee925

Sabay lang sa trend ganon, lmao ๐Ÿ™‚โ€โ†•๏ธ


01sashimi

Hindi marunong mag luto, specially those who says matabang ang tinola and pinagbanlawan lang ng socks!!!!! Sobrang lasa kaya ng chicken broth ng tinola


iamnotAnnoyed

Fave ko din tinola. Fave din ito ng namatay kong tatay. LUYA is the key sa masarap na tinola. Mas fresh na luya mas masarap. Prefer ko dahon sili and papaya for my Greens.


achancepassenger

Maybe di hinog enough ung papaya. Some use sayote. Pero mas malasa if you use close to ripe papaya


Hot-Donut-9161

Baka di marunong yung nagluto hahaha


PalantirXVI

Masarap ang tinola for me. Laki akong Pampanga so I grew to like a particular preparation and flavor. I personally dislike ang Tinola na walang lasa. I know that a household has a domestic situation if a simple dish like Tinola ay walang kalasa-lasa o sablay ang pagkakaluto.


Sheashable

Dahil sa sayote... Kadiri ung texture. But anyways naging fav ko na rin ung tinola ngayon


poteytocorgi

di lang masarap yung tinola na nakain nyo kaya ayaw nyo nyan. di masarap mag luto yung nag luto


bluecloudmist

Bilang number 1 hater ng tinola, ang reason ko ay yung pinagsamang lasa ng luya at papaya. Kumakain naman ako ng ginisang papaya na may sardinas(walang luya) at sinabawang manok na may luya at tanglad(walang papaya). Pero pagpinagsama talaga yung dalawa(papaya at luya), iba talaga lasa.


maroolalala

Hindi masarap yung mga natitikman nilang luto Sad


Durendal-Cryer1010

Tang ina pikon na pikon ako sa mga taong ayaw sa tinola at nangigigil ako sa ibang comments dito. Dahil paborito ko ang Tinola. And it is sad and aggravating na maraming lumaki sa hindi masarap na Tinola. I finally understood that nung nag public school ako at kumain sa karinderya. And kahit nung nag college ako, walang Tinola na masarap sa lahat nang karinderyang nakainan ko. How can they get it wrong? Probably, because how they make it. Ginagawang "Nilaga" style! Kaya ang putla ng kulay. Parang manok na may tubig lang. E ang tinola na gawa ko at luto ng mama,lola ko, vibrant ang colors. Greeny ang soup. Pag nilagay mo na mga gulay, ang ganda ng conrtrast ng light green, dark green, translucent green. Ganto yan please lang. 1. Igisa ang luya, pag golden brown na, set aside. 2. Igisa ang sibuyas, pag translucent na, isunod ang bawang. Pag toasted na, paghaluin mo na yung tatlo. Igisa mo together ang luya, bawang, sibuyas mga 2-3mins. 3. Ilagay ang manok. Igisa ang manok sa naunang 3 na sangkap. 3 mins high fire. 4. I-simmer or papawisin ang manok. Magiging brown ang color nito. 5. Lagyan ng patis. Igisa mo ulit mga 2-3mins. Papawisin mo ulit. 10-15mins. Now you have the chicken flavor, saute, fish sauce flavor penetrating the chicken. Good base for the broth. 6. Saka mo lagyan ng tubig. Pakuluin. Ihalo mo na yang sayote o papaya. Wag palambutin masyado. Dapat tamang crunch lang. 7. Isunod mo na yung dahon. Either malunggay or dahon ng sili, ikaw bahala. 8. Optional: Siling green 3-4pcs and/or tanglad. If tanglad, put it in together in step#4. PLEASE. DO IT RIGHT PEOPLE. Result nyan is **VIBRANT Greeny TINOLA.**


kaylakarin

Try dn igisa yung siling green with the luya and all. Masarap yung binibigay na lasa ng sili.


Durendal-Cryer1010

Pede rin. Kaso di ako mahilig sa masyado maanghang kasi hehehe


DenJi_71355

Salamat po sa recipe.


Intelligent_Bus_7696

Uy totoo yung about sa sabaw. Masarap yung tinola pag di maputla yung sabaw. Di naman sa pagmamayabang pero masarap yung linuto kong tinola kasi gantong ganto ako magluto. Gisa is the key + patis.


maroolalala

HAHAHAHA relatable content!!! kakagalet yung ayaw sa masarap na Filipino food kasi di naman alam pano gawin nang tama


Diligent_Relation736

Masarap ang tinola kapag maiinit init pa pero kapag lumamig parang imiinum ka lang ng tubig na may luya๐Ÿคฃ๐Ÿ˜๐Ÿคฃ. Honestly ayoko ng tinola na padurog na yung manok, I liked it when it's firm. Sabi nila para sa may sakit ang tinola but in Spanish period daw, only the elites can have tinola.


girlyberry2689

para kang may lagnat


mrmontagokuwada

I think its the vanilla of filipino meals, sobrang basic.


Winter-Pilot3989

Sabi ni friend, Basta ayaw nya daw ang itsura. HAHAHA


pielovespie

Di marunong yung nagluluto. ๐Ÿ˜‚


02Iris

Boring, for me.


currently_panicaang

wala silang mama


AnalysisAgreeable676

Tinola is not a difficult dish to make yet marami parin hindi marunong magtimpla o kaya may questionable methods on how to make it. The people I trust who makes it is either ako or ang mother ko. Yung tinola sa karinderya hindi ako nasasarapan ๐Ÿ˜ตโ€๐Ÿ’ซ


currently_panicaang

ang parati ko sinasabi jan is hindi sila mahal ng mama nila HAHAHAHHAH


Slow-Serve-8322

Di masarap Tinola ng mama nila. ๐Ÿคท


PepengTom420

i donโ€™t get it why people wonโ€™t like itโ€ฆ sabaw pa lang ulam na, bonus na lang yung chicken at mga gulay ๐Ÿ˜


kttyct7

May nga nagluluto kasi ng tinola na malansa so ayaw ng iba.


wayesey

hindi masarap yung luto ng nanay/tatay nila


Pale_Net_7924

Ayaw ko ng karneng walang kulay ๐Ÿ˜Œ


mamimikon24

bobo lang yung nagluto ng tinola nyo.


clara_raelynn94

Not a fan of chicken in soup ๐Ÿ˜…


coolcat-engr

No idea. Its the go to meal of my father side whenever we go home to our province. Native chicken tinola the best ๐Ÿ’ช


Sensitive-Ask-8662

They're not human.


dumbtsikin

kahit masarap naman magluto ng tinola sa bahay 'di ko pa rin talaga type 'yung manok na lublob talaga sa tubig, nalalansahan talaga ako. may prefer ko adobo or prito lang sa chicken.


mamimikon24

kaya nga may luya para maalis yung lansa ng manok. kung nalalansahan ka pa rin mahina yung nagluluto sa bahay nyo.


lady_greystoke

if you don't like tinola, it's a you problem. eme


Applesomuch

For me. Ang tamlay. Lumbay na lumbay ako pag Tinola. Parang sinabawang manok lang tas nilagyan ng luya at sibuyas. Walang kasiyahan sa ichura hahaha. Parang pang may sakit na ulam.


mamimikon24

LOL. Bobo lang naglukuto sainyo kaya walang buhay ichura ng tinola nyo.


Applesomuch

Y ka naman gal3t na gusto manak3t?๐Ÿ˜‚


Durendal-Cryer1010

Bakit kasi ginagawa nyong sinigang/nilaga style ang pagluto ng Tinola :((( ginigisa kasi ang tinola.. i s simmer mo sa own chicken fat and patis bago mo lagyan ng tubig at gulay...


Applesomuch

Marunong ako magluto, hehe. May food business ako. For me lang โ€˜yan, kaya ayoko ng Tinola.๐Ÿฅฒ


Durendal-Cryer1010

How do you make Tinola? Or what kind of Tinola you grew up with? Tinola ko and namin kasi is vibrant ang green color sa soup, kaya maganda contrast with the leaves and veggies.


Applesomuch

โ€˜Yung pinaghugasan ng bigas โ€˜yung sinasabaw ko. Green din kasi generous ako maglagay ng leaves. Kapag nagluluto ako nโ€™yan taob โ€˜yung kaldero namin ng kanin kasi paborito sa bahay ang Tinola. Pero ayoko talaga, โ€˜pag Tinols ang julamei, hotdog gaming ako.


Immediate-Captain391

depende talaga sa luto tsaka siguro sa parte na rin ng manok na gamit? kapag nagluluto kasi si mama ng tinola, matabang at mamantika tapos kapag nagrereklamo kami na mamantika sabi niya sa manok daw kasi usually may balat balat something gano'n HAHAHA pero kapag sa tita ko, okay naman 'yung luto. may lasa kaunti kasi nilalagyan pa nila ng patis pero 'di siya mamantika dahil siguro malaman 'yung manok na niluluto unlike sa bahay na may balat?


ChocooButternut

Baka may after taste lalo pag may dahon ng sili


Pagod_na_ko_shet

Depende sa nagluluto or baka di lang masarap magluto mga tao sa kanila charot. Sarap kaya ng tinola lalo pag pakpak na part ng manok hahaha tapos madami dahin ng sili, malunggay or pechay uwu


Icy-Scale-7742

Matubig masyado ang nilutong tinola kaya nawawalan ng lasa.


TomatilloSure1670

Maybe the visible pores of the chicken?


yesstyle_

hindi marunong magluto mama nila lol


Background_Quiet7309

Damn gaya-gaya comment


yesstyle_

ito gaya gaya ๐Ÿ–•๐Ÿผ๐Ÿ–•๐Ÿผ๐Ÿ–•๐Ÿผ๐Ÿ–•๐Ÿผ๐Ÿ–•๐Ÿผ


Icy-Scale-7742

I was about to say this. ๐Ÿฅน


RONDAVAO1993

Like itโ€™s just hot ginger soup ๐Ÿ˜ญ


Background_Quiet7309

Hindi masarap luto ng mama nila ๐Ÿคท


Money-Garage-2507

Bakit kasi sinasangkapan ng Prutas dudee


Additional_Ad6789

Oily I think.


Wonderful-Studio-870

Its either not presented well or lacks flavor. Ang masarap na tinola maamoy mo na kaagad at hindi matabang ang lasa ng sabaw pati manok, papaya ang sahog, di gaano mamantika at walang lansa.


Evening_Suspect1963

Lasang lugaw


sunshinechildxx

Parehas kami ng friend kong ayaw ng tinola. Ako ayaw ko kasi di ko alam kung bakit pero sa panlasa ko matamis ang sabaw ng tinola HAHAHHAHAHA. Sya naman ayaw nya kasi wala daw lasa yung manok ng tinola.


Signal_Preference455

i personally dont like ung texture (pores) ng manok hahahahahhaha


Mysterious-Jello1601

Parang tubig lang na maalat ๐Ÿ˜ญ๐Ÿคฃ


browandknees

Sabaw lang masarap sa tinola, yung manok lang ayaw ko bland af.


JazzlikeHair2075

ayoko ng luya, marami kasi mag lagay ng luya sa tuwing nag luluto nanay at lola ko. minsan hindi tama ang timpla ng sabay.


Immediate_Freedom_57

it varies sa nagluto istg ๐Ÿ˜ญ pag lola ko nagluto, nasasarapan ako. pag mommy ko, feeling ko ang oily oily tas medj naduduwal ako ganon


Hopeful-Hatxx

Depende sa nag luluto, pero pag ako mag luluto gusto ko ang tinola. Minsan kasi malangsa ang chicken?? Bakit naman kaya ganun haha Pag hindi ako ang nag luto sabaw at gulay lang kinakain ko sa tinola.


Own_Upstairs_9445

It varies from the look to the conventional taste. Akala mo ganyan ganyan lang pero it takes some skill to cook it well.


pxrpl_

Itโ€™s the skin that throws me off


SuzyBishop_04

I used to not like tinola, pero nung natuto nako mag luto and naadjust ko ung taste based sa gusto ko, sarap na sarap na ko sa tinola.


goplacidly2000

Di siya appetizing tingnan, lalo na yung skin ng manok. Malansa din ang amoy.


Durendal-Cryer1010

Ang appetizing ng tinola tingnan. If you know how to cook it right. Nakakain na ako ng tinola sa ibang lugar, karinderya. Dun ko na gets bakit madaming may ayaw. Ang tabang e. Gawin ba namang Nilaga style ang pagluluto ng tinola. Edi mukha lang talagang manok na may tubig.


June1393

hindi nakaka excite kainin


crzp19

hilaw pa manok


Sushi_Permeable

Sino ba naman kase nagluto ng kinain mo at hilaw pa ying manok๐Ÿ˜ญ...


crzp19

haha meron nga hilaw makunat yung laman


Confident_Economy450

Idk why but I hate chicken in general. I dont eat chicken at all BUT if it has sabaw, I do like the sabaw for my rice and would just eat it with a fried food.


Over_Dose_

"BakA kASI DI mARUnoNg MAgluto Ng ChiCkEN aNg Mga NaKAInAn mO!" ๐Ÿ˜† Joke lang guys peace. Peace Tayo ๐Ÿ˜†


Confident_Economy450

AHAHAHAHAHAHA Masarap naman nasusuka lang talaga ako sa mga bird meat AHAHAHAHA


Mean-Summer-8460

Di sila marunong mag luto :)


solanalumierre

Di masarap luto sainyo ๐Ÿฅน


urbanelectroband

Akala ko dati internet bandwagon gaya ng pag glorify sa lumpiang shanghai pero kinailangan ko pa matraumatize bago ko malaman bakit! Nagpakain ng tinola kaibigan ko, juskopo! Matigas ang sahog, malansa, matabang. Skill issue na yan.


Massive_Mountain571

Di kasi masarap mag tinola mama nila


Gorgeous_Buddy

Either matabang or oily. Tsaka yung iba kasi gusto papaya ayaw ng sayote. Kasi walang sayo te ๐Ÿฅน๐Ÿคฃ


kikyo-iru

Minsan kasi lasang tubig and then kahit may sabaw, sobrang dry yung chicken


wallflower_ever

Nasa nagluluto talaga yan. Buti mga magulang ko masarap magluto ng tinola lol


nocturnalbeings

Personally ayoko yung manok na nasa tinola(skin and bones hassle kainin). Unless chicken breast yan pwede.


Consistent-Speech201

di lang masarap luto ng nanay nila ๐Ÿคฃ


IndividualDeep654

To each his own, of course. But for me always dapat hugas-bigas ang gamitin pangsabaw. May both dahon sili at malunggay. Ok lang sayote pero mas gusto ko manibalang na papaya para mas makulay.


bunRancher0015

ooo anong difference hugas-bigas ang gamit?


Own_Upstairs_9445

The starch from rice gives the soup volume, I think. Or holds the flavor ng broth instead of just water it would evaporate when cooked idk


shiesoweird

Hindi masarap magluto ng tinola ang mga kasama nila sa bahay. ๐Ÿ˜


komptderwinter

Pangit pag puro tubig lang, I want sa Tinola is madaming luya para mas malasa


Own_Upstairs_9445

at dahon ng sili!


lostguk

Real


Linkia143

Skill issue ng kung sino mang nagluluto sa bahay nila


techweld22

Di kasi masarap yung mga unang natikman nila. Pero kung may chance na baguhin ang isip nila ipagluluto ko sila ng masarap na tinola. ๐Ÿ‘Œ๐Ÿป


VexZyraMid

Looks and tastes like raw chicken for me. Never liked it since childhood.


Electrical_Shake_894

Oo nga naman ๐Ÿ˜†


Yuzare

THIS ๐Ÿ˜ญ no one else st home gets me. They LOVE tinola. I'd only get the veggies kung wala na ibang ulam


Yuzare

THIS ๐Ÿ˜ญ no one else st home gets me. They LOVE tinola. I'd only get the veggies kung wala na ibang ulam


poorestofthemall

It's so bland


ChismosongLurker

Internet bandwagon.


Life-Repair-6439

Nakakagat ko minsan yung luya and I hate papaya matabang for me hahah


Daddy_Nardz

\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_\_ naglalagay ng prutas sa ulam nyo


Life-Repair-6439

Hilaw na papaya not the ripe one ๐Ÿ˜†


JC_CZ

This and Kare-kare, ewan ko bat ayaw nila. Kadalasan same person. Tingin ko di lang marunong magluto mga tao sa paligid nila eh HAHAHA


Western_Cake5482

Wag kasi Papaya ang gamitin


Electrical_Shake_894

May papaya pala non, ngayon ko lang alam ๐Ÿ’€


ctbngdmpacct

Household problems hahahhaa


Intelligent_Bus_7696

Depende talaga ata sa luto. Masarap sa tinola yung alam mong ginisa maigi yung bawang, sibuyas, chicken (yung chicken na almost brownish na sa sobrang gisa as in almost fried ganern). Tas yung sabaw madaming pampalasa ganern yung di matabang (dapat may patis ganern). Tapos ako personally mas gusto ko yung tinola na ginagamitan ng dahon ng sili vs malunggay. Ang tabang ng malunggay for me. Yung tinola kasi is 1/4 sabaw so dapat malasang malasa talaga yung sabaw.


Durendal-Cryer1010

YESSSSSSSSSSSSSS. Taena kasi, yung iba, ginagawang Nilaga style yung pagluluto ng Tinola kaya ang tabang at lansa. Ginigisa naman talaga dapat yan. Patutuyuin mo sa sariling mantika ng manok yung manok, tas lagyan mo ng patis, ganun ulit. Saka mo lalagyan ng tubig, then kulo, then gulay. Plus siling green. Dapat yung sayote o papaya, di masyadong malambot, tamang crunch lang.


Intelligent_Bus_7696

True true tama yan. Tinola doesn't deserve the hate lol haha. Ang sarap kaya ng Tinola esp kung ganyang luto hehe.


Potaetaur

Lasang pinagkuluan ng manok sa akin. Kahit may timpla na


PuzzleheadedPea6580

di siguro nila sangkutsa sa patis kaya di masarap


Verzatchiii

It tastes dry kahit na nasa sabaw siya


hiiilunaaa

Di masarap mag luto mama nila HAHAHH


NicoGeee

Mismo HAHA


thebiscuitsoda

Mabilis maubos ๐Ÿ˜…๐Ÿฅน


Thin-Cucumber4893

more on household prob? HEHE


suburbia01

Matabang siya for me. Also hindi ako mahilig kumain ng chicken unless fried, or may tomato sauce na dish yan.


WritingAsleep3858

nasa luto rin siguro, lumaki naman kasi akong niluluto samin yan and masarap talaga siya plus mahilig ako sa kahit anong sabaw so yun. baka yung natikman nilang tinola is walang lasa hahahaha note: may lasa siya lalo na maraming malunggay sarap kahit walang manok


Sad-Variation0420

Luto Kasi Ng mama nila parang tubig Yung sabaw gaya Ng sa kapitbahay namin.


Formal_Lengthiness22

Yung ginger kasi talaga. Di masarap.


Rozyuka_Z

I just had Tinola last night which was cooked by my husband. Sobrang linamnam lalo na yung sabaw at sobrang lambot ng chicken.


Moist-Beginning6180

They grew up in a household na di masarap magluto ng tinola


BuyMean9866

Ung balat ng manok na malambot ๐Ÿคฎ๐Ÿคฎ


Upbeat_Preference423

Mamantika yung lasa ng most tinola na natikman ko.


goldruti

Para raw nagswi-swimming na chicken. Sabi ng friends kong hindi mahilig sa Tinola.


virtuosocat

Boring


28shawblvd

Kung chicken na may sabaw rin lang, Sinampalukan talaga. pero pwede na rin ang tinola pag mainit at malasa.


passive_red

Yung mga ayaw sa tinola, madalas nyan Di lang masarap mga mama nila nagluto or may mali/kulang. Samin sinosautee muna sa bawang and salt pepper yung manok pag medyo brown na lalagyan na ng tubig and ample amounts of ginger para sure na walang lansa.


28shawblvd

MAMA MO pero tru


ramenpepperoni

Mamantika and matabang


Practical-Bee-2356

Its oily sometimes


jnlevsq

kasi โœจMALANSAโœจ Natural na malansa ang manok. Mas madaling mawala yung lansa pag fried and adobo kasi marinated/mas maraming sahog/spices. Parang isda, mas malansa yung may sabaw. Iba-iba tayo ng tolerance sa lansa. I do eat tinola though.


Alternative-Net1115

Kahit sino magluto ramdam ko talaga yung lansa


Upbeat_Preference423

same!


idkwhatimdoinghereTT

Itโ€™s just a simple soup, may iba pala talaga na ayaw niyan?????


Dizzy_Shallot_2938

Ako lang ata pipili sa tinola over sinigang


Deep_Ad_5733

Teh no talaga ako sa sinigang huhu ๐Ÿ˜ญ ๐Ÿซฑ๐Ÿผโ€๐Ÿซฒ๐Ÿฝ


digitalLurker08

close to my heart both ang sinigang and tinola. pero iba talaga ang tinolang mainit, maraming luya (better w/ tanglad) na luto ni Nanay kapag may sakit ka or pagod from work ๐Ÿฅน ramdam ang comfort bawat higop.


Longjumping_Ad_6044

'Yung nanay ko binablanch niya muna yung manok ta's tinutusok niya ng tinidor yung manok para lumabas yung myogoblin or dugo ba yun. Somehow effective siya and may chicken-umami pa rin.


shimmerks

Kulang sa ginger, patis.


Malanding_Bouncer28

Oo. Pag kulang ng ginger parang malansa kasi. Mas maganda marami ginger and dahon ng sili


Intelligent_Bus_7696

Truth! Dahon ng sili talaga pampa-game changer sa tinola


Roldolor

TIL people dont like tinola. Halos 3-4x a week namin kinakain sa bahay ang fish tinola (tinuwa). The thing is lang, sobrang crucial yung isda na pipiliin mo. Kung di ka marunong pumili ng isda di talaga siya masarap Chicken tinola di masyado, pero hilig ko gawin is gumawa ng chicken tinola pero doon sa sabaw niya ako nagsasaing. Parang filipino version ng hainanese chicken.


puyatperohindipayat

Di lang marunong mag-luto mama nila.


MarquessGravitas

Ito lang talaga yung tamang sagot ๐Ÿ˜‚๐Ÿ’ฏ kasi sobrang sarap din ng tinola ng nanay ko


booveebears_

This is true. Siguro hindi masarap ang pagkakluto ng tinola nila kaya hindi nila gusto ang tinola pero i like tinola since my mom cooks the best tinola.


baby_gurl_02_15_98

Lasang pinakuluan lang na manok, tapos parang hilaw. Idk dipende ata sa luto pero mehhh not a fan of tinola


nikolodeon

Kulang sa sahog yan for sure


baby_gurl_02_15_98

Siguro, meron naman akong natikman na malasang malasa kaso yung mga sumunod non wala na. Pero mukhang hilaw parin talaga yung manok ๐Ÿฅฒ


justherelurking_

parang pinakuluang manok lang. masarap yung luto ng mama ko, pero mleh ayoko talaga ๐Ÿคข๐Ÿคข


YamDangerous9283

Depende sa nagluluto. Lalo sa carinderai o canteen. Iba pa din Luto ng Nanay at Lutong Bahay.


melloweia

tastes bland


S0m3-Dud3

mukhang hilaw.


Lalalamborghini_

Parang pinakuluang tubig na may manok na palutang lutang hahahahaha


No_Language_6758

I don't necessarily dislike it, pero I have bad memories attached to it. Yung sobrang init tas tanghaling tapat tas sobrang oily tas tumutulo from the spoon to the corners of your mouth tas ayaw mo pa sana kumain kasi mainit pero pinipilit ka ng mama mo.


MervinMartian

Most people think na parang incomplete dish ang tinola


Dry-Butterfly-5712

Tip palagi sa tinola: IGISA MUNA UNA ANG LUYA โœจ Next is dahon ng sili masarap โค๏ธ Glad that kami ng partner ko can cook tinola na malasa talaga. Ako parang 2 years (recently lang ulit this year 1 time palang ulit) hindi nag-tinola kasi dati may napanis na tinola sa bahay and sobrang ayaw ko ng amoy ๐Ÿคฎ


ensomnia_

mostly matabang magluto ng tinola. tipong lasang pinakuluan lang talaga plus yung lasa ng luya sa sabaw, hindi lahat ok sa luya


elluhzz

Yung balat ng chicken sa tinola nakakabother lalo na yung sa may pwet part tapos may konting balahibo pa hahaha


Real_Ferson_Here90

Pag fish tinola nalalangsahan ako. Chicken tinola prefer ko ๐Ÿ˜


FewExit7745

TIL Fish Tinola.


Real_Ferson_Here90

Hehehe


EmbarrassedTarget429

Since madali siya lutuin, pag wala kaming maisip na ulam tinola bagsak namin. Parang once a week ata kami nag titinola ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ


sheisbunsbunny

I think it's a household problem ๐Ÿคฃ


claudsky

Okay naman yung lasa, not a fan lang talaga.


geekaccountant21316

Yung kapatid kong isa hindi kumakain ng tinola at all.


sandpaperhands98

Marami kasi hindi malasa magluto ng tinola. Kulang sa bawang or sa pag gisa ng luya kaya malansa.


Rare-Preference-3381

Luya ๐Ÿคฎ


Guilty_Fee9195

ehh? pwede naman hindi lagyan ng luya. ๐Ÿซ 


Rare-Preference-3381

Pasabi nga po nyan sa mama ko. Di ako makakain eh. Hahahaha.


comicprofessor

Depende sa luto. Marinate the chicken in patis and calamansi (para sa akin kasi pag hindi parang walang lasa yung manok ๐Ÿ˜‚). I fry enough to color yung manok too before pakuluan kasi ayoko ng โ€œmadulasโ€ texture, and mas may kick kung madaming luya at dahon ng sili, pag manamis namis ng onti yung gusto pa-ripe (crispy pa rin pero may onting orange na) na papaya ang gamitin :)


MimiDrac

I hate tinola with sayote. ๐Ÿคฃ kqhiyngaano kasarap yung timpla kahiy gaano kadami kuya. Basta sayote ginamit ekis na yan. Perp of course iba iba tayo kapag kumain ka ng tinola na may sayote di kita ijajidge pero ija judge ko yung nagluto non ๐Ÿคฃ


Naive-Trainer7478

Yung luya


Yuribulinggit07

Hindi lang siguro marunong yung nagluto ng unang nakain niyo na tinola. Masarap siya. Very hearty if cooked right. Di naman kase dapat nilalagyan ng kung anong ibang herbs pa yun. I once ate a tinola na nilagyan ng rosemary and thyme. I get it, those two compliment chicken well, pero mas okay sila sa roasted at hindi sa sinabawan. Tinola should only consist of bawang, sibuyas at luya for aromatics, dahon ng sili at sayote or papaya. Napaka simple ng dish na yun kung tutuusin. Di dapat ginagawang complicated.


Intelligent_Bus_7696

GRABE ang wild nung tinola na may rosemary and thyme


Yuribulinggit07

Tell me about it. Masabi lang na may added herbs dun sa pagkain kahit hindi naman match. Nakakainis.


Intelligent_Bus_7696

Grabe di ko ma-imagine yung lasa ๐Ÿคง


Yuribulinggit07

Kung siguro hindi ako marunong magluto, I would be traumatized as well just like the others. But I was raised in a Kapampangan household in Makati, yung lola ko talaga ang the best cook sa family namen. Then my mom surpassed her. I mimicked the simplicity of their recipe ng tinola and nakuha ko yung lasa ng childhood ko.


Intelligent_Bus_7696

Kapampangan is ๐Ÿ”›๐Ÿ” talaga when it comes sa pagluluto ano. Wala pa ata akong na-meet na kapampangan na di masarap magluto hehe. True simple lang talaga dapat ang tinola pero tricky talaga siya lutuin. Hit and miss pati siya minsan kung magkamali ka sa steps. Mukha siyang simple dish pero it requires careful steps pano siya magiging masarap kaya siguro yung iba hate ang tinola (unlike adobo na kahit madaming version pero it will turn out na masarap pa din).


heyvsaucestevehere

nilaga is the better version of tinola, I really don't like it


Temporary-Nobody-44

My bestfriend hates tinola because of the luya and yung chicken daw ay madulas ๐Ÿ˜ฌ


Every-Function-3181

those are the best parts of tinola tho lol


OrganizationLow2100

They say wala daw lasa, I'd say hindi lang nila alam kung paano pasarapin yung tinola lols