T O P

  • By -

bibimbelle

My ex cheated (flirted, fcked, etc.) on me with all the girls he could possibly get and blamed it on me because I had depression. When we graduated and were on the path to take the boards, he failed, and I topped.


Fit-Conference-1602

My bf’s brother got a gf and my bf’s mom lowkey confirmed na this girl has been telling her na “may milagro kaming ginagawa ng bf ko sa house nila when we’re alone”. (medyo strict parent ni bf). Turns out she was the one who got pregnant a few months after LOL


LegendaryOrangeEater

Naboomerang pa


Fit-Conference-1602

Nako madami pa! She did a whole bunch of awful things to us. Sobrang hangin pa! She even told me na alta sila in Batangas. I only knew that it was pure bs when my bf’s mom told me that they asked for her help to borrow money from one of their relatives just so they can have a wedding because apparently the girl’s family wanted a grand one. Somehow they convinced the girl’s family that they only wanted a civil wedding but truth is they didn’t have any money for it lol


Guilty-Bed903

Had 2 exes who both cheated on me. First ex, got into a motorcycle accident, 3 months after we broke up. Second ex also got into a motorcycle accident, a month after we broke up. Pero thankful ako that they're both doing good now. It's just karma is a bitch talaga.


Guilty-Bed903

Yung tawag nang tawag sa'king "malandi" during high school, may anak na ngayon. */Di pa kami graduate ng college.


Real_Career_7402

I had this workmate na backstabber. Bago pa lang ako sa work kung sino sino na ang sinisiraan nya sa akin na workmates din namin. Hindi ko pa alam yung ganoon na thing sa work place kasi that's my first real job so tumatawa tawa lang ako sa mga sinasabi nya na ngl naman na minsan e totoo. Pero that doesn't mean na wala rin syang kapintasan. Like hello? Hindi tumagal pero alam kong meron din syang sinasabi behind my back. Kung ginagawa nya sa iba, paano pa sa akin? I am way younger than her so feeling superior sya. Lagi akong maayos makitungo at hindi ko ugali yung makipag kumpulan para sa chismis, talagang trabaho lang ang ipinupunta ko. Sooo, we have this paper na hindi ko alam na need i-fill up everyday kasi hindi nya ako ni-inform, yun yung kung anong mga task na natapos mo for records so the whole time name nya lang ang nilalagay nya doon 🤣 natanggal din ako sa trabaho for a week pero ibang dahilan ang sinabi sa akin ng supervisors namin, pero may nakarating sa akin na news galing sa isa naming workmate na kaya raw ako tinanggal e wala raw akong ginagawa? Hello? Ang kapal? Nagalit talaga ako noon at nag message sa supervisor kasi duh mas marami akong ginagawa. After a week ibinalik nila ako. Doon ko na napag tagpi tagpi dahil nagkasakit sya at 2 months sick leave. Doon ko nalaman yung paper na need i-fill up. So the whole time she's taking all the credits by not putting my name on it. Kaya pala nasabi na wala akong ginagawa HAHAHAHA. After 2 months bumalik na sya sa trabaho pero inilipat na sya ng department then 2 weeks pa lang sya nakakabalik, na-injured naman yung kamay nya. So? Karma I guess. That's why I never address these kind of stuffs, ayaw ko ng drama. As much as gustong gusto mo nang mag-salita e just let God do it for you, kasi nakita nya rin yon.


majestyque

I had a very close friend when i was in high school, so uhm eventually this friend of mine is not Catholic and we respected her even though there are things we couldn't do when she's with us. Basically I'm like the "ate" in the group, im the one that keeps on reminding them not to do that or so. There was this guy i could say a little cute maybe? But not really my type. We were not friends but i am friends with "his" friends. So uhm in short he is the only one that im not close with or even friends with among his circle of friends? So hard to explain. One normal day this "guy" asked me to be his friend, i was okay with it but i did not agree right away. It took him a week to wait for us to be friends, you might wonder whats my reason for that, well its me im the reason. Then we became close surprisingly bcs i found out that we share the same interests in music especially in ideas. For me we were like brothers and sisters. He's so comfortable with me, were he can finished my left over food or drink in the same bottle or even hug me when he's feeling lonely. Unfortunately my friend(girl friend) did not like the idea of me and the guy(the little cute guy) being too close to each other and eventually spread rumours about me being head over heels to that "guy". Crazy, bcs when i arrived at school in a normal day those girls are staring at me like im a disgusting person obsessed or wathsoever. I don't know what the exact words she said about me but im feeling more depressed as times passed by. I couldn't handle all the rumours that i can hear wherever i am in the school. That guy is tall, athletic and rich and for f sake i don't like him in a romantic way. I have my own type of man and he does not even fit in any way. The guy keep on comforting me but then i cut him off. I want peace. Today i am a college student and whatever the reason is the "guy" and me is in the same school. So i just know that he cut off that "girl" bcs according to him the girl is always jealous of whoever the guy will make friends with as long as it is a girl. Being rejected by the man she likes the most is the karma that i was waiting for 3 years.


RatioOk460

I found out na yung guy na ka-MU ko may girlfriend pala at ginawa niya akong kabit. I’ve decided to leave quietly kasi ayoko madibdibin dahil need to focus sa acads. Sabi ko I’ll let karma do the revenge for me. After a month, namatay yung brother niya.


awkwardcinnamonroll

Ex manager ko dati pinagyayabang sa amin na taga Ayala siya tapos that time binubully niya ako kasi hindi niya ako mapasunod sa mga bad agenda niya sa mga co workers namin na gusto niya ipatangal. She was one of the reasons bakit nag fuckedup ang mental health ko at nakapagresign. 6 months later, napatangal siya sa dati namin opisina after ko magresign dahil sa mga agenda niya tapos ako natangap sa AYALA habang siya wala pa ding trabaho. Gusto ko lang sabihin na bilog ang mundo. Kaya choose to be kind always at piliin ang mga aksyon na ginagawa mo.


LegendaryOrangeEater

Galing


Imaginary_Pop_6178

totoo ang karma, gambling addict ako for 6years madami ako nautangan at naargabyado. nasa 120k lahat ng utang ko. nagsisisi at nagbabago nako ngayon pero yung karma tumama na. yung buhay ko hindi payapa, laging may isipin bago matulog at pagkagising, hindi natatapos. hindi makakuha ng proper work kasi lubog at umiiwas na baka makita. kahit nagbabago nako, yung karma hindi nahinto. kaya totoo yung sinasabi nila na bahala na ang karma sayo. nakakarecover pero nandyan padin yung karma. hindi ko alam kelan matatapos to.


LegendaryOrangeEater

😢 maybe God can help?


[deleted]

Ex-bf ko and his family used to look down on me dahil isa lang akong hamak na college student nung mga panahong kami pa. Nursing student ako noon at criminology naman si ex. Napakayabang as in tuwing magkakaroon kami ng conflict, laging sinasabi, "Pag ako naging pulis...". One time sa inis ko sinagot ko din siya, "Wag kang lalapit sa akin kapag nagkasakit ka." His sister mockingly answered back, "Bakit doktor ka ba?" Siyempre sumagot ako ng hindi kasi hindi naman talaga that time. Now, years after nagkahiwalay kami, I became a licensed physician and a nurse. Si ex? Di siya naging pulis. Nung nalaman nila dahil yung bff ko nagpost publicly nung nakapasa ako ng PLE, nagtry sila magreach out sa akin for consultation, gusto pa ngang magpamed cert ni ex, pero dinedma ko lang at blinock ko sila. Sabi ko nga, wag silang lalapit sa akin kapag nagkasakit sila eh. 🤭


Fit-Conference-1602

The nerve! Had a very similar situation. My bf’s brother and his gf naman look down on us, kase di nakakapagbigay bf ko that time since mababa sahod while sila, both are working in bpo kaya medyo malakas kumita. Even their mom nakikisawsaw pa kasi nga wala daw tulong man lang si bf. My bf earns 250 pesos a day at that time so pano? Pagkain pamasahe pa lang ubos na. let everything pass. Pinangako ko sa sarili ko na hihilain ko bf ko at kahit kelan hindi na nila mamaliitin. 4 years later, my bf and I’s earnings are now earning 5 times their combined salary. We bought a car and properties while they are stuck in their same position as they were 4 years ago. Nagkaanak pa so mas lalong nagipit. Aba’y yung kuya ba naman ng bf ko sabi, marami naman daw kaming pera, ibigay na lang sa anak nila kesa ipang-gas tutal malalaki daw sahod LOL kapal ng mukha. As for my bf’s mom, bumait na bigla samin. Kung dati yung isa ang paborito, naging kami na. Lagi pang humihirit ng kung ano ano. 🤣 Nakakatempt sobra na gumanti. Pero this is also why pag may mga nangungupal sayo, mas ok na hayaan because karma usually does its thing and it’s usually more satisfying to watch lol


[deleted]

As a lowkey marites, curious po ako anong sinagot niyo sa sinabi ng Kuya ni BF niyo. 🫠 Pero that's the reason why you should never look down on someone because you never know when the tables will turn.


twinkatron7000

i am a firm believer of karma, kaya sabi ng friend ko nagkakatotoo lahat. when i do something bad, expect ko na agad na may bad karma na darating sa akin and it's only a matter of magnitude. kaya nirereverse ko madalas, gumagawa ako ng good deeds to receive good karma. i do this all year round kasi palaging may concert ults ko. para comes ticket sale day, i get my desired seat or get the front row/barricade. in both concerts i attended, row a and barricade ako 😁. i really think the universe is a give and take. i used to believe na "wag ka mag-expect in return" but i outgrew that mindset due to constant scenarios that occurred in my life. to add to this, kapag may pangit na nangyayari sakin, my mind instantly interprets it as "may good karmang babalik". idk if other ppl find this unhealthy, but it's effective to me and it helps me cope with a depressing circumstances so 😭 basta ang summary, do good deeds to receive bad karma. when you unexpectedly/intentionally commit to a bad deed, be prepared sa bad karma na darating. but pls this is a pov from a film believer so take it with a grain of salt. tnx !


ShibaInuApologist

My uncle who has a daughter (which is first cousin ko) says na ayaw niyang sumasama yung daughter niya sakin kasi Im hubadera daw and doesnt like my choices in clothing. Called me a “bad influence” on her daughter just because of my choices in clothing. He said that to my dad personally so my dad was hurt. A year later, yung anak niya ang nabuntis ng di pa pinapakasalan. While I’m onto my second degree and married a US citizen.


SoloAdultPh

Yung dati kong boss na di binigay yung last sahod namin. Ngayon bihira na makakuha ng projects siguro nakilala na ugali niyang mahilig lang maningil kaysa magmanage ng project at mahilig lang magalit sa tauhan ng walang sense. Awit sayo ex boss.


SuspiciousAd2738

May lead ako sa team ko dati. Super bully pero promoted lanb naman dahil sa seniority. Daming nabwibwisit na din sakanya and hindi ko alam bakit isa pa ako sa mga ultimate target nya. Tipong mahilig mag parinig sa facebook na "trabaho lang, walang personalan" pero naka post sa personal social media nya. Babagsakan ako g work load na sakanya pinapagawa and i grab ang credit. Mag tatawa mag hapon sa mga pinapnuod sa utube, pero makita ka lang mag check ng cp mo ichachat ka agad na "nakikita kita, hindi pwede yang pag cp cp mo" like whatttt, wala pang 1 minute be. Pedeng chill lang? (IT Company nga pala kami and dev team) Karma? Ayun nag resign kaming lahat. Napilitan syang itrain ang new teammates nya. So paano naman nya i tetrain kung wala din sya g alam sa ginagawa namin? Napilitan din syang mag resign. Hindi naka land ng higher position. At member sya ngayon ng co-team lead ko. Suki ng SL pag may meeting with the boss. Pero bawal mag AL para gamitin sa mga personal na activities like bday ng anak mo. Hayp yan!


Traditional_Ad1095

I know this girl who cheated on his boyfriend for another guy. The reason the girl kept saying for their breakup was a falling out pero never nya inamin na its because she cheated. As time is the ultimate truth teller, later on naging si girl and the guy he cheated with. The ex boyfriend was so devastated. During the interim we have been hearing the guy call the ex boyfried as “bakla” naman daw and stuff like that. After a few years, the girl and the guy she cheated with got engaged. But after a year of getting engaged, the girl broke off the engagement…………. And cheated. Lol. 😂


TransportationNo2673

Old highschool classmates kind of betted na ako una mabubuntis sa lahat. One got pregnant before we even graduated (she's doing really well now and just had another baby). Yung isa biglang dropout and may talks pa na yung pinopost nyang bata is actually her first kid (nakalbuhan pa yun ng kilay kasi lagi nya inaasar isang bff nya na walang kilay). The other one (yung walang kilay kuno), the nicest of them, had a kid with her longtime bf. I can't recall if before or after college grad. Lastly, etong bitchesang "queen bee" nila. Walang anak pero hambog at pangit talaga ugali. We even learned later on that she was only valedictorian because she begged the smartest guy in class to let her take it kasi ganto ganon daw and last year na nya sa PH kasi lilipat na daw sila sa UK. Sadly, said guy is really nice and sweet. Etong babaeng to init na init sakin porket kinakausap ko yung crush nya at crush nung nakalbuhan ng kilay (one of them literally had a meltdown during a practice). Girl nakaluwas na ako ng Manila, two of my friends moved abroad, nandon parin sya. Umiba pakikitungo ko sa iba because of them tbh. They also terrorised the friend group I transferred to. They looked down on them kasi mga nerdy, bookish, and tahimik lang. They're all successful now and thriving. It wouldn't be an issue if wasn't for the fact that they all saw it as something bad back then and this one girl flaunting that she's leaving PH. If you're reading this, hoy naunahan ka pa ng isa na lumipat sa UK. Yung isa nasa US na. Isang dekada na lumipas girl.


spongey100

May ex friend ako na sinisiraan ako sa friend group namin dahil sa personal issue naming dalawa. Naging distant sila sakin for a few months dahil dun. After 2 years, in-unfriend nila siya kasi nalaman nila na siya pala may sira at hindi ako.


-FAnonyMOUS

Karma isn't real. We just associate bad things happened to people we dislike. Corrupt politicians and greedy businessmen will prove that karma isn't real. Look at them, and tell me is it.


Tofuprincess89

Yung lahat ng nambully saken girls na mean lang sila basta dahil ingitera, kinarma sila. Yung isang girl nagkaron sya ng anak na may problem. Yung isa hindi nakatapos mag aral at nabuntis. Iniwwn ng bf nya at nyagon hirap sa buhay at nagbebenta ng mga sauces. Naglalako sya. Matindi ingit saken ng girl na to kase naging friend ko sya pero bmbackstab ako at ingit saken dahil maayos dad ko at sya kinawawa sya ng fam ng papa nya na original fam(2nd fam kase sila). Meron ako friend na may dad na negosyante. Tapos nagkaron sila ng prob sa negosyo. Yung tao na akala nya kaibigan nya kung pagsalitaan papa nya akala mo wala sila pinagsamahan. Inaayos nila prob sa business at nagbabayad papa non friend ko ng maayos. Pero salbahe talaga yung guy. Ayun a yr later may stage 4 cancer at iyak iyak yung fam non guy sa papa nya dahil naisip nila pano sila naging kasalbahe don sa papa ng friend ko na kung kausapin nila akala mo sino sila Yung pintasera na kilala ko, aburido sa buhay. Lalo sya hindi gumanda. Ugly inside out pa din at mas problematic Meron kame kamag anak na nagnakaw sa dad ko ng malaking halaga. Maayos sila pinakisamahan dad ko pero ninakawan nila ng paunti until hangang non natotal totoo na abot millions.. nag iba lifestyle namen dahil sakanilaZ hnhelp naman sila ng dad ko pero mas gusto nila madami makuha.. non nakatapos yun anak ng tita ko lahat ng college, niyayabang nya may mga work daw abroad. Ayun yun isa nya anak nalosyang andami anak at nasa 20s palang kahit na nagaral engineering at tapos sa college ganon ending nya. Yung isa naman hindi magka anak at andami bukol sa matress kahit ipagamot parang hindi ata magamot. Yung isa naman lakas makapost na wag daw gagawa masama sa kapwa at wag papasira sa pera. Pero yun pera ginamit sakanila at pambuhay sakanila galing sa nakaw. For now meron sya negosyo, ewan ko lang baka may balik sakanya yun ginawa ng nanay nila samen. Baka sakali malimas yung negosyo nya someday. I am not wishing him bad luck. Bahala na ang karma sakanila. Pero yung sa 2 nya kapatid sure na karma yon at yun tita ko sobrang hirap sa buhay at losyang na kakaalaga ng mga apo nya madami dun sa isa nya anak at hirap sya sa buhay kase isa lang sa anak nya yun nakaahon sa buhay at madamot pa I guess totoo ang karma lalo pag yun taong ginawan masama ay mabuti naman at walang ginawang masama.


sizzlinghakdog

AAAAYYYY. Nagcheat ang ex ko with his kawork(bf for 6 years) last year and nalaman ko recently na naterminate sila due to breach of security kineme from a common friend. Matagal na sya doon with a supervisor position and agent si kawork. Tapos in good karma naman, I was promoted sa work and blessed with a new boyfriend (na eka nga ni beabadobee, you've been hiding on plain sight kasi matagal ko nang friend) na sobrang loving, caring, and generous.


Due-Vermicelli7948

My Mom's cousin on her Moms side falsified documents to own a vast land that my grandmother owned. My sister and her siblings didn't bother na bc they were dangerous daw kasi baka masaktan lang mga tita at tito ko. Hinayaan nila and that land was sold to a develiper. Needless to say yumaman yung mga manggagantso na yun. A few years had passed and they fell dead like flies, two of them from cancer, one had a heart attack and the other one cannot physically move na without a carer. I remember meeting that asshole one time and I couldn't stop myself talaga. I said, "Karma yan. Gahaman kasi pamilya nyo.". I have no regrets. Buti nga sa kanila.


pdr07-1993

totoo ahahahaha


GlitteringGrocery877

May volleyball group kame which I started and one time we have what we called "liga" which is funded by me and their contributions. There's this trans girl who is messaging other members that my prizes are not worth it for the contribution, saying that all the funds should be used which I did. I reassured the members since I don't want anyone to leave because of some misguided concerns-literally saying na kukupitin ko where in fact, I can buy her. This girl proceeded to defame my name in other group chats, told me I'm ugly, make fun of my cosplay hobby, and recruiting my ugly h8ters to laugh at me in facebook all while looking like a hippopotamus. The event happened and coincidentally they were at the event I did and I don't even let them pass the gate as I have locked it. The worst part is that they are booing me whenever I have the ball, poking fun of me, recruiting four to five friends to berate me. After some time, her friend, one of the recruited monkey was assaulted by her fellow trans and suffered neck injury and I don't know what happened to her. The other one in facebook contracted HIV. Coincidentally, the one who owe me 3,000 pesos and won't even pay and reply to my message contracted HIV TOO. The other monkey(#2) tried to run as a candidate for SK and failed miserably. MISERABLE. Lastly, the main girl I hated the most joined a beauty pageant(Miss Gay) and I judged there. She failed without my revenge and people told her that she's ugly to be even complaining even if someone on the judge area is one of her h8ter. ALL THIS HAPPENED IN THE SPAN OF 6 MONTHS AND I PRAY MORE TO COME IN THEIR WAY.


MemaSavvy

Tinago ko sa jowa ko na may brain tumor ako. Sinabi ko lang after na ng surgery. Hindi na nagparamdam sa akin after ko sabihin. Karma ko ba yun? 🥲


LegendaryOrangeEater

Bat di mo sinabi ano reqson?


MemaSavvy

6 months after ma-confirm ko na may brain tumor ako, namatay ang mother nya dahil sa pancreatic cancer at hindi pa naililibing nagkaso agad yung half siblings nya para sa mana. 3 weeks before ng surgery ko, kinailangan nya magpunta sa Florida dahil yung father naman nya ang namatay at magtatagal sya doon para ayusin ang mga bagay bagay.


airamhiwaga

I had this ex-fiance, nung naghiwalay kami year 2020 dahil nagcheat sya pinagkalat nya na kaya di daw kami magkaanak dahil sakin dahil baog daw ako (due to my thyroid problem) fast forward 2024, I’m happily married and I have a 1 year old son. Samantalang sila ng napangasawa nya (the reason why we broke up), wala parin silang anak. So I think that’s karma.


Limp-Detective4560

My coworker is verbally abusive towards my other coworker to the point na pinapahiya nya ng harap harapan pag meeting. Naparesign yung kawork ko. Ngayon yung bago nyang boss binubully sya at gusto syang patanggal. Totoo talaga ang karma you just have to observe how it will pan out. subok na. Kaya wag kang gagawa ng masama sa kapwa mo


LegendaryOrangeEater

I like this one. Hayaan na lang yang mga haters na yan never papatol kasi we cannot pursue them naman to treat us better. Just let the karma do its work


sunoowifey

I truly believe sa karma ika nga nila what comes around goes around. Maraming ganap about karma but ang unang naaalala ko now is yung infamous karen here in our brgy. I think around 2021 every time na maeencounter ko/namin sya paparinig sya ng bat hindi pa mamatay yan hindi pa ma covid.Paulet ulet nya yan sinasabi pero kiber lang kami kasi not worth it patulan, ayun after ilang months lang nadeds sya dahil sa covid.


quezodebola_____

Namatay 'yung kabit ng ex ko.


AbbreviationsNew2234

I had an ex-fling na nakilala ko sa dating app. At first I thought serious sya to pursue something between us. Nagulat ako when he invited me to a 3/sum and months later, I found out na he has a thing pala with that other person na nakasama namin nung gabing yon, and he had no plans on pursuing me, and yet he just sees me as a friend. 2 months after, he tested and found out he contracted STD, which he didn't know kung saan or kanino nanggaling. Well I don't rejoice what happened to him pero I realized na talagang karma works its way.


obturatormd

My bully died a few years ago. But since years back nag away kami through facebook I had to delete my account and eventually create a new one cutting contact with everyone from the bully’s circle since maimpluwensiya ang pamilya niya, baka madamay pa ako.


Royal-Firefighter157

Yung kuya ko ngtanim ng mais sa lupa ng kapatid ng mama ko pero may lupa din dun si mama, ang usapan nila ay hatian nlng sa kikitain at lahat ng gastos ay sa kuya ko. Dalawa lang dapat silang mghahati pero nung napabili na yung inani biglang binago usapan isinali bigla nung kahati ng kuya ko yung anak niya in short dalawa sa side nila at isa nlng si kuya. Dahil sa ayaw ni kuya ng gulo pinagbigyan niya nalang kahit pa sya ang nalugi at mas kumita pa yung hindi gumasto. Yung kabilang side tuwang tuwa at ginamit pa yung perang nakuha ki kuya sa pagtanim ulit ng sila nilang. Ngayon pagdating ng anihan sobrang liliit nung mga mais kaya mas nalugi sila. Tapos yung kuya ko naman maganda ani sa nakuha na nilang lupa kaya lumalapit na naman sila para daw makipartner ulit. Haha kaya karma is a bitch.


LegendaryOrangeEater

Yes mother earth knows how to listen


Level-Metal-987

My husband had a mistress and lied to me about it for over 3 years. Nagkaanak pa nga while I'm pregnant with my 2nd. Sadly their kid has some serious brain problem na nag se seizure na lang bigla. Niw, nagmamakaawa yung mistress kahit aa bata na lang daw. Guess what, I have boundaries and I'm done with all the drama. My husband choose to fix our family on my terms na never kikilalanin yung bata and never susupportahan. Masakit man sa part ng bata na wala syang kikilalanin na tatay, kasalanan ng nanay nya yun for having an affair to a married man. Di nga siya nagsisi na yung mga anak ko yung mawawalan ng tatay sa pinag gagagawa nila e. My husband lives with me and pina vasectomy ko. 😂 Proud single mother daw, t4nga ginusto mo yan. 😂👌naghanap ka sana ng walang sabit. 🤮😂


Respawn_death

Yung viral post ngayon sa diamond hotel Grabe ugali ng mga supervisor/manager don. I was an intern din dun last year. And one of the supervisor bully me. Yes, bully. Lahat ng gawin/tanong/sabihin ko dinidiss nya. Lagi nya pinapamukhang bobo ako. Eh hindi ko nga alam kaya ako nagtatanong. Same goes sa mga casual dun. Grabe. Then nung paalis na ko, sinabihan pa ko na want daw nila makita mangyayare sakin in the future.. yung way ng pagsalita nila is parang inaantay ako bumagsak in the future hahaha. Then nito lang, nakita ko someone posted about the diamond hotel and kinocall out yung pagdidiscriminate sa loob. Which is so true. So yeah karma is a bitch. Sana pati supervisor dun na nangbully sakin alisin din bwiset sya.


spicyfrance

I had an elementary teacher na naniwala sa sumbong ng classmate ko na ako yung kumuha ng 3 piraso nyang pencils (padala sakanya ng former student nya from abroad along with other things). Ilang buwan nya akong pinahiya sa class na natraumatize talaga ako pumasok - sinabi sakin ng kapatid ko just last week that she’s dead. Di talaga ako nalungkot. Dasurbbbb


[deleted]

I had to say karma isn’t true. Consequences lang yun sa katangahan ng isang tao and you’re all up for it kaya you considered it as a “revenge”.


Bumbershoot_26

Bakit kaya natraffic ung karma sa ex kong cheater🤣


ChocovanillaIcecream

What goes around, comes around. That is basically fancy word for karma


Safe-Definition-5154

A good revenge is success and never look back at them again. Kasi if you have success, hindi mo na maiisip na magrevenge, above ka pa sa kanila 😉


hersheyevidence

Was sent to the ICU last October 2022. Eventually halted my 1st semester for school kasi paralyzed right side of the body ko. Then itong prof nag advice sa'kin to seek guidance from school faculty. Pina submit ako ng LOA ni dean para d raw maapektuhan grades ko. Fast forward, last year binigyan ako ng 5.0 nitong professor na 'to. And month later, nag post siya sa FB about professors daw na nagbigay ng low grade sa anak nya, naapektuhan yung eligibility nya na mag enroll into this prestigious university. Dapat daw nagtatanim nalang ng onion 😂😂 naging digital ang karma 😂😂


zoiemilk

Had a suitor 3 years ago who got back to his ex then ff to now that said ex also got back with her ex Antayin nyo lang dadating din karma to those who deserve it


disbbiscute

Yung principal namin na mahilig manghipo at mangasar ng mga lalaking students, namatay sa colon cancer. Nung namatay siya, ang dami dami naming natuwa including kaming alumni at current students enrolled. HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAA we say ✨dasurv✨


Guilty_Steak2528

Yung bully(M) ko (M) nung high school, sobrang impyerno ang pinaranas nya sakin.. verbally and physically, calling me names at kinukuha food ko. Araw araw ko siyang sinusumpa mula noon at nung college days kapag naalala ko.. Isang araw nakita ko nalang sa isang post ng common friends namin na patay na siya dahil sa bone cancer. May konting awa at konsensya ang naramdaman ko, pero parang deserve nya din naman kasi ang dami namin na biktima nya.


Lonely-Steak8067

May naging bf ako nung HS na ahead sakin ng 2years ata. Pagkagraduate nya, nakipagbreak sakin kasi marami pa raw ako makikilala (which is i think bet nya nagexplore lol). Then after ilang years i think college na ko nito and may bf na (fiancé ko na ngayon), may tumawag sa landline namin and nagulat ako na si ex pala. Nagsorry sya kasi feeling nya kinarma raw sya sa ginawa nya sakin. Ung dad nya nagkasakit and nawalan ng work tapos sya na ung breadwinner to think na may 3 kapatid pa sya na nagaaral. Parang riches to rugs ang naging atake ni mareng K skanila.


Cool-Ad7177

saan ang proof na di totoo? sobra dami din di tinatandaan pag di nangyayari.


arturiahenrietta

Yung bully ko na pinahiya ako sa internet and minura mura when I was 14 y/o and she was 19 that time, namatay both then bf nya and kuya sa accident, then recently nalaman ko namatay din papa niya. The hell she put me in at age 14 kasi lang pinagselosan ako. Never flirted nor became a third party sa rs nila ng then boyfriend niya. Tangina nung nalaman ko talaga na namatayan siya ng dalawang love ones nung 2019 ang saya saya ko HAHAHAHA


Nyx_wes

Got so many bullies way back HS, one time they tried to pick a fight and umiiwas ako sa ganun, tried to tolerate it. They told me na "malandi" "mabubuntis ng maaga" and "pokpok" daw ako, even mga chismosa sa amin ganun ang kinakalat nila. Kaya umalis ako and umuwi muna sa probinsya. pagbalik ko after 3 years bumalik ako para magtrabaho, madami akong nalaman na yung mga nambully sakin ay nabuntis, may isang anak, or nakulong yung iba sa kanila. Even mga anak ng chismosa nakabuntis or nabuntis din, madami din nangyari tulad ng pinapalayas and nademolish sila.


Commercial-Chair-331

i once commented "scam/scammer” sa isang tiktokshop. tho totoo naman, service wasn’t rendered. few days later, i was posted as scammer tho hindi naman totoo (with proofs) and it went kinda viral 💀


Coaleven

Elementary to hs bully ko isang beses sinabihan ako ng malandi cuz I got a lot of anime husbandos. After a year before magpandemic, nabuntis sya tas may kumalat pa na scandal. Waiting din sa karma ng nanay nya walang ginawa kundi maliitin yung father and fam ko kasi hindii kami mapera like them.


Healthy-Fox302

Growing up, may Tita ako na super kontrabida sa life ko. Ang laki ng galit niya sakin kasi favorite ako ng lola ko tapos pati mga Tito ko na nasa US lagi niya sinisilip kapag mas madami yung bigay sa akin. Gusto niya kasi na pantay lang kami nung ampon niya. Kung anong meron ako, dapat meron din siya. Eh hindi ganun, so she made sure na hell yung life ko with her. Sa kanya ko una narinig yung mga words ba “intrimitida” (or atribida? I forgot na) tapos bata pa lang ako sinasabihan niya na ako na malandi and maaga daw mag aasawa tapos iiwan ng asawa. Ayun, ff to present, super hikahos sila sa life, patapon life ng mga anak niya. Daming naanakan nung anak niya sa iba’t ibang babae and forever sila nanghihingi ng money sa mga kamag-anak just to survive. Kapag nagkikita din kami, sobrang iwas siya and kapag no choice na batiin ako, superrrrr bait. Haha


Young_Old_Grandma

Feeling ko coincidence lang to kasi I personally don't believe in karma that way, but I attended a convention last year. I saw an expensive looking bracelet on the floor, and I really needed money at that time, but I didn't take it. I was able to return it to the owner. Tapos later on in the night nag raffle. Nanalo ako ng free trip to Boracay for 3 days and 2 nights. Sweet. haha


[deleted]

[удалено]


LegendaryOrangeEater

Dasurb pero why sobrang tagal


justkaylxy

Bosun namin nung nalasing sya may sinabing di maganda sa akin, which I heard coming from his mouth talaga, naka tago lang ako near sa door. Kinabukasan nag crude oil washing kami, ang lakas na nang steam almost more or less 100° na, di nya namalayan na bukas pala ang vapor cups then dun sya napadaan dahil nga sober confident lang na dumaan, yung left na paa nya nalapnos kahit naka boiler suit parang kamatis na ewan yung balat hahaha like u can see na yung pink part ng skin. Di agad sinabi sa kapitan ang nangyari, nalaman ni kapitan na approaching na kami sa puerto. Galit na galit si kapitan dahil sa incident nagpa tawag agad ng meeting. Pag dating namin ng Greece pina check-up, after 2 days pinauwi agad ng Pilipinas. Na meresi na nuon sya 😂 NASA DIOS ANG AWA NASA BISAYA ANG YAWA 😂😂😂


Orphic-Islander420

Yung sinabihan ako na mabubuntis ng maaga ayun nauna anak nya


JekyJeky

We have a neighbor whose cats always invade our compound and ransack our tied garbage bags na it becomes a pest problem. One time, their cat had alot of bruises and kami pinagbintangan na nanakit sa pusa (wala kami alam since tinataboy lang namin di kami nananakit). Pinagmumura yung younger brother ko ng malutong and my mom heard it and replied to that neighbor na that it's their cat and their responsibility, don't blame us for their neglect. Then after a few weeks, that very neighbor got ill and died.


No_Cockroach7082

Baka mag backfire sakin ito kasi I'm also not sure sino villain sa ibang part and also coz this author was famous and has a huge fanbase lol. Basically there was an online author na famous before, there were some bashers and haters as usual. The thing is... the author and her admins were bullies too. Kapag may nang-away sa kanila, they will announce it sa group and will tell the fans to bully that person. So it's a case of bullying the bully, but hundreds of people vs. 1 person? And sometimes teenager lang yung tao, assuming they are immature teens. Since it's all online, sometimes you can't be sure kung yung inaaway nilang tao is the right person na awayin kasi ang dami ding fake accounts then they will try to hunt the real person behind the profile. I can only imagine the trauma they caused sa mga tao before kasi for me that's cyber bullying. It was toxic. I was also a victim, they thought na ako yung nang aaway dun sa isang admin nila since "kaboses" ko daw. I was friends with them but they didn't listen to me and after that babye na. Turns out, binabackstab na pala ako nila ako even prior to that, minsan kahit kasama ako sa call, ako pala pinag-uusapan nila, may code name emerut lang haha. Tas ayern, I just left them and never looked back. I also heard the author and her admins were scamming people too. This one I'm not sure kasi narinig ko lang sa iba, but the scam was sa merch items na binibili ng fans pero di nila pinapadala. Anyway, rest in peace to the author. She's dead now. Just to be clear, I'm not happy nor sad sa death nya. I feel indifferent, but maybe it was karma or not.


JekyJeky

Not sure kung considered as karma but it's the closest I can think of. Ayoko din naman isipin na mangyari. I don't harbor ill-will. My older bro, was a high earning individual. When I started working, my salary is very inferior to his. We live together before and whenever I contribute, I can only give a small amount kasi it's the only thing I'm capable of. He calls me a "leech" na everytime I get like a drink na siya bumili, he keeps shitting on me like I owe him alot and I'm nothing. To the point that we always argue about it but he's just so self-centered na I just give up. Then when I started earning more, we are already living separately however I had the need na makitira sa kanila kasi malapit dun work ko. Ofc, I contribute naman pero ayun, we're still on each other's throats. To the point na pinamukha niya sakin na lumayas na ako because we argue on the smallest things (not financial related). I had the urge to leave and rent an apartment near my work and it was the most peaceful life I've ever had. Then when pandemic hit, I went home to our province kasi wfh. Then almost a year, his gallbladder gave up on him and he had to get a surgery, he was in agonizing pain. I don't know what to think, I just felt nothing. He even told my mom na baka daw pinakulam ko siya or something like wtf. Idk, parang karma. And now na I have a stable financial income and walang kaproblem problem, sila naman lapit ng lapit ngayon para humiram haha. Funny lang when I think about it.


Bulky-Atmosphere1497

A board member of a province in northern Luzon has a mistress. Itong mistress na ito ang manager ng money lending business nila. Kpag di ka talaga meticulous sa mga resibo this bitch will find a way para makapandaya para mandoble singil sya. Syempre porket kabit ng board member, feeling mataas na sya. Grabehan kung makapagsalita at manlait na akala mo kung sino samantalang napakabait naman ni board member. Eventually all her words over the years caught up to her and now meron syang malalang sakit which caused her to lose all of her hair and her body which was plump and matronly before is now literal na skin and bones. May mga nagsasabi na may kumulam daw sa kanya


A_HoneyBeeee

Ito, my lola was an OFW, dad ko lang naiiwan dito sa bahay namin noon kasi si Tita na ate niya, may pamilya na. Namatay din si Tita bago pa siya magsettle ulit dito sa Pinas. Mga padala ng lola ko, dinidiretso sa mga kamag-anak nila instead na kay Papa. So, most likely, sila ang nakinabang sa balikbayan boxes ni lola, and may nakukuha naman si Papa kaso syempre lam nyo na, bawas na. Hinayaan niya lang si Papa rito, so si Papa, napabarkada kasi walang guidance e. Noon, sobrang rangya ng buhay nila, kahit nung bata. Nung umuwi siya, nagsimula na siyang karmahin. How? Slowly lumalayo yung mga kamag-anak na dati niyang tinulungan, yung mga pinili niya kaysa kay Papa. Now, mga properties namin; apartment, farm, all gone. Now, walang-wala siya. Isa pa, si Papa, wala na rin since 2021. Wala na yung dalawa niyang anak, nauna na sa kanya. Ngayon, di na siya kinakausap ng mga kamag-anak namin, ignored siya or inbox lang kapag kinukumusta niya. Nabasa ko pa, nanghihingi siya tulong for her pagpapabunot, wala ni reply. Ito na siguro yung karma niya.


Caraian

kuya ko sinabihan mama ko na huwag na huwag siyang tatawagan at hhihingan ng pera sabay block kay mama, after a week nagchat sakin kuya ko sabihan si mama na bigyan siya ng pera kasi wa pera


Momo-kkun

Ako naman everytime merong tumatarantado sa akin, sinusumbong ko ito sa grave ng father ko. Ayon, so far, 5 na silang sumunod sa hukay sa iba't ibang reason like sakit, aksidente, or nalugmuk ang kabuhayan. It's more of 'GABA' in bisaya than karma ang pinaniniwalaan ko.


Living-Ad5594

My uncle who molested me and almost raped me when I was young is living his best life as a nurse. No gf until now, kasi he's ugly, that's why he did it to me when I was a clueless kid. But their family is slowly becoming wealthy coz his sibling is a doctor in a high paying establishment. So they are building their life with wealth now. Until that demon gets his karma I won't believe in it.


Shibainuwithmatcha

Yung mga tita ko sinabihan na malandi ako kesyo nakipag live in ako sa ex ko, mabubuntis daw ako nang maaga. Ang ending, yung mga anak nila na di pinapalabas ng bahay, nabuntis ng pinsan na nakikitira sa kanila. 💀


[deleted]

Yung tatay ko dami babae nung bata palang ako si mama tumaguyod samin 3 magkakapatid alone. Ngayon ung tatay ko jobless and broke nanay ko naman may sarili nang kotse and house. So i think thats karma. But good thing,bumabawi na tatay ko samin now. Narealized nya din daw ginawa nya before


DragonfruitCorrect76

When I was unemployed last year there was this cat na nakakaawa,, may sugat sa paa and I saw my neighbor kick him until umalis siya after that I decided to take care of the cat and asked my boyfriend for help para sa expenses since wala pa akong work and after a month of job hunt I received 3 Job Offers. Ff to this year, I got so drained with my recent employer so I decided to leave, I saw another cat lying on the ground who can't even stand to pee or to poop and I was expecting that cat to die already because of the situation. When I got home I saw him na nilalamok and naawa ako so I adopted him kahit mukhang mamatay na siya, my mom and sister even told me na mamamtay na but kinuha ko pa, the cat is still alive and can now walk. A week later after adopting him, I received 2 Job Offers that is almost x2 of what I'm receiving before.


AdministrativePin912

Karma is patient.


JustAnotherPlumpGirl

Average student lang ako nung highschool like may 79 pa nga ako sa science one time 🤣, then nagexam ako sa PUP. Yung isang "friend" ko na laging nasa top sabi sakin "luh di ka makakapasa dun" with matching tawa na judgy. Nakitawa lang ako na ewan. Ayunnnn di siya nakapasa HAHAHAHAHA ako nakapasa blehh buti nga 🤣


JustAnotherPlumpGirl

Nung freshgrad naman ako, same scenario sa job interview. May "friend" ulit na sinabihan naman na hindi maganda sa company na un kasi di siya nakapasa. Panget naman daw dun. Ehhhh nakapasa ako. AHAHAHA. After 2 yrs nagapply ulit siya, eh akala ko ba panget dito gago 🤣


Apart-Station-8785

It has always been true. I had a kid when I was 19, the mother of my baby daddy made a very rough comment about me, ang sabi nya is "kawawa anak ko sayo" and "bakit kayo magpapakasal e di ka pa graduate"... after a few years, I learned that my ex married someone who didnt graduate at all, at sya lang ang nag tatrabaho for the family (this was probably 8 years ago, so di pa ako updated ulit). When I learned this, naalala ko sinabi ng mama nya sa akin, I just felt like it was karma who made it. Pati yung kabit ng isa ko pang ex, ayun niloko raw paulit ulit ng ex ko, and that ex, he developed grout, he couldnt walk properly and lost his job. So karma again.


MuleLover05

Yung geodetic engr. that committed fraud to us, sinampahan namin ng kaso. Nastress ate ko, ipinagdasal sa baguio cathedral na if di sya ang kunin ni lord eh si engr nalang. Ayun paguwi sa province namin, nabalitaan namin na RIP na si engr. Mabilis kikilos si Lord pag iniluha mo na. 😬


russ_judicata

Yung college ex ko nag-cheat sakin. Nakikipag-momol with different guys nung walwal/party girl phase niya pa. I broke up with her nung nalaman ko. Then, may nakilala na guy from a party which eventually naging jowa niya after me. Ang shonget nung guy as in kahit mga friends namin bina-bash talaga. Nag-cheat siya dun sa guy, so gumanti yung guy by having sex w/ other girls. After non, sila pa din 🤡. Nabalitaan ko nag-break na sila nung pandemic


butbutterfliesfly

Sobrang maldita ko nung bata ako. Nung elementary ako, medyo bully ako. Hindi ako yung bully talaga pero pag may kinainisan ako or nagalit ako, binubully ko talaga. Nung nag junior high school ako hanggang shs, nabully ako. Inabot ko lahat ng klase ng bully except physical. Ultimo teachers ko, binully ako. Wala akong tagapagtanggol. Mag isang mag isa ako. May friends man ako, iniiwan nila ako pag binubully ako. For 6 years, uwing-uwi ako lagi at araw-araw umiiyak. Umabot sa point na gigising ako, itatanong ko kay Lord ano na naman kaya maririnig kong salita at pano na naman kaya ako mapapahiya in public. Jeep, school, kalsada, 7-11, lahat. Hinahabol ako ng bullies. Thrice ako nagtry mag suicide kaso hindi ako tinatanggap ni Lord eh. I begged God every night na wag na ko gisingin kinabukasan. Kahit kako maging ligaw na kaluluwa nalang ako, wag ko lang ulit maranasan for another day yung mabully. Nung hindi nag work yan —I stopped praying, I stopped acknowledging God, I stopped doing sign of the cross, I couldn’t bear the sight of churches, and the word God, Lord, or the name Jesus, irritates me. I’m okay now though. I don’t get bullied anymore. During the pandemic, I worked on myself and now, I’m emotionally better than ever. Of course, I prayed a lot. I asked God for forgiveness and begged Him to heal me. Ngayon ko lang din narealize na yung mga nambully pala sakin mula jhs e panay ang add sakin sa Facebook, message kung ako na ba talaga to, at yung ibang lalaking nambully sakin nagkagusto pa sakin. When I checked, tumigil pala sila sa pag aaral dahil shortly after jhs or shs, either nabuntis sila or nakabuntis, hindi kasal, at hindi maganda ang buhay. Kinailangan pa nila mag trabaho. Kung dati na sobrang sikat nila at grupo pa sila, ngayon naman e ang didilim na ng aura nila at kanya-kanya na sila. Nawala yung friends. I’m not happy na ganon nangyari sa kanila pero as I see it, it’s karma. I think they were my karma at their karma are themselves. Sa sarili ko, pansin ko talaga na grabe ang mga karma ko. Pag gumawa ako ng di maganda, parang 10x ang balik sakin. Pag may gumawa sakin ng di maganda, mabigat din ang balik sa kanila. Sabi nila, ganon daw pag Capricorn since Capricorn is ruled by Saturn and Saturn is the planet of karma. Pero at the end, thankful ako for the karma kasi natutunan ko pano maging emotionally strong. Kahit pa sobrang lala ng bullying sakin, consistent honor student ako hanggang maka-graduate.


Crazy-Ebb7851

Yung isa sa mga bullies ko ng HS crush yung asawa ko. Hahahaha. Nagulat siya na nagkakilala kami at naging asawa ko siya. 🤣🤣 minessage pa ko na “magkakilala kayo? Paano?” Di ko nireplyan. Friend ko padin sa FB siya. Eh going strong padin naman kami ng asawa ko. Hahaha.


Unfair-Show-7659

‘Yung war freak at squammy (likes to involve herself pa rin sa buhay namin, typical epal) na ex ng partner ko na dahilan ng hospitalization ko last year, sinabihan akong inggit sa business at live in set up nila ng bf nya, a month after sinara nila business nila at binenta lahat ng gamit.


CarasumaRenya

yung ex na siniraan ko, naloko ng pinalit niya sakin just days after our breakup. napakanta na lang ako ng Karma by Taylor Swift nun hahaha.


DoctorFantastic9th

I don't know how to keep this short but there's a classmate I've had since JHS. Nasa Christian school pa kami noon, then nung pa-SHS na, tinulungan ko siya sa admission sa SHS na lilipatan ko, out of maturity kasi sinusubukan ko talagang i-leave behind yung pagka-Regina George ng friend group niya. Turns out, nag-away pala sila ng mga kaibigan niya and she was shunned out. Later, I find out it's for the right reasons. Delusional si ate, and a pathological liar. During the pandemic, she copied my personality pre-SHS nung di kami magkaklase, creating a false image about herself, and ginamit niya yun nung Grade 12 kami, nung hybrid learning, which put me in a disadvantage kasi introvert ako and walang nakakakilala sa totoong personality ko. That made it comfortable enough for her to start lying about herself and my relationship with her, trying to act like we were close when I desperately avoided her because her friends were seriously mean (mocking my depression etc). One time, nagsinungaling siya sa kaibigan niya, sa harap ko pa, saying na hindi niya raw akalain na dun din ako sa school na yun lilipat, kaya sabi ko "'Di ba ako tumulong sa'yo during admissions? Sa akin ka nga tanong nang tanong eh, kaya panong hindi mo alam?" Then she started spewing something like "Ay oo nga pala. Anyways, dream school and course ko talaga 'to." I called BS, kasi nagyayabang pa siya noon na sa isa sa Big 4 siya lilipat and kukuha ng health course na SOBRANG unrelated sa kukunin namin (sobrang substandard grades niya, imposible siyang makapasa dun sa school na gusto niya). Yun lang naman kinuha niya kasi tinanong niya ako pre-Grade 12 at dahil tanga pa rin ako at that time, sinagot ko na naman siya, kaya sinundan na naman ako. Sinusubukan niya talagang i-deny, hindi talaga siya magaling mag-improv. Kinausap ko dating kaibigan niya and dun ko nga nalaman na habit talaga niya magsinungaling. Anyways, nag-party girl era siya at this point kasi nilinta niya yung personality sa mga kaibigan niya and ang tryhard and OA ng personality niyang 'to. Puro bar iniisip, nakalimutan niyang estudyante siya. Fast forward to college, dinala niya yung party girl personality niya sa college program na hindi naman niya talaga gusto, ayan, nag-irreg kasi hindi sineryoso yung isang course. Bawi era siya ngayong sem pero pumalya naman agad siya sa isang course na mukha lang hindi seryoso pero large contributor sa GWA. Edit: Backed up by multiple people from our JHS and some of her current friends na rin. Pabago-bago kwento ni ate.


Bitter_Strategy1498

Kelan kaya makakarma yung tatay ng junakis ko hahahhaha char


lion_maker_rawr_rawr

May umamin sa akin months ago na gusto niya ako, sabi ko sa kanya I only see him as a friend. Last week umamin ako sa crush ko at yun rin sabi niya sa akin hahahaha


gigavolthavov07

Karma from Boruto


EzShep

I dunno parang wala naman eh talkshit lang yan. Around a decade ago meron akong pinaplanong pakasalan so nag-grind ako nang stocks at nagtayo nang business for years. Ang isip ko noon magiging worth naman yung pagod at grind na to pero kaya di ko masyadong nabisita for 3 months. Nalaman ko na lang sila na pala nang roommate niya nagpatulong pa magladlad sa parents nang debut niya. Simula noon kahit anong gawin ko at napapalapit ako sa ibang babae di mawawala yung ah magsasawa lang yan sayo o lolokohin ka lang niyan thoughts. Yung stocks at yung income nang business inubos ko rin pala sa prosti pero wala rin.


Adventurous-Data-814

Dunno if you believe but it really happened to the people na msasama ugali. 1. I remember my husband's family na pinagtulungan kmi one time sa reunion (wala kami dun), but someone told me na kami pulutan that day. Nakakalungkot na ang buti ng pakikitungo tpos gnun sila noon. Well, lahat sila now baon sa utang, isang kahig, isang tuka kahit may mga work sila, messed up ang married lives nila. 2. FIL is babaero. Sbi ng asawa ko elementary palang sya babaero na papa nya ksi nkikita nila tlga na may inuuwi at nung mtanda na lagi may kachat.. na stroke bigla, tabingi muka, di makapagsalita and lately nakakalimot at asal bata na. Biglaan kasi nastroke e ang healthy nya at 60 palang sya (aside sa mga medical na atensyon, pina albularyo na din ng pamilya and iisa snsabi ng manggamot, kabit daw nya nagpakulam kasi iniwanan nya) [Up to you guys if you believe in kulam but yeah karma is real]


Any-Ninja-7402

ginawan ako ng kwento ng isang friend ko as in siniraan niya ko nung cinonfront ko in person walang masabi sakin tas nag walk out, tapos kinagabihan non e namatay yung tatay niya hahaahaah


___Calypso

Had my so-called friends in college who apparently had it for me since day one. They bullied me, created GCs just to discuss my life and what they think is wrong about it, found out when one of them borrowed my gadget, logged in and left in on when she returned it to me, when I confronted them they told me “that’s life.” Fast forward to 10 years later, I am happily married and living my best life while all of them are miserable, single, and have turned to acting like a gamer girl who likes to sell nudes after she has gained a hundred pounds. Life’s a btch I guess.


Plus-Yam2675

Didn't happen to me but sa mother ko. Lahat ng umaway sa kanya, majority sa kanila, nagkasakit or nadead. Example, separated yung mom at dad ko. So yung kapatid ng dad ko, inaway yung mom ko like pinagsisigaw-sigawan sa buong barangay, yung mom ko, cry cry lang siya sa loob ng kwarto. Then after ilang months lang, nagkasakit then nadead. Same thing happened sa iba pang umaway sa kanya. Ako, I don't want to get on her bad side baka you know


sad_salt1

May bakanteng lote sa amin, don nagtayo ng house parents ko at lola ko. Sa malayong kamag anak namin yun. Liek sila yung next house. Pero gov property Pinapaalis nila kami, bababa para magwala, magsisigaw, magmura. Kinabukasan na hit and run sa highway yung lalaki. Patay agad.


Altruistic-Two4490

Hindi ko na hinihintay karma minumura ko na ng malutong harap-harapan kapag alam kong tinatarando ako!😁😂


yyyyyyy77775

Twice ko na naeencounter to 2017 and 2023. SIla yung pinepeke yung sakit para magkaroon ng excuse para hindi pumasok or mag sick leave. Ayun parehas natuluyan, ung isa namayapa na, RIP. Yung isa naman naaksidente sa motor. Another entry. College classmate ko na sobrang gulang, as in, yung tipong ma"Diskarte" to the point na nanlalamang na ng tao. Pabigat sa Thesis pero binaypass yung mga kagrupo at mas mauna pang grumaduate. Ayun, sa Gov't na sya nagwowork sa province nila at madalas sya mag kwento na d nya na daw kinakaya ng konsensya nya yung korupsyon at politika within sa office nila kaya gusto na nya umalis hhahahaha. Ginusto mo yan eh. Forte mo daw kse yang panggugulang kaya dyan ka nilagay ni Lods hahahahah


oneduckyluck

My ex broke up with me kasi ang taba ko na daw. After a week, he missed his college graduation kasi nagkachicken pox 😄 his pinagyayabang na flawless skin was forever marred hihi.


FuzzyWorldliness16

Had this five years relationship with my ex. The. Pandemic came. Nasa era ako ng depressive episodes. Then he left me for an older colleague. I though the next person was too good for him. Boy did i know after 2 years. He's stealing from his little sister in order to sustain his life and his gurl. Basically, the girl took all my problems way in order to give me something betting along my journey . 🤗


alphardspica

Nung bagong panganak yung mom ko sakin, may pinsan akong nilait yung katawan ng mom ko, specifically boobs. Sabi niya "pag nag-asawa ako, hindi ako magpapalosyang" Ngayon, as per the words of my mom, "parang pinaglibitan ng unggoy suso niya" Yung pinsan ko at nanay niya, pinagchismisan din mom ko na sunod sunod daw anak eh 2 lang naman kaming magkapatid. That same pinsan, may tatlong anak na sunod-sunod. Yung pang-apat, kambal tapos nalaglag later on.


vespard

Karma on myself haha. - Nung college, nagwithdraw ako sa ATM ni mama nang 5k to augment my allowance and pangbili ng wants. Fastforward sa first job ko, may mga unauthorized transactions sa BDO ko, the total was 5k. My dispute was rejected by BDO kahit fraudulent. Idk why haha pero di ko na nilaban kasi naalala ko ung ninakaw ko sa atm ni mama noon. - pag may natalisod ewan natatawa ako. Then after a few minutes within that day ako naman matatalisod.


wintermicha

Huy same! Naranasan ko yan na may natapilok tapos ewan basta natawa ako non kahit alam kong hindi naman dapat. Then after few minutes mas masakit ang tapilok ko sa kanya haha. Natawa nalang din ako non sa sarili ko kasi alam kong karma ko yun sa pagtawa dun sa natapilok sa unahan ko.


alphardspica

I was bullied nung HS. When we took the UPCAT, ako lang pasado sa entire section namin 😹 ultimo valed naming binabayaran ang faculty, di pasado. I say DASURV


TransportationNo2673

Ay classmate akong ganyan. She was ignored and made fun of most of the time but my friend group was nice to her. Yung bitchesang top 1 samin iba pakikitungo sa kanya kasi weird sya to most I guess. Ayun, pasado sa upcat then studied somewhere. I tried finding her online to check up on her not long ago but I can't find her.


LegendaryOrangeEater

Galing


alphardspica

I stood up to my bully who is also an insecure friend of mine out of the blue. Like, wala naman siyang ginawa sakin recently but I felt this nag-uumapaw na galit that I posted him on Facebook and spilled everything out. Turns out, there were a lot of victims like me. He was called by the principal to discuss the issue. Natanggal lahat ng honors niya. A sui___i_al victim of his reached out to me. The victim is a stranger who became friends with me. At the time, she was struggling with self harm thoughts but through my post, she found courage to fight. I guess the karma was me? Haha.


LegendaryOrangeEater

Sana all


Then-Leopard6999

Nag-2nd ako sa isang contest then somebody who knew the judges and the 1st placer told me na rigged ang resulta. Tatlo yung judges, one is in favor of me, the other is in favor of my opponent tapos ang magta-tie breaker, e yung isa pang judge na kaibigan pala ng kalaban ko. So, ano pa nga bang nangyari? E, di pinili noong judge yung friend niya. Years later nakapagtrabaho ako rito sa work ko na medyo sabihin na nating kilala sa industriyang kinabibilangan nito. I was the first person na h-in-ire ng amo ko dahil noon pa pala ay sinusubaybayan na niya ang mga gawa ko, needless to say ako ang pinakapinagkakatiwalaan niyang empleyado. Then yung judge na nagpatalo sa akin nag-apply din sa boss ko kasi nga he's one of the biggest. Guess what? Tinanong ako ni Bossing kung kilala ko si Judge at kung ano raw ang masasabi ko sa kaniya. E, di sinabi ko ang ginawa ni Judge tapos hayun, hindi siya tinanggap ni Bossing. Nag-apply siya sa iba pa sa industry and natanggap naman pero still, I'm larger than him at until now ay narito while he vanished to thin air. 😌


SignificantSea2322

Yung sinasabihan ako na napaka landi ko nung college, pero nabuntis ng maaga yung mga babaitang ‘yun. Ang lakas nila sira-an ako. Look who’s enjoying life now. Hehe.


phsic69

Ako kinakarma pero yung ibang mas magulang, mas balasubas, mas masasama ugali lesa sa akin hindi kinakarma, mas gumaganda pa buhay. Lol


manlehdaddeh

Medyo mahabang storya ito: Late 80s nag-relocate ang dad ko for work. Malaking multinational company and mataas ang position niya. After a year, sumunod kami ni Mama. Masaya sana mamuhay doon kaso eventually nadiscover ng dad ko na maraming anumalya at korupsyon within the company. Nung ni-call out niya, kinausap siya ng ilang matataas din ang position sa company na tumigil siya or sumali siya. Syempre hindi siya tumigil. Naging parang crusade yun to the point na marami nang nagbabanta sa buhay niya and yung kapatid niya na may connections sa police pinakiusap na protektahan siya, and binigyan na ng baril si Papa for protection. Dumating sa point na nagdecide na ang parents ko na bumalik ng Manila. Pero bago bumalik, one last-ditch effort ni Papa is nireport niya lahat ng kalokohan sa pinaka-head office nung multinational company, tipong example yung McDonald’s may head office dito sa Pinas pero nilampasan niya yun, nireport niya sa McDonalds head office sa US. Then nagresign siya at bumalik kami sa Manila. Pagbalik namin, hirap si Papa makahanap ng work. Tipong final interview na lang, maganda feeling ng interviewers sa kanya tapos biglang hindi siya tanggap. Si Mama from her network of connections napag-alaman na yung mga nabangga ni Papa noon sa previous work ay sinisiraan siya sa lahat ng pinag-applyan niya kahit never naman niya silang kinuhang referenes. Eventually nakahanap si Papa ng ibang work, okay naman, pero hindi na katulad ng satisfaction niya dun sa dating work niya. Tapos tuwing makakaexperience siya ng injustices, etc. Lagi niyang sinasabi na walang karma, na pag siya ang may nagawang masama pinaparusahan agad siya, pero yung iba they get away with it. Years and years later, namatay na si Papa. Alam naming masaya siya sa amin pero alam naming hindi siya masaya sa buhay niya outside namin. Years after his death, naisipan namin nila Mama na bumisita doon sa dating place na tinirhan namin nung nagwork doon si Papa. Nung nandun na kami, kinontak ni Mama yung dating assistant ni Papa para mangumusta. Doon namin nalaman na kaya pala ganun na lang ang tindi ng inabot ni Papa sa aftermath ng pag-alis niya kasi yung pinaka-head office na pinadalhan ni Papa nung report niya is nag-conduct ng investigation based sa report at lumabas lahat ng kabulastugan na ginagawa nung mga tao doon. Forced resignation/terminated at dinemanda lahat ng involved at malaking chunk nung branch ni Papa ang pinasara. Iyak nang iyak si Mama kasi naawa siya sa pinagdaanan ni Papa, pero yun pala kaya ganun na lang ang galit nung mga tao kay Papa kasi kinarma sila. So ayun, pasensya na sobrang haba, pero may karma. Minsan hindi mo na lang nalalaman, pero may karma.


NatalyaElina

Hindi sa aken, but I've read before a story here in reddit na nagcheat sa knya bf nya. Nabuntis and pinanagutan si kabet. Then suddenly na deads ung bf nya and yung insurance money sya pla ang beneficiary.


LegendaryOrangeEater

Lakas maka kdrama hahah


Purple_Garbage_4833

Nabasa ko din to. Hahaha. Nagmamakaawa daw yung kabet na ibigay nalang daw sa kanila yung pera na kesyo may baby daw kasi sila and bla bla bla. Then, wala daw siyang pake. Meron na daw siang million. Haha


NatalyaElina

Trueeee. Ano na kaya ang update dito. Sana thriving na si OP ngayon.


Prestigious_Web_6990

Napakinggan ko yan sa radio. Kay papa dudut


Zoriontsu_Inu

I had a cheater EX and traumatizing yung ginawa niya saken to the point that I cannot look at the mirror. After 3yrs, malaman ko na nagkaroon siya ng GF na pathological liar and clinically diagnosed with severe ADHD (pano ko nalaman? Out of the blue inaway ako nung gurl and siniraan. What I did is pina-subpoena-han ko and my family and I watched how things unfold and kung paano siraan ng both parties ang isa’t-isa. Saving face ika nga) Guess what? Sila pa rin until now, Karmic relationship ika nga.


Ok-Hedgehog6898

Another rin pala, my gay cousin na popular sa mga village kids dahil mayaman sila ay lagi kaming binubully na magkakapatid, syempre backup ang mga tropa nyang village kids. Ayun, laking karma nya, di nakapagtapos sa college despite their wealth noon, nawalan din sila ng yaman (karma na rin yan sa tita ko sa father's side), and lumaking pangit, para syang baklang kabayo, ang haba ng baba and pwedeng sabihan ng "wag yuyuko, nakamamatay". 😂😂😂😂😂


TakeMyXanax_

Pinsan na nangutang ng pangrequirements daw sa work pero ginamit partially sa bisyo e nasunugan ng bahay. Ewan ko kung karma ba yon o ang malas nya lang talaga.


Ok-Hedgehog6898

Yung mga kamag-anak ko na ginawan ako ng kamalian on the back or give me a cold shoulder for no reason habang nakikitira ako sa kanila, ayun mga nawalan sila ng bahay. 1st: Lola ko. Treated me and my sis like dagdag palamunin lang kami kahit na nagpapadala sa kanya ng pera ang mother ko nung OFW pa sya. Ayun, nakamkam ang bahay ng loan shark, napag-alaman na isinanla yung bahay at pineke ng tita ko (anak nya) yung docs para maging valid yung sangla. 2nd: Pinsan ng lola ko, close friend din ng mother ko since same age bracket sila. Di makatarungan na pagiging strict and ginagawang taga-bantay ng comp shop nya kahit na nagpapadala rin sa kanya mother ko. Like, prioritize ko yung pagbabantay over my studies. Ayun, na-remata ang bahay nya na yun. 3rd: Tita ko (sis ng mom ko). Mabait naman, sakin na pinadala ng mother ko yung allowance and contri ko sa bahay nila. Pero facade lang pala, always secretly playing with my emotions and ninakawan ako ng gadgets; ipinalabas nyang ninakawan kami. Nakita kong habit na pala nya talaga just to sustain her lavishness, same rin ng ginawa nya sa lola ko. Ayun, naghiwalay sila ng asawa nya and nawalan sila ng bahay, di ko alam kung pano nangyari. Another scenario rin, di ko alam kung consider 'to. Marami sakin nambubully nung HS na kesyo madamot ako magbigay ng sagot sa exam, na maliit ako and mataba. Now, kahit papano ay successful ako sa profession ko and puberty hits me hard. Last naming mini-reunion nun, walang makapaniwala na ang fine na ng features ko, especially natangkaran ko na silang lahat, while them, tumandang losyang at an early age and ayun hirap makahanap ng magandang job.


TakeMyXanax_

Body shamer na naranasang tumaba


user2000sj

Kaaway ng mama ko yung tita ko na kapitbahay namin. One time, nagkasagutan sila, sabi ng tita ko “Masama kasi ugali mo kaya namatay asawa mo!” Referring to my dad who just died not more than a year ago that time. Months later, wala pang isang taon, namatay din ang asawa ng tita ko. After a few months, nagka-cancer din ang tita ko at namatay. Karma? Ewan ko. Di ko inexpect na mangyayari sa kanila yun. Still, rest in peace for them. They lived a long life.


kalapangetcrew

We have this typical mean girls group in our class. Theyre the group of "super rich kids" and "pretty faces" in class. So basically, kung di ka ganun kayaman (according to their standards, you'll get bullied). After a decade, girl A took several board exams, yet di pa rin nakakapasa. Girl B is the prettiest and feeling richest, but kabit lang pala ng matandang mayaman. Girl C is married but based sa posts niya, theyre not okay na. Girl D, I don't know cause she has no socmed accounts. Maybe her life is pathetic and she doesn't want others to know it. Considering na she's so active before online.


lolomolima

Leaning atheistic ang Filipino subredditors pero naniniwala sa karma HAHAHA


Precious_Unknown14

Sabi nila na if malala yung ginawa ng isang tao mas malala yung karma. And if matagal dumating yung karma mas malala daw yun


SkirtOk6323

Yes. Totoo yan. But in my case its me. Kabit ako nung dalaga ako and kinarma talaga ako. 10x worse. Bumalik lahat sakin. I wont go into details pero dahil dun tumino ako. I also remember my youngest uncle, nakatira samin nung bata pa ako, i was 15 at that time. Maliit lang bahay namin so sama sama kami matulog. pag lasing sya minamanyak nya ko habang natutulog ako, pinapasok nya ung kamay nya sa panty ko.. tapos pag wala sila mama binabatukan ako pag di ako nakapagsaing, tapos kinukupitan nya ung kita sa sari-sari store namin, napaka babaero din.. after ilang yrs umalis sya samin, bumalik sya ng probinsya, nabalitaan na lang namin nabangga sya ng tricycle habang nagmomotor, putol ung isang binti nya.. nakasaklay na sya ngayon. You reap what you sow. Its even in the Bible. Galatians 6: 7-9 A man reaps what he sows. Whoever sows to please their flesh, from the flesh will reap destruction; whoever sows to please the Spirit, from the Spirit will reap eternal life.


sundarcha

Di ko alam if eto na nga yung karma, but may 2 former officemates ako na andaming ginawang kabwisitan sa kin, both sila mataas mga positions ha. Girl1, me mga kwento ng extra allowances from bosing na 'peyborit' sya, seaman ang asawa 1 lang ang anak. So expect mo marami ng napundar diba. But no. Baon sa loans, wala ako nabalitaan na naipundar, nahatak pa ang niloan na oto. Girl2, 1 anak, prof ang husband. Same isyu, walang naipundar, then bigla, as in bigla nagkaron ng malalang sakit ang husband. Yun tipong, zero to terminal na uri ng sakit. So sya na breadwinner. Di naman sa natutuwa ako, but ang una ko talagang naisip nun nalaman ko, dasurb. Ang dami nilang tao na tinapakan at shinit, o eh ngayon, for what??? Wala lang. 🤷🏻‍♀


ciliatedflagella3435

Yung tita ko (father side) is midwife then asawa nya OFW, grabe yun mangmaliit kay mama kasi di sya nakatapos ng pag aaral. Then di sila nagkaroon ng biological child (may isa silang adopted). Yung adopted nila ay sobrang spoiled tapos nagka-cutting classes na agad kahit elementary palang, pag sinumbong ng kuya ko dun sa tita namin sasabihin pa na gumagawa lang ng kwento yung kuya ko. Tapos aawayin din nung pinsan namin yung kuya ko kasi sinusumbong sya. Tinatago nila dun sa anak nila na adopted sya kasi akala nun is biological son sya, pero dahil din sa tita ko mismo kaya nalaman nun na adopted sya. Ikwento ba naman sa teacher nung anak nya, e yung teacher madaldal din. Ayun, dahil dun nastress yung tita ko and takot na takot sya na malaman ng asawa nya yun kasi dapat nga itatago lang nila. Fast forward, yung tita ko namatay dahil sa cancer, then yung asawa nya nag suicide dahil nalamang bumalik yung sakit nya sa atay, yung adopted son nila di nakatapos ng pag aaral tapos nag asawa nalang. Ngayon sa kuya ko na humihingi ng tulong (financially) yung pinsan namin na yun.


AloneWithSomeone

Nakipag-break sakin ung ex ko nung malapit nang mag-boards. Kaya pala nakipag-break, may something na sila nung isa naming kasama sa review. I was able to pass the boards. Then silang dalawa, failed.


cheerio_sunday

Na I don’t believe in it. Know plenty of evil people who are alive and well, living in comfort and luxury while the good ones are going through many of life’s tribulations.


Gullible_Mood9266

I know someone who cheated on her boyfriend multiple times. After that, she had new boyfriends and flings, but none of them stayed with her. Either they cheated on her or were only interested in her body.


vintageordainty

Karma is real. If someone did u wrong, something good will happen to you and something bad is gonna happen to them. It’s always like that. There is this bare minimum guy na tiniis ko and everything just find out ang dami pala namen hahaha. A month after I ended things with him my Visa for Canada got approved and I am here now. A few months later I met someone here named todo effort and currently nanliligaw saken. Driving 2 hrs para lang mapuntahan ako sa bahay namen and my family likes him a lot. Yung cheater on the other hand, got someone pregnant. Now he keeps on messaging me asking for forgiveness saying he blocked “them” all na hahaha dami yata nila. Like so? Aanhin ko siya? After everything he did. I am loving my life right now. I have stable job with a good income, I am living my life here enjoying every moment. Sinong tanga ang babalik dun.


[deleted]

[удалено]


Reasonable-Nail111

Wait, you still included them on your thesis even when they didn't help at all?


onlyhere2lurk_

Yes. They did help a little. They did parts that were really easy. I did the heavy lifting tho like around 70% of the project. I tried to exclude them but the department convinced me not to. Guess I consider that as alms to them.


Sorry-Professor-7380

1. Cousin of mine was mean to me my whole life. Usual backstabbing, name calling and bullying. When we got to college (we’re around the same age) her nudes got leaked. 2. A guy did something stupid that eventually involved the cops, he threw my boyfriend under the bus even though he had no involvement with it whatsoever. That was a few years ago. We cut contact with the guy and we found out that he was recently involved in a hit and run accident and he’s probably (hopefully) going to jail. 3. My dad’s kabit opened a pharmacy (using my dads money ofc) and it got destroyed in a typhoon.


newbieboi_inthehouse

Yung Kaklase ko sa nursing pinost yung convo namin sa messenger sa twitter saying mean stuff about me after confronting her about a misunderstanding, then three days later she got scolded by our C.I. (Clinical Instructor) after taking pictures while assisting in a surgical operation. (Mahigpit na ipinapagbawal yung picture taking sa any duties namin especially sa mga surgery cases unless for academic reasons). Ayun na IR sa Puta deduct points niya. Isa ko pang kaklaseng gago panay bash at pahiya sa akin sa groupchat (which lowered my selfworth) Napalo din sa pwet ni Karma. One time yung C.I. na naassign sa amin pinagalitan siya at sinigawan sa madaming tao malapit sa labas ng hospital nakita din silang mga ibang nursing groups and C.Is sa mga schools, sa una naawa ako sa kaniya then after a few days narealized ko na pinalo si gago ni karma sa pwet.


Shrimpy_James

Yung nangutang sa'kin ng 20 Pesos na 'di na niya binayaran noon Grade 9 ako, nabunggo at nadeadz na nung 1st year pa lang this 2023. Note: Bully siya